Pinakahinahanap
I-filter ang mga resulta
116 card
الموضوعات
التصنيف الشرعي
Sabihin mo: Ito ay ang paniniwala at ang katiyakan sa kairalan nila, sa mga katangian nila, sa mga kakayahan nila, sa gawain nila, at a anumang ipinag-uutos sa kanila, at na sila ay nilikhang marangal na dakila, na nilikha ni Allāh mula sa isang liwanag. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 66:6): "Hindi sumusuway kay Allāh sa anumang ipinag-utos Niya sa kanila at gumagawa sa anumang ipinag-uutos sa kanila." Mayroon silang mga pakpak na dalawahan, tatluhan, apatan, at higit pa roon. Ang bilang nila ay marami. Walang nakaaalam sa bilang nila kundi si Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas. Inatangan sila ni Allāh ng mga dakilang tungkulin kaya mayroon sa kanilang mga tagapasan ng trono, mga itinalaga sa mga sinapupunan, sa pag-iingat sa tala ng mga gawa at sa pag-iingat sa mga tao, mga tagatanod sa Paraiso, mga tagatanod sa Impiyerno, at iba pang mga tungkulin. Ang pinakamainam sa kanila ay si Gabriel - sumakanya ang pangangalaga. Siya ay ang nakatalaga sa pagsisiwalat na pinababa sa mga propeta. Naniniwala tayo sa kanila sa kabuuan at detalye gaya ng ipinabatid ng Panginoon natin - mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya - sa Aklat Niya at Sunnah ng Sugo Niya - pagpalain Niya ito at pangalagaan. Ang sinumang nagkaila sa mga anghel o nagsabing ang reyalidad nila ay hindi raw ayon sa ipinabatid ni Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ito ay tumatangging sumampalataya dahil sa pagpapasinungaling nito sa ipinabatid ni Allāh - pagkataas-taas Niya - at sa ipinabatid ng Sugo Niya - pagpalain Niya ito at pangalagaan.
S. Sabihin mo: Ito ay na pakatiyakin mo at saksihan mo na si Allāh - pagkataas-taas Niya - ay nagpababa nga sa mga propeta Niya at mga sugo Niya - sumakanila ang pagpapala at ang pangangalaga - ng mga aklat na bumanggit nga Siya ng ilan sa mga ito sa Aklat Niya: ang Kalatas ni Abraham, ang Torah, ang Ebanghelyo, ang Salmo, at ang Qur'ān. Ibinaba Niya ang Kalatas ni Abraham kay Abraham, ang Torah kay Moises, ang Ebanghelyo kay Jesus, ang Salmo kay David, at ang Qur'ān kay Muḥammad, ang pangwakas sa mga propeta Niya - sumakanila ang pagpapala at ang pangangalaga.
Ang pinakamainam sa mga ito ay ang Qur'ān na Salita ni Allāh - pagkataas-taas Niya. Sinalita Niya ito nang tunay. Ang pagkakabigkas nito at ang kahulugan nito ay mula kay Allāh. Ipinarinig Niya ito kay Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga - at ipinag-utos Niya roon ang pagpapaabot nito sa Propeta Niyang si Muḥammad - sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 26:193): "Bumaba kasama nito ang pinagkakatiwalaang Espiritu" Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya (Qur'ān 76:23): "Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo ng Qur'ān sa isang [unti-unting] pagpapababa." Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya (Qur'ān 9:6): "kanlungin mo siya nang sa gayon ay maririnig niya ang Salita ni Allāh."
Pinangalagaan nga ito ni Allāh - pagkataas-taas Niya - laban sa paglilihis, pagdaragdag, at pagbawas. Ito ay napangangalagaan sa pagkakasulat at pagkakasaulo hanggang sa kunin ni Allāh ang mga kaluluwa ng mga mananampalataya bago sumapit ang Huling Sandali sa wakas ng panahon, at saka iaangat Niya - pagkataas-taas Niya - ito sa Kanya kaya walang matitirang anuman mula rito.
Sabihin mo: Naniniwala ako nang tandisan na sila ay mga tao, na sila ay mga hinirang sa mga anak ni Adan, at na si Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay humirang sa kanila at pumili sa kanila upang ipaabot ang batas Niya na ibinababa Niya sa mga lingkod Niya. Nag-aanyaya sila sa pagsamba kay Allāh - tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya, at sa pagwawalang-kaugnayan sa Shirk at mga alagad nito. Ang pagkapropeta ay isang paghahalal at isang paghihirang mula kay Allāh. Hindi ito natatamo sa pamamagitan ng pagsisikap at dami ng pagtalima ni sa pagkamatuwid o talino. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 6:124): "Si Allāh ay higit na nakaaalam kung saan Niya ilalagay ang pasugo Niya."
Ang kauna-unahan sa mga propeta ay si Adan - sumakanya ang pangangalaga. Ang kauna-unahan sa mga sugo ay si Noe - sumakanya ang pangangalaga. Ang pangwakas sa kanila ay ang pinakamainam sa kanila, si Muḥammad bin `Abdullāh Al-Qurashīy Al-Hāshimīy - ang mga biyaya ni Allāh at pangangalaga Niya ay sumakanilang lahat. Ang sinumang nagkaila ng isang propeta ay tunay tumangging sumampalataya. Ang sinumang nag-angkin ng pagkapropeta matapos ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - siya ay tumatangging sumampalataya, na nagpapasinungaling kay Allāh yayamang nagsabi Siya (Qur'ān 33:40): "Si Muḥammad ay hindi ang ama ng isa sa mga lalaki ninyo bagkus ang Sugo ni Allāh at ang katapusan sa mga Propeta." Nagsabi naman ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Walang propeta matapos ko."
S. Sabihin mo: Sa pamamagitan ng paniniwalang tandisang, katiyakang walang pagdududa rito, at pagkilala sa pangyayari ng lahat ng ipinabatid ni Allāh tungkol sa pangyayari matapos ng kamatayan gaya ng pagtatanong sa libingan, ginhawa roon at pagdurusa, pagbubuhay at pagtitipon [sa mga tao], pagkalap sa mga nilikha para sa pagtutuos at paghuhusga, mangyayari sa mga larangan ng pagbangon ng mga patay gaya ng matagal na pagkakatayo at paglapit ng araw sa layong isang milya, [pag-inom sa] batis, timbangan, talaan, pagtukod ng landasin sa ibabaw ng Impiyerno, at iba pa roon kabilang sa mga mangyayari at mga hilakbot sa dakilang araw na iyon hanggang sa makapasok sa Paraiso ang mga maninirahan sa Paraiso at sa Impiyerno ang mga maninirahan sa Impiyerno, gaya na nasaad nang masusi sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Sugo Niya - pagpalain Niya ito at pangalagaan. Napaloloob sa pananampalataya sa Huling Araw ang paniniwala sa napagtibay mula sa mga kundisyon ng Huling Sandali at mga palatandaan nito gaya ng dami ng mga tukso, ng mga pagpatay, ng mga lindol, ng mga eklipse, ng paglabas ng bulaang-Kristo, ng pagbaba ni Jesus - sumakanya ang pangangalaga - ng paglabas ng Gog at Magog, ng pagsikat ng araw mula sa kanluran nito, at ng iba pa roon kabilang sa mga kundisyon ng Huling Sandali.
Lahat ng iyon ay napagtibay sa Aklat ni Allāh at mga ulat sa Sugo Niya - pagpalain Niya ito at pangalagaan - na tumpak na nakatala sa mga aklat ng mga Ṣaḥīḥ, mga Sunnah, at mga Musnad.
Sabihin mo: Oo. Nagsabi si Allāh tungkol sa mga tao ni Paraon (Qur'ān 40:46): "Ang Apoy, idadarang sila roon sa umaga at gabi. Sa araw na sasapit ang Huling Sandali [ay sasabihin sa mga anghel]: 'Papasukin ninyo ang mga kampon ni Paraon sa pinakamatindi sa pagdurusa." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 8:50): "Kung sakaling nakikita mo kapag kinukuha ang mga tumangging sumasampalataya ng mga anghel, na hinahagupit ng mga ito ang mga mukha nila at ang mga likod nila [habang sinasabihan]: 'Lasapin ninyo ang pagdurusa ng pagkasunog.'" Ang sabi pa Niya - napakamaluwalhati Niya - (Qur'ān 14:27): "Pinatatatag ni Allāh ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagsasabing matatag sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay." Nasaad sa mahabang Ḥadīth Al-Qudsīy ayon kay Al-Barā' - malugod si Allāh sa kanya: "kaya may mananawagang isang tagapanawagan mula sa langit: 'Nagtapat ang lingkod Ko kaya latagan ninyo siya ng mula sa Paraiso, padamitan ninyo siya ng mula sa Paraiso, magbukas kayo para sa kanya ng isang pintuan patungo sa Paraiso at pupuntahan siya ng halimuyak nito at bango nito, at magpapaluwag para sa kanya sa libingan niya sa abot ng tingin niya.' Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag naalaala niya ang kamatayan nito, ay magsasabi at panunumbalikin ang kaluluwa niya sa katawan niya. Pupuntahan siya ng dalawang anghel at pauupuin siya. Magsasabi ang dalawang ito: 'Sino ang Panginoon mo?' Magsasabi siya: 'Ha? Ha? Hindi ko nalalaman.' Magsasabi ang dalawang ito: Ano ang Relihiyon mo? Magsasabi siya: 'Ha? Ha? Hindi ko nalalaman.Magsasabi ang dalawang ito: Sino ang lalaking ito na ipinadala sa inyo?'Magsasabi siya: 'Ha? Ha? Hindi ko nalalaman. 'Kaya may mananawagang isang tagapanawagan mula sa langit: 'Nagsinungaling nga siya kaya latagan ninyo siya ng mula sa Impiyerno, padamitan ninyo siya ng mula sa Impiyerno, magbukas kayo para sa kanya ng isang pintuan patungo sa Impiyerno at pupuntahan siya ng init nito at lason nito, at magpapasikip sa kanya ang libingan niya hanggang sa magsalita dito ang mga tadyang niya." Nagdagdag sa isang sanaysay: "Pagkatapos ay aakayin siya ng isang bulag na piping may pambambong yari sa bakal na kung sakaling pinalo gamit nito ang isang bundok ay talagang ito ay magiging alabok. Papaluin siya gamit nito ng isang palong maririnig sa pagitan ng silangan at kanluran maliban ng tao at jinn." Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud. Dahil dito, ipinag-utos sa atin ang pagpapakupkop laban sa pagdurusa sa libingan sa bawat dasal.
Sabihin mo: Oo; makikita nila ang Panginoon nila sa Kabilang-buhay. Kabilang sa mga patunay roon ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 75:22-23): "May mga mukha, sa araw na iyon, na mga nagniningning. Sa Panginoon nila ay mga nakatingin." at ang sabi niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na kayo ay makakikita sa Panginoon ninyo." Itinala ito nina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim. Nagkaulit-ulit nga ang mga ḥadīth buhat sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - kaugnay sa pagpapatibay sa pagkakita ng mga mananampalataya sa Panginoon nila - mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya. Nagkaisa roon ang mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at ang mga tagasunod nila sa pagpapakahusay. Kaya ang sinumang nagpasinungaling sa pagkakita ay sumalansang kay Allāh at sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at sumalungat sa landas ng mga mananampalataya kabilang sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at sinumang sumunod sa kanila sa pagpapakahusay. Tungkol naman sa Mundo, hindi maaari ang pagkakita dahil ang sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na kayo ay hindi makakikita sa Panginoon ninyo hanggang sa mamatay kayo." at noong hiniling ng propeta ni Allāh na si Moises - sumakanya ang pangangalaga - ang makita si Allāh sa Mundo gaya na nasaad sa sabi Niya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas - (Qur'ān 7:143): "Noong dumating si Moises sa tipanan Namin at kinausap ito ng Panginoon nito ay nagsabi ito: 'Panginoon ko, magpakita Ka sa akin, titingin ako sa Iyo.' Nagsabi Siya: 'Hindi mo Ako makikita,"
Sabihin mo: Sa pamamagitan ng katiyakang tandisan na ang bawat bagay ay nangyayari dahil sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya. Kaya naman walang mangyayaring anuman malibang dahil sa kalooban Niya. Siya ay ang tagapaglikha ng mga gawa ng mga tao: ang mabuti sa mga ito at ang masama sa mga ito. Nilalang Niya nang likas ang mga tao sa kabutihan at pagtanggap ng katotohanan. Binigyan Niya sila ng mga isip na nakatatalos. Gumawa Siya para sa kanila ng pagnanais na nakapipili sila gamit ito. Nilinaw Niya sa kanila ang katotohanan. Nagbabala Siya sa kanila laban sa kabulaanan kaya nagpatnubay Siya sa sinumang niloob Niya dahil sa kabutihang-loob Niya at nagpaligaw Siya sa sinumang niloob Niya dahil sa katarungan Niya. Siya ay ang Marunong, ang Maalaman, ang Maawain. Hindi Siya matatanong tungkol sa anumang ginagawa Niya samantalang sila ay tatanungin.
Ang mga antas ng pagtatakda ay apat:
A. Ang pananampalataya sa kaalaman ni Allāh, na Siya ay nakasasaklaw sa bawat bagay sapagkat Siya ay nakaaalam sa anumang nangyari, anumang mangyayari, at anumang hindi nangyari kung sakaling nangyaring papaanong mangyayari ito.
B. Ang pananampalataya na si Allāh ay sumulat sa bawat bagay.
C. Ang pananampalataya na walang mangyayaring anuman malibang ayon sa kalooban Niya.
D. Ang pananampalataya na si Allāh ay tagapaglikha ng bawat bagay sapagkat Siya ay ang tagapaglikha ng mga katawan, mga ginagawa, mga sinasabi, mga pagkilos, mga pagtigil, at mga katangian ng bawat bagay sa mga mundong pangkaitaasan at panlupa. Ang mga patunay ng naunang nabanggit ay matatagpuan sa Qur'ān at Sunnah.
Sabihin mo: Hindi ginagamit na katawagan ang sinasabing ang tao ay musayyar (pinagkaitan ng malayang kalooban) o siya ay mukhayyar (pinagkalooban ng malayang kalooban) sapagkat kapwa ito mali. Ang mga teksto ng Qur'ān at Sunnah ay nagpahiwatig nga na ang tao ay may pagnanais at kalooban, na siya ay gumagawa sa katunayan, subalit lahat ng iyon ay hindi nakalalabas sa kaalaman ni Allāh, pagnanais Niya, at kalooban Niya. Nililinaw iyon ng sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 81:28-29): "para sa sinumang lumoob mula sa inyo na magpakatuwid, at hindi ninyo niloloob maliban kung niloloob ni Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 74:55-56): "Kaya ang sinumang nagloob, alalahanin niya ito. Hindi sila mag-aalaala maliban kung loloobin ni Allāh. Siya ay ang karapat-dapat pangilagang pagkasalaan at ang karapat-dapat magpatawad."
Sabihin mo: Hindi tutumpak ang pananampalataya nang walang gawa, bagkus kailangan ng gawa dahil ang gawa ay isang saligan ng pananampalataya kung paanong ang salita ay iba pang saligan nito. Ito ay ang napagkaisahan ng mga imām na ang pananampalataya ay salita at gawa. Ang patunay ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 20:75): "Ang sinumang pumunta sa Kanya bilang isang mananampalataya ay gumawa nga ng mga maayos. Ukol sa mga iyon ay ang mga antas na mataas:" Kaya naman isinakundisyon ni Allāh ang pananampalataya at ang gawa nang magkasama para sa pagpasok ng tao sa Paraiso.
S: Lima: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, ang pagpapanatili sa dasal, ang pag-aayuno sa Ramaḍān, ang pagbibigay ng zakāh, at ang ḥajj sa Bahay na Pinakababanal ni Allāh.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Itinayo ang Islām sa lima: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, ang pagpapanatili sa dasal, ang pagbibigay ng zakāh, ang ḥajj, at ang pag-aayuno sa Ramaḍān." Napagkaisahan ang katumpakan.
Sabihin mo: Ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh. Nangangahulugan ito: Walang sinasambang totoo kundi si Allāh gaya ng sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 43:26-28): "[Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niya at mga kalipi niya: 'Ako ay nagtatatwa sa anumang sinasamba ninyo, maliban sa lumalang sa akin sapagkat tunay na Siya ay magpapatnubay sa akin.' Ginawa niya ito na isang pangungusap na mananatili sa mga inapo niya nang sa gayon sila ay magbabalik." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 31:30): "Iyon ay dahil sa si Allāh ay ang Katotohanan, at tunay na ang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at na si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki."
Ang kahulugan ng pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay ang tunay na nakatitiyak tayo at kumikilala tayong siya ay Sugo ni Allāh at Lingkod Niya, na Siya ay isang lingkod na hindi sinasamba, isang propetang hindi pinasisinungalingan, tinatalima sa ipinag-utos niya, pinaniniwalaan sa ipinabatid niya, at iniiwasan ang anumang sinaway niya at sinawata, at ang hindi sambahin si Allāh malibang ayon sa isinabatas niya.
Ang karapatan niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa Kalipunan niya ay ang igalang, ang pagpitaganan, ang ibigin, at ang sundin nang lubusan sa bawat oras at sandali ayon sa kakayanan. Nagsabi si Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 3:31): "Sabihin mo: 'Kung kayo ay umiibig kay Allāh ay sundin ninyo ako, iibigin kayo ni Allāh at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.'"
Sabihin mo: Ang adhikain ng Tawḥīd ay hindi payak na pangungusap na sinasabi nang walang paniniwala, pagsasagawa sa mga hinihiling nito, at pag-iwas sa mga panira nito, bagkus mayroon itong pitong kundisyong inilabas ng mga maalam sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga patunay na legal sa Islām. Itinala nila ito habang mga nagpapatunay sa mga ito gamit ang mga patunay mula sa Qur'ān at Sunnah.
- Ang kaalaman sa kahulugan nito ayon sa pagkakaila at pagkilala. Ang kaalamang si Allāh, tanging Siya: walang katambal sa Kanya, ay ang karapat-dapat sa pagsamba, at ang ipinahiwatig nito na pagkakaila ng pagkadiyos sa iba pa kay Allāh at pagkakilala sa mga hinihiling nito, sa mga kinakailangan dito, at sa mga panira rito, na sumasalungat sa kamangmangan. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 47:19): "Kaya alamin mo na walang Diyos kundi si Allāh," Ang sabi pa Niya - napakamaluwalhati Niya - (Qur'ān 43:86): "maliban sa mga sumaksi sa katotohanan at sila ay nakaaalam." Nagsabi naman ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang namatay habang siya ay nakaaalam na walang Diyos kundi si Allāh ay papasok sa Paraiso." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
- Ang katiyakan ay ang paniniwalang tandisan dito,na sumasalungat sa pagdududa at pag-aalinlangan, na tumutukoy sa nanunuot sa puso, na matatag dito. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 49:15): "Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, pagkatapos ay hindi nag-alinlangan, at nakibaka sa pamamagitan ng mga ari-arian nila at mga sarili nila sa landas ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga nagpapakatotoo." Nagsabi naman ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nagsabi: 'Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh' at na ako ay Sugo ni Allāh, walang makikipagtagpo kay Allāh kasama ng dalawang ito, na isang taong hindi nagdududa sa dalawang ito malibang papasok siya sa Paraiso."
- Ang pagpapakawagas, na sumasalungat sa shirk. Iyon ay sa pamamagitan ng pagdalisay sa pagsamba at pag-aalis dito ng anumang bahid ng shirk o pagpapakitang-tao. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 39:3): "Pakatandaan, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 98:5): "Walang ipinag-utos sa kanila kundi na sambahin nila si Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon," Nagsabi naman ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagsabing walang Diyos kundi si Allāh nang wagas mula sa puso niya o sarili niya." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy.
- Ang pag-ibig sa adhikaing ito at sa ipinahiwatig nito, ang pagkagalak doon, at ang pag-ibig sa mga alagad nito, ang pakikipagtangkilik sa kanila, ang pagkasuklam sa sumisira nito, at ang pagpapawalang-kaugnayan sa mga tumatangging sumampalataya. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 2:165): "May mga taong gumagawa sa iba pa kay Allāh bilang mga kaagaw na iniibig nila ang mga ito gaya ng pag-ibig kay Allāh, ngunit ang mga sumampalataya ay higit na matindi sa pag-ibig kay Allāh." Nagsabi naman ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "May tatlong ang sinumang ang mga ito ay nasa kanya, matatagpuan niya ang tamis ng pananampalataya: na si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa iba pa sa kanilang dalawa, na ibigin niya ang tao nang hindi iniibig ito malibang alang-alang kay Allāh, at na kasuklaman Niyang bumalik sa kawalang-pananampalataya kung paanong kasuklaman niyang ihagis sa Apoy" Isinaysay ito ni Imām Muslim.
Ang katapatang sumasalungat sa kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-aalinsunod ng puso at mga bahagi ng katawan sa dila na bumigkas sa adhikain ng Tawḥīd kaya sasang-ayunan ng mga bahagi ng katawan ang puso sa sinabi nito at magsasagawa ang mga iyon ng pagtalimang panlabas at panloob. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 29:3): "kaya talagang nalalaman nga ni Allāh ang mga nagpakatotoo at talagang nalalaman nga Niya ang mga nagsisinungaling." Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 39:33): "Ang naghatid ng katapatan at ang naniwala rito, ang mga iyon ay ang mga nangingilag magkasala." Nagsabi siya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang namatay habang siya ay sumasaksi na walang ibang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay sugo ni Allāh nang tapat sa puso niya ay papasok sa Paraiso." Isinaysay ito ni Imām Aḥmad.
Ang pagpapaakay sa pamamagitan ng pagpapasailalim kay Allāh bilang pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba at pagganap sa mga karapatan nito bilang pagsasagawa sa mga ipinag-uutos at pag-iwas sa mga sinasaway nang may pagpapakawagas, pagmimithi, pag-asa, at pangingilabot kay Allāh - pagkataas-taas Niya. Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 39:54): "Magsisi kayo sa Panginoon ninyo at sumuko kayo sa Kanya bago dumating sa inyo ang pagdurusa, pagkatapos ay hindi kayo maiaadya." Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 31:22): "Ang sinumang nagsusuko ng mukha niya tungo kay Allāh habang siya ay nagmamagandang-loob ay nangunyapit nga sa hawakang pinakamatibay."
- Ang pagtanggap na sumasalungat sa pagtutol. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtanggap ng puso sa adhikain at anumang ipinahiwatig nito at hiniling nito, subalit hindi tatanggapin ito mula sa sinumang nag-anyaya tungo rito dala ng isang panatisismo o isang pagmamalaki. Nagsabi si Allāh – pagkataas-taas Niya – (Qur'ān 37:35): "Tunay na sila noon, kapag sinabi sa kanila na walang Diyos kundi si Allāh, ay nagmamalaki"
S. Sabihin mo: Siya ay si Muḥammad, anak ni `Abdullāh, anak ni `Abdulmuṭṭalib, anak ni Hāshim, anak ni `Abdumunāf. Hinirang siya ni Allāh -pagkataas-taas Niya - mula sa Liping Quraysh, na mga pili sa mga anak ni Ismael na anak ni Abraham - sumakanilang dalawa ang pangangalaga. Ipinadala siya ni Allāh sa tao at jinn, ibinaba sa kanya ang Aklat at ang Karunungan, at ginawa siyang pinakamainam sa mga sugo at pinakalamang sa kanila - sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga.
Sabihin mo: Ang kauna-unahang isinatungkulin ni Allāh sa mga lingkod Niya ay ang pananampalataya sa Kanya - napakamaluwalhati Niya - at ang kawalang-pananampalataya sa nagdidiyus-diyusan, gaya ng sa sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 16:36): "Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: 'Sambahin ninyo si Allāh at iwaksi ninyo ang nagdidiyus-diyusan.' Kaya mayroon sa kanila na pinatnubayan ni Allāh at mayroon sa kanila na naging karapat-dapat sa kanya ang pagkaligaw. Kaya maglakbay kayo sa Lupa at tingnan ninyo kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga nagpapasinungaling." Ang nagdidiyus-diyusan ay ang anumang lumalampas ang tao sa hangganan nito gaya ng isang sinasamba o isang sinusunod o isang tinatalima [na nalulugod sa gayon].
S. Sabihin mo: Nilinaw nga ni Allāh iyon nang pinakamaliwanag na paglilinaw, at na Siya - pagkataas-taas Niya - ay lumikha sa mga nilikha, na tao at jinn, para sa pagsamba sa Kanya, tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwan sa sinaway Niya. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 51:56): "Hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao kundi upang sambahin nila Ako." Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 4:36): "Sumamba kayo Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman."