Skip to content

{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag bumahin siya, ay naglalagay ng kamay niya - o ng isang tela - sa bibig niya at nagpapahina - o nagbababa - sa pamamagitan nito ng tunog niyon.}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:

{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag bumahin siya, ay naglalagay ng kamay niya - o ng isang tela - sa bibig niya at nagpapahina - o nagbababa - sa pamamagitan nito ng tunog niyon.}

كان رسولُ الله صلى الله عليه وسلم إذا عَطَس وضَعَ يَدَه -أو ثوبَهُ- على فيهِ، وخَفَضَ -أو غضَّ- بها صوتَهُ.

Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag bumahin siya, ay: A. Naglalagay ng kamay niya o ng isang tela sa bibig niya upang walang lumabas mula sa bibig niya o ilong niya na anumang makapeperhuwisyo sa kauupuan niya. B. Nagpapahina ng tunog nito at hindi nagpapalakas nito.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang paglilinaw ng patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa pagbahin at ang pagtulad sa kanya roon.

Ang pagsasakaibig-ibig ng paglalagay ng tela o panyo o tulad nito sa bibig niya at ilong niya kapag bumahin siya upang walang lumabas mula rito na anumang makapeperhuwisyo sa katabi niya.

Ang pagbababa ng tunog sa pagbahin ay hinihiling. Ito ay bahagi ng kakumpletuhan ng etiketa at kabilang sa mararangal sa mga kaasalan.

Ang mga Sanggunian

Sunan Abī Dāwud (7/ 375) (5029).

Sunan At-Tirmidhīy (4/ 461) (2745).

Musnad Aḥmad (15/ 412) 9662).

Ang Karagdagan (9)

شرح رياض الصالحين.

لابن عثيمين (4/ 440).

تطريز رياض الصالحين.

لفيصل آل مبارك (ص528).

بهجة الناظرين.

لسليم الهلالي (2/ 149).

نزهة المتقين شرح رياض الصالحين.

لمجموعة من الباحثين (1/ 678).

كنوز رياض الصالحين لمجموعة من الباحثين (11/ 432).