Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

5 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Kapag pumunta kayo sa palikuran, huwag kayong humarap sa qiblah at huwag kayong tumalikod doon bagkus magpasilangan kayo o magpakanluran kayo." Nagsabi si Abū Ayyūb: "Dumating kami sa Shām saka nakatagpo kami ng mga kubeta na itinayong paharap sa qiblah kaya lumilihis kami at humihingi kami ng tawad kay Allāh (napakataas Siya)."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Huwag ngang hahawak ang isa sa inyo sa ari niya sa pamamagitan ng kanang kamay niya habang siya ay umiihi. Huwag siyang magpahid-pahid mula sa palikuran sa pamamagitan ng kanang kamay niya. Huwag siyang huminga sa lalagyan ng inumin."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok siya sa palikuran, ay nagsasabi ng: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lkhubthi wa-lkhabā'ith. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga lalaking demonyo at mga babaing demonyo.)"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag lumabas siya noon mula sa palikuran, ay nagsasabi ng: "Ghufrānaka (Hinihiling ko ang pagpapatawad Mo)."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang isa sa inyo, maglagay siya ng tubig sa ilong niya, pagkatapos magsinga siya nito. Ang sinumang mag-iwang, gawin niya sa gansal na bilang. Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, maghugas siya ng kamay niya bago siya magpasok nito sa panghugas niya sapagkat tunay na ang isa sa inyo ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya."} Ang pananalita ni Imām Muslim: "Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, huwag siyang maglubog ng kamay niya sa lalagyan hanggang sa makapaghugas siya nito nang tatlong ulit sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.