Skip to content

Kapag niregla ang babae nang ala-una ng tanghali, halimbawa, habang siya ay hindi pa nakapagdasal ng ḍ̆uhr, inoobliga ba sa kanya ang pagbabayad sa ṣalāh na iyon matapos maging walang regla?

السؤال

T 1:

Kapag niregla ang babae nang ala-una ng tanghali, halimbawa, habang siya ay hindi pa nakapagdasal ng ḍ̆uhr, inoobliga ba sa kanya ang pagbabayad sa ṣalāh na iyon matapos maging walang regla?

س21: إذا حاضت المرأة الساعة الواحدة ظهرًا مثلًا، وهي لم تصلّ بعد صلاة الظّهر، فهل يلزمها قضاء تلك الصلاة بعد الطّهر؟

الجواب

S 1:

Hinggil dito ay may pagkakaibahan sa pagitan ng mga maalam. Mayroon sa kanila na nagsasabing tunay na hindi inoobliga sa kanya na magbayad sa ṣalāh na ito dahil siya ay hindi nagpabaya at hindi nagkasala yayamang tunay na pinapayagan sa kanya na magpahuli ng ṣalāh hanggang sa huling bahagi ng oras nito.

Mayroon naman sa kanila na nagsasabing tunay na inoobliga sa kanya ang pagbabayad, ibig sabihin: ang pagbabayad sa ṣalāh na iyon, batay sa pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"Ang sinumang nakaabot ng isang rak`ah mula sa ṣalāh ay nakaabot nga sa ṣalāh."

Ang pag-iingat ukol sa kanya ay na magbayad siya rito dahil ito ay iisang ṣalāh, na walang pahirap sa pagbabayad dito.

ﺟ21: في هذا خلافٌ بين العلماء، فمنهم من قال: إنه لا يلزمها أن تقضي هذه الصلاة؛ لأنها لم تفرط، ولم تأثم؛ حيث إنه يجوز لها أن تؤخّر الصلاة إلى آخر وقتها.

ومنهم من قال: إنه يلزمها القضاء، أي: قضاء تلك الصلاة؛ لعموم قوله ﷺ:

«مَنْ أَدْرَكَ رَكْعَةً مِنَ الصَّلَاةِ فَقَدْ أَدْرَكَ الصَّلَاةَ» [1].

[5] تقدم تخريجه.

والاحتياط لها: أن تقضيها؛ لأنها صلاةٌ واحدةٌ، لا مشقة في قضائها.