Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

6 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{"Ang karapatan ng Muslim sa kapwa Muslim ay anim." Sinabi: "Ano po ang mga ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Kapag nakitagpo ka sa kanya, bumati ka sa kanya; kapag nag-anyaya siya sa iyo, tumugon ka sa kanya; kapag humingi siya ng payo sa iyo, magpayo ka sa kanya; kapag bumahin siya saka nagpuri siya kay Allāh, magsabi ka sa kanya ng tasmīt; kapag nagkasakit siya, dumalaw ka sa kanya; at kapag namatay siya, makipaglibing ka sa kanya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang lalaking nagsusuot ng kasuutan ng babae at ang babaing nagsusuot ng kasuutan ng lalaki.}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah ayon sa kahulugan niyon, at Imām Aḥmad.
"Ang tao ay natatangay ng relihiyon ng matalik na kaibigan niya kaya tumingin ang isa sa inyo sa kung kanino siya matalik na nakikipagkaibigan."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
"Talagang susunod nga kayo sa mga kalakaran ng mga kabilang sa bago ninyo nang dangkal sa dangkal at siko sa siko; hanggang sa kung sakaling pumasok sila sa isang lungga ng isang balubid, talagang susunod kayo sa kanila." Nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, ang mga Hudyo ba at ang mga Kristiyano?" Nagsabi siya: "Kaya sino pa?"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang nagpakawangis sa mga [ibang] tao, siya ay kabilang sa kanila."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad.
"Ang sinumang nakipagpinsalaan, makikipagpinsalaan si Allāh sa kanya; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.