Skip to content
Listahan ng Surah /

الأنعَام

الأنعَام is chapter 6 of the Quran and has 165 verses. This page presents it in full in the Uthmani script, with a verse-by-verse translation of its meaning.

165 Mga Ayah Surah Blg. 6
Pumunta sa ayah
Tagalog · Rwwad
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَجَعَلَ ٱلظُّلُمَٰتِ وَٱلنُّورَۖ ثُمَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡ يَعۡدِلُونَ

Ang papuri ay ukol kay Allāh na lumikha ng mga langit at lupa, at gumawa sa mga kadiliman at liwanag. Pagkatapos ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila ay nagpapantay [sa Kanya sa iba].

هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن طِينٖ ثُمَّ قَضَىٰٓ أَجَلٗاۖ وَأَجَلٞ مُّسَمًّى عِندَهُۥۖ ثُمَّ أَنتُمۡ تَمۡتَرُونَ

Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa putik, pagkatapos nagpasya Siya ng isang taning [ng buhay]. May isang taning [ng pagkabuhay] na tinukoy sa ganang Kanya, pagkatapos kayo ay nagtataltalan.

وَهُوَ ٱللَّهُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَفِي ٱلۡأَرۡضِ يَعۡلَمُ سِرَّكُمۡ وَجَهۡرَكُمۡ وَيَعۡلَمُ مَا تَكۡسِبُونَ

Siya ay si Allāh [ang Diyos] sa mga langit at sa lupa. Nakaaalam Siya sa lihim ninyo at kahayagan ninyo at nakaaalam Siya sa nakakamit ninyo.

وَمَا تَأۡتِيهِم مِّنۡ ءَايَةٖ مِّنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِمۡ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ

Walang pumupunta sa kanila na isang tanda mula sa mga tanda ng Panginoon nila malibang sila noon sa mga ito ay mga tagaayaw

فَقَدۡ كَذَّبُواْ بِٱلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ فَسَوۡفَ يَأۡتِيهِمۡ أَنۢبَٰٓؤُاْ مَا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ

sapagkat nagpasinungaling nga sila sa katotohanan noong dumating ito sa kanila kaya pupunta sa kanila ang mga balita ng dati nilang kinukutya.