Skip to content

"Tunay na si Allāh ay umiibig na isagawa ang mga pagluluwag Niya gaya ng pagkaibig Niya na isagawa ang mga paghihigpit Niya."}

Ayon sa Anak ni Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"Tunay na si Allāh ay umiibig na isagawa ang mga pagluluwag Niya gaya ng pagkaibig Niya na isagawa ang mga paghihigpit Niya."}

«إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ أَنْ تُؤْتَى رُخَصُهُ، كَمَا يُحِبُّ أَنْ تُؤْتَى عَزَائِمُهُ».

Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Ḥibbān.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay umiibig na isagawa ang mga pagluluwag Niya na isinabatas Niya kabilang sa mga pagpapagaan sa mga patakaran at mga pagsamba at pagpapadali sa mga ito sa naatangan ng tungkulin, dahil sa isang maidadahilan gaya ng pagpapaiksi ng ṣalāh at pagsasama ng mga ito sa sandali ng paglalakbay. Siya ay umiibig din na isagawa ang mga paghihigpit Niya kabilang sa mga bagay na kinakailangan dahil ang pag-uutos ni Allāh kaugnay sa mga pagluluwag at mga paghihigpit ay iisa.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

...:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang awa ni Allāh (napakataas Siya) sa mga lingkod Niya at na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay umiibig ng pagsasagawa ng isinabatas Niya na mga pagluluwag.

Ang kalubusan ng Batas na ito ng Islām at ang pagpawi nito ng kaasiwaan sa Muslim.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Ibni Ḥibbān (2/ 69) (354).

Ang Karagdagan (2)

فيض القدير (2/292).

نيل الأوطار (3/244).