Skip to content

"Tunay na si Allāh ay talagang nagpapalugit sa tagalabag ng katarungan; hanggang sa nang dumaklot Siya rito, hindi Siya magpapalusot dito.

Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"Tunay na si Allāh ay talagang nagpapalugit sa tagalabag ng katarungan; hanggang sa nang dumaklot Siya rito, hindi Siya magpapalusot dito." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 11:102): {Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.}}

«إِنَّ اللهَ لَيُمْلِي لِلظَّالِمِ، حَتَّى إِذَا أَخَذَهُ لَمْ يُفْلِتْهُ» قَالَ: ثُمَّ قَرَأَ: «{وَكَذَلِكَ أَخْذُ رَبِّكَ إِذَا أَخَذَ الْقُرَى وَهِيَ ظَالِمَةٌ إِنَّ أَخْذَهُ أَلِيمٌ شَدِيدٌ}[هود: 102]»

Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nagbibigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapatuloy sa kawalang-katarungan sa pamamagitan ng mga pagsuway, Shirk, at kawalang-katarungan sa mga tao sa mga karapatan nila. Tunay na si Allāh ay nagpapalugit sa tagalabag sa katarungan, nagpapaliban sa kanya, nagpapahaba sa kanya ng buhay niya, at nagpaparami ng yaman niya kaya hindi nagmamadali sa kanya sa kaparusahan. Kung hindi naman siya nagbalik-loob, dadaklot si Allāh sa kanya, hindi magpapawala sa kanya, at hindi mag-iiwan sa kanya dahil sa dami ng kawalang-katarungan niya. Pagkatapos bumigkas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) (Qur'ān 11:102): {Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.}

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

...:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Kailangan sa nakapag-uunawa ang pagdadali-dali sa pagbabalik-loob at na hindi siya mapanatag sa pakana ni Allāh kapag siya ay naging tagapanatili sa kawalang-katarungan.

Ang pagpapalugit ni Allāh sa mga tagalabag sa katarungan at ang hindi pagmamadali sa kanila sa kaparusahan ay bilang pagpapain sa kanila at bilang pagpapaibayo ng pagdurusa kung hindi sila nagbalik-loob.

Ang kawalang-katarungan ay kabilang sa mga kadahilanan ng kaparusahan ni Allāh sa mga kalipunan.

Kapag nagpasawi si Allāh ng isang pamayanan, maaaring maging doon ay may mga maayos na tao. Ang mga ito ay bubuhayin sa Araw ng Pagbangon ayon sa kinamatayan nila na kaayusan. Hindi nakapipinsala sa kanila na sumaklaw sa kanila ang kaparusahan.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (6/ 74) (4686).

Ṣaḥīḥ Muslim (4/ 1997) (2583).

Ang Karagdagan (10)

شرح رياض الصالحين.

لابن عثيمين (2/ 496).

بهجة الناظرين شرح رياض الصالحين.

لسليم الهلالي (1/ 303).

نزهة المتقين شرح رياض الصالحين.

لمصطفى الخِن وغيره (1/ 231).

تطريز رياض الصالحين.

لفيصل آل مبارك (ص165).

مرقاة المفاتيح.

علي القاري (8/ 3200).