Skip to content

"Isinumpa ang sinumang nakipagtalik sa maybahay niya sa tumbong nito."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"Isinumpa ang sinumang nakipagtalik sa maybahay niya sa tumbong nito."}

«مَلْعُون مَنْ أتَى امرأتَه في دُبُرِها».

Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, at Imām Aḥmad.
Maganda
Ang Pagbibigay-linaw

Nagbibigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pakikipagtalik ng asawa sa maybahay niya sa tumbong nito, na siya ay isinumpang itinaboy mula sa awa ni Allāh. Ito ay isang malaking kasalanan kabilang sa malalaking kasalanan.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang Pagbabawal sa Pakikipagtalik sa mga Babae sa mga Tumbong Nila

Ang pagtatamasa sa maybahay sa anumang hindi tumbong niya mula sa katawan niya ay pinapayagan.

Ang Muslim ay nakikipagtalik sa maybahay sa ari nito kung paanong ipinag-utos sa kanya ni Allāh. Hinggil naman sa pakikipagtalik sa tumbong, dito ay may pagpapatiwali ng naturalesa, pagsasayang ng binhi, pagsalungat sa hilig ng mga matinong kalikasan, at malalim na pamiminsala sa mag-asawa.

Ang mga Sanggunian

Sunan Abī Dāwud (3/ 489) (2162).

As-Sunan Al-Kubrā ni An-Nasā'īy (8/ 200) (8966).

Musnad Aḥmad (15/ 457) (9733).

Ang Karagdagan (8)

نيل الأوطار.

للشوكاني (6/ 237).

سبل السلام.

للصنعاني (2/ 202).

توضِيحُ الأحكَامِ مِن بُلوُغ المَرَام.

للبسام (5/ 346).

فتح ذي الجلال والاكرام بشرح بلوغ المرام.

لابن عثيمين (4/ 535).