Skip to content

{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa ng wuḍū' sa sandali ng bawat ṣalāh.

Ayon kay `Amr bin `Āmir, ayon kay Anas bin Mālik na nagsabi:

{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa ng wuḍū' sa sandali ng bawat ṣalāh. Nagsabi ako: "Papaano kayo noon nagsasagawa?" Nagsabi siya: "Nagkakasya sa isa sa amin ang [isinagawang] wuḍū' hanggat hindi siya nakasira nito."}

كَانَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَتَوَضَّأُ عِنْدَ كُلِّ صَلَاةٍ، قُلْتُ: كَيْفَ كُنْتُمْ تَصْنَعُونَ؟ قَالَ: يُجْزِئُ أَحَدَنَا الْوُضُوءُ مَا لَمْ يُحْدِثْ.

Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa ng wuḍū' para sa bawat ṣalāh na isinatungkulin, kahit pa hindi nasira ang wuḍū' niya. Iyon ay para sa pagtamo ng pabuya at kainaman. Pinapayagan na magdasal ng higit sa isang ṣalāh na isinatungkulin sa iisang wuḍū' hanggat nanatili ang bisa ng wuḍū' niya.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

...:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang higit na marami sa ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pagsasagawa ng wuḍū' para sa bawat ṣalāh bilang paghahangad ng pinakalubos.

Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsasagawa ng wuḍū' sa sandali ng bawat ṣalāh.

Ang pagpayag sa pagsasagawa ng higit sa isang ṣalāh sa iisang wuḍū'.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (1/ 53) (214).

Ang Karagdagan (2)

شرح ابن بطّال (1/321).

إرشاد الساري لشرح صحيح البخاري (1/ 285).