Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

97 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Kung sakaling kayo ay nananalig kay Allāh nang totoong pananalig sa Kanya, talaga sanang tumustos Siya sa inyo kung paanong tumutustos Siya sa ibon: umaalis ito sa umaga na impis at bumabalik ito sa gabi na bundat."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, Imām Ibnu Ḥibbān sa Ṣaḥīḥ nito, at Imām Al-Ḥākim.
"Ang pagsasamabuting-loob ay kagandahan ng kaasalan. Ang kasalanan ay anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid doon ang mga tao."}
Tumpak Ang Unang Hadith: Nagsalaysay nito si Imām Muslim, at ang Ikalawang Hadith: Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām Ad-Dārimīy.
"Hindi titigil ang dila mo sa pagkanamamasa sa pag-alaala kay Allāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Ibnu Ḥibbān.
"Ang mga orasyon, ang mga agimat, at ang gayuma ay Shirk."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Ang sinumang sumumpa sa ipinagkatiwalang tungkulin, hindi siya kabilang sa atin."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad.
{Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw, saka nangaral siya sa amin ng isang marubdob na pangaral na nasindak dito ang mga puso at lumuha dahil dito ang mga mata. Kaya sinabi: "O Sugo ni Allāh, nangaral ka po sa amin ng isang pangaral ng isang namamaalam, kaya maghabilin ka po sa amin ng isang habilin." Kaya nagsabi siya: "Manatili kayo ng pangingilag magkasala kay Allāh at pagdinig at pagtalima [sa pinuno], kahit pa siya ay isang aliping Etyope. Makakikita kayo matapos ko ng isang matinding pagkakaiba-iba. Kaya manatili kayo sa Sunnah ko at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah. Kumagat kayo rito ng mga bagang ninyo. Kaingat kayo sa mga bagay-bagay na pinauso sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Walang isa mang bumati ng pangangalaga sa akin malibang nagbabalik si Allāh sa akin ng kaluluwa ko hanggang sa magbalik ako sa kanya ng pagbati ng pangangalaga."}
Ang Isnād nito ay maganda. Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad.
"O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, magpakain kayo ng pagkain, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog; papasok kayo sa Paraiso nang may kapayapaan."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.