Skip to content
Listahan ng Surah /

الشُّورى

الشُّورى is chapter 42 of the Quran and has 53 verses. This page presents it in full in the Uthmani script, with a verse-by-verse translation of its meaning.

53 Mga Ayah Surah Blg. 42
Pumunta sa ayah
Tagalog · Rwwad
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

عٓسٓقٓ

`Ayn. Sīn. Qāf.

Explanation & meanings · 1
  1. Subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.

كَذَٰلِكَ يُوحِيٓ إِلَيۡكَ وَإِلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكَ ٱللَّهُ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

Gayon nagkakasi sa iyo at sa mga bago mo pa si Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.

لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡعَظِيمُ

Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.

تَكَادُ ٱلسَّمَٰوَٰتُ يَتَفَطَّرۡنَ مِن فَوۡقِهِنَّۚ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يُسَبِّحُونَ بِحَمۡدِ رَبِّهِمۡ وَيَسۡتَغۡفِرُونَ لِمَن فِي ٱلۡأَرۡضِۗ أَلَآ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ

Halos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak mula sa ibabaw ng mga ito samantalang ang mga anghel ay nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila at humihingi ng tawad para sa sinumang nasa lupa. Pansinin, tunay na si Allāh ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.