Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

4 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Kung sakaling kayo ay nananalig kay Allāh nang totoong pananalig sa Kanya, talaga sanang tumustos Siya sa inyo kung paanong tumutustos Siya sa ibon: umaalis ito sa umaga na impis at bumabalik ito sa gabi na bundat."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, Imām Ibnu Ḥibbān sa Ṣaḥīḥ nito, at Imām Al-Ḥākim.
"Tunay na ang pananampalataya ay talagang naluluma sa kaloob-looban ng [bawat] isa sa inyo kung paanong naluluma ang lumang kasuutan. Kaya naman humiling kayo kay Allāh na magpanibago Siya ng pananampalataya sa mga puso ninyo."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Ḥākim at Imām Aṭ-Ṭabarānīy.
"Iwasan ninyo ang kasalaulaang ito na sumaway si Allāh laban dito. Kaya ang sinumang nakagawa nito ay magpatakip siya ng pagtatakip ni Allāh at magbalik-loob siya kay Allāh sapagkat tunay na ang sinumang naglantad sa atin ng pagkasalarin niya, magpapatupad tayo sa kanya ng Aklat ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Ḥākim at Imām Al-Bayhaqīy.
"Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, bumati siya sa Propeta at magsabi siya ng: Allāhumma -ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, bumati siya sa Propeta at magsabi siya ng: Allāhumma -`ṣimnī mina -shshatyān -rrajīm (O Allāh, magsanggalang Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa). Kapag lumabas siya, bumati siya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at magsabi siya ng: Allāhumma -ajirnī mina -shshayṭān -rrajīm (O Allāh, magkalinga Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa)."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah at Al-Hakim.