Skip to content

{Hindi ako nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kailanman nagpalabis-labis na tumatawa hanggang sa makakita ako mula sa kanya ng tilao niya. Siya noon ay ngumingiti lamang.}

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya)

{Hindi ako nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kailanman nagpalabis-labis na tumatawa hanggang sa makakita ako mula sa kanya ng tilao niya. Siya noon ay ngumingiti lamang.}

مَا رَأَيْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ مُسْتَجْمِعًا قَطُّ ضَاحِكًا، حَتَّى أَرَى مِنْهُ لَهَوَاتِهِ، إِنَّمَا كَانَ يَتَبَسَّمُ.

Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nagpabatid si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi noon nagpapasobra sa pagtawa hanggang sa makita ang tilao niya, ang munting laman na nakabitin sa pinakamataas na bahagi ng lalamunan. Siya noon ay ngumingiti lamang.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang tawa noon ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pagngiti, kapag nalugod siya o humanga siya sa isang bagay.

Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Hindi ako nakakita sa kanya na nagpalabis-labis sa punto ng pagtawa kung saan tumatawa siya nang pagtawang lubusang nakatuon sa kabuuan nito sa pagtawa.

Ang dalas ng pagtawa at ang pagkataas ng tinig sa pamamagitan ng halakhak ay hindi kabilang sa mga katangian ng mga maayos na tao.

Ang dalas ng pagtawa ay nag-aalis ng respeto sa tao at pagpipitagan sa kanya sa gitna ng mga kapatid niya.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (8/ 24) (6092).

Ṣaḥīḥ Muslim (2/ 616) (899).