Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

48 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Kung sakaling kayo ay nananalig kay Allāh nang totoong pananalig sa Kanya, talaga sanang tumustos Siya sa inyo kung paanong tumutustos Siya sa ibon: umaalis ito sa umaga na impis at bumabalik ito sa gabi na bundat."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, Imām Ibnu Ḥibbān sa Ṣaḥīḥ nito, at Imām Al-Ḥākim.
{Noong nilikha ni Allāh ang Paraiso at ang Impiyerno, isinugo Niya si [Anghel] Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) sa Paraiso saka nagsabi Siya: "Tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya naman tumingin ito roon saka bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang makaririnig hinggil doon na isa man malibang papasok doon." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga pahirap saka nagsabi Siya: "Pumunta ka roon saka tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran na ng mga pahirap saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makapasok doon na isa man." Nagsabi Siya: "Pumunta ka saka tumingin ka sa Impiyerno at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano pumapatong ang isa sa bahagi [ng apoy] niyon sa isa pang bahagi kaya bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang papasok doon na isa man." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga ninanasa saka nagsabi Siya: "Bumalik ka roon saka tumingin ka roon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran ng mga ninanasa kaya bumalik ito at nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makaligtas mula roon na isa man malibang papasok doon."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
"Ang tagapaglantad ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglantad ng kawanggawa at ang tagapaglihim ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglihim ng kawanggawa."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
"Ang pinakamalapit na [sandali ng] Panginoon mula sa lingkod ay sa kalaliman ng huling bahagi ng gabi. Kaya kung nakakaya mo na ikaw ay maging kabilang sa mga nag-aalaala kay Allāh sa oras na iyon, maging gayon ka."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
{May nagpabatid sa akin na dalawang lalaki na silang dalawa ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥajj ng Pamamaalam, habang siya ay naghahati-hati ng kawanggawa, saka humingi silang dalawa sa kanya mula rito. Kaya nag-angat-angat siya sa amin ng paningin at nagbaba-baba nito saka nakakita siya sa amin bilang mga matipuno. Kaya nagsabi siya: "Kung niloob ninyong dalawa, ibibigay ko sa inyong dalawa. Walang bahagi rito para sa isang mayaman at wala para sa isang malakas na kumikita."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām An-Nasā’īy.
{May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Nagsaalang-alang ka ba sa isang lalaking sumalakay habang naghahanap ng pabuya at katanyagan? Ano ang para sa kanya?" Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anuman para sa kanya." Kaya umulit ito niyon nang tatlong ulit habang nagsasabi naman dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anuman para sa kanya." Pagkatapos nagsabi siya: "Tunay na si Allāh ay hindi tumatanggap ng gawa maliban na ito ay naging wagas ukol sa Kanya at hinangad dito ang kaluguran ng mukha Niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā’īy.
{Lumabas kami sa isang gabing maulan at isang kadilimang matindi, habang naghahanap kami sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na mamumuno sa amin sa ṣalāh. Nagsabi ito: Nakaabot ako sa kanya saka nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Pagkatapos nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Nagsabi siya: "Magsabi ka," kaya nagsabi ako: "Ano po ang sasabihin ko?" Nagsabi siya: "Ang Qul huwa -llāhu aḥad... (Qur'ān112) at ang dalawang ipinampapakupkop (Qur'ān 113 at Qur'ān 114) kapag gumagabi at kapag nag-uumaga nang tatlong ulit. Sasapat ang mga ito sa iyo laban sa bawat bagay."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
"Ang pinakamainam na pag-alaala [kay Allāh] ay Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) at ang pinakamainam na panalangin ay Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, at Imām Ibnu Mājah.