"Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man naging. Pasundan mo ang gawang masagwa ng gawang maganda na papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan."}
Ayon kina Abū Dharr Jundub bin Junādah at Abū `Abdirraḥmān Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man naging. Pasundan mo ang gawang masagwa ng gawang maganda na papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan."}
«اتَّقِ اللَّهَ حَيْثُمَا كُنْت، وَأَتْبِعْ السَّيِّئَةَ الْحَسَنَةَ تَمْحُهَا، وَخَالِقْ النَّاسَ بِخُلُقٍ حَسَنٍ».
Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlong bagay: Ang Una. Ang pangingilag magkasala kay Allāh. Iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga kinakailangan at pag-iwan ng mga ipinagbabawal sa bawat lugar, panahon, at kalagayan nang palihim at hayagan, sa kagalingan, pagsubok, at iba pa roon. Ang Ikalawa. Kapag nasadlak ka sa isang masagwang gawa, gumawa ka matapos nito ng isang magandang gawa gaya ng pagdarasal, kawanggawa, pagsasamabuting-loob, pakikipag-ugnayang pangkaanak, pagbabalik-loob, at iba pa roon sapagkat tunay na iyon ay papawi sa masagwang gawa. Ang Ikatlo. Makitungo ka sa mga tao nang may mga magandang kaasalan gaya ng pagngiti sa harap nila, kalumayan, kabanayaran, pagkakaloob ng nakabubuti, at pagpigil ng perhuwisyo.
Ang kabutihang-loob ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa mga lingkod sa pagkaawa Niya, pagpapatawad Niya, at pagpapaumanhin Niya.
Naglaman ang ḥadīth ng tatlong karapatan: ang karapatan ni Allāh sa pamamagitan ng pangingilag magkasala, ang karapatan ng sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga magandang gawa matapos ng mga masagwang gawa, at ang karapatan ng mga tao sa pakikitungo sa pamamagitan ng mga kaasalang maganda.
Ang pagpapaibig sa paggawa ng mga magandang gawa matapos ng mga masagwang gawa. Ang kagandahan ng kaasalan ay kabilang sa mga kakanyahan ng pangingilag magkasala. Itinangi lamang ito sa pagbanggit dahil sa pangangailangan sa paglilinaw sa mga iyon.
Sunan At-Tirmidhīy (3/ 526) (1987).
Ang Karagdagan (7)
Al-Arba`ūn An-Nawawīyah (ص100) (ح18).
التحفة الربانية في شرح الأربعين حديثًا النووية.
لإسماعيل الأنصاري (ص40).
شرح الأربعين النووية.
لابن عثيمين (ص195).
فتح القوي المتين في شرح الأربعين وتتمة الخمسين.
لعبد المحسن البدر (ص67).
Binanggit sa mga aklat
15 Mga Aklat- مشروع منهاج زادكزادك معلم 2"Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan."
- مشروع منهاج زادكزادك 2 طالب نهائي"Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man. Pasundan mo ang gawang masagwa ng gawang maganda na papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan."
- نبراس طالب (1)1"Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man. Pasundan mo ang masagwang gawa ng magandang gawang papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan.
- نبراس طالب (2)نبراس طالب (2) Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man. Pasundan mo ang masagwang gawa ng magandang gawa na
- نبراس طالب (4)1"umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan"
- نبراس طالب (5)1"Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man. Pasundan mo ang masagwang gawa ng magandang gawang papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan."}
Ang Karagdagan (9)
- العلم الواجب بدون فقه وبدون زيادات1عَنْ أَبِي ذَرٍّ جُنْدُبُ بْنِ جُنَادَةَ، وَأَبِي عَبْدِ الرَّحْمَنِ مُعَاذِ بْنِ جَبَلٍ -رَّضِي اللَّهُ عَنْهُمَا-، عَن الرَّسُولِ -صَلَّى اللَّهُ عَلَيْه وَسَلَّمَ- قَالَ: (اتَّقِ اللهَ حَيْثُمَا كُنْتَ، وَأَتْبِعِ السَّيِّئَةَ الْحَسَنَة
- رياض الصالحينرياض الصالحين مع فوائد وهدايات - 1 «اتَّقِ اللهَ حَيْثُمَا كُنْتَ، وَأتْبعِ السَّيئَةَ الْحَسَنَةَ تَمْحُهَا، وَخَالِقِ النَّاسَ بخُلُقٍ حَسَنٍ».
- شرح الأربعين النووية«اتَّقِ اللَّهَ حَيْثُمَا كُنْت، وَأَتْبِعِ السَّيِّئَةَ الْحَسَنَةَ تَمْحُهَا، وَخَالِقِ النَّاسَ بِخُلُقٍ حَسَنٍ».
- مجموعة زاد التربية الإسلامية (2)1«اتَّقِ الله حَيْثُمَا كُنْتَ، وأتبِعْ السيئةَ الحسنةَ تمحُها، وخالِقِ الناسَ بخُلُقٍ حَسَنٍ».
- مجموعة زاد الحديث(3)1«اتَّقِ الله حَيْثُمَا كُنْتَ، وَأَتْبِعِ السَّيِّئَةَ الحَسَنَةَ تَمْحُهَا، وَخَالِق النَّاسَ بِخُلُقٍ حَسَنٍ»
- مجموعة زاد الحديث(3)1(وَخَالِق النَّاسَ بِخُلُقٍ حَسَنٍ)
- مجموعة زاد الحديث(3)1«وَخَالِقِ النَّاسَ بِخُلُقٍ حَسَنٍ»
- وثيقة منهج نبراس لمدارس نهاية الأسبوع1"اتق الله حيثما كنت، واتبع السيئة الحسنة تمحها، وخالق الناس بخلق حسن"
- وثيقة منهج نبراس لمدارس نهاية الأسبوع1"اتق الله حيثما كنت، واتبع السيئة الحسنة تمحها، وخالق الناس بخلق حسن"