Pinakahinahanap
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ḥajj
Sa Panulat ng Kagalang-galang na Shaykh na Pantas Magpatawad nawa si Allāh sa kanya, sa mga magulang niya, at sa mga Muslim. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Dumadalangin ako ng basbas at pangangalaga sa Propeta nating si Muḥammad at sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan. Sa pagpapatuloy, Tunay na ako ay naghahain sa mga kapatid ko ng naging posible na pag-usapan hinggil sa anuman sa ḥajj sa okasyon ng pagsapit ng oras nito, na umaasa mula kay Allāh (napakataas Siya) na gawin Niya ang gawain ng lahat bilang wagas na ukol sa ikalulugod ng mukha Niya at…
These files are generated automatically from the book's text; their layout may differ from the printed edition.
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ḥajj
Sa Panulat ng Kagalang-galang na Shaykh na Pantas
Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn
Magpatawad nawa si Allāh sa kanya, sa mga magulang niya, at sa mga Muslim.
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Dumadalangin ako ng basbas at pangangalaga sa Propeta nating si Muḥammad at sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan. Sa pagpapatuloy,
Tunay na ako ay naghahain sa mga kapatid ko ng naging posible na pag-usapan hinggil sa anuman sa ḥajj sa okasyon ng pagsapit ng oras nito, na umaasa mula kay Allāh (napakataas Siya) na gawin Niya ang gawain ng lahat bilang wagas na ukol sa ikalulugod ng mukha Niya at bilang nagpapakinabang na nagpapalapit-loob sa Kanya; tunay na Siya ay Mapagbigay, Galante.
Ang pag-uusap kaugnay sa ḥajj ay mabubuod sa sumusunod:
1. Ang mga Patakarang Nauugnay sa Paglalakbay.
2. Kailan Isinatungkulin ang Ḥajj at Sa Kanino Ito Naging Tungkulin?
3. Mula Saan Magsasagawa ng Iḥrām ang Sinumang Nagnais na Magsagawa ng Ḥajj at `Umrah.
4. Ang mga Gawaing-pagsamba at ang Pinakamainam sa mga Ito.
5. Ang Paraan ng Tamattu` Mula sa Simula ng Iḥrām ng `Umrah Hanggang sa Pagwawakas ng Ḥajj sa Pinaiksing Paraan.
6. Ang Ṭawāf Al-Widā` (Ṭawāf ng Pamamaalam).
7. Ang Maḥḍ̆ūrāt Al-Iḥrām (Ang mga Sinasawata sa Iḥrām).
8. Ang Kahatulan sa Tagagawa ng mga Sinasawatang Ito.
9. Ang Pagdalaw sa Masjid ng Propeta.
Ang mga Patakarang Nauugnay sa Paglalakbay
Yayamang ang pagsasagawa ng ḥajj ay hindi makaiiwas sa paglalakbay, bagkus ito mismo ay isang paglalakbay, naging mahalaga na mag-usap tayo tungkol sa ilan sa mga patakaran ng paglalakbay rito sapagkat ang paglalakbay ay may mga patakarang nauugnay rito at ang pinakamahalaga sa mga ito ay nakaugnay sa ṣalāh at nabubuod sa sumusunod:
A. Kaugnay sa Ṭahārah (Kadalisayan):
Ang manlalakbay ay kinakailangan na magpakadalisay (magsagawa ng ṭahārah) sa pamamagitan ng tubig, kung nakatagpo siya nito, sa wuḍū' niya at paligo niya. Kung hindi siya nakatagpo ng tubig, magsasagawa siya ng tayammum sa isang kaaya-ayang lupa. Magpapahid siya sa mukha niya at mga kamay niya mula rito: magtatapik siya sa lupa nang iisang pagtapik pagkatapos magpapahid siya sa mukha niya sa kabuuan nito at mga kamay niya mula sa mga dulo ng daliri hanggang sa pupulsuhan, ang kasukasuan ng kamay mula sa pang-ibabang braso.
Sa pamamagitan niyon, siya ay naging nakapagdadalisay nang isang kumpletong kadalisayan, na hindi nawawalang-bisa kundi sa pamamagitan ng anumang nawawalang-bisa sa pamamagitan ang kadalisayang dulot ng tubig o sa pamamagitan ng pagkatagpo ng tubig. Kapag nagsagawa siya ng ṣalāh na ḍ̆uhr at nanatili siya sa kadalisayan niya hanggang ṣalāh na `aṣr, magsasagawa siya ng ṣalāh na `aṣr nang walang tayammum; at gayon din kung sakaling nanatili siya hanggang sa ṣalāh na maghrib at `ishā' sa kadalisayan niya, magsasagawa siya ng mga ito nang walang tayammum.
Kapag may nangyari sa manlalakbay na isang janābah at hindi siya nakatagpo ng tubig, magsasagawa siya ng tayammum saka mapapawi ang janābah niya; ngunit kapag nakatagpo siya ng tubig, manunumbalik ang janābah at kakailanganin sa kanya ang pagpaligo; ngunit kapag nawala ang kadalisayan niya dahil sa pag-ihi o pagdumi at hindi siya nakatagpo ng tubig, magsasagawa siya ng tayammum saka mapapawi ang kawalang-kadalisayan niya; ngunit kapag nakatagpo siya ng tubig, manunumbalik ang kawalang-kadalisayan niya at kakailanganin sa kanya ang wuḍū'. Batay ito sa ḥadīth: "Ang kaaya-ayang lupa ay ang [pamalit sa] wuḍū' ng Muslim kahit pa hindi siya nakatagpo ng tubig nang sampung taon; ngunit kapag nakatagpo siya ng tubig, mangilag siyang magkasala kay Allāh at magpahid siya nito sa balat niya." Sa iba pang ḥadīth: "ang kadalisayan ng Muslim" Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad at nagsabi si Imām At-Tirmid̆īy magandang tumpak na ḥadīth ito.[1] Ang manlalakbay ay makapagpapahid sa khuff (o sapatos o medyas) niya nang tatlong araw kasama ng mga gabi ng mga ito na kasalungatan sa residente, [na makapagpapahid] nang isang araw at isang gabi. [1] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa Kitāb Aṭ-Ṭahārah Bāb Al-Junub Yatayammam, numero: 332; Imām At-Tirmidhīy sa Kitāb Aṭ-Ṭahārah, Bāb Mā Jā' Fī At-Tayammum Li-l-Junub, numero: 124; Imām An-Nasā'īy sa Kitāb Aṭ-Ṭahārah, Bāb Aṣ-Ṣalawāt Bi-Tayammum Wāḥid, numero: 323; at Imām Aḥmad: 5/146 mula sa ḥadīth ni Abū Dharr. Ang pananalitang nabanggit, una, ay kay Al-Bazzār: 9/387 sa numero: 3973.
B. Hinggil sa Ṣalāh na Tungkulin:
Ang manlalakbay ay makapagsasagawa ng ṣalāh na apatang rak`ah – ang ḍ̆uhr, ang `aṣr, at ang huling `ishā' – sa dalawang rak`ah lamang, magmula nang makalabas mula sa bayan niya hanggang sa bago makauwi roon, humaba man ang yugto ng paglalakbay niya o umikli sapagkat nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumisan kami kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa Madīnah papunta sa Makkah (tinutukoy niya ang Ḥajj ng Pamamaalam) saka nagdarasal siya nang tigdadalawang rak`ah hanggang sa makabalik kami sa Madīnah. Nagsabi ako: "Nanatili po ba kayo sa Makkah nang kaunti?" Nagsabi siya: "Nanatili kami roon nang sampung araw."}[2] [2] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Taqṣīr, Bāb Mā Jā' Fī At-Taqṣīr, numero: 1081; at Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn Wa Qaṣruhā, numero: 693.
Nasaad dito ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsatungkulin si Allāh ng ṣalāh nang nagsatungkulin Siya nito nang tigdadalawang rak`ah sa pananatili at paglalakbay. Kinilala ang ṣalāh sa paglalakbay at dinagdagan ang ṣalāh sa pananatili.}[3] [3] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Kayfa Furiḍat Aṣ-Ṣalāh Fī Al-Isrā', numero: 350; at Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn Wa Qaṣruhā, numero: 685.
Sa isa pang salaysay niya: "Isinatungkulin ang ṣalāh nang tigdadalawang rak`ah. Pagkatapos lumikas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka isinatungkulin ito nang apatan at hinayaang ang ṣalāh ng paglalakbay sa una."[4] [4] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Manāqib, Bāb Min Ayna Arrakhū At-Tārīkh, numero: 3935.
Batay kay Imām Muslim: "saka isinatungkulin ito nang apatan at hinayaang ang ṣalāh ng paglalakbay sa una."[5] [5] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, numero: 2/685.
Walang naingatan buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay naglubos [ng mga rak`ah] sa paglalakbay niya iisang ulit man. Dahil dito naniwala ang marami sa mga alagad ng kaalaman na ang pagpapaikli ng manlalakbay ng apatang rak`ah sa dalawang rak`ah ay kinakailangan. Nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay `Abdurraḥmān bin Yazīd na nagsabi:
{Namuno sa ṣalāh sa amin si `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) sa Minā ng apat na rak`ah saka sinabi iyon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) kaya naman sumambit siya ng istirjā` saka nagsabi: "Nagdasal ako kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Minā ng dalawang rak`ah. Nagdasal ako kasama ni Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya) sa Minā ng dalawang rak`ah. Nagdasal ako kasama ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) sa Minā ng dalawang rak`ah. Kaya sana ang bahagi ko na apat na rak`ah ay dalawang rak`ah na tinatanggap [ni Allāh]."}[6] Nagturing si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) sa paglubos ni `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) na kabilang sa mga kasawiang-palad yayamang sumambit siya ng istirjā` para rito at naglinaw siya na ang Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at dalawang Kasamahan niya ay kasalungatan nito. [6] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Taqṣīr, Bāb Aṣ-Ṣalāh Bi-Minā, numero: 1084; at Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Qaṣr Aṣ-Ṣalāh Bi-Minā, numero: 695.
Si `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) ay nagpapaikli nga noon ng ṣalāh sa Minā nang anim na taon o walong taon mula ng pagkakhalīfah niya. Pagkatapos naglubos siya gaya ng nasaad din sa Ṣaḥīḥ Muslim mula sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Minā ng ṣalāh ng manlalakbay at sina Abū Bakr, `Umar, at `Uthmān nang walong taon o anim na taon.}[7] Ang paglubos niya nito ay dahil sa isang pagbibigay-pakahulugan niya (malugod si Allāh sa kanya). Nagkaiba-iba ang mga ulat at ang mga sabi-sabi ng mga maalam kaugnay sa pagbibigay-pakahulugang iyon. [7] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Qaṣr Aṣ-Ṣalāh Bi-Minā, numero: 18/694.
Hinggil naman sa kapag nagdasal ang manlalakbay sa likuran ng imām na naglulubos, tunay na siya ay kinakailangan na maglubos sapagkat nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Mūsā bin Salamah Al-Hadhalīy na nagsabi: {Nagtanong ako sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Papaano po akong magdarasal kapag ako ay nasa Makkah kapag hindi ako nagdasal kasama ng imām? Kaya nagsabi siya: "[Magdasal ka ng] dalawang rak`ah, ang Sunnah ng Ama ni Al-Qāsim (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."}[8] [8] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīna Wa Qaṣruhā, numero: 688.
Nasaad dito rin ayon kay Nāfi` na nagsabi: {Ang Anak ni `Umar noon, kapag nagdasal siya kasama ng imām, ay nagdarasal ng apat na rak`ah, at kapag nagdasal naman siya nito nang mag-isa, ay nagdarasal ng dalawang rak`ah.}[9] [9] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Qaṣr Aṣ-Ṣalāh Bi-Minā, numero: 17/694.
Lumahok man siya sa imām mula sa simula ng ṣalāh o mula sa sandali ng pagsasagawa nito, batay sa pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "saka ang anumang naabutan ninyo ay dasalin ninyo at ang anumang nakaalpas sa inyo ay lubusin ninyo."[10] [10] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Adhān, Bāb Lā Yas`ā ilā Aṣ-Ṣalāh, numero: 636, at sa Bāb Qawl Ar-Rajul: Fātatnā Aṣ-Ṣalāh, numero: 635; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb Istiḥbāb Ityān Aṣ-Ṣalāh Bi-Waqār Wa Sakīnah, numero: 602, 603 mula sa ḥadīth nina Abū Hurayrah at Abū Qatādah.
Hinggil naman sa pagsasama ng manlalakbay sa ḍ̆uhr at `aṣr o sa maghrib at `ishā', sunnah ito kung saan siya ay nasa gitna ng pagtahak: kung saan siya ay tumatahak, batay sa nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasama ng ṣalāh na ḍ̆uhr at `aṣr kapag siya ay nasa gitna ng pagtahak at nagsasama ng ṣalāh na maghrib at `ishā'.}[11] [11] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Taqṣīr, Bāb Al-Jam` Fī As-Safar Bayna Al-Maghrib Wa Al-`Ishā', numero: 1107 bilang mu`allaq.
Hinggil naman sa kapag ang tao ay nanunuluyan, ang sunnah ay na hindi ito magsama dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi noon nagsasama [ng mga ṣalāh] sa Minā dahil siya ay nanunuluyan. Kung magsasama siya [ng mga ṣalāh], wala namang masama lalo na kapag nangailangan siya niyon dahil sa isang pinagkakaabalahang tatapusin niya o isang tulog na ipamamahinga niya. Nasaad sa Ṣaḥīḥāyn mula sa ḥadīth ni Abū Juḥayfah (malugod si Allāh sa kanya):
{na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas mula sa isang kubol na sa kanya sa Al-Abṭaḥ sa Makkah. Nagsabi si Abū Juḥayfah: {Lumabas siya sa kainitan – sa katindihan ng init – papuntang Al-Baṭḥā' saka nagsagawa siya ng wuḍū' pagkatapos nagdasal ng ḍ̆uhr na dalawang rak`ah at ng `aṣr na dalawahang rak`ah.}[12] [12] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Manāqib, Bāb Ṣifah An-Nabīy (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan), numero: 3553; at Imām Muslim sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Sutrah Al-Muṣallī, numero: 503.
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Sa`īd bin Jubayr, ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsama ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ng mga ṣalāh] sa isang paglalakbay na nilakbay niya sa paglusob sa Tabūk sapagkat nagsama siya sa ḍ̆uhr at `aṣr at sa maghrib at `ishā'. Nagsabi si Sa`īd: "Kaya nagsabi ako sa Anak ni `Abbās: Ano ang ninais niya roon?" Nagsabi siya: "Nagnais siya na hindi magpalabas ng Kalipunan niya."}[13] Batay rito ayon sa ḥadīth ni Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) ang tulad niyan nang lubusan.[14] [13] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Al-Jam` Bayna Aṣ-Ṣalātayn Fī Al-Ḥaḍr, numero: 51/705. [14] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Al-Jam` Bayna Aṣ-Ṣalātayn Fī Al-Ḥaḍr, numero: 706.
Ang kahulugan ng: "magpalabas ng Kalipunan niya" ay magsadlak dito sa isang kaasiwaan o isang paninikip.
C. Hinggil sa Ṣalāh na Nāfilah (Kinukusang-loob):
Isinasabatas sa manlalakbay na magkusang-loob ng mga nāfilah kung paanong nagkukusang-loob ang residente. Kaya naman magdarasal siya ng qiyāmullayl, witr, ṣalāh na ḍuḥā, pagbati sa masjid, at ṣalāh sa eklipse. Nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Nakakita ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nag-apura sa kanya ang paglalakbay, ay nagpapaliban ng maghrib saka nagdarasal nito nang tatluhang rak`ah, pagkatapos nagsasagawa ng taslīm, pagkatapos saglit na nananatili hanggang sa magsagawa ng iqāmah ng `ishā' saka nagdarasal nito nang dalawahang rak`ah, pagkatapos nagsasagawa ng taslīm. Hindi siya nagdarasal ng kusang-loob na dasal matapos ng `ishā' hanggang sa makabangon siya mula sa kalaliman ng gabi.}[15] [15] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Taqṣīr, Bāb Hal Yu'adhdhin Aw Yuqīm Idhā Jama` Bayna Al-Maghrib Wa Al-`Ishā', numero: 1109. Nagtala nito si Imām Muslim nang maiksi sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Jawāz Al-Jam` Bayna Aṣ-Ṣalātayn Fī As-Safar, numero: 703.
Nasaad sa Ṣaḥīḥāyn ayon kay Sa`īd bin Yasār na nagsabi: {Ako minsan ay tumatahak kasama ni `Abdullāh bin `Umar sa daan ng Makkah.} Nagsabi pa si Sa`īd: {Saka noong natakot ako sa pagmamadaling-araw, bumaba ako saka nagsagawa ako ng witr, pagkatapos humabol ako sa kanya saka nagsabi si `Abdullāh bin `Umar: "Nasaan ka kanina?" Kaya nagsabi ako: "Natakot ako sa (pagsapit ng) pagmamadaling-araw kaya bumaba ako saka nagsagawa ako ng witr." Kaya nagsabi si `Abdullāh bin `Umar: "Hindi ka ba nagkaroon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang magandang huwaran?" Kaya nagsabi ako: "Oo naman, sumpa man kay Allāh." Nagsabi siya: "Sapagkat tunay na ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa ng witr lulan ng kamelyo."}[16] [16] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Witr, Bāb Al-Witr `Alā Al-Dābbah, numero: 999; at Imām Muslim nang sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Jawāz Ṣalāh An-Nāfilah `Alā Ad-Dābbah Fī As-Safar, numero: 36/700.
Nasaad sa dalawang ito rin ayon kay `Abdurraḥmān bin Abū Laylā na nagsabi: {Walang nagpabatid sa akin na isa man na ito ay nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nagdarasal ng ḍuḥā kundi si Ummu Hāni' sapagkat tunay na ito ay nagsanaysay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumasok sa bahay nito sa Araw ang Pagsakop sa Makkah saka nagdasal ng walong rak`ah.}[17] [17] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Taqṣīr, Bāb Man Taṭawwa`a Fī As-Safar Fī Ghayr Dubur Aṣ-Ṣalawāt, numero: 1103; at Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Istiḥbāb Ṣalāh Aḍ-Ḍuḥā, numero: 80/336.
Nasaad sa dalawang ito rin ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, huwag siyang maupo hanggang sa makapagdasal siya ng dalawang rak`ah."[18] [14] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Taḥajjud, Bāb Mā Jā' Fī At-Taṭawwu` Mathnā Mathnā, numero: 1163; at Imām Muslim sa Kitāb Aṣ-Ṣalāh, Bāb Istiḥbāb Taḥiyah Al-Masjid, numero: 714.
Nasaad sa dalawang ito rin mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) kaugnay sa kuwento ng eklipse na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na ang Araw at ang Buwan ay dalawang tanda mula sa mga tanda ni Allāh. Hindi nag-eeklipse ang dalawang ito dahil sa pagkamatay ng isa at hindi dahil sa pagkabuhay nito. Kaya kapag nakakita kayo sa dalawang ito [habang nag-eeklipse], magmadali kayo tungo sa ṣalāh."[19] [19] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Kasūf, Bāb Khuṭbah Al-Imām Fī Al-Kasūf, numero: 1046; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Kasūf, Bāb Ṣalāh Al-Kasūf, numero: 901.
Ang dalawang ḥadīth na ito ay pangkalahatan, na hindi nagtangi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang ito ng isang oras higit sa ibang oras ni sa pananatili higit sa paglalakbay.
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagdarasal ng kusang-loob habang siya ay nakasakay [na nakaharap] sa hindi qiblah.}[20] [20] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Taqṣīr, Bāb Ṣalāh At-Taṭawwu` `Alā Ad-Dawwāb, numero: 1094.
Ang kusang-loob ay nagsasaposibilidad ng pagkauri at nagsasaposibilidad ng pagkasaklaw. Kumakatig sa ikalawa na ang pangunahing panuntunan ay ang pananatili ng pagkukusang-loob ng mga nāfilah sa pagkaisinasabatas nito hanggang sa may maisaad na isang patunay sa pag-iwan nito. Hindi naisaad ang patunay sa pag-iwan nito ayon sa nalalaman natin kundi sa rātibah ng ḍ̆uhr, maghrib, at `ishā' sapagkat nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Ḥafṣ bin `Āṣim bin `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakasama ko ang Anak ni `Umar sa daan ng Makkah saka namuno siya sa amin sa ḍ̆uhr nang dalawang rak`ah. Pagkatapos sumulong siya at sumulong kami kasama sa kanya hanggang sa dumating siya sa binabaan niya. Umupo siya at umupo kami kasama sa kanya saka may sumapit mula sa kanya na isang pagkapansin tungo sa kung saan siya nagdasal saka nakakita siya ng mga taong nakatayo. Kaya naman nagsabi siya: "Ano ang ginagawa ng mga iyan?" Nagsabi ako: "Nagdarasal sila ng mga kusang-loob." Nagsabi siya: "Kung sakaling ako ay magdarasal ng kusang-loob, talaga sanang naglubos ako ng ṣalāh ko, O anak ng kapatid ko. Tunay na ako ay nakasama sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa paglalakbay ngunit hindi siya lumabis sa dalawang rak`ah hanggang sa kinuha siya ni Allāh, nakasama ako kay Abū Bakr ngunit hindi siya lumabis sa dalawang rak`ah hanggang sa kinuha siya ni Allāh, nakasama ako kay `Umar ngunit hindi siya lumabis sa dalawang rak`ah hanggang sa kinuha siya ni Allāh, at nakasama ako kay `Uthmān ngunit hindi siya lumabis sa dalawang rak`ah hanggang sa kinuha siya ni Allāh. Nagsabi nga si Allāh: {Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran}}[21] (Qur'ān 33:21) [21] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Ṣalāh Al-Musāfirīn Wa Qaṣruhā, numero: 693. Nagtala rin nito si Imām Al-Bukhārīy nang maiksi sa Kitāb At-Taqṣīr, Bāb Man Lam Yataṭawwa` Fī As-Safar Dubur Aṣ-Ṣalāh, numero: 1101-1102.
Nauna sa ḥadīth niya kaugnay sa pagsasama sa maghrib at `ishā' ang nagpapatunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagdarasal noon ng rātibah ng dalawang ito.[22] [22] Nauna ang pagkabanggit nito sa pahina: 7.
Ang ibig sabihin ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa sabi niya: "Kung sakaling ako ay magdarasal ng kusang-loob, talaga sanang naglubos ako" ay: "Kung sakaling ako ay magkukusang-loob ng ipambubuo ko sa [ṣalāh na] tungkulin ko na rātibah, talaga sanang naglubos ako nito," batay sa patunay na natumpak buhat sa kanya (malugod si Allāh sa kanya) ang salaysay na siya noon ay nagkukusang-loob ng nāfilah lulan ng sasakyang hayop niya, nagtatangi nito, at nagpapabatid na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gumagawa nito noon.
Kabilang sa mga pagsasakabanata ni Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ niya ay Bāb Man Lam Yataṭawwa` Fī As-Safar Dubur Aṣ-Ṣalāh Wa Qablahā at Bāb Man Taṭawwa` Fī As-Safar Fī Ghayr Dubur Aṣ-Ṣalāh Wa Qablahā.
Hinggil naman sa rātibah ng fajr, magdarasal nito sa pananatili at paglalakbay dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anuman sa mga nāfilah ay hindi naging higit na matindi sa pangangalaga roon kaysa sa dalawang rak`ah ng fajr at hindi siya nag-iiwan ng mga ito magpakailanman, gaya ng nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): 3/42 ng Al-Fatḥ.[23] [23] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Taḥajjud, Bāb Ta`āhud Rak`atay Al-Fajr, numero: 1169; at Imām Muslim sa Kitāb Ṣalāh Al-Musāfirīn, Bāb Istiḥbāb Rak`atay Sunnah Al-Fajr, numero: 94/724.
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya): {na siya noon ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka bumanggit siya ng kuwento ng pagkatulog nila lampas sa ṣalāh ng madaling-araw hanggang sa nakasikat ang araw at na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos sa kanila kaya humayo sila palayo sa lugar nila. Pagkatapos bumaba siya saka nagsagawa ng wuḍū'. Pagkatapos nanawagan si Bilāl ng pagdarasal saka nagdasal ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dalawang rak`ah. Pagkatapos nagdasal siya ng ṣalāh sa umaga kaya gumawa siya ng gaya ng ginagawa niya sa bawat araw.}[24] [24] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb Qaḍā' Aṣ-Ṣalāh Al-Fā'itah, numero: 681.
Batay ito sa tulad nito na ḥadīth ni Abū Hurayrah.[25] [25] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Al-Masājid, Bāb Qaḍā' Aṣ-Ṣalāh Al-Fā'itah, numero: 680.
Pinahaba lamang natin ang pag-uusap kaugnay sa pagkukusang-loob ng manlalakbay ng nāfilah dahil ang ilan sa mga tao ay nagtuturing na walang pagkukusang-loob [na ṣalāh] para sa manlalakbay nang lubus-lubusan. Luminaw nga mula sa binanggit natin na ang ipinatunay ng patunay ay na hindi nagkukusang-loob sa rātibah ng ḍ̆uhr, maghrib, at `ishā' at ang anumang iba pa roon na mga nāfilah ay nananatili sa pagkaisinasabatas nito. Si Allāh ang Tagapagtuon.
Ukol sa manlalakbay na magkusang-loob [ng ṣalāh] sa paglalakbay habang siya ay lulan ng sinasakyan niya saan man ito nakaharap, kahit pa hindi naging tungo sa dako ng qiblah sapagkat nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagdarasal noon sakay ng sasakyang hayop niya tungo sa kanluran ngunit kapag nagnais siya na magdasal ng kinakailangan – tinutukoy niya ang tungkulin – ay bumababa siya saka humaharap siya sa qiblah.}[26] [26] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb At-Taqṣīr, Bāb Yanzil Li-l-Maktūbah, numero: 1099.
Kabilang sa mga patakaran ng paglalakbay ay na nararapat na magkaroon ang manlalakbay ng kasa-kasama para makasabay at makatugon sa pangangailangan. Kaya naman hindi nararapat na maglakbay ang tao nang mag-isa malibang dahil sa isang pangangailangan o isang kapakanang panrelihiyon para sa pakikibaka sa landas ni Allāh at tulad nito. Nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kung sakaling nakaaalam ang mga tao, sa kung ano ang nasa pag-iisa, ng nalalaman ko, walang maglalakbay na isang pasahero sa isang gabi nang mag-isa."}[27] [27] Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Jihād, Bāb As-Sayr Waḥdah, numero: 2998.
Nararapat na nasa kanya ang nakapagpapatibay sa pangalan niya at lulan niya nang sa gayon hindi siya makubli kung sakaling may nangyari sa kanya na isang pinsala o iba pa rito.
Kabilang sa mga patakaran ng paglalakbay: na hindi pinapayagan para sa babae na maglakbay nang walang maḥram, maging ang paglalakbay man ay malayo o malapit, maging ito man ay para sa ḥajj o para sa iba pa riyan, maging siya man ay isang marikit na dalaga o isang pangit na matanda, maging may kasama man sa kanya na mga babaing kabilang sa mga kamag-anak niya at mga kasamahan niya o wala, maging nanaig man sa palagay ang kaligtasan niya o hindi, at maging iyon man ay sa isang eroplano o iba pa riyan sapagkat nasaad sa Ṣaḥīḥān mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Nagsabi siya: Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagtatalumpati, na nagsasabi: "Huwag nga makikipagsarilihan ang isang lalaki sa isang babae malibang mayroon itong kasamang maḥram. Hindi maglalakbay ang babae malibang mayroong kasamang maḥram." Kaya may tumayong isang lalaki saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang maybahay ko ay lumisan bilang magsasagawa ng ḥajj at tunay na ako ay itinala sa paglusob sa ganito at ganiyan." Nagsabi siya (malugod si Allāh sa kanya): "Tumungo ka saka magsagawa ka ng ḥajj kasama ng maybahay mo."}[28] Nagsakalahatan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagsaway laban sa paglalakbay ng babaing walang maḥram. Hindi siya nagsalimitado nito sa isang paglalakbay bukod sa isang paglalakbay ni sa isang babae bukod sa isang babae ni sa isang kalagayan bukod sa isang kalagayan. Hindi siya nagpawalay sa lalaki palayo sa maybahay nito. [28] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Jihād, Bāb Man Uktutib Fī Jaysh Fa-Kharajat Imra'atuh Ḥājjah, numero: 3006; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Safar Al-Mar'ah ma`a Maḥram, numero: 1341.
Ang maḥram ay ang asawa ng babae at ang bawat sinumang ipinagbabawal rito ang pagpapakasal sa kanya nang pagbabawal na isinakailanman dahil sa pagkakamag-anak o pagkapasuso o pagkaugnay sa pagkakasal.
Ang mga maḥram ng babae mula sa pagkakamag-anak o pagkapasuso ay pito: ang ama gaano man tumaas, ang lalaking anak gaano man bumaba, ang lalaking kapatid at ang lalaking anak nito gaano man bumaba, ang lalaking anak ng babaing kapatid gaano man bumaba, ang tiyuhin sa ama gaano man tumaas, at ang tiyuhin sa ina gaano man tumaas.
Ang mga maḥram ng babae mula sa pagkaugnay sa pagkakasal ay apat: 1. ang ama ng asawa ng babae gaano man tumaas, 2. ang lalaking anak ng asawa ng babae gaano man bumaba, 3. ang asawa ng babaing anak ng babae gaano man bumaba, at 4. ang asawa ng ina ng babae gaano man tumaas, sa kundisyon na ang lalaki ay nakipagtalik na sa babae.
Isinasakundisyon na ang maḥram ay adulto, na nakapag-uunawa. Kaya naman ang bata at ang baliw ay hindi nakasasapat para sa pagpayag sa paglalakbay kasama ng mga ito.
Ayon dito, kapag hindi nakatagpo ang babae ng isang maḥram, hindi kakailanganin sa kanya ang pagsasagawa ng ḥajj dahil siya ay hindi nakakakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas.
Kailan isinatungkulin ang ḥajj?
Isinatungkulin ang ḥajj noon ika-9 o ika-10 taon ng Hijrah ayon sa pinakamatimbang sa mga sabi ng mga alagad ng kaalaman dahil ang pagsasatungkulin nito ay dahil sa sabi Niya (napakataas Siya): {Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang magsagawa ng ḥajj sa Bahay [na Pinakababanal]: ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas. Ang sinumang tumangging sumasampalataya [sa pagkatungkulin ng ḥajj], tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga nilalalang.} (Qur'ān 3:97) Ang talatang ito ay nasa simula ng Kabanatang Āl `Imrān na bumaba sa taon ng mga delegasyon noong ika-9 taon ng Hijrah.
Ang kasanhian ng pagkapaliban ng pagsasatungkulin nito – si Allāh ay higit na maalam – ay na ang Makkah (dagdagan ito ni Allāh ng dangal) bago ng taon na iyon ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng mga tagapagtambal kabilang sa Liping Quraysh. Kaya naman hindi maisagawa para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niya na magsagawa sila ng ḥajj sa pinakakumpletong anyo. Ang pagkaudlot ng pagsasagawa ng `umrah mula sa Al-Ḥudaybīyah ay hindi malayong mangyari [sa ḥajj] sapagkat bumalakid nga ang mga tagapagtambal sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niya noong ika-6 na taon ng Hijrah sa paglubos sa pagsasagawa ng `umrah nila.
Ang pagsasagawa ng ḥajj ay tungkulin ng bawat Muslim na adulto, na nakapag-uunawa, na nakakakaya sa pagsasagawa ng ḥajj sa pamamagitan ng yaman niya at katawan niya.
Hinggil sa hindi adulto, hindi kinakailangan ang pagsasagawa ng ḥajj sa kanya subalit matutumpak ito mula sa kanya at magkakaroon siya rito ng pabuya ng pagsasagawa ng ḥajj ng pagkukusang-loob. Kapag tumuntong siya sa pagkaadulto, gaganapin niya ang tungkulin dahil ang pagkasagawa ng ḥajj niya bago ng pagkaadulto niya ay isang ḥajj bago ng oras ng pagkaukol nito sa kanya kaya naman siya ay gaya ng kung sakaling nagsagawa siya ng ṣalāh na tungkulin bago ng oras nito.
Ang walang-kakayahan sa pagsasagawa ng ḥajj sa yaman niya, gaya ng maralita at alipin, ay hindi kinakailangan sa kanya ang magsagawa ng ḥajj, batay sa sabi Niya (napakataas Siya): {ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas.} Ito ay hindi nakakakaya kaya hindi kinailangan sa kanya.
Hinggil naman sa walang-kakayahan sa katawan niya lamang, kung ang kawalang-kakayahan niya ay hindi maaasahan ang paglaho nito gaya ng katandaan at karamdamang nagpapatuloy, tunay na siya ay magpapahalili sa sinumang magsasagawa ng ḥajj para sa kanya; at kung ang kawalang-kakayahan niya ay maaasahan ang paglaho nito gaya ng karamdamang nagkataon, tunay na siya ay maghihintay hanggang sa gumaling siya roon, pagkatapos magsasagawa siya ng ḥajj. Kung namatay siya bago niyon, magsasagawa ng ḥajj para sa kanya mula sa naiwan niya.
Kapag kinailangan sa Muslim ang magsagawa ng ḥajj, kinakailangan sa kanya ang pagdadali-dali sa pagganap nito dahil ang mga utos ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nalilimitahan ng oras at walang umiral na isang ebidensya na ito ay para sa pagbagal-bagal kaya ito ay agad-agaran. Batay ito sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Magpakamadali kayo sa pagsasagawa ng ḥajj," tinutukoy niya ang tungkulin, "sapagkat tunay na ang isa sa inyo ay hindi nakaaalam kung ano ang malalahad sa kanya."[29] Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad at sa sanad nito ay may kahinaan subalit ang pagkasabi hinggil sa pagkaagaran ay may mga pangkalahatang patunay na kumakatig sa ḥadīth na ito. [29] Nagtala nito si Imām Aḥmad sa Al-Musnad: 1/314.
Mula saan magsasagawa ng iḥrām ang sinumang nagnanais magsagawa ng ḥajj o `umrah?
Magsasagawa ng iḥrām ang sinumang nagnanais magsagawa ng ḥajj o `umrah mula sa mga mīqāt na itinakda ng Sugo ni Allāh. Ang mga ito ay lima:
1. Ang Dhul Hulayfah, na tinatawag ito na Abyār `Alīy, para sa mga naninirahan sa Madīnah at mga naparaan doon na iba pa sa kanila;
2. Ang Al-Juḥfah, na isang matandang nayong nasira kaya ginawa ng mga tao bilang kapalit nito ang Rābigh, para sa mga naninirahan sa Shām (Sirya, Jordan, at Palestina) at mga naparaan doon na iba pa sa kanila kung hindi sila naparaan sa Dhul Hulayfah bago niyon;
3. Ang Yalamlam, na isang bundok o isang lugar sa Tihāmah na tinatawag na As-Sa`dīyah, para sa mga naninirahan sa Yemen at mga naparaan doon na iba pa sa kanila;
4. Ang Qarnul Manāzil, na tinatawag na As-Sayl, para sa mga naninirahan sa Najd at mga naparaan doon na iba pa sa kanila;
5. Ang Dhātu`irq, na tinatawag na Aḍ-Ḍarībah, para sa mga naninirahan sa Iraq at mga naparaan doon na iba pa sa kanila/
Ang sinumang naparaan sa mga mīqāt at siya ay nagnanais magsagawa ng ḥajj o `umrah, kinakailangan sa kanya na magsagawa ng iḥrām.
Ang mga natapat sa mga iyon sa himpapawid o dagat ay kinakailangan na magsagawa ng iḥrām sa sandali ng pagkatapat sa mga iyon. Hindi pinapayagan sa kanila ang magpaliban sa pagsasagawa ng iḥrām hanggang sa makalapag sa paliparan o makaangkora sa daungan dahil ito ay bahagi ng paglampas sa mga hangganan ni Allāh. {Ang sinumang lumampas sa mga hangganan ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.} (Qur'ān 2:229)
Ang sinumang lampas sa mga mīqāt sa Makkah ay magsasagawa siya ng iḥrām sa kinaroroonan niya, kahit ang sinumang nasa Makkah ay magsasagawa ng iḥrām mula sa Makkah maliban para sa `umrah sapagkat magsasagawa siya ng iḥrām sa labas ng Ḥaram, ibig sabihin: mula sa lampas ng ilang milya na tinatawag na Ḥill, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Abdurraḥmān bin Abī Bakr: "Lumabas ka kasama ng kapatid§ mo mula sa Ḥaram saka magpaumpisa siya ng isang `umrah."[30] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Qawl Allāh Ta`ālā: {Alḥajju ashhurun ma`lūmāt}, numero: 1560; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Bayān Wujūh Al-Iḥrām, numero: 123/1211 mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).
Ang sinumang naparaan sa mga mīqāt na ito – na hindi nagnanais magsagawa ng ḥajj ni ng `umrah gaya ng sinumang nagnanais mangalakal o dumalaw sa isang kamag-anak o maghanap ng kaalaman at tulad ng mga ito – ay hindi kinakailangan sa kanya ang magsagawa ng iḥrām dahil ang pagsasagawa ng ḥajj at `umrah ay hindi kinakailangan sa tanang buhay nang higit sa isang ulit at walang pagsasagawa ng iḥrām kundi sa isang ḥajj o isang `umrah.
Ang mga Uri ng Ḥajj at ang Pinakamainam sa mga Ito
Ang mga uri ng ḥajj ay tatlo: ang tamattu`, ang qirān, at ang ifrād.
Ang tamattu` ay magsagawa ng iḥrām ng `umrah sa mga buwan ng ḥajj – ibig sabihin: matapos ng pagsapit ng buwan ng Shawwāl – at makatapos nito, pagkatapos magsagawa naman ng iḥrām ng ḥajj sa taon nito.
Ang qirān ay mag-ugnay sa pagitan ng ḥajj at `umrah kaya naman magsasagawa ng iḥrām ng dalawang ito nang magkasama o magsagawa ng iḥrām ng `umrah nang mag-isa, pagkatapos papasok sa ḥajj batay rito bago ng pagsisimula ng pagsasagawa ng tawaf nito.
Ang ifrād ay magsagawa ng iḥrām ng ḥajj lamang.
Ang mayoriya ng mga maalam ay nasa paniniwala na ang tao ay mapapipili sa pagitan ng mga uring ito at nagkaiba-iba naman hinggil sa pinakamainam sa mga ito. Ang tumpak ay na ang pinakamainam ay ang tamattu` dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos nito sa mga Kasamahan niya at humimok sa kanila rito dahil ito ay higit na marami sa gawain dahil ito ay nagsasagawa ng mga gawain ng `umrah nang kumpleto at mga gawain ng ḥajj nang kumpleto at dahil ito ay higit na madali kaysa sa iba pa rito para sa sinumang dumating sa Makkah sa isang maagang panahon yayamang makapagtatamasa siya ng taḥallul sa pagitan ng `umrah at ḥajj.
Kinakailangan sa tamattu` ang handog ng pasasalamat hindi ng pamimilit, na anumang nakasasapat sa alay na isang tupa o isang kapito (1/7) ng kamelyo o isang kapito ng baka, na kakatayin sa Araw ng `Īd o sa tatlong araw matapos nito. Paghahati-hatiin ito sa Minā o sa Makkah at kakain mula rito. Kung hindi nakatagpo [ng maiaalay], magsasagawa ng pag-aayuno ng tatlong araw sa ḥajj, na hindi magpapalampas ng mga ito sa tatlong araw matapos ng `īd, at ng pag-aayuno ng pitong araw kapag nakauwi.
Ang tagapagsagawa ng qirān ay gaya ng tagapagsagawa ng tamattu` sa pagkakinakailangan ng handog o kapalit nito.
Ang paraan ng pagsasagawa ng tamattu` mula sa pagsisimula ng pagsasagawa ng iḥrām ng `umrah hangang sa ḥajj sa isang pinaiksing paraan.
A. Ang `Umrah
1. Kapag nagnais na magsagawa ng iḥrām ng `umrah, maliligo kung paanong naliligo para sa janābah, magpapabango sa ulo at balbas ng pinakamabangong matatagpuan, at magsusuot ng puting izār (tapis) at puting ridā'. Ang babae ay magsusuot naman ng niloob niya na mga damit gayon pa man hindi siya magtatanghal ng palamuti.
2. Pagkatapos magdarasal ng ṣalāh na tungkulin kung oras ng isang ṣalāh na tungkulin upang magsagawa ng iḥrām matapos nito. Kung hindi naman oras ng isang ṣalāh na tungkulin, magdarasal ng dalawang rak`ah nang may layunin ng sunnah ng pagkasagawa ng wuḍū', hindi ng layunin ng sunnah ng pagkasagawa ng iḥrām dahil hindi napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkasagawa ng iḥrām ay may sunnah [na ṣalāh].
3. Pagkatapos kapag nakatapos sa pagsasagawa ng ṣalāh, maglalayon ng pagpasok sa pagsasagawa ng `umrah kaya magsasabi ng: "Labbayka -llāhumma labbayk, labbayka lā sharīka laka labbayk; inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulk, lā sharīka lak; labbayka -llāhumma `umrah. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo; bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo; bilang pagtugon sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal sa Iyo. Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng `umrah.)" Magtataas ang lalaki ng tinig niya niyon at magkukubli naman nito ang babae.
Ibinibilang na sunnah ang pagpaparami ng pagsambit ng talbiyah hanggang sa magpasimula ng pagsasagawa ng ṭawāf kaya puputulin niya ang pagsambit ng talbiyah.
4. Kapag nakarating sa Makkah, magsisimula sa pagsasagawa ng ṭawāf mula sa sandali ng pagdating. Kaya naman magsasadya sa Batong Itim saka hihipo nito – ibig sabihin: hihipo nito ng kanang kamay– at hahalik dito kung naging posible ito nang walang pakikipagsiksikan at kung hindi naman, magtuturo niyon at magsasagawa ng takbīr.
Pagkatapos lilihis at maglalagay sa Ka`bah sa gawing kaliwa. Kapag umabot sa Rukn Yamānīy, ang kahuli-hulihang panulukang dadaanan matapos ng Batong ItIm, hihipo roon ng kanang kamay, kung naging posible, nang walang paghalik.
Magsasagawa ng ṭawāf na pitong paglibot. Magsagawa ng raml ang lalaki sa unang tatlong paglibot at magsasagawa siya ng iḍṭibā` sa lahat ng ṭawāf.
Ang raml ay ang pagpapabilis ng paglalakad kasabay ng pagpapalapit ng mga hakbang.
Ang iḍṭibā` ay na maglagay ang lalaki ng gitna ng balabal niya sa ilalim ng kanang kilikili niya at ng magkabilang dulo nito sa ibabaw ng kaliwang balikat niya.
Mag-aalaala kay Allāh, magluluwalhati sa Kanya sa pagsasagawa ng ṭawāf, at mananalangin ng anumang naibigan sa isang kataimtiman at isang pagkadalo ng puso. Sa tuwing dumarating sa Batong Itim, magsasagawa ng takbīr at magsasabi sa pagitan ng Rukn Yamānīy at Batong Itim ng: "Rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda, at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)" (Qur'ān 2:201) Hinggil naman sa pagpapakalimita sa isang itinakdang panalangin para sa bawat paglibot, wala itong batayan mula sa Sunnah; bagkus ito ay isang bid`ah na ipinauso.
5. Kapag nakatapos sa pagsasagawa ng ṭawāf, magdarasal sa likuran ng Maqām Ibrāhīm, kahit pa man nalayo buhat doon. Matapos ng Al-Fātiḥah, bibigkas sa unang rak`ah ng: Ang Kabanatang Al-Kāfirūn (Qur'ān 109:1-6) at sa ikalawang rak`ah: Ang Kabanatang Al-Ikhlāṣ (Qur'ān 112:1-4).
6. Pagkatapos lilibot sa Ṣafā at Marwah – ibig sabihin: sa pagitan ng dalawang ito – ng pitong pagparoon. Magsisimula sa Ṣafā at magwawakas sa Marwah.
Ang sunnah ay na umakyat sa dalawang ito at tumindig habang nakaharap sa qiblah habang nakaangat ang mga kamay habang umaalaala kay Allāh at dumadalangin sa Kanya.
Ang sunnah para sa lalaki ay na magsagawa ng sa`y sa pagitan ng dalawang luntiang palatandaan nang mabilis na sa`y.
7. Kapag nalubos ang pagsasagawa ng sa`y, magpapaikli ang lalaki ng buhok ng ulo niya at magpapantay siya rito sa pagpapaikli. Magpapaikli naman ang babae mula rito ng habang isang pulgada.
Sa pamamagitan niyon, nalubos ang pagsasagawa ng `umrah at nakakalas siya sa iḥrām niya. Kaya naman makapagtatamasa siya ng bawat pinahintulutan ni Allāh sa kanya bago ng pagkasagawa ng iḥrām gaya ng pagdadamit, pagpapabango, pag-aasawa, at iba pa roon.
B. Ang Ḥajj
1. Kapag naging Araw ng Tarwiyah, ang ikawalong araw ng Dhulḥijjah, magsasagawa siya ng iḥrām ng ḥajj mula sa lugar niya na tinutuluyan at gagawa siya sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām niya ng gaya ng ginawa niya sa sandali ng pagsasagawa ng iḥrām ng `umrah gaya ng pagpaligo, pagpapabango, at pagsusuot ng mga kasuutan ng iḥrām.
2. Kapag nakatapos siya niyon, maglalayon siya ng pagpasok sa pagsasagawa ng ḥajj kaya magsasabi siya ng: "Labbayka -llāhumma labbayk, labbayka lā sharīka laka labbayk; inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulk, lā sharīka lak; labbayka -llāhumma ḥajjā. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo; bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo; bilang pagtugon sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal sa Iyo. Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng ḥajj.)" Magtataas ang lalaki ng tinig niya niyon at magkukubli naman nito ang babae.
Ibinibilang na sunnah ang pagpaparami ng pagsambit ng talbiyah hanggang sa magsagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah sa Araw ng `Īd kaya puputulin ang pagsambit ng talbiyah.
3. Pagkatapos lilisan siya papunta sa Minā saka magsagawa ng ṣalāh na ḍ̆uhr, `aṣr, maghrib, `ishā', at fajr, na papaikliin ang apatang rak`ah sa dalawang rak`ah at hindi pagsasamahin.
4. Kapag sumikat ang araw sa ikasiyam na araw sa Araw ng `Arafah, hahayo siya papunta sa `Arafah saka tutuloy sa Namirah, kung naging posible ito sa kanya, hanggang sa paglihis ng katanghaliang-tapat at kung hindi ay tutuloy siya sa `Arafah. Kapag lumihis sa katanghaliang-tapat ang araw, magdarasal siya ng ḍ̆uhr at `aṣr bilang pinaiksi at pinagsama. Pagkatapos maglalaan siya ng sarili sa pag-alaala kay Allāh at pagdalangin. Haharap siya sa qiblah doon, kahit pa man ang bundok ay nasa likuran niya hanggang sa lumubog ang araw.
5. Kapag lumubog ang araw, hahayo siya papunta sa Muzdalifah saka magdarasal doon ng maghrib nang tatlong rak`ah at ng `ishā' nang dalawang rak`ah at magpapamagdamag doon. Kapag nakapagdasal siya ng fajr, magpapakaabala siya sa pag-alaala kay Allāh at pagdalangin hanggang sa magliwanag nang lubha.
6. Kapag nagliwanag nang lubha, hahayo siya papunta sa Minā. Kapag nakarating siya roon, magsisimula siya sa pagsasagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah, na pinakamalapit sa mga Jamrah sa Makkah, kaya magpupukol siya roon ng pitong munting batong magkakasunuran, na ang bawat munting bato ay malaki nang kaunti sa gisantes, at sasambit siya ng takbīr kasama ng bawat pagpukol nang may kataimtiman at pagdakila kay Allāh (napakataas Siya).
Kapag nakatapos siya sa pagbato roon, magkakatay siya ng handog niya kung naging posible ito, pagkatapos magpapaahit ng ulo niya sa kabuuan nito o magpapaikli nito. Ang pagpapaahit ay higit na mainam maliban sa babae sapagkat magpapaiksi ito ng buhok nito ng habang isang pulgada.
Sa pamamagitan ng pagkasagawa ng ramy at pagpapaahit o pagpapaikli, nakakakalas siya sa iḥrām niya sa unang taḥallul kaya makapagsusuot siya ng mga damit niya at makagagawa siya ng bawat pinahintulutan ni Allāh sa kanya bago ng pagkasagawa ng iḥrām maliban sa nauugnay sa mga babae sapagkat tunay na hindi pinapayagan sa kanya ang nauugnay sa kanila hanggang nakakakalas siya sa ikalawang taḥallul.
Pagkatapos tutuloy siya sa Makkah saka magsasagawa ng ṭawāf ng ḥajj at magsasagawa ng sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah ayon sa paraang naunang nabanggit sa pagsasagawa ng ṭawāf ng `umrah at sa`y nito subalit siya ay hindi magsasagawa ng raml sa ṭawāf at hindi magsasagawa ng iḍṭibā` dahil ang dalawang ito – tinutukoy ko ang raml at ang iḍṭibā` – ay hindi isinasabatas sa iba pa sa ṭawāf sa kauna-unahang pagdating.
Sa pamamagitan ng pagkasagawa ng ṭawāf at sa`y na inunahan ng pagsasagawa ng ramy sa Jamrah at pagpapaahit o pagpapaikli, nakakakalas na siya sa ikalawang taḥallul kaya pahihintulutan na sa kanya ang bawat pinahintulutan ni Allāh sa kanya bago ng pagkasagawa ng iḥrām, pati na ang nauugnay sa mga babae.
Ang buod ng maisasagawa mula sa mga gawaing-pagsamba sa Araw ng `Īd ay ang sumusunod:
Ang Pagsasagawa ng Ramy sa Jamrah Al-`Aqabah
Ang Pagkatay ng Handog
Ang Pagpapaahit o ang Pagpapaikli ng Buhok
Ang Pagsasagawa ng Ṭawāf at Sa`y
Ang sunnah ay na pagsunud-sunurin ang mga iyan nang ganito. Kung hindi naging posible ito sa kanya, uunahin niya ang ilan sa mga ito sa iba sapagkat wala namang kaasiwaan.
7. Magpapamagdamag siya sa Minā sa gabi ng ika-11 at ika-12.
8. Magsasagawa siya ng ramy sa tatlong jamrah sa dalawang araw na ito matapos ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat. Magsisimula siya sa Unang Jamrah, ang pinakamalayo sa mga jamrah buhat sa Makkah, sapagkat magpupukol siya roon ng pitong munting batong magkakasunuran at sasambit ng takbīr sa bawat pagbato. Kapag natapos siya roon, susulong siya nang kaunti palayo sa siksikan saka titindig nang nakaharap sa qiblah habang nakaangat ang mga kamay habang dumadalangin kay Allāh (napakataas Siya) ng anumang naibigan niya na mahabang panalangin. Pagkatapos magsasagawa siya ng ramy sa Ikalawang Jamrah at titindig matapos nito para manalangin gaya ng ginawa niya sa Unang Jamrah nang magkatulad. Pagkatapos magsasagawa siya ng ramy sa Ikatlong Jamrah, ang Jamrah Al-`Aqabah na pinagsagawaan ng ramy sa Araw ng `Īd gaya ng pagsagawa ng ramy sa dalawang jamrah bago nito. Hindi siya titindig matapos nito para manalangin.
9. Kapag nakalubos siya ng pagsasagawa ng ramy sa tatlong jamrah sa ika-12 araw, kung loloobin niya ay makapagpapahuli siya sa Minā para sa ika-13 araw at magsasagawa ng ramy sa mga jamrah doon matapos ng pagkalihis ng katanghaliang-tapat. Ito ay higit na mainam dahil ito ay ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at dito ay may karagdagan sa maayos na gawain. Kung loloobin niya naman, makapagmamadali siya sa dalawang araw sapagkat makalilisan siya mula sa Minā sa ika-12 araw bago ng paglubog ng araw.
Nararapat na magparami siya ng pagsambit ng takbīr at dhikr sa mga araw at mga gabing iyon batay sa sabi Niya (napakataas Siya): {Alalahanin ninyo si Allāh sa mga araw na binilang,} (Qur'ān 2:203) at batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga araw ng Tashrīq§ ay mga araw ng pagkain, pag-inom, at pag-alaala kay Allāh."[31] Nagtala nito si Imām Muslim sa Kitāb Aṣ-Ṣiyām, Bāb Taḥrīm Ṣawm Ayyām At-Tashrīq, numero: 1141 mula sa ḥadīth ni Nabīshah Al-Hudhalīy.
Sa pamamagitan nito nalubos ang mga gawain ng ḥajj.
Ang Ṭawāf Widā` (Pamamaalam)
Kapag nagpawakas ang tagapagsagawa ng ḥajj ng lahat ng mga gawain ng ḥajj at nagnais siya na umuwi sa bayan niya, tunay na siya ay hindi lilisan mula sa Makkah hanggang sa makapagsagawa siya ng ṭawāf sa Ka`bah sa ṭawāf ng pamamaalam, na gagawin niya bilang kahuli-hulihan sa mga nauukol sa kanya sa sandali ng paglalakbay niya.
Walang kailangan sa nireregla at dinurugo na ṭawāf ng pamamaalam batay sa sabi ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Inutusan ang mga tao na ang kahuli-hulihan sa tipan nila ay sa Bahay [ni Allāh] subalit ito ay pinagaan sa nireregla."[32] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Ṭawāf Al-Widā`, numero: 1755; at Imām Muslim sa Kitāb Al-Ḥajj, Bāb Wujūb Ṭawāf Al-Widā`, numero: 380/1328.
Ang mga Sinasawata sa Pagkasagawa ng Iḥrām
Ang mga sinasawata sa pagkasagawa ng iḥrām ay ang mga bagay na ipinagbabawal sa pagkasagawa ng iḥrām dahilan sa iḥrām.
Nabubuod ang mga ito sa sumusunod:
1. Ang pag-aalis ng buhok sa ulo sa pamamagitan ng pag-ahit o iba pa rito at nagsama rito ang mayoriya ng mga maalam ng buhok sa nalalabing bahagi ng katawan.
2. Ang pag-aalis ng kuko mula sa mga kamay o mga paa at nagsama rito ang mayoriya ng mga maalam ng pag-aalis ng buhok sa pamamagitan ng tyani.
3. Ang paggamit ng pabango matapos ng pagkasagawa ng iḥrām sa katawan o kasuutan o kinakain o iniinom.
4. Ang pagsusuot ng mga guwantes.
5. Ang pakikipagniig dahil sa pagnanasa.
Ang pantubos sa limang sinasawatang ito ay ayon sa pagpili gaya ng binanggit ni Allāh (napakataas Siya) sa Qur'ān kaugnay sa pag-ahit ng ulo, at ibinabatay rito ang natitira. Papipiliin siya sa pag-aayuno ng tatlong araw; o pagpapakain ng anim na dukha, na para sa bawat dukha ay kalahating ṣā`; o pagkakatay ng isang tupa. Paghahati-hatiin ang pagkain at ang tupa sa mga maralita, na maaaring sa Makkah o sa lugar na ginawa ang sinasawata.
6. Ang pakikipagtalik sa ari. Kapag naganap ito sa ḥajj bago ng unang taḥallul, may ireresulta rito na apat na bagay:
A. Ang pagkasira ng gawaing-pagsamba na naganap rito ang pagtatalik;
B. Ang pagkakinakailangan ng pagpapatuloy ng gawaing-pagsamba;
C. Ang pagkakinakailangan ng pagbabayad-pagsasagawa nito sa darating na taon;
D. Ang pagtubos na pagkakatay ng isang kamelyo§ na paghahati-hatiin sa mga dukha sa Makkah o sa lugar ng pagtatalik.
7. Ang pagdaos ng kasal. Wala ritong pantubos subalit ang kasal ay tiwali, maging ang lalaki o ang babae o ang walīy o ang kinatawan nito ay naroon.
8. Ang pagpatay ng ligaw na mailap na hayop na pinangangaso. Kailangan dito ang pangganti rito. Ito ay ang pagkatay ng tulad nito, na paghahati-hatiin sa mga maralita ng Ḥaram, o ang pagtumbas nito ng pagkaing paghahati-hatiin sa mga maralita ng Ḥaram, o ang pag-aayuno kapalit ng pagpapakain sa bawat maralita sa isang araw.
Ang walang sinasawatang ito ay bawal sa bawat muḥrim, lalaki man o babae. Natatangi ang pagbanggit sa dalawang sumusunod na sinasawata:
1. Ang pagtatakip ng ulo ng isang dumidikit. Hinggil naman sa hindi dumidikit – gaya ng kubol, bubong ng kotse, at payong – walang masama rito.
2. Ang pagsusuot ng tinahian. Ito ay ang bawat anumang tinahian ayon sa sukat ng katawan o ayon sa isang parte mula rito o isang bahagi mula sa mga bahagi nito, gaya ng polo, pantalon, at sapatos. Hinggil naman sa tapis at balabal na tinagpian, walang masama rito. Gayon din walang masama sa pagsusuot ng singsing, relo, salamin ng mata, earphone, sisidlan ng panggastos (belt bag), at tulad ng mga ito.
Natatangi ang babae sa sumusunod na sinasawata:
Ang pagtatakip ng mukha sa alinmang paraan. Nagsabi ang ilan sa mga maalam na ang sinasawata sa kanya ay ang niqāb lamang. Ito ay na magtakip siya ng mukha niya ng isang panakip na binutasan para sa mga mata niya. Ang pinakamarapat ay na hindi siya magtakip nang walang pasubali maliban na may makakita sa kanya na mga lalaking hindi mga maḥram para sa kanya sapagkat kakailanganin sa kanya ang magtabing nito sa sandali ng pagkasagawa ng iḥrām at iba pa riyan.
Ang pantubos sa mga sinasawatang ito, na natatangi sa pagkakaroon ng pagpipilian, ay gaya ng pantubos sa limang nauna.
Ang Kahatulan sa Tagagawa ng mga Sinasawatang Ito
Ang tagagawa ng mga sinasawatang nauna ay may tatlong kalagayan:
1. Na gawin niya ang sinasawata nang walang pangangailangan at walang maidadahilan. Ito ay nagkakasala at kailangan sa kanya ang pantubos doon.
2. Na gawin niya ito dahil sa isang pangangailangan. Ito ay hindi nagkakasala at kailangan sa kanya ang pantubos doon. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Ang sinumang kabilang sa inyo na naging maysakit o sa kanya ay may isang perhuwisyo mula sa ulo niya ay [magbibigay ng] isang pantubos na pag-ayuno o isang kawanggawa o isang alay.} (Qur'ān 2:196) Kaya naman kung sakaling nangailangan siya ng pagtatakip ng ulo niya dahil sa ginaw o init na pinangangambahan niya, pinapayagan sa kanya ang pagtatakip niyon at kailangan sa kanya ang pantubos dahil sa pagpili sa naunang nabanggit.
3. Na gawin niya ito habang siya ay mapauumanhinan dahil sa kamangmangan o pagkalimot o pamimilit o pagkatulog kaya walang kasalanan sa kanya at walang pantubos batay sa sabi Niya (napakataas Siya): {Panginoon namin, huwag Kang magpanagot sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami.} (Qur'ān 2:286) Nasaad naman sa ḥadīth buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "Tunay na si Allāh ay nagpalampas sa Kalipunan ko ng pagkakamali, pagkalimot, at anumang pinilit sila." Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah sa Kitāb Aṭ-Ṭalāq, Bāb Ṭalāq Al-Mukrah Wa An-Nāsī, numero: 2043, 2045 ayon kay Abū Dharr at sa Anak ni `Abbās.
Subalit kapag naglaho ang maidadahilan saka nalaman niya ang sinasawata o naalaala niya ito o naglaho ang pamimilit sa kanya o nagising siya sa pagkatulog niya, kakailanganin sa kanya ang pagwaksi nito, ibig sabihin: ang sinasawata, kaagad-agad.
Ang Pagdalaw sa Masjid ng Propeta
Ang Masjid ng Propeta ay isa sa tatlong masjid na hindi inihahanda ang mga sasakyang hayop malibang papunta sa mga ito. Ang mga ito ay ang Masjid na Pinakababanal sa Makkah, ang Masjid na Pampropeta sa Madīnah, at ang Masjid na Pinakamalayo sa Jerusalem. Ang pagsasagawa ng ṣalāh sa Masjid ng Propeta ay higit na mabuti kaysa sa isang libong ṣalāh sa iba pa rito maliban sa Masjid na Pinakababanal. Dahil dito, isinasabatas ang pagdalaw sa Masjid ng Propeta para magsagawa ng ṣalāh doon sa bawat panahon at hindi natatangi sa panahon ng ḥajj lamang. Walang kaugnayan rito sa ḥajj sapagkat ang ḥajj ay nakukumpleto nang wala ito at hindi nababawasan [sa kalubusan] dahil sa pag-iwan niyon. Subalit ang mga tao ay gumawa rito na kasama ng ḥajj upang ang paglalakbay para sa dalawang ito ay maging iisa, lalo na sa sinumang nagiging mahirap sa kanya ang pagbubukod-tangi sa paglalakbay papunta sa bawat isa sa dalawang ito, gaya ng mga naninirahan sa mga malayong rehiyon.
Kapag pumasok sa Masjid ng Propeta, magdarasal doon ng anumang niloob ni Allāh. Pagkatapos pupunta sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka titindig sa harapan niya at magsasabi ng: "Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammadin, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (Ang pangangalaga ay sumaiyo, o Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"
Pagkatapos hahakbang siya sa dakong kanan niya nang kaunti upang bumati kay Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya) saka magsasabi ng: "Assalāmu `alayka yā abā bakrin, khalīfata rasūli -llāhi – ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam. Raḍiya -llāhu `anka wa-jazāka `an ummati muḥammadin khayrā. (Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Abū Bakr na Kahalili ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan. Malugod si Allāh sa iyo at gumanti Siya sa iyo para sa kalipunan ni Muḥammad ng mabuti.)"
Pagkatapos hahakbang siya sa dakong kanan niya nang kaunti upang bumati kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya) saka magsasabi ng: "Assalāmu `alayka yā amīra -lmu'minīna `umara. Raḍiya -llāhu `anka wa-jazāka `an ummati muḥammadin khayrā. (Ang kapayapaan ay sumaiyo, O pinuno ng mga mananampalataya na si `Umar. Malugod si Allāh sa iyo at gumanti Siya sa iyo para sa kalipunan ni Muḥammad ng mabuti.)"
Lalabas siya papunta Masjid Qubbā' habang nakapagdalisay at magdarasal doon.
Dadalawin niya ang Al-Baqī`, na sementeryo ng Madīnah, saka babati siya kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) saka titigil siya sa libingan nito at magsasabi ng: "Assalāmu `alayka yā amīra -lmu'minīna `Uthmān. Raḍiya -llāhu `anka wa-jazāka `an ummati muḥammadin khayrā. (Ang kapayapaan ay sumaiyo, O pinuno ng mga mananampalataya na si `Uthmān. Malugod si Allāh sa iyo at gumanti Siya sa iyo para sa kalipunan ni Muḥammad ng mabuti.)" Babati siya sa mga nakahimlay sa Al-Baqī` at mananalangin para sa kanila ng kapatawaran at awa.
Lilisan siya papunta sa Uḥud saka dadalaw siya sa libingan ni Ḥamzah na tiyuhin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ng sinumang naroon kabilang sa mga martir. Mananalangin siya ng pagkalugod sa kanila at mananalangin siya para sa kanila ng kapatawaran at awa.
Ang babae ay hindi dadalaw sa mga libingan ni sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni sa mga libingan ng mga iba pa sa kanya.
Hindi nagkaroon sa Madīnah ng anumang isinasabatas sadyain kabilang sa mga masjid at iba pa sa mga ito maliban pa sa nabanggit natin.
Si Allāh ay ang Tagapagtuon. Basbasan ni Allāh at pangalagaan Niya ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya sa kalahatan.
Isinulat ito ng nangangailangan kay Allāh.
Muḥammad Aṣ-Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn
Related books
All books
Ang Pinaigsi sa Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah at mga Patakaran Nito65 wikaAng Pinaigsi sa Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah at mga Patakaran Nito
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan. Sa pagpapatuloy: Ito ay isang pinaigsing polyeto sa paraan ng pagsasagawa ng `umrah, mga patakaran nito, at mga etiketa nito. Nagsigasig tayo rito sa paglilinaw sa karamihan sa kinakailangan ng tagapagsagawa ng `umrah. Si Allāh ay hinihilingan natin na gawin Niya ito bilang wagas na ukol sa kaluguran ng marangal na mukha Niya at na pakinabangin Niya sa pamamagitan nito ang kamadlaan ng mga Muslim.
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah28 wikaAng Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah
Ang libretong "Ang Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah" ni Shaykh `Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz (kaawaan siya ni Allāh) ay nagbibigay-linaw sa mga gawaing-pagsamba ng `umrah sa isang maliwanag at pinadaling istilo upang ito ay maging isang praktikal na gabay na aalalay sa Muslim sa pagganap ng gawain nito nang may kataimtiman at kadaliang nasasamahan ng mga panalangin at mga dhikr na ipinahatid sa bawat yugto.
Ang Pinaigsi sa Paraan ng Pagsasagawa ng Ḥajj49 wikaAng Pinaigsi sa Paraan ng Pagsasagawa ng Ḥajj
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan. Sa pagpapatuloy: Ito ay isang pinaigsing polyeto sa paraan ng pagsasagawa ng ḥajj. Nagsigasig tayo rito sa paglilinaw sa karamihan sa kinakailangan ng tagapagsagawa ng ḥajj. Si Allāh ay hinihilingan natin na gawin Niya ito bilang wagas na ukol sa kaluguran ng marangal na mukha Niya at na pakinabangin Niya sa pamamagitan nito ang kamadlaan ng mga Muslim. Pauna
Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Wuḍū' (Isang Praktikal at Maiksing Pagpapaliwanag)80 wikaAng Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Wuḍū' (Isang Praktikal at Maiksing Pagpapaliwanag)
Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Wuḍū' (Pinasimpleng Video Clip) Isang praktikal na pagpapatupad na nagpapaliwanag sa pamamaraan ng pagsasagawa ng wuḍū' nang hakbang-hakbang, na lubhang mahalaga dahil ang wuḍū' ay isang kundisyon para sa katumpakan ng ṣalāh. Panoorin ang video clip at pag-aralan ang tumpak na pamamaraan ng wuḍū'. Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Wuḍū'