Skip to content

"Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa magkalapitan ang panahon

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa magkalapitan ang panahon para ang isang taon ay maging gaya ng isang buwan, ang isang buwan ay maging gaya ng isang linggo, ang isang linggo ay maging gaya ng isang araw, ang isang araw ay maging gaya ng isang oras, at ang isang oras ay maging gaya [ng bilis] ng pagkasunog ng dahon ng datiles."}

«لَا تَقُومُ السَّاعَةُ حَتَّى يَتَقَارَبَ الزَّمَانُ، فَتَكُونَ السَّنَةُ كَالشَّهْرِ، وَيَكُونَ الشَّهْرُ كَالْجُمُعَةِ، وَتَكُونَ الْجُمُعَةُ كَالْيَوْمِ، وَيَكُونَ الْيَوْمُ كَالسَّاعَةِ، وَتَكُونَ السَّاعَةُ كَاحْتِرَاقِ السَّعَفَةِ الْخُوصَةُ».

Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa mga palatandaan ng Huling Sandali ang paglapitan ng panahon. sapagkat lilipas ang isang taon gaya ng paglipas ng isang buwan; lilipas ang isang buwan gaya ng paglipas ng isang linggo; lilipas ang isang linggo gaya ng paglipas ng isang araw; lilipas ang isang araw gaya ng paglipas ng isang oras; at lilipas ang isang oras sa isang matinding bilis gaya ng pagkasunog ng palapa, na dahon ng punong datiles.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

...:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Kabilang sa mga palatandaan ng Huling Sandali ang pag-alis ng pagpapala dahil sa panahon o bilis nito.

Ang mga Sanggunian

Musnad Aḥmad (16/ 550) (10943).

Ang Karagdagan (4)

معالم السنن (4/341).

فتح الباري (13/16).

شرح سنن أبي داود لابن رسلان (16/678).

تحفة الأحوذي (6/514).