Skip to content

"Ang Paraiso ay higit na malapit sa [bawat] isa sa inyo kaysa sa panali ng sandalyas niya at ang Impiyerno ay tulad niyon."}

Ayon sa Anak ni Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"Ang Paraiso ay higit na malapit sa [bawat] isa sa inyo kaysa sa panali ng sandalyas niya at ang Impiyerno ay tulad niyon."}

«الْجَنَّةُ أَقْرَبُ إِلَى أَحَدِكُمْ مِنْ شِرَاكِ نَعْلِهِ، وَالنَّارُ مِثْلُ ذَلِكَ».

Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Paraiso at ang Impiyerno ay malapit sa tao gaya ng kalapitan ng sintas ng sapatos na nasa ibabaw ng paa dahil siya ay maaaring gumagawa ng isang pagtalima kabilang sa kaluguran ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na papasok siya dahil dito sa Paraiso, o ng isang pagsuway na magiging isang kadahilanan ng pagpasok sa Impiyerno.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

....:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang pagpapaibig sa kabutihan kahit kaunti at ang pagpapahilakbot sa kasamaan kahit kaunti.

Walang pag-iwas para sa Muslim sa buhay niya sa pagsasama ng paghahangad at pangamba at sa paghiling kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) palagi ng katatagan sa katotohanan nang sa gayon maligtas siya at hindi siya malinlang dahil sa kalagayan niya.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (8/ 102) (6488).

Ang Karagdagan (8)

شرح رياض الصالحين.

لابن عثيمين (2/ 99).

فتح الباري.

لابن حجر(11/ 321).

بهجة الناظرين شرح رياض الصالحين.

لسليم الهلالي (1/ 186).

نزهة المتقين شرح رياض الصالحين.

لمصطفى الخِن وغيره (1/ 136).