Skip to content
Listahan ng Surah /

الإسرَاء

الإسرَاء is chapter 17 of the Quran and has 111 verses. This page presents it in full in the Uthmani script, with a verse-by-verse translation of its meaning.

111 Mga Ayah Surah Blg. 17
Pumunta sa ayah
Tagalog · Rwwad
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِيٓ أَسۡرَىٰ بِعَبۡدِهِۦ لَيۡلٗا مِّنَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ إِلَى ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡأَقۡصَا ٱلَّذِي بَٰرَكۡنَا حَوۡلَهُۥ لِنُرِيَهُۥ مِنۡ ءَايَٰتِنَآۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ

Kaluwalhatian sa Kanya na nagpalakbay sa Lingkod Niya isang gabi mula sa Masjid na Pinakababanal [sa Jerusalem] patungo sa Masjid na Pinakamalayo, na pinagpala Namin ang palibot nito upang magpakita Kami sa kanya ng ilan sa mga tanda Namin. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.

وَءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلۡنَٰهُ هُدٗى لِّبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ أَلَّا تَتَّخِذُواْ مِن دُونِي وَكِيلٗا

Nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at gumawa Kami niyon bilang patnubay para sa mga anak ni Israel, [na nag-uutos:] “Huwag kayong gumawa sa iba pa sa Akin bilang pinananaligan.”

ذُرِّيَّةَ مَنۡ حَمَلۡنَا مَعَ نُوحٍۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَبۡدٗا شَكُورٗا

Mga supling ng mga dinala Namin kasama kay Noe, tunay na siya noon ay isang lingkod na mapagpasalamat.

وَقَضَيۡنَآ إِلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ فِي ٱلۡكِتَٰبِ لَتُفۡسِدُنَّ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَرَّتَيۡنِ وَلَتَعۡلُنَّ عُلُوّٗا كَبِيرٗا

Nagsiwalat Kami sa mga anak ni Israel sa Kasulatan: “Talagang manggugulo nga kayo sa lupain nang dalawang ulit at talagang magmamataas nga kayo nang pagmamataas na malaki.”

Explanation & meanings · 1
  1. dahil sa paggawa ng mga pagsuway at kawalang-pakundangan

فَإِذَا جَآءَ وَعۡدُ أُولَىٰهُمَا بَعَثۡنَا عَلَيۡكُمۡ عِبَادٗا لَّنَآ أُوْلِي بَأۡسٖ شَدِيدٖ فَجَاسُواْ خِلَٰلَ ٱلدِّيَارِۚ وَكَانَ وَعۡدٗا مَّفۡعُولٗا

Kaya kapag dumating ang pangako ng una sa dalawa ay magpapadala Kami sa inyo ng mga lingkod para sa Amin na mga may matinding kapangyarihan at maghalughog sila sa kaloob-looban ng mga tahanan. Ito ay naging isang pangakong gagawin.