"Huwag ngang hahawak ang isa sa inyo sa ari niya sa pamamagitan ng kanang kamay niya habang siya ay umiihi. Huwag siyang magpahid-pahid mula sa palikuran sa pamamagitan ng kanang kamay niya. Huwag siyang huminga sa lalagyan ng inumin."}
Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Huwag ngang hahawak ang isa sa inyo sa ari niya sa pamamagitan ng kanang kamay niya habang siya ay umiihi. Huwag siyang magpahid-pahid mula sa palikuran sa pamamagitan ng kanang kamay niya. Huwag siyang huminga sa lalagyan ng inumin."}
«لَا يُمْسِكَنَّ أَحَدُكُمْ ذَكَرَهُ بِيَمِينِهِ وَهُوَ يَبُولُ، وَلَا يَتَمَسَّحْ مِنَ الْخَلَاءِ بِيَمِينِهِ، وَلَا يَتَنَفَّسْ فِي الْإِنَاءِ».
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga etiketa yayamang sumaway siya na humawak ang lalaki sa ari nito ng kanang kamay nito sa sandali ng pag-ihi at na alisin ang karumihan mula sa puwit o tumbong sa pamamagitan ng kaliwang kamay dahil ang kanan ay inihanda para sa mga marangal. Sumaway rin siya na huminga ang tao sa lalagyan na iniinuman niya.
Ang paglilinaw sa pagkauna ng Islām sa mga etiketa at kalinisan.
Ang pag-iwas sa mga bagay na marumi ngunit kapag napilitan na sumaling ng mga ito, ito ay sa pamamagitan ng kaliwang kamay.
Ang paglilinaw sa karangalan ng kanang kamay at ang kalamangan nito sa kaliwang kamay.
Ang pagkakumpleto ng Palabatasang Islāmiko at ang kasaklawan ng mga katuruan nito.
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (1/ 42) (154).
Ṣaḥīḥ Muslim (1/ 225) (267).
Ang Karagdagan (4)
تيسير العلام شرح عمدة الأحكام.
للبسام (ص41).
تنبيه الأفهام شرح عمدة الأحكام.
لابن عثيمين (1/ 45).