{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-iiwan noon ng apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at ng dalawang rak`ah bago ng madaling-araw.}
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-iiwan noon ng apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at ng dalawang rak`ah bago ng madaling-araw.}
أن النبي صلى الله عليه وسلم كان لا يَدع أربعا قَبل الظهر وركعتين قبل الغَدَاة.
Nagpabatid si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtitiyaga sa mga ṣalāh ng mga pagkukusang-loob sa bahay niya at hindi siya nag-iiwan ng mga ito: apat na rak`ah na may dalawang taslīm bago ng ṣalāh sa tanghali at dalawang rak`ah bago ng ṣalāh sa madaling-araw.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pangangalaga sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at dalawang rak`ah bago ng ṣalāh sa madaling-araw.
Ang pinakamainam ay na magsagawa ng mga kusang-loob na ṣalāh sa bahay. Dahil doon, nagpabatid tungkol sa mga ito si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (2/ 59) (1182).
Ang Karagdagan (2)
توضيح الأحكام مِن بلوغ المرام.
لعبد الله البسام (2/ 379).