Skip to content

Ano po ang opinyon mo sa paggamit ng mga gamot na pumipigil sa buwanang dalaw para sa pag-aayuno kasabay ng mga tao?

السؤال

T 1:

Ano po ang opinyon mo sa paggamit ng mga gamot na pumipigil sa buwanang dalaw para sa pag-aayuno kasabay ng mga tao?

س23: ما رأيك في تناول حبوب منع الدورة الشهرية؛ من أجل الصّيام مع الناس؟

الجواب

S 1:

Ako ay nagbibigay-babala laban dito. Iyon ay dahil ang mga gamot na ito ay may mabigat na kapinsalaan, na napagtibay sa ganang akin iyon sa pamamagitan ng mga manggagamot. Sasabihin sa babae: "Ito ay isang bagay na itinadhana ni Allāh sa mga babaing anak ni Adan. Kaya masiyahan ka sa itinadhana ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at mag-ayuno ka kung kailan walang hadlang. Kapag nagkaroon ng tagahadlang, tumigil-ayuno ka bilang pagkalugod sa itinakda ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."

ﺟ23: أنا أحذّر من هذا، وذلك لأن هذه الحبوب فيها مضرةٌ عظيمةٌ، ثبت عندي ذلك عن طريق الأطبّاء، ويقال للمرأة: هذا شيءٌ كتبه الله على بنات آدم، فاقنعي بما كتب الله عز وجل، وصومي حيث لا مانع، وإذا وجد المانع فأفطري، رضًى بما قدّر الله عز وجل.