Skip to content

{Nakasaki ako sa `īd kasama ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) saka nagsabi siya: "Ang dalawang ito ay dalawang araw na sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aayuno sa dalawang ito: ang araw ng pagtigil-ayuno ninyo mula sa pag-aayuno ninyo at ang isa pang araw na doon ay kakain kayo mula sa alay ninyo."}

Ayon kay Abū `Ubayd na dating alipin ni Ibnu Azhar, na nagsabi:

{Nakasaki ako sa `īd kasama ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) saka nagsabi siya: "Ang dalawang ito ay dalawang araw na sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aayuno sa dalawang ito: ang araw ng pagtigil-ayuno ninyo mula sa pag-aayuno ninyo at ang isa pang araw na doon ay kakain kayo mula sa alay ninyo."}

شَهِدْتُ العِيدَ مَعَ عُمَرَ بْنِ الخَطَّابِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، فَقَالَ: هَذَانِ يَوْمَانِ نَهَى رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَنْ صِيَامِهِمَا: يَوْمُ فِطْرِكُمْ مِنْ صِيَامِكُمْ، وَاليَوْمُ الآخَرُ تَأْكُلُونَ فِيهِ مِنْ نُسُكِكُمْ.

Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aayuno sa araw ng Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno (`Īdul fiṭr) at Pagdiriwang ng Pag-aalay (`Īdul ’aḍḥā). Hinggil naman sa Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno, ito ang araw ng pagtigil sa pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān. Hinggil naman sa araw ng Pagdiriwang ng Pag-aalay, ito ang araw ng pagkain ng mga alay.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang pagbabawal sa pag-aayuno sa araw ng Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno at araw ng Pagdiriwang ng Pag-aalay at mga araw ng tashrīq dahil ang mga ito ay kaugnay sa araw ng Pagdiriwang ng Pag-aalay, malibang kapag hindi nakatagpo ng pang-alay sapagkat pinapayagan ang pag-aayuno sa mga araw ng tashrīq.

Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Sinabi: Ang katuturan ng paglalarawan sa dalawang araw ay ang pagtukoy sa kasanhian sa pagkakinakailangan ng pagtigil-ayuno sa dalawang ito: ang pagbukod sa pag-aayuno at ang paghahayag ng kalubusan nito lamang sa pamamagitan ng pagtigil-ayuno matapos nito, at ang iba pa ay para sa pag-aalay na tagapagpalapit-loob [kay Allāh] sa pamamagitan ng pagkatay nito upang kumain mula rito.

Isinasakaibig-ibig para sa khaṭīb na banggitin niya sa khuṭbah niya ang nauugnay sa oras nito na mga patakaran at hanapin ang mga pagkakaangkop.

Ang pagkaisinasabatas ng pagkain mula sa alay.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (3/ 42) (1990).

Ṣaḥīḥ Muslim (2/ 799) (1137).

Ang Karagdagan (8)

تيسير العلام.

لعبد الله البسام (ص344).

تنبيه الأفهام شرح عمدة الإحكام.

لابن عثيمين (3/ 461).

الإفهام في شرح عمدة الأحكام.

لابن باز (ص426).

خلاصة الكلام شرح عمدة الأحكام.

لفيصل آل مبارك (ص161).