أسئلة وأجوبة عن شهر رمضان للصغار، ولا يستغني عنها الكبار
Mga Tanong at mga Sagot Tungkol sa Buwan ng Ramaḍān Para sa mga Nakababata at Hindi Maiiwasan ng mga Nakatatanda
Mga Tanong at mga Sagot Tungkol sa Buwan ng Ramaḍān Para sa mga Nakababata at Hindi Maiiwasan ng mga Nakatatanda
Kapisanan ng Serbisyo ng Nilalamang Islāmiko sa Maraming Wika
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Panimula
Ang papuri ay ukol kay Allāh na gumawa sa buwan ng Ramaḍān at nagtangi rito ng maraming kainaman higit sa nalalabi sa mga buwan at mga araw. Dumadalangin tayo ng basbas at pangangalaga kay Muḥammad bin `Abdullāh: basbasan siya ni Allāh sampu ng mag-anak niya at mga Kasamahan niya at pangalagaan. Sa pagsisimula:
Ang mga ito ay mga tanong at mga sagot tungkol sa buwan ng Ramaḍān para sa mga nakababata at hindi maiiwasan ng mga nakatatanda. Sa mga ito ay may pagbanggit ng kinakailangan, isinakaibig-ibig, at nararapat tungo sa pinagpalang buwan ng Ramaḍān. Pipili ang edukador mula sa mga ito ng loloobin niya at nababagay sa bata at edad nito.
Ang mga Kasamahang mararangal (malugod si Allāh sa kanila) ay nagpapaayuno sa mga anak nila sa pagkabata ng mga ito bilang pagpapahirati sa mga ito sa pagtalimang ito.
Nasaad sa ḥadīth ayon kay Ar-Rubayyi` bint Mu`awwidh bin `Afrā' (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagpasugo ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa umaga ng `Āshūrā' sa mga nayon ng Anṣār[1] na nasa paligid ng Madīnah: "Ang sinumang inumaga na nag-aayuno, lubusin niya ang ayuno niya; at ang sinumang inumaga na nakatigil-ayuno, lubusin niya [ang ayuno] sa nalalabi sa araw niya." Kaya kami matapos niyon ay nag-aayuno at nagpapaayuno sa mga paslit naming nakababata kabilang sa kanila kung niloob ni Allāh. Pumupunta kami sa masjid saka gumagawa kami para sa kanila ng laruan mula sa lanang nahimulmol. Kaya kapag umiyak ang isa sa kanila dahil sa pagkain, nagbibigay kami nito sa kanya sa hanggang sa bago ng pagtigil-ayuno.} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1960 at Imām Muslim: 1136 at ang pananalita ay kay Imām Muslim.)
Nasaad sa ḥadīth na ito na sila noon ay gumagawa para sa mga bata ng nilalaro ng mga ito yari sa lanang nahimulmol. Ito ay ang lana na tinina. Kapag umiyak ang isa sa mga ito dahil sa gutom, ibinibigay nila sa kanya ang laruang ito upang malibang siya nito hanggang sa dumating ang oras ng pagtigil-ayuno. Ito ay bilang pagpapatibay-loob at pagsasanay sa mga bata sa pagsamba.
Nararapat ang pagsasaalang-alang na kapag umabot ang hirap sa bata sa katindihan nito, hindi ipipilit sa kanya na kumpletuhin niya ang pag-aayuno nang sa gayon hindi magdahilan iyon ng pagkamuhi niya sa pag-aayuno o magdahilan sa kanya sa pagsisinungaling o sa mga paglalang pangkaramdaman. Ang bata ay hindi kabilang sa mga naaatangan ng tungkulin kaya nararapat ang pagsasaalang-alang nito at ang hindi pagpapakahigpit sa nauukol sa pag-aayuno.
Bilang bahagi ng paglubos sa benepisyo, babanggitin natin ang mga usapin na nararapat malaman ng mga nakatatanda at iwasan sa sandali ng pagtuturo sa mga nakababata. Tumawag-pansin nga tayo ng mga ito sa pamamagitan ng pagkakalagay na mga ito sa pagitan ng mga panaklong na ganito: (Para sa mga nakatatanda).
Dito, si Allāh ay hinihilingan natin na magpakinabang sa pamamagitan ng mga gawaing ito at tumatanggap ng mga ito.
Ang mga Tanong at ang mga Sagot
T: Ano ang buwan ng Ramaḍān?
S: Ang buwan ng Ramaḍān ay ang pinakamainam sa mga buwan ng taon. Ito ang ikasiyam na buwan mula sa mga buwan ng lunar na taon. Ang pag-aayuno rito ay isang haligi kabilang sa Limang Haligi ng Islām.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 8 at Imām Muslim: 16.)
T: Kinakailangan ba ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān?
S: Oo. Kinakailangan ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān. Ito ay isang haligi kabilang sa mga Haligi ng Islām.
Ang patunay ay ang sabi ni Allāh: {O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183)
{isinatungkulin sa inyo} Ibig sabihin: isinaobligasyon sa inyo.
Ang sabi pa ni Allāh: {Kaya ang sinumang nakasaksi kabilang sa inyo sa buwan [ng Ramaḍān] ay mag-ayuno siya rito} (Qur'ān 2:185)
T: Ano ang pag-aayuno?
S: Ito ay ang pagpapakamananamba kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa pamamagitan ng paghinto sa pagkain, pag-inom, at lahat ng mga tagapagpatigil-ayuno mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw, kalakip ng layunin.
Ang patunay ay ang sabi ni Allāh: {Kumain kayo at uminom kayo hanggang sa luminaw para sa inyo ang puting sinulid sa itim na sinulid mula sa madaling-araw. Pagkatapos lubusin ninyo ang pag-aayuno hanggang sa gabi.} (Qur'ān 2:187)
Ibig sabihin: Kumain kayo at uminom kayo sa gabi sa kabuuan nito hanggang sa luminaw para sa inyo ang pagsapit ng totoong madaling-araw sa pamamagitan ng kaputian ng madaling-araw at pagkahiwalay nito sa kadiliman ng gabi. Pagkatapos kumpletuhin ninyo ang pag-aayuno sa pamamagitan ng paghinto sa mga tagapagpatigil-ayuno mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa lumubog ang araw.
T: Ano ang mga kainaman ng buwan ng Ramaḍān?
S: Ang mga kainaman nito ay marami, na kabilang sa mga ito ang sumusunod:
1. Na ang buwang ito ay pinagbabaan ng Qur'ān. Nagsabi si Allāh: {Ang buwan ng Ramaḍān ay ang [buwang] pinababa rito ang Qur’ān bilang patnubay para sa mga tao at bilang mga malinaw na patunay mula sa patnubay at saligan.} (Qur'ān 2:185)
2. Na pinagbubuksan dito ang mga pintuan ng Paraiso.
3. Na pinagsasara rito ang mga pintuan ng Impiyerno.
4. Na tinatanikalaan dito ang mga demonyo at pinuposasan kaya hindi sila humantong sa pagtukso sa mga Muslim gaya ng pagkahantong nila tungo roon sa ibang buwan.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag pumasok ang Ramaḍān, pinagbubuksan ang mga pintuan ng Paraiso, pinagsasara ang mga pintuan ng Impiyerno, at itinatanikala ang mga demonyo."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3277 at Imām Muslim: 1079).
5. Narito ang Laylatulqadr (Gabi ng Pagtatakda) na higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan para sa sinumang nagdasal sa gabi rito dala ng pananampalataya at paghahangad ng gantimpala. Nagsabi si Allāh: {Ang Gabi ng Pagtatakda ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan.} (Qur'ān 97:3)
8. Na si Allāh ay nagtangi nito sa pagsasatungkulin ng pag-aayuno na kabilang sa pinakadakila at pinakakapita-pitagan sa mga gawaing nagpapalapit-loob kay Allāh (napakataas Siya).
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): 'Ang bawat gawain ng anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-aayuno; ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa Kanya rito.' Kaya sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk."} (Isinalaysay ito nina Imām Al-Bukhārīy: 1904 at Imām Muslim:1151.)
Ang "talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno" ay nangangahulugang: ang pag-iiba ng amoy ng bibig niya.
7. Na ang sinumang nag-ayuno rito at nagdasal sa gabi nito para kay Allāh, patatawarin sa kanya ang nauuna sa pagkakasala niya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna na pagkakasala niya."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 38 at Imām Muslim: 760.)
Sa isa pang ḥadīth: "Ang sinumang nagdasal sa gabi ng Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna na pagkakasala niya."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 37 at Imām Muslim: 759.)
Ang "dala ng pananampalataya" ay nangangahulugang: pananampalataya kay Allāh at na ito ay isang tungkulin mula sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya).
Ang "dala ng pag-asang gagantimpalaan" ay nangangahulugang: dala ng paghiling ng pabuya at gantimpala mula kay Allāh (napakataas Siya), hindi dala ng pakitang-tao ni iba pa rito kabilang sa anumang sumasalungat sa pagpapakawagas.
8. Na ang pagsasagawa ng `umrah sa Ramaḍān ay may gantimpalang gaya ng gantimpala ng ḥajj.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "... isang `umrah sa Ramaḍān ay tumutumbas sa isang ḥajj o isang ḥajj kasama ko."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1863 at Imām Muslim: 1256.
Ang "tumutumbas sa isang ḥajj" ay nangangahulugang: nakatutumbas ang gantimpala nila sa gantimpala ng isang ḥajj.
9. Na ang sinumang nagbigay ng pantigil-ayuno sa isang tagapag-ayuno sa oras ng pagtigil-ayuno, magkakaroon siya ng tulad sa pabuya rito.
Ayon kay Zayd bin Khālid Al-Juhanīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagbigay ng pantigil-ayuno sa isang tagapag-ayuno, magkakaroon siya ng tulad ng pabuya rito, gayon pa man, ito ay hindi nagbabawas ng anuman mula sa pabuya sa tagapag-ayuno."} (Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 807 at Imām Ibnu Mājah: 1746.)
10. Na si Allāh, sa bawat gabi nito, ay may mga pinalalaya mula sa Impiyerno.
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na si Allāh, sa sandali ng bawat pagtigil-ayuno, ay may mga pinalalaya. Iyon ay sa bawat gabi."} (Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah:1643.)
11. Na ang pag-aayuno sa Ramaḍān ay isang kadahilanan ng pagtatakip-sala sa mga pagkakasala na nauna sa kanya mula sa Ramaḍān na bago nito kapag umiwas siya sa malalaking kasalanan.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Ang limang dasal, ang Biyernes hanggang sa Biyernes, at ang Ramaḍān hanggang sa Ramaḍān ay mga tagatakip-sala sa pagitan ng mga ito kapag umiwas sa malalaking kasalanan."} (Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 233.)
Ang malalaking kasalanan ay walang pag-iwas sa pagbabalik-loob (tawbah).
Sa pangkalahatan, nagpatunay nga ang mga teksto na ang buwan ng Ramaḍān ay buwan ng pagsamba, pagsasamabuting-loob, pagkagalante, pagkaawa, pagpapatawad, at pagpapalaya mula sa Impiyerno.
T: Ano ang mga kainaman ng pag-aayuno?
S: Ang mga kainaman ng pag-aayuno ay ang sumusunod:
1. Na si Allāh ay gumaganti dahil dito ng isang pagganting natatangi mula sa ganang Kanya sa nalalabi sa mga gawain.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang bawat gawain ng anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa kanya."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1904 at Imām Muslim: 1151.)
2. Na ito ay isang kalasag, ibig sabihin: panakip at pananggalang laban sa Apoy.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang pag-aayuno ay isang kalasag."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1904 at Imām Muslim: 1151.)
2. Na ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno, na nagiging kabilang sa mabahong amoy ng bibig, ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa amoy ng musk.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kaya sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1894 at Imām Muslim: 1151.)
4. Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa: tuwa kapag magtitigil-ayuno siya at tuwa kapag makikitagpo siya sa Panginoon niya."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1904 at Imām Muslim: 1151.)
5. Sa Paraiso ay may isang pintuan na walang nakapapasok doon kundi ang mga tagapag-ayuno.
Ayon kay Sahl (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na sa Paraiso ay may isang pintuang tinatawag na Ar-Rayyān. Papasok doon ang mga tagapag-ayuno sa Araw ng Pagbangon. Walang nakakapasok doon na isang iba pa sa kanila. Sasabihin: Nasaan ang mga tagapag-ayuno? Kaya tatayo sila. Walang nakakapasok doon na isang iba pa sa kanila. Kapag nakapasok sila, isasara ito kaya walang papasok doon na isa man."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1896 at Imām Muslim: 1152.)
6. Na ang tagapag-ayuno ay hindi tinatanggihan ang panalangin niya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May tatlong hindi tinatanggihan ang panalangin nila – at kabilang sa kanila ang tagapag-ayuno hanggang sa tumigil-ayuno siya."} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 3598.
T: Ano ang kasanhian at ang katuturan ng pag-aayuno?
S: Ang pag-aayuno ay may kasanhiang marami at kapita-pitagan, na kabilang sa mga ito ang sumusunod:
1. Kabilang sa pinakadakila sa mga kasanhian nito na bumanggit ng mga ito si Allāh (napakataas Siya), na ito ay isang kaparaanan para sa pagsasakatotohanan ng taqwā (pangingilag magkasala), na paggawa ng pag-utos ni Allāh (napakataas Siya) at pagwaksi sa sinaway Niya.
Nagsabi si Allāh: {O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183)
2. Ang pag-aayuno ay nagpapahirati sa tao sa pagtitiis na kinasasalalayan ng gawain sa kabuuan nito. Ang pagtitiis ay tatlong uri: pagtitiis sa pagtalima kay Allāh nang sa gayon magampanan ito, pagtitiis laban sa pagsuway kay Allāh nang sa gayon maiwaksi ito, at pagtitiis sa mga itinakda.
3. Kabilang sa mga katuturan ng pag-aayuno sa Ramaḍān na dito ay may paghahayag ng pagsamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa lipunan sa kabuuan nito kaya nakatatagpo ka sa lahat ng mga Muslim mula sa silangan hanggang sa kanluran na nagtitipon sa pag-aayuno sa buwang ito.
4. Ang pagpapakahirati sa pagtalima at pagsamba, na ang pinakanatatangi sa mga ito ay ang pag-aayuno.
5. Ang pagpapakahirati sa pag-iwan sa mga bagay alang-alang kay Allāh (napakataas Siya).
6. Ang tagapag-ayuno ay nakararamdam ng biyaya ni Allāh sa kanya, na kabilang sa mga ito ang biyaya ng pagkain at inumin.
7. Ang pag-aayuno ay gumagawa sa tagapag-ayuno na makadama sa mga mahina, mga maralita, at mga dukha at magsimpatiya sa kanila dahil siya ay nakararamdam ng hapdi ng gutom.
8. Ang pag-aayuno ay nagpapahina sa pag-impluwensiya ng demonyo at panunulsol nito.
9. Ang pag-aayuno ay may dulot na edukasyon sa pagpapakawagas at pagsasaalang-alang kay Allāh sapagkat walang isa na pumipigil sa tagapag-ayuno sa pagkain o pag-inom kundi ang pagsasaalang-alang kay Allāh (napakataas Siya).
10. Ang pag-aayuno ay nagpapatamo sa katawan ng kalusugan at lakas, na napagtibay sa ganang mga manggagamot.
T: Ano ang mga tagasira ng pag-aayuno?
S: 1. Ang pagkain o ang pag-inom nang sadyaan sa maghapon ng Ramaḍān batay sa sabi ni Allāh: {Pagkatapos lubusin ninyo ang pag-aayuno hanggang sa gabi.} (Qur'ān 2:187)
Hinggil naman sa sinumang kumain o uminom habang nakalimot, ang pag-aayuno niya ay tumpak. Kinakailangan sa kanya ang pagtigil kapag nakaalaala siya o napaalalahanan siya na siya ay nag-aayuno, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno kaya nakakain siya o nakainom siya, maglulubos siya ng pag-aayuno niya sapagkat nagpakain lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1933 at Imām Muslim: 1155.)
2. Ang pagsuka nang sadyaan, na pagpapalabas ng nasa bituka ng pagkain o inumin sa pamamagitan ng bibig nang sadyaan. Hinggil naman sa kapag nanaig sa kanya ang pagsusuka at lumabas sa kanya nang walang pagkukusa niya, hindi nakaaapekto ito sa pag-aayuno niya.
Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nangibabaw sa kanya ang pagsusuka, walang kailangan sa kanya na pag-uulit; at ang sinumang nagsuka nang sadyaan, umulit siya nito."} (Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 720.)
Ang "nangibabaw sa kanya ang pagsusuka" ay nangangahulugang: nakauna sa kanya at nanaig sa kanya sa paglabas nang walang pagkukusa niya.
3. Ang riddah (pagtalikod sa Islām) at ang kufr (kawalang-pananampalataya) dahil sa pagpapaimbabaw sa pagsamba, batay sa sabi ni Allāh: {talagang kung nagtambal ka [kay Allāh] ay talagang mawawalang-kabuluhan nga ang gawa mo} (Qur'ān 39:65)
4. Ang ḥijāmah, na pagpapalabas ng dugo mula sa balat.
Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumigil-ayuno ang tagapagsagawa ng ḥijāmah at ang pinagsasagawaan ng ḥijāmah." (Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 2367.)
Tulad ng ḥijāmah ang pag-aabuloy ng dugo.
Hinggil naman sa paglabas ng dugo dahil sa pagkasugat o pagkabunot ng ngipin o balinguyngoy (nosebleed), hindi makapipinsala ito dahil ito ay hindi ḥijāmah ni ayon sa kahulugan nito.
5. (Para sa mga nakatatanda). Nawawalang-saysay ang pag-aayuno dahil sa pakikipagtalik o masturbasyon.
6. (Para sa mga nakatatanda). Ang paglabas ng dugo ng regla o nifās[2] sapagkat kapag nakakita ang babae ng dugo ng regla o nifās, natitigil-ayuno siya at kinakailangan sa kanya ang muling pagsasagawa, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa babae: "Hindi ba kapag nagregla siya ay hindi siya magdarasal at hindi siya mag-aayuno?" (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 304.)
7. Ang anumang ayon sa kahulugan ng pagkain at pag-inom tulad ng paggamit ng dextrose o intravenous feeding.
T: Ano ang mga isinakaibig-ibig sa pag-aayuno?
S: Isinakaibig-ibig at itinuturing na sunnah para sa tagapag-ayuno na isaalang-alang niya sa pag-aayuno ang mga sumusunod:
1. Ang saḥūr batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala." (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1923 at Imām Muslim: 1095.)
Naisasakatuparan ang saḥūr sa marami o kaunting pagkain, kahit pa man isang lagok ng tubig. Ang oras ng saḥūr ay mula sa hatinggabi hanggang sa bago ng pagsapit ng madaling-araw.
2. Ang pagpapahuli ng saḥūr, batay sa ḥadīth ni Zayd bin Thābit (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kumain kami ng saḥūr kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos tumayo kami patungo sa pagdarasal. Nagsabi ako: "Ilan ang tagal sa pagitan ng dalawang ito?" Nagsabi siya: "Limāmpung talata."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 575 at Imām Muslim: 1097).
Ang "limampung talata" ay nangangahulugang: nasa pagitan ng saḥūr at adhān ng madaling-araw na tagal ng pagbigkas ng limampung talata ng Qur'ān. Nasaad dito ang paghimok sa pagpapahuli ng saḥūr hanggang sa malapit bago magmadaling-araw.
3. Ang pagmamadali sa pagtigil-ayuno sapagkat isinakaibig-ibig para sa tagapag-ayuno ang pagmamadali sa pagtigil-ayuno kapag natiyak ang paglubog ng araw.
Batay ito sa ḥadīth na Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi natitigil ang mga tao sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa pag-ayuno."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1957 at Imām Muslim: 1098.)
4. Ang pagtigil-ayuno sa pagkain ng mga manibalang na datiles ngunit kung hindi nakatagpo ay pagkain ng mga hinog na datiles ngunit kung hindi nakatagpo ay sa mga lagok ng tubig.
Batay ito sa ḥadīth ni Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumitigil-ayuno sa mga manibalang na datiles bago siya magdasal ngunit kung hindi nagkaroon ng mga manibalang na datiles ay sa mga hinog na datiles ngunit kung hindi nagkaroon ay humihigop siya ng mga higop ng tubig.} (Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 2356.)
Ang "humihigop siya ng mga higop ng tubig" ay nangangahulugang: umiinom siya nang tatlong ulit.
Kung siya ay nasa isang lugar at naabutan siya ng pagtigil-ayuno at hindi siya nakatagpo ng anumang maipantitigil-ayuno niya, naglalayon siya ng pagtigil-ayuno sa puso niya at nakasasapat sa kanya iyon.
5. Ang panalangin sa sandali ng pagtigil-ayuno at sa sandali ng pag-aayuno.
Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May tatlong hindi tinatanggihan ang panalangin nila: ang pinunong makatarungan, ang tagapag-ayuno kapag tumitigil-ayuno siya, at ang panalangin ng naaapi." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 3598.
6.Ang pagpapadalas ng pagbibigay ng kawanggawa, pagbigkas ng Qur'ān, pagpapakain sa pagtigil-ayuno ng mga tagapag-ayuno, at nalalabi sa mga gawain ng pagsasamabuting-loob.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao. Siya noon ay ang pinakagalante sa magiging anuman sa Ramaḍān kapag nakikipagtagpo sa kanya si Anghel Gabriel. Siya noon ay nakikipagtagpo rito sa bawat gabi ng Ramaḍān saka nakikipag-aralan siya rito ng Qur'ān. Kaya talagang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa kabutihan kaysa sa hanging isinugo.} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6 at Imām Muslim: 2308.)
7. Ang pagsisipag sa pagsasagawa ng ṣalāh na tarāwīḥ at tahajjud lalo na sa sampung huling gabi ng Ramaḍān.
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampu, ay naghihigpit ng pantapis niya, nagpupuyat sa gabi, at nanggigising ng mag-anak niya.} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2024 at Imām Muslim: 1174.)
Ang "kapag pumasok sa sampu" ay nangangahulugang: ang sampung huling araw ng Ramaḍān.
Ang "naghihigpit ng pantapis niya" ay isang metonimya (pagpapalit-tawag) sa paghahanda para sa pagsamba at pagsisipag para rito bilang karagdagan sa nakahiratian.
Ang "nagpupuyat sa gabi" ay nangangahulugang: gumugugol nito sa pagpupuyat sa pagdarasal at iba pa rito kabilang sa mga pagtalima kay Allāh.
Ang "nanggigising ng mag-anak niya" ay nangangahulugang: nanggigising sa kanila para magdasal sa gabi ng Ramaḍān.
8. Ang pagsasagawa ng `umrah.
Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag dumating ang Ramaḍān, magsagawa ka ng `umrah sapagkat tunay na ang isang `umrah sa Ramaḍān ay tumutumbas sa isang ḥajj." (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1782 at Imām Muslim: 1256.)
9. Ang pagsabi ng: "Ako ay nag-aayuno" sa sinumang nanlait at ang kagandahan ng pananalita sa mga tao. Hindi magsasalita ng pananalitang pangit.
Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag inumaga ang isa sa inyo, isang araw, na nag-aayuno, huwag siyang magpakahalay at huwag siyang magpakamangmang. Kaya naman kung may isang taong nakipaglaitan sa kanya o nakipag-away sa kanya, magsabi siya: Tunay na ako ay nag-aayuno. Tunay na ako ay nag-aayuno." (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1904 at Imām Muslim: 1151.)
Ang "huwag siyang magpakahalay" ay nangangahulugang: huwag siyang magsalita ng pananalitang mahalay.
Ang "huwag siyang magpakamangmang" ay ang kasalungatan ng pagsasalita ng karunungan at ang kasalungatan ng tama sa sinasabi at ginagawa.
10. Isinasakaibig-ibig sa tagapag-ayuno, kapag titigil-ayuno siya, na magsabi ng: "Dhahaba -ḍ̆ḍ̆ama'u wa-btallati -l`urūqu wa-thabata -l'ajru in shā'a -llāh. (Umalis ang uhaw, nabasa ang mga ugat, at napagtibay ang pabuya, kung loloobin ni Allāh.)" (Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 2357.)
T: Ano ang mga kinasusuklaman (Makruh) sa pag-aayuno?
S: Kinasusuklaman sa panig ng tagapag-ayuno ang ilan sa mga sumusunod na gawaing maaaring mauwi sa pagkasira ng pag-aayuno niya o makabawas sa pabuya rito. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Ang pagpapasobra sa pagmumumog at pagsinghot ng tubig.
Iyon ay dala ng takot na mapunta ang tubig sa kaloob-looban niya, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpasobra ka sa pagsinghot ng tubig maliban kung ikaw ay nag-aayuno." (Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 2366.)
2. Ang paglunok ng plema. Iyon ay ang idinudura ng tao na laway o sipon dahil iyon ay umaabot sa kaloob-looban bukod pa sa nakadidiri at nakapipinsalang idinudulot ng gawaing ito.
3. Ang pagtikim ng pagkain nang walang tunay na pangangailangan ngunit kung siya ay nangangailangan niyon – gaya ng kung siya ay isang kusinerong nangangailangan ng pagtikim sa kaalatan ng pagkain at nakawangis nito – walang masama kasabay ng pag-iingat laban sa pagkaabot sa lalamunan niya ng anumang mula roon.
4. Ang pagpaparami ng pagtulog sa maghapon, ang pagsasayang ng oras, ang mga kalabisan sa pagsasalita at paggawa, na ang nararapat sana ay ang pagsamantala sa maghapon sa mga pagtalima.
5. (Para sa mga nakatatanda). Ang paghalik sa sinumang nakaaantig sa pagnanasa niya at kabilang sa hindi siya nakasisiguro para sa sarili niya. Kaya naman kinasusuklaman para sa tagapag-ayuno na humalik sa kabiyak niya dahil ito ay maaaring mauwi sa pagkapukaw ng pagnanasa niya na hahatak sa kasiraan ng pag-aayuno dahil sa masturbasyon o pagtatalik. Kung nakasisiguro. Kung nakasisiguro siya para sa sarili niya laban sa pagkasirang pag-aayuno niya, walang masama.
6. (Para sa mga nakatatanda). Ang pag-iisip hinggil sa pagtatalik o pagsasalita na nakapupukaw sa pagnanasa.
T: Ano ang kahatulan sa pagtigil-ayuno sa Ramaḍān nang walang maidadahilan?
S: Kapag tumigil-ayuno ang Muslim isang araw ng Ramaḍān nang walang maidadahilan, kinakailangan sa kanya na magbalik-loob kay Allāh at humingi ng tawad dahil iyon ay isang malaking kasalanan at isang malaking nakasasama. Kinakailangan sa kanya kasama ng pagbabalik-loob at paghingi ng tawad ang pag-uulit ng pag-aayuno matapos ng Ramaḍān ayon sa dami ng araw na tumigil-ayuno siya.
T: Sino ang makapagdadahilan ng pagtigil-ayuno sa maghapon ng Ramaḍān at ano ang kailangan sa kanya?
S: Ang unang sitwasyon: ang sinumang may karamdamang hindi nakakaya kasabay nito ang pag-aayuno; o ang manlalakbay; o ang nagbubuntis o ang nagpapasuso, nangamba man sila para sa mga sarili nila o mga anak nila o iba pa rito na mga maidadahilang pinahihintulutan para sa pagtigil-ayuno, tunay na pinapayagan ang pagtigil-ayuno ngunit kinakailangan ang pagbabayad-ayuno matapos ng Ramaḍān batay sa sabi ni Allāh: {ngunit ang sinumang kabilang sa inyo ay naging may-sakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang mga araw.} (Qur'ān 2:184)
Ibig sabihin: ngunit ang sinumang kabilang sa inyo ay naging may-sakit na sakit na hihirap sa kanya ang pag-aayuno o manlalakbay, ukol sa kanya na tumigil-ayuno, pagkatapos kailangan sa kanya na magbayad-ayuno ayon sa bilang na itinigil-ayuno niya na mga araw.
Ang ikalawang sitwasyon: kung ang sakit niya ay naging isang sakit na hindi gumagaling ang tulad nito, bagkus namamalagi at nananatili ito – at ang tulad niya ay ang matanda na hindi nakakakaya ng pag-aayuno – ito ay hindi nag-oobliga sa kanya ng pagbabayad-ayuno sa sandaling iyon dahil sa kawalang-kakayahan niya rito subalit inoobliga sa kanya ang pagpapakain. Magpapakain siya ng isang dukha para sa bawat araw [ng hindi pag-aayuno] ng kalahating ṣā` ng pagkain. Ang ṣā` ay katumbas ng humigit-kumulang sa 3 kilogramo.
Batay ito sa sabi ni Allāh: {Kailangan sa mga nakakakaya nito ay isang pantubos na pagpapakain ng dukha;} (Qur'ān 2:184) Nagsabi ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) tungkol sa talatang ito: "Ito ay hindi pinawalang-bisa. Sila ay ang lalaking matanda at ang babaing matanda na hindi nakakakaya na mag-ayuno kaya magpapakain sila, kapalit ng bawat araw, ng isang dukha." (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 4505.)
T: Kailan magbabayad ng pag-aayuno? Ano na kung sakaling nahuli ang pagbabayad-ayuno hanggang sa pumasok ang kasunod na Ramaḍān?
Ang sinumang tumigil-ayuno sa Ramaḍān dahil sa isang maidadahilang legal, kailangan sa kanya na magbayad-ayuno bilang pagsunod sa utos ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya): {at ang sinumang maysakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa mga ibang araw.} (Qur'ān 2:185)
Kinakailangan sa kanya na magbayad-ayuno nito sa taon nito kaya hindi siya magpapahuli nito hanggang sa matapos ng kasunod na Ramaḍān batay sa sabi ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Nangyaring magiging kailangan sa akin ang mag-ayuno [ng ilang ayuno] sa Ramaḍān ngunit hindi ako nakakakaya na magbayad-ayuno kundi sa Sha`bān dahil sa pagkaabala sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1950 at Imām Muslim: 1146.)
Ang sabi niya na: "ngunit hindi ako nakakakaya na magbayad-ayuno kundi sa Sha`bān" ay isang patunay na walang pag-iwas sa pagbabayad-ayuno bago ng pagpasok na kasunod na Ramaḍān.
Subalit kapag ipinagpaliban niya ang pagbabayad-ayuno hanggang sa matapos ng kasunod na Ramaḍān, tunay na kailangan sa kanya na humingi ng tawad kay Allāh, na magbalik-loob sa Kanya, na magsisi sa ginawa niya, at na magbayad-ayuno para sa araw na ito dahil ang pagbabayad-ayuno ay hindi makaaalpas dahil sa pagpapaliban kaya magbabayad-ayuno siya para sa araw na ito kahit pa man matapos ng kasunod na Ramaḍān.
T: Ano ang mga kinakailangang etiketa ng pag-aayuno?
S: Babanggit tayo ng isang tala ng mga ito. Ang mga etiketang ito ay hinihiling sa bawat oras subalit ang mga ito ay nabibigyang-diin sa buwan ng Ramaḍān at sa panig ng tagapag-ayuno:
1. Ang pangangalaga sa mga pagtalima at mga kinakailangan. Kabilang doon ang pagganap ng mga ṣalāh sa oras ng mga ito at kasama ng konggregasyon.
Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang atas na tinakdaan ng panahon.} (Qur'ān 4:103)
2. Na umiwas ang tagapag-ayuno sa lahat ng ipinagbawal ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Kabilang doon ang pagsisinungaling, ang panlilibak, ang paninirang-puri, ang pandaraya, ang pakikinig sa musika, at ang iba pa sa mga ito na mga pagkakasala at mga kasalanan.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang hindi nag-iwan ng pagsasabi ng kabulaanan at paggawa nito, si Allāh ay walang pangangailangan na mag-iwan siya ng pagkain niya at pag-inom niya."} (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 1903.)
Ang "kabulaanan" ay nangangahulugang: ang kasinungalingan, ang pagkiling palayo sa katotohanan, at ang paggawa ng kawalang-saysay.
Ang "si Allāh ay walang pangangailangan" ay nangangahulugang: tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay hindi papansin sa pag-aayuno niya at hindi tatanggap nito. Hindi ito nangangahulugan na siya ay inuutusan na magwaksi ng pag-aayuno niya. Ang kahulugan nito lamang ay ang pagbibigay-babala laban sa pagsasabi ng kabulaanan.
T: Ano ang mga bagay na pinapayagan na gawin ng tagapag-ayuno?
S: Mayroong ilang bagay na itinadhana ng mga may kaalaman sa pagpapahintulot sa mga ito, na kabilaang sa mga ito ang sumusunod:
1. Ang pagpaligo at ang pagpapalamig sa pamamagitan ng tubig.
2. Ang paggamit ng siwāk.
3. Ang pagmumog at ang pagsinghot ng tubig nang walang pagpapasobra.
4. Ang pagpapakuha ng kaunting dugo para sa pagpapasuri.
5. Ang pagpapatak ng gamot sa mata at tainga.
6. Ang pagpapaineksiyon ng hindi pamalit-sustansiya.
7. Ang pagtikim ng pagkain sa sandali ng pangangailangan nang walang paglulon at sa kundisyon na ibuga ito matapos niyon.
8. Ang pagpapabango at ang samyo ng mga mabango.
9. Ang paggamit ng kohl sa mata.
T: Ano ang kalamangan ng ṣalāh sa gabi sa Ramaḍān?
S: Ang ṣalāh sa gabi sa Ramaḍān, ang nakikilala bilang ṣalāh na tarāwīḥ, ay may isang dakilang kalamangan.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagdasal sa gabi ng Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna na pagkakasala niya."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 37 at Imām Muslim: 759.)
Ang "dala ng pananampalataya" ay nangangahulugang: pananampalataya kay Allāh at na ito ay isang tungkulin mula sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya).
Ang "dala ng pag-asang gagantimpalaan" ay nangangahulugang: dala ng paghiling ng pabuya at gantimpala mula kay Allāh (napakataas Siya), hindi dala ng pakitang-tao ni iba pa rito kabilang sa anumang sumasalungat sa pagpapakawagas.
Magsigasig siya na magdasal ng tarāwīḥ kasama ng konggregasyon hanggang sa magwakas ang imām dito upang magtamo ng gantimpala ng pagdarasal sa gabi nang lubusan batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsagawa ng ṣalāh sa gabi (tahajjud) kasama ng imām hanggang sa lumisan ito, itatala para sa kanya ang pagkasagawa ng ṣalāh sa gabi." (Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 806.)
T: Ano ang mga bagay-bagay na isinakaibig-ibig ang pagsasagawa ng mga ito sa huling sampung gabi ng Ramaḍān at Laylatulqadr (Gabi ng Pagtatakda)?
S: Ang Propeta noon (s) ay nagsusumikap sa sampung huling gabi ng Ramadan ng hindi niya pinagsusumikapan sa iba pa sa mga ito. Hinahangad niya ang Laylatulqadr sa mga iyon. Babanggit tayo ng isang tala ng mga gawaing isinakaibig-ibig ang paggawa ng mga ito sa mga iyon:
1. Ang dami ng pagsisipag sa mga ito.
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampu,[3] ay naghihigpit ng pantapis niya, nagpupuyat sa gabi, at nanggigising ng mag-anak niya.} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2024 at Imām Muslim: 1174.)
Ang "naghihigpit ng pantapis niya" ay isang metonimya (pagpapalit-tawag) sa paghahanda para sa pagsamba at pagsisipag para rito bilang karagdagan sa nakahiratian.
Ayon pa rin kay `Ā’ishah: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsisipag sa huling sampung araw [ng Ramaḍān] ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito.} (Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1175.)
Ang Laylatulqadr ay nasa sampung huling gabi ng Ramaḍān. Kaya kailangan sa Muslim na samantalahin ang lahat ng mga gabi ng sampung huling gabi upang matapatan niya ang Laylatulqadr. Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Ang Laylatulqadr ay nasa sampung huling gabi ng Ramaḍān. Kaya kailangan sa Muslim na samantalahin ang lahat ng mga gabi ng sampung huling gabi upang matapatan niya ang Laylatulqadr. (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 2021.)
2. Ang Pagdarasal sa Laylatulqadr
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna na pagkakasala niya."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1901 at Imām Muslim: 760.)
3. Ang Pagsasagawa ng I`tikāf sa Masjid
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nananatili sa masjid sa sampung huling araw ng Ramaḍān.") (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2033 at Imām Muslim: 1172).
Ang i`tikāf ay ang pagkahiwalay ng sarili para sa pagsamba sa masjid, ang pagkahiwalay ng sarili sa pagpapakaabala sa nilkiha, ang pagpapabakante ng puso mula sa mga bagay-bagay ng Mundo, at ang pagpapakaabala nito lamang kay Allah (zt).
Bigkasin ang Sūrah Al-Qadr at ipaliwanag ito.
S: Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain. {1. Tunay na Kami ay nagpababa nito sa Gabi ng Pagtatakda. 2. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Gabi ng Pagtatakda? 3. Ang Gabi ng Pagtatakda ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan. 4. Nagbababaan ang mga Anghel at ang Espiritu rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila kalakip ng bawat utos. 5. Kapayapaan ito – hanggang sa paglitaw ng madaling-araw.} (Qur'ān 97:1-5)
Ang Pagpapakahulugan Dito:
{1. Tunay na Kami ay nagpababa nito sa Gabi ng Pagtatakda.} (Qur'ān 97:1) Tunay na Kami ay nagpababa ng Qur'ān nang isang buo sa pinakamababang langit gaya ng pagpapasimula Namin ng pagpapababa nito sa Propeta (ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya) sa Gabi ng Pagtatakda mula sa buwan ng Ramaḍān.
{2. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Gabi ng Pagtatakda?} (Qur'ān 97:2) Nakaaalam ka ba, O Propeta, kung ano ang nasa sa Gabing ito na kabutihan at pagpapala?
{3. Ang Gabi ng Pagtatakda ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan.} (Qur'an 97:3) Ang Gabing ito ay isang gabing dakilang ang kabutihan sapagkat ito ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan para sa sinumang nakapagdasal dito dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan. Ito ay isang gabing biniyayaan, na ang maayos na gawa rito ay higit na mabuti kaysa sa gawa ng isang libong buwan.
{4. Nagbababaan ang mga Anghel at ang Espiritu rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila kalakip ng bawat utos.} (Qur'an 97:4) Nagbababaan ang mga Anghel at bumababa si Anghel Gabriel (sumakanila ang pangangalaga) dito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila (kaluwalhatian sa Kanya) kalakip ng bawat utos na itinadhana ni Allāh sa taon na iyon, maging isang panustos man o isang kamatayan man o isang panganganak man o iba pa man doon kabilang sa itinatakda ni Allāh.
{5. Kapayapaan ito – hanggang sa paglitaw ng madaling-araw.} (Qur'ān 97:5) Ang biniyayaang gabing ito ay kabutihan sa kabuuan nito mula sa pagsisimula nito hanggang sa wakas nito sa paglitaw ng madaling-araw.
T: Ano ang zakātulfiṭr?
S: Ito ay kawanggawa (zakāh) na isinatungkulin ng Islām sa okasyon ng pagtigil-ayuno (fiṭr) ng Ramaḍān.
Kinakailangan ang zakātulfiṭr (zakāh ng pagtigil-ayuno) sa bawat Muslim na nakatatanda at nakababata, at lalaki at babae, na inilalabas ng taong Muslim para sa sarili niya at para sa sinumang ginugugulan niya gaya ng kabiyak at mga anak.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng zakāh ng pagtigil-ayuno na isang ṣā` ng datiles o ng isang ṣā` ng sebada sa alipin at malaya, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda kabilang sa mga Muslim.} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1503 at Imām Muslim: 984).
Inilalabas ang zakātulfiṭr mula sa pagkain ng mga mamamayan ng bayan (staple food) gaya ng bigas at tulad nito. Ang pinakamainam na oras sa pagpapalabas nito ay sa umaga ng `īd bago ng ṣalāh ng `īd. Pinapayagan ito isang araw o dalawang araw bago niyon. Ang sukat nito ay 3 kilogramo humigit-kumulang.
T: Ano ang kasanhian sa pagkakinakailangan ng zakātulfiṭr?
S: Kabilang doon:
1. Ang pagdadalisay ng tagapag-ayuno mula sa anumang marahil nangyari nga sa pag-aayuno niya na kawalang-kapararakan at kahalayan.
2. Ang pagbibigay-kasapatan sa mga maralita at mga dukha para hindi manghingi sa araw ng `īd at ang pagpapasok ng pagkagalak sa kanila upang ang `īd ay maging araw ng pagkatuwa at pagkagalak para sa lahat ng mga pangkatin ng lipunan sapagkat ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng zakāh ng pagtigil-ayuno bilang pandalisay para tagapag-ayuno mula sa kawalang-kapararakan at kahalayan at bilang pangkain ng mga dukha.} (Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 1609.)
3. Dito ay may paghahayag ng pasasalamat sa pagpapala ni Allāh sa tao sa pamamagitan ng paglubos sa pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān, pagdarasal dito, at paggawa ng anumang naging posible na mga maayos na gawain sa pinagpalang buwang ito.
4. Ang pagtamo ng gantimpala at pabuyang dakila sa pamamagitan ng pagbibigay nito sa mga karapat-dapat dito sa tinakdaang oras nito.
T: Ano ang mga sunnah ng `īd?
S: Ang `īd sa Islām ay isang pagkakahayag kabilang sa mga pagkakahayag ng pagkatuwa sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya. Kabilang sa mga sunnah na ginagawa ng Muslim sa araw ng `īd ang sumusunod:
1. Ang pagpaligo bago ng paglabas papunta sa ṣalāh ng `īd.
Natumpak nga sa pagkasalaysay sa Muwaṭṭa' at iba pa rito na si `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay naliligo noon sa araw ng pagtigil-ayuno bago siya pumunta sa dasalan. (Muwaṭṭa' Mālik, 1/177.)
2. Ang pagkain bago ng paglabas papunta sa ṣalāh ng `īd ng pagtigil-ayuno kaya naman hindi lalabas papunta sa ṣalāh hanggang sa makakain ng mga datiles sapagkat ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allah noon (s) ay hindi umaalis sa araw ng pagtigil-ayuno hanggang sa makakain siya ng mga datiles ... at kumakain siya ng mga ito ng gansal.[4]} (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 953.)
3. Ang pagsambit ng takbīr sa `īd.
Ang oras ng pagsambit ng takbīr sa `īd ng pagtigil-ayuno ay nagsisimula mula sa bisperas ng `īd. Ibig sabihin: mula sa maghrib ng huling gabi sa Ramaḍān hanggang sa pumasok ang imām sa ṣalāh ng `īd.
Nagsabi si Allāh: {at upang bumuo kayo ng bilang at upang dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya sa inyo, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.} (Qur'ān 2:185)
4. Ang pagbabatian. Kabilang sa mga etiketa ng `īd ang kaaya-ayang pagbabatian na ipinagpapalitan ng mga tao sa pagitan nila maging alinman ang pananalita nito, tulad ng pagsasabi sa isa't isa sa kanila ng: "Taqabbala -llāhu minnā wa-minkum (Tumanggap nawa si Allāh mula sa amin at mula sa inyo.)" o "`Īd mubārak (Pinagpalang pagdiriwang)" at anumang nakawangis niyon na mga parirala ng pinapayagang pagbati.
Ayon kay Jubayr bin Nufayr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang mga Kasamahan ng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagkita sila sa araw ng `īd, ay nagsasabi sa isa't isa sa kanila ng: "Taqabbala -llāhu minnā wa-minkum (Tumanggap nawa si Allāh mula sa amin at mula sa inyo.)"} (Nagsalaysay nito si Al-Muḥāmilīy gaya ng nasaad sa Fatḥ Al-Bārī, 2/446. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Ang isnād nito ay maganda.)
5. Ang pagpapakarikit para sa dalawang `īd.
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {O Sugo ni Allāh, tunay na ako po ay nakakita kay `Uṭārid habang nagtitinda ng kasuutang yari sa makapal na seda. Kaya kung sakaling bilhin ko po iyon saka isuot ko iyon para sa mga delegasyon at para sa `īd?} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 948 at Imām Muslim: 2068.)
Ayon kay Nāfi`: {Ang Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay nagsusuot noon sa dalawang `īd ng pinakamaganda sa mga damit niya.} (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bayhaqīy sa As-Sunan Al-Kubrā: 6143.)
8. Ang pagpunta sa ṣalāh mula sa isang daan at ang pag-uwi mula sa iba pang daan.
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag araw ng `īd, ay nag-iiba ng daan [sa pag-uwi].} (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 986.)
T: Ano ang kainaman ng pag-aayuno ng anim na araw mula sa Shawwāl?
S: Ang pag-aayuno ng anim na araw mula sa Shawwāl ay isang tungkulin sa Ramaḍān na isang sunnah na isinakaibig-ibig. Sa pag-aayunong iyon ay may isang dakilang kainaman at isang malaking pabuya. Iyon ay dahil sa ang sinumang nag-ayuno sa mga ito, may itatala para sa kanya na pag-aayuno ng isang buong taon. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān, pagkatapos pinasundan ito ng anim na araw mula sa Shawwāl, ito ay magiging gaya ng pag-ayuno ng isang taon." (Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1164)
T: Ano ang itinuro sa atin ng Ramaḍān at ano na matapos ng Ramaḍān?
S: Magwawakas tayo sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na ito. Ang pag-aayuno ay kabilang sa pinakadakila sa "mga paaralan" ng Islām na nadudulutan ng edukasyon sa mga ito ang mga alagad ng Islām, na isang haligi kabilang sa mga haligi ng Relihiyon at mga dakilang gusali nito. Ang mga ito ay ang ilan sa mga aralin at mga karunungan na natutuhan ng tao sa "paaralan" ng pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān upang magpatuloy siya sa mga ito matapos ng Ramaḍān:
Ang Unang Aralin
Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin na ang pagtitiis ay ang kabilang sa pinakakapita-pitagan sa mga pagsamba at mga pampalapit-loob [kay Allāh]. Kaya naman kapag nagtitiis ang tao sa pagpigil sa pagkain at pag-inom, tunay na siya dahil doon ay nagpapakahirati sa kaasalan ng pagtitiis na kinasasalalayan ng kabutihan sa kabuuan nito, na nagtitipon sa pagtitiis sa pagtalima, pagtitiis laban sa pagsuway, at pagtitiis sa mga itinakdang nakasasakit. Nagsabi si Allāh kaugnay sa kainaman ng pagtitiis: {Lulubus-lubusin lamang ang mga nagtitiis sa pabuya sa kanila nang walang pagtutuos."} (Qur'ān 39:10)
Ang Ikalawang Aralin
Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin ng pagpapasakop kay Allāh (napakataas Siya) at sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa pag-uutos at pagsaway. Nagsabi si Allāh: {Hindi naging ukol sa isang lalaking mananampalataya ni sa isang babaing mananampalataya, kapag humusga si Allāh at ang Sugo Niya ng isang bagay, na magkaroon sila ng mapagpipilian sa nauukol sa kanila. Ang sinumang susuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay naligaw nga nang isang pagkaligaw na malinaw.} (Qur'ān 33:36)
Ang Ikatlong Aralin
Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin ng pangingilag magkasala kay Allāh na pagpigil sa dila, mga bahagi ng katawan, at mga pagnanasa alang-alang kay Allāh. Nagsabi si Allāh: {O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183)
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Nagsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): Ang pag-aayuno ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa kanya. Nag-iwan siya ng pagnanasa niya, pagkain niya, at inumin niya alang-alang sa Akin. Ang pag-aayuno ay kalasag."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 7492 at Imām Muslim: 1151).
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): "Ang sinumang hindi nag-iwan ng pagsasabi ng kabulaanan at paggawa nito, si Allāh ay walang pangangailangan na mag-iwan siya ng pagkain niya at pag-inom niya." (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 1903.)
Ang Ikaapat na Aralin
Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin ng pagsamba at katamisan nito upang magpatuloy tayo rito matapos ng Ramaḍān ng pagdarasal sa gabi, pag-aayuno, at pagbabasa ng Qur'ān.
Kaugnay sa pag-aayuno, nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna na pagkakasala niya."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 38 at Imām Muslim: 760.)
Kaugnay sa kainaman ng pagdarasal sa gabi, nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang sinumang nagdasal sa gabi ng Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna na pagkakasala niya."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 37 at Imām Muslim: 759.)
Kaugnay sa pagbabasa ng Qur'ān, nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "... ang pinakagalante sa magiging anuman sa Ramaḍān kapag nakikipagkita siya kay Anghel Gabriel. Ito noon ay nakikipagkita sa kanya sa bawat gabi ng Ramaḍān saka nakikipag-aralan sa kanya ng Qur'ān." (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6 at Imām Muslim: 2308.)
Kaya naman magpapatuloy ang tao sa mga pagsambang ito na pag-aayuno, pagdarasal sa gabi, at pagbabasa ng Qur'ān, kahit pa hindi pa tulad ng sa Ramaḍān.
Ang Ikalimang Aralin
Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin ng pagsasaalang-alang kay Allāh at katayuan ng pagpapahusay (iḥsān). Ang pagpapahusay ay na sumamba tayo kay Allāh na para bang tayo ay nakakikita sa Kanya ngunit kung tayo man ay hindi nakakikita sa Kanya, tunay na Siya naman ay nakakikita sa atin. Iyon ay dahil ang tagapag-ayuno ay nagsasanay sa sarili niya sa pagsasaalang-alang kay Allāh (napakataas Siya) kaya nagwawaksi siya ng pinipithaya ng sarili niya sa kabila ng kakayahan niya roon dahil sa kaalaman niya sa pagmamasid ni Allāh sa kanya. Nagsasabi si Allāh: {Siya ay kasama sa inyo nasaan man kayo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.} (Qur'ān 57:4)
Ang Ikaanim na Aralin
Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin na ang Relihiyon natin ay ginhawa. Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa kundi ng kaya nito. Kaya ang sinumang nakakakaya sa pag-aayuno ay mag-aayuno; at ang sinumang hindi nakakakaya ay titigil-ayuno at magbabayad-ayuno ng kailangan sa kanya o magbabayad ng panakip-sala. Iyon ay alinsunod sa kalagayan niya. Nagsabi si Allāh: {Kaya ang sinumang nakasaksi kabilang sa inyo sa buwan [ng Ramaḍān] ay mag-ayuno siya rito at ang sinumang maysakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa mga ibang araw. Nagnanais si Allāh sa inyo ng isang ginhawa at hindi Siya nagnanais sa inyo ng hirap at upang bumuo kayo ng bilang at upang dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya sa inyo, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.} (Qur'ān 2:185)
Ang Ikapitong Aralin
Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin ng pagkakawanggawa at paggawa ng maganda sa mga maralita at mga dukha at pakikiramay sa kanila sapagkat ang Propeta nga noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa magiging anuman sa Ramaḍān. (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6 at Imām Muslim: 2308.)
Dahil ang tao kapag nakatikim ng hapdi ng gutom, nag-oobliga sa kanya iyon ng pagsimpatiya sa mga maralita. Ito ay kabilang sa mga kakanyahan ng pangingilag magkasala.
Ang Ikawalong Aralin
Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin ng lawak ng pagpapatawad ni Allāh (napakataas Siya), pagkaawa Niya, at kabutihang-loob Niya sapagkat ito ay isang buwan na kabuuan nito ay pagkaawa, pagpapatawad, at pagpapalaya mula sa Apoy. Narito ang Gabi ng Pagtatakda, na higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan, ibig sabihin: sa nakahihigit sa walumpung taon at apat na buwan. Nagsabi si Allāh: {2. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Gabi ng Pagtatakda? 3. Ang Gabi ng Pagtatakda ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan. 4. Nagbababaan ang mga Anghel at ang Espiritu rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila kalakip ng bawat utos. 5. Kapayapaan ito – hanggang sa paglitaw ng madaling-araw.} (Qur'ān 97:2-5)
Ang Pagwawakas ng mga Aralin
Ano na matapos ng Ramaḍān? Si Allāh ay ang Panginoon ng Ramaḍān at ang Panginoon ng lahat ng mga buwan at mga araw. Kaya kailangan sa tao ang pananatili sa iisang pinag-ugatan nagbagu-bago man sa kanya ang mga kalagayan at ang mga araw. Pansinin at ito ay ang pangingilag magkasala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Ang Pagwawakas
Sa pagwawakas, tutukoy ako ng mga sanggunian at mga pinagkukunang tagapagbigay-katuturan. Para sa pagpapakalawak sa paksang ito at para sa pagpapakatuto ng mga usapin ng pag-aayuno, sasangguni sa mga ito ang sinumang nagnanais.
Ang aklat na "Risālatan Mūjazatān Fī Zakāh Wa Ṣiyām" ni Shaykh `Abdul`azīz bin Bāz.
Ang aklat na "Majālis Shahr Ramaḍān" ni Shaykh Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn.
Ang aklat na "Majālis Shahr Ramaḍān Al-Mubārak" at kasunod nito na "Itḥāf Ahl Al-Īmān Bi-Durūs Shahr Ramaḍān" ni Shaykh Ṣāliḥ bin Fawzān Al-Fawzān.
Ang aklat na "`Uqūd Al-Jumān Fī Durūs Shahr Ramaḍān" ni Shaykh Sa`d Turkīy Al-Kathlān.
Ang aklat na "Durūs Shahr Ramaḍān" ni Shaykh Muḥammad bin Shāmīy Shaybah.
O Allāh, tunay na Ikaw ay Mapagpaumanhin na Mapagbigay; iniibig Mo ang pagpapaumanhin kaya magpaumanhin Ka sa amin. Basbasan ni Allāh ang Pinuno nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya nang sama-sama.