Skip to content
Listahan ng Surah /

فُصِّلَت

فُصِّلَت is chapter 41 of the Quran and has 54 verses. This page presents it in full in the Uthmani script, with a verse-by-verse translation of its meaning.

54 Mga Ayah Surah Blg. 41
Pumunta sa ayah
Tagalog · Rwwad
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

حمٓ

Ḥā. Mīm.

Explanation & meanings · 1
  1. Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.

تَنزِيلٞ مِّنَ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

[Ito ay] isang pagbababa mula [kay Allāh], ang Napakamaawain, ang Maawain,

كِتَٰبٞ فُصِّلَتۡ ءَايَٰتُهُۥ قُرۡءَانًا عَرَبِيّٗا لِّقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ

isang Aklat na dinetalye ang mga talata nito, bilang Qur’ān na Arabe para sa mga taong umaalam,

Explanation & meanings · 1
  1. dahil sila ay ang mga makikinabang sa mga kahulugan nito at sa anumand narito na kapatnubayan sa katotohanan.

بَشِيرٗا وَنَذِيرٗا فَأَعۡرَضَ أَكۡثَرُهُمۡ فَهُمۡ لَا يَسۡمَعُونَ

bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala, ngunit umayaw ang higit na marami sa kanila kaya sila ay hindi dumidinig.

Explanation & meanings · 2
  1. sa mga mananampalataya hinggil sa inihanda ni Allāh para sa kanila na ganting masagana
  2. sa mga tagatangging sumampalataya laban sa masaki na pagdurusang dulot ni Allāh

وَقَالُواْ قُلُوبُنَا فِيٓ أَكِنَّةٖ مِّمَّا تَدۡعُونَآ إِلَيۡهِ وَفِيٓ ءَاذَانِنَا وَقۡرٞ وَمِنۢ بَيۡنِنَا وَبَيۡنِكَ حِجَابٞ فَٱعۡمَلۡ إِنَّنَا عَٰمِلُونَ

Nagsabi sila: “Ang mga puso namin ay nasa loob ng mga panakip laban sa ipinaaanyaya mo sa amin, sa mga tainga namin ay may pagkabingi, at sa pagitan namin at pagitan mo ay may isang lambong. Kaya gumawa ka [ayon sa pamamaraan mo]; tunay na kami ay mga tagagawa [ayon sa pamamaraan namin].”