Skip to content

"Kapag narinig ninyo ang panawagan [ng ṣalāh], sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin."}

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

"Kapag narinig ninyo ang panawagan [ng ṣalāh], sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin."}

«إِذَا سَمِعْتُمُ النِّدَاءَ، فَقُولُوا مِثْلَ مَا يَقُولُ المُؤَذِّنُ».

Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Humihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtugon sa mu'adhdhin sa sandali ng pagkarinig sa kanya. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsabi ng tulad ng sinasabi niya pangungusap sa pangungusap. Kaya kapag nagsasabi siya ng takbīr, magsasabi tayo ng takbīr matapos niya; at kapag sumasambit siya ng Dalawang Pagsaksi, sasambit tayo ng dalawang ito matapos niya. Itinatangi ang pananalitang: "Ḥayya `ala -ṣṣalāh (Hali na sa ṣalāh)" at "Ḥayya `ala -falāḥ (Hali na sa tagumpay)" sapagkat tunay na sinasabi matapos ng dalawang ito ang: "Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh)."

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

...:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Makikipagsunuran sa ikalawang mu'adhdhin matapos ng unang mu'adhdhin, kahit pa dumami ang mga mu'adhdhin, dahil sa pagkapangkalahatan ng ḥadīth.

Sasagutin ang mu'adhdhin sa lahat ng mga lagay niya, kung hindi nasa isang palikuran o nasa pagtugon sa tawag ng kalikasan niya.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (1/ 126) (611).

Ṣaḥīḥ Muslim (1/ 288) (383).

Ang Karagdagan (4)

تيسير العلام شرح عمدة الأحكام.

للبسام (ص120).

الإلمام بشرح عمدة الأحكام.

لإسماعيل الأنصاري (1/ 98).