"Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman."
Ayon kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Minsan ako ay angkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang asno na tinatawag na `Ufayr saka nagsabi siya: "O Mu`ādh, nakaaalam ka ba sa karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya at kung ano ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maaalam." Nagsabi siya: "Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi ba ako magbabalita nito sa mga tao?" Nagsabi siya: "Huwag kang magbalita sa kanila para hindi sila sumalig."}
كُنْتُ رِدْفَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَلَى حِمَارٍ يُقَالُ لَهُ عُفَيْرٌ، فَقَالَ: «يَا مُعَاذُ، هَلْ تَدْرِي حَقَّ اللَّهِ عَلَى عِبَادِهِ، وَمَا حَقُّ العِبَادِ عَلَى اللَّهِ؟»، قُلْتُ: اللَّهُ وَرَسُولُهُ أَعْلَمُ، قَالَ: «فَإِنَّ حَقَّ اللَّهِ عَلَى العِبَادِ أَنْ يَعْبُدُوهُ وَلا يُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا، وَحَقَّ العِبَادِ عَلَى اللَّهِ أَنْ لا يُعَذِّبَ مَنْ لا يُشْرِكُ بِهِ شَيْئًا»، فَقُلْتُ: يَا رَسُولَ اللَّهِ أَفَلاَ أُبَشِّرُ بِهِ النَّاسَ؟ قَالَ: «لا تُبَشِّرْهُمْ، فَيَتَّكِلُوا».
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng karapatan ni Allāh sa mga lingkod at karapatan ng mga lingkod kay Allāh, na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman, at na ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa mga Muwaḥḥid na hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman. Pagkatapos tunay na si Mu`ādh ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, hindi po ba ako magbabalita sa mga tao upang matuwa sila at magalak sila sa kabutihang-loob na ito?" Sumaway sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) dala ng takot na umasa sila roon.
...:
Ang paglilinaw sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya), na nag-obliga Siya nito sa mga lingkod Niya. Ito ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman.
Ang paglilinaw sa karapatan ng mga lingkod kay Allāh (napakataas Siya) na nag-obliga Siya nito sa sarili Niya bilang kabutihang-loob mula sa Kanya at bilang biyaya. Ito ay na magpasok Siya sa kanila sa Paraiso at hindi magparusa sa kanila.
Dito ay may isang dakilang nakagagalak na balita para sa mga Muwaḥḥid na hindi nagtatambal kay Allāh (napakataas Siya) ng anuman na ang kahahantungan nila ay ang pagpasok sa Paraiso.
Nagsanaysay si Mu`ādh ng ḥadīth na ito bago ng kamatayan niya dala ng pangamba sa pagkasadlak sa kasalanan ng pagtatago ng kaalaman.
Ang pagtawag-pansin sa hindi pagpapalaganap ng ilan sa mga ḥadīth sa ilan sa mga tao dala ng pangamba para sa sinumang hindi nakatalos sa kahulugan ng mga ito. Iyon ay kaugnay sa anumang sa ilalim nito ay walang gawain at dito ay walang takdang parusa kabilang sa mga takdang parusa sa Batas ng Islām.
Ang mga tagasuway na mga Muwaḥḥid ay nasa ilalim ng kalooban ni Allāh: kung loloobin Niya ay magpaparusa Siya sa kanila at kung loloobin Niya ay magpapatawad Siya sa kanila, pagkatapos ang kahahantungan nila ay ang Paraiso.
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (4/ 29) (2856).
Ṣaḥīḥ Muslim (1/ 58) (30).
(1/ 627).
Ang Karagdagan (5)
المحكم لابن سيده (10/26).
المفهم لما أشكل من تلخيص كتاب مسلم (1/ 203).
فتح الباري (11/340.
البحر المحيط الثجاج في شرح صحيح الإمام مسلم بن الحجاج (1/ 623).
عمدة القاري شرح صحيح البخاري (14/ 148).
Binanggit sa mga aklat
12 Mga Aklat- Ang Tumpak na Paniniwala at ang Sumasalungat Dito"Ang karapatan ni Allāh sa mga tao ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman."}[2]
- Ang Tumpak na Paniniwala at ang Sumasalungat Dito"Nakaaalam ka ba kung ano ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh?" Nagsabi si Mu`ādh: "Nagsabi ako: 'Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam.'" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Al
- Ang Aklat ng Tawḥīdكتاب التوحيد للشيخ محمد بن عبد الوهاب"Ang karapatan ni Allāh sa mga tao ay na sumamba sila sa kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan naman ng mga tao kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman."
- مشروع منهاج زادكزادك 2 طالب نهائي"O Mu`ādh, nakaaalam ka ba sa karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya at kung ano ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lin
- نبراس طالب (3)نبراس طالب 3"O Mu`ādh, nakaaalam ka ba sa karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya at kung ano ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lin
- نبراس طالب (3)نبراس طالب 3"Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman."
Ang Karagdagan (6)
- العقيدة الصحيحةدروس العقيدة الصحيحة«فَإِنَّ حَقَّ اللَّهِ عَلَى العِبَادِ: أَنْ يَعْبُدُوهُ وَلَا يُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا، وَحَقَّ العِبَادِ عَلَى اللَّهِ: أَنْ لاَ يُعَذِّبَ مَنْ لَا يُشْرِكُ بِهِ شَيْئًا»
- حراسة التوحيدالعقيدة الصحيحة وما يضادها «حَقُّ اللهِ عَلَى العِبَادِ أَن يَعْبُدُوهُ وَلَا يُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا» [2].
- حراسة التوحيدإقامة البراهين على حكم من استغاث بغير الله«حَقُّ اللهِ عَلَى العِبَادِ أَنْ يَعْبُدُوهُ وَلَا يُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا».
- خذ عقيدتك من الكتاب والسنة الصحيحة«حق العباد على الله أن لا يُعذِّبَ مَن لَا يشركُ به شيئًا»
- مجموعة زاد التربية الإسلامية (1)، والسيرة النبوبة (1)، والعقيدة (1)، والفقه (1)التربية الأسلامية 1قال: «فإن حق الله على العباد أن يعبدوه ولا يشركوا به شيئًا، وحق العباد على الله ألا يعذب من لا يشرك به شيئًا»
- مجموعة زاد التربية الإسلامية (1)، والسيرة النبوبة (1)، والعقيدة (1)، والفقه (1)التربية الأسلامية 1«حقُّ اللهِ على العِبادِ أنْ يعْبُدُوهُ ولا يُشْرِكُوا بِهِ شيْئًا...»