Skip to content

"Ang paghahalintulad sa mga mananampalataya sa pagmamahalan nila, pag-aawaan nila, at pagdadamayan nila ay tulad ng katawan: kapag may dumaing mula rito na isang bahagi, magtatawagan para rito ang nalalabi sa katawan sa puyat at lagnat."}

Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"Ang paghahalintulad sa mga mananampalataya sa pagmamahalan nila, pag-aawaan nila, at pagdadamayan nila ay tulad ng katawan: kapag may dumaing mula rito na isang bahagi, magtatawagan para rito ang nalalabi sa katawan sa puyat at lagnat."}

«مَثَلُ الْمُؤْمِنِينَ فِي تَوَادِّهِمْ وَتَرَاحُمِهِمْ وَتَعَاطُفِهِمْ مَثَلُ الْجَسَدِ، إِذَا اشْتَكَى مِنْهُ عُضْوٌ تَدَاعَى لَهُ سَائِرُ الْجَسَدِ بِالسَّهَرِ وَالْحُمَّى».

Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kinakailangan na ang kalagayan ng mga Muslim sa isa't isa sa kanila ay maging batay sa pagkaibig sa kabutihan, pagkaawa, pag-alalay, at pag-aadya. Ang pagkaperhuwisyo sa anumang nangyayari sa kanila na kapinsalaan ay katulad ng iisang katawan: kapag may nagkasakit mula rito na isang bahagi, nakikidamayan dito ang katawan sa kabuuan nito sa puyat at lagnat.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

...:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Nararapat ang pagdakila sa mga karapatan ng mga Muslim at ang pag-udyok sa pagtutulungan nila at pakikiramay nila sa isa't isa.

Nararapat na maging nasa pagitan ng mga alagad ng pananampalataya ang pag-ibig at ang pag-aadya.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (8/ 10) (6011).

Ṣaḥīḥ Muslim (4/ 1999) (2586).

Ang Karagdagan (9)

نزهة المتقين شرح رياض الصالحين.

مجموعة من الباحثين (1/ 246).

بهجة الناظرين شرح رياض الصالحين.

لسليم الهلالي (1/ 317).

كنوز رياض الصالحين.

مجموعة من الباحثين (4/ 405).

تطريز رياض الصالحين.

لفيصل آل مبارك (ص173).

المعجم الوسيط (1/ 492).