Skip to content

"Kapag ang tubig ay dalawang qullah, hindi ito magdadala ng karumihan."}

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa tubig at anumang iniinuman ng mga hayop na maaamo at mababangis, kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"Kapag ang tubig ay dalawang qullah, hindi ito magdadala ng karumihan."}

«إِذَا كَانَ الْمَاءُ قُلَّتَيْنِ لَمْ يَحْمِلِ الْخَبَثَ».

Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kahatulan ng kadalisayan ng tubig na pinupuntahan ng mga maamong hayop at mga mabangis na hayop para inuman at tulad nito, kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tubig, kapag umabot ang sukat nito sa dalawang malaking tapayan na nakatutumbas sa 210 litro, tunay na ito ay tubig na marami na hindi nagiging najis malibang kapag nag-iba dahil sa isang karumihan ang isa sa tatlong pagkakalarawan dito: ang kulay nito o ang lasa nito o ang amoy nito.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang tubig ay nagiging najis kapag nagbago ang isa sa tatlong pagkakalarawan dito dahil sa najāsah: ang kulay nito o ang lasa nito o ang amoy nito. Ang ḥadīth ay nauukol sa pagkakaukol ng nakararami hindi ayon sa takdang kalagayan.

Nagkabuklod ang mga maalam na ang tubig, kapag nagpaiba rito ang najāsah, ay nagiging najis nang lubusan, maging ito man ay kaunti o marami.

Ang mga Sanggunian

Sunan Abī Dāwud (1/ 46) (63).

Sunan At-Tirmidhīy (1/ 109) (67).

Sunan An-Nasā'īy (1/ 46) (52).

Sunan Ibnu Mājah (1/ 324) (517).

Musnad Aḥmad (8/ 211) (4605).

Ang Karagdagan (6)

توضيح الأحكام.

للبسام (1/ 121).

فتح ذي الجلال والإكرام بشرح بلوغ المرام.

لابن عثيمين (1/ 67).

منحة العلام.

لعبد الله الفوزان (1/ 35).