Skip to content

Ang ilan sa mga babae ay dinadatnan ng kasunod na Ramaḍān gayong sila ay hindi nag-ayuno ng ilang araw mula sa naunang Ramaḍān. Ano ang kinakailangan sa kanila?

السؤال

T 1:

Ang ilan sa mga babae ay dinadatnan ng kasunod na Ramaḍān gayong sila ay hindi nag-ayuno ng ilang araw mula sa naunang Ramaḍān. Ano ang kinakailangan sa kanila?

س20: بعض النّساء يدخل عليهن رمضان الثاني وهن لم يصمن أيامًا من رمضان السابق، فما الواجب عليهن؟

الجواب

S 1:

Ang kinakailangan sa kanila ay ang pagbabalik-loob kay Allāh mula sa gawang ito dahil hindi pinapayagan sa sinumang kailangan sa kanya ang pagbabayad sa ayuno ng Ramaḍān na magpahuli nito hanggang sa kasunod na Ramaḍān nang walang maidadahilan. Batay ito sa sabi ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Kailangan sa akin noon ang [magbayad sa] ayuno ngunit hindi ko nakakaya na magbayad doon kundi sa Sha`bān."

Ito ay nagpapatunay na hindi maaari ang pagpapahuli niyon hanggang sa matapos ng kasunod na Ramaḍān. Kailangan sa kanya na magbalik-loob kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) mula sa ginawa niya at magbayad sa ayuno sa mga araw na naiwan niya matapos ng kasunod na Ramaḍān.

جـ20: الواجب عليهن: التوبة إلى الله من هذا العمل؛ لأنه لا يجوز لـمن عليه قضاء رمضان أن يؤخّره إلى رمضان الثاني بلا عذرٍ؛ لقول عائشة رضي الله عنها:

«كَانَ يَكُونُ عَلَيَّ الصَّوْمُ مِنْ رَمَضَانَ، فَمَا أَسْتَطِيعُ أَنْ أَقْضِيَهُ إِلَّا فِي شَعْبَانَ».

وهذا يدلّ على أنه لا يمكن تأخيره إلى ما بعد رمضان الثاني، فعليها أن تتوب إلى الله عز وجل مما صنعت، وأن تقضي الأيام التي تركتها بعد رمضان الثّاني.