Skip to content

"Ang mga naaawa ay kaaawaan sila ng Napakamaawain. Kaawaan ninyo ang mga naninirahan sa lupa, kaaawaan kayo Niyang nasa langit."}

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

"Ang mga naaawa ay kaaawaan sila ng Napakamaawain. Kaawaan ninyo ang mga naninirahan sa lupa, kaaawaan kayo Niyang nasa langit."}

«الرَّاحِمُونَ يَرْحَمُهمُ الرَّحمنُ، ارحَمُوا أهلَ الأرضِ يَرْحْمْكُم مَن في السّماء».

Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga naaawa sa iba ay kaaawaan ng Napakamaawain sa pamamagitan ng awa Niya na sumakop sa bawat bagay bilang ganting karampatan. Pagkatapos nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maawa sa lahat ng mga nasa lupa na tao o hayop o ibon o iba pa kabilang sa mga uri ng nilikha at ang ganti roon ay na maawa sa inyo si Allāh mula sa ibabaw ng mga langit Niya.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

...:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang Relihiyong Islām ay relihiyon ng pagkaawa. Ito ay nakasalalay sa kabuuan nito sa pagtalima kay Allāh at paggawa ng maganda sa nilikha.

Si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nailalarawan sa pagkaawa. Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Napakamaawain, ang Maawain, na nagpapaabot ng awa sa mga lingkod Niya.

Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain, kaya naman ang mga naaawa ay kaaawaan sila ni Allāh.

Ang mga Sanggunian

Sunan Abī Dāwud (7/ 297) (4941).

Sunan At-Tirmidhīy (3/ 483) (1924).

Ang Karagdagan (7)

مسند أحمد ط الرسالة (11/ 33) (6494).

تحفة الأحوذي بشرح جامع الترمذي.

لمحمد المباركفورى (6/ 43).

سلسلة الأحاديث الصحيحة وشيء من فقهها وفوائدها.

للألباني (2/ 594).

معارج القبول بشرح سلم الوصول إلى علم الأصول.

حافظ الحكمي (1/ 156).