Ang babaing may nifās ay mananatili ba nang 40 araw na hindi nagdarasal at hindi nag-aayuno o ang isinasaalang-alang ay ang pagtigil ng pagdurugo sa kanya, na kapag tumigil ito ay naging dalisay siya at makapagdarasal? Ano ang pinakamaikling yugto ng kawalan ng pagdurugo?
السؤال
T 1:
Ang babaing may nifās ay mananatili ba nang 40 araw na hindi nagdarasal at hindi nag-aayuno o ang isinasaalang-alang ay ang pagtigil ng pagdurugo sa kanya, na kapag tumigil ito ay naging dalisay siya at makapagdarasal? Ano ang pinakamaikling yugto ng kawalan ng pagdurugo?
س5: المرأة النّفساء هل تجلس أربعين يومًا لا تصلّي ولا تصوم، أو العبرة بانقطاع الدم عنها، فمتى انقطع تطهرت وصلت؟ وما أقلّ مدةٍ للطّهر؟
الجواب
S 1:
Ang babaing may nifās ay walang nilimitahang panahon. Bagkus kapag ang pagdurugo ay nariyan, maghihintay siya, hindi siya magdarasal, hindi siya mag-aayuno, at hindi makikipagtalik sa kanya ang asawa niya.
Kapag nakita niya ang kawalan ng pagdurugo – kahit pa man bago ng ika-40 [araw matapos manganak] at kahit pa man hindi siya naghintay kundi nang 10 o 5 araw – tunay na siya ay makapagdarasal, makapag-aayuno, at makakatalik ng asawa niya, at walang maisisisi roon.
Ang mahalaga ay na ang nifās ay isang bagay na nadarama, na nakakapit ang mga patakaran sa pagkakaroon nito o kawalan nito. Kaya kapag ito ay naging naririyan, napagtitibay ang mga patakaran nito; at kapag nadalisay ang babae mula rito, lumalaya siya mula sa mga patakaran nito.
Subalit kung sakaling lumabis ang nifās sa 60 araw, tunay na siya ay nagiging isang may istiḥāḍah (pagdurugo na hindi dahil sa regla o nifās). Maghihintay siya sa tagal na umaayon sa kinahiratian ng regla niya lamang, pagkatapos magsasagawa siya ng ghusl at makapagdarasal siya.
ﺟ5: النّفساء ليس لها وقتٌ محدودٌ، بل متى كان الدم موجودًا جلست، ولم تصلّ، ولم تصم، ولم يجامعها زوجها.
وإذا رأت الطّهر -ولو قبل الأربعين، ولو لم تجلس إلا عشرة أيامٍ أو خمسة أيامٍ- فإنها تصلّي، وتصوم، ويجامعها زوجها، ولا حرج في ذلك.
والمهمّ أن النّفاس أمرٌ محسوسٌ، تتعلق الأحكام بوجوده أو عدمه، فمتى كان موجودًا ثبتت أحكامه، ومتى تطهرت منه تخلت من أحكامه.
لكن لو زاد على السّتّين يومًا فإنها تكون مستحاضةً، تجلس ما وافق عادة حيضها فقط، ثم تغتسل، وتصلّي.