"Kapag nagtadhana si Allāh para sa isang lingkod na mamatay ito sa isang lupain, gagawa Siya para rito ng isang pangangailangan doon."}
Ayon kay Maṭar bin `Ukāmis (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Kapag nagtadhana si Allāh para sa isang lingkod na mamatay ito sa isang lupain, gagawa Siya para rito ng isang pangangailangan doon."}
«إِذَا قَضَى اللَّهُ لِعَبْدٍ أَنْ يَمُوتَ بِأَرْضٍ جَعَلَ لَهُ إِلَيْهَا حَاجَةً».
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh, kapag nagtadhana Siya at nagtakda Siya para sa isang lingkod na mamatay sa isang lupain samantalang ito ay hindi naroroon, ay gagawa para rito ng isang pangangailangan doon, kaya pupunta ito roon saka kukunin ang kaluluwa nito roon.
...:
Ang ḥadīth ay patotoo sa sabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {at hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay.} (Qur'ān 31:34)
Sunan At-Tirmidhīy (4/ 23) (2146).
Ang Karagdagan (1)
تحفة الأحوذي (6/ 299).