"Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."}
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."}
«تَسَحَّرُوا، فَإِنَّ فِي السَّحُورِ بَرَكَةً».
Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkain ng saḥūr, ang pagkain sa huling bahagi ng gabi bilang paghahanda para sa pag-aayuno, dahil dito ay may pagpapala na maraming kabutihan gaya ng pabuya at gantimpala, pagdarasal sa oras ng huling bahagi ng gabi, pangingilag magkasala sa pag-aayuno, pagpapakasigla para rito, at pagpapagaan sa hirap dito.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagkain ng saḥūr at pagsunod sa utos na pambatas ng pagsasagawa nito.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar sa Fatḥ Al-Bārī: Ang pagpapala sa saḥūr ay natatamo sa sarisaring paraan. Ang mga ito ay ang pagsunod sa Sunnah, ang pagsalungat sa mga may kasulatan, ang pagpapakalakas sa pamamagitan nito sa pagsamba, ang pagkadagdag sa kasiglahan, ang pagtulak sa kasagwaan ng kaasalan na pinupukaw ng gutom, ang pagkakadahilan ng kawanggawa sa sinumang humihingi sa sandaling iyon o nakakasama sa pagkain, ang pagkakadahilan ng pag-alaala [kay Allāh] at pagdalangin sa oras ng malamang na pagtugon, at ang pagkahabol sa paglalayon ng pag-aayuno para sa sinumang nakalingat nito bago matulog.
Ang kagandahan ng pagtuturo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang nag-uugnay siya ng kahatulan sa kasanhian upang lumuwag ang dibdib at makilala sa pamamagitan nito ang katayugan ng Batas ng Islām.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Natatamo ang saḥūr sa pamamagitan ng higit na kaunti sa kinukunsumo ng tao na makakain at maiinom.
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (3/ 29) (1923).
Ṣaḥīḥ Muslim (2/ 770) (1095).
Ang Karagdagan (4)
تيسير العلام.
لعبد الله البسام (ص317).
تنبيه الأفهام شرح عمدة الإحكام.
لابن عثيمين (3/ 416).
Binanggit sa mga aklat
8 Mga Aklat- Mga Tanong at mga Sagot Tungkol sa Buwan ng Ramaḍān Para sa mga Nakababata at Hindi Maiiwasan ng mga Nakatatanda"Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."
- نبراس طالب (3)نبراس طالب 3"Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."
Ang Karagdagan (6)
- الصيام ومجموعة أسئلة في أحكامه«تَسَحَّرُوا فَإِنَّ فِي السَّحُورِ بَرَكَةً»[47].
- المنتقى من المتجر الرابح في ثواب العمل الصالح - المعتمدالمنتقى من المتجر الرابح في ثواب العمل الصالح“تسحروا؛ فإن في السحور بركة”.
- تطبيق القرآن والأذكارسنن الصيام (تسحروا فإن في السحور بركة)[1].
- سنن الصيام - من كتاب الفقه الميسرسنن الصيام(تسحروا فإن في السحور بركة)[1].
- مجموعة زاد الفقه (3)الفقه 3«تسحَّروا فإنَّ في السحُور بركةً»
- من أحكام الصيام«تَسَحَّرُوا؛ فَإِنَّ فِي السَّحُورِ بَرَكَةً» [16].