أحكام الهدي والأضاحي والتذكية
Ang mga Patakaran sa Handog, mga Alay, at Pagkakatay
Ang mga Patakaran sa Handog, mga Alay, at Pagkakatay
Panimula
Ang papuri ay ukol kay Allāh. ِAng basbas at ang pangangalaga ay ukol sa ipinadala bilang awa sa mga nilalang at ukol sa mag-anak niya, mga Kasamahan niya, at sinumang nagsakalakaran ng Sunnah niya at napatnubayan ng patnubay niya hanggang sa Araw ng Pagtutumbas. Sa pagpapatuloy:
Ito ay isang pinaiksing mensaheng naglaman ng pinakamahalaga sa kinakailangan ng Muslim kaugnay sa mga Patakaran sa Handog, mga Alay, at Pagkakatay. Nagtipon kami nito para sa mga lalaki at mga babaing tagabisita sa Dalawang Marangal na Ḥaram nang sa gayon sila ay maging batay sa isang kaalaman at isang pagkatalos sa mga nauukol sa Relihiyon nila, habang umaasa mula sa Mapagbigay na Mapagmagandang-loob, na magpakinabang Siya sa pamamagitan nito at gumawa Siya nito bilang maayos at dalisay para sa Mukha Niya; tunay na Siya ay hinihilingan at pinakamapagbigay na inaasahan.
ِِAng Pangkaalamang Lupon ng Kapisanan ng Serbisyo ng Nilalamang Islāmiko sa Maraming Wika
Ang mga Patakaran sa Handog, mga Alay, at Pagkakatay
Ang handog (hady) ay ang anumang inihahandog sa Ḥaram at kinakatay roon kabilang sa mga hayupan at iba pa sa mga ito, na tinatawag ng gayon dahil ito ay inihahandog kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).
Ang alay (uḍḥiyah, iḍḥiyah) ay ang kinakatay para kay Allāh sa araw ng Pagdiriwang (`Īd) at mga araw ng Tashrīq bilang pagpapakalapit-loob kay Allāh.
Nagkabuklod sa hatol ang mga Muslim sa pagkaisinasabatas ng mga ito.
Ang pinakamainam na handog ay ang kamelyo, pagkatapos ang baka kung inilabas nang kumpleto dahil sa kataasan ng halaga at pakinabang sa mga maralita dahil sa dami ng karne, pagkatapos ang tupa.
Ang pinakamainam sa bawat uri ay ang pinakamataba rito, pagkatapos ang pinakamahal rito sa presyo, batay sa sabi ni Allāh: {Iyon nga. Ang sinumang dumadakila sa mga sagisag ni Allāh, tunay na ang mga ito ay bahagi ng pangingilag magkasala ng mga puso.} (Qur'ān 22:32)
Hindi nakasasapat kundi ang tupang nakalubos ng anim na buwan at ang thanīy bukod doon kabilang sa mga kamelyo, mga baka, at mga kambing. Ang thanīy mula sa mga kamelyo ay ang nakalubos ng limang taon, ang thanīy mula sa mga baka ay ang nakalubos ng dalawang taon, ang thanīy mula sa mga kambing ay ang nakalubos ng isang taon.
Nakasasapat ang tupa sa handog para sa iisang tao at sa alay naman ay nakasasapat para sa isang tao at sambahayan niya. Nakasasapat naman ang kamelyo at ang baka sa handog at alay para sa pitong tao. Batay ito sa hadith ni Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: "Nagkatay kami kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa taon ng Ḥudaybīyah ng kamelyo para sa pitong tao at ng baka para sa pitong tao." Sa isang pananalita: "Lumisan kami kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang naglalayon ng pagsasagawa ng ḥajj. Kaya naman nag-utos sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsosyo kami sa mga kamelyo at mga baka para sa bawat pitong tao sa amin sa alay." Sa isang pananalita: "Nagsagawa kami ng ḥajj kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagkatay kami ng kamelyo para sa pitong tao at ng baka para sa pitong tao."[1] [1] Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Batay naman sa hadith ni Abū Ayyūb Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) nang tinanong siya kung papaano ang mga alay sa panahon ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kaya naman nagsabi siya: "Ang lalaki noon ay nag-aalay ng tupa para sa kanya at para sa sambahayan niya saka kinakain nila at ipinakakain nila, hanggang sa magpayabangan ang mga tao kaya ang mga ito ay gaya ng nakikita mo." [2] Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu Mājah.
Ang isang tupa ay higit na mainam kaysa sa isang kapito (1/7) ng kamelyo o baka.
Hindi nakasasapat sa handog at alay kundi ang ligtas sa sakit at kakulangan ng mga bahagi ng katawan at sa kapayatan. Kaya naman hindi nakasasapat ang pisak na malinaw ang pagkapisak, ni ang bulag, ni ang yayat: ang payat na walang utak-buto, ni ang pilay na hindi nakakakaya ng paglalakad kasama ng malusog, ni ang bungal na naalisan ng mga pangharap na ngipin mula sa tinutubuan ng mga ito, ni ang tuyot sa gatas na natuyuan ang utong ng gatas dahilan sa katandaan ng edad; at hindi nakasasapat ang maysakit na malinaw ang pagkakasakit. Batay ito sa hadith ni Al-Barrā' bin `Āzib (malugod si Allāh sa kanya), na nagsabi: {Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "May apat na hindi pinapayagan sa mga alay: ang pisak na malinaw ang pagkapisak, ang maysakit na malinaw ang pagkakasakit, ang pilay na malinaw ang pag-ikaika, at ang yayat na hindi nagkakautak sa buto."[3] [3] Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, at Imām Ibnu Mājah.
Nagsabi si Imām At-Tirmidhīy (kaawaan siya ni Allāh): "Ang paggawa ayon dito ay nasa ganang mga alagad ng kaalaman."[4] [4] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
Ang panahon ng pagkatay ng alay ng tamattu` at mga handog ay matapos ng ṣalāh ng Pagdiriwang hanggang sa kahuli-hulihan sa mga araw ng Tashrīq ayon sa tumpak na pahayag.
Isinasakaibig-ibig na kumain siya mula sa handog niya kapag ito ay handog ng tamattu` o qirān at mula sa alay niya. Magreregalo siya at magkakawanggawa ng mga ikatlong bahagi, batay sa sabi ni Allāh: {Kaya kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo sa sawing-palad na maralita.} (Qur'ān 22:28)
Hinggil naman sa handog ng pagkaobliga, na anumang dahil sa pagkagawa ng isang sinasawatang kabilang sa mga sinasawata sa iḥrām o dahil sa pagkaiwan ng isang kinakailangan, hindi kakain mula rito ng anuman.
Ang sinumang nagnais na maghandog, tunay na kapag pumasok ang sampung araw ng Dhulḥijjah ay hindi siya kukuha ng anuman mula sa buhok niya ni mula sa mga kuko niya hanggang sa makapagkatay siya ng alay, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag pumasok ang Sampung Araw at nagnais ang isa sa inyo na mag-alay, hindi siya kukuha mula sa buhok niya ni mula sa mga kuko niya ng anuman hanggang sa makapag-alay siya."[5] [5] Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Kung nakagawa siya ng anuman mula roon, hihingi siya ng tawad kay Allāh at walang fidyah (pantubos) na kailangan sa kanya.
Ang paraan ng pagkatay ng alay at handog at iba pa rito kabilang sa anumang kinakatay ay ayon sa sumusunod na pamamaraan:
1. Walang magkakatay kundi ang Muslim na nakasasapat sa gulang, nakapag-uunawa o ang Hudyo o ang Kristiyano. Magpapakay ng pagkatay ang tagakatay. Hindi siya magkakatay para sa iba pa kay Allāh at hindi siya mag-aalay sa iba pa kay Allāh. Sasambit siya ng ngalan ni Allāh sa sandali ng pagkakatay o pag-aalay. Magkakatay siya sa pamamagitan ng isang gamit na matalas, na hindi ngipin ni kuko. Padadaluyin ang dugo sa lugar nito. Kailangan na ang tagakatay ay maging pinahihintulutan sa pagkatay niya ayon sa batas.[6] [6] Aḥkām Al-Uḍḥiyah ng Pantas na si Muḥammad bin `Uthaymīn, p. 56-87.
2. Pipiliin ang alay saka magsisigasig sa pinakalubos sa mga alay sapagkat: {Nag-alay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dalawang tupa na kulay puting nahaluan ng itim na may sungay. Kumatay siya ng dalawang ito sa pamamagitan ng kamay niya. Bumanggit siya [kay Allāh] at nagdakila. Naglagay siya ng paa niya sa mga gilid ng dalawang ito.}[7] [7] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
3. Ang pagpapahusay sa pagkatay sapagkat gagawin ang lahat ng nagpapaginhawa rito sa sandali ng pagkatay. Kabilang doon na ang pagkatay ay sa pamamagitan ng isang matalas na gamit at na padaanin ito sa bahaging pinagkakatayan nang may lakas at bilis dahil ang hinihiling ay pagpapabilis sa pagkitil sa buhay sa pinakalubos sa mga pamamaraan nang walang pagpapahirap. Batay ito sa hadith ni Shaddād bin Aws (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {May dalawang naisaulo ko buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: "Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng pagpapaganda sa bawat bagay.* Kaya kapag pumatay kayo, pagandahin ninyo ang pagkapatay. Kapag kumatay kayo, pagandahin ninyo ang pagkatay. Hasain ng isa sa inyo ang patalim niya saka bigyang-kapahingahan niya ang kakatayin niya."}[8] [8] Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Kinasusuklaman na hasain ang kutsilyo habang ang hayop ay nakatingin doon, batay sa nasaad buhat sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng paghahasa ng patalim at na ikubli ito sa mga hayop. Nagsabi siya: "Kapag nagkatay ang isa sa inyo, paspasan niya." [9] Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām Ibnu Mājah.
4. Kapag ang alay ay kabilang sa mga kamelyo, magkakatay siya nito habang nakatayo ito at nakagapos ang kaliwang kamay nito, batay sa hadith ni `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {... na pumunta siya sa isang lalaking nagpaupo nga ng kamelyo nito habang nagkakatay iyon saka nagsabi siya: "Gumawa ka niyan habang nakatayong nakatali ito bilang sunnah ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." ...}[10] [10] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
5. Kapag ang alay ay kabilang sa hindi mga kamelyo, magkakatay siya nito habang nakahiga ito sa kaliwang tagiliran nito at maglalagay siya ng paa niya sa gilid ng leeg nito upang makayanan niya ito. Batay ito sa hadith ni Anas (malugod si Allāh sa kanya), na nagsabi: {Nag-alay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dalawang tupa na kulay puting nahaluan ng itim na may sungay. Kumatay siya ng dalawang ito sa pamamagitan ng kamay niya. Bumanggit siya [kay Allāh] at nagdakila. Naglagay siya ng paa niya sa mga gilid ng dalawang ito.}[11] [11] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
6. Ang pagsambit ng ngalan ni Allāh sa sandali ng pagkakatay at pag-aalay. Ito ay kinakailangan. Batay ito sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Kaya kumain kayo mula sa binanggit ang pangalan ni Allāh roon, kung kayo sa mga tanda Niya ay mga mananampalataya.} (Qur'ān 6:118) at sabi pa Niya (napakataas Siya): {Huwag kayong kumain mula sa anumang hindi binanggit ang pangalan ni Allāh roon. Tunay na ito ay talagang kasuwailan. Tunay na ang mga demonyo ay talagang nagkakasi sa mga katangkilik nila upang makipagtalo sila sa inyo. Kung tumalima kayo sa kanila, tunay na kayo ay talagang mga tagapagtambal.} (Qur'ān 6:121) Batay rin ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang anumang nagpadaloy siya ng dugo at binanggit ang ngalan ni Allah doon, kainin ninyo ito hanggat hindi isang ngipin o isang kuko."[12] [12] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Isinasakaibig-ibig ang pagsambit ng takbīr (pagsabi ng: Allāhu akbar) batay sa hadith ni Jābir (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Nakasaki ako kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aalay sa pinagdarasalan sapagkat noon nakatapos siya ng sermon niya, bumaba siya mula sa pulpito niya. Dinalhan siya ng isang lalaking tupa. Kinatay ito ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng kamay niya at nagsabi: "Bismi -llāhi wa-llāhu akbar. (Sa ngalan ni Allāh at si Allāh ay pinakadakila.) Ito ay para sa akin at para sa sinumang hindi nag-alay kabilang sa Kalipunan ko."[13] [13] Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy.
7. Ang pagputol ng lalamunan at esopago, ng lalamunan at dalawang jugular vein, at ang pagpapadaloy ng dugo. Nagsabi si Imām Ibnu Bāz (kaawaan siya ni Allāh): Tunay na ang pagkatay na legal para sa mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ay ayon sa tatlong kalagayan:
Ang Unang Kalagayan: Na putulin ng tagakatay ang lalamunan, ang esopago, at ang dalawang jugular vein. Ito ay ang pinakakumpletong pagkatay at pinakamahusay. Kapag pinutol ang apat na ito, ang pagkatay ay ḥalāl sa ganang lahat ng mga maalam.
Ang Ikalawang Kalagayan: Na putulin ang lalamunan, ang esopago, at ang isa sa dalawang jugular vein. Ito ay ḥalāl, tumpak, at kaaya-aya, kahit pa man mababa sa antas sa una.
Ang Ikatlong Kalagayan: Na putulin ang lalamunan at ang esopago lamang nang hindi kasama ang dalawang jugular vein. Ito rin ay tumpak. Nagsabi nito ang isang pangkat ng mga alagad ng kaalaman. Ang patunay nila ay ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang anumang nagpadaloy siya ng dugo at binanggit ang ngalan ni Allāh doon, kainin ninyo ito hanggat hindi isang ngipin o isang kuko."[14] Ito ay ang napili sa usaping ito.[15] [14] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim. [15] Tingnan: Majmū` Fatāwā Ibni Bāz (18/26).
Si Allāh ay ang hinihilingan na magpakinabang sa atin ng itinuro Niya sa atin at na magturo sa atin ng ipinakinabang Niya sa atin; tunay na Siya ay Galante, Mapagbigay. Basbasan ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya at pangalagaan ng maraming pangangalaga.