Skip to content
Listahan ng Surah /

البَقَرَة

البَقَرَة is chapter 2 of the Quran and has 286 verses. This page presents it in full in the Uthmani script, with a verse-by-verse translation of its meaning.

286 Mga Ayah Surah Blg. 2
Pumunta sa ayah
Tagalog · Rwwad
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

الٓمٓ

Alif. Lām. Mīm.

Explanation & meanings · 1
  1. Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.

ذَٰلِكَ ٱلۡكِتَٰبُ لَا رَيۡبَۛ فِيهِۛ هُدٗى لِّلۡمُتَّقِينَ

Ang Aklat na ito ay walang pag-aalinlangan dito, isang patnubay ukol sa mga tagapangilag magkasala,

Explanation & meanings · 2
  1. Sa istilo ng pagkakasalin dito, ang Aklat na may malaking titik A ay tumutukoy sa Qur’an.
  2. O Ang Aklat na ito ay walang mapag-aalinlanganan; nasa loob nito ay patnubay ukol sa mga tagapangilag magkasala,

ٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡغَيۡبِ وَيُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ

na mga sumasampalataya sa nakalingid, nagpapanatili sa pagdarasal, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol,

Explanation & meanings · 1
  1. Ang bawat hindi natatalos ng mga pandama at nakalingid sa atin gaya ng kairalan ng mga anghel, mga jinn, Kabilang-buhay, Paraiso, at Impiyerno.

وَٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلِكَ وَبِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ يُوقِنُونَ

na mga sumasampalataya sa [Qur’ān na] pinababa sa iyo at sa pinababa bago mo pa, at sa Kabilang-buhay sila ay nakatitiyak.

Explanation & meanings · 1
  1. Sa istilo ng pagsasalin dito, madalas na ang mga panghalip na ikaw, ka, mo, at iyo ay tumutukoy kay Propeta Muhammad.

أُوْلَٰٓئِكَ عَلَىٰ هُدٗى مِّن رَّبِّهِمۡۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

Ang mga iyon ay nasa patnubay mula sa Panginoon nila at ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.