يومي الأول في الإسلام

يومي الأول في الإسلام

Ang Unang Araw Ko Sa Islām

Language: lang_tl
Prepared by:
Version: 1.0
Translations 20
Amharic Bosnian English Spanish +16
Attachments 7
PDF
Audio
Video
+3

Ang Unang Araw Ko Sa Islām

Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.

Ang Panimula

Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpadala ng Propeta Niya na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) bilang awa para sa mga nilalang. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh, tanging Siya: walang katambal sa Kanya, ang Diyos ng mga una at mga huli. Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya, ang pangwakas sa mga propeta at mga isinugo. Basbasan siya ni Allāh at pangalagaan nang maraming pangangalaga hanggang sa Araw ng Pagtutumbas. Sa pagsisimula,

Ang mga tao sa kalahatan ay naghahanap ng kaligayahan. Mayroon sa kanila na nagpapalagay na ang kaligayahan ay nasa pagtipon ng yaman, mayroon sa kanila na naghahanap nito sa ilalim ng mga tanglaw ng katanyagan, at mayroon sa kanila na nakakikita nito sa pagtamo ng mga mataas na posisyon o iba pa roon kabilang sa mga tinatamasa ng buhay, subalit ang reyalidad ay sumasaksi na marami sa mga nagtamo ng mga bagay na ito ay hindi nagtamo ng kaligayahan na ninanais nila.

Tunay na ang kaligayahang ito ay hindi maaaring maisakatuparan para sa atin malibang kapag napapatnubayan tayo sa Totoong Relihiyon na pinili para sa atin ng Tagalikha ng mga tao sa kalahatan, nagrerelihiyon tayo nito, at tumatahak tayo alinsunod sa mga katuruan nito. Kaya naman sa pamamagitan nito lamang makatatamo tayo ng kaligayahan at kaaya-ayang buhay sa Mundo, at walang-hanggang kaligayahan sa Kabilang-buhay. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya):

{Bagkus ang sinumang nagsuko ng mukha niya kay Allāh, habang siya ay gumagawa ng maganda, ay ukol sa kanya ang pabuya sa kanya sa ganang Panginoon niya. Walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.}

(Qur'ān 2:112)

Nagsasabi pa Siya:

{Ang sinumang gumawa ng maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa.}

(Qur'ān 16:97)

Ikaw dahil sa pagpasok mo sa Islām, mahal kong kapatid, ay naglagay nga ng paa mo sa daan ng patnubay, liwanag, kaligayahan, at galak. Kaya naman nararapat na ikaw ay maging nasa isang pagtitiwala na ang araw ng pag-anib mo sa Islām ay hindi gaya ng alinmang araw sa buhay mo. Tunay na iyon ay isang araw ng bagong kapanganakan para sa iyo!

Kaya talagang kung ikaw, sa araw na ipinanganak ka, ay lumabas mula sa kadiliman ng sinapupunan ng ina mo at sikip niyon patungo sa liwanag ng Mundo at kaluwangan nito, ikaw naman ngayong araw ay lumalabas mula sa kadiliman ng kawalang-pananampalataya tungo sa liwanag ng pananampalataya at mula sa sikip ng kaligawan tungo sa kaluwangan ng kapatnubayan. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya):

{Ang sinumang noon ay patay saka bumuhay Kami sa kanya at naglagay Kami sa kanya ng isang liwanag na naglalakad siya sa pamamagitan nito sa mga tao ay gaya ba ng sinumang ang paghahalintulad sa kanya ay nasa mga kadiliman, na hindi lalabas mula sa mga ito?}

(Qur'ān 6:122)

Kaya malugod at maligayang pagdating sa iyo sa mga kaluwagan ng Islām. Tanggapin mo ang libritong ito na naglalaman ng mga mahalagang bagay at mga dakilang batayan na nararapat na mapag-alaman mo sa unang araw ng pag-anib mo sa Islām.

Ang Pasukan

Ang Islām ay ang Totoong Relihiyon.

Ang Relihiyong Islām ay ang Totoong Relihiyon na kinalugdan ni Allāh (napakataas Siya) para sa mga tao sa kalahatan. Ito ay ang Relihiyon na hindi tinatanggap sa ganang kay Allāh ang iba pa rito. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya):

{Tunay na ang relihiyon sa ganang kay Allāh ay ang Islām.}

(Qur'ān 3:19)

Nagsasabi pa Siya (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan):

{Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.}

(Qur'ān 3:85)

Ang sinumang yumakap sa Relihiyong Islām at kumapit dito, tunay na siya ay tatahak sa daan ng liwanag at kapatnubayan: ang daang tuwid na maliwanag na malinaw, na nagpaparating tungo kay Allāh na lumikha at nagpairal sa tao sa buhay na ito.

Naghatid nga ang Relihiyong Islām ng kaayusan ng kalagayan ng tao, kapanatagan niya, kaligayahan niya sa buhay niyang pangmundo, at gayon din ng kaligayahan niya at tagumpay niya sa buhay na pangkabilang-buhay matapos ng kamatayan kapag magpapasok sa kanya si Allāh (napakataas Siya) sa Paraiso para magpakatamasa ng naroon na walang-hanggang Kaginhawahan.

Kinakailangan sa bawat tao na maghanap ng Totoong Relihiyon, na siyang ang Islām, at pakaalamin ito. Papasok siya rito bilang mananampalataya rito at didikit siya sa mga katuruan nito at mga patakaran nito upang magkamit ng mabuti ng Mundo at mabuti ng Kabilang-buhay.

Papaanong pumapasok ang tao sa Islām?

Pumapasok ang tao sa Islām kapag nagsabi siya ng: "Ashhadu allā ilāha illa –llāh, wa-ashhadu anna Muḥammadar rasūl –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh)" nang may katapatan, katiyakan, at kaalaman sa ipinahiwatig nito sa kanya. Kaya ang sinumang nagsabi ng pangungusap na ito habang nakaaalam sa kahulugan nito, na tapat sa pagsasabi nito, na nakatitiyak, na nagpapaakay sa ipinahiwatig nito; nakapasok nga siya sa Islām, pagkatapos kailangan sa kanya na matuto ng nalalabi sa mga gawain sa Islām at gumawa ayon sa mga ito sa abot ng kaya niya. Sa tuwing nadaragdagan ang gawa niya, nadaragdagan ang pananampalataya niya at bumibigat ang pabuya sa kanya sa ganang kay Allāh (napakataas Siya).

Ang Kahulugan ng Dalawang Sinasaksihan: "Ashhadu allā ilāha illa –llāh, wa-ashhadu anna Muḥammadar rasūl –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh)."

Talaga ngang nakapasok ka sa Islām sa pamamagitan ng pagsabi mo ng: "Ashhadu allā ilāha illa –llāh, wa [ashhadu] anna Muḥammadar rasūl –llāh" habang sumasampalataya at habang nagpapatotoo, kaya nakaaalam ka ba sa pinakadiwa ng kahulugan nito?

Ang kahulugan ng pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh ay ang paniniwala at ang pagkilala na hindi nagkaroon ng isang Diyos na nagiging karapat-dapat sa pagsamba at pagtalima kundi ang iisang Diyos. Siya ay si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya), ang Tagalikha ng Sansinukob at ang Tagapangasiwa ng nauukol dito.

Ang kahulugan ng pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay ang paniniwala at ang pagkilala na si Muḥammad ay ang Lingkod ni Allāh, ang pangwakas na Sugo Niya, ang isinugo sa mga tao sa kalahatan; at ang paggawa ng hinihiling niyon sa pamamagitan ng pagtalima sa kanya sa ipinag-utos niya, paniniwala sa ipinabatid niya, pag-iwas sa sinaway niya at pinigilan niya, at sa pamamagitan ng hindi pagsamba kay Allāh malibang ayon sa isinabatas niya.

Ang Balitang Nakagagalak sa Iyo Hinggil sa Islām

Kapatid kong mahal, tunay na ang araw ng pagpasok mo sa Islām ay ang pinakamabuti sa mga araw mo nang lubusan sapagkat napagtibay na ang Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

"Ang Islām ay nagwawasak ng anumang bago nito."

Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

Ibig sabihin: Ang Islām ay bumubura sa bawat nangyari mula sa iyo bago ng pag-anib mo sa Islām gaya ng kawalang-pananampalataya, mga kasamaan, mga pagkakamali, at mga kasalanan. Kaya magalak ka sa balita hinggil sa kapatawaran ni Allāh (napakataas Siya) sapagkat ikaw ngayong araw ay dinadalisay sa mga pagkakamali mo at binubuksan ang puting pahina sa buhay mo upang bumalik kang dalisay gaya ng araw na ipinanganak ka ng ina mo, magsimula ka ng isang bagong buhay na puno ng kabutihan, at tumahak ka sa daan ng liwanag, kaligayahn, at galak.

Ang Pagkatuwa sa Biyaya ng Islām

Tunay na ang dakilang tuwa na naramdaman mo sa sandali ng pagpasok mo sa Islām ay kinakailangan na manatili na kumakapit sa iyo sa haba ng buhay mo. Ang biyaya ng kapatnubayan ay kabilang sa pinakakapita-pitagan sa mga biyaya at pinakadakila sa mga kagandahang-loob na iminamagandang-loob ni Allāh (napakataas Siya) sa mga lingkod Niya. Ito ay higit na dakila kaysa sa biyaya ng hangin, tubig, pagkain, at inumin; at higit na dakila kaysa sa yaman, posisyon, at impluwensiya sapagkat ito ay lubusang pinakamalaking biyaya. Kaya naman papaanong hindi tayo matutuwa rito? Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya):

{Sabihin mo: “Sa kabutihang-loob ni Allāh at sa awa Niya, doon ay magalak sila; ito ay higit na mabuti kaysa sa iniipon nila.”}

(Qur'ān 10:58)

Kaya naman hindi makaiiwas na makaramdam ka ng kabutihang-loob ni Allāh sa iyo, na pumili Siya sa iyo sa gitna ng milyun-milyong tao upang pumasok ka sa Islām. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{Kaya sa sinumang magnanais si Allāh na magpatnubay ay magpapaluwag Siya ng dibdib nito para sa Islām.}

(Qur'ān 6:125)

Ang malaking dakilang biyayang ito ay nangangailangan ng maraming pasasalamat kaya kailangan sa iyo na magparami ng papuri kay Allāh (napakataas Siya), pasasalamat sa Kanya, at pagbubunyi sa Kanya (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan), na nagpatnubay Siya sa iyo sa Tumpak na Relihiyon.

Mga Batayang Hindi Makaiiwas sa Pag-alam ng mga Ito

Kapag pumasok ka sa Relihiyong Islām, tunay na mayroong mga bagay na kinakailangan sa iyo ang matuto ng mga iyon at ang makaalam ng mga iyon. Kabilang doon ang makaalam sa pagsagot sa tatlong mahalagang tanong na itatanong sa bawat tao matapos ng kamatayan, at na magtatakda sa walang-hanggang kahahantungan niya, na tungo sa Paraiso o tungo sa Impiyerno. Ang mga ito ay:

Sino ang panginoon mo?

Ano ang relihiyon mo?

Sino ang propeta mo?

Ang Unang Batayan: Sino ang panginoon mo?

Ang Panginoon ko ay si Allāh.

Ang Muslim ay naniniwala na ang Panginoon niya ay si Allāh, na lumikha ng Sansinukob na ito kalakip ng bawat anumang nasa loob nito at lumikha sa tao.

Kapag nag-isip-isip tayo sa dakilang Sansinukob na ito at anumang narito na mga dambuhalang galaksiya kalakip ng nilalaman ng mga ito na bilyun-bilyong tala at bituin; kapag nagnilay-nilay tayo sa lupang ito na nabubuhay tayo sa ibabaw nito at anumang narito na mga kapatagan, mga kabundukan, mga katihan, mga karagatan, at mga ilog, at anumang nasa mga ito na mga kahanga-hanga sa mga nilalang sa mga kalaliman ng mga karagatan, at sa mga disyerto at mga gubat; kapag nagnilay-nilay tayo sa kahanga-hanga sa niyari ng tao at iba pa sa kanya kabilang sa mga nilalang; tunay na ang pag-iisip natin ay magpaparating sa atin tungo sa isang resultang hindi makatatakas mula roon: na hindi makaiiwas sa pagkakaroon ng isang tagalikhang dakilang maalam na may-kakayahan, na lumikha ng Sansinukob na ito saka nagpasimula nito. Hindi maaaring pairalin ang mga nilikhang ito nang walang kairalan ng isang Diyos na Tagalikha na nagpairal sa mga ito, nagsasistema ng nauukol sa mga ito, at nagpahusay sa pagyari sa mga ito sa pamamagitan ng nagpapamangha sa mga isip. Ang bagay na ito ay nilinaw ni Allāh (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan) nang may kaliwanagan para sa bawat nakapag-uunawa nang nagsabi Siya:

{O nilikha sila ng isang hindi anuman o sila ay ang mga tagalikha?}

(Qur'ān 52:35)

Kaya naman hindi ang mga nilalang na ito ang nagpairal sa mga sarili ng mga ito ni ang mga ito ay umiral nang walang isang tagapagpairal sapagkat ito ay imposible sa ganang mga mapag-unawa.

Si Allāh ay ang karapat-dapat para sa pagsamba – tanging Siya.

Ang Panginoong ito ay ang Diyos na karapat-dapat sa pagsamba – tanging Siya – dahil Siya ay ang Tagalikha, ang Tagapangasiwa sa lahat ng nasa Sansinukob na ito, ang Tagapagtustos sa lahat ng sinumang narito sapagkat Siya ay ang lumikha sa lahat ng mga tao, nagpairal sa kanila sa lupang ito, at nagbigay sa kanila ng mga kadahilanan ng buhay. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya):

{Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo; walang Diyos kundi Siya, ang Tagalikha ng bawat bagay kaya sumamba kayo sa Kanya. Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan.}

(Qur'ān 6:102)

Kaya kinakailangan sa bawat tao na sumamba kay Allāh, tanging sa Kanya, at hindi magtambal sa pagsamba sa Kanya ng anuman. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya):

{O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala,}

(Qur'ān 2:21)

Nagsasabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya):

{Sumamba kayo kay Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman.}

Qur'ān 4:36)

Ang Pag-aanyaya ng mga Propeta Tungo sa Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh (Napakataas Siya)

Sa kabila ng kaliwanagan ng bagay na ito, gayon pa man si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – dahil sa kabutihang-loob Niya, pagkamapagbigay Niya, at awa Niya sa atin – ay hindi lumikha sa atin at hindi nag-iwan sa atin habang natutuliro tayo sa buhay; bagkus nagsugo Siya sa atin ng mga sugo at nagpababa Siya kasama nila ng mga kasulatan na nagpapakilala sa atin sa Kanya at gumagabay sa atin sa Kanya. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo kalakip ng katotohanan bilang mapagbalita ng nakagagalak at isang mapagbabala. Walang anumang kalipunan malibang may nagdaan doon na isang tagapagbabala.}

Qur'ān 35:24)

Ang ama ng mga tao na si Adam (sumakanya ang pangangalaga) at ang mga propeta sa kabuuan nila – at kabilang sa kanila sina Abraham, Moises, Jesus, at iba pa sa mga ito kabilang sa mga propeta sa pagwawakas ng Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – ay nagkasang-ayon sa isang dakilang batayan: ang pag-anyaya sa mga tao tungo sa pananampalataya kay Allāh (napakataas Siya), paniniwala sa kaisahan Niya, pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba, at pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya kabilang sa mga sinasamba gaya ng mga tao, mga bato, mga punung-kahoy, mga bituin, mga tala, at iba pa sa mga ito. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya):

{Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: “Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos.”}

(Qur'ān 16:36)

Nagsasabi pa Siya (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan):

{Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba kayo sa Akin.}

(Qur'ān 21:25)

Ilan sa mga Pangalan ni Allāh at mga Katangian Niya

Si Allāh (napakataas Siya) ay may mga pangalang pinakamaganda at mga katangiang pinakamataas. Kapag napag-aalaman natin ang mga ito, nadaragdagan tayo ng pagkakilala sa Panginoon natin (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at nadaragdagan tayo ng pag-ibig sa Kanya, takot sa Kanya, at pag-aasam sa kabutihang-loob Niya at kagalantehan Niya. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya):

{Si Allāh ay walang Diyos kundi Siya. Taglay Niya ang mga pangalang pinakamagaganda.}

(Qur'ān 20:8)

Ang mga pangalan Niya na nagpapahiwatig sa mga katangian Niya ay marami. Kabilang sa mga pangalan ni Allāh (napakataas Siya):

§ Ang Raḥmān (Napakamaawain) at ang Raḥīm (Maawain). Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos; walang Diyos kundi Siya, ang Napakamaawain, ang Maawain.}

(Qur'ān 2:163)

Kaya naman Siya ay ang may awang nakasasakop na dakila, na sumakop sa bawat bagay at lumahat sa lahat ng mga nilikha. Sumaklaw nga ang awa Niya sa Mundo sa lahat ng nilikha Niya na hayop at tao: ang mga Muslim at ang hindi mga Muslim. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{Ang awa Ko ay sumakop sa bawat bagay}

(Qur'ān 7:156)

Kaya naman Siya ay nagtutustos sa kanila sa kalahatan at nagbibigay sa kanila ng kalusugan, pagkain, mga anak, at iba pa roon. Hinggil naman sa awa Niya sa Kabilang-buhay, ito ay hindi mauukol kundi sa mga mananampalataya kabilang sa mga lingkod Niya, na mga tagasunod sa mga propeta Niya at mga sugo Niya, sapagkat sa mga ito mauukol ang awang lubos na nagpaparating tungo sa walang-hanggang kaligayahan.

§ Ang Khāliq (Tagalikha). Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{Si Allāh ay ang Tagalikha ng bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan.}

(Qur'ān 39:62)

Kaya naman Siya ay ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Lumikha Siya ng bawat bagay: mula sa atom hanggang sa galaksiya at anumang higit na malawak kaysa roon. Ang paglikha Niya rin ay dahil sa kasanhian, kakayahan, at paggawa ng maganda sapagkat hindi ka makakikita sa pagkalikha Niya ng anumang kakulangan o kasiraan.

§ Ang Ghafūr (Mapagpatawad) ay ang nagpapatawad sa mga pagkakasala sa kalahatan ng sinumang nagbalik-loob nang tapat, maging anuman ang nagawa niya na mga naunang gawa; bagkus maaaring magpapaumanhin Siya sa marami sa nilikha Niya dala ng kagalantehan mula sa sarili Niya maliban sa pagtatambal (shirk) sa pagsamba sa Kanya (napakataas Siya) sapagkat tunay na ito ay hindi pinatatawad malibang may pagbabalik-loob. Nagbukas nga si Allāh sa mga kadahilanan para sa lahat ng nilikha Niya para sa pagtamo ng pagpapatawad Niya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob, paghingi ng tawad, pananampalataya, maayos na gawa, at paggawa ng mabuti sa nilikha Niya. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{Tunay na Ako ay talagang Palapatawad para sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos, pagkatapos napatnubayan.}

(Qur'ān 20:82)

§ Ang Razzāq (Palatustos) sapagkat si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Hari na nasa kamay Niya ang paghahari sa bawat bagay samantalang Siya ay ang Walang-pangangailangan. Bahagi ng kabutihang-loob Niya na Siya ay Palakaloob. Walang anumang nilikha malibang nasa kay Allāh ang pagtustos dito. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{56. Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.

57. Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na magpakain sila sa Akin.

58. Tunay na si Allāh ay ang Palatustos, ang May Lakas, ang Matibay.}

(Qur'ān 41:56-58)

§ Ang Salām (Sakdal) ay ang Dinadakila, ang pinawalang-kinalaman sa mga kapintasan at sa mga katangian ng kakulangan sa kabuuan ng mga ito, na taglay Niya ang mga katangian ng pagkaganap, pagkapinagpipitaganan, at karikitan, na umiibig mula sa mga lingkod Niya ng pagpapalaganap ng salām (kapayapaan) sa salita at gawa. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya):

{Siya ay si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang Hari, ang Kabanal-banalan, ang Sakdal,}

(Qur'ān 59:23)

§ Ang `Alīm (Maalam) sapagkat si Allāh ay Madinigin, Nakakikita, Maalam, na pumaligid ang kaalaman Niya sa bawat bagay. Kaya naman Siya ay nakaaalam sa anumang nasa paghahayag, anumang nasa paglilihim, at anumang ikinukubli ng mga dibdib; at nakaaalam sa anumang nangyari sa nakalipas, anumang nangyayari sa kasalukuyan, at anumang mangyayari sa hinaharap. Siya ay ang Mapagmasid na nakababatid sa mga gawain ng mga tao. Kaya naman hindi nakukubli sa Kanya ang pagtalima ng mga tagatalima ni ang pagsuway ng mga tagasuway ni ang pangangailangan ng mga mahina ni ang mga tinig ng mga tagapanalangin. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.}

(Qur'ān 8:75)

Kaya naman Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Panginoon ng mga nilalang, na nagpaganda sa bawat bagay sa pagkalikha rito. Ang bawat kagandahan at pagkaganap sa daigdig na ito ay mula sa mga epekto ng pagkaganap Niya (kaluwalhatian sa Kanya).

Ang Ikalawang Batayan: Ano ang relihiyon mo?

Ang relihiyon ko ay ang Islām.

Ang Islām ay ang pagsuko kay Allāh sa pamamagitan ng Tawḥīd, ang pagpapaakay sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima, at ang kawalang-kaugnayan sa Shirk.

Kaya naman ang Muslim ay ang napaloloob sa Relihiyong Islām at nagpapasakop ng kapakanan niya kay Allāh ((napakataas Siya) habang sumasampalataya sa kairalan Niya at kaisahan Niya, habang nagpapaakay sa mga ipinag-uutos Niya, habang umiiwas sa sinaway Niya. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya) sa Marangal na Qur'ān:

{Sino ang higit na maganda sa relihiyon kaysa sa sinumang nagpasakop ng mukha niya kay Allāh habang siya ay tagagawa ng maganda at sumunod sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo.}

(Qur'ān 4:125)

Nagsasabi pa Siya:

{Sino pa ang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo kay Allāh, gumawa ng maayos, at nagsabi: "Tunay na ako ay kabilang sa mga Muslim."}

(Qur'ān 41:33)

Ilan sa mga Kagandahan ng Relihiyong Islām:

* Ang Islām ay Relihiyon ng katarungan. Nag-uutos ito ng katarungan sa kamag-anak at di-kamag-anak, sa kaaway at kaibigan, at sa mananampalataya at tagatangging-sumampalataya. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya):

{Tunay na si Allāh ay nag-uutos ng katarungan}

(Qur'ān 16:90)

Si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay tagahatol na makatarungan, na hindi nalalabag sa katarungan sa Kanya ang isa man. Nagsasabi Siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Araw ng Pagbangon:

{Sa Araw na ito, gagantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito.}

(Qur'ān 40:17)

* Ang Islām ay Relihiyon ng awa. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya):

{Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalang.}

(Qur'ān 21:107)

Nagsasabi naman si Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"Ang mga naaawa ay maaawa sa kanila ang Napakamaawain. Maawa kayo sa mga naninirahan sa lupa, maaawa sa inyo ang nasa langit."

Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.

* Ang Islām ay Relihiyon ng pag-ibig, pagkakabuklod, at pagkagiliw. Nagsasabi si Propeta si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya."

Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.

* Ang Islām ay Relihiyon ng ginhawa sapagkat ang mga katuruan ng Islām ay naglalaman ng pagpapaginhawa at pagpawi ng pagpapahirap, na nalalaman ng bawat nakababatid sa mga katuruan nito. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya):

{Nagnanais si Allāh sa inyo ng isang ginhawa at hindi Siya nagnanais sa inyo ng hirap} (Qur'ān 2:185)

Nagsasabi pa Siya:

{Hindi nagnanais si Allāh na maglagay sa inyo ng anumang pagkaasiwa,}

(Qur'ān 5:6)

Nagsasabi pa Siya:

{Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito.}

(Qur'ān 2:286)

* Ang Islām ay Relihiyon ng kaalaman sapagkat ang unang talata na bumaba mula sa Qur'ān ay:

{Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha,}

(Qur'ān 96:1)

Ang Islām ay humihimok sa bawat lalaking Muslim at babaing Muslim ng pagkatuto at pagpapadagdag mula sa kaalaman. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{at magsabi ka: “Panginoon ko magdagdag Ka sa akin ng kaalaman.”}

(Qur'ān 20:114)

Ang natututo ay may pinakamataas sa mga antas. Nagsasabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):

{mag-aangat si Allāh ng mga antas sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at mga binigyan ng kaalaman.}

(Qur'ān 58:11)

Ang Pagkapandaigdigan ng Islām

* Ang Islām ay Relihiyong pandaigdigan. Ito ay hindi natatangi sa isang pook ng Daigdig bukod sa iba rito ni sa isang pangkat ng mga tao bukod sa iba sa kanila. Ito ay hindi isang relihiyon para sa mga Arabe lamang; ito lamang ay relihiyon para sa lahat ng mga tao. Nagsabi Siya (napakataas Siya) habang nakikipag-usap sa Propeta Niyang si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa Marangal na Qur'ān:

{Sabihin mo: “O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo *nang lahatan, na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Walang Diyos kundi Siya; nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang Propeta na iliterato, na sumasampalataya kay Allāh at sa mga salita Niya. Sumunod kayo sa kanya, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan.”}

(Qur'ān 7:158)

Ito rin ay hindi natatangi sa isang panahong lumipas; bagkus ito ay ang Totoong Relihiyon mula sa pagpapadala sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hanggang sa Araw ng Pagbangon. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.}

(Qur'ān 3:85)

Ang Pagkamasaklaw ng Islām

* Ang Islām ay metodolohiya ng buhay para sa individuwal na Muslim, para sa lipunang Muslim, at para sa kalipunang Muslim sa lahat ng mga aspeto at mga larangan: sa pulitika, ekonomiya, lipunan, at iba pa sa mga ito.

* Ang Islām ay paniniwala at batas sapagkat ito ay naglalaman ng mga tumpak na paniniwala, mga dakilang pagsamba, mga marunong na pakikitungo, mga marikit na kaasalan, at disiplinadong pag-uugali.

* Ang mga katuruan ng Islām at ang mga patakaran nito ay nagreregula sa ugnayan ng tao sa Panginoon niya, sa ugnayan ng tao sa sarili niya, sa ugnayan ng tao sa iba pa kabilang sa mga tao, at pati na sa ugnayan niya sa mga hayop at mga walang-buhay na bagay.

* Ang mga katuruan ng Islām ay sumasaklaw sa nauugnay sa kaayusan ng bawat isa sa kaluluwa at katawan.

Sa kabuuan, naghatid ang Islām ng anumang naroon ang kabutihan sa mga tao, kaayusan nila, at kaligayahan nila sa Mundo at Kabilang-buhay.

Ang mga Pundasyon ng Paniniwalang Pang-Islām (Ang mga Haligi ng Pananampalataya)

Kumakatawan ang mga pundasyon ng paniniwalang pang-Islām sa pananampalataya at tiyakang paniniwala sa anim na bagay, na tinatagurian sa tawag na mga Haligi ng Pananampalataya. Ang mga ito ay:

1. Ang Pananampalataya kay Allāh. Ito ay ang pananampalataya sa kairalan ni Allāh; na Siya, tanging Siya, ay ang Tagalikha, ang Tagapagmay-ari, at ang Tagapangasiwa ng Sansinukob sa kabuuan nito kalakip ng bawat anumang narito; na Siya ay ang naging karapat-dapat sa pagsamba, tanging Siya: walang katambal sa Kanya; na Siya ay nagtataglay ng mga katangian ng karikitan at pagkapinagpipitaganan; na Siya ay Ganap, na pinawalang-kaugnayan sa bawat kapintasan at kakulangan; at na Siya ay hindi katulad ng anuman.

2. Ang Pananampalataya sa mga Anghel. Sila ay nilikhang kabilang sa nilikha ni Allāh (napakataas Siya). Lumikha Siya sa kanila para sa pagsamba sa Kanya, ganap ng pagpapaakay sa utos Niya, at pagsasagawa ng pagpapatupad ng ipinagkatiwala Niya sa kanila na mga gawain. Kaya naman sumasampalataya tayo sa kairalan nila ayon sa pagkakabuod at sumasampalataya rin tayo sa mga pangalan, mga katangian, at mga gawain ng mga ipinabatid sa atin ng kasi ayon sa pagkakadetalye gaya ni Anghel Gabriel na isinusugo ni Allāh kalakip ng pagkasi sa mga propeta at mga sugo, ni Anghel Miguel na pinagkatiwalaan sa ulan at mga halaman, ni Anghel Isrāfīl na pinagkatiwalaan sa pag-ihip sa tambuli, ng Anghel ng Kamatayan na kumukuha ng mga kaluluwa ng mga tao, at ni Anghel Mālik na tagatanod ng Impiyerno.

3. Ang Pananampalataya sa mga Kasulatan. Ang mga ito ay ang mga kasulatan na pinababa ni Allāh sa mga sugo Niya bilang awa sa nilikha at bilang kapatnubayan para sa kanila upang makarating sila sa kaligayahan sa Mundo at Kabilang-buhay. Kaya naman sumasampalataya tayo sa mga ito ayon sa pagkakabuod at sumasampalataya tayo sa nalaman natin ang pangalan sa atin sa pamamagitan ng kasi ayon sa pagkakadetalye gaya ng Qur'ān na bumaba kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), Ebanghelyo na bumaba kay Jesus (sumakanya ang pangangalaga), at mga kalatas na pinababa ni Allāh kay Abraham (sumakanya ang pangangalaga).

4. Ang Pananampalataya sa mga sugo. Sila ay mga tao na kinasihan ni Allāh (napakataas Siya) ng mga kapatnubayan at isinugo Niya sa mga tao upang magpaabot ng Relihiyon Niya. Ang kauna-unahan sa kanila ay si Noe (sumakanya ang pangangalaga) at ang kahuli-hulihan sa kanila ay si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sila ay nasa pagkalubos sa relihiyon at kaasalan. Ang pinakamahalaga sa pinapakay ng pagpapadala sa kanila ay ang pag-anyaya sa mga tao tungo sa pagbubukod-tangi kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa pagsamba, pag-iwan ng Shirk at pagsamba sa iba sa Kanya, at paggawa ng kabutihan at pag-iwan ng kasamaan.

Kaya naman sumasampalataya tayo na si Allāh ay nagsugo ng mga sugo mula sa mga tao at nagsatungkulin sa mga lingkod ng paniniwala sa kanila sa ipinabatid nila, ng pagtalima sa kanila, at ng pagsunod sa ipinag-utos nila. Nakaaalam tayo na mayroon sa kanila na nagpabatid sa atin si Allāh ng mga pangalan nila at mga kasaysayan nila kasama ng mga tao nila, tulad nina Enoc, Noe, Abraham, Moises, Jesus, Hūd, Ṣāliḥ, at Shu`ayb; at mayroon sa kanila na hindi nagpabatid sa atin si Allāh ng mga pangalan nila. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo bago mo pa. Mayroon sa kanila na isinalaysay Namin sa iyo at mayroon sa kanila na hindi Namin isinalaysay sa iyo. Hindi naging ukol sa isang sugo na magdala ito ng isang tanda malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Kaya kapag dumating ang utos ni Allāh, huhusga ayon sa katotohanan at malulugi roon ang mga nagpapabula.}

(Qur'ān 40:78)

5. Ang Pananampalataya sa Huling Araw. Ito ay ang Araw ng Pagbangon na bubuhayin ni Allāh dito ang mga tao para sa pagtutuos at pagganti sa mga gawa nila na ginawa nila sa Mundo, kung saan mahahati ang mga tao sa dalawang pangkat para tumigil ang mga mananampalataya sa Paraiso bilang mga mananatili roon magpakailanman at para tumigil ang mga tagatangging-sumampalataya sa Impiyerno bilang mga mananatili roon magpakailanman. Ang sinumang naging mananampalataya subalit nakagagawa ng mga pagsuway, maaari na magpatawad si Allāh (napakataas Siya) sa kanya o magparusa sa kanya sa isang yugto ng panahon, pagkatapos magpapapasok si Allāh sa kanya sa Paraiso.

6. Ang Pananampalataya sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito. Kaya naman sumasampalataya ang Muslim na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nangyari at anumang mangyayari at na si Allāh ay sumulat ng mga itinakda sa mga nilikha at lumuob Siya ng mga ito saka nagpairal Siya ng mga ito. Walang nagaganap na anuman sa Sansinukob malibang may kaalaman Niya, pagsulat Niya, kalooban Niya, at paglikha Niya. Kung ito ay naging mabuti, ito ay bahagi ng awa ni Allāh (napakataas Siya); at kung ito ay naging iba pa roon, ito ay isang pagsubok mula kay Allāh (napakataas Siya) o isang kaparusahan. Nangyari ang mga ito ayon sa karunungan ni Allāh (napakataas Siya) at katarungan Niya, na hindi nasasaklawan ng mga tao dahil sa kadakilaan nito at pagkaganap nito. Kapag sumampalataya ang tao sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito, mapapanatag ang puso niya, mapapahinga ang kaluluwa niya, at magpapasakop siya ng mga nauukol sa kanya sa kabuuan nito kay Allāh (napakataas Siya) dahil siya ay nakaaalam na ang bawat bagay ay nasa kamay ni Allāh lamang. Kaya ang anumang niloob ni Allāh ay mangyayari at ang anumang hindi Niya niloob ay hindi mangyayari.

Ang mga Haligi ng Islām

Ang mga haligi ng Islām ay ang mga pundasyon nito na pinagtayuan nito. Ang mga ito ay limang haligi na kinakailangan sa Muslim ang magsagawa ng mga ito:

1. Ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Ito ay pagsaksi na sinasabi ng dila at sinasang-ayunan ng puso na si Allāh ay ang sinasambang totoo – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – at na si Muḥammad ay ang Sugong tagapagpaabot buhat kay Allāh.

2. Ang pagpapanatili ng ṣalāh (dasal) kaya kinakailangan sa Muslim na magdasal ng limang ṣalāh sa araw at gabi, na ṣalāh na may pagtindig, pagyukod, at pagpapatirapa bilang pagdakila kay Allāh (napakataas Siya) at may mga oras na tinatawag sa mga pangalan ng mga ito. Ang mga ito ay ṣalāh sa fajr (madaling-araw), ṣalāh sa ḍ̆uhr (tanghali), ṣalāh sa `aṣr (hapon), ṣalāh sa maghrib (pagkalubog ng araw), at ṣalāh sa `ishā (gabi). Mayroong iba pang mga ṣalāh na hindi obligado [na isagawa].

3. Ang pagbibigay ng zakāh sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Muslim na may yaman ng isang kaunting tinatakdaang kantidad mula sa yaman niya at ibinibigay ito sa mga karapat-dapat dito na mga maralita, mga dukha, at iba pa sa kanila kabilang sa mga binibigyan ng zakāh.

4. Ang pag-aayuno sa Ramaḍān sa pamamagitan ng pagpipigil ng Muslim sa pagkain, inumin, pakikipagtalik, at tulad ng mga ito kabilang sa mga tagapagpatigil-ayuno, mula sa pagsikat ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw sa panahon ng buwan ng Ramaḍān bilang pagpapakamananamba kay Allāh (napakataas Siya).

5. Ang pagsasagawa ng ḥajj sa Bahay na Pinakababanal ni Allāh. Ito ay ang pagpunta ng Muslim sa Makkah Mukarramah para magpakamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga rituwal ng ḥajj, kahit isang beses sa tanang buhay para sa sinumang nakakakaya niyon.

Ang Pagsamba sa Islām

Ang pagsamba ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh (napakataas Siya) at ang pagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng bawat naiibigan Niya at kinalulugdan Niya na mga sinasabi at mga ginagawang nakalantad at nakakubli.

* Kabilang sa mga sinasabi: ang pagbigkas ng Qur'ān, ang pagdalangin, ang pagsambit ng pag-aalaala kay Allāh (napakataas Siya), ang pagtuturo ng kaalamang napakikinabangan, ang paghahain ng payo sa mga ibang tao, at ang iba pa sa mga ito.

* Kabilang sa mga ginagawa: ang pagdadalisay ng sarili, ang pagdarasal, ang pagsasagawa ng ḥajj, ang pagsisikap na tumugon sa mga pangangailangan ng mga tao, at ang iba pa sa mga ito.

* Ang nakalantad ay ang mga ginagawa na nalalantad, nakikita o naririnig, at tulad niyon gaya ng ṣalāh, ḥajj, pagbigkas ng Qur'ān, pag-aanyaya tungo kay Allāh, at pakikiugnay sa mga kaanak.

* Ang nakakubli ay ang mga ginagawa na nasa puso gaya ng pag-ibig kay Allāh (napakataas Siya), pag-aasam sa Kanya, pagkatakot sa Kanya, kataimtiman, at pananalig kay Allāh (napakataas Siya).

Ang Kahalagahan sa Islām ng Pagsamba

Ang pagsamba kay Allāh (napakataas Siya) ay ang layon na alang-alang dito ay nilikha ni Allāh ang mga tao. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.}

(Qur'ān 51:56)

Isinabatas nga ang pagsamba dahil sa mga dakilang kasanhian at maraming kapakanan na naisasakatuparan sa mga kaluluwa ng mga tao at sa buhay nila. Kabilang sa mga kainaman ng pagsamba ay na ito ay nagbubusilak sa mga kaluluwa, nagdadalisay sa mga ito, at nagpapatayog sa mga ito tungo sa pinakamataas sa mga antas ng pagkalubos na pantao.

Ang tao ay nangangailangan ng pagsamba ayon sa pinakasukdulang pangangailangan sapagkat kung paano na ang katawan niya ay may pangangailangan sa pagkain at inumin, gayon din naman, ang puso niya at ang kaluluwa niya ay may pangangailangan sa pagtuon kay Allāh sa pamamagitan ng pagsamba sapagkat hindi napapanatag ang kaluluwa kundi sa pag-alaala kay Allāh at pagsamba sa Kanya, at hindi lumiligaya ang puso ni lumuluwag ang dibdib kundi sa pagpapakalapit-loob kay Allāh (napakataas Siya) at kagandahan ng ugnayan sa Kanya. Ang mga alagad ng pagsambang totoo ay ang pinakamaligaya sa mga tao at ang pinakamaluwag sa kanila sa dibdib. Kaya naman ang sinumang nagnais ng kaligayahan ay manatili siya sa bungad ng pagkamananamba kay Allāh lamang.

Ang Pagkamasaklaw sa Islām ng Pagsamba

Ang pagsamba sa Islām ay sumasaklaw sa lahat ng mga maayos na gawain na iniibig ni Allāh at ng ipinapanlapit-loob natin sa Kanya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa pamamagitan ng paggawa nito. Kaya naman ang mga ito ay sumasaklaw sa:

* Mga gawaing pampagpapakamananamba gaya ng ṣalāh (dasal), zakāh (tungkuling kawanggawa), ṣiyām (ayuno), ḥajj (pagdalaw sa Bahay ni Allāh), qirā`ah (pagbigkas o pagbabasa) ng Qur’ān, du`ā’ (panalangin), dhikr (pagsambit ng pag-alaala) kay Allāh, at iba pa sa mga ito;

* Kagandahan ng pakikitungo gaya ng pagsasamabuting-loob sa mga magulang, pakikiugnay sa mga kaanak, kagandahan ng pakikitungo sa asawa at mga anak, kagandahan ng pagtitinda at pagbili, pagpapahusay sa pagganap ng mga trabaho, paggawa ng maganda sa mga kapit-bahay, pag-alalay sa mga dukha, paggawa ng maganda sa hayop, at iba pa roon;

* Gayon din, sumasaklaw ito sa mga magandang kaasalan gaya ng katapatan sa pagsasalita, pagganap sa ipinagkatiwala, pagtupad sa mga kasunduan, pagngiti, kaaya-ayang pananalita, pagkahiya, at iba pa roon kabilang sa mga kaasalan.

Kaya naman ang Muslim ay sumasamba kay Allāh sa lahat ng mga kalagayan niya. Sumasamba siya kay Allāh sa masjid, sa bahay, sa trabaho, at sa bawat lugar sapagkat ang buhay niya sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{Sabihin mo: “Tunay na ang dasal ko, ang pag-aalay ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang}

(Qur'ān 6:162)

Ang Ikatlong Batayan: Sino ang propeta mo?

Ang Propeta ko ay si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang Propeta natin ay si Muḥammad na anak ni Abdullāh na anak ni Abdulmuṭṭalib na anak ni Hāshim. Bumabalik ang kaangkanan niya sa propeta ni Allāh na si Ismael na anak ng propeta ni Allāh na si Abraham – sumakanilang dalawa at sa Propeta natin ang pinakamainam na basbas at pangangalaga.

Nagpadala sa kanya si Allāh sa Makkah Mukarramah noong ang edad niya ay apatnapung taon at nagpababa sa kanya ng Qur'ān. Nag-anyaya siya sa mga tao tungo sa Tawḥīd at Islām ngunit namerhuwisyo sa kanya ang mga kababayan niya ng pinakamatinding perhuwisyo, nagdulot sila ng pagdurusa sa mga Kasamahan niya, at pumatay sila ng ilan sa mga ito. Pagkatapos lumikas siya sa lungsod ng Yathrib – pagkatapos ang pangalan nito ay naging Madīnah Nabawīyah (Pampropetang Lungsod) – matapos ng labintatlong taon. Doon ay nagtayo siya ng Estado ng Islām at nagtatag siya ng lipunang pang-Islām. Nanatili siya roon nang sampung taon, na gumagabay, nagpapanuto, nag-aanyaya, at nagtuturo. Nagpatuloy siya sa gayon hanggang sa nalubos ang Batas ng Islām kaya nalubos dahil doon ang Islām, nakumpleto ang Relihiyon, at bumaba ang sabi ni Allāh (napakataas Siya):

{Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.}

(Qur'ān 5:3)

Pagkatapos pinapanaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos na nagalak ang mata niya sa pagkakita sa mga tao habang pumapasok sa Relihiyon ni Allāh dala ng pagkaibig at dala ng pagkukusang-loob, gaya ng sinabi ni Allāh (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan):

{1. Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop

2. at nakakita ka sa mga tao na pumapasok sa Relihiyon ni Allāh nang mga pulu-pulutong

3. ay magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Palatanggap ng pagbabalik-loob.}

(Qur'ān 110:1-3)

Ang Propeta ng Awa

Ang Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang Propeta ng awa; hindi nakipaghiwalay sa kanya ang awa sa buong talambuhay niya at sa lahat ng mga yugto ng buhay at mga kalagayan niya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalang.}

(Qur'ān 21:107)

Bahagi ng awa niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya noon ay matindi ang sigasig sa kapatnubayan ng mga tao at pagpapalabas sa kanila mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya, pagkamangmang, at kalisyaan tungo sa liwanag ng pananampalataya, kaalaman, at kapatnubayan. Noong hindi sumampalataya ang mga kababayan niya, halos sumawi siya sa sarili niya dala ng lungkot at dalamhati sa kawalan nila ng pananampalataya. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{Kaya baka ikaw ay kikitil sa sarili mo dahil sa mga bakas nila, kung hindi sila sumampalataya sa salaysay na ito, dala ng dalamhati.}

(Qur'ān 18:6)

Gayon din nalalantad ang mga kahulugan ng awa niya sa sigasig niya sa mga mananampalataya at habag niya sa kanila. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Talaga ngang may dumating sa inyo na isang Sugo kabilang sa mga sarili ninyo, na mabigat sa kanya ang anumang ininda ninyo, na masigasig sa inyo, na sa mga mananampalataya ay mahabaging maawain.}

(Qur'ān 9:128)

Kaugnay sa sigasig ng Propeta sa pagpapadali sa Relihiyon at hindi pag-aatang sa Kalipunan niya ng anumang magpapabigat sa kanila at anumang hindi sila makakakaya ng pagsasagawa niyon, nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpadali kayo at huwag kayong magpahirap, at magpagalak kayo at huwag kayong magpainis." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Napuno nga ang sarili ng Marangal na Sugo ng awa sapagkat siya noon ay ang pinakamaawain sa mga tao sa mga babae at mga bata. Nagsabi ang isa sa mga Kasamahan niya, na si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): "Hindi ako nakakita ng isang higit na maawain sa mag-anak kaysa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

Hindi tumigil ang awa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tao; bagkus nasalin ito sa mga hayop sapagkat nanawagan siya ng paggawa ng maganda sa mga ito at nagbigay-babala siya laban sa pananakit sa mga ito. Nilinaw niya sa mga Kasamahan niya na may isang babaing patutot na nagpainom sa isang aso kaya nagpatawad si Allāh sa kanya at nagpapasok sa kanya sa Paraiso; at na may isang babaing papasok sa Impiyerno dahil siya ay nagkulong ng isang pusa at hindi nagpakain dito hanggang sa namatay ito.

Ang Mensahe Niya ay Pangkalahatan Para sa Lahat ng mga Tao

Ang mga propeta at ang mga sugo na nauna (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) ay isinusugo noon sa mga tao nila nang natatangi. Hinggil naman kay Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang mensahe niya ay pangkalahatan para sa lahat ng mga tao sa bawat panahon at lugar.

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Hindi Kami nagsugo sa iyo maliban sa kalahatan para sa mga tao bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala,}

(Qur'ān 34:28)

Nagsabi pa si Allāh (napakataas Siya):

{Sabihin mo: “O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo nang lahatan,}

(Qur'ān 7:158)

Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"Ang propeta noon ay ipinadadala sa mga tao niya nang natatangi at ipinadala naman ako sa mga tao nang lahatan."

Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.

Kaya kinakailangan sa bawat tao, magmula ng pagpapadala sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sa panahong ito at hanggang sa pagsapit ng Huling Sandali, ang sumunod sa kanya, ang maniwala sa anumang inihatid niya, at ang pumasok sa Relihiyon niya. Winakasan nga ni Allāh sa pamamagitan niya ang mga makalangit na mensahe at inobliga ang pagtalima sa kanya. Kaya ang sinumang tumalima sa kanya ay liligaya sa Mundo at papasok sa Paraiso sa Kabilang-buhay at ang sinumang sumuway sa kanya ay malulumbay sa Mundo at papasok sa Impiyerno sa Kabilang-buhay. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{123. ...ang sinumang sumunod sa patnubay Ko ay hindi maliligaw at hindi malulumbay;

124. at ang sinumang umayaw sa pag-aalaala sa Akin, tunay na ukol sa kanya ay isang pamumuhay na hikahos. Kakalap Kami sa kanya sa Araw ng Pagbangon na isang bulag.”}

(Qur'ān 20:123-124)

Ang Sugo (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Bahay Niya at Kasama ng Mag-anak Niya

Ang bahay ng tao ay isang lugar na naglilinaw ng kagandahan ng kaasalan niya, pagkaganap ng ugali niya, at pagkakaaya-aya ng pakikisama niya sapagkat kapag ang tao ay kasama ng asawa niya o mga anak niya o alila niya, tunay na siya ay umaasta ayon sa kalikasan niya nang walang pagkukunyari.

Ang sinumang nagninilay-nilay sa kalagayan ng Sugo ng Kalipunan ng Islām, na pinuno nito at tagapagturo nito (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), sa bahay niya ay makatatagpo na siya ay naghain ng pinakamarikit sa mga halimbawa para sa nararapat na asal ng taong marangal sa bahay niya kasama ng kabiyak niya at mga anak niya.

Sinabi kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya), ang maybahay ng Propeta: "Ano noon ang ginagawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bahay?" Nagsabi siya:

"Siya noon ay nasa serbisyo sa mag-anak niya," tumutukoy siya sa paglilingkod sa mag-anak niya, "ngunit kapag dumating ang ṣalāh, lumalabas siya papunta sa ṣalāh."

Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakamabuti sa mga tao sa mag-anak at mga maybahay. Naghahain siya ng mga kahanga-hangang imahen kaugnay sa kagandahan ng pakikisama, kabanayaran ng loob, at pagkakaalam sa mga pagnanais na emosyonal at sikolohikal ng maybahay niya. Nagsasamantala siya ng mga okasyon para magpasok ng galak at magpaligaya sa maybahay. Nagsasabi si `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya):

"Talaga ngang nakita ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw sa pinto ng silid ko samantalang ang mga Etyopiyo ay naglalaro sa [bakuran ng] masjid. Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtatakip sa akin ng balabal niya habang nanonood ako ng laro nila."

Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagmamahal sa mga babaing anak niya at nagpaparangal sa kanila sapagkat kapag pumasok sa kanya ang anak niyang si Fāṭimah ay tumitindig siya saka humalik dito at nagpapaupo dito sa inuupuan niya. Dumadalaw siya sa mga babaing anak niya at nagsisiyasat sa mga kalagayan nila.

Kabilang sa mga tagubilin niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa Kalipunan niya ang sabi niya:

"Magpatagubilin kayo hinggil sa mga babae ng kabutihan."

Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Kabilang sa mga kaasalan ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakamainam sa mga tao sa mga kaasalan at ang pinakamaganda sa kanila sa mga ugali. Naglarawan nga sa kanya si Allāh (napakataas Siya) sa sabi Niya:

{Tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang sukdulan.}

(Qur'ān 68:4)

Siya noon ay nagtatamasa ng pagkaganap sa kaasalan niya, na hindi naabot ng iba sa kanya, yayamang naisanggalang siya laban sa bawat pagkakulang at nagkamit siya ng pagkaganap mula sa bawat kainaman. Ang kaasalan niya noon ay ang Marangal na Qur'ān. Nagsasaugali siya nito at nagpapaugali siya sa mga tao nito. Kabilang sa mga kaasalan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

* Siya noon ay ang pinakamatimpiin sa mga tao, ang pinakamakatarungan sa kanila, ang pinakamabini sa kanila, ang pinakagalante sa kanila, at ang pinakamarangal sa kanila.

* Siya noon ay pinakamatindi sa mga tao sa pagkahiya.

* Siya noon ay mapagpakumbaba, na tumutugon sa paanyaya mula sa alinman, tumatanggap ng regalo kahit pa man kaunti, at tumutumbas doon.

* Siya noon ay dumadalaw sa mga maysakit, dumadalo sa mga libing, nakikiupo sa mga maralita, nakikikain sa mga dukha, nagpaparangal sa mga may kainaman at mga kaasalan, at nagpapakamagiliw sa mga may dangal.

* Walang pumupunta noon sa kanya na isa man malibang tumitindig siya kasama nito sa pagtugon sa pangangailangan nito. Hindi siya naging isang mabagsik ni isang magaspang. Hindi siya noon gumaganti sa masagwang gawa ng masagwang gawa, subalit nagpapaumanhin siya at nagpapalampas siya, malibang kapag nilabag ang mga pinakababanal ni Allāh sapagkat sa sandaling iyon ay nagagalit siya para kay Allāh hindi para sa sarili niya.

* Bahagi noon ng kaasalan niya na magpasimula siya ng pagbati sa sinumang nakasalubong niya. Siya noon, kapag nakasalubong ng isa sa mga Kasamahan niya, ay nagpapasimula ng pakikipagkamayan.

* Siya noon ay nagbibigay sa sinumang umupo sa harap niya ng bahagi nito mula sa pagharap niya, pagdinig niya, pakikipag-usap niya, at kabanayaran ng mga kagandahan niya at pagpapayo niya.

* Siya noon ay ang pinakamahabagin sa mga tao, ang pinakamabuti sa mga tao, at ang pinakakapaki-pakinabang sa mga para sa mga tao.

* Siya noon ay nagbibiro ngunit hindi siya nagsasabi kundi ng totoo. Madalas ang pagngiti, tumatawa siya nang walang paghalakhak. Nakikipagkarerahan siya sa mga maybahay niya at nakikipaglambingan sa kanila.

* Siya noon ay kumakain ng nakahain, hindi tumatanggi sa natagpuan niya, at hindi namimintas ng isang pagkain kailanman. Kung nakatagpo siya ng datiles, kinakain niya ito. Kung nakatagpo siya ng karne, kinakain niya ito. Kung nakatagpo siya ng tinapay na sebada o trigo, kinakain niya ito. Kung nakatagpo siya ng matamis o pulut-pukyutan, kinakain niya ito. Kung nakatagpo siya ng gatas na walang tinapay, nagkakasya siya rito. Kung nakatagpo siya ng pakwan o manibalang na datiles, kinakain niya ito.

* Siya noon ay nagsusuot ng natatagpuan niya sapagkat minsan ay manto at minsan ay jubbah na lana. Ang anumang natagpuan niya mula sa pinapayagang damit ay isinusuot niya.

* Siya noon ay sumasakay sa mayroon sa kanya, na minsan ay kabayo, minsan ay kamelyo, minsan ay mola, at minsan asno; o naglalakad sa mga paa niya.

* Siya noon ay hindi nalilipasan ng isang sandali sa hindi isang gawain para kay Allāh (napakataas Siya) o sa hindi kailangan sa kanya mula rito na kaayusan ng sarili niya o mga tao ng bahay niya.

Karagdagan sa iba pa roon na mga kaasalang nakalalamang at pagkakaaya-aya ng pakikisama niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang Wakas

Ang Islām ay dakilang relihiyon, na nagsasakatuparan para sa individuwal na Muslim – na kumakapit sa mga katuruan nito – ng kapahingahan, kaaya-ayang buhay, kaayusan ng kalagayan sa Mundo, at mananatiling kaginhawahan at walang-hanggang kaligayahan sa Kabilang-buhay. Gayon din, nagsasakatuparan ito para sa lipunang Muslim – na kumakapit sa mga katuruan nito – ng pag-angat, pagsulong, paglago, pag-unlad, pagbubuklurang panlipunan, at katiwasayan at pagkakatiwasay.

Kaya kaiga-igayang buhay ay ukol sa iyo, O napapatnubayan sa Islām, dahil sa kapita-pitagang biyayang ito. Natuto siya ng paniniwala rito, batas nito, mga katuruan nito, mga kaasalan nito, at mga pag-uugali rito. Kumapit siya rito alang-alang sa sarili niya at nanatili rito sa lahat ng mga aspeto ng buhay niya sa abot ng kakayahan niya. Tunay na siya ay makakikita sa epekto ng Islām sa kanya at kung papaanong gumagawa ito mula sa kanya bilang maayos na tao na lumiligaya sa sarili niya at lumiligaya dahil sa kanya ang bawat sinumang nasa paligid niya gaya ng mga magulang, asawa, mga anak, mga kaanak, mga kapit-bahay, mga kaibigan, at bawat sinumang nakikitungo sa Muslim na ito na pinarangalan ni Allāh ng pagpasok sa Relihiyon Niya at pagtahak sa daang nagpapaabot doon.

Ang libritong ito ay ang simula ng daan mo sa pagkatuto ng mga patakaran ng Relihiyon mo. Pagkatapos kailangan sa iyo matapos nito na magpunyagi sa pagpapadagdag ng napakikinabangang kaalaman at maayos na gawa, pagpapabusilak ng sarili mo, at pagsasaayos ng puso mo. Sa tuwing nadaragdagan ang kaalaman mo sa Islām at ang gawa mo sa pamamagitan ng nalalaman mo, nadaragdagan ang kalapitan mo sa Marangal na Panginoon mo (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Kaya magpakalapit ka sa Marangal na Qur'ān sa pamamagitan ng pagkatuto, pagbigkas, at pagmuni-muni sa mga talata nito. Bumatid ka sa talambuhay ng Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at Sunnah niya sapagkat siya ay huwaran mo na isinasahuwaran mo sa buhay na ito at siya ay ang kaisa-isahan na ipinag-utos sa iyo ni Allāh na tanggapin mo ang bawat inihatid niya. Hinggil naman sa iba pa sa kanya kabilang sa mga tao, maging anuman ang inabot ng antas nila, tunay na ang pananalita nila ay tatanggapin mula rito ang sumang-ayon sa Qur'ān at Sunnah at tatanggihan ang sumalungat sa dalawang ito. Kaingat ka sa pakikipagtalo sa Relihiyon at umiwas ka sa pakikipagbangayan, pakikipagsalungatan, at pakikipaghidwaan sa mga kapatid mong mga Muslim.

Humihingi kami kay Allāh para sa amin at para sa iyo ng pagtutuon at katatagan sa Relihiyong ito hanggang makipagkita tayo sa Kanya habang Siya ay nalulugod sa atin. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya, mga Kasamahan sa kalahatan, at sinumang sumunod sa kanya hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.