Pinakahinahanap
I-filter ang mga resulta
116 card
الموضوعات
التصنيف الشرعي
S. Sabihin mo: Ito ay ang bawat naiibigan ni Allāh at kinalulugdan Niya na mga sinasabi at mga ginagawang panloob at panlabas, at na ipinag-utos sa atin ni Allāh - napakamaluwalhati Niya - na paniwalaan natin o sabihin natin o gawin natin gaya ng pangamba sa Kanya, pag-asa sa Kanya, pag-ibig sa Kanya - napakamaluwalhati Niya - pagpapatulong at pagpapasaklolo sa Kanya sa Kanya, pagdarasal, at pag-aayuno.
Sabihin mo: Tunay na ang panalangin ay kabilang sa pinakadakila sa mga uri ng mga pagsamba, gaya ng sinabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 40:60): "Nagsabi ang Panginoon ninyo: 'Dumalangin kayo sa Akin, tutugunin Ko kayo. Tunay na ang mga nagmamalaki sa pag-ayaw sa pagsamba sa Akin ay magsisipasok sa Impiyerno na mga hamak.'" Sa ḥadīth, nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang panalangin ay ang pagsamba." Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy. Dahil sa kahalagahan nito at kadakilaan nito sa relihiyon, nasaad hinggil dito ang higit sa 300 talata sa Marangal na Qur'ān. Ang panalangin ay dalawang uri: panalangin ng pagsamba at panalangin ng paghingi. Ang bawat isa sa dalawa ay nag-oobliga sa isa pa.
Ang panalangin ng pagsamba ay ang pagpapakalapit kay Allāh - pagkataas-taas Niya - para sa pagtamo ng hinihiling, o pagtulak ng nakapagdadalamhati, o pag-aalis ng pinsala sa pamamagitan ng pagpapakawagas ng pagsamba sa Kanya - tanging sa Kanya. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 21:87-88): "[Banggitin] si Dhunnūn noong umalis siya habang nagagalit at inakala niya na hindi Kami makakakaya sa kanya, ngunit nanawagan siya sa loob ng mga kadiliman, na [nagsasabi]: 'Walang Diyos kundi Ikaw, napakamaluwalhati Mo; tunay na ako noon ay kabilang sa mga lumalabag sa katarungan.' Kaya tumugon kami sa kanya at iniligtas Namin siya mula sa hapis. Gayon Kami nagpapaligtas sa mga mananampalataya."
Ang panalangin ng paghingi ay ang paghiling na pakikinabang ng dumadalangin gaya ng pagtamo ng pakinabang o pag-alis ng pinsala. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 3:16): "Panginoon Namin, tunay na kami ay sumampalataya kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin at iadya Mo kami sa pagdurusa sa Apoy."
Ang panalangin ayon sa natatanging katangian ay ang diwa ng pagsamba at buod nito. Ito ay pinakamadali rito sa paghiling, pinakamagaan sa pagsasagawa, pinakadakila sa kalagayan at resulta. Ito ay kabilang sa pinakamalakas sa mga kadahilanan sa pagtulak sa kinasusuklaman at pagtamo sa hinihiling ayon sa kapahintulutan ni Allāh - pagkataas-taas Niya.
Sabihin mo: Hindi tinatanggap ang gawain sa ganang kay Allāh hanggang sa malubos rito ang dalawang kundisyon. Ang unang kundisyon: na ang gawain ay wagas na ukol kay Allāh. Ang patunay nito ay ang sabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 98:5): "Sabihin mo: 'Ako ay tao lamang tulad ninyo, na ikinasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya ang sinumang umaasa ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man.'"
Ang ikalawang kundisyon: na ito ay umaalinsunod sa Batas ng Islām na inihatid ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang patunay nito ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 3:31): "Sabihin mo: 'Kung kayo ay umiibig kay Allāh ay sundin ninyo ako; iibigin kayo ni Allāh" Ang sabi naman ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon sa utos namin, ito ay tatanggihan." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Kapag ang gawain ay hindi umaalinsunod sa patnubay ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - tunay na ito ay hindi tatanggapin kahit pa ang gumagawa nito ay nagpapakawagas.
S. Sabihin mo: Hindi, at kailangan ng pagsasama ng pagkamaayos ng layunin, ang pagpapakawagas sa gawain alang-alang kay Allāh kasama ng paggawa alinsunod sa Batas ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang patunay ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 18:110): "Kaya ang sinumang umaasa ng pakikipagtagpo sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man." Isinakundisyon ni Allāh sa talata para sa pagtanggap sa gawain ang pagkamaayos ng layunin, at na ang gawain ay maayos na umaalinsunod sa Batas ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.
S. Sabihin mo: Tatlong uri: 1. Tawḥīd Ar-Rubūbīyah (Paniniwala sa Kaisahan sa Pagkapanginoon). Ito ay ang paniniwalang tandisan na si Allāh ay ang Tagapaglikha, ang Tagapagtustos, ang Tagapangasiwa sa mga nilikha sa kalahatan - walang katambal sa Kanya at walang tagatulong. Ito ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh sa mga gawain Niya. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:3): "O mga tao, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo. May tagapaglikha pa bang iba pa kay Allāh, na nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya; kaya bakit pa kayo bumabaling palayo?" Nagsabi pa si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 51:85): "Tunay na si Allāh ay ang palatustos, ang may lakas, ang matibay." Nagsabi pa si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 32:5): "Pinangangasiwaan Niya ang kapakanan mula sa langit patungo sa lupa" Nagsabi pa si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 7:54): "Pakatandaan, Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala ni Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang."
- Tawḥīd Al-Asmā' wa Aṣ-Ṣifāt (Paniniwala sa Kaisahan sa mga Pangalan at mga Katangian). Ito ay ang paniniwalang tandisan na taglay ni Allāh ang mga pangalang napakagaganda at mga katangiang lubos na napagtibay sa Qur'ān at Sunnah nang walang takyīf (paglalarawan sa kahulugan), walang tamthīl (pagtutulad sa kahulugan), walang taḥrīf (paglilihis sa kahulugan), at walang ta`ṭīl (pagtanggi sa kahulugan), na walang katulad sa Kanya na anuman. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 42:11): "Walang katulad sa Kanya na anumang bagay, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita." Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 7:180): "Taglay ni Allāh ang mga pangalang napakagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito."
- Tawḥīd A-Ulūhīyah (Paniniwala sa Kaisahan sa Pagkadiyos). Ito ay ang pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba - tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ito ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh sa pinag-uukulan ng mga gawaing pagsamba ng mga tao. Nagsabi si Allāh – pagkataas-taas Niya – (Qur'ān 98:5): "Walang ipinag-utos sa kanila kundi upang sambahin nila si Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon" Nagsabi pa Siya – pagkataas-taas – (Qur'ān 21:25): "Hindi Kami nagsugo noong wala ka pa ng anumang sugo malibang nagsisiwalat Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako kaya sambahin ninyo Ako." Ang paghahating ito ay para sa pagpapaliwanag pangkaalaman at kung hindi, ito ay magkakasama sa paniniwala sa pinag-isang sinusunod sa Qur'ān at Sunnah.
S. Sabihin mo: Ito ay ang Shirk. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 5:72): "Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsabi: 'Tunay na si Allāh ay ang Kristo na anak ni Maria,' samantalang nagsabi ang Kristo: 'O mga anak ni Israel, sambahin ninyo si Allāh, ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo.' Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso at ang kanlungan niya ay ang Apoy. Hindi magkakaroon ang mga lumalabag sa katarungan ng anumang mga tagaadya." Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 4:48): "Tunay na si Allāh ay hindi magpapatawad na tambalan Siya ngunit magpapatawad Siya sa anumang mababa roon sa kaninumang loloobin Niya." Yayamang Siya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay hindi magpapatawad doon ay isang patunay na iyon ay pinakasukdulan sa mga pagkakasala. Nililiwanag iyon ng sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - noong tinanong siya kung aling pagkakasala ang pinakasukdulan at nagsabi siya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Na gawan mo si Allāh ng isang kaagaw gayong Siya lumikha sa iyo..." Napagkaisahan ang katumpakan. Ang kaagaw ay ang ipinapantay at ang itinutulad.
Ang Shirk ay na gawan ng isa si Allāh ng isang kaagaw - ibig sabihin: ipinapantay o kapara - gaya ng isang hari, o sugo, o katangkilik, at tulad niyon, at maniniwala kaugnay rito ng anumang gaya ng mga katangian ng pagkapanginoon o mga kaukulan nito gaya ng paglikha o paghahari o pangangasiwa, o nagpapakalapit-loob dito kaya dumadalangin dito o umaasa dito o nangangamba rito o nananalig dito o nagmimithi rito bukod pa kay Allāh o kasama kay Allāh kaya magbabaling dito ng anuman kabilang sa mga pagsambang pampananalapi o pisikal na inilalantad o inililingid.
S. Sabihin mo: Dalawang bahagi.
- Ang Malaking Shirk. Ito ay ang pagbaling ng isa sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay Allāh gaya ng pananalig sa iba pa sa Kanya, o paghiling ng ayuda mula sa mga patay, o pag-aalay sa iba pa kay Allāh, o pamamanata sa iba pa kay Allāh, o pagpapatirapa sa iba kay Allāh, o pagpapasaklolo sa iba pa kay Allāh sa anumang walang nakakakaya roon kundi si Allāh gaya ng pagpapasaklolo sa mga nakaliban o mga patay at walang gumagawa ng mga kamangmangang ito kundi ang sinumang naniwala sa kakayahan nila sa pagtugon o sa paggawa ng walang nakakakaya kundi si Allāh. Kaya siya, dahil doon, ay naging isang naniniwala kaugnay sa nilikhang iyon ng isang bagay na bahagi ng mga kakanyahan ng pagkapanginoon. Nagpapasailalim siya roon at nagpapakaaba siya roon nang pagpapakaaba ng pagkaalipin kaya sumasalig siya roon, nagsusumamo siya roon, nagpapasaklolo roon, nananawagan siya roon habang humihingi roon ng hindi nakakakaya ng anumang nilikha. Kataka-takang nagpapasaklolo sa isang walang-kakayahan na hindi nakapagdudulot para sa sarili nito ng isang pinsala ni pakinabang at hindi nakapagdudulot ng kamatayan ni buhay ni pagbubuhay. Ang sinumang walang-kakayahan sa pagtulak sa pinsala palayo sa sarili niya, papaano siyang magdudulot nito sa iba pa sa kanya? Walang iba ang gawain ito kundi gaya ng pagpapasaklolo ng nalulunod sa nalulunod. Kaya, o napakamaluwalhati ni Allāh, papaanong napapawi ang mga paningin ng iba sa kanila at nawawala ang mga isip nila at ginagawa nila itong Shirk na kumukontra sa Batas ng Islām, na sumisira sa mga isip, na sumasalungat sa nadarama?
- Ang Maliit na Shirk. Ito ay gaya ng kaunting pagpapakitang-tao, gaya ng sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang higit na pinangangambahan sa pinangangambahan ko sa inyo ay ang Maliit na Shirk. Tinanong siya tungkol dito kaya nagsabi siyang ang pagpapakitang-tao." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Ito ay gaya rin ng panunumpa sa iba pa kay Allāh. Nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh ay tumanggi ngang sumampalataya o nagtambal nga [kay Allāh]." Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy.
S. Sabihin mo: Dalawang uri.
- Malaking Kawalang-pananampalataya. Ito ay nagpapalabas sa kapaniwalaan. Ito ay sumisira sa ugat ng relihiyon gaya ng sinumang nanlait kay Allāh o sa relihiyon Niya o sa propeta Niya o nagbiro o nanuya sa anuman sa Batas ng Islām at Relihiyon o tumutol kay Allāh ng panuto Niya o utos Niya o pagsaway Niya kaya naman nagpasinungaling kay Allāh at sa Sugo Niya o nagkaila sa anumang isinatungkulin ni Allāh sa mga lingkod Niya o nagturing na ipinahihintulot ang ipinagbawal ni Allāh at ng Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 9:65-66): "Sabihin mo: 'Kay Allāh, sa mga Tanda Niya, at sa Sugo Niya ba kayo nangungutya?' Huwag kayong magdahilan; tumanggi nga kayong sumampalataya matapos ng pananampalataya ninyo."
- Maliit na Kawalang-pananampalataya. Ito ay ang tinawag ng legal na patunay bilang kawalang-pananampalataya at hindi malaki. Tinatawag ito na kawalang-pagkilala sa biyaya o maliit na kawalang-pananampalataya gaya ng pakikipaglaban sa Muslim, pagpapawalang-kaugnayan sa kaangkanan, pananaghoy sa patay, at tulad niyon na kabilang sa mga katangian ng Panahon ng Kamangmangan. Nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang paglait sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy. Nagsabi pa ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "May dalawang [gawain] sa mga tao na sa kanila ay may kawalang-pananampalataya: ang paninirang-puri sa mga kaangkanan at ang pananaghoy sa patay." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Ang mga gawain ito ay hindi nagpapalabas sa Kapaniwalaan subalit ang mga ito ay bahagi ng mga malaking kasalanan. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh!
S. Sabihin mo: Dalawang uri: Malaking Pagpapaimbabaw at Maliit na Pagpapaimbabaw.
Ang Malaking Pagpapaimbabaw (Nifāq). Ito ay ang pagpapakita ng pananampalataya at ang pagkukubli ng kawalang-pananampalataya. Ito ay bahagi ng pinakasukdulan sa mga epekto ng pagkamuhi sa Relihiyong Islām, pagkasuklam sa pananaig nito, pagkamuhi sa mga alagad nito, ang mga Muslim, at pagpupunyagi sa pakikidigma sa kanila at paninira sa relihiyon nila.
Ang Maliit na Pagpapaimbabaw. Ito ay ang pagpapakawangis sa mga gawain ng mga mapagpaimbabaw nang walang pagkukubli sa kawalang-pananampalataya, gaya ng sinumang kapag nagsalita siya ay nagsisinungaling, kapag nangako siya ay sumisira, at kapag pinagkatiwalaan siya ay nagtataksil. Nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang tanda ng mapagpaimbabaw ay tatlo: kapag nagsalita siya ay nagsisinungaling, kapag pinagkatiwalaan siya ay nagtataksil, at kapag nangako siya ay sumisira." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy.
S. Sabihin mo: Ang panira ay ang tagapawalang-saysay at ang tagapanggulo. Kapag nangyari ito sa anuman ay nagpapawalang-saysay ito roon at nanggugulo ito roon gaya ng mga panira ng wuḍū', na ang sinumang gumawa nito ay nawawalang-saysay ang wuḍū' niya at kinakailangan sa kanya ang pag-uulit nito. Tulad nito ang mga panira sa Islām. Kapag ginawa ito ng tao, nagugulo at nawawalang-saysay ang pagkaanib niya sa Islām at lumalabas ang gumagawa nito mula sa bakuran ng Islām patungo sa kawalang-pananampalataya. Bumanggit nga ang mga maalam sa mga paksa ng riddah (pagtalikod sa Islām) at ng hatol sa murtadd (tumalikod sa Islām) ng maraming uri ng nagpapatalikod sa Muslim sa relihiyon niya at nagpapanganib sa buhay niya at yaman niya. Ang pinakamapanganib sa mga ito, ang pinakamabigat sa mga ito, at ang pinakamadalas maganap at napagkaisahan ng mga maaalam ay sampung panira. 1. Ang Shirk (Pagtatambal) sa pagsamba kay Allāh - pagkataas-taas Niya. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 4:116): "Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya ngunit nagpapatawad Siya sa anumang mababa roon sa kaninumang loloobin Niya." Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 5:72): "Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso at ang kanlungan niya ay ang Apoy. Hindi magkakaroon ang mga lumalabag sa katarungan ng anumang mga tagaadya." Kabilang doon ang pagdalangin sa mga iba pa kay Allāh, ang pagpapasaklolo at ang pagpapakupkop sa kanila, ang pamamanata at ang pag-aalay sa kanila gaya ng sinumang nag-aalay para sa jinn o para sa libingan o para sa katangkilik (walīy) buhay man o patay para magtamo ng kabutihang magtutulak ng pinsala gaya ng ginagawa ng mga mangmang na nalinlang ng mga kasinungalingan at mga kalabuan ng mga bulaang naliligaw.
- Ang sinumang naglagay sa pagitan niya at ni Allāh ng mga tagapagpagitna na dinadalanginan niya, hinihingan niya ng pamamagitan nila, at pinananaligan niya sa pagtamo ng mga kahilingan niya at mga minimithi niyang pangmundo at pangkabilang-buhay, ay tumanggi ngang sumampalataya ayon sa pagkakaisa ng hatol. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 72:20): "Sabihin mo: 'Dumadalangin lamang ako sa Panginoon ko at hindi ako nagtatambal sa Kanya ng isa man.'"
- Ang hindi nagturing na tumatangging sumampalataya ang mga Mushrik o nagduda sa kawalang-pananampalataya nila o nagturing na tumpak ang paninindigan nila ay tumangging sumampalataya. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 9:30): "Nagsabi ang mga Hudyo: 'Si Ezra ay anak ni Allāh,' at nagsabi ang mga Kristiyano: 'Ang Kristo ay anak ni Allāh.' Iyon ay ang sabi nila sa pamamagitan ng mga bibig nila; nagwawangis sila sa sabi ng mga tumangging sumampalataya noong una. Isinumpa sila ni Allāh, papaano silang sumisinsay?" Ito ay dahil sa ang pagkalugod sa kawalang-pananampalataya ay isang kawalang-pananampalataya. Hindi tutumpak ang pagrerelihiyon malibang sa pamamagitan ng pagtangging sumampalataya sa nagdidiyus-diyusan sa pamamagitan ng paniniwala sa kabulaanan ng iba pa sa Relihiyong Islām, ng pagkasuklam dito, ng pagpapawalang-kaugnayan dito at sa mga alagad nito, at ng pakikipagpunyagi sa kanila sa abot ng makakaya.
- Ang sinumang naniwala na ang iba pa sa patnubay ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay higit na lubos kaysa sa patnubay niya o na ang hatol ng iba pa sa kanya ay higit na mahusay kaysa sa hatol niya gaya ng nagmamainam sa hatol ng mga nagdidiyus-diyusan at ng mga batas ng ng tao at mga hatol nila higit sa hatol ni Allāh at ng Sugo Niya. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 4:65): "Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya hanggang sa pinahahatol ka nila sa anumang naganap na pagtatalo sa pagitan nila, pagkatapos ay hindi sila nakatatagpo sa mga sarili nila ng isang kabalisaan sa anumang inihusga mo at nagpapasakop sila nang isang pagpapasakop [na lubos]." Ang sinumang nagmagaling sa mga pamamaraan ng mga shaykh ng kaligawan ng Sufismo, at mga pakikipag-usap nila, at mga bid`ah nila higit sa Tumpak na Sunnah habang siya ay nakaaalam na ang mga ito ay Sunnah ng Propeta, ang sinumang gumawa ng ganito, siya ay tumatangging sumampalataya ayon sa pagkakaisa ng hatol ng Islām.
- Ang sinumang nasuklam sa anumang inihatid ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - kahit pa nagsagawa siya nito ay tumanggi ngang sumampalataya. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 47:9): "Iyon ay dahil sa sila ay nasuklam sa ibinaba ni Allāh kaya naman nagpawalang-kabuluhan Kami sa mga gawa nila."
- Ang sinumang nangutya sa anuman sa Relihiyon ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - gaya ng sinumang nagbibiro sa ilan sa mga kahatulan niya, mga batas niya, mga sunnah niya, o mga panuto niya, o nangungutya sa anumang inihanda ni Allāh gaya ng gantimpala para sa mga tumatalima o parusa para sa mga sumusuway kabilang sa ipinabatid ni Allāh at ng Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay tumanggi ngang sumampalataya. Ang patunay ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 9:65-66): "Sabihin mo: 'Kay Allāh, sa mga Tanda Niya, at sa Sugo Niya ba kayo nangungutya?' Huwag kayong magdahilan; tumanggi nga kayong sumampalataya matapos ng pananampalataya ninyo."
Ang panggagaway (karunungang itim) ay hindi nangyayari malibang sa pamamagitan ng paggamit ng mga jinn at mga demonyo at ng pagtatambal sa kanila [kay Allāh] at ng paggawa ng mga gawaing pangkawalang-pananampalataya upang magtamo ng pagkalugod nila. Kabilang rito ang pampalayo ng damdamin at ang gayuma na nakaaapekto sa mga damdamin ng mga tao at mga pagsinta nila. Kaya ang sinumang gumawa nito nalugod dito ay tumanggi ngang sumampalataya. Ang patunay ay ang sabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 2:102): "ngunit hindi nagtuturo silang dalawa sa isa man malibang nagsasabi silang dalawa: 'Kami ay tukso lamang, kaya huwag kang tumangging sumampalataya.'"
- Ang pagsuporta sa mga Mushrik, ang pakikipagtulungan sa kanila, at ang pag-adya sa kanila laban sa mga Muslim. Ang patunay ay ang sabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 5:51): "Ang sinumang tumatangkilik sa kanila mula sa inyo, tunay na siya ay kabilang sa kanila. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong lumalabag sa katarungan."
- Ang sinumang naniwala na ang ilan sa mga tao ay maipahihintulot sa kanila ang paglabas sa Batas ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - gaya ng pagkapahintulot kay Al-Khiḍr ng paglabas sa Batas ni Moises - sumakanya ang pangangalaga - siya ay tumatangging sumampalataya dahil ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 3:85): "Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi."
- Ang pag-ayaw sa Relihiyon ni Allāh: hindi pinag-aaralan ito at hindi ginagampanan ito. Ang patunay ay ang sabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 32:22): "Sino ang higit na lumalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon niya, pagkatapos ay umaayaw sa mga ito? Tunay na Kami, sa mga salarin, ay maghihiganti." Ang tinutukoy ng pag-ayaw sa Relihiyon ni Allāh ay ang hindi pag-aaral ng kinakailangan sa kanya kabilang sa anumang katuruang hindi tutumpak ang pagrerelihiyon niya malibang sa pamamagitan ng pagkakaalam niya ng mga batayang katuruan ng relihiyon niya.
Matapos ng pagbanggit ng mga panirang ito, minamagaling sa atin ang pagbanggit sa dalawang panawag-pansin:
Ang pagbanggit ng mga nakasisirang ito ay para mapagbalaan laban sa mga ito at magbigay-babala sa mga tao tungkol sa mga ito sapagkat tunay na ang mga demonyo at ang mga katulong nilang mapamahiing tagapagpaligaw ay nag-aabang sa mga Muslim at nananamantala sa pagkalingat ng ilan sa kanila at kamangmangan nila upang palabasin sila sa bakuran ng katotohanan tungo sa kabulaanan at upang ibaling sila palayo sa landas ng Paraiso tungo sa Impiyerno.
Ang pagpapababa sa mga panirang ito sa panahon ngayon ay tungkulin ng mga maaalam na nagpakalalim sa kaalaman sapagkat sila ay ang mga nakaaalam sa mga patunay, mga kahatulan, at mga patakaran para sa pagpapababa sa mga kahatulan sa mga tao at hindi ipinahihintulot sa bawat isa iyon.
S. Sabihin mo: Hindi hahatol sa isa man ng pagpasok sa Paraiso o Impiyerno maliban sa mga nasaad ang teksto kaugnay sa kanila subalit inaasahan para sa tagagawa ng maganda ang gantimpala at pinangangambahan para sa tagagawa ng masagwa ang parusa. Nagsasabi tayong ang bawat namatay sa pananampalataya, ang kauuwian niya ay ang Paraiso; at ang bawat namatay sa shirk at kawalang-pananampalataya, siya ay kabilang sa mga mananahan sa Impiyerno, at kay saklap ang pamamalagian!
S. Sabihin mo: "Hindi hahatol sa Muslim ng kawalang-pananampalataya dahilan sa pagkahumaling niya sa mga pagkakasala at mga pagsuway kahit pa man mga ito ay mga malaking kasalanan hanggat nanatili ang mga ito na hindi kabilang sa mga tagapagpawalang-pananampalataya na ipinahiwatig ng mga tekstong pambatas sa Qur'ān at Sunnah. Nagsabi nito ang mga Kasamahan at ang mga Imān. Nananatili siya sa pananampalataya niya ngunit siya ay nagiging kabilang sa mga sumusuway sa mga alagad ng Tawḥīd hanggat hindi siya nasasadlak sa Malaking Kawalang-pananampalataya o Malaking Shirk o Malaking Pagpapaimbabaw."
Sabihin mo: Ang kalagayan ng dila ay mabigat sapagkat dahil sa isang pangungusap ay nakapapasok ang tao sa Islām at maaaring nakalalabas siya mula rito dahil sa isang pangungusap. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh! Ang mga pagkadulas ng dila at ang mga pagkatisod nito ay nagkakaiba-iba. Kabilang sa mga ito ang pangungusap na pangkawalang-pananampalataya na nagpapawalang-saysay sa pananampalataya at nagpapawalang-kabuluhan sa mga gawa, gaya ng panlalait kay Allāh o panlalait sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - o mga salita ng paglalarawan sa mga dinadakila at mga walīy sa pamamagitan ng mga paglalarawan sa pagkapanginoon, pagpapasaklolo sa kanila, at pag-uugnay sa kanila ng biyaya at ng anumang nangyayari sa tao; o pangungutya sa Batas ng Islām at pagbibiro sa mga patakaran nito at kabilang sa mga ito ang pagkainis sa mga kahatulang legal ni Allāh o ang pagkainis at ang pagtutol sa mga nakasasakit na kahatulan ng Qadr kabilang sa mga kinasusuklamang nangyayari sa Mundo gaya ng mga sakuna sa katawan, ari-arian, anak, at iba pa.
Kabilang sa mga malaking kasalanang nakapipinsala sa pananampalataya at nakababawas dito ay ang panlilibak at ang tsismis. Kaya mag-ingat tayo nang lubusang pag-iingat at mangalaga tayo sa mga dila natin laban sa bawat pananalitang sumasalungat sa Batas ni Allāh at Sunnah ng Propeta Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng isang pangungusap na bahagi ng kaluguran ni Allāh, na hindi man siya nag-uukol dito ng pansin ay iaangat naman siya ni Allāh dahil dito sa mga antas; at tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng isang pangungusap na bahagi ng kinaiinisan ni Allāh, na hindi man siya nag-uukol dito ng pansin ay ibabagsak naman siya dahil dito sa Impiyerno."
S. Sabihin mo: Hindi napuputol ang gawain ng mananampalataya malibang dahil sa kamatayan. Ang patunay ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 15:99): "Sambahin mo ang Panginoon mo hanggang sa datnan ka ng katiyakan." Ang katiyakan dito ay ang kamatayan ayon sa patunay ng sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - tungkol kay `Uthmān bin Mađ`ūn noong namatay siya: "Tungkol naman kay `Uthmān, pumunta nga sa kanya, sumpa man kay Allāh, ang katiyakan." Itinala ito ni Imām Al-Bukhārīy. Ito rin ay dahil ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay hindi nag-iwan sa gawain sa buhay niya. Ang kahulugan ng katiyakan dito ay hindi isang antas ng pananampalataya, na titigil dito ang mananampalataya sa gawain o naaalis sa kanya ang gawain, gaya ng inaakala ng iba sa mga nalilihis.
S. Sabihin mo: Ang nangangasiwa ng nauukol sa mga langit at lupa at sinumang nasa loob ng mga ito at nasa pagitan ng mga ito ay si Allāh - tanging Siya: walang katambal sa Kanya, ni tagapagmay-aring iba pa sa Kanya, ni katambal sa Kanya, ni tagatulong, ni alalay sa Kanya - napakamaluwalhati Niya at kalakip ng papuri sa Kanya. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - Qur'ān 34:22: "Sabihin mo: 'Dumalangin kayo sa mga [diyos na] inakala ninyo bukod pa kay Allāh. Hindi sila nagmamay-ari ng kasimbigat ng isang langgam sa mga langit ni sa lupa. Hindi sila nagkaroon sa mga ito ng anumang pakikitambal at hindi Siya nagkaroon mula sa kanila ng anumang alalay.'"