2 : 142
۞ سَيَقُولُ ٱلسُّفَهَآءُ مِنَ ٱلنَّاسِ مَا وَلَّىٰهُمۡ عَن قِبۡلَتِهِمُ ٱلَّتِي كَانُواْ عَلَيۡهَاۚ قُل لِّلَّهِ ٱلۡمَشۡرِقُ وَٱلۡمَغۡرِبُۚ يَهۡدِي مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Magsasabi ang mga hunghang kabilang sa mga tao: “Ano ang nagpatalikod sa kanila palayo sa qiblah nila na sila dati ay nakabatay roon?” Sabihin mo: “Sa kay Allāh ang silangan at ang kanluran. Nagpapatnubay siya sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang landasing tuwid.”
Explanation & meanings · 2
- Ang tinutukoy rito ay ang mga Hudyo at ang mga tagapagtambal sa panahon ng Propeta (s).
- Ang qiblah ay ang dakong kinaroroonan ng Ka`bah, na hinaharapan ng mga Muslim sa pagdarasal.