Skip to content

{Kami noon ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang kami ay mga binatilyong matitipuno. Natutuhan namin ang pananampalataya bago namin matutuhan ang Qur'ān, pagkatapos natutuhan namin ang Qur'ān kaya nadagdagan kami dahil dito ng pananampalataya.}

Ayon kay Jundub bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:

{Kami noon ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang kami ay mga binatilyong matitipuno. Natutuhan namin ang pananampalataya bago namin matutuhan ang Qur'ān, pagkatapos natutuhan namin ang Qur'ān kaya nadagdagan kami dahil dito ng pananampalataya.}

كُنَّا مَعَ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ وَنَحْنُ فِتْيَانٌ حَزَاوِرَةٌ، فَتَعَلَّمْنَا الإِيمَانَ قَبْلَ أَنْ نَتَعَلَّمَ القُرْآنَ، ثُمَّ تَعَلَّمْنَا القُرْآنَ، فَازْدَدْنَا بِهِ إِيمَانًا.

Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nagsabi si Jundub bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Kami noon ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang kami ay mga binatilyong nalapit sa pagkabinatang malalakas na matitindi. Natutuhan namin sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pananampalataya bago namin matutuhan ang Qur'ān, pagkatapos natutuhan namin ang Qur'ān kaya nadagdagan kami dahil dito ng pananampalataya.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang paglilinaw na ang pananampalataya ay nadaragdagan at nababawasan.

Ang pagkakasunud-sunod ng mga priyoridad sa sandali ng pagpapalaki sa kabataan at ang pagsisigasig sa pagpuno sa kanila ng pananampalataya.

Ang Qur'ān ay nakadaragdag sa pananampalataya, napagliliwanagan dahil dito ang puso, at nabubuksan dahil dito ang dibdib.

Ang mga Sanggunian

Sunan Ibnu Mājah (1/ 42) (61).

Ang Karagdagan (2)

مشارق الأنوار الوهاجة ومطالع الأسرار البهاجة في شرح سنن الإمام ابن ماجه (2/ 255).

مرشد ذوي الحجا والحاجة إلى سنن ابن ماجه والقول المكتفى على سنن المصطفى (1/ 227).