Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

18 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging mapagpaimbabaw. Kung naging may isang katangian mula sa mga ito sa kanya, may naging nasa kanya na isang katangian mula sa pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nangako siya, sumisira siya; kapag nakipag-alitan siya, nagmamasamang-loob siya; at kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraidor siya."
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
"Ang sinumang sumumpa sa ipinagkatiwalang tungkulin, hindi siya kabilang sa atin."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad.
"May dalawang gawain sa mga tao na sa kanila ay may kawalang-pananampalataya: ang paninirang-puri sa kaangkanan at ang pananaghoy sa patay."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw ay gaya ng paghahalintulad sa tupa na lumilipat sa pagitan ng [dalawang kawan ng] mga tupa: lumilipat dito minsan at diyan minsan."
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na sa pagitan ng tao at ng shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"O Allāh, huwag Mong gawin ang libingan ko bilang isang diyus-diyusan." Sumumpa si Allāh sa mga taong gumawa sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
"Walang nagpaparatang na isang lalaki sa isang lalaki ng kasuwailan at walang nagpaparatang dito ng kawalang-pananampalataya malibang manunumbalik ito sa kanya, kung ang pinaratangan niya ay hindi naging gayon."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging isang mapagpaimbabaw na lantay; at ang sinumang may naging nasa kanya na isang katangian mula sa mga ito, may naging nasa kanya na isang katangian mula sa isang pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraydor siya; kapag nangako siya, sumisira siya; kapag nakipag-alitan siya, nagsasamasamang-loob siya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.