Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

5 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Huwag ngang hahawak ang isa sa inyo sa ari niya sa pamamagitan ng kanang kamay niya habang siya ay umiihi. Huwag siyang magpahid-pahid mula sa palikuran sa pamamagitan ng kanang kamay niya. Huwag siyang huminga sa lalagyan ng inumin."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ako noon ay isang batang lalaking nasa pangangalaga ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Minsan, ang kamay ko ay naglilikot sa plato, kaya nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O bata, sumambit ka ng ngalan ni Allāh, kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo, at kumain ka mula sa nalalapit sa iyo." Kaya hindi natigil iyon bilang [paraan ng] pagkain ko matapos niyon.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{May isang lalaking kumain sa piling ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng kaliwang kamay nito kaya nagsabi siya: "Kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo." Nagsabi ito: "Hindi ko po nakakaya." Nagsabi siya: "Hindi ka nawa makakaya!" Walang pumigil sa kanya kundi ang pagmamalaki. Kaya naman hindi ito nakaangat niyon papunta sa bibig nito.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na si Allāh ay talagang nalulugod sa tao na kumain ito ng pagkain para magpuri sa Kanya dahil doon o uminom ito ng inumin para magpuri sa Kanya dahil doon."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Kapag kumain ang isa sa inyo, kumain siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; at kapag uminom siya, uminom siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; sapagkat tunay na ang demonyo ay kumakain sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya at umiinom sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.