"Huwag ngang mamamatay ang isa sa inyo malibang habang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh."}
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tatlong araw bago ng pagpanaw niya, na nagsasabi:
"Huwag ngang mamamatay ang isa sa inyo malibang habang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh."}
«لَا يَمُوتَنَّ أَحَدُكُمْ إِلَّا وَهُوَ يُحْسِنُ بِاللهِ الظَّنَّ».
Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na hindi mamatay malibang habang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapanaig niya sa aspeto ng pag-asa sa sandali ng paghihingalo na si Allāh ay maaawa sa kanya at magpapaumanhin sa kanya dahil ang pangamba ay hinihiling para sa pagpapaganda ng gawain. Ang kalagayang iyon ay hindi kalagayan ng mga gawain kaya ang hinihiling dito ay ang pagpapanaig niya ng pag-asa.
Ang sigasig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa paggabay sa Kalipunan niya at ang tindi ng habag niya rito sa lahat ng mga kalagayan niya, na hanggang sa paghihingalo niya ay nagpapayo siya sa Kalipunan niya at nagtuturo siya rito ng mga landasin ng kaligtasan.
Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Magpaganda kayo ng mga gawain ninyo ngayon nang sa gayon gumanda ang palagay ninyo kay Allāh sa sandali ng kamatayan; sapagkat tunay na ang sinumang sumagwa ang gawain niya bago ng kamatayan, sasagwa ang palagay niya sa sandali ng kamatayan.
Ang pinakalubos sa mga kalagayan para sa tao ay ang pagkabalanse ng pag-asa at pangamba at ang pananaig ng pag-ibig sapagkat ang pag-ibig ay ang sasakyan, ang pag-asa ay tagatulak, ang pangamba ay tagaakay, at si Allāh ay ang tagapagparating sa pamamagitan ng kagandahang-loob Niya at pagkamapagbigay Niya.
Nararapat sa sinumang naging malapit sa sinumang naghihingalo na magpanaig siya rito ng aspeto ng pag-asa at kagandahan ng palagay kay Allāh sapagkat sa ḥadīth na ito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi niyon tatlong araw bago siya mamatay.
Ṣaḥīḥ Muslim (4/ 2205) (2877).
Ang Karagdagan (6)
شرح رياض الصالحين.
لابن عثيمين (3/ 333).
بهجة الناظرين شرح رياض الصالحين.
لسليم الهلالي (1/ 509).
نزهة المتقين شرح رياض الصالحين.
لمجموعة من الباحثين (1/ 398).
Binanggit sa mga aklat
6 Mga Aklat- مشروع منهاج زادكزادك 1 طالب"Huwag ngang mamatay ang isa sa inyo malibang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh – napakataas Siya."
- نبراس طالب (3)نبراس طالب 3"Huwag ngang mamatay ang isa sa inyo malibang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh – napakataas Siya.
- نبراس طالب (3)نبراس طالب 3"Huwag ngang mamatay ang isa sa inyo malibang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh – napakataas Siya."
Ang Karagdagan (3)
- الخطب المنبريةموسوعة الخطب المنبرية (القسم الثالث)«لَا يَمُوتَنَّ أَحَدُكُمْ إِلَّا وَهُوَ يُحْسِنُ بِاللهِ الظَّنَّ»
- قاموس الكبائرموسوعة الكبائر - المجموعة الثالثة«لَا يَمُوتَنَّ أَحَدُكُمْ إِلَّا وَهُوَ يُحْسِنُ بِاللَّهِ الظَّنَّ» [43].
- مجموعة زاد التربية الإسلامية (2)1«لَا يَمُوتَنَّ أَحَدُكُمْ إِلاَّ وَهُوَ يُحْسِنُ الظَّنَّ بالله».