Skip to content
البَقَرَة /

Ayah 249

2 : 249

Ayah 249 of البَقَرَة (2 : 249). This page carries the verse in the Uthmani script with a translation of its meaning, at a stable URL that can be cited on its own.

البَقَرَة Mga Ayah 286
2 : 249

فَلَمَّا فَصَلَ طَالُوتُ بِٱلۡجُنُودِ قَالَ إِنَّ ٱللَّهَ مُبۡتَلِيكُم بِنَهَرٖ فَمَن شَرِبَ مِنۡهُ فَلَيۡسَ مِنِّي وَمَن لَّمۡ يَطۡعَمۡهُ فَإِنَّهُۥ مِنِّيٓ إِلَّا مَنِ ٱغۡتَرَفَ غُرۡفَةَۢ بِيَدِهِۦۚ فَشَرِبُواْ مِنۡهُ إِلَّا قَلِيلٗا مِّنۡهُمۡۚ فَلَمَّا جَاوَزَهُۥ هُوَ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ قَالُواْ لَا طَاقَةَ لَنَا ٱلۡيَوۡمَ بِجَالُوتَ وَجُنُودِهِۦۚ قَالَ ٱلَّذِينَ يَظُنُّونَ أَنَّهُم مُّلَٰقُواْ ٱللَّهِ كَم مِّن فِئَةٖ قَلِيلَةٍ غَلَبَتۡ فِئَةٗ كَثِيرَةَۢ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ مَعَ ٱلصَّٰبِرِينَ

Kaya noong humayo si Saul kasama ng mga hukbo ay nagsabi siya: “Tunay na si Allāh ay susubok sa inyo sa isang ilog. Kaya ang sinumang uminom mula roon ay hindi siya kabilang sa akin; at ang sinumang hindi tumikim doon ay tunay na siya ay kabilang sa akin, maliban sa sumalok ng salok sa pamamagitan ng kamay niya.” Ngunit uminom sila maliban sa kaunti kabilang sa kanila. Noong nakalampas doon siya at ang mga sumampalataya kasama sa kanya ay nagsabi sila: “Walang kapangyarihan ukol sa atin ngayong araw laban kay Goliat at sa mga hukbo nito.” Nagsabi ang mga nakatitiyak na sila ay makikipagkita kay Allāh: “Kay raming pangkat na maliit na dumaig sa pangkat na malaki ayon sa pahintulot ni Allāh. Si Allāh ay kasama ng mga nagtitiis.”