نبراس طالب (3)
كتاب نبراس طالب (3) تهدف إلى تعريف المسلم بأسس الإيمان، وكليات الأحكام، وجوامع الآداب الشرعية، وتأسيس ثقافة إسلامية رصينة، وبناء شخصية المتعلم وفق المنهج التربوي الإسلامي.
Panimula ng Aklat
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan.
Sa pagsisimula,
Nasa harapan mo, mahal kong mag-aaral, ang Ikatlong Aklat mula sa mga silabus ng Nibras, ang mga pampagtuturong silabus na iyon na naglalayon ng pagtatatag ng isang Islāmikong matatag na edukasyon at pagbuo ng personalidad ng mag-aaral alinsunod sa pang-edukasyong Islāmikong silabus.
Magsisimula tayo sa isang pinakamagandang pagsisimula kasama ng Marangal na Qur'ān kung saan magsasaalaala tayo sa mataas na katayuan nito, pagkatapos mag-aaralan tayo ng isang pinaiksing pagpapakahulugan sa mga Sūrah Al-Muṭaffifīn, Al-Inshiqāq, Al-Burūj, at Aṭ-Ṭāriq kasama ng paghango ng pinakamahalaga sa mga katuturang pangkaalaman at pang-edukasyon mula sa mga āyah.
Pagkatapos mamumuhay tayo kasama ng isang maiksing masaklaw na paglalahad ng pinakamahalaga sa mga yugto ng talambuhay ng Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pag-aanyaya niya, at pakikibaka niya hanggang sa pagpanaw niya, kasabay ng paghahanap ng mga aspeto ng pagtulad sa pagpatnubay niya upang madagdagan tayo ng pag-ibig sa kanya at ng pagbibigay-halaga sa kabutihang-loob niya sa atin.
Ang pagsamba at ang pagbubusilak ay may mga natatanging aralin, na matututuhan natin sa mga bahagi ng pagsamba, mga haligi nito, at mga kundisyon nito, pagkatapos sa kainaman ng pagbubusilak sa sarili at mga paraan ng pagsasaayos nito sapagkat tunay na iyon ay layon ng mensahe ni Muḥammad at bunga ng Tawḥīd ng Panginoon ng mga nilalang.
Kasama ng fiqh (pagkaunawa) ng mga patakaran, kukumpletuhin natin ang pagkatuto sa mga saligan ng mga pagsamba para matutuhan natin ang fiqh ng pag-aayuno lalo na ang mga kundisyon nito at ang mga tagapagpawalang-saysay nito, pagkatapos ang pinakamahalaga sa mga patakaran sa pagsasagawa ng ḥajj at `umrah upang malubos natin ang mga haligi ng Islām.
Dahil ang bawat Muslim ay nangangailangan ng pagkilala sa ipinagbawal ni Allāh na pagkain, inumin, at dapat, nagtalaga tayo para roon ng dalawang aralin kasama ng paglilinaw sa mga anyo ng pagbabawal at mga patunay nito upang madagdagan tayo ng tiwala at katiyakan sa marangal na Sharī`ah natin.
Wawakasan natin ang aklat sa paglilinaw sa karapatan ng lipunan na binigyang-diin ng Islām at nilaman ng mga patakaran ng Sharī`ah nito kung saan nag-obliga si Allāh ng mga karapatan para sa kapatirang Islāmiko. Naggarantiya ito para sa lipunan ng pagkakapitan nito at pagkakabuklod ng paninidigan nito. Kabilang sa pinakamahalaga sa mga karapatang iyon ang pagpapayo, at ang pag-uutos ng nakabubuti at ang pagsaway ng nakasasama; at dahil dito, naisagawa ang pagdedetalye sa paglilinaw sa kainaman ng mga ito at etiketa ng pagtupad sa mga ito.
Nagsumikap nga kami sa pagpapalabas sa mga aklat na ito sa isang anyong umaalinsunod sa mga saligang pangkaalaman at mga sukatang pang-edukasyong makabago. Nagsaalang-alang kami sa paghahanda sa mga ito ng sumusunod:
- Ang pagsisimula ng mga aralin ay isang pagpapaumpisang pupukaw sa pagpapahalaga mo, magdaragdag ng pagkaganyak mo, at tatawag ng pansin mo.
- Ang paglalagay ng mga talahanayan, mga pigura, at mga tsart ng mga konsepto na tutulong sa iyo sa pag-unawa ng nilalamang pangkaalaman.
- Ang paglalakip ng mga aktibidad na pampagtuturo na magsasakatotohanan ng mga layong pang-edukasyon alinsunod sa mga estratehiya ng pag-aaral na masigla. Nagsaalang-alang nga kami sa mga ito ng sumusunod:
* Ang integrasyon ng mga ito kasama ng nilalaman sa pagsasakatotohanan sa mga layon ng aralin kasama ng pagkakaugnay ng mga ito sa kalikasan ng asignatura at pagkakakilanlan nito.
* Ang pagpapalago ng mga aspeto ng personalidad mo at sarisaring kasanayan mo.
* Ang pagkasarisari sa pamamaraan ng pagpapatupad nito sa pagitan ng pang-individuwal at panlipunan, ang pagkasarisari ng lugar ng pagpapatupad nito sa loob at labas ng klase, ang pagkasarisari ng mga anyo nito sa pagitan ng aktibidad na pansulat, pansalita, pangkilos, at pang-isip.
* Ang paglalagay ng mga tanong ng pagtatasa (assessment) sa katapusan ng bawat aralin upang sulitin ang saklaw ng pagkaunawa mo sa aralin at mga layon nito.
Tunay na kami, yayamang naghain kami sa iyo ng aklat na ito, ay umaasa na ito ay maging isang tagapagsakatotohanan ng pinagpunyagian namin na kadalian ng asignaturang akademiko, kaliwanagan ng paglalahad, pagkaaktibo ng mga aktibidad, at pagkamasaklaw ng pagtatasa (assessment).
Dumadalangin kay Allāh na magpakinabang Siya sa pamamagitan ng mga ito sa mga tagapaghanap ng kaalaman at tumanggap Siya mula sa amin, tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.
Basbasan ni Allāh at pangalagaan Niya ang Propeta nating si Muḥammad sampu ng mag-anak niya at mga kasamahan niya sa kalahatan.
Ang Unang Yunit: Ang Marangal na Qur'ān at ang Pagpapakahulugan Nito
1. Ang Pagpapakahulugan sa Sūrah Al-Muṭaffifīn (Qur'ān 83:1-17)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsaulo ka ng mga āyah ng Sūrah Al-Muṭaffifīn;
2. makapaglilinaw ka ng mga kahulugan ng mga mahirap na salita sa mga āyah;
3. makapagpakahulugan ka sa mga āyah ng Sūrah Al-Muṭaffifīn nang maiksi;
4. makapagbigay-patunay ka sa pagkabawal ng pag-uumit-umit sa pagtatakal at pagtitimbang;
5. makapagbigay-katwiran ka sa pagkakait sa mga masamang-loob ng pagkakita kay Allāh;
6. makapaglinaw ka sa pinakamahalaga sa mahihinuha mula sa mga āyah.
7. makapagsadamdamin ka sa panganib ng pagpapasinungaling sa Araw ng Pagtutumbas.
Ang Sūrah Al-Muṭaffifīn ay Makkīyah. Ang bilang ng mga āyah nito ay 36 āyah. Ang mga āyah ng aralin ngayong araw ay nahahati sa sumusunod:
Sūrah Al-Muṭaffifīn 1-7
Una. Ang Paglilinaw sa Kaparusahan ng Pag-uumit-umit
Ikalawa. Ang Paglilinaw sa mga Kalagayan ng mga Masamang-loob
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Waylul lilmuṭaffifīn, (Kapighatian ay ukol sa mga tagapag-umit-umit,)} {2. Alladhīna idha –ktalū `ala –nnāsi yastawfūn, (na kapag nagpatakal sila sa mga tao ay nagpapalubus-lubos sila,)} {3. Wa-idhā kālūhum aw wazinūhum yukhsirūn. (at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila.)} {4. A-lā yaḍ̆unnu ulā'ika annahum mab`ūthūn (Hindi ba nakatitiyak ang mga iyon na sila ay mga bubuhayin)} {5. li-yawmin `aḍ̆īm, (para sa isang araw na sukdulan,)} {6. Yawma yaqūmu –nnāsu li-rabbi –l`ālamīn (sa araw na tatayo ang mga tao sa [harap ng] Panginoon ng mga nilalang?)} {7. Kallā inna kitāba –lfujjāri la-fī sijjīn. (Aba'y hindi! Tunay na ang talaan ng mga masamang-loob ay talagang nasa Sijjīn.)} {8. Wa-mā adrāka mā sijjīn? (Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Sijjīn?)} {9. Kitābum marqūm. (Isang talaan na sinulatan.)} {10. Waylun yawma'idhil lilmukadhdhibīn, (Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,)} {11. Alladhīna yukadhdhibūna bi-yawmi –ddīn (na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Pagtutumbas.)} {12. Wa-mā yukadhdhibu bihī illā kullu mu`tadin athīm. (Walang nagpapasinungaling doon kundi ang bawat tagalabag na makasalanan.)} {13. Idhā tutlā `alayhi āyātunā qāla asāṭīru –l'awwalīn! (Kapag binibigkas sa kanya ang mga tanda Namin ay nagsasabi siya: "Mga alamat ng mga sinauna!")} {14. Kallā bal; rāna `alā qulūbihim mā kānū yaksibūn. (Aba'y hindi! Bagkus, nagmantsa sa mga puso nila ang [pagkakasalang] dati nilang nakakamit.)} {15. Kallā innahum `ar rabbihim yawma'idhil la-maḥjūbūn (Aba'y hindi! Tunay na sila, sa [pagkakita sa] Panginoon nila sa araw na iyon, ay talagang mga lalambungan.)} {16. Thumma innahum la-ṣālu –ljaḥīm. (Pagkatapos tunay na sila ay talagang masusunog sa Impiyerno.)} {17. Thumma yuqālu hādha –lladhī kuntum bihī tukadhdhibūn. (Pagkatapos sasabihin sa kanila: "Ito ay ang dati ninyong pinasisinungalingan.")} (Qur'ān 83:1-17)
Ang Pananalita Ang Kahulugan Nito
mga tagapag-umit-umit: mga nagpapakulang sa pagtatakal at pagtitimbang.
Sijjīn: talaang tagatipon ng mga pangit na gawa ng mga masamang-loob
magsisipasok: papasok sila sa Apoy na nanununog.
Una. Ang Paglilinaw sa Kaparusahan ng Pag-uumit-umit
Ang pag-uumit-umit sa pagtatakal at timbangan ay isang karimarimarim na katangian sa mga pakikitungo. Nagbigay-babala nga si Allāh laban sa mga ito sa simula ng marangal na sūrah sapagkat nagsabi Siya: {1. Kapighatian ay ukol sa mga tagapag-umit-umit,} Ibig sabihin: isang matinding pagdurusa para sa mga nagpapakulang sa pagtatakal at pagtitimbang.
Pagkatapos naglinaw si Allāh sa kahulugan ng pag-uumit-umit at na ito ay sumasaklaw sa dalawang anyo:
{2. na kapag nagpatakal sila sa mga tao ay nagpapalubus-lubos sila,} Ibig sabihin: na kapag bumili sila mula sa mga tao ng tinatakal o tinitimbang, kumukuha sila ng mga karapatan nila nang kumpleto o may karagdagan.
{3. at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila.} Ibig sabihin: at kapag nagtinda sila ng tinatakal o tinitimbang, tunay na sila ay nagpapakulang sa mga karapatan ng mga tao.
Pagkatapos naglinaw si Allāh na ang nagpalakas-loob sa kanila sa gawaing ito ay ang pagkakaila nila sa pagbubuhay at ang pagpapasinungaling nila sa Araw ng Pagbangon sapagkat nagsabi Siya: {4. Hindi ba nakatitiyak ang mga iyon na sila ay mga bubuhayin 5. para sa isang araw na sukdulan,} Kaya kung sakaling nakatiyak sila at naniwala sila na sila ay bubuhayin sa Araw ng Pagbangon para sa pagganti at pagtutuos, hindi sila magpapakulang sa pagtatakal at pagtitimbang.
{6. sa araw na tatayo ang mga tao sa harap ng Panginoon ng mga nilalang?} Ibig sabihin: tatayo ang mga tao mula sa mga libingan nila bilang mga buhay at titindig sila sa harapan ng Panginoon nila para sa pagtutuos at pagganti.
Ikalawa. Ang Paglilinaw sa mga Kalagayan ng mga Masamang-loob
Pagkatapos lumipat ang Sūrah matapos na iyon sa paghahambing sa pagitan ng mga kalagayan ng mga masamang-loob at ng mga mabuting-loob at nagsimula ito sa pagbanggit sa mga masamang-loob.
Nagsabi si Allāh: {7. Aba'y hindi! Tunay na ang talaan ng mga masamang-loob ay talagang nasa Sijjīn.} Ibig sabihin: ang usapin ay hindi gaya ng natitiyak ng mga tagapag-umit-umit; bagkus tunay na ang mga pahina ng mga gawa ng mga masamang-loob na lumalabas buhat sa mga hangganan ng batas –na kabilang sa kanila ang tagapag-umit-umit – ay talagang nasa isang talaang tagatipon ng mga pangit na gawa nila. {8. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Sijjīn? 9. Isang talaan na sinulatan.} Ibig sabihin: isang talaang natitikan, na isang talaang tagatipon ng mga pangit na gawa ng mga masamang-loob.
Pagkatapos naglinaw si Allāh na ang kapighatian at ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay ukol sa mga masamang-loob na tagapagpasinungaling na ito sa Araw ng Pagtutumbas sapagkat nagsabi si Allāh: {10. Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling, 11. na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Pagtutumbas.}
Pagkatapos nagdetalye si Allāh ng mga katangian ng sinumang nagpapasinungaling sa Araw ng Pagtutumbas sapagkat nagsabi Siya:
{12. Walang nagpapasinungaling doon kundi ang bawat tagalabag na makasalanan.} Walang nagpapasinungaling sa Araw ng Pagtutumbas kundi ang sinumang naging tagalabag na nang-aapi na lumalampas sa pamamaraan ng katotohanan, na makasalanan: matindi ang pagkakasadlak sa kasalanan, na hindi nag-aalintana sa paggawa ng mga pagkakasala at mga pagsuway.
{13. Kapag binibigkas sa kanya ang mga tanda Namin ay nagsasabi siya: "Mga alamat ng mga sinauna!"} Kapag binibigkas sa kanya Marangal na Qur'ān ay nagsasabi siya: Ang Qur'ān na ito ay mga ulat ng mga naunang kalipunan at mga pabula nila, na ipinaabot daw ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
{14. Aba'y hindi! Bagkus, nagmantsa sa mga puso nila ang [pagkakasalang] dati nilang nakakamit.} Ibig sabihin: Ang usapin ay hindi gaya ng ginuguniguni ng mga tagapagpasinungaling na ito; bagkus tunay na ang dami ng mga pagkakasala nila ay lumambong sa pananampalataya palayo sa mga puso nila.
{15. Aba'y hindi! Tunay na sila, sa [pagkakita sa] Panginoon nila sa araw na iyon, ay talagang mga lalambungan.} Ibig sabihin: totohanan, tunay na sila, sa pagkakita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon, ay talagang mga hahadlangan kaya hindi sila makatitingin sa Kanya kung paanong makatitingin ang mga mananampalataya.
{16. Pagkatapos tunay na sila ay talagang masusunog sa Impiyerno. 17. Pagkatapos sasabihin sa kanila: "Ito ay ang dati ninyong pinasisinungalingan."} Ibig sabihin: papasok sila sa apoy na nanununog at magsasabi sa kanila ang mga tanod ng Impiyerno: "Ito ay ang pagdurusang dati ninyong pinasisinungalingan sa Mundo."
Kabilang sa mahihinuha mula sa mga marangal na āyah:
1. Ang pag-uumit-umit sa pagtatakal at pagtitimbang ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala at kabilang sa mga kadahilanan ng pagdurusa sa Kabilang-buhay.
2. Ang pagpapasinungaling sa pagbubuhay ay kabilang sa pinakamalaki sa mga kadahilanan ng kasamaan at katiwalian sa Mundo.
3. Ang mga pagkakasala ay naglalambong sa pananampalataya palayo sa puso.
4. Ang pagkakait ng pagkakita kay Allāh ay kabilang sa pinakamatindi sa mga kaparusahan sa mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsasaliksik ako at sasagot ako
Nag-utos si Allāh ng paglulubus-lubos sa pagtatakal at timbangan sa marami sa mga āyah ng Marangal na Qur'ān at nagpasawi siya ng mga taong nandaraya sa timbangan at pagtatakal. Sa pakikipagtulungan sa tagapagturo mo, punan mo ang mga patlang sa mga sumusunod:
Kabilang sa mga āyah na nagpapahiwatig sa pag-uutos ni Allāh ng paglulubus-lubos sa pagtatakal at timbangan:
{Magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal kapag nagtatakal kayo at tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagpapawakas.} (Qur'ān 17:35)
Mga taong pinasawi ni Allāh dahilan sa pag-uumit-umit sa pagtatakal at timbangan? Ang Madyan ay mga tao ni Propeta Shu`ayb (sumakanya ang pangangalaga).
Aktibidad 2. Sasagot ako.
Nagsabi si Allāh: {22. May mga mukha, sa Araw na iyon, na nagniningning, 23. sa Panginoon nila ay nakatingin.} (Qur'ān 75:22-23) Basahin mo ang dalawang āyah, pagkatapos tumugon ka.
1. Isulat mo ang tinutukoy sa dalawang āyah.
Ang tinutukoy ay na ang mga mananampalataya ay bibiyayaan sa pamamagitan ng pagtingin sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon.
2. Ipaliwanag mo ang kaugnayan ng dalawang āyah na ito sa mga āyah ng aralin.
Ang pagkakita ng mananampalataya sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon ay hindi maisasakatuparan sa mga tagapagsinungaling na lalambungan ni Allāh sa pagkakita sa Kanya ayon sa sabi Niya: {Aba'y hindi. Tunay na sila sa pagtingin sa Panginoon nila, sa araw na iyon, ay talagang mga lalambungan.} (Qur'ān 83:15)
Aktibidad 3: Makikilahok ako at magmumungkahi ako.
Ang pinuno ng mga mananampalataya na si `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) ay naglalakad noon sa mga palengke, nag-uutos sa mga tao ng pangingilag magkasala kay Allāh at kagandahan ng pagtitinda, at nagsasabi: "Maglubus-lubos kayo sa pagtatakal at timbangan." Sa pakikilahok mo sa mga kaklase mo, magmungkahi ka ng mga kaparaanan ng pagbibigay-babala sa mga tindero laban sa pag-uumit-umit sa pagtatakal at pagtitimbang.
Sa gabay ng tagapagturo:
Kabilang sa mga kaparaanan ang sumusunod:
1. ang pagpapayong pang-individuwal sa sinumang nakikilala na mga tindero;
2. ang paglalagay ng mga paskilan (billboard) sa mga palengke;
3. ang payo ng imām ng masjid sa pamamagitan ng pagsasalita kaugnay sa paksa; at iba pa rito.
Aktibidad 4: Maghahango ako at tutugon ako.
Nagpatunay ang mga āyah na ang pagpupumilit sa mga pagkakasala ay may isang masagwang epekto sa puso sapagkat kapag hindi natitigil ang tao sa pagpupumilit sa pagkakasala niya, nangingibabaw sa puso niya ang mantsa kaya hindi siya nakikinabang sa isang pangaral, hindi siya nagtataimtim sa ṣalāh, at hindi siya nanunumbalik palayo sa pagkakasala. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang tao, kapag gumawa ng isang kamalian, nagkakabatik sa puso niya ng isang itim na batik, ngunit kapag tumigil siya, humingi siya ng tawad, at nagbabalik-loob, pinakikinis ang puso niya. Kung nanumbalik siya, daragdagan siya rito hanggang sa mangibabaw ito sa puso niya: ang mantsa na binanggit ni Allāh: {Aba'y hindi! Bagkus, nagmantsa sa mga puso nila ang [pagkakasalang] dati nilang nakakamit.}." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 3334 at Imām Ibnu Mājah 4244. Pagbulay-bulayan mo ang ḥadīth, pagkatapos:
1. Humango ka mula sa ḥadīth ng kahalagahan ng pagbabalik-loob sa pangangalaga sa puso.
Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "ngunit kapag tumigil siya, humingi siya ng tawad, at nagbabalik-loob, pinakikinis ang puso niya."
2. Magtuos ka ng sarili mo. Magbalik-loob ka kay Allāh mula sa pagpupumilit sa mga pagsuway nang sa gayon hindi lambungan ni Allāh palayo sa puso mo ang kapatnubayan at pananampalataya. Magpatulong ka roon sa pamamagitan ng pagsaliksik ng mga kaparaanan ng pag-aalis ng pagpupumilit sa pagsuway.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Naglinaw ang mga āyah na ang kadahilanan ng pagkasadlak ng mga tagapag-umit-umit sa pagkakasalang ito ay:
(ang paghahangad at ang pag-iimbot - ang pagpapasinungaling sa Araw ng Pagtutumbas - ang sigasig sa kamunduhan).
2. Ang kahulugan ng "nagmantsa" sa sabi ni Allāh: {Aba'y hindi! Bagkus, nagmantsa sa mga puso nila ang [pagkakasalang] dati nilang nakakamit.} ay:
(bumalot - nalayo - nadagdagan).
3. Isang āyah na nagpapahiwatig sa pagkakait sa mga tagatangging sumampalataya ng pagkakita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon:
{14. Aba'y hindi! Bagkus, nagmantsa sa mga puso nila ang [pagkakasalang] dati nilang nakakamit.
Aba'y hindi. Tunay na sila sa pagtingin sa Panginoon nila, sa araw na iyon, ay talagang mga lalambungan.} (Qur'ān 83:15)
16. Pagkatapos tunay na sila ay talagang masusunog sa Impiyerno.} (Qur'ān 83:14-16)
PANUTO 3: Magpakahulugan sa mga sumusunod na āyah, kasama ng paglilinaw sa mahihinuha mula sa mga ito.
{10. Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling, 11. na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Pagtutumbas. 12. Walang nagpapasinungaling doon kundi ang bawat tagalabag na makasalanan. 13. Kapag binibigkas sa kanya ang mga tanda Namin ay nagsasabi siya: "Mga alamat ng mga sinauna!"} (Qur'ān 83:10-13)
PANUTO 3: Tugunin mo ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Magbigay-patunay ka sa pagkabawal ng pag-uumit-umit sa takal at timbangan.
2. Nagpatunay ang mga āyah sa pag-eepekto ng mga pagkakasala sa puso. Magpaliwanag ka niyon.
2. Ang Pagpapakahulugan sa Sūrah Al-Muṭaffifīn (Qur'ān 83:18-36)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaglilinaw ka ng mga kahulugan ng mga mahirap na salita sa mga āyah ng aralin;
2. makapagpakahulugan ka sa mga āyah ng aralin nang maiksi;
3. makakilala ka ng kaibahan sa pagitan ng ganti sa mga masamang-loob at ng ganti sa mga mabuting-loob;
4. makapagbigay-patunay ka na ang mabuting kahihinatnan ay ukol sa mga mananampalataya;
5. makapaglinaw ka sa pinakamahalaga sa mahihinuha mula sa mga āyah ng aralin;
6. makapagsadamdamin ka ng panganib ng panunuya sa mga alagad ng katotohan;
7. makapagsaulo ka ng mga āyah ng aralin.
Matapos na mapag-alaman natin ang mga kalagayan ng mga masamang-loob sa Araw ng Pagbangon, sisimulan natin ang araling ito kasama ng mga kalagayan ng mga mabuting-loob.
Ang Sūrah Al-Muṭaffifīn (Qur'ān 83:18-36)
Una. Ang paglilinaw sa mga kalagayan ng mga mabuting-loob.
Ikalawa. Ang paglilinaw na ang mabuting kahihinatnan ay ukol sa mga mananampalataya sa Araw ng Pagbangon.
{18. Kallā inna –l'abrāra la-fī `illīyin. (Aba'y hindi! Tunay na ang talaan ng mga mabuting-loob ay talagang nasa `Illīyūn.)} {19. Wa-mā adrāka mā `illīyūn? (Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang `Illīyūn?)} {20. Kitābum marqūm. (Isang talaan na sinulatan.)} {21. Yashhaduhu –lmuqarrabūn. (Sasaksi rito ang mga inilapit.)} {22. Inna –l'abrāra la-fī na`īm, (Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan,)} {23. `Ala –l'arā'iki yanḍ̆urūn. (habang nasa mga supa ay nakatingin.)} {24. Ta`rifu fī wujūhihim naḍrata –nna`īm. (Makakikilala ka sa mga mukha nila ng ningning ng Kaginhawahan.)} {25. Yusqawna mir raḥīqim makhtūum. (Paiinumin sila mula sa isang dalisay na alak na ipininid.)} {26. Khitāmuhū miskun wa-fī dhālika fa-lyatanāfasi –lmutanāfisūn. (Ang pampinid nito ay musk, at alang-alang doon ay magtagisan ang mga magtatagisan.)} {27. Wa-mizājuhū min tasnīm: (Ang lahok nito ay mula sa Tasnīm:)} {28. `Aynan yashrabu biha –lmuqarrabūn. (isang bukal na iinom mula roon ang mga inilapit.)} {29. Inna –lladhīna ajramū kānū mina –lladhīna āmanū yaḍḥakūn. (Tunay na ang mga nagpakasalarin ay dati sa mga sumampalataya tumatawa.)} {30. Wa-idhā marrū bihim yataghāmazūn. (Kapag naparaan sila sa mga ito ay nagkikindatan sila.)} {31. Wa-idha –nqalabū ilā ahlihimu –nqalabū fākihīn. (Kapag umuwi sila sa mga kapwa nila ay umuuwi sila na mga nagbibiro.)} {32. Wa-idhā ra'awhum qālū inna hā'ulā'I la-dālūn. (Kapag nakakita sila sa mga ito ay nagsasabi sila: "Tunay na ang mga ito ay talagang mga ligaw.")} {33. Wa-mā ursilū `alayhim ḥāfiḍ̆īn. (Hindi sila isinugo sa mga ito bilang mga tagapag-ingat.)} {34. Fa-lyawma –lladhīna āmanū mina –lkuffāri yaḍḥakūn. (Kaya sa Araw na iyon ang mga sumampalataya ay sa mga tagatangging sumampalataya tatawa)} {35. `Ala –l'arā'iki yanḍ̆urūn. (habang nasa mga supa ay nakatingin.)} {36. Hal thuwwiba –lkuffāru mā kānū yaf`alūn. (Gagantimpalaan kaya ang mga tagatangging sumampalataya sa anumang dati nilang ginagawa?)} (Qur'ān 83:18-36)
Ang Pananalita Ang Kahulugan Nito
`Illīyūn: talaang tagatipon ng mga gawa ng mga mananampalataya.
sinulatan: tinitikan.
ningning ng Kaginhawahan: pagkinang ng mukha mula sa epekto ng biyaya.
isang dalisay na alak na ipininid: isang kaaya-ayang alak na hindi nag-aalis ng isip at hindi nasaling ng isang kamay bago nila.
mga nagbibiro: mga natutuwa sa kung nasa anuman sila.
mga tagapag-ingat: mga mapagmasid sa mga mananampalataya.
gagantimpalaan: gagantihan.
Una. Ang Paglilinaw sa mga Kalagayan ng mga Mabuting-loob
Naglinaw si Allāh sa mga kalagayan ng mga mabuting-loob sapagkat nagsabi Siya: {18. Aba'y hindi! Tunay na ang talaan ng mga mabuting-loob ay talagang nasa `Illīyūn.} Ibig sabihin: totohanan, tunay na ang talaan ng mga gawa ng mga tapat na mananampalataya ay nakasulat sa `Illīyūn. Ang `Illīyūn ay talaang tagatipon ng mga gawa ng mga mananampalataya. {19. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang `Illīyūn? 20. Isang talaan na sinulatan.} Ibig sabihin: nakatitik na maliwanag ang pagkakasulat. {21. Sasaksi rito ang mga inilapit.} Titingin dito ang mga anghel na inilapit at mag-iingat sila nito.
Pagkatapos naglinaw si Allāh ng ganti sa mga mabuting-loob sapagkat nagsabi siya: {22. Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan,} Pagkatapos nagdetalye siya ng kaginhawahang iyon ayon sa sumusunod na paraan:
{23. habang nasa mga supa ay nakatingin.} Habang nasa mga kama ay nakatingin sila sa inihanda ni Allāh para sa kanila ng mga uri ng kaginhawahan sa Paraiso.
{24. Makakikilala ka sa mga mukha nila ng ningning ng Kaginhawahan.} Kapag nakakita ka sa kanila makakikilala ka sa mga epekto ng biyaya at galak sa mga mukha nila na nagsisinag ng liwanag.
{25. Paiinumin sila mula sa isang dalisay na alak na ipininid.} Paiinumin sila mula sa isang kaaya-ayang alak na hindi nag-aalis ng isip at hindi nasaling ng isang kamay bago nila. {26. Ang pampinid nito ay musk, at alang-alang doon ay magtagisan ang mga magtatagisan.} Ipininid nga ang lalagyan nito sa pamamagitan ng amoy ng musk, at alang-alang doon ay mag-unahan ang mga nag-uunahan sa pagdadali-dali sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway niya. {27. Ang lahok nito ay mula sa Tasnīm: 28. isang bukal na iinom mula roon ang mga inilapit.} Ibig sabihin: hahaluan ang inuming iyon ng tubig ng bukal na tinatawag na Tasnīm, na iinom mula roon ang mga mabuting-loob na inilapit.
Ikalawa. Ang Paglilinaw na ang pananaig ay ukol sa mga mananampalataya laban sa mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon.
Pagkatapos ipininid ni Allāh ang marangal na sūrah sa pamamagitan ng paglilinaw sa ilan sa mga saloobin ng mga salarin sa mga mananampalataya sa Mundo, ayon sa sumusunod na paraan:
{29. Tunay na ang mga nagpakasalarin ay dati sa mga sumampalataya tumatawa.} Tumatawa sila nang may panunuya at pangungutya sa mga mananampalataya.
{30. Kapag naparaan sila sa mga ito ay nagkikindatan sila.} Kapag naparaan ang mga tagatangging sumampalataya, nagkikindat ang ilan sa kanila ng mata sa iba pa bilang panunuya at panghahamak.
{31. Kapag umuwi sila sa mga kapwa nila ay umuuwi sila na mga nagbibiro.} Kapag bumalik ang mga tagatangging sumampalataya sa mag-anak nila, bumabalik sila habang natutuwa sa kung nasa anuman sila habang nagpapakasarap sa ginagawa nila sa mga mananampalataya.
{32. Kapag nakakita sila sa mga ito ay nagsasabi sila: "Tunay na ang mga ito ay talagang mga ligaw."} Kapag nakita ng mga tagapagtambal ang mga mananampalataya, inilalarawan nila ang mga ito ng pagkaligaw dahil ang mga ito ay hindi nasa relihiyon niya at dahil ang mga ito ay sumunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kumapit sa inihatid niya. {33. Hindi sila isinugo sa mga ito bilang mga tagapag-ingat.} Ang totoo ay na ang mga salaring ito ay hindi ipinadala ni Allāh bilang mga mapagmasid sa mga mananampalataya.
Pagkatapos binanggit ni Allāh ang kauuwian ng mga kalagayan nila sa Kabilang-buhay sapagkat nagsabi Siya:
{34. Kaya sa Araw na iyon ang mga sumampalataya ay sa mga tagatangging sumampalataya tatawa 35. habang nasa mga supa ay nakatingin.} Tunay na ang mga mananampalataya ay titingin sa mga tagatangging sumampalataya, habang ang mga ito ay pinagdurusa sa Impiyerno. Tatawa sila kapag nakakikita sila sa mga ito na mga kaaba-aba, na mga nadaig, na binabaan na ng pagdurusa, gaya ng pagtawa sa Mundo ng mga tagatangging sumampalataya.
Pagkatapos magtatanong si Allāh: {36. Gagantimpalaan kaya ang mga tagatangging sumampalataya sa anumang dati nilang ginagawa?} Ibig sabihin: Gagantihan kaya ang mga tagatangging sumampalataya dahil sa anumang dati nilang ginagawa sa mga mananampalataya? Ang sagot ay nalalaman. Gagantimpalaan nga ang mga tagatangging sumampalataya ng pinakalubos na gantimpala. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Kabilang sa mahihinuha mula sa mga marangal na āyah:
1. Ang kasukdulan ng kaginhawahan ng mga maninirahan sa Paraiso sa Araw ng Pagbangon.
2. Ang pagtatagisan sa kabutihan ay adhikain ng bawat Muslim.
3. Ang pagkabawal ng mapanlait na kindatan, panunuya, at pangungutya sa mga Muslim.
4. Ang makatarungang ganting-pinsala ay isasakatuparan sa Araw ng Pagbangon.
5. Ang pananaig ay ukol sa mga mananampalataya labang sa mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Sasagot ako at makikipagtalakayan ako.
Ang pagtatagisang tunay at nagbubunga ay ang pagtatagisan sa mga gawain ng kabutihan para sa pagtamo ng Paraiso at anuman naroon na ginhawa. Ayon sa liwanag niyon, tumugon ka sa sumusunod:
1. Magbulay-bulay ka sa mga kalagayan mo, pagkatapos magtanong ka sa sarili mo: Ano ang mga gawain ng kabutihan na nagsusumikap ako sa paggawa ng mga iyon?
2. Nagbigay-babala sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagtatagisan sa kamunduhan sapagkat nagsabi siya: "...sumpa man kay Allāh, hindi ang karukhaan ang higit na kinatatakutan ko para sa inyo subalit ako ay natatakot na pasaganahin sa inyo ang Mundo kung paanong pinasagana ito sa mga bago ninyo sapagkat nagtagisan sila rito kung paanong nagtatagisan kayo rito at magpapasawi ito sa inyo kung paanong nagpasawi ito sa kanila." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 4015 at Imām Muslim: 2961.
Makipagtalakayan ka sa mga kaibigan mo o mag-anak mo hinggil sa ipinahihiwatig ng ḥadīth na ito. Hanguin mo ang pinakamahalaga sa mahihinuha mula roon upang ipatupad mo ito sa praktikal na buhay mo.
Aktibidad 2: Mag-uugnay ako at magpapahayag ako.
Nagsabi si Allāh: {Yumayari siya ng daong. Sa tuwing may napadaan sa kanya na isang konseho kabilang sa mga tao niya ay nanunuya sila sa kanya. Nagsabi siya: "Kung nanunuya kayo sa amin, tunay na kami ay manunuya sa inyo kung paanong *nanunuya kayo,} (Qur'ān 11:38) Basahin mo ang āyah, pagkatapos sumagot ka.
1. Iugnay mo ang āyah na ito sa nasaad sa huling bahagi ng Sūrah Al-Muṭaffifīn.
2. Ang ilan sa mga Muslim ay nalulungkot at naiinis sa panunuya ng mga mangmang at mga tagatangging sumampalataya sa mga gawaing pagsamba ng Islām. Magharap ka sa mga Muslim na ito ng isang pananalitang naglilinaw rito ng masamang kahihinatnan ng panunuyang iyon sa pamamagitan ng kuwento ni Noe (sumakanya ang pangangalaga) at nasaad sa Sūrah Al-Muṭaffifīn.
Aktibidad 3: Maghahango ako at makikipagtalakayan ako.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, huwag manuya ang ilang lalaki sa ilang lalaki; baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti kaysa sa kanila [na nanunuya]. Huwag [manuya] ang ilang babae sa ilang babae; baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti sa kanila [na nanunuya]. Huwag kayong manuligsa sa isa't isa sa inyo at huwag kayong magtawagan ng mga [masamang] taguri. Kay saklap bilang pangalan ang kasuwailan matapos ng pananampalataya. Ang sinumang hindi nagbalik-loob, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.} (Qur'ān 49:11) Basahin mo ang marangal na ḥadīth, pagkatapos:
1 Humango ka mula sa āyah ng kahatulan sa panunuya sa mga Muslim at ng masamang kahihinatnan niyon sa Mundo at Kabilang-buhay.
2. Talakayin mo kasama ng kaklase mo ang mga masagwang epekto ng panunuya sa pagkaganap ng pagkamuhi at pagkakalayuang-loob.
Aktibidad 4: Maghahambing ako.
Maghambing ka sa pagitan ng mga kalagayan ng mga masamang-loob at ng kalagayan ng mga mabuting-loob sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng napag-aralan mo mula sa Sūrah Al-Muṭaffifīn.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang kahulugan ng "mga nagbibiro" sa sabi ni Allāh: {Kapag umuwi sila sa mga kapwa nila ay umuuwi sila na mga nagbibiro.} (Qur'ān 83:13)
(mga masaya sa gawain nila - nagdadala ng prutas - mga tumatakas nang mabilis).
2. Ang kahulugan ng "sinulatan" sa sabi ni Allāh: {Isang talaan na sinulatan.} (Qur'ān 83:20)
(inilagay - sinulatan - iniangat).
3. Ang mga inilapit sa sabi Niya: {Sasaksi rito ang mga inilapit.} (Qur'ān 83:21) ay kabilang sa:
(mga kasamahan - mga propeta - mga anghel).
PANUTO 2: Ulitin ang pagkakasulat ng mga sumusunod na pangungusap matapos ng pagtatama ng nilalaman ng mga ito na mga kamalian:
1. Ang pag-inom ng alak ay bawal sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ang pag-inom ng alak ay bawal sa Mundo hindi sa Kabilang-buhay.
2. Manunuya ang tagatangging sumampalataya sa mananampalataya sa Mundo at Kabilang-buhay.
Manunuya ang tagatangging sumampalataya sa mananampalataya sa Mundo hindi sa Kabilang-buhay.
3. Nararapat na makilahok ang Muslim sa bawat pakikipagtagisan.
Makikilahok ang Muslim sa pakikipagtagisan sa kabutihan hindi sa kasamaan.
PANUTO 3: Nagsabi si Allāh: {25. Paiinumin sila mula sa isang dalisay na alak na ipininid. 26. Ang pampinid nito ay musk, at alang-alang doon ay magtagisan ang mga magtatagisan. 27. Ang lahok nito ay mula sa Tasnīm: 28. isang bukal na iinom mula roon ang mga inilapit.} (Qur'ān 83:25-28)
1. Magbigay-linaw ka sa mga talata ayon sa istilo mo.
2. Maglinaw ka sa nahinuha mo mula sa mga āyah na ito.
PANUTO 4: Tugunin mo ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Magpaliwanag ka ng kahatulan sa panunuya sa mga Muslim at ng masamang kahihinatnan niyon sa Mundo at Kabilang-buhay.
2. Magbigay-linaw ka sa isang katuturan na ipinahiwatig ng mga āyah ng aralin.
3. Ang Pagpapakahulugan sa Sūrah Al-Inshiqāq (Qur'ān 84:1-15)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsaulo ka ng mga āyah ng aralin.
2. makapaglilinaw ka ng mga kahulugan ng mga mahirap na salita sa mga āyah ng aralin;
3. makapagpakahulugan ka sa mga āyah ng aralin nang maiksi;
4. makapagbigay-patunay ka sa pagtalima ng mga langit at lupa kay Allāh;
5. makakilala ka ng kaibahan sa pagitan ng mananampalataya at ng tagatangging sumampalataya sa pagkuha ng talaan ng mga gawa sa Araw ng Pagbangon;
6. makapaglinaw ka sa pinakamahalaga sa mahihinuha mula sa mga āyah ng aralin;
7. makapagsadamdamin ka ng panganib ng mga pangyayari na mauuna sa Huling Araw.
Aktibidad na Pang-umpisa
Nagsimula ang ilang sūrah sa Juz' `Amma sa salitang "kapag". Magsulat ka mula sa memorya mo ng mga pangalan ng tatlong sūrah nagsasalita sa salitang ito.
(__________, __________, __________)
Ang Sūrah Al-Inshiqāq ay Makkīyah. Ang paksa nito ay ang sanaysay tungkol sa Araw ng Pagbangon at ang pagbibigay-diin sa pagkaganap nito. Nalaman nga ang mga āyah ng aralin sa dalawang bahagi, gaya ng ipinaliliwanag sa sumusunod na pigura.
Ang Sūrah Al-Inshiqāq
Una. Ang mga Hilakbot sa Araw ng Pagbangon
Ikalawa. Ang mga Kalagayan ng mga Tao sa Araw ng Pagbangon.
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Idha –ssamā'u –nshaqqat, (Kapag ang langit ay nabiyak,)} {2. Wa-adhinat li-rabbihā wa-ḥuqqat, (at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito, )} {3. Wa-idha –l'arḍu muddat, (kapag ang lupa ay binanat,)} {4. Wa-alqat mā fīhā wa-takhallat, (at nagtapon ito ng nasa loob nito at nagtatwa ito,)} {5. Wa-adhinat li-rabbihā wa-ḥuqqat, (at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito;)} {6. Yā'ayyuha –l'insānu innaka kādiḥun ilā rabbika kadḥan fa-mulāqīh (O tao, tunay na ikaw ay nagpapakapagod tungo sa Panginoon mo sa isang pagpapakapagod.}} {7. Fa-amma man ūtiya kitābahū bi-yamīnih, (Kaya hinggil sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa kanang kamay niya,)} {8. Fa-sawfa yuḥāsabu ḥisāban yasīran (tutuusin siya sa isang pagtutuos na magaan)} {9. Wa-yanqalibu ilā ahlihi masrūrā (at uuwi siya sa mag-anak niya na pinagagalak.)} {10. Wa-amma man ūtiya kitābahū warā'a ḍ̆ahrih, (Hinggil naman sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa bandang likod niya,)} {11. Fa-sawfa yad`ū thubūrā (mananawagan siya ng pagkagupo)} {12. Wa-yaṣlā sa`īrā. (at masusunog siya sa isang liyab.)} {13. Innahū kāna fī ahlihī masrūrā. (Tunay na siya noon sa piling ng mga kapwa niya ay masaya.)} {14. Innahū ḍ̆anna al lan yaḥūr. {Tunay na siya ay nagpalagay na hindi siya manunumbalik [kay Allāh].)} {15. Balā inna rabbahu kāna bihī baṣīrā. (Bagkus, tunay na ang Panginoon niya ay laging sa kanya nakakikita.)}
(Qur'ān 84:1-15) Ang Pananalita Ang Kahulugan Nito
nagindapat ito: nakarinig ito sa Panginoon nito at tumalima.
binanat ito: dinagdagan ito sa luwag nito.
nagtatwa ito: nagpalabas ito ng nasa loob nito.
nagpapakapagod: nagseseryoso sa gawain.
pagkagupo: pagkasawi at kalugihan.
manunumbalik: babalik.
Una. Ang mga Hilakbot sa Araw ng Pagbangon
Nagsisimula ang marangal na sūrah sa paglilinaw sa dalawang pangyayaring pangsansinukob na mauuna sa pagbubuhay, na ang isa sa dalawa ay nauugnay sa langit at iba pa ay nauugnay sa lupa, ayon sa sumusunod na paraan:
1. Ang Nauuganay sa Langit. Nagsasabi si Allāh: {1. Kapag ang langit ay nabiyak, 2. at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito,} Ibig sabihin: nakarinig ito sa Panginoon nito, tumalima ito sa pagkabiyak, at nagindapat para rito na makarinig at tumalima.
2. Ang Nauugnay sa Lupa. Nagsasabi si Allāh: {3. kapag ang lupa ay binanat,} Ibig sabihin: dinagdagan ito sa luwag nito at walang natira sa ibabaw nito na isang estruktura ni bundok. {4. at nagtapon ito ng nasa loob nito at nagtatwa ito,} Ibig sabihin: nagpalabas ito ng nasa loob nito na mga patay papunta sa ibabaw nito at nagtatwa ng mga ito. {5. at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito;} Ibig sabihin: nakarinig ito sa Panginoon nito, tumalima ito sa pagkalawak at pagtatapon ng nasa loob nito, at nagindapat para rito na makarinig at tumalima.
Ang sagot sa "kapag at anumang idinugtong dito" ay inalis, na ipinahiwatig naman ng sabi ni Allāh: {6. O tao, tunay na ikaw ay nagpapakapagod tungo sa Panginoon mo sa isang pagpapakapagod kaya} Ibig sabihin: O tao, tunay na ikaw ay gumagawa sa buhay na ito at nagseseryoso sa gawain mo upang makipagkita ka sa Panginoon mo at matagpuan mo ang ginawa mo na kabutihan o kasamaan.
Ang implikasyon ng pangungusap: Kapag nangyari iyon, makikipagkita ang tao sa Panginoon niya at makakikita siya sa gawa niya.
Ikalawa. Ang mga Kalagayan ng mga Tao sa Araw ng Pagbangon
Pagkatapos binanggit ni Allāh ang mga kalagayan ng mga tao at ang pagkakahati nila sa dalawang pangkat sa sandali ng pagtanggap ng mga pahina ng mga gawa nila.
Ang unang pangkat ay ang mga mananampalatayang inilalarawan sa sabi ni Allāh: {7. Kaya hinggil sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa kanang kamay niya, 8. tutuusin siya sa isang pagtutuos na magaan 9. at uuwi siya sa mag-anak niya na pinagagalak.} Ibig sabihin: Kaya hinggil sa sinumang bibigyan ng talaan ng mga gawa niya sa kanang kamay niya – sila ay ang mga mananampalataya – tunay na siya ay tutuusin sa isang pagtutuos na madali sa pamamagitan ng paglalahad sa kanya ng mga masagwang gawa niya, pagkatapos magpapatawad si Allāh sa kanya, saka babalik siya sa mag-anak niya sa Paraiso na natutuwa sa ibinigay ni Allāh sa kanya.
Ang ikalawang pangkat ay ang mga tagatangging sumampalatayang inilalarawan sa sabi ni Allāh: {10. Hinggil naman sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa bandang likod niya,} Ibig sabihin: Hinggil naman sa sinumang bibigyan ng talaan ng mga gawa niya mula sa bandang likod niya kung saan babaluktutin ang kaliwang kamay niya mula sa likuran niya at ibibigay ang talaan niya roon habang ang kanang kamay naman niya ay nakatanikala sa leeg niya, {11. mananawagan siya ng pagkagupo} Ibig sabihin: saka kapag nabasa niya ang talaan niya, mananawagan siya laban sa sarili niya ng pagkasawi at kalugihan. {12. at masusunog siya sa isang liyab.} Pagkatapos papasok siya sa apoy ng Impiyerno para pagdusahin doon.
Pagkatapos bumanggit si Allāh ng dalawang kadahilanan ng pagdulot ng pagdurusa sa tagatangging sumampalataya. Ang dalawang ito ay: A.
{13. Tunay na siya noon sa piling ng mga kapwa niya ay masaya.} Ibig sabihin: Siya noon sa Mundo ay masaya, na hindi nag-iisip kaugnay sa mga kahihinatnan at hindi nangangamba sa pagdurusa sa Kabilang-buhay. B.
{14. Tunay na siya ay nagpalagay na hindi siya manunumbalik [kay Allāh].} [Nagpapalagay siya na] hindi siya babalik kay Allāh at hindi bubuhayin para sa pagtutuos at pagganti.
Kaya tumugon si Allāh sa pag-aakala nito, na nagsabi: {15. Bagkus, tunay na ang Panginoon niya ay laging sa kanya nakakikita.} Ibig sabihin: Tunay na siya ay babalik kay Allāh sapagkat tunay na si Allāh ay laging nakatatalos sa kanya at sa mga gawa niya: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman.
Kabilang sa mahihinuha mula sa mga marangal na āyah:
1. ang tindi ng mga pangyayari na mauuna sa pagbubuhay, gaya ng pagkabiyak-biyak ng langit, pagkabanat ng lupa, at iba pa rito;
2. ang pagtalima ng mga langit at lupa kay Allāh;
3. ang pagkakahati ng mga tao sa dalawang pangkat sa Araw ng Pagbangon alinsunod sa mga gawa nila sa Mundo.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghahambing ako.
Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpalugod sa kanya na tumingin sa Araw ng Pagbangon na para bang iyon ay pagtingin ng isang mata, bumigkas siya ng Sūrah At-Takwīr, Sūrah Al-Infiṭār, at Sūrah Al-Inshiqāq." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 3333 at Imām Aḥmad: 4806. Ayon sa liwanag ng pag-aaral mo ng mga pangyayari na mauuna sa Araw ng Pagbangon sa Sūrah Al-Infiṭār at Sūrah Al-Inshiqāq, magsagawa ka ng paghahambingan sa dalawang ito sa sumusunod na talahanayan.
Ang mga Pangyayari sa Sūrah Al-Infiṭār
Ang Pagkabiyak-biyak ng Langit
Ang Pagkalatan ng mga Tala
Ang Paghahalu-halo ng mga Dagat
Ang Paglabas ng mga Patay Mula sa mga Libingan
Ang mga Pangyayari sa Sūrah Al-Inshiqāq
Ang Pagkabiyak-biyak ng Langit
Ang Paglawak ng Lupa
Ang Paglabas ng Nasa Ilalim ng Lupa na mga Patay
Mga Pangyayaring Nabanggit sa Isa sa Dalawang Sūrah Hindi sa Iba pa
Ang Pagkalatan ng mga Tala sa Nasaad sa Sūrah Al-Infiṭār
Ang Paglawak ng Lupa sa Nasaad sa Sūrah Al-Inshiqāq
Aktibidad 2: Makikilahok ako at sasagot ako.
Nagsabi si Allāh sa paglalarawan sa mga kasamahan ng kaliwa kapag kinukuha nila ang mga talaan ng mga gawa nila sa Araw ng Pagbangon: {25. Hinggil naman sa bibigyan ng talaan niya sa kaliwang kamay niya, magsasabi siya: "O kung sana ako ay hindi binigyan ng talaan ko 26. at hindi nakabatid sa kung ano ang pagtutuos sa akin! 27. O kung sana [ang kamatayang] ito ay naging ang tagapagpawakas! 28. Hindi nakapagpakinabang para sa akin ang yaman ko. 29. Napahamak sa akin ang kapamahalaan ko." 30. [Sasabihin]: "Kunin ninyo siya at ikulyar ninyo siya. 31. Pagkatapos sa Impiyerno ay sumunog kayo sa kanya. 32. Pagkatapos sa isang tanikalang ang haba nito ay pitumpung bisig ay isuot ninyo siya." 33. Tunay na siya noon ay hindi sumasampalataya kay Allāh, ang Sukdulan. 34. at hindi humihimok sa pagpapakain sa dukha. 35. Kaya walang ukol sa kanya sa Araw na ito rito na isang tagapagtanggol, 36. at walang pagkain kundi mula sa isang tagas ng sugat. 37. Walang kakain niyon kundi ang mga nagkakasala.}
(Qur'ān 69:25-37) Sa pakikilahok sa grupo, sagutin mo ang sumusunod: 1. Magbuod ka ng mga kalagayan ng tagatangging sumampalataya, na nasaad sa mga āyah na ito at mga āyah ng aralin.
2. Humango ka mula sa mga āyah na ito ng mga kadahilanan ng pagpasok sa Impiyerno ng tagatangging sumampalataya.
Aktibidad 3: Mag-iisip ako, pagkatapos tutugon ako.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay magpapalapit sa mananampalataya, saka maglalagay sa kanya ng kalinga Niya at magtatakip sa kanya, saka magsasabi: 'Nakakikilala ka ba sa pagkakasalang ganito?' saka magsasabi siya: 'Oo, siya nga Panginoon ko.' Hanggang sa nang umamin siya ng mga pagkakasala niya at nagturing siya sa sarili niya na siya ay nasawi, nagsabi naman si Allāh: 'Nagtakip ako sa mga iyon sa iyo sa Mundo at Ako ay nagpapatawad sa mga iyon para sa iyo ngayong araw.' Kaya ibibigay ng talaan ng mga magandang gawa niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2441 at Imām Muslim: 2768).
Magbulay-bulay ka sa ḥadīth na ito at mag-ugnay ka sa pagitan nito at ng sabi ni Allāh: {7. Kaya hinggil sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa kanang kamay niya, 8. tutuusin siya sa isang pagtutuos na magaan}
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang ninais tukuyin ng "nagpapakapagod " sa sabi ni Allāh: {O tao, tunay na ikaw ay nagpapakapagod tungo sa Panginoon mo sa isang pagpapakapagod} ay:
(gumagawa - dumarating - nagpapatirapa).
2. Naglinaw ang mga āyah ng aralin na kabilang sa mga kadahilanan ng pagdurusa ng tagatangging sumampalataya:
(ang pagwaksi sa ṣalāh - ang pagkakaila sa pagbubuhay - ang pagnanakaw ng mga ari-arian).
3. Nasaad buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mayroong tatlong sūrah na nagpapaliwanag sa mga pangyayari sa Araw ng Pagbangon, na kabilang sa mga ito ang Sūrah:
(Al-Qiyāmah - Al-Takwīr - Al-Qadr).
PANUTO 2: Linawin mo ang mga kahulugan ng mga sumusunod na salita:
(duminig ito - nagtatwa ito - pagkagupo - manunumbalik)
PANUTO 3: Ulitin ang pagkakasulat ng mga sumusunod na pangungusap matapos ng pagtatama ng nilalaman ng mga ito na mga kamalian:
1. Magkakabuu-buo ang pitong langit sa Araw ng Pagbangon.
Magkakabiyak-biyak ang pitong langit sa Araw ng Pagbangon.
2. Magpapakamalaki ang tagasuway sa Araw ng Pagbangon sa pagkuha ng talaan niya.
Kukunin ng tagasuway sa Araw ng Pagbangon ang talaan niya sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya mula sa bandang likod niya.
3. Kukunin ng tagatalima ang talaan niya sa pamamagitan ng kanang kamay niya mula sa bandang likod niya.
Kukunin ng tagatalima ang talaan niya sa pamamagitan ng kanang kamay niya mula sa harapan niya.
PANUTO 4: Nagsabi si Allāh: {3. kapag ang lupa ay binanat, 4. at nagtapon ito ng nasa loob nito at nagtatwa ito, 5. at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito,} (Qur'ān 84:3-5)
1. Magbigay-linaw ka sa mga talata ayon sa istilo mo.
2. Maglinaw ka sa nahinuha mo mula sa mga ito.
PANUTO 5: Tugunin ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Maghambing ka sa pagitan ng kalagayan ng mananampalataya at ng kalagayan ng tagatangging sumampalataya matapos ng pagkuha ng mga talaan ng mga gawa sa Araw ng Pagbangon.
2. Magbigay-linaw ka sa dalawang katuturan mula sa mga āyah ng aralin.
4. Ang Pagpapakahulugan sa Sūrah Al-Inshiqāq (Qur'ān 84:16-25)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsaulo ka ng mga āyah ng aralin.
2. makapaglilinaw ka ng mga kahulugan ng mga mahirap na salita sa mga āyah ng aralin;
3. makapagpakahulugan ka sa mga āyah ng aralin nang maiksi;
4. makapaglinaw ka sa pinakamahalaga sa mahihinuha mula sa mga āyah ng aralin;
5. makapagsadamdamin ka sa kainaman ng mga alagad ng pananampalataya.
Aktibidad na Pang-umpisa
Sumumpa si Allāh sa pagkaganap ng pagbubuhay sa pamamagitan ng sarisaring panunumpa. Bumanggit ka mula sa mga ito ng dalawang hindi nasaad sa aralin.
May natira sa atin sa mga āyah ng marangal na sūrah na dalawang bahagi, gaya ng ipinaliliwanag sa sumusunod na pigura:
Ang Sūrah Al-Inshiqāq (Qur'ān 84:16-25)
Una. Ang Pagbibigay-diin sa Pagkaganap ng Pagbubuhay
Ikalawa. Ang Pagkakaila ng mga Tagatangging Sumampalataya sa Pagbubuhay at Pagtutuos
{16. Fa-lā uqsimu bi-shshafaq, (Kaya talagang sumusumpa Ako sa pamumula ng takipsilim,)} {17. Wa-llayli wa-mā wasaq, (at sa gabi at sa iniipon nito,)} {18. Wa-lqamari idha –ttasaq; (at sa buwan kapag namilog ito;)} {19. La-tarkabunna ṭabaqan `an ṭabaq. (talagang lululan nga kayo sa isang antas buhat sa isang antas.)} {20. Fa-mā lahum la yu'minūn? (Kaya ano ang mayroon sa kanila na hindi sila sumasampalataya?)} {21. Wa-idhā quri'a `alayhimu –lqur'ānu lā yasjudūn. (Kapag binigkas sa kanila ang Qur'ān ay hindi sila nagpapatirapa.)} {22. Bali –lladhīna kafarū yukadhdhibūn. (Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapasinungaling.)} {23. Wa-llāhu a`lamu bimā yū`ūn. (Si Allāh ay higit na maalam sa anumang iniimbak nila.)} {24. Fa-bashshirhum bi`adhābin alīm, (Kaya magbalita ka sa kanila hinggil sa isang pagdurusang masakit,)} {25. Illa –lladhīna āmanū wa-`amilu –ṣṣāliḥāti lahum ajrun ghayru mamnūn. (maliban ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos; ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil.)}
Ang Sūrah Al-Inshiqāq (Qur'ān 84:16-25) Ang Pananalita Ang Kahulugan Nito
pamumula ng takipsilim: ang pamumula matapos ng paglubog ng araw hanggang sa oras ng `ishā'.
inipon nito: tinipon nito, ipinagsama nito, at itinakip nito.
namilog ito: nabuo ito.
isang antas buhat sa isang antas: mga kalagayan matapos ng mga kalagayan.
iniimbak nila: ikinukubli nila:
matitigil: mapuputol.
Una. Ang Pagbibigay-diin sa Pagkaganap ng Pagbubuhay
Nagbibigay-diin si Allāh sa paniniwala sa pananampalataya sa pagbubuhay. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsumpa sa pagkaganap nito sa pamamagitan ng mga tandang pansansinukob. Kabilang sa mga ito ang sumusunod:
{16. (Kaya talagang sumusumpa Ako sa pamumula ng takipsilim,} Ang pamumula ng takipsilim ay ang pamumula matapos ng paglubog ng araw hanggang sa oras ng `ishā'.
{17. (at sa gabi at sa iniipon nito,} at sa gabi at sa tinipon nito, ipinagsama nito, at itinakip nito,
{18. Wa-lqamari idha –ttasaq; (at sa buwan kapag namilog ito;)} at sa buwan kapag nabuo ito bilang bagong buwan sa kalagitnaan ng buwang lunar;
Ang tugon ng pagsumpa ay ang sabi ni Allāh: {19. talagang lululan nga kayo sa isang antas buhat sa isang antas.} Ibig sabihin: Makararanas kayo ng mga kalagayan matapos ng mga kalagayan, na ang iba sa mga ito ay higit na matindi kaysa sa iba pa. Ito ay ang kamatayan at ang anumang matapos nito kabilang sa mga hilakbot ng Araw ng Pagbangon hanggang sa pagpasok sa Paraiso o Impiyerno.
Ikalawa. Ang Pagkakaila ng mga Tagatangging Sumampalataya sa Pagbubuhay
Sa kabila ng pagbibigay-diin ni Allāh doon sa pamamagitan ng pagsumpa, tunay na ang ilan sa mga tao ay hindi sumasampalataya sa Qur'ān ni sa Pagbangon [ng mga patay] bilang pagmamatigas at bilang pagpapakamalaki. Nagsasabi si Allāh:
{20. Kaya ano ang mayroon sa kanila na hindi sila sumasampalataya?} Ibig sabihin: Kaya aling bagay ang pumipigil sa kanila sa pagsampalataya sa pagkaganap ng pagbubuhay sa Araw ng Pagbangon.
{21. Kapag binigkas sa kanila ang Qur'ān ay hindi sila nagpapatirapa.} Aling tagapigil ang pumipigil sa kanila sa pagpapatirapa at pagpapakumbaba kay Allāh sa sandali ng pagbigkas ng Qur'ān na nagpatunay ang paghihimala nito na ito ay ibinababa mula sa gang kay Allāh?
{22. Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapasinungaling.} Ibig sabihin: Ang reyalidad ay na ang mga tagatangging sumampalataya ay nagpapasinungaling sa Aklat na naglalaman ng pagpapatibay sa Tawḥīd, pagbubuhay, pagtutuos, at pagganti sa kabila ng pagkakaalam nila sa katapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
{23. Si Allāh ay higit na maalam sa anumang iniimbak nila.} Si Allāh ay higit na maalam sa anumang ikinukubli nila na pagpapasinungaling at mga kadahilanan ng pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya.
{24. Kaya magbalita ka sa kanila hinggil sa isang pagdurusang masakit,} Ibig sabihin: Kaya magpabatid ka sa kanila, O Propeta, hinggil sa inihanda ni Allāh para sa kanila na isang pagdurusang nakasasakit.
Inilibre ni Allāh sa pagdurusang ito ang mga alagad ng pananampalataya sapagkat nagsabi Siya:
{25. maliban ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos; ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil.} Ang kahulugan: subalit ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya – kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na ito at iba pa sa kanila – at nanatili sa maayos sa mga gawa, ukol sa kanila sa tahanang pangkabilang-buhay ay isang pabuya at isang gantimpalang hindi mapuputol at hindi mababawasan.
Kabilang sa mahihinuha mula sa mga marangal na āyah:
1. Hindi makaiiwas sa isang tahanan para sa pagganti sapagkat ang kaalaman ni Allāh, ang kakāyahan Niya, karunungan Niya, at katarungan Niya ay humihiling niyon.
2. Ang pagpapasinungaling ng mga tagatangging sumampalataya sa Qur'ān at Araw ng Pagbangon.
3. Ang mga alagad ng pananampalataya ay may isang dakilang gantimpalang hindi mapuputol at hindi mababawasan sa Araw ng Pagbangon.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikipagtalakayan ako at sasagot ako.
Mahal kong estudyante, marahil ikaw ay nakapansin sa inaral mo mula sa simula ng yunit na ito ng dami ng sanaysay ng Marangal na Qur'ān tungkol sa Araw ng Pagbangon at sa mangyayari roon. Makipagtalakayan ka sa mga kaklase mo sa paglilinaw sa kadahilanan niyon, pagkatpos itala mo ang sagot sa kuwaderno mo.
Yayamang ang kaayusan ng tao sa ibabaw ng lupa ay nakaugnay sa pananampalataya niya sa Huling Araw, dumami ang pagbanggit sa Huling Araw sa mga āyah ng Marangal na Qur'ān. Pagkatapos tunay na ang Marangal na Qur'ān ay bumaba sa mga taong hindi sumasampalataya sa Huling Araw, kaya naman dumami ang pagbanggit doon para sa paghikayat sa kanila, pakikipagtalakayan sa kanila, at pagtugon sa kanila.
Aktibidad 2: Sasagot ako.
Nagsasabi si Allāh: {19. talagang lululan nga kayo sa isang antas buhat sa isang antas.} Ang kahulugan: Makararanas kayo ng mga kalagayan matapos ng mga kalagayan. Ito ay bilang pagbubuod. Magsulat ka ng tatlong āyah mula sa naisaulo mo, na sa mga ito ay may pagdedetalye ng pagbubuod na ito.
Aktibidad 3: Magsasaliksik ako at sasagot ako.
Sa sandali ng pagbigkas sa sabi ni Allāh: {21. Kapag binigkas sa kanila ang Qur'ān ay hindi sila nagpapatirapa.} itinuturing na kaibig-ibig para sa tagabigkas at tagapakinig na magpatirapa ng pagpapatirapa ng pagbigkas ng Qur'ān.
1. Sa pamamahala ng tagapagturo mo, magsaliksik ka ng pamamaraang pagpapatirapa ng pagbigkas ng Qur'ān. Isinasakundisyon ba para rito ang pagkakasagawa ng wuḍū'? Basahin mo ang fatwā sa link na ito: https://binbaz.org.sa/fatwas/8787/حكم-الطهارة-لسجود-التلاوة-والشكر
Ito ay isang patirapa gaya ng patirapa sa ṣalāh. Sinasabi rito ang sinasabi sa patirapa sa ṣalāh: "Subḥāna rabbiya –l'a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas)" at ang nasaad din kaugnay sa patirapa sa pagbigkas din ng Qur'ān: "Sajada wajhī li-lladhī khalaqahu wa-shaqqa sam`ahu wa-baṣarahu bi-ḥawlihi wa-qūwatihi. (Nagpatirapa ang mukha ko sa Kanya na lumikha nito at nagbukas ng pandinig at paningin nito sa pamamagitan ng kapangyarihan Niya at lakas Niya.)" Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud: 1414 at Imām At-Tirmidhīy: 580. Itinuturing na kaibig-ibig para sa kanya ang magkaroon ng ṭahārah at natutumpak din naman nang wala nito.
2. Mayroong iba pang parte para sa pagpapatirapa ng pagbigkas sa ikatatlumpung bahagi ng Qur'ān, kaya ano ito?
Sa hulihan ng Sūrah Al-`Alaq.
3. Magpaeksakto ka sa paraan ng pagsusulat ng āyah ng pagpapatirapa. Tuklasin mo ang mga palatandaang nagbubukod dito sa mga iba sa mga ito.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang "pamumula ng takipsilim" ay ang pamumula na lumilitaw matapos ng paglubog ng araw. (✓)
2, Nagkakaiba-iba ang yugto ng pananatili sa Paraiso ng mga maninirahan sa Paraiso alinsunod sa mga gawa nila. (X)
3. Natatangi ang pagpapatirapa sa pagbigkas ng Qur'ān sa ṣalāh hindi sa iba pa rito. (X)
PANUTO 2: Magpakahulugan ka nang maiksi sa mga sumusunod na āyah: 1
{16. Kaya talagang sumusumpa Ako sa pamumula ng takipsilim, 17. at sa gabi at sa iniipon nito, 18. at sa buwan kapag namilog ito; 19. talagang lululan nga kayo sa isang antas buhat sa isang antas.}
2 {25. maliban ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos; ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil.}
PANUTO 3: Tugunin mo ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Maglinaw ka sa mga kahulugan ng mga sumusunod na salita: (iniipon nito - namilog ito - matitigil).
2. Magpaliwanag ka ng mahihinuha mula sa mga āyah.
5. Ang Pagpapakahulugan sa Sūrah Al-Burūj
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsaulo ka ng mga āyah ng aralin.
2. makapaglilinaw ka ng mga kahulugan ng mga mahirap na salita sa mga āyah ng aralin;
3. makapagpakahulugan ka sa mga āyah ng aralin nang maiksi;
4. makapagbuod ng kuwento ng mga kasamahan ng bambang.
5. makapaglinaw ka sa pinakamahalaga sa mahihinuha mula sa mga āyah ng aralin;
6. makapagdakila ka sa Marangal na Qur'ān.
Ang Sūrah Al-Burūj ay Makkīyah. Ang mga āyah nito ay 22 āyah. Tumatalakay ito sa kuwento ng mga kasamahan ng bambang, paglilinaw sa kakāyahan ni Allāh sa Sansinukob, at pagbibigay-diin sa kataasan ng pumapatungkol sa Marangal na Qur'ān.
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Wa-ssamā'I dhāti –lburūj, (Sumpa man sa langit na may mga konstelasyon,)} {2. Wa-lyawmi –lmaw`ūd, (sumpa man sa Araw na ipinangako,)} {3. Wa-shāhidin wa-mashhūd; (sumpa man sa isang tagasaksi at sa isang sinasaksihan;)} {4. Qutila aṣḥābu –l'ukhdūd (isinumpa ang mga kasamahan ng bambang)} {5. Annāri dhāti –lwaqūd, (na [may] apoy na may panggatong,)} {6. Idh hum `alayhā qu`ūd, (noong sila sa tabi nito ay mga nakaupo,)} {7. Wa-hum `alā mā yaf`alūna bi-lmu'mīna shuhūd. (habang sila, sa ginagawa nila sa mga mananampalataya, ay mga saksi.)} {8. Wa-mā naqamū minhum illā an yu'minū bi-llāhi –l`azīzi –lḥamīd, (Hindi sila naghinanakit sa mga ito maliban na sumampalataya ang mga ito kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Kapuri-puri,)} {9. Alladhī lahū mulku –ssamāwāti wa-l'arḍi wa-llāhu `alā kulli shay'in shahīd. (na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Si Allāh, sa bawat bagay, ay Saksi.)} {10. Inna –lladhīna fatanu –lmu'mīna wa-lmu'mināti thumma lam yatūbū fa-lahum `adhābu jahannama wa-lahum `adhābu –lḥarīq. (Tunay na ang mga umusig sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya, pagkatapos hindi sila nagbalik-loob, ay ukol sa kanila ang pagdurusa sa Impiyerno at ukol sa kanila ang pagdurusa ng pagsusunog.)} {11. Inna –lladhīna āmanū wa-`amilu –ṣṣāliḥāti lahum jannātun tajrī min taḥtiha –l'anhāru dhālika –lfawzu –lkabīr. (Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Iyon ang pagkatamong malaki.)} {12. Inna baṭsha rabbika la-shadīd. (Tunay na ang pagsunggab ng Panginoon mo ay talagang matindi.)} {13. Innahū huwa yubdi'u wa-yu`īd. (Tunay na Siya ay nagpapasimula at nagpapanumbalik.)} {14. Wa-huwa –lghafūr –lwadūd, (Siya ay ang Mapagpatawad, ang Mapagmahal,)} {15. Dhu –l`arshi –lmajīd, (ang May trono, ang Maringal,)} {16. Fa``ālul limā yurīd (palagawa ng anumang ninanais Niya.)} {17. Hal atāka ḥadīth –ljunūd, (Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay ng mga kawal,)} {18. Fir`awna wa-thamūd? ([na mga kawal] ni Paraon at ng Thamūd?)} {19. Bali –lladhīna kafarū fī takdhīb, (Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang pagpapasinungaling,)} {20. Wa-llāhu min warā'ihim muḥīṭ. (samantalang si Allāh, mula sa likuran nila, ay Tagapaligid.)} {21. Bal huwa qur'ānum majīd, (Bagkus ito ay isang Qur'ān na maringal,)} {22. Fī lawḥim maḥfūḍ̆. (na nasa isang Tablerong Pinag-iingatan.)} (Qur'ān 85:1-22)
Ang Pananalita Ang Kahulugan Nito
mga konstelasyon: mga pinanunuluyan ng mga tala o mga malaking bituin ng langit.
ipinangako: Araw ng Pagbangon.
isang tagasaksi at sa isang sinasaksihan: ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang Araw ng Pagbangon.
bambang: malaking hukay sa lupa.
mga saksi: mga nanonood at tumitingin.
naghinanakit: pinintasan at kinasuklaman.
pagsunggab ng Panginoon mo: pagkuha ng Panginoon mo.
tagapaligid: tagakaya sa kanila.
maringal: dakilang marangal.
Una. Ang Panunumpang Pandiyos
Nagsisimula ang sūrah sa ilang panunumpa kay Allāh sa pagsumpa (curse) sa mga kasamahan ng bambang. Ang mga panunumpang ito ay:
1 {1. Sumpa man sa langit na may mga konstelasyon,} Ibig sabihin: Sumusumpa ako sa langit at mga konstelasyon nito. Ang mga konstelasyon ay mga pinanunuluyan ng mga tala o mga malaking bituin ng langit.
2 {2. sumpa man sa Araw na ipinangako,} Ibig sabihin: Sumusumpa ako sa Araw ng Pagbangon, na ipinangako.
3 {3. sumpa man sa isang tagasaksi at sa isang sinasaksihan;} Ang tagasaksi ay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang sinasaksihan ay ang Araw ng Pagbangon.
Ang sagot sa panunumpa ay inalis, na ipinahiwatig naman ng sabi ni Allāh: {4. isinumpa ang mga kasamahan ng bambang} Ibig sabihin: Isinumpa sila at itinaboy sila mula sa awa ni Allāh sapagkat para bang ang pananalita: "Sumusumpa ako sa mga bahay na ito na ang mga tagatangging sumampalataya ay mga isinumpa kung paanong isinumpa ang mga kasamahan ng bambang." Ang bambang ay ang malaking hukay sa lupa.
Ikalawa. Ang Kuwento ng mga Kasamahan ng Bambang
Sino ang mga kasamahan ng bambang?
Ang mga ito ay mga taong kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sa Najrān, na humiling sa mga mananampalataya na tumalikod sa Relihiyon nila ngunit tumanggi ang mga mananampalataya at kumapit sila sa Relihiyon nila. Naghukay para sa kanila ang mga tagatangging sumampalataya ng isang malaking hukay sa lupa. Nagpaningas ang mga ito roon ng apoy at nagtangka ang mga ito na pilitan sila sa pagtalikod sa Relihiyon nila ngunit hindi nila tinanggap kaya itinapon sila ng mga tagatangging sumampalataya sa apoy.
Nagsabi si Allāh: {5. na [may] apoy na may panggatong, 6. noong sila sa tabi nito ay mga nakaupo, 7. habang sila, sa ginagawa nila sa mga mananampalataya, ay mga saksi.} Ibig sabihin: Tunay na sila ay nagpaningas ng apoy at umupo sa mga silya sa tabi ng bambang, na nanunuod sa ginagawa sa mga mananampalataya.
Ang Kadahilanan ng Pagdudulot ng Pagdurusa ng mga Tagatangging Sumampalataya sa mga Mananampalataya
Pagkatapos naglinaw si Allāh ng kadahilanan ng pagdudulot ng pagdurusa ng mga tagatangging sumampalataya na ito sa mga mananampalataya sapagkat nagsabi Siya: {8. Hindi sila naghinanakit sa mga ito maliban na sumampalataya ang mga ito kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Kapuri-puri, 9. na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Si Allāh, sa bawat bagay, ay Saksi.} Ibig sabihin: Tunay na ang mga alagad ng kawalang-pananampalataya ay hindi namintas ng anuman sa mga mananampalataya kundi sa pananampalataya nila at paniniwala nila na si Allāh na hindi nadadaig, na pinapupurihan sa bawat kalagayan, na Tagapagmay-ari ng mga langit at lupa. Si Allāh ay Tagasaksi na Nakaaalam sa anumang ginawa sa mga mananampalataya kaya walang nakakukubli sa kanya na isang nakakubli, at gaganti sa kanila sa mga gawa nila.
Ang Ganti sa Dalawang Pangkat
Naglinaw si Allāh sa ganti sa dalawang pangkat, ayon sa sumusunod na paraan:
Ang paglilinaw sa ganti sa mga tagatangging sumampalataya. Nagsabi si Allāh: {10. Tunay na ang mga umusig sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya, pagkatapos hindi sila nagbalik-loob, ay ukol sa kanila ang pagdurusa sa Impiyerno at ukol sa kanila ang pagdurusa ng pagsusunog.} Ibig sabihin: Tunay na ang mga sumunog sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya upang magtaboy sa mga ito palayo sa Relihiyon ng mga ito, pagkatapos hindi sila nagbalik-loob, ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ang pagdurusa sa Impiyerno at ukol sa kanila ang pagdurusa ng pagkasunog sa apoy dahil ang ganti ay kabilang sa uri ng gawa. Kaya kung paanong sumunog sila sa mga mananampalataya, susunugin sila ni Allāh. Ang apoy ng Kabilang-buhay ay higit na matindi at higit na mananatili.
Ang paglilinaw sa ganti sa mga mananampalataya. Nagsabi si Allāh: {11. Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Iyon ang pagkatamong malaki.} Ibig sabihin: Hinggil naman sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos sa mga gawain, nagtiis sa apoy ng bambang, at nagpakatatag sa Relihiyon nila, ukol sa kanila ang mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito. Ang gantimpala at ang Kaginhawahang nabanggit na iyon ay ang pagkatamong malaki na walang katulad doon.
Ikatlo. Ang Paglilinaw sa Kakāyahan ni Allāh
Bahagi ng kakumpletuhan ng kabutihang-loob ni Allāh at kalubusan ng awa Niya na magpaalaala Siya sa atin ng kakāyahan Niya na walang mga hangganan para roon sapagkat ang pagpapaalaala sa kakāyahang ito ay may pagpapangilabot sa tagatangging sumampalataya, at pagpapaibig sa mananampalataya at pagpapatatag sa kanya sa pananampalataya at pagtitiis sa mga kasawiangpalad.
Nagbigay-diin nga si Allāh ng kalubusan ng kakāyahan Niya sa mga sumusunod na āyah ayon sa sumusunod:
1 {12. Tunay na ang pagsunggab ng Panginoon mo ay talagang matindi.} Ibig sabihin: Ang pagkuha Niya ay matindi kapag kinuha Niya ang tagatangging sumampalataya.
2 {13. Tunay na Siya ay nagpapasimula at nagpapanumbalik.} Ibig sabihin: Nililikha Niya ang nilikha sa pasimula, pagkatapos panunumbalikin Niya sila matapos na sila ay maging alabok.
3 {14. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Mapagmahal,} Ang Mapagpatawad ay ang marami ang pagpapaumanhin sa mga pagkakasala at ang Mapagmahal ay ang umiibig sa mga katangilik Niya.
4 {15. ang May trono, ang Maringal,} Ibig sabihin: Ang may-ari ng trono dahil Siya ay ang Tagalikha nito at ang Tagapagmay-ari nito, ang Maringal: ang karapat-dapat sa lahat ng mga katangian ng kakumpletuhan at kataasan.
5 {16. palagawa ng anumang ninanais Niya.} Ibig sabihin: Gumagawa Siya ng anumang niloloob Niya at walang pumipilit sa Kanya na isa man sa paggawa ng anuman.
Pagkatapos naglilinaw si Allāh na kabilang sa mga aspeto ng kayāyahan ang dalawang usapin:
Una. Ang pagpapasawi ni Allāh sa mga kalipunang tagatangging sumampalataya. Bumanggit nga Siya sa mga marangal na āyah ng kabilang sa kanila na mga tao ni Paraon at ng Thamūd at mga tao ni Propeta Ṣāliḥ sapagkat nagsabi si Allāh: {17. Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay ng mga kawal, 18. [na mga kawal] ni Paraon at ng Thamūd?}
Ikalawa. Ang kakāyahan ni Allāh sa pagpapasawi sa mga tagatangging sumampalatayang nakapanahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga matapos nila sapagkat nagsabi si Allāh: {19. Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang pagpapasinungaling, 20. samantalang si Allāh, mula sa likuran nila, ay Tagapaligid.} Ang kahulugan: Tunay itong mga tagatangging sumampalatayang nakapanahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay walang katwiran para sa kanila; bagkus sila ay nagpapasinungaling sa kanya dahilan sa inggit. Si Allāh ay nakakakaya na magpababa sa kanila ng pinababa Niya na pagdurusa sa mga nauna sapagkat Siya ay Tagapaligid sa kanila, na nakakakaya sa kanila. Hindi sila makakakaya na tumakas mula sa Kanya.
Pagkatapos nagpawakas si Allāh sa marangal na sūrah sa pamamagitan ng pagtugon sa pagpapasinungaling ng mga tagatangging sumampalataya sa Marangal na Qur'ān sapagkat nagsabi Siya:
{21. Bagkus ito ay isang Qur'ān na maringal,} Ibig sabihin: Tunay na ang Qur'ān na ito na pinasinungalingan nila ay isang marangal na dakila sa pagkakaayos nito, istilo nito, at anumang nilaman nito na kapatnubayan. {22. na nasa isang Tablerong Pinag-iingatan.} Ibig sabihin: Hindi ito gaya ng inaakala nila na ito raw ay isang tula, isang panghuhula, at isang panggagaway. Ito lamang ay ang pananalita ni Allāh, na iniingatan laban sa pag-iiba, pagpilipit, at nakasulat sa Tablerong Pinag-iingatan.
Kabilang sa mahihinuha mula sa mga marangal na āyah:
1. Sa mga kasaysayang pang-Qur'ān ay may pangaral at maisasaalang-alang na kapita-pitagan.
2. Ang kainaman ng katatagan sa Relihiyon maging gaano man ang mga pagsubok.
3. Ang pagbalakid sa Relihiyon ay isang krimeng nag-oobliga ng matinding kaparusahan.
4. Gaano man bumigat ang pagkakasala ng tao, huwag siyang mawalan ng pag-asa sa pagtanggap ni Allāh ng pagbabalik-loob niya sapagkat naiugnay nga ang kaparusahan sa mga kasamahan ng bambang sa hindi nila pagbabalik-loob.
5. Ang kakāyahan ni Allāh at ang pagkakasaklaw Niya sa bawat bagay ay isang katiwasayan para sa mananampalataya at isang pagpapangamba para sa tagatangging sumampalataya.
6. Ang pagkuha ng maisasaalang-alang at pangaral mula sa pagpapasawi ni Allāh sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga naunang kalipunan.
7. Ang kataasan ng pumapatungkol sa Marangal na Qur'ān at ang pagkakaingat dito laban sa pagpapalit at pagpilipit.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1. Sasagot ako.
Balikan mo ang kuwento ng mga kasamahan ng bambang kung paanong nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim. Maaari sa iyo na makatagpo nito sa sumusunod na link:
1. Sa ano nagpapahiwatig ang saloobin ng mananampalataya?
2. Ano ang damdamin mo tungo sa babae kasama ng anak niya?
3. Magsulat ka ng tatlong araling nahihinuha mula sa kuwento.
Sa gabay ng tagapagturo:
Ayon kay Ṣuhayb (malugod si Allāh sa kanya), ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: May isang hari noon sa mga nauna sa inyo at mayroon siyang isang manggagaway. Noong tumanda ito, nagsabi ito sa hari: "Tunay na ako ay tumanda na. Kaya magpadala ka sa akin ng isang batang lalaking tuturuan ko ng panggagaway." Kaya nagpadala siya rito ng isang batang lalaking tuturuan nito. Ang bata ay nasa daan niya nang may tumahak na isang monghe saka umupo siya sa harap nito at nakinig siya sa pananalita nito saka nagpahanga ito sa kanya. Kaya kapag pumupunta ang bata sa manggagaway, dumadaan muna siya sa monghe at umuupo siya sa harap nito. Nang minsang pumunta siya sa manggagaway, pinalo siya nito. Kaya idinaing niya iyon sa monghe saka nagsabi naman ito: "Kapag natakot ka sa manggagaway, magsabi ka: 'Pumigil sa akin ang mag-anak ko;' at kapag natakot ka sa mag-anak mo, magsabi ka: 'Pumigil sa akin ang manggagaway.'" Kaya habang siya ay gayon, biglang may pumuntang isang malaking hayop na pumigil nga sa mga tao kaya nagsabi siya: "Ngayong araw, malalaman ko kung ang manggagaway ay higit na mainam o ang monghe ay higit na mainam?" Kaya kumuha siya ng isang bato saka nagsabi: "O Allāh, kung ang nauukol sa monghe ay higit na kaibig-ibig sa Iyo kaysa sa nauukol sa manggagaway, patayin mo ang hayop na ito nang sa gayon makadaan ang mga tao." Kaya pinukol niya iyon saka napatay niya iyon at nakadaan ang mga tao. Kaya pumunta siya sa monghe saka nagpabatid dito saka nagsabi naman ito sa kanya: "O anak ko, Ikaw ngayong araw ay higit na mainam kaysa sa akin. Nakaabot nga mula sa nauukol sa iyo ang mangyayaring kinikinita ko. Tunay na ikaw ay susubukin. Kaya kung sinubok ka, huwag mo akong ituro." Nangyaring ang batang lalaki ay nagpapagaling ng bulag at ketongin at nanggagamot ng mga tao mula sa nalalabi sa mga sakit. Kaya may nakarinig na isang bataan ng hari, na nabulag na, saka pumunta ito sa kanya nang may maraming regalo saka nagsabi: "Ang narito ay para sa iyo lahat kung ikaw ay maglulunas sa akin." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ako ay hindi naglulunas ng isa man; naglulunas si Allāh lamang. Kaya kung ikaw ay sasampalataya kay Allāh, dadalangin ako kay Allāh saka magpapagaling Siya sa iyo." Kaya sumampalataya naman ito kay Allāh saka pinagaling ito ni Allāh. Pumunta ito sa hari saka naupo sa harap niya gaya ng dating pag-upo nito saka nagsabi rito ang hari: "Sino ang nagsauli sa iyo ng paningin mo." Nagsabi ito: "Ang Panginoon ko." Nagsabi siya: "At mayroon kang panginoong iba pa sa akin?" Nagsabi ito: "Ang Panginoon ko at ang Panginoon mo ay si Allāh." Kaya sinunggaban niya ito saka hindi tumigil na nagdudulot ng pagdurusa rito hanggang sa itinuro nito ang batang lalaki. Inihatid naman ang batang lalaki saka nagsabi sa kanya ang hari: "O anak ko, nakaabot nga mula sa panggagaway mo ang nangyaring nagpapagaling ka ng bulag at ketongin, gumagawa ka nito, at gumagawa ka niyon." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ako ay hindi naglulunas ng isa man; naglulunas si Allāh lamang." Kaya sinunggaban siya nito saka hindi tumigil na nagdudulot ng pagdurusa sa kanya hanggang sa itinuro niya ang monghe. Inihatid naman ang monghe saka sinabi sa kanya: "Tumalikod ka sa Relihiyon mo," ngunit umayaw naman siya kaya nagpakuha ito ng lagare saka inilagay nito ang lagare sa gitna ng ulo niya saka nilagare nito siya hanggang sa bumagsak ang kalahati niya. Pagkatapos inihatid ang bataan ng hari saka sinabi sa kanya: "Tumalikod ka sa Relihiyon mo," ngunit umayaw naman siya kaya inilagay nito ang lagare sa gitna ng ulo niya saka nilagare nito siya hanggang sa bumagsak ang kalahati niya. Pagkatapos inihatid ang batang lalaki saka sinabi sa kanya: "Tumalikod ka sa Relihiyon mo," ngunit umayaw naman siya kaya itinulak siya nito sa isang pangkat mula sa mga tauhan nito saka nagsabi: "Dalhin ninyo siya sa bundok na ganito at ganito at iakyat ninyo siya sa bundok saka kapag umabot kayo sa tuktok niyon, kung tatalikod siya sa relihiyon niya ay ligtas siya at kung hindi ay ibulid ninyo siya." Dinala naman nila siya saka iniakyat sa bundok saka nagsabi siya: "O Allāh, iligtas Mo ako sa kanila sa pamamagitan ng niloob Mo." Kaya niyanig sila ng bundok saka bumagsak sila. Naglalakad siyang dumating sa hari kaya nagsabi sa kanya ang hari: "Ano ang ginawa ng mga kasamahan mo?" Nagsabi siya: "Iniligtas ako sa kanila ni Allāh." Kaya itinulak siya nito sa isang pangkat mula sa mga tauhan nito saka nagsabi: "Dalhin ninyo siya saka ikarga ninyo siya sa isang bangka saka ipagitna ninyo siya sa dagat saka kung tatalikod siya sa relihiyon niya ay ligtas siya at kung hindi ay ihagis ninyo siya." Dinala naman nila siya saka nagsabi siya: "O Allāh, iligtas Mo ako sa kanila sa pamamagitan ng niloob Mo." Kaya itinaob sila ng daong saka nalunod sila. Naglalakad siyang dumating sa hari kaya nagsabi sa kanya ang hari: "Ano ang ginawa ng mga kasamahan mo?" Nagsabi siya: "Iniligtas ako sa kanila ni Allāh." Kaya nagsabi siya sa hari: "Tunay na ikaw ay hindi makapapatay sa akin hanggang sa gawin mo ang inuutos ko sa iyo." Nagsabi ito: "At ano iyon?" Nagsabi siya: "Titipunin mo ang mga tao sa iisang lupain at ibibitin mo ako sa isang troso. Pagkatapos kumuha ka ng isang palaso mula sa suksukan ng palaso ko. Pagkatapos ilagay mo ang palaso sa gitna ng pana. Pagkatapos magsabi ka: 'Sa ngalan ni Allāh na Panginoon ng batang lalaki.' Pagkatapos tirahin mo ako sapagkat kapag ginawa mo iyon, mapapatay mo ako." Kaya tinipon nito ang mga tao sa iisang lupain at ibinitin siya nito sa isang puno. Pagkatapos kumuha ito ng isang palaso mula sa susuksukan ng palaso niya. Pagkatapos inilagay nito ang palaso sa gitna ng pana. Pagkatapos nagsabi ito: "Sa ngalan ni Allāh na Panginoon ng batang lalaki." Pagkatapos tinira siya nito saka bumagsak ang palaso sa sentido niya, saka inilagay niya ang kamay niya sa tinamaan ng palaso, saka namatay siya. Kaya nagsabi ang mga tao: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki! Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki! Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki!" Kaya pinuntahan ang hari saka sinabi sa kanya: "Nakita mo ba ang dating pinangingilagan mo? Bumaba nga, sumpa man kay Allāh, ang pinangingilagan mo. Sumampalataya nga ang mga tao." Kaya nag-utos siya na maghukay ng bambang sa mga bukana ng mga daanan kaya binambangan, nagsindi siya ng mga apoy, at nagsabi siya: "Ang sinumang hindi tumalikod sa relihiyon niya ay painitan ninyo siya riyan o sasabihin sa kanya: 'Lumukso ka!'" Ginawa naman nila hanggang sa may dumating na isang babae at may kasama itong isang paslit niya kaya nag-urong-sulong siya na bumagsak doon kaya nagsabi sa kanya ang bata: "O ina, tiisin mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa katotohanan."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 7703.
Aktibidad 2: Magbubulay-bulay ako at sasagot ako.
Tumukoy ang Sūrah Al-Burūj sa pagpapasawi ni Allāh sa mga kasamahan ng bambang at mga tao ni Paraon at ng Thamūd. Makipagtulungan ka kasama ng kaklase mo sa pagsulat ng kadahilanan ng pagpapasawi sa bawat pangkat ng mga tao kabilang sa kanila at ng pamamaraan ng pagkasadlak sa pagdurusa sa kanila. Magsulat ka ng sagot mo sa sumusunod na talahanayan:
Ang Kadahilanan ng Pagpapasawi
Ang Pamamaraan ng Pagpapasawi
Ang mga Kasamahan ng Bambang
Ang Pagsunog Nila sa mga Mananampalataya
Susunugin Sila sa Apoy sa Kabilang-buhay
Ang mga Tao ni Paraon
Ang Pagpapasinungaling Nila kay Propeta Moises (Sumakanya ang Pangangalaga) at ang Pamemerhuwisyo Nila sa mga Tao Niya
Nasawi Sila sa Pagkalunod sa Dagat
Ang mga Tao ng Thamūd
Ang Pagpatay Nila sa Dumalagang Kamelyo, ang Himala na Hiniling Nila Mula kay Propeta Ṣāliḥ (Sumakanya ang Pangangalaga)
Nasawi Sila Dahil sa matinding Hangin
Aktibidad 3: Magsusulat ako at magpapahayag ako.
Naglarawan ang Sūrah Al-Burūj sa Marangal na Qur'ān na ito ay: {21. ... isang Qur'ān na maringal,} {22. na nasa isang Tablerong Pinag-iingatan.} Ayon sa liwanag niyon:
1. Humango ka mula sa mga sumusunod na āyah ng limang iba pang paglalarawan sa Marangal na Qur'ān. Nagsabi si Allāh: {Ang buwan ng Ramaḍān ay ang [buwang] pinababa rito ang Qur'ān bilang patnubay para sa mga tao at bilang mga malinaw na patunay mula sa patnubay at saligan.} (Qur'ān 2:185) Nagsabi pa Siya: {O mga tao, may dumating nga sa inyo na isang pangaral mula sa Panginoon ninyo, isang lunas para sa nasa mga dibdib, isang patnubay, at isang awa para sa mga mananampalataya.} (Qur'ān 10:57)
Kapag nagkaroon ang Qur'ān ng lahat ng karangalang ito at kataasan ng pumapatungkol, ano ang kinakailangan sa atin tungo rito?
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang mga kasamahan ng bambang ay mga taong kabilang sa mga tagatangging sumampalataya ng Makkah, na pinasawi ni Allāh. (X)
2. Ang kahulugan ng sabi Niya: {ang Mapagmahal} ay ang umiibig sa mga katangkilik Niya. (✓)
3. Nagpaumanhin si Allāh sa mga kasamahan ng bambang dahil nagpakatapat sila sa pagbabalik-loob nila. (X)
4. Ang kakāyahan ni Allāh ay pumupukaw ng kapanatagan sa puso ng mananampalataya. (✓)
5. Ang dami ng mga paglalarawan sa Qur'ān ay nagpapahiwatig ng pagkakinakailangan ng pagdakila rito. (✓)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Kabilang sa mahihinuha mula sa mga āyah ng aralin:
(kinakailangan na ang panunumpa ay maging kay Allāh - si Allāh ay nanunumpa sa anumang niloloob Niya - hindi pinapayagan ang panunumpa sa mga nilikha).
2. Isang āyah na nagpapatunay na ang ganti ay kabilang sa uri ng gawa:
- {4. isinumpa ang mga kasamahan ng bambang)}
- {8. Hindi sila naghinanakit sa mga ito maliban na sumampalataya ang mga ito kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Kapuri-puri,}
- {10. Tunay na ang mga umusig sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya, pagkatapos hindi sila nagbalik-loob, ay ukol sa kanila ang pagdurusa sa Impiyerno at ukol sa kanila ang pagdurusa ng pagsusunog.}
3. Kabilang sa ipinahiwatig ng mga āyah ng aralin.
(ang pagpapangilabot sa masamang kahihinatnan ng mga tagalabag sa katarungan - ang tindi ng mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon - ang dami ng kaginhawahan ng mga papasok sa Paraiso)
4. Isang āyah na nagpapahiwatig sa kawalang-hangganan ng kakāyahang pandiyos:
- {15. ang May trono, ang Maringal,} - {16. palagawa ng anumang ninanais Niya.} - {21. Bagkus ito ay isang Qur'ān na maringal,}
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magpakahulugan ka sa sabi ni Allāh: {1. Sumpa man sa langit na may mga konstelasyon, 2. sumpa man sa Araw na ipinangako, 3. sumpa man sa isang tagasaksi at sa isang sinasaksihan;}
Ang sabi pa ni Allāh: {12. Tunay na ang pagsunggab ng Panginoon mo ay talagang matindi. 13. Tunay na Siya ay nagpapasimula at nagpapanumbalik. 14. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Mapagmahal,}
2. Maglinaw ka sa kahulugan ng bawat isa sa: (naghinanakit - umusig - pagsunggab ng Panginoon mo -nagpapasimula - Tagapaligid)
3. Nagpahinuha ang mga āyah ng kahalagahan ng pagpapakatatag sa Relihiyon ni Allāh. Magpaliwanag ka niyon, habang nagpapasaksi sa kuwento ng mga kasamahan ng bambang.
6. Ang Pagpapakahulugan sa Sūrah Aṭ-Ṭāriq
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsaulo ka ng mga āyah ng Sūrah Aṭ-Ṭāriq;
2. makapaglilinaw ka ng mga kahulugan ng mga mahirap na salita sa mga āyah;
3. makapagpakahulugan ka sa mga āyah ng Sūrah Aṭ-Ṭāriq nang maiksi;
4. makapaghinuha ka ng isang patunay na pang-isip sa pagbubuhay mula sa Sūrah Aṭ-Ṭāriq;
5. makapaglinaw ka sa pinakamahalaga sa mahihinuha mula sa mga āyah ng aralin;
6. makapagsadamdamin ka sa kadakilaan ni Allāh sa paglikha ng tao.
Ang Sūrah Aṭ-Ṭāriq ay Makkīyah. Naglaman nga ito ng dalawang dakilang panunumpa. Una: ang panunumpa sa pagkaganap ng pagbubuhay at ikalawa: ang panunumpa sa katapatan ng Marangal na Qur'ān, gaya ng ipaliliwanag sa sumusunod na pigura:
Ang Sūrah Aṭ-Ṭāriq
Ang unang panunumpa ay pagkaganap ng pagbubuhay.
Ang ikalawang panunumpa ay sa katapatan ng Qur'ān.
{Bismi –llāhi –rraḥmāni –rrahīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)}
{1. Wa-ssamā'i wa-ṭṭāriq. (Sumpa man sa langit at sa tagapunta sa gabi.)} {2. Wa-mā adrāka ma –ṭṭāriq? (Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang tagapunta sa gabi?)} {3. Annajmu –ththāqib. ([Ito] ang bituing tumatagos.)} {4. In kullu nafsil lammā `alayhā ḥāfiḍ̆. (Walang kaluluwa malibang dito ay may isang tagapag-ingat.)} {5. Fa-l-yanḍ̆uri –l'insānu mimma khuliq. (Kaya tumingin ang tao mula sa ano siya nilikha.)} {6. Khuliqa mim mā'in dāfiq, (Nilikha siya mula sa isang likidong pumupulandit,)} {7. Yakhruju mim bayni –ṣṣulbi wa-ttarā'ib. (na lumabas mula sa pagitan ng gulugod at mga tadyang.)} {8. Innahū `alā raj`ihī la-qādir. (Tunay na Siya, sa pagpapabalik dito, ay talagang Nakakakaya.)} {9. Yamwa tubla –ssarā'ir, (Sa Araw na sisiyasatin ang mga lihim,)} {10. Fa-mā lahū min qūwatin wa-lā nāṣir. (walang ukol sa kanya na anumang lakas ni tagapag-adya.)} {11. Wa-ssamā'I dhāti –rraj`, (Sumpa man sa langit na may pagpapabalik,)} {12. Wa-l'arḍi dhāti –ṣṣad`, (sumpa man sa lupa na may bitak;)} {13. Innahū la-qawlun faṣl, (tunay na [ang Qur'ān na] ito ay talagang isang sinabing pambukod,)} {14. Wa-mā huwa bi-lhazl. (at hindi ito ang biru-biro.)} {15. Innahum yakīdūna kaydā, (Tunay na sila ay nanlansi ng isang panlalansi,)} {16. Wa-akīdūna kaydā. (at nanlansi naman Ako ng isang panlalansi.)} {17. Fa-mahhili –lkāfirīna amhilhum ruwaydā. (Kaya mag-anta-antabay ka sa mga tagatangging sumampalataya, mag-antabay ka sa kanila nang hinay-hinay.)} (Qur'ān 86:1-17)
Ang Pananalita Ang Kahulugan Nito
tagapunta sa gabi: bawat pumupunta sa gabi.
tumatagos: nagbibigay-liwanag sa gabi sa pamamagitan ng liwanag nito.
tagapag-ingat: ang mga anghel na nagtatala ng mga gawa ng tao.
pumupulandit: lumalabas nang matindi.
gulugod: mga buto sa likod ng lalaki.
mga tadyang: mga buto sa dibdib ng babae.
sisiyasatin ang mga lihim: ibubunyag ang mga nakakubli.
Una. Ang Panunumpa sa Pagkaganap ng Pagbubuhay
Sumusumpa si Allāh sa simula ng sūrah sa langit at bituin sapagkat nagsasabi Siya:
{1. Sumpa man sa langit at sa tagapunta sa gabi.} Ang tagapunta sa gabi ay ang bawat pumupunta sa gabi. Tinawag ang bituin bilang "pumupunta sa gabi" dahil sa pagsikat nito sa gabi.
{2. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang tagapunta sa gabi?} Ano ang nagpaalam sa iyo kung ano ang pumupunta sa gabi?
{3. [Ito] ang bituing tumatagos.} Ito ay ang bituing tagapagbigay-tanglaw na nanunuot sa gabi sa pamamagitan ng liwanag nito.
- Ang tugon ng panunumpa ay ang sabi ni Allāh: {4. Walang kaluluwa malibang dito ay may isang tagapag-ingat.} Ibig sabihin: Ang bawat kaluluwa ay may tagapag-ingat mula sa Panginoon nito, na nag-iingat sa gawa nito at nagtatala ng ginagawa nito na kabutihan at kasamaan.
- Pagkatapos lumilipat ang mga āyah matapos niyon sa pagtawag-pansin sa kahinaan ng pinag-ugatan ng tao na nilikha ito mula roon at gumagabay ang mga ito tungo sa pananampalataya sa pagbubuhay dahil ang nakakaya sa pagsisimula ay nakakakaya sa pagpapanumbalik sapagkat nagsabi Siya:
{5. Kaya tumingin ang tao mula sa ano siya nilikha.} Ibig sabihin: Magbulay-bulay siya mula sa aling bagay nilikha siya ni Allāh?
{6. Nilikha siya mula sa isang likidong pumupulandit,} Ibig sabihin: Nilikha siya ni Allāh mula sa isang likidong lumalabas nang matindi. Ito ay ang manīy ng lalaki kapag bumubuhos ito sa sinapupunan ng babae. {7. na lumabas mula sa pagitan ng gulugod at mga tadyang.} Ibig sabihin: lumalabas ang likido mula sa gulugod ng lalaki – ang mga buto ng likod niya – at mga tadyang ng babae – ang mga buto ng dibdib niya. Nagpatibay nga ang modernong agham na ang likido ng lalaki ay lumalabas sa bahagi na binanggit ni Allāh sa āyah na ito at gayon din ang likido ng babae. Nagsabi ng totoo si Allāh, ang Sukdulan.
{8. Tunay na Siya, sa pagpapabalik dito, ay talagang Nakakakaya.} Ibig sabihin: Tunay na ang lumikha sa tao mula sa likidong pumupulandit saka lumikha rito bilang isang lubos na tao, pagkatapos nagbigay-kamatayan dito, ay nakakakaya sa pagpapabalik dito at pagbubuhay dito para maging buhay gaya ng dati. Iyon ay {9. Sa Araw na sisiyasatin ang mga lihim,} Ibig sabihin: Ibubunyag ang mga nakakubli at ang lihim ay magiging hayagan. {10. walang ukol sa kanya na anumang lakas ni tagapag-adya.} Ibig sabihin: Sa Araw na iyon, ang tagatangging sumampalatayang tagapagpasinungaling sa pagbubuhay ay hindi magkakaroon ng isang lakas na ipantutulak niya sa pagdurusa palayo sa sarili niya ni ng isang tagapag-adyang mag-aadya sa kanya para makapagligtas sa kanya mula roon.
Ikalawa. Ang Panunumpa sa Katapatan ng Marangal na Qur'ān
Pagkatapos sumumpa si Allāh sa ikalawang pagkakataon sa langit at lupa sapagkat nagsabi Siya:
{11. Sumpa man sa langit na may pagpapabalik,} Ibig sabihin: may ulan, dahil sa pagbabalik nito sa bawat panahon at ang pagpapabalik ay kabilang sa mga pantawag sa ulan. {12. sumpa man sa lupa na may bitak;} Ibig sabihin: may pagkakabitak-bitak at pagkabiyak-biyak para sa mga halaman at mga pananim na nagkakaiba-iba.
- Ang tugon ng panunumpa ay ang sabi ni Allāh: {13. tunay na [ang Qur'ān na] ito ay talagang isang sinabing pambukod,} Ibig sabihin: Ang Marangal na Qur'ān ay isang sinabing pambukod at isang kahatulang makatarungan sapagkat ang bawat ipinabatid nito ay ang katapatan at ang bawat inihatol nito ay ang katarungan. {14. at hindi ito ang biru-biro.} Ibig sabihin: Hindi ito ang laru-laro at ang kawalang-kabuluhan.
- Pagkatapos winakasan ni Allāh ang marangal na sūrah sa pamamagitan ng paglilinaw sa saloobin ng mga tagatangging sumampalataya na tagapagpasinungaling sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at Marangal na Qur'ān sapagkat nagsabi Siya:
{15. Tunay na sila ay nanlansi ng isang panlalansi,} Ibig sabihin: Gumagawa sila ng mga panlalansi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa pagpapawalang-saysay sa inihatid niya at para sa pagbalakid sa Marangal na Qur'ān.
{16. at nanlansi naman Ako ng isang panlalansi.} Ibig sabihin: Ako – si Allāh, ang Sukdulan – ay nagpapain sa inyo mula sa hindi ninyo nalalaman.
{17. Kaya mag-anta-antabay ka sa mga tagatangging sumampalataya, mag-antabay ka sa kanila nang hinay-hinay.} Huwag kang magsamantala sa pamamagitan ng paghihiganti sa kanila at huwag kang dumalangin ng pagkasawi laban sa kanila sapagkat malapit mo nang makikita ang dadapo sa kanila sapagkat walang lilipas kundi kaunting panahon hanggang sa magpasawi si Allāh sa marami sa mga tagatangging sumampalataya at mag-angat Siya ng watawat ng Islām at mga Muslim.
Kabilang sa mahihinuha mula sa mga marangal na āyah:
1. Si Allāh ay sumusumpa sa anumang niloob Niya mula sa nilikha Niya.
2. Sa bawat tao ay may mga anghel na mararangal na tagapag-ingat na nagtatala ng mga gawa niya.
3. Si Allāh na nagpasimula sa paglikha ay nakakakaya na magpanumbalik nito sa iba pang pagkakataon.
4. Sa Araw ng Pagbangon, ibubunyag ang anumang ikinubli ng mga kaluluwa na kabutihan o kasamaan.
5. Ang kainaman ng Marangal na Qur'ān.
6. Gaano man tumagal ang panahon, si Allāh ay mag-aadya sa Relihiyon Niya.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsasaalaala ako at sasagot ako
Nagsabi si Allāh: {4. Walang kaluluwa malibang dito ay may isang tagapag-ingat.} Magsulat ka mula sa Sūrah Al-Infiṭār ng nagpapahiwatig sa kahulugan ng ayah na ito.
Nagsabi si Allāh: {10 Tunay na sa inyo ay talagang may mga tagapag-ingat, 11. na mararangal na mga tagasulat. 12. Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo.} (Qur'ān 82:10-12)
Aktibidad 2: Maghihinuha ako at tutugon ako.
Nagpatunay ang mga āyah sa isang patunay na pang-isip sa pagbuhay matapos ng kamatayan. Ito ay na: "ang nakakaya sa pagsisimula ay makakakaya sa pagpapanumbalik." Sa pakikilahok sa tagapagturo mo, humulo ka ng isang iba pang patunay na pang-isip sa pagbubuhay habang nagpapatulong sa mga sumusunod na āyah: A.
{Kayo ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang langit, na ipinatayo Niya?} (Qur'ān 70:27)
- Ang patunay na pang-isip na hinulo ay: "ang lumikha ng higit na malaki ay nakakakaya sa paglikha ng higit na maliit." B.
{na nagbaba mula sa langit ng tubig ayon sa isang sukat saka bubuhay sa pamamagitan nito ng isang patay na bayan. Gayon kayo palalabasin.} (Qur'ān 43:11)
- Ang patunay na pang-isip na hinulo ay: "ang lumikha ng halaman ay nakakakaya sa paglikha ng tao."
Aktibidad 3: Magbubulay-bulay ako at mag-uugnay ako.
Sa pakikipagtulungan sa kaklase mo, mag-ugnay sa pagitan ng sabi ni Allāh: {6. Nilikha siya mula sa isang likidong pumupulandit, 7. na lumabas mula sa pagitan ng gulugod at mga tadyang.} at ng sabi pa Niya: {O mga tao, kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa pagbubuhay, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos mula sa isang kimpal na laman na inanyuan at hindi inanyuan, upang maglinaw Kami para sa inyo. Nagpapanatili Kami sa mga sinapupunan ng niloloob Namin hanggang sa isang taning na tinukoy, pagkatapos nagpapalabas Kami sa inyo bilang bata,} (Qur'ān 22:5)
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang ninais tukuyin ng "tagapunta sa gabi" sa sabi ni Allāh: {Sumpa man sa langit at sa tagapunta sa gabi.} ay:
(ang araw - ang buwan - ang bituin).
2. Mahihinuha mula sa pinagpalang sūrah:
(ang kainaman ng Marangal na Qur'ān - ang pamamaraan ng pagbaba ng Qur'ān - ang pagkakinakailangan ng pagsaulo ng Qur'ān).
3. Ang ninais tukuyin ng "gulugod" sa sabi ni Allāh: {na lumabas mula sa pagitan ng gulugod at mga tadyang.} ay buto sa lalaki sa:
(dibdib niya - likod niya - balikat niya).
PANUTO 2: Isulat mo ang mga āyah na nagpapahiwatig sa mga sumusunod na kahulugan:
1. Ibubunyag ang mga nakakubli at ang lihim ay magiging hayagan.
{9. Sa Araw na sisiyasatin ang mga lihim,}
2. Ang paglikha ay kabilang sa mga patunay ng pagpapatibay sa pagbubuhay.
{5. Kaya tumingin ang tao mula sa ano siya nilikha.}
3. Walang ukol sa tagatangging sumampalataya na isang lakas na ipantutulak niya sa pagdurusa sa Impiyerno.
{10. walang ukol sa kanya na anumang lakas ni tagapag-adya.}
4. Sa Marangal na Qur'ān ay walang laru-laro o kawalang-kabuluhan.
{14. at hindi ito ang biru-biro.}
PANUTO 2: Linawin mo ang mga kahulugan ng mga sumusunod na salita:
(tumatagos - pumupulandit - mga tadyang)
PANUTO 4: Tugunin mo ang dalawang sumusunod na panuto:
1. Magpakahulugan ka sa sabi ni Allāh: {11. Sumpa man sa langit na may pagpapabalik,} 12. sumpa man sa lupa na may bitak; 13. tunay na [ang Qur'ān na] ito ay talagang isang sinabing pambukod, 14. at hindi ito ang biru-biro.}
2. Magbuod ka ng tatlong katuturan mula sa pagpapakahulugan sa Sūrah Aṭ-Ṭāriq.
7. Ang Katayuan ng Marangal na Qur'ān
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makahango ka ng patunay sa katayuan ng Marangal na Qur'ān;
2. makapag-isa-isa ka sa ilan sa mga kainaman ng Marangal na Qr'an at mga kakanyahan nito:
3. makapagbigay-linaw ka sa tungkulin mo tungo sa Marangal na Qur'ān;
4. makapagdakila ka sa Marangal na Qur'ān.
5. umibig ka sa Marangal na Qur'ān.
Isang larawan ng isang muṣḥaf na nakabukas sa Sūrah An-Nisā', na nakalantad dito sa isang maliwanag na pagkakasulat ang sabi ni Allāh:
{O mga tao, may dumating nga sa inyo na isang patunay mula sa Panginoon ninyo. Nagpababa Kami sa inyo ng isang liwanag na malinaw.}
(Qur'ān 4:174) - Magsaliksik ka tungkol sa pagpapakahulugan ng marangal na āyah na ito kasama ng paglilinaw sa pinakamahalaga sa mahihinuha mula rito.
Ang Marangal na Qur'ān ay ang pinakadakila sa mga makalangit na kasulatan sa antas at ang pinakaangat sa mga ito sa katayuan dahil sa taglay nito na maraming kainaman. Kabilang sa mga ito:
Ang Marangal na Qur'ān ay Pananalita ni Allāh Ang Paghihimala ng Marangal na Qur'ān
Ang Marangal na Qur'ān ay Liwanag at Kapatnubayan Para sa mga Nilalang Ang Pagkaingat ni Allāh sa Marangal na Qur'ān
Ang Pagpaparangal sa mga Alagad ng Qur'ān sa Mundo at Kabilang-buhay
1. Ang Marangal na Qur'ān ay Pananalita ni Allāh
Dahil doon, ito ay ang pinakamaharlika at pinakadakilang pananalita. Kabilang sa mga patunay ng kadakilaan nito ang tindi ng pag-eepekto nito sa sinumang nakaririnig nito at nakaiintindi nito. Nagsabi si Allāh sa Propeta (basbasan Nito ito at pangalagaan): {Kung may isa kabilang sa mga tagapagtambal na nagpakalinga sa iyo ay kalingain mo siya hanggang sa makarinig siya ng pananalita ni Allāh. Pagkatapos paabutin mo siya sa pook ng kaligtasan niya. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakaaalam.} (Qur'ān 9:6)
2. Ang Paghihimala ng Marangal na Qur'ān
Ang Marangal na Qur'ān ay ang pinakadakila sa mga himala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Humamon nga si Allāh sa tao at jinn na maglahad ng tulad nito ngunit nawalang-kakāyahan sila. Nagsabi si Allāh: {Sabihin mo: "Talagang kung nagtipon ang tao at ang jinn para maglahad ng tulad ng Qur'ān na ito ay hindi sila makapaglalahad ng tulad nito at kahit pa ang iba sa kanila para sa iba pa ay naging mapagtaguyod."} (Qur'ān 17:88) Pagkatapos humamon Siya sa kanila na maglahad ng sampung sūrah, pagkatapos humamon Siya sa kanila na maglahad ng iisang sūrah ngunit nawalang-kakāyahan sila roon.
3. Ang Marangal na Qur'ān ay Liwanag at Kapatnubayan Para sa mga Nilalang
Ipinadala ni Allāh ang Sugo (basbasan Niya ito at pangalagaan) upang magpalabas siya sa mga tao sa pamamagitan ng liwanag ng Qur'ān mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya, kamangmangan, at mga pagsuway. Nagsabi si Allāh: {Ito ay] isang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magpalabas ka sa mga tao mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag} (Qur'ān 14:1) Ginawa ni Allāh ang Qur'āng bilang paglilinaw para sa batas Niya, bilang kapatnubayan, bilang awa, at bilang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya. {Nagbaba Kami sa iyo ng Aklat bilang pagpapalinaw para sa bawat bagay, bilang patnubay, bilang awa, at bilang balitang nakagagalak para sa mga Muslim.} (Qur'ān 16:89)
4. Ang Pagkaingat ni Allāh sa Marangal na Qur'ān
Nagtangi si Allāh sa Qur'ān sa pagkakaingat dito mula sa pagpilipit na naganap sa Torah at Ebanghelyo. Naggarantiya si Allāh niyon sapagkat nagsabi Siya: {Tunay na Kami ay nagbaba ng Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat.} (Qur'ān 15:9)
5. Ang Pagpaparangal sa mga Alagad ng Qur'ān sa Mundo at Kabilang-buhay
Nagbiyaya si Allāh sa mga alagad ng Qur'ān ng pag-angat sa Mundo at pagwawagi sa Kabilang-buhay. Ang mga alagad ng Qur'ān ay ang mga tagabigkas ng Qur'ān, ang mga tagapagsaulo nito, ang mga nakaaalam ng pagpapakahulugan nito at mga agham nito, at ang mga tagapagsagawa ng mga patakaran nito.
Kabilang sa mga Aspeto ng Pagpaparangal sa mga Alagad ng Marangal na Qur'ān
1. Nagtangi si Allāh sa mga alagad ng Qur'ān dahil nag-ugnay Siya sa kanila sa Qur'ān at gumawa Siya sa kanila bilang mga inilapit na katangkilik nito. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga alagad ng Qur'ān ay ang mga alagad ni Allāh at ang mga pili Niya." Nagsalaysay nito sina Imām Ahmad: 12279 at Imām Ibnu Mājah: 215.
2. Ang pag-angat sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nag-aangat ng mga tao sa pamamagitan ng Qur'ān na ito at nagbababa ng mga iba pa sa pamamagitan nito." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 817.
3. Ang mga alagad ng Qur'ān ay ang mga pinakamabuti ng Kalipunang Muslim. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamabuti sa inyo ay ang sinumang natuto ng Qur'ān at nagturo nito." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 5027.
4. Ang Qur'ān ay mamamagitan sa mga alagad nito sa Araw ng Pagbangon. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Bigkasin ninyo ang Qur'ān sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagbangon bilang mapagpamagitan sa mga tagatangkilik nito." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 804.
Ang Tungkulin Natin Tungo sa Marangal na Qur'ān
Noong nalaman natin ang dakilang katayuang ito ng Qur'ān, kinailangan sa atin na magbigay-halaga dito ayon sa totoong halaga nito. Iyon ay sa pamamagitan ng pagbabasa nito, pagmumuni-muni rito, pagkatuto nito, pagsasaulo nito, at pagsunod sa mga iniuutos nito at pag-iwas sa sinasaway nito. Nagsabi si Allāh: {Ito ay isang Aklat na pinababa Namin, na pinagpala, kaya sumunod kayo rito at mangilag kayong magkasala, nang sa gayon kayo ay kaaawaan,} (Qur'ān 6:155)
Gumabay sa atin ang Panginoon natin tungo sa pananahimik sa sandali ng pakikinig sa Qur'ān sapagkat nagsabi Siya: {Kapag binigkas ang Qur'ān ay makinig kayo roon at manahimik kayo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan.} (Qur'ān 7:204) Gayon din ang pagmumuni-muni sa mga āyah nito sapagkat nagsabi si Allāh: {[Ito ay] isang pinagpalang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magmuni-muni sila sa mga talata nito at upang magsaalaala ang mga may isip.} (Qur'ān 38:29)
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsasaliksik ako at magtatala ako.
Natipon sa Marangal na Qur'ān ang kamaharlikaan mula sa lahat ng mga anyo. Sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagturo mo, magsaliksik ka niyon at magtala ka nito sa sumusunod na talahanayan:
Ang Kamarhalikaan Ang Pagpapaliwanag Niyon
Ang Kamaharlikaang Panlugar: Nagsimula ang pagbaba nito sa Makkah, ang Bayang Pinakababanal ni Allāh.
Ang Kamaharlikaang Pampanahon: Nagsimula ang pagbaba nito sa buwan ng Ramaḍān.
Ang Wika na Doon Bumababa Ito: Bumaba ito sa wikang Arabe, na wika ng mga maninirahan sa Paraiso.
Ang Anghel na Nagbaba Nito: Nagbaba nito si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga).
Ang Sugo na Binabaan Nito: Ang Pangwakas sa mga Sugo, si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang Kalipunan na Bumaba Ito Alang-alang Doon: Ang Kalipunan ng Islām, na pinakamabuting kalipunang pinalabas para sa mga tao.
Aktibidad 2: Magbabasa ako at maghahango ako.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang nagtipong mga tao sa isang bahay mula sa mga bahay ni Allāh, na bumibigkas ng Aklat ni Allāh at nag-aaralan nito sa gitna nila malibang pumalibot sa kanila ang mga anghel, bumaba sa kanila ang katiwasayan, bumalot sa kanila ang awa, at bumanggit sa kanila si Allāh sa sinumang nasa piling Niya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2699. Basahin mo ang ḥadīth, pagkatapos tumugon ka.
1. Humango ka mula sa ḥadīth ng kainaman ng pagbigkas ng Qur'ān at ng pagkatuto nito.
A. Ang Pagbaba ng mga Anghel at ang Pagdalo sa mga Pagtitipon sa Marangal na Qur'ān.
B. Ang Pagbaba ng Katiwasayan at Awa sa mga Tagabigkas ng Marangal na Qur'ān.
C. Ang Pagbanggit ni Allāh sa Langit ng mga Tagabigkas ng Marangal na Qur'ān.
2. Magsulat ka ng lima sa mga etiketa ng pagbigkas ng Marangal na Qur'ān at pagkatuto nito.
A. Ang Pag-upo sa Katiwasayan at Kahinahunan sa Sandali ng Pagbigkas.
B. Ang Pagkakaroon ng Wuḍū'.
C. Ang Pagmumuni-muni at ang Kataimtiman sa Sandali ng Pagbigkas.
Aktibidad 3: Maghahango ako.
Humango ka mula sa mga āyah na sumusunod na nagpapahiwatig sa mga kainaman ng Marangal na Qur'ān. Ang mga Āyah Ang nagpapahiwatig dito {Tunay na ang Qur'ān na ito ay nagpapatnubay para sa siyang pinakaangkop} (Qur'ān 17:9) Nagpapatnubay ito para sa pinakamainam sa mga daan tungo kay Allāh. {Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpababa sa lingkod Niya ng Aklat at hindi Siya naglagay rito ng isang kabaluktutan.} (Qur'ān 18:1) Wala ritong pagkiling ni pagkalihis. {Hindi pumupunta rito ang kabulaanan mula sa harapan nito ni mula sa likuran nito. [Ito ay] isang pagbababa mula sa Marunong, Kapuri-puri.} (Qur'ān 41:42) Hindi nakadadaig dito ang kabulaanan at hindi ito naglalaman ng pagkaligaw. Ito ay pinababa mula kay Allāh. {Kung sakaling nagpababa Kami ng Qur'ān na ito sa isang bundok ay talaga sanang nakakita ka rito na nagtataimtim na nagkabitak-bitak dahil sa takot kay Allāh.} (Qur'ān 59:21)
Aktibidad 4: Makikipagtalakayan ako at makikipagtulungan ako.
Makikipagtalakayan ka kasama ng mga kaklase mo hinggil sa pakikitunguhan ng mga Muslim sa lipunan mo sa Marangal na Qur'ān alinsunod sa mga sumusunod na tanong:
Ang Parapo Ang Abot ng Pagkakasakatuparan Nito
Ang Pananaw Nila sa Marangal na Qur'ān (Ano ang abot ng pagbibigay-halaga nila at pagdakila nila sa Qur'ān?)
Ang Pagsunod Nila sa mga Patakaran Nito (Nagpapatupad ba sila ng mga patakaran nito sa buhay nila?)
Ang Pagpapahalaga Nila sa Pagkatuto ng Pagbigkas Nito (Nagpapahalaga ba sila sa pagtutumpak sa pagbigkas nila ng Qur'ān?)
Ang Pagkahanda Nila sa Pakikisali sa Pagpapalaganap Nito (Nag-aanyaya ba sila sa mga tao at umaalalay ba sila sa mga ito sa pagbigkas nito?)
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Pumili ka ng āyah na nagpapahiwatig sa mga sumusunod na kahulugan:
1. Imposible na maganap ang kamalian sa Marangal na Qur'ān. A
{Hindi pumupunta rito ang kabulaanan mula sa harapan nito ni mula sa likuran nito.} (Qur'ān 41:42) B.
{Nagbababa Kami mula sa Qur'ān ng siyang pagpapagaling at awa para sa mga mananampalataya,} (Qur'ān 17:82)
2. Kung sakaling pinababa ang Marangal na Qur'ān sa walang-buhay, talagang maapektuhan ito niyon: A.
{Nagnanais sila na umapula sa liwanag ni Allāh sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang si Allāh ay maglulubos sa liwanag Niya, kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 61:8) B.
{Nagbababa Kami mula sa Qur'ān ng siyang pagpapagaling at awa para sa mga mananampalataya,} (Qur'ān 17:82) S:
{Kung sakaling nagpababa Kami ng Qur'ān na ito sa isang bundok ay talaga sanang nakakita ka rito na nagtataimtim na nagkabitak-bitak dahil sa takot kay Allāh.} (Qur'ān 59:21)
3. Kailangan sa atin ang magsumikap sa pag-intindi sa mga āyah ng Qur'ān at pagbubulay-bulay sa mga kahulugan ng mga ito. A.
{[Ito ay] isang pinagpalang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magmuni-muni sila sa mga talata nito} (Qur'ān 38:29) B.
{at bumigkas ka ng Qur'ān sa isang [tamang] pagbigkas.} (Qur'ān 73:4)
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang Paghihimala ng Marangal na Qur'ān
2. Ang Kainaman ng Pagkatuto ng Marangal na Qur'ān at Pagtuturo Nito
3. Ang Katayuan ng mga Alagad ng Qur'ān sa Mundo
4. Ang Kaligāyahan ng mga Alagad ng Qur'ān sa Kabilang-buhay
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang artikulong pampag-aanyaya sa sampung linya tungkol sa tungkulin natin tungo sa Marangal na Qur'ān.
Ang Ikalawang Yunit: Ang Sunnah at ang mga Katangian ng Propeta
1. Ang Kalagayan ng mga Arabe Bago ng Pagsusugo sa Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsulat ka ng isang sinopsis tungkol sa panrelihiyong kalagayan ng mga Arabe bago ng Islām;
2. makapagpatotoo ka sa kasagwaan ng kalagayang panlipunan at pangkaasalan ng mga Arabe sa Panahon ng Kamangmangan;
3. makabanggit ka ng mga ehemplo mga magandang kaasalan sa mga Arabe bago ng Islām;
4. masuklam ka sa mga masagwang gawain ng mga tao sa Panahon ng Kamangmangan;
5. makapagsadamdamin ka sa awa ni Allāh dahil sa pagsusugo Niya sa Propeta (basbasan Niya ito at pangalagaan).
Ito ay mapa ng Arabya bago ng pagsusugo. Hinggil naman sa kasaysayan nila, mapag-aalaman natin ang pinakamahalaga sa mga pangyayari sa araling ito.
Ang Kalagayang Pampulitika
Ang mga Arabe bago ng Islām ay hindi nagkaroon ng isang estadong nagbubuklod sa kanila o isang haring namamahala sa kanila o isang pamahalaang nag-oorganisa ng buhay nila. Dahil doon, lumaganap ang mga digmaan at ang mga alitan sa pagitan nila, lalo na at kasama ng paglaganap ng panatisismo sa lipi at pagtutungali sa mga rehiyon ng tubig at pagpapastol.
Ang Kalagayang Panlipunan
Nag-obliga ang kapaligirang pandisyerto ng isang mabalasik na buhay sa nakararami sa mga Arabe. Ang pagpapastol ay ang hanap-buhay na laganap sa kanila. Nakilala ang pagsasaka sa bayan ng Yemen at ilan sa mga rehiyon sa Yathrib (dating pangalan ng Madīnah Munawwarah), Ṭā'if, at Khaybar. Nakaalam ang mga Arabe ng ilan sa mga industriyang pangkamay.
Hinggil naman sa pangangalakal, ito noon ang hanap-buhay na pinakahigit sa paglaganap at paglago, lalo na para sa mga mamamayan ng Makkah, na mga nakinabang mula sa mga delegasyon ng mga peregrino sa Bahay na Pinakababanal. Dahil sa pagsasagawa nila ng mga paglalakbay na pangkalakalan sa tag-init sa Sirya at sa taglamig sa Yemen, nagsabi si Allāh: {1. Dahil sa pagkahirati sa Quraysh – 2. sa pagkahirati nila sa paglalakbay sa taglamig at tag-init – 3. ay sumamba sila sa Panginoon ng Bahay na ito, 4. Alladhī aṭ`amahum min jū`iw wa-āmanahum min khawf (na nagpakain sa kanila mula sa pagkagutom at nagpatiwasay sa kanila mula sa pangamba.) (Qur'ān 106:1-4)
Gayon din, umalalay ang mga palengke ng mga Arabe sa paglago ng aktibidad na pangkalakalan, tulad ng Palengke ng Ukāḍ̆ at Palengke ng Dhulmajaz.
Ang Kalagayang Panlipunan
Namuhay ang mga Arabe sa anyo ng mga liping nagkawatak-watak. Ang bawat lipi ay may pinunong tinatalima ng mga kaanib ng lipi kalakip ng panatisismo sa lipi at kaangkanan. Pumalasak sa kanila ang pagsasagawa ng paghihiganti, ang pag-inom ng alak, ang pang-aapi sa alipin, ang paghamak sa babae, at ang pagtatangi sa mga anak na lalaki. Nalaman ng ilan sa mga lipi ang paglilibing nang buhay sa mga anak na babae dala ng pangamba sa kadustaan o karukhaan.
Sa kabila nito, lumaganap naman sa gitna ng mga Arabe ang ilan sa mga kaasalan at mga kaugaliang kaaya-aya, tulad ng pagpaparangal sa panauhin, katapangan, pagtupad sa kasunduan, at pangsasanggalang sa sinumang nagpapakalinga sa kanila.
Ang Kalagayang Panrelihiyon
Ang mga Arabe noon ay nasa Relihiyon ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga) subalit sila ay nalihis tungo sa pagsamba sa mga anito. Walang natira sa kanila sa Tawḥīd at kapaniwalaan ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga) bago ng pagsusugo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) maliban sa kaunting bilang na tinaguriang mga Ḥanīf.
Nalipat nga ang pagsamba sa mga anito mula sa Sirya patungo sa mga Arabe dahil kay `Amr bin Luḥayy. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakita ko si `Amir bin `Āmir bin Luḥayy Al-Khuzā`īy na humihila ng lamang-loob niya sa Impiyerno." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3521 at Imām Muslim: 2856. Ang lamang-loob niya ay nangangahulugang: bituka niya.
Kabilang sa pinakatanyag sa mga anito ay sina Allāt, Al`uzzā, Manāh, at Hubal. Nagsabi si Allāh: {19. Kaya nakaisip ba kayo kina Allāt at Al`uzzā, 20. at kay Manāh, ang ikatlong iba pa?} (Qur'ān 53:19-20) Karagdagan pa sa isang bilang na hindi mabilang na mga maliit na anito, nagsasabi ang isa sa kanila: "Kami noon ay sumasamba sa bato; ngunit kapag nakatagpo kami ng isang bato na higit na mabuti kaysa sa nauna, itatapon namin ang una at kukunin namin ang huli." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 4377.
Pumasok ang Hudaismo sa ilan sa mga bayan, tulad ng Yathrib at Khaybar. Nakilala ang Kristiyanismo sa mga bayan ng Yemen at niyakap ito ng ilan sa mga kaanib ng nalalabi sa mga lipi. Sumamba naman ang iba sa kanila sa mga bituin at mga tala, tulad ng bituing Sirius, na nagsabi si Allāh kaugnay rito: {Na Siya ay ang Panginoon ng [bituing] Sirius.} (Qur'ān 53:49)
Ang Kalagayang Pangkultura
Nagpakahusay ang mga Arabe sa wikang Arabe. Nailarawan sila sa katatasan at lakas ng memorya. Nagmalasakit sila sa tula kasabay ng isang kamangmangan at isang kakauntian ng kaalaman sa karamihan sa mga iba pang larangan sapagkat kakaunti sa kanila ang nakaaalam ng pagbabasa at pagsusulat. Dahil doon, napatanyag sila bilang mga iliterato. Nagsabi si Allāh: {Siya ay ang nagpadala sa mga iliterato ng isang sugo kabilang sa kanila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya, nagbubusilak sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat at Karunungan – bagamat sila dati bago pa niyan ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw.} (Qur'ān 62:2)
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Mag-uugnay ako at mag-uuri ako.
Nagsabi si Ja`far bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) sa Negus, ang hari ng Etyopya, habang naglalarawan sa kalagayan ng mga Arabe bago ng Islām: "O Hari, kami dati ay mga tao ng panahon ng kamangmangan, na sumasamba sa mga anito, kumakain ng patay, gumagawa ng mga mahalay, pumuputol ng ugnayan sa mga kaanak, at nagpapasagwa sa pakikipagkapitbahay. Sumisiil ang malakas sa amin sa mahina. Kami dati ay nasa gayon hanggang sa nagpadala si Allāh sa amin ng isang sugong kabilang sa amin, saka nag-anyaya ito sa amin tungo kay Allāh upang maniwala kami sa kaisahan Niya at sumamba kami sa Kanya." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad: 1740. Mag-ugnay ka ng tekstong ito sa nasaad sa aralin. Pagkatapos magsagawa ka ng pag-uuri ng mga katangian ng mga Arabe alinsunod sa sumusunod na talahanayan:
Ang Katangian - Panrelihiyon - Pangkaasalan - Panlipunan - Pampulitika
Ang Pagsamba sa mga Anito
Ang Paglaganap ng mga Mahalay
Ang Kawalang-katarungan
Ang Paggawa ng Masagwa sa Kapitbahay
Aktibidad 2: Maghahango ako at maghuhulo ako.
Nasaad sa Marangal na Qur'ān ang kadahilanan ng pagkaligaw ng mga Arabe at pagsamba nila sa mga anito. Ayon sa liwanag niyon, tumugon ka sa sumusunod:
1. Hanguin mo mula sa mga sumusunod na āyah ng mga kadahilanan ng pagkaligaw ng mga Arabe at pagsamba nila sa mga anito.
Ang mga Āyah Ang kadahilanang ipinahiwatig nito:
{Sumasamba sila bukod pa kay Allāh sa hindi nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila, at nagsasabi sila: "Ang mga ito ay ang mga tagapagpamagitan namin sa ganang kay Allāh."} (Qur'ān 10:18) Upang mamagitan para sa kanila ang mga anito sa kay Allāh.
{Kapag sinabi sa kanila: "Sumunod kayo sa pinababa ni Allāh" ay nagsasabi sila: "Bagkus sumusunod kami sa nasumpungan namin sa mga magulang namin." Kahit ba nangyaring ang mga magulang nila ay hindi nakapag-uunawa ng anuman at hindi napapatnubayan?} (Qur'ān 2:170) Ang pagsunod sa mga tradisyon ng mga magulang at mga ninuno.
{"Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa kadikitan."} (Qur'ān 39:3) Upang magpalapit sa kanila ang mga diyos kay Allāh.
2. Maghulo ka ng kaugnayan ng kalagayang panlipunan at pangkultura sa ganang mga Arabe sa pamamagitan ng mga kadahilanang ito.
Ang paghahari ng sistemang makalipi, panatisismo, at paggaya-gaya sa mga magulang ay nagsasanhi sa kanila na kumapit sa pagsamba sa mga anito.
Ang kamangmangan at ang mga pamahiin ay nagsasanhi sa kanila na nagpapalagay na ang mga ito ay nagpalapit sa kanila kay Allāh.
Aktibidad 3: Maglalarawan ako ng damdamin ko.
Inilarawan ni Allāh ang matandang saloobin ng Arabe kapag pinagkalooban siya ng anak na babae sapagkat nagsabi si Allāh: {58. Kapag binalitaan ang isa sa kanila hinggil sa [pagkasilang ng anak na] babae, ang mukha niya ay naging nangingitim habang siya ay hapis. 59. Nagtatago siya sa mga tao dahil sa kasagwaan ng ibinalita sa kanya. Magpapanatili ba siya nito sa pagkahamak o magbabaon siya nito sa alabok?} (Qur'ān 16:58-59) hapis: malungkot. nagtatago: nagkukubli. magpapanatili siya nito sa pagkahamak: magdurusa sa kaabahan dahilan sa pag-iingat sa babaing sanggol. magbabaon siya nito sa alabok: maglilibing siya nito nang buhay.
Magbulay-bulay ka sa āyah, pagkatapos sumagot ka:
1. Ilarawan mo ang damdamin mo habang ikaw ay nagguguniguni sa pagkasaksi sa paglilibing sa batang babaing ito habang ito ay buhay pa.
2. Magbigay ka mula sa Sūrah At-Takwīr ng nababagay sa senaryong ito:
{8. at kapag ang batang babaing inilibing nang buhay ay tatanungin: 9. dahil sa aling pagkakasala siya pinatay,} (Qur'ān 81:8-9)
3. Ano ang katunayan niyon sa kalagayan ng mga Arabe bago ng Islām?
Nagpapatunay ito sa katiwalian ng kalagayang panlipunan at panrelihiyon sa ganang mga Arabe bago ng Islām.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang Sabi ni Allāh: {na nagpakain sa kanila mula sa isang pagkagutom at nagpatiwasay sa kanila mula sa isang pangamba.} (Qur'ān 106:4) ay nagpapatunay sa biyaya ni Allāh sa mga mamamayan ng Makkah sa aspetong
(pang-ideya - panrelihiyon - pang-ekonomiya).
2. Humantong ang panatisismong panlipi sa paglaganap ng:
(mga pagtutungali - paglilibing nang buhay sa mga anak na babae - kawalang-katarungan sa mga alipin).
3. Kabilang sa nagpapatunay sa pagpatay ng mga Arabe sa mga babaing anak nila ang sabi ni Allāh: 1
{Kapag binalitaan ang isa sa kanila hinggil sa [pagkasilang ng anak na] babae, ang mukha niya ay naging nangingitim habang siya ay hapis.} (Qur'ān 16:58)
2 {Magpapanatili ba siya nito sa pagkahamak o magbabaon siya nito sa alabok?} (Qur'ān 16:59)
3 {Nagsabi sila: "Bagkus nakatagpo kami sa mga magulang namin na gumagawa ng gayon."} (Qur'ān 26:74)
4. Itinaguri sa mga tagasunod ng kapaniwalaan ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga):
(ang mga Khalīfah - ang mga Ḥanīf - ang mga Shafī`).
5. Lumaganap ang Kristiyanismo sa:
(Yamāmah - Ṭā'if - Yemen).
PANUTO 2: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magpatotoo ka sa katiwalian ng mga kalagayang panrelihiyon ng mga Arabe bago ng Islām, habang nagpapasaksi sa Marangal na Qur'ān.
2. Magsulat ka ng isang listahan ng mga magandang katangian at mga masagwang katangian na lumaganap sa gitna ng mga Arabe bago ng Islām.
3. Magsulat ka ng isang artikulong pinaiksi tungkol sa kalagayang pang-ekonomiya ng mga Arabe bago ng Islām.
2. Ang Buhay ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Makkah (1)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbuod ka sa pinakamahalaga sa mga pangyayari sa talambuhay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bago ng pagsusugo;
2. makapagpaliwanag ka sa mga pauna ng pagkakasi at pagsisimula nito;
3. makapagsubaybay ka sa mga baytang ng pagsulong pag-aanyaya tungo sa Islām sa Makkah Mukarramah;
4. makahango ka ng mga punto ng pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng talambuhay niya;
5. makapagbigay-halaga ka sa katatagan ng mga Kasamahan at pagtitiis nila.
Sa gitna niyaong katiwaliang panrelihiyon, kawalang-katarungang panlipunan, at pagkakawatak-watak na pampulitika sa mga Arabe, ipinadala ni Allāh ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang magpalabas sa mga tao mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Sa araling ito, mamumuhay tayo kasama ng pagsisimula ng talambuhay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pag-aanyaya niya.
Ang Buhay ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Makkah (1)
Ang Kapanganakan ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) at ang Paglaki Niya
Ang Pagtatrabaho Niya (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Pagpapastol at Pangangalakal
Ang Pagbaba ng Kasi sa Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang Palihim na Pag-aanyaya
Ang Paghahayag ng Pag-aanyaya
Ang Saloobin ng mga Tagapagtambal sa Pag-aanyaya
Ang Saloobin ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Pamemerhuwisyo ng mga Tagapagtambal
Ang Paglikas sa Etyopya
Ang Kapanganakan ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) at ang Paglaki Niya
Ipinanganak ang pinakamainam sa mga tao, si Propeta Muḥammad na anak ni `Abdullāh na anak ni `Abdulmuṭṭalib Al-Hāshimīy, noong araw ng Lunes ng ika-12 ng Rabī`ul'awwal ng ika-571 taon ng Kristiyano, sa taon ng pagkaganap ng pagsalakay ng mga elepante na nababanggit sa Sūrah Al-Fīl.
Ipinanganak nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang ulila sapagkat namatay na ang ama niya bago ng kapanganakan niya kaya binalikat ng ina niya na si Āminah bint Wahb Al-Qurashīyah ang pag-aalaga sa kanya.
Gaya ng kaugalian ng mga mamamayan ng Makkah, namuhay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa yugto ng pagpapasuso sa labas ng Makkah kung saan pinasuso siya ni Ḥalīmah As-Sa`dīyah. Matapos ng panunumbalik niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nanatili siya kasama ng ina niya hanggang sa pinapanaw ito noong ang edad niya ay anim na taon. Pagkatapos nag-aruga sa kanya ang lolo niyang si `Abdulmuṭṭalib subalit ito ay pinapanaw matapos ng dalawang taon, saka nag-aruga naman sa kanya ang tiyuhin niyang si Abū Ṭālib. Nagsagawa ito ng pag-aalaga sa kanya ayon sa pinakamagandang pagsasagawa. Ito noon ay nag-uuna sa kanya higit sa mga anak nito.
Ang Pagtatrabaho Niya (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Pagpapastol at Pangangalakal
Nagpakaabala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkabata niya sa pagpapastol ng mga tupa. Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi nagpadala si Allāh ng isang propeta malibang nagpastol ito ng mga tupa." Nagsabi naman ang mga Kasamahan niya: "At ikaw po?" Nagsabi naman siya: "Oo; ako noon ay nagpapastol ng mga ito kapalit ng ilang karat ng mga mamamayan ng Makkah." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 2262.
Pagkatapos nagtrabaho ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pangangalakal kasama ng tiyuhin niyang si Abū Ṭālib noong siya ay nasa ikalabindalawa ng edad niya. Pagkatapos nagsarili siya mismo yayamang nakipagkalakalan siya ng mga ari-arian ng isang bilang ng mga kaanib ng liping Quraysh saka napatanyag siya sa gitna nila sa pagkamapagkakatiwalaan at katapatan.
Noong umabot ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa edad na dalawampu't limang taon, pumunta siya sa Sirya bilang mangangalakal ng ari-arian ni Khadījah bint Khuwaylid (malugod si Allāh sa kanya), na noong nakatiyak ito sa pagkamapagkakatiwalaan niya at mga kaasalan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), naibigan nitong magpakasal sa kanya. Naganap iyon sa mismong taon.
Ang Pagbaba ng Kasi sa Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Napatanyag ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) magmula ng pagkabinata niya sa kagandahan ng kaasalan, pagwaksi ng pagsamba sa mga anito, at pagtakwil sa alak at mga pagtitipon ng paglilibang.
Kasabay ng paglapit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa edad na apatnapung taon, nahilig siya sa pagsasarili nang mag-isa sa Yungib ng Ḥirā' para magpakamananamba roon, magbulay-bulay, at mag-isip-isip. Nagsimulang lumilitaw sa kanya ang ilan sa mga bakas ng pagkapropeta sapagkat siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nakapananaginip ng isang panaginip malibang nagkakatotoo ito gaya ng napanaginipan niya.
Noong umabot ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa edad na apatnapung taon at samantalang siya ay nagpapakamananamba sa Yungib ng Ḥirā', nagparangal sa kanya si Allāh sa pagkaloob ng pagkapropeta sapagkat nagbaba sa kanya si Anghel Gabriel ng sabi ni Allāh: {1. Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha, 2. lumikha sa tao mula sa isang malalinta. 3. Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay, 4. na nagturo sa pamamagitan ng panulat, 5. nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.}
(Qur'ān 96:1-5) Ang Palihim na Pag-aanyaya
Noong bumaba ang sabi ni Allāh: {1. O nagtatalukbong, 2. bumangon ka saka magbabala ka.} (Qur'ān 74:1-2) Nagsimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aanyaya. Ang metodolohiya noon ay palihim at pang-individuwal yayamang pinipili niya ang pinakamalapit sa mga tao sa kanya gaya ng mga kaibigan at mga kamag-anak. Umanib sa Islām ang maybahay niya na si Khadījah (malugod si Allāh sa kanya), ang anak ng tiyuhin niya na si `Alīy bin Abī Ṭālib, ang kaibigan niya na si Abū Bakr, at ang pinalayang alipin niya na si Zayd bin Ḥārithah (malugod si Allāh sa kanila).
Lumahok si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya) sa pag-aanyaya rin yayamang umanib sa Islām sa mga kamay niya sina `Uthmān bin `Affān, Az-Zubayr bin Al-`Awwām, `Abdurraḥmān bin `Awf, Sa`d bin Abī Waqqāṣ, at Talḥah bin `Ubaydillāh (malugod si Allāh sa kanila).
Nagpatuloy ang yugtong ito nang tatlong taon. Umanib sa Islām sa loob ng panahong ito ang humihigit-kumulang sa 50 lalaking kasamahan at babaing kasamahan.
Ang Paghahayag ng Pag-aanyaya
Lumawak ang saklaw ng pag-aanyaya sapagkat sumaklaw ito sa lahat ng mga kamag-anak niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kabilang sa angkan ni Hāshim matapos ng pagbaba ng sabi ni Allāh: {Magbabala ka sa angkan mong mga pinakamalalapit na kaanak.} (Qur'ān 26:214)
Pagkatapos ang paghahayag ng pag-aanyaya ay kung saan umakyat ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa burol ng Ṣafā at nanawagan siya sa lahat ng mga lipi ng Quraysh. Nag-anyaya siya sa kanila sa Islām ngunit nagpasinungaling sa kanya ang tiyuhin niya na si Abū Lahab at gayon din ang nalalabi sa mga pinuno ng Quraysh subalit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpatuloy sa pag-aanyaya niya bilang pagpapatupad sa utos ni Allāh: {Kaya maglantad ka ng ipinag-uutos sa iyo at umayaw ka sa mga tagapagtambal.} (Qur'ān 15:94)
Ang Saloobin ng mga Tagapagtambal sa Pag-aanyaya
Lumitaw ang maagang pangangaway sa pag-aanyaya, lalo na matapos ng pagkaalam ng Quraysh sa pag-anib sa Islām ng isang bilang ng mga Kasamahan. Nagtangka naman ang mga pinuno ng Quraysh ng pag-impluwensiya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng tiyuhin niya na si Abū Ṭālib upang tumigil siya sa pag-aanyaya. Subalit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpumilit sa pagpapatuloy ng pag-aanyaya. Gumamit ang Quraysh ng mga istilo ng panunuya at pagmamaliit sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos ng pagpukol sa kanya ng mga bulaang paraang gaya ng pagkabaliw, panggagaway, at kasinungalingan. Nagsabi si Allāh: {Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Ito ay isang manggagaway na palasinungaling.} (Qur'ān 38:4)
Matapos ng pagkabigo ng mga istilong iyon, tumuon ang Quraysh sa pagdudulot ng pagdurusang pisikal sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila), lalo na sa mga mahina at mga aliping tulad nina Bilāl bin Rabāḥ, Khabbāb bin Al-Arat, `Ammār bin Yāsir, at ama nito at ina nito na si Sumayyah (malugod si Allāh sa kanya).
Ang Saloobi ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Pamemerhuwisyo ng mga Tagapagtambal
Nagpakatatag ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) sa Relihiyon ni Allāh at sumunod sila sa pag-uutos ni Allāh ng pagtitiis. Nagsabi si Allāh: {Magtiis ka at walang iba ang pagtitiis mo kundi sa pamamagitan ni Allāh.} (Qur'ān 16:127)
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakikipagkita noon sa mga Kasamahan niya nang malayo sa mga mata ng Quraysh sa tahanan ni Al-Arqam bin Abi Al-Arqam (malugod si Allāh sa kanya) kung saan sila noon ay sumasamba roon at nag-aaral ng Relihiyon nila, at binibigkasan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng bumababa mula sa kasi.
Ang Paglikas sa Etyopya
Noong ikalimang taon ng pagkapropeta, nakita ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang katindihan ng pagdudulot ng pagdurusa ng mga tagapagtambal sa mga Kasamahan, kaya naman nag-utos siya sa kanila ng paglikas sa Etyopya dahil doon ay may isang haring makatarungan. Lumisan naman ang labing-isang lalaki at apat na babae subalit sila ay nanumbalik matapos ng ilang buwan yayamang may nakarating sa kanila na mga ulat na ang mga mamamayan ng Makkah ay umanib sa Islām at na ang mga Muslim ay naging nasa isang katiwasayan matapos ng pag-anib sa Islām nina Ḥamzah bin `Abdilmuṭṭalib at `Umar bin `Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Subalit sila ay ginulat na ang ulat ng pag-anib sa Islām ng Quraysh ay hindi tumpak. Kaya nangyari ang ikalawang paglikas sa Etyopya na nakasaksi ng pagkadagdag ng mga bilang sa 83 lalaki at 12 babae. Iyon ay matapos na nakatiyak ang mga Muslim sa usapin at katarungan sa Etyopya. Nagtangka nga ang Quraysh na magpabalik sa kanila sa Makkah subalit ito ay nabigo roon.
Ang Pinagkunan: Aṭlas As-Sīrah An-Nabawīyah (Atlas ng Pampropetang Talambuhay, ni Shawqīy Abū Khalīlīy, pahina 62. Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsasaliksik ako at maghuhulo ako:
Nagkalamat-lamat ang mga dingding ng Ka`bah kaya inulit ng Quraysh ang pagpapatayo nito. Nakilahok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa paglipat ng mga bato. Pagkatapos siya ay naging ang tagahatol sa pagitan ng mga pinuno ng mga lipi noong nagtalu-talo sila sa kung sino ang maglalagay ng Batong Itim. Nakaya naman ng Propeta na masolusyunan ang pagtutunggali sa pamamagitan ng paglalagay sa bato sa isang damit. Humawak ang bawat isa mula sa kanila sa gilid ng damit at dinala nila ito sa lalagyan nito. Pagkatapos kinuha ito ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at inilagay niya sa lugar nito. Ang edad niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandaling iyon ay 35 taon. Sa pamamagitan ng kuwento, tugunin mo ang sumusunod:
1. Maghulo ka ng ipinahihiwatig ng kuwento na mga katangian ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at katayuan niya sa lipunan niya.
2. Ang karunungan, ang katalinuhan, ang pagkamapagkakatiwalaan, ang tiwala ng mga tao sa kanya, ang pagkakumbinsi nila sa pananaw niya, at ang pagbibigay-halaga nila sa katayuan niya.
2. Nagpapatunay ang kuwento sa pakikilahok ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga usapin ng lipunan niya. Magpaliwanag ka ng epekto niyon sa pag-aanyaya tungo kay Allāh.
Ang pakikilahok ng tagapag-anyaya ng Islām at ang pakikisali niya sa paglutas ng mga suliranin nila ay magpapatamo sa kanya ng pag-ibig ng mga tao, tiwala nila, at pagtanggap ng mga pananaw niya at mga ideya niya.
3. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagkaroon ng mga iba pang pakikilahok sa lipunan niya, tulad ng pakikilahok niya sa Alyansa ng mga Kainaman. Magsaliksik ka tungkol sa alyansang ito sa mga aklat ng talambuhay ng Propeta at magsulat ka ng buod nito.
Noong lumaganap ang kawalang-katarungan sa gitna ng mga Arabe, may nagtipong isang bilang ng mga maharlika ng Quraysh at nagkasang-ayon sila sa pag-adya sa naapi at pagsauli roon ng karapatan niyon. Lumahok sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa alyansang ito dahil siya ay nag-aanyaya tungo sa nagkakasang-ayon sa mensahe ng Islām.
Aktibidad 3: Magbubulay-bulay ako at maghuhulo ako.
Nagsabi si Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanya): {Nagtanong ako kay `Umar bin `Al-Khaṭṭāb: "Dahil sa aling pangyayari tinawag kang Al-Fārūq?" Nagsabi siya: "Nagsabi ako nang umanib ako sa Islām: 'O Sugo ni Allāh, hindi ba tayo ay nasa katotohanan, kung namatay tayo at kung nabuhay tayo?' Nagsabi siya: 'Oo; sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko nasa kamay Niya, tunay na kayo ay nasa katotohanan, kung namatay kayo at kung nabuhay kayo.'" Nagsabi siya: "Nagsabi ako: 'Kaya alang-alang sa ano ang pagkukubli? Sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo kalakip ng katotohanan, talagang lalabas nga kami.' Kaya nagpalabas kami sa kanya sa dalawang hanay: si Ḥamzah ay nasa isa sa dalawa at ako ay nasa isa pa, hanggang sa makapasok kami sa Masjid." Nagsabi siya: "Kaya tumingin ako sa Quraysh at kay Ḥamzah saka may dumapo sa kanila na isang dalamhating hindi dumapo sa kanila ang tulad niyon. Kaya tinawag ako ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang Al-Fārūq."}
Nagsabi si Suhayb (malugod si Allāh sa kanya): "Noong umanib si `Umar, lumantad ang Islām at ipinaanyaya ito nang hayagan. Umupo kami sa Bahay [na Pinakababanal] sa isang sirkulo. Pumaligid kami sa Bahay [na Pinakababanal]. Nagmakatarungan kami sa sinumang nagmalupit sa amin. Nagsauli kami sa kanya ng ilan sa ginagawa niya." Magbulay-bulay ka sa binanggit nina Ibnu `Abbās at Suhayb (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Pagkatapos sagutin mo ang sumusunod:
1. Sino ang tumawag kay `Umar bin `Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) bilang Al-Fārūq? At bakit?
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang tumawag sa kanya bilang Al-Fārūq dahil si Allāh ay nagpahiwalay sa pagitan ng katotohanan na batay rito ang mga Muslim at kabulaanan na batay rito ang Quraysh.
2. Ilarawan mo ang pagbabagong-anyo na nangyari sa buhay ng mga Muslim matapos ng pag-anib sa Islām nina Ḥamzah at `Umar bin `Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Naghayag ang mga Muslim ng pag-anib nila sa Islām, nakaramdam sila ng lakas nila, at nangaunti ang pangamba nila sa Quraysh.
3. Huluhin mo ang mga araling nahihinuha mula sa kuwento ng pagsuporta sa mga Muslim kung sila ay minoriya.
Kinakailangan sa mga Muslim ang pagsuporta at ang pag-alalay sa mga minoriyang Muslim nang sa gayon hindi makaramdam ang mga ito ng pangamba o pagkahamak at magpakatatag ang mga ito sa Relihiyon ng mga ito.
Aktibidad 3: Makikipagtalakayan ako at maghahango ako.
Matapos ng pakikipagtalakayan sa mga kaklase mo sa pangkat, isulat mo ang pinakamahalaga sa mga araling nahihinuha mula sa mga pangyayari ng talambuhay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nasasaad sa aralin.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Kabilang sa mga empleyo na ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkabata niya:
(ang pagpapatayo ng mga tirahan - ang pagpapastol ng mga tupa - ang paghuhukay ng mga balon).
2. Kabilang sa mga nauna sa Islām:
(si `Abdurraḥmān bin `Awf - si Khālid bin Al-Walīd - si Mu`āwiyah bin Abī Sufyān), malugod si Allāh sa kanilang lahat.
3. Ang sabi ni Allāh: {Kaya maglantad ka ng ipinag-uutos sa iyo at umayaw ka sa mga tagapagtambal.} (Qur'ān 15:94) Dito ay may isang utos sa Propeta Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pag-anyaya sa:
(mga kamag-anak at mga kaibigan - mga pinuno ng Quraysh - lahat ng mga mamamayan ng Makkah).
PANUTO 2: Ano ang mga resultang ibinubunga ng bawat isa sa sumusunod:
1. Ang pagkamapagkakatiwalaan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pangangalakal ng mga ari-arian ng Khadījah (malugod si Allāh sa kanya).
2. Ang pag-anib sa Islām nina Ḥamzah at `Umar bin `Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanilang dalawa.
PANUTO 3: Magbigay-katwiran ka sa sumusunod:
1. Ang pagtitipon ng mga Muslim sa tahanan ni Al-Arqam (malugod si Allāh sa kanya).
2. Ang paglikas ng mga Muslim sa Etyopya.
PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:
1. Magsulat ka ng isang artikulo sa limang linya tungkol sa mga aspeto ng pagsunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa napag-aralan mo mula sa talambuhay niya.
2. Papaano nagsimula ang pagbaba ng kasi sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)? Saan? Ano ang kauna-unahang āyah na bumababa mula sa Qur'ān?
3. Nailarawan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkaresponsable, mapagkakatiwalaan, at karunungan. Humango ka ng nagpapahiwatig doon mula sa talambuhay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
3. Ang Buhay ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Makkah (2)
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpaliwanag ka sa pinakamahalaga sa mga pangyayari ng taon ng kalungkutan;
2. makapagpakahulugan sa kahalagahan ng dalawang pangako ng katapatan sa Al-`Aqabah;
3. makapaghango ka ng mga tagapagdahilan ng tagumpay ng paglikas sa Madīnah;
4. makapaghango ng mahihinuha mula sa mga pangyayaring nababanggit sa aralin;
5. makapagsadamdamin ka sa pagmamalasakit ni Allāh at pag-ibig Niya sa Propeta (basbasan Niya ito at pangalagaan).
Tayo ay kasama pa rin ng mga kalagayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niya sa Makkah at kung papaano silang nakipagharapan sa pangangaway ng mga tagatangging sumampalataya ng Quraysh at kawalang-katarungan nila.
Ang Buhay ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) sa Makkah (2)
Ang Pagkubkob sa Libis ni Abū Ṭālib
Ang Taon ng Kalungkutan at ang Pagpunta sa Ṭā'if
Ang Isrā' at ang Mi`rāj
Ang Dalawang Pangako ng Katapatan sa Al-`Aqabah
Ang Paglikas sa Madīnah
Ang Pagkubkob sa Libis ni Abū Ṭālib
Nang umanib sa Islām sina Ḥamzah at `Umar bin `Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), nadagdagan ang lakas ng mga Muslim at kumatig ang angkan ni Hāshim sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya naman nagpataw ang Quraysh ng malawakang pagkubkob sa kanila. Nagpasya ang mga tao ng Quraysh na hindi sila mag-aasawa mula sa angkan ng Hāshim, hindi sila magtitinda at hindi sila bibili mula sa mga ito, hindi sila makikihalubilo sa mga ito, at hindi sila tatanggap mula sa mga ito ng isang pagpayapa hanggang sa isuko ng mga ito sa kanila ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Nagpatuloy ang pagkubkob na ito nang tatlong taon (mula sa ikapitong taon hanggang sa ikasampung taon mula ng pagsusugo). Nagdusa roon ang mga kinukubkob ng pagkagutom at pagkakait hanggang sa kumain sila ng mga dahon ng mga punong-kahoy. Noong nakita iyon ng ilan sa mga pinuno ng mga lipi, tumanggi sila na magpatuloy ng boykoteong iyon, kaya pinawi ang pagkubkob sa kanila.
Ang Taon ng Kalungkutan at ang Pagpunta sa Ṭā'if
Sa ikasampung taon mula ng pagsusugo, pinapanaw si Khadījah (malugod si Allāh sa kanya). Siya ay kay inam bilang maybahay at tagatulong. Namatay si Abū Ṭālib, ang pinakamalaki sa mga tagapagtanggol ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kaya naglakas-loob ang Quraysh sa pamemerhuwisyo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpasya siya na mag-anyaya sa mga mamamayan ng Ṭā'if – isang bayang malapit sa Makkah – subalit ang mga mamamayan nito ay hindi tumugon sa paanyaya; bagkus pinerhuwisyo nila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pinukol nila siya hanggang sa napadugo ang mga paa niya.
Dahil sa mga trahedyang iyon, nagtaguri ang mga maalam sa taon na ito bilang taon ng kalungkutan.
Ang Isrā' at ang Mi`rāj
Ibinibilang ang paglalakbay ng Isrā' at Mi`rāj na kabilang sa pinakadakila sa mga himala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang lumipat siya mula sa Masjid na Pinakababanal papunta sa Masjid na Pinakamalayo. Nagsabi si Allāh: {Kaluwalhatian sa Kanya na nagpalakbay sa lingkod Niya isang gabi mula sa Masjid na Pinakababanal patungo sa Masjid na Pinakamalayo, na pinagpala Namin ang palibot nito upang magpakita Kami sa kanya ng ilan sa mga tanda Namin.} (Qur'ān 17:1) Pagkatapos ipinanik ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa Masjid na Pinakamalayo papunta sa ibabaw ng mga langit na pinakamatataas. Kinausap siya ng Panginoon niya nang walang tagapagitna. Isinatungkulin sa kanya at sa Kalipunan niya ang limang dasal.
Nakipagkita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang bilang ng mga propeta. Nakita niya ang Paraiso, ang Impiyerno, at ang ilan sa mga kalagayan ng mga maninirahan sa dalawang ito.
Ang paglalakbay na iyon ay naging pinakamabuting pagpaparangal sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagpapalubag-loob sa mga kalungkutan niya, at pagpapalakas-loob sa kanya sa pagpapatuloy sa pag-aanyaya.
Ang Dalawang Pangako ng Katapatan sa Al-`Aqabah
Nagpahalaga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pag-aanyaya sa mga dumarating sa Makkah, lalo na sa panahon ng ḥajj. Noong ikalabing-isang taon mula ng pagsusugo, nag-anyaya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anim mula sa mga kabataan ng Al-Khazraj (mga mamamayan ng Madīnah Munawwarah). Umanib naman sila sa Islām at nanumbalik sa Madīnah saka nag-anyaya sa mga mamamayan nito tungo sa Islām.
Noong ikalabindalawang taon, may dumating na sampu mula sa Al-Khazraj at dalawa mula sa Al-Aws at nangako sila ng katapatan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sa Islām at mga batas nito. Ito ay ang unang pangako ng katapatan sa Al-`Aqabah. Nagsugo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama nila kay Muṣ`ab bin `Umayr (malugod si Allāh sa kanya) upang magturo sa kanila ng Relihiyon at mag-anyaya sa nalalabi sa mga mamamayan ng Madīnah tungo sa Islām.
Noong ikalabintatlong taon, naganap ang ikalawang pangako ng katapatan sa Al-`Aqabah yayamang nangako ng katapatan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang 73 lalaki at ang dalawang babae mula sa mga mamamayan ng Madīnah. Nangako sila na magsanggalang sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mag-adya sa kanya kung lilikas siya sa kanila.
Ang Paglikas sa Madīnah
Matapos ng ikalawang pangako ng katapatan sa Al-`Aqabah, nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya lumikas sa Madīnah at nag-utos siya kay Abū Bakr (malugod si Allāh dito) na maghintay.
Nakaramdam ang Quraysh sa panganib ng mangyayari kaya nagtipon ang mga pinuno nito sa tahanan ng pagpupulong. Nagpasya sila na patayin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya naman bumaba si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga), nagpabatid sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa binabalak nila, at nag-utos sa kanya na lumikas. Nagsabi si Allāh: {[Banggitin] noong nagpakana sa iyo ang mga tumangging sumampalataya upang bihagin ka nila o patayin ka nila o palisanin ka nila. Nagpakana sila at *nagpakana si Allāh at si Allāh ay pinakamabuti sa mga tagapagpakana.} (Qur'ān 8:30)
Noong nagpasya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na lumikas, nagpunta siya kay Abū Bakr (malugod si Allāh dito) at nagpabatid dito hinggil sa paglikas nilang dalawa. Pagkatapos nangyari ang paghahanda ng paglisan yayamang nanatili silang dalawa sa Yungib ng Thawr nang tatlong araw nang sa gayon makakubli silang dalawa sa mga paningin ng Quraysh. Pagkatapos lumisan sila mula sa yungib papunta sa Madīnah habang tumatawid sa daan na hindi nalalaman. May gumagabay sa kanilang dalawa na isang lalaking tinatawag na `Abdullāh bin Urayqiṭ. Dumating sila matapos ng walong araw saka sinalubong silang dalawa ng mga mamamayan ng Madīnah nang pagsalubong na puno ng mga tumatanggap at mga nagagalak sa pagdating ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanya).
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghuhulo ako at magsasaliksik ako.
Samantalang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pabalik mula sa Ṭā'if habang siya ay malungkot, bumaba sa kanya ang Anghel ng Kabundukan at nagsabi ito sa kanya: "O Muḥammad, kung loloobin mo na magtaklob ako sa kanila ng Akhshabán (dalawang bundok sa Makkah)." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Bagkus nag-aasam ako na magpalabas si Allāh mula sa mga supling nila ng sasamba kay Allāh lamang nang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3231 at Imām Muslim: 1795. Ayon sa liwanag ng ḥadīth, tugunin mo:
1. Magpaliwanag ka ng ipinahihiwatig ng senaryong ito mula sa mga katangian ng tagapag-anyaya tungo kay Allāh.
Nagpapahiwatig ito ng awa ng tagapag-anyaya (dā`iyah) at simpatiya niya sa mga tao, at pagtitiis niya at pag-asa niya sa kapatnubayan nila.
2. Ang senaryong ito ay hindi ang kaisa-isa na nangyari sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay pabalik mula sa Ṭā'if sapagkat nagpadala si Allāh sa kanya ng isang pangkat ng mga jinn saka nakinig sila sa Qur'ān at sumampalataya sila rito. Magsaliksik ka ng detalye ng senaryong ito, pagkatapos magsulat ka ng epekto nito sa sarili ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ng ipinahihiwatig nito na mga katuturan.
Nagpadala si Allāh ng isang grupo ng mga jinn, na nakikinig sa Qur'ān mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka sumampalataya sila rito. Hindi nakaramdam sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos bumalik ang mga jinn sa mga kalahi nila at nag-anyaya sila sa mga iyon tungo sa Islām. Noong nakaalam ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) niyon, natuwa siya nang malaking pagkatuwa dahil may sumampalataya sa kanya na mga ibang nilikha na iba pa sa mga tagapagpasinungaling na ito kabilang sa Quraysh. Nagsabi si Allāh: {[Banggitin] noong naglihis Kami tungo sa iyo ng isang pangkat ng mga jinn na nakikinig sa Qur'ān, saka noong dumalo sila roon ay nagsabi sila: "Tumahimik kayo [upang makinig]." Kaya noong nagwakas ito ay umuwi sila sa mga kalahi nila bilang mga tagapagbabala.} (Qur'ān 46:29)
Ilan sa mga Katuturan:
1. Ang kaaya-ayang epekto ng pagtugon ng mga tao sa kaluluwa ng dā`iyah.
2. Ang pagsentro sa Marangal na Qur'ān sa pag-aanyaya dahil sa taglay nito na isang kaaya-ayang epekto sa kaluluwa ng inaanyāyahan.
3. Ang pagsisigasig sa kapatnubayan ng mag-anak at mga iniibig at ang pagpapaabot sa kanila ng kabutihan.
Aktibidad 2: Mag-aanalisa ako at maghuhulo ako.
Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay masigasig sa pag-anib sa Islām ng tiyuhin niyang si Abū Ṭālib dahil sa pag-ibig nito sa kanya at dahil sa pagsasanggalang nito at pagmamalasakit nito sa kanya. Dahil dito, noong dumating ang paghihingalo kay Abū Ṭālib, pumasok sa kinaroroonan nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nasa piling nito si Abū Jahl: {saka nagsabi siya: "O tiyuhin ko, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na makikipagkatwiran ako para sa iyo sa pamamagitan nito sa piling ni Allāh." Kaya nagsabi sina Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah: "O Abū Ṭālib, umaayaw ka sa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib." Hindi sila tumitigil na nakikipag-usap sa kanya hanggang sa nagsabi ito ng kahuli-hulihang bagay na ikinausap nito sa kanila: "Sa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talagang hihingi nga ako ng tawad para sa iyo hanggat hindi Siya sumasaway laban doon." Kaya bumaba [ang sabi ni Allāh]: {Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal, kahit pa man ang mga ito ay mga *mayroong pagkakamag-anak, *matapos na luminaw para sa kanila na ang mga ito ay mga maninirahan sa Impiyerno.} (Qur'ān 9:113) at bumaba [rin ang sabi pa Niya]: {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napapatnubayan.} (Qur'ān 28:56)} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3884 at Imām Muslim: 24. Magbulay-bulay ka sa teksto, pagkatapos magpatunay ka sa katumpakan ng mga sumusunod na kahulugan mula sa teksto:
1. Ang pagkamatapat ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagganti niya sa kabutihan.
Ang sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O tiyuhin ko, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na makikipagkatwiran ako para sa iyo sa pamamagitan nito sa piling ni Allāh." yayamang nagsigasig siya sa kaligtasan ng tiyuhin niya dahil nagkaroon ng kabutihang-loob sa pagsasanggalang sa kanya.
2. Ang sigasig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kapatnubayan ng mga tao.
Nagkaloob ang Propeta ng isang malaking pagsisikap para sa kapatnubayan ng tiyuhin hanggang sa kahuli-hulihan sa mga sandali ng buhay nito.
3. Ang kapatnubayan sa pagkakatuon sa tama ay mula sa ganang kay Allāh – tanging sa Kanya.
Ang sabi ni Allāh: {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napapatnubayan.} (Qur'ān 28:56) ay isang patunay na ang kapatnubayan sa pagkakatuon sa tama ay nasa kamay ni Allāh – tanging sa Kanya.
4. Ang epekto ng mga kasamahan sa pagtatakda sa kahahantungan ng tao.
Ang kasamahan ay nakaaapekto sa buhay ng kaibigan niya, bagkus sa kahahantungan niya magkaminsan, sapagkat si Abū Jahl ay naging isang kadahilanan nga sa pagkamatay ni Abū Ṭālib sa kawalang-pananampalataya.
Aktibidad 3: Maghahango ako.
Nagsabi si Allāh tungkol sa paglikas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Kung hindi kayo mag-aadya sa kanya, nag-adya na sa kanya si Allāh noong nagpalisan sa kanya ang mga tumangging sumampalataya bilang ikalawa sa dalawa noong silang dalawa ay nasa yungib noong nagsasabi siya sa kasamahan niya: "Huwag kang malungkot; tunay na si Allāh ay kasama sa atin." Kaya nagpababa si Allāh ng katiwasayan Niya rito, nag-alalay Siya rito ng mga kawal na hindi ninyo nakita, at gumawa Siya sa salita ng mga tumangging sumampalataya bilang ang pinakamababa samantalang ang salita ni Allāh ay ang pinakamataas. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.} (Qur'ān 9:40) Humango ka mula sa āyah ng nagpapahiwatig sa:
1. Tiwala kay Allāh at Pananalig sa Kanya:
{noong nagsasabi siya sa kasamahan niya: "Huwag kang malungkot; tunay na si Allāh ay kasama sa atin."} (Qur'ān 9:40)
2. Pag-aalaga ni Allāh sa mga Maayos na Lingkod Niya:
{Kaya nagpababa si Allāh ng katiwasayan Niya rito, nag-alalay Siya rito ng mga kawal na hindi ninyo nakita,}
3. Paggawa ng mga Kadahilanan ng Pagkaligtas at Pagkaadya:
{noong silang dalawa ay nasa yungib}
4. Kainaman ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (Malugod si Allāh sa Kanya)
{noong nagsasabi siya sa kasamahan niya} (Qur'ān 9:40)
5. Mabuting Kahihinatnan Ukol sa Katotohanan at Alagad Nito:
{at gumawa Siya sa salita ng mga tumangging sumampalataya bilang ang pinakamababa samantalang ang salita ni Allāh ay ang pinakamataas. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.}
Aktibidad 4: Magsasaliksik ako.
Ang mga kabataan ay may malaking papel sa tagumpay ng paglikas ng Propeta papunta sa Madīnah, tulad nina Asmā' bint Abī Bakr, `Abdullāh bin Abī Bakr, `Āmir bin Fuhayrah, at `Alīy bin Abī Ṭālib. Magsaliksik ka tungkol sa papel ng bawat isa sa kanila sa paglikas, kasama ng pagsulat ng mahihinuha mula roon.
Ang mga Kabataan Ang Papel Nila
Asmā' Bint Abī Bakr (Malugod si Allāh sa Kanya): Ang paghahanda ng pagkain at inumin.
`Abdullāh Bin Abī Bakr (Malugod si Allāh sa Kanya): Ang pag-alam sa mga ulat at mga plano ng Quraysh at ang pagpapaabot ng mga ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
`Āmir Bin Fuhayrah (Malugod si Allāh sa Kanya): Ang pagkukubli sa mga bakas ng mga hakbang ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng pagpapalakad sa mga tupa sa likuran niya.
`Alī bin Abī Ṭālib (Malugod si Allāh sa Kanya): Ang pagpapagabi sa lugar ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa gabi ng paglikas.
Ang mahihinuha mula roon ay na ang mga kabataan ay may dakilang papel sa pagpapalaganap ng pag-aanyaya at pag-adya sa Relihiyon. Kinakailangan ang magpahalaga sa mga kabataang ito at ang makinabang sa mga lakas nila.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang sabi ni Allāh habang nakikipag-usap sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.} (Qur'ān 28:56) ay nagpapatunay:
(sa kawalang-pag-asa sa kapatnubayan ng mga tao - na ang kapatnubayan sa pagkakatuon sa tama ay nasa kamay ni Allāh - pagwaksi ng pag-aanyaya sa mga nakikipagmatigasan).
2. Ang sabi ni Allāh: {noong nagsasabi siya sa kasamahan niya: "Huwag kang malungkot; tunay na si Allāh ay kasama sa atin."} (Qur'ān 9:40) ay nagpapatunay sa:
(tiwala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Allāh - galit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Abū Bakr - pangamba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tagapagtambal).
3. Ang kadahilanan ng paglisan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para mag-anyaya sa mga mamamayan ng Ṭā'if ay:
(kawalang-pag-asa niya sa mga mamamayan ng Makkah - pagmamatigas ng mga mamamayan ng Makkah - pagkamapagbigay ng mga mamamayan ng Ṭā'if).
4. Kabilang sa mga pangyayari na nagbigay-daan para sa paglikas sa Madīnah ay:
(ang dalawang pangako ng katapatan sa Al-`Aqabah - ang paglalakbay sa Ṭā'if - ang Isrā' at ang Mi`rāj).
PANUTO 2: Papaano mong ipakakahulugan:
1. ang pagkabigo ng pagkubkob ng Quraysh sa mga Muslim sa Libis ni Abū Ṭālib?
2. ang pagtawag sa ikasampung taon ng pagsusugo bilang taon ng kalungkutan?
3. ang pagsusugo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Muṣ`ab bin `Umayr (malugod si Allāh sa kanya) sa Madīnah?
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magbuod ka ng pinakamahalaga sa mga pangyayari ng taon ng kalungkutan.
2. Magpaliwanag ka sa epekto ng pag-anib sa Islām ng isang pangkat ng mga jinn at ng paglalakbay ng Isrā' at Mi`rāj sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
3. Magbigay-linaw ka sa mga kadahilanan ng tagumpay ng paglikas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah.
4. Humango ka ng tatlong katuturan mula sa mga pangyayari sa talambuhay na tinalakay ng araling ito.
4. Ang Pagtatayo ng Lipunang Muslim sa Madīnah
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaglarawan ka sa pagtanggap ng mga mamamayan ng Madīnah sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);
2. makapagpaliwanag ka sa mga pundasyon ng pagtatayo ng Estado sa Madīnah Munawwarah;
3. makapagpatotoo ka sa kahalagahan ng masjid sa buhay ng mga Muslim;
4. makapagpakahulugan ka sa kahalagahan ng pakikipagkasunduan sa mga Hudyo;
5. makapagbigay-halaga ka sa papel ng mga tagaadya sa pag-aadya sa pag-aanyaya tungo sa Islām at pagpapatayo ng Estado.
Sa harapan mo ay may mapa ng paglikas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah. Sa araling ito, mag-aaralan tayo ng pinakamahalaga sa mga gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos ng paglikas niya sa Madīnah.
Ang Pagdating ng Propeta (Sumakanya ang Basbas at ang Pangangalaga) sa Madīnah
Bago pumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah, tumigil siya nang 14 araw sa Qubā', na nasa mga dakong labas ng Madīnah. Nagtatag siya sa pagtigil na iyon ng masjid ng Qubā'. Ibinibilang ito na kauna-unahang masjid sa Islām.
Pagkatapos pumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah Munawwarah sa buwan ng Rabī`ul'awwal at sinalubong siya ng humigit-kumulang sa 500 lalaki kabilang sa mga tagaadya. Iyon ay isang araw na sinaksihan, na nayanig doon ang mga bahay at ang mga daan sa papuri at pagluwalhati. Natuwa ang lipunan sa kabuuan nito: mga lalaki, mga babae, mga nakababata, at mga nakatatanda.
Nagsasabi si Al-Barrā' bin `Āzib (malugod si Allāh sa kanya): "Hindi ako nakakita sa mga mamamayan ng Madīnah na natuwa sa isang anuman gaya ng pagkatuwa nila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 3925.
Tinawag nga ito magmula ng araw ng iyon na Lungsod ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos na ang pangalan nito noon ay Yathrib.
Ang Pagpapanauhin ni Abū Ayyūb Al-Anṣārīy sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)
May nag-alok na marami sa mga tagaadya ng pagtanggap bilang panauhin sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) subalit siya ay tumuloy sa piling ni Abū Ayyūb Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya), sa karatig ng lugar na pagpapatayuan ng Masjid Nabawīy. Nanatili siya sa pagpapanauhin nito nang pitong buwan hanggang sa nalubos ang pagtatayo ng Masjid.
Ang mga Pundasyon ng Pagtatayo ng Lipunang Muslim sa Madīnah
Ang Lipunan ng Madīnah
Ang mga Tagalikas
Ang mga Tagaadya
Ang mga Hudyo
Nakipagharap ang lipunang Muslim sa Madīnah Munawwarah sa isang bilang ng mga hamon, na ang pinakamahalaga sa mga ito ay pagpapatayo ng lipunan alinsunod sa metodolohiya ng Islām, pag-oorganisa ng mga kaugnayan sa pagitan ng mga individuwal nito. Alang-alang doon, nagsagawa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang bilang ng mga gawain, na ang pinakamahalaga sa mga ito ay:
Una. Ang Pagtatayo ng Masjid Nabawīy
Ang Masjid Nabawīy ay may dakilang epekto sa kasaysayan ng Islām sapagkat ito ay hindi naging isang payak na lugar ng pagsasagawa ng ṣalāh lamang, bagkus ito ay naging isang paaralang pampanginoon, na natuto at napalaki rito ang pinakamainam na salinlahi sa hinaba-haba ng Kasaysayan. Ito ay naging isang himpilan ng paghuhukom, pagpayapa sa pagitan ng mga tao, sanggunian sa mga kapakanang pampubliko, pagtanggap ng mga delegasyon, at pagpapahayo ng mga hukbo para sa pakikibaka sa landas ni Allāh.
Ang Masjid Nabawīy ay may mga kainamang kapita-pitagan sapagkat ito ay ang pinakamainam sa mga masjid matapos ng Masjid na Pinakababanal. Ang pagsasagawa ng ṣalāh dito ay higit na mainam kaysa sa isang libong ṣalāh sa alinman masjid bukod pa sa Masjid na Pinakababanal. Nakilahok nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mismo sa pagtatayo nito sapagkat binili nga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang lupa ng Masjid. Pinatag ang lupa at pinutol ang anumang narito na mga punong datiles, pagkatapos ipinatayo ang mga dingding ng Masjid mula sa tisa (tuyong putik). Ang mga poste nito mula sa troso ng punong datiles at ang bubong nito ay mula sa palapa. Umabot ang pagtatayo nito sa labindalawang araw. Pagkatapos itinayo ang mga silid ng mga maybahay ng Propeta sa katabi ng Masjid.
Nakilahok nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga Kasamahan niya sa pagpasan ng mga bato at sa mga gawain ng pagtatayo. Ang mga Kasamahan ay nag-uulit sa sandali ng pagtatayo ng sumusunod na taludtod:
O Allāh, tunay ang pabuya ay ang pabuya ng Kabilang-buhay *** Kaya maawa Ka sa mga tagaadya at mga tagalikas.
Ikalawa. Ang Pagpayapa sa Pagitan ng Al-Aws at Al-Khazraj
Nahahati ang mga tagaadya sa dalawang lipi: ang Aws at ang Khazraj. Sa pagitan ng dalawang ito ay may away at mga digmaan bago ng Islām, saka nagpayapa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagitan ng dalawa kaya naglaho ang pag-aaway at naghari ang pag-ibig at ang kapatiran ng Islām sa pagitan ng dalawa dahil sa kabutihang-loob ni Allāh. Nagsabi si Allāh: {Mag-alaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo yayamang kayo noon ay magkakaaway at nagbuklod Siya sa pagitan ng mga puso ninyo kaya kayo dahil sa biyaya Niya ay naging magkakapatid.} (Qur'ān 3:103)
Ikatlo. Ang Pagkakapatiran ng mga Tagalikas at mga Tagaadya
Noong dumating ang mga tagalikas sa Madīnah, binuksan ng mga tagaadya ang mga puso nila at ang mga bahay nila sa mga kapatid nilang mga tagalikas at hinatian nila ang mga ito ng mga bunga nila, mga pananim nila, at mga tubo ng pangangalakal nila. Gumawa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kapatiran sa pagitan ng mga tagalikas at mga tagaadya
Nagpasalamat nga ang mga tagalikas sa mga tagaadya sa pagpapanauhing iyon. Nagsagawa sila ng mga karapatan ng kapatiran at nailarawan sila sa kalinisang-puri at kagandahan ng etiketa saka nagsumikap sila sa pangangalakal at iba pa rito na mga gawain hanggang sa nagkaroon sila ng mga ari-arian at mga bahay na nakasasapat sa kanila.
Ikaapat. Ang Pakikipagkasunduan sa mga Hudyo ng Madīnah
Ang mga Hudyo noon sa Madīnah ay may tatlong malaking lipi. Sila ay ang angkan ng Qaynuqā`, ang angkan ng An-Naḍīr, at ang angkan ng Qurayḍ̆ah. Nagsagawa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pakikipagkasunduang mag-oorganisa sa ugnayan sa pagitan ng mga Muslim at mga Hudyo at upang mapigil ang kasamaan nila, at upang magtamasa ang Madīnah ng katiwasayan at kapayapaan at magpakaabala ang mga Muslim sa pag-aanyaya tungo sa Islām.
Nagtadhana nga ang pakikipagkasunduan ng kagandahan ng ugnayan sa pagitan ng mga Muslim at mga Hudyo, na maghuhusga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anumang pagtutunggaling magaganap sa pagitan ng dalawang panig, at na magtulungan ang dalawang panig sa pagtatanggol sa Madīnah laban sa alinmang pangangaway na panlabas.
Talaga ngang nangalaga ang mga Muslim sa kasunduang ito samantalang ang mga lipi ng mga Hudyo ay humantong sa pagkakapalayas mula sa Madīnah, na liliwanag ito sa iyo sa darating na aralin ayon sa pahintulot ni Allāh.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsasaliksik ako at magpapahayag ako
Magsaliksik ka at magpahayag ka sa pamamagitan ng istilo mo ng bawat isa sa sumusunod:
1. Nagsabi si Anas (malugod si Allāh sa kanya): "Noong nangyari ang araw na pumasok dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah, nagtanglaw mula roon ang bawat bagay." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 3618 at Imām Ibnu Mājah 1631. Magpahayag ka ng saloobing ito sa limang linya.
2. Matapos ng pagkaalam mo hinggil sa panunuluyan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapanauhin ng kapita-pitagang Kasamahan na si Abū Ayyūb Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya), magsaliksik ka sa mga aklat ng talambuhay ng Propeta ng naabot ng etiketa ni Abū Ayyūb Al-Anṣārīy at pagkamapagbigay niya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Aktibidad 2: Makikipagtulungan ako kasama ng mga kaklase ko.
Nagpapatunay ang pagsisimula ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapatayo ng masjid sa kahalagahan nito sa lipunang Islāmiko. Makipagtulungan ka kasama ng mga kaklase mo sa:
pagsulat ng isang āyah tungkol sa kainaman ng mga masjid at ng pagdarasal sa mga ito.
Isang larawan ng isang pagtitipon ng kaalaman sa masjid.
{Nagtataguyod lamang sa mga masjid ni Allāh ang sinumang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, nagbigay ng zakāh, at hindi natakot maliban kay Allāh. Kaya maaasahan ang mga iyon na maging kabilang sa mga napapatnubayan.} (Qur'ān 9:18)
{Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin sa isa pa kasama kay Allāh.} (Qur'ān 72:18)
2. Ang pagbanggit ng mga gawain na isinasagawa ng masjid sa Kapaligiran mo.
3. Ang pagmungkahi ng mga gawain na minimithi mong isagawa sa masjid mo.
Aktibidad 3: Maghuhulo ako.
Nagsabi si Allāh kaugnay sa pagbubunyi sa mga tagalikas at mga tagaadya: {8. [May ginugugol] para sa mga maralitang tagalikas, na mga pinalisan mula sa mga tahanan nila at mga yaman nila, habang naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay Allāh at isang pagkalugod, at nag-aadya kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang mga iyon ay ang mga tapat. 9. Ang mga namalagi sa tahanan at pananampalataya bago pa ng mga iyon ay umiibig sa sinumang lumikas sa kanila, hindi nakatatagpo sa mga dibdib nila ng isang pangangailangan sa anumang ibinigay sa mga iyon, at nagtatangi [sa mga iyon] higit sa mga sarili nila, kahit pa man sa kanila ay may kadahupan. Ang sinumang ipinagsasanggalang sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.} (Qur'ān 59:8-9) Magtala ka sa sumusunod na talahanayan ng mga katangian ng bawat isa sa dalawa kung paanong naintindihan mo mula sa mga āyah.
Ang "namalagi sa tahanan" ay nanirahan sa Madīnah.
Ang "kadahupan" ay pangangailangan sa salapi.
Ang mga Katangian ng mga Tagalikas
Ang Pagsasakripisyo ng Ari-arian at Sarili sa Landas ng Relihiyon
Ang Pag-aadya ni Allāh at ng Sugo Niya (Basbasan Niya Ito at Pangalagaan)
Ang Katapatan ng Pananampalataya at ang Pagtitika Ang mga Katangian ng mga Tagaadya Ang Pag-ibig sa mga Mananampalataya at Lalo na sa mga Tagalikas
Ang Altruismo Sapagkat Nagkaloob Sila ng mga Ari-arian Nila sa mga Tagalikas sa Kabila ng Pangangailangan Nila
Ang Pagkamapagbigay, ang Kagalantehan, at ang Kawalan ng Pagmamaramot
Aktibidad 4: Magsusulat ako ng isang artikulo.
Nagtatag ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga pundasyon ng lipunang Islāmiko sa Madīnah nang nagpatibay siya sa ugnayan sa pagitan ng Muslim at Panginoon nito at nag-organisa siya ng ugnayan sa pagitan ng mga Muslim sa pagitan nila at ng mga ugnayan sa hindi mga Muslim. Magpaliwanag ka ng pahayag na ito sa isang artikulong may limang linya, habang nagpapatulong sa nasaad sa aralin.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 2: Ulitin ang pagkakasulat ng mga sumusunod na pangungusap matapos ng pagtatama ng nilalaman ng mga ito na mga kamalian:
1. Ang Masjid Nabawīy ay ang kauna-unahang masjid na itinayo sa Islām.
2. Nagkasang-ayon ang mga tagaadya sa pagpapanauhin ni Abū Ayyūb Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bago ng pagdating niya sa Madīnah.
3. Nalubos ang pagtatayo ng Masjid yari sa mga bato ng mga bundok at mga poste ng marmol.
4. Nanatili ang pag-aaway sa pagitan ng Al-Aws at Al-Khazraj hanggang sa pagpanaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
5. Nagpatayo ang mga tagaadya para a mga tagalikas ng mga tirahan, lalo na sa mga dakong labas ng Madīnah.
PANUTO 2: Magpaliwanag ka ng mga layon ng bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang pagkakapatiran ng mga tagalikas at mga tagaadya.
2. Ang pagsasagawa ng pakikipagkasunduan sa pagitan ng mga Muslim at mga Hudyo sa Madīnah.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magsulat ka ng isang pinaiksing buod tungkol sa papel ng masjid sa lipunang Muslim.
2. Maglarawan ka sa tatlong linya ng pagtanggap ng mga tagaadya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
3. Nagpapatunay ang pakikipagkasunduan sa mga Hudyo na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naging ang tagapamahalang pinakamataas sa Madīnah. Magpaliwanag ka niyon.
5. Ang Pagtatanggol ng Estadong Isalāmiko
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapaghulo ka ng kahalagahan ng pakikibaka sa pagtatanggol sa Estado ng Islām;
2. makapagbuod ka ng pinakamahalaga sa mga pangyayari sa mga paglusob;
3. makapagpatunay ka sa pagsira ng mga Hudyo sa mga kasunduan;
4. makatulad ka sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtitiis at katapangan;
5. makapagbigay-halaga ka sa pakikibaka ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga marangal na Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila).
Ang Pahintulot sa Pakikipaglaban
Nagtiis ang mga Muslim sa perhuwisyo ng mga tagapagtambal at paniniil ng mga ito sa Makkah. Hindi nagpahintulot si Allāh sa kanila na gumanti sa pangangaway sapagkat sila noon ay kakauntiang hindi nagmamay-ari ng lakas sa pagganti sa pangangaway. Matapos ng paglikas naman, ang mga Muslim ay naging isang lakas nga, kaya naman ipinahintulot ni Allāh sa kanila ang makikipaglaban at ang bumawi ng karapatan nila mula sa mga tagatangging sumampalataya ng Quraysh at iba pa sa mga ito kabilang sa mga nakikipag-away. Nagsabi si Allāh: {39. Ipinahintulot [ang pakikipaglaban] para sa mga kinakalaban dahil sila ay nilabag sa katarungan. Tunay na si Allāh sa pag-aadya sa kanila ay talagang May-kakāyahan. 40. [Sila] ang mga pinalisan mula sa mga tahanan nila nang walang karapatan maliban na nagsabi sila: "Ang Panginoon namin ay si Allāh." ...} (Qur'ān 22:39-40)
Heto, mahal kong estudyante, ang pinakamahalaga sa mga pagsalakay ng isinagawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa mga tagatangging sumampalataya at mga Hudyo:
Ang Pinakamahalaga sa mga Pagsalakay
Badr
Angkan ng Qaynuqā`
Uḥud
Angkan ng An-Naḍīr
Ang Trinsera
Angkan ng Qurayḍ̆ah
Al-Ḥudaybīyah
Khaybar
Makkah
Ḥunayn
Ang Pagsalakay sa Badr
Ito ay ang kauna-unahan sa mga malaking labanan para sa mga Muslim. Naganap ito noong ika-17 ng Ramaḍān ng ika-2 taon ng Hijrah. Nag-adya nga si Allāh dito sa mga Muslim laban sa mga tagatangging sumampalataya ng Quraysh sa kabila ng pagkakaunti ng mga Muslim (na humigit-kumulang sa 319) at pagkamarami ng hukbo ng mga tagatangging sumampalataya (na humigit-kumulang sa 950). Napatay roon mula sa mga tagatangging sumampalataya ang 70 lalaki, nabihag ang 70, at talunang tumakas ang mga natitira.
Ang Pagsalakay sa Angkan ng Qurayḍ̆ah
Ito ay ang kauna-unahan sa mga labanan sa mga Hudyo. Naganap nga ito noong buwan ng Shawwāl ng ika-2 taon ng Hijrah. Matapos ng pagwawagi sa Badr, lumitaw ang inggit ng mga Hudyo at nagpahayag sila ng pagkamuhi nila sa mga Muslim. Nagbigay-babala naman sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ngunit hindi sila tumigil, bagkus nagsagawa sila ng isang pamemerhuwisyo sa isang babae ng mga Muslim sa palengke ng angkan ng Qaynuqā`. Dahil doon, sumira sila sa kasunduan sa kanila kaya naman pinalayas sila ng mga Muslim mula sa Madīnah Munawwarah.
Ang Pagsalakay sa Uḥud
Naghanda ang Quraysh ng isang hukbo na tatlong libong manlalaban upang maghiganti sa pagkatalo nila sa Badr. Naganap nga ang labanan malapit sa Bundok ng Uḥud noong buwan ng Shawwāl ng ika-3 taon ng Hijrah. Ang plano ng mga Muslim ay tumigil ang mga manunudla ng mga palaso sa ibabaw ng isang maliit na bundok. Tutudlain nila ang mga tagapagtambal kapag sumalakay ang mga ito sa mga Muslim. Hindi sila bababa mula sa bundok malibang may isang utos mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Nagsimula ang labanan. Nagwagi ang mga Muslim at umurong ang mga tagapagtambal kaya nagpalagay ang mga manunudla na ang labanan ay nagwakas na. Kaya naman bumaba ang higit na marami sa kanila at iniwan ang bundok. Noong nakita ng mga tagapagtambal iyon, nagtipon sila at nanumbalik sila nang mabilis sa larangan ng labanan. Nataranta ang mga Muslim, lalo na matapos na naitsismis na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napatay na. Nakaya ng mga tagatangging sumampalataya na makapatay ng 70 Muslim. Lumitaw sa pagsalakay na ito ang katapangan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagsasakripisyo ng mga Kasamahan bilang pagtatanggol sa kanya.
Ang Pagsalakay sa Angkan ng An-Naḍīr
Noong ikaapat na taon ng paglikas, naganap ang pagpapalayas sa angkan ng An-Naḍīr mula sa Madīnah matapos na nag-udyok sila sa Quraysh para makipaglaban sa mga Muslim. Naghanda sila ng isang plano ng pagpatay sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ngunit iniligtas siya ni Allāh. Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kubkubin sila kaya nangamba sila. Nakipagkasundo sila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa paglisan nang matiwasay mula sa Madīnah saka natupad naman sa kanila iyon.
Ang Pagsalakay sa Trinsera
Tinatawag ito bilang "ang mga lapian" yayamang nagtipon ang sampung libong manlalaban mula sa kalahatan ng mga lipi ng mga tagatangging sumampalataya. Humayo sila para sa pagsalakay sa Madīnah noong buwan ng Shawwāl ng ika-5 taon ng Hijrah ngunit natagpuan nila sa harapan nila ang Trinsera sapagkat nagpayo si Salmān Al-Fārsīy(malugod si Allāh sa kanya) na maghukay nito sa paligid ng Madīnah para maipagtanggol ito, saka sumang-ayon naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagkaloob nga ang mga Muslim ng mga malaking pagsisikap sa paghuhukay nito sa pakikilahok ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Hindi nakaya ng mga hukbo ng mga tagatangging sumampalataya ang pagtawid sa Trinsera. Tumagal sa kanila ang paghihintay hanggang sa napagod sila. Pagkatapos nagpadala si Allāh sa kanila ng isang matinding hangin kaya natalo sila tumalikod sila na tumatakas. Nagpasapat si Allāh sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban.
Ang Pagsalakay sa Angkan ng Qurayḍ̆ah
Sa sandali ng pagkubkob ng Trinsera, nakipag-alyansahan ang mga Hudyo ng angkan ng Qurayḍ̆ah sa mga tagapagtambal kaya naman kinubkob sila ng mga Muslim matapos ng pagwawakas ng labanan sa Trinsera sa katapusan ng ika-5 taon ng Hijrah. Pagkatapos pinatay ang kalalakihan nila at kinuha ang mga ari-arian nila bilang ganti sa kataksilan nila sa mga Muslim.
Ang Pagpayapa sa Al-Ḥudaybīyah
Nagpasya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na pumunta sa Makkah para magsagawa ng `umrah sa buwan ng Dhulqa`dah ng ika-6 taon ng Hijrah. Noong nakarating siya sa Al-Ḥudaybīyah, pinigilan siya ng Quraysh na makapasok sa Makkah. Kaya naman isinugo sa kanila ng Propeta si `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) upang linawin nito sa kanila na ang mga Muslim ay hindi pumunta para makipaglaban ngunit ikinulong nila si `Uthmān at itsinismis na pinatay nila ito. Nag-anyaya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya para mangako ng katapatan sa pakikipaglaban sa Quraysh, saka nangako naman sila ng katapatan sa kanya nang lahatan, na tinawag na Pangako ng Katapatan ng Pagkalugod. Nagmadali naman ang Quraysh sa pagdaos ng kasunduan ng pagpayapa sa mga Muslim. Nagtatadhana ang kasunduan ng pagpayapa ng paghinto ng labanan sa pagitan ng mga Muslim at Quraysh sa loob ng sampung taon.
Ang Pagsakop sa Khaybar
Lumisan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong buwan ng Muḥarram ng ika-7 taon ng Hijrah para magdisiplina sa mga Hudyo na nag-udyok sa mga lipi na makipaglaban sa mga Muslim sa Trinsera at nag-udyok sa angkan ng Qurayḍ̆ah para magtaksil sa mga Muslim, kaya naman kinubkob sila at kinalaban sila hanggang sa sumuko sila.
Ang Pagsakop sa Makkah
Sumira ang Quraysh sa kasunduan ng pagpayapa sa Al-Ḥudaybīyah dahil sa pag-away nito sa lipi ng Khuza`āh, na isa sa mga kaalyado ng mga Muslim, kaya lumisan papunta sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama ng sampung libong manlalaban sa buwan ng Ramaḍān ng ika-8 taon ng Hijrah saka nasakop niya ang Makkah at pumasok ang mga tao sa Relihiyon ni Allāh nang pulu-pulutong. Nanaig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga kaaway niya subalit siya ay nagpaumanhin at nagpalampas sa kanila.
Ang Pagsalakay sa Ḥunayn
Nangamba ang lipi ng Hawāzin at lipi ng Thaqīf sa Ṭā'if matapos ng pagsakop ng Makkah kaya nagtipun-tipon sila para sa digmaan sa mga Muslim at umabot sila sa isang lugar na tinatawag na Lambak ng Ḥunayn. Humarap sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong buwan ng Shawwāl ng ika-8 taon ng Hijrah kasama ng 12,000 manlalaban. Nalinlang ang ilan sa mga Muslim dahil sa dami ng bilang nila kaya natalo sila at tumakas sila. Nagpakatatag naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama ng isang bilang ng mga Kasamahan, pagkatapos bumalik sa kanila ang nalalabi sa mga Muslim kaya nagwagi ang mga Muslim at nakasamsam sila ng maraming samsam sa digmaan.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbubulay-bulay ako at maghuhulo ako.
Magbulay-bulay ka sa mga sumusunod na āyah, pagkatapos isulat mo ang pangalan ng pagsalakay na isinasaysay ng bawat āyah at ang mahihinuha mula sa mga ito.
Ang mga Āyah Ang Pagsalakay Ang mahihinuha mula rito:
{Talaga ngang nag-adya sa inyo si Allāh sa Badr habang kayo ay mga kaaba-aba; kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.} (Qur'ān 3:123)
Ang Badr
Ang Pag-adya ni Allāh sa Kaunting Mananampalataya - Ang Pagkakinakailangan ng Pasasalamat kay Allāh sa Pag-aadya Niya
{Noon bang may tumama sa inyo na isang kasawian gayong nakatama na kayo ng dalawang tulad nito ay nagsabi kayo: "Mula saan ito?" Sabihin mo: "Ito ay mula sa ganang mga sarili ninyo." Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakāyahan.} (Qur'ān 3:165)
Ang Uḥud
Ang Pagsuway kay Allāh at sa Sugo Niya (Basbasan Niya Ito at Pangalagaaan) ay Kadahilanan ng Pagkatalo
{Noong nakita ng mga mananampalataya ang mga lapian ay nagsabi sila: "Ito ay ang ipinangako sa atin ni Allāh at ng Sugo Niya at nagpakatapat si Allāh at ang Sugo Niya." Walang naidagdag sa kanila ito kundi pananampalataya at pagtanggap.} (Qur'ān 33:22)
Ang mga Lapian
Ang Tiwala sa Pag-aadya ni Allāh - Ang Hindi Mangamba sa Dami ng mga Kaaway - Ang Katiyakan at ang Paniniwala sa Pangako ni Allāh at ng Sugo Niya (Basbasan Ito ni Allāh at Pangalagaan).
{Talaga ngang nalugod si Allāh sa mga mananampalataya noong nangangako sila ng katapatan sa iyo sa ilalim ng punong-kahoy sapagkat nakaalam Siya sa nasa mga puso nila kaya naman nagpababa Siya ng katiwasayan sa kanila at gumantimpala Siya sa kanila ng isang pagpapawaging malapit,} (Qur'ān 48:18)
Ang Kasunduang Pangkapayapaan ng Al-Ḥudaybīyah
Nagtatamo ang tao ng pagkalugod ni Allāh sa pamamagitan ng katapatan niya kay Allāh - Nagpapababa si Allāh ng pag-aadya kapag nakita Niya ang katapatan ng pananampalataya sa mga puso - Ang kapanatagan at ang katahimikan ay isang bunga ng pagkalugod ni Allāh.
{25. Talaga ngang nag-adya sa inyo si Allāh sa maraming larangan ng labanan, at sa araw ng [labanan sa] Ḥunayn noong nagpahanga sa inyo ang dami ninyo ngunit hindi nagdulot sa inyo ng anuman at sumikip sa inyo ang lupa gayong malawak ito, pagkatapos lumisan kayo na mga tumatalikod. 26. Pagkatapos nagpababa si Allāh ng kapanatagan Niya sa Sugo Niya at sa mga mananampalataya, nagpababa Siya ng mga kawal na hindi ninyo nakita, at nagparusa Siya sa mga tumangging sumampalataya. Iyon ay ang ganti sa mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 9:25-26)
Ang Ḥunayn
Ang pananalig kay Allāh - Ang kawalan ng pagkalinlang sa dami ng kagamitan at kasangkapan - Ang pag-aayuda ni Allāh at ang pag-aadya Niya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at mga nagpapakawagas na lingkod Niya.
Aktibidad 2: Mag-aanalisa ako at maghuhulo ako.
Nagkaiba-iba ang kalagayan ng mga Muslim sa pagsalakay sa Badr at pagsalakay sa Ḥunayn. Ipaliwanag mo ang pagkakaiba-ibang ito sa pamamagitan ng paghahambing sa dalawa.
Ang Anyo ng Paghahambing Ang Pagsalakay sa Badr Ang Pagsalakay sa Ḥunayn
Ang Bilang ng mga Muslim Kaunti Marami
Ang Pagkaramdam ng mga Muslim ng Kahinaan at Lakas Nakararamdam sila ng kahinaan. Nakararamdam sila ng lakas.
Ang mga Resulta ng Pagsalakay Malaking Pagwawagi ng mga Muslim Pagkatalo at Pagtakbo sa Simula ng Pangyayari, Pagkatapos Pagwawagi sa Wakas
Ang mga Araling Mahihinuha: Ang pagwawagi ay mula sa ganang kay Allāh at hindi dumedepende sa kagamitan o kasangkapan.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Nasakop ang Makkah sa ikawalong taon ng pagkapropeta.
Ang pagtatama: Nasakop ang Makkah sa ikawalong taon ng paglikas.
2. Naganap ang pagsalakay sa Trinsera sa ikalimang taon ng paglikas.
3. Nagwagi ang mga Muslim sa pagsalakay sa Uḥud sa kabila ng pagkakaunti ng bilang nila.
Ang pagtatama: Nagwagi ang mga Muslim sa pagsalakay sa Badr sa kabila ng pagkakaunti ng bilang nila.
4. Naganap ang Pangako ng Katapatan ng Pagkalugod bago ng pagkasang-ayon sa Kasunduang Pangkapayapaan ng Al-Ḥudaybīyah.
5. Nagpalitaw ang pagsalakay sa Trinsera ng kataksilan ng mga Hudyo.
PANUTO 2: Pagsunud-sunurin mo ang mga sumusunod na pagsalakay mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabago:
(ang pagsalakay sa Ḥunayn - ang pagsalakay sa Badr - ang pagsalakay sa angkan ng An-Naḍīr - ang pagsalakay sa angkan ng Qaynuqā` - ang pagsalakay sa Khaybar).
PANUTO 3: Ayon sa liwanag ng napag-aralan mo tungkol sa mga paghahamok na pangmilitar sa mga Hudyo, ipaliwanag mo ang sumusunod:
1. Ang pinakamahalaga sa mga kadahilanan ng pakikipaglaban sa kanila.
2. Ang mga resulta ng mga labanan sa kanila.
PANUTO 4: Papaano mong ipakakahulugan:
1. ang hindi pagsasabatas ng pakikibaka bago ng paglikas?
2. ang pagkatalo ng mga Muslim sa pagsalakay sa Uḥud?
3. ang pagkatalo ng mga tagatangging sumampalataya sa pagsalakay sa mga lapian?
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magsulat ka ng isang artikulo tungkol sa responsibilidad ng mga Muslim para sa pagkakaloob para sa Relihiyon at pagsasanggalang dito.
2. Magbuod ka ng mga pangyayari sa pagsalakay sa Ḥunayn, kasama ng paglilinaw sa pinakamahalaga sa mga araling mahihinuha mula sa mga ito.
6. Ang Paglaganap ng Islām at ang Tagumpay ng Pag-aanyaya
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-katwiran ka sa pakikipagsulatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga hari;
2. makapaglinaw ka sa mga etiketa ng pagtanggap sa mga delegasyon;
3. makapagsulat ka ng isang buod tungkol sa Ḥajj ng Pamamaalam;
4. makapaglarawan ka sa kalungkutan ng mga Kasamahan sa pagkamatay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);
5. makapagsadamdamin ka ng pagkadama ng pagmamalaki sa pagkakaugnay mo sa Islām;
6. makatulad ka sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa lahat ng mga gawain niya.
Kasama ng tagumpay sa mga paghahamok na pangmilitar sa mga Arabe at mga Hudyo, nagpahalaga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapalaganap ng paanyaya sa nalalabi sa Arabya at labas nito.
Ang Pakikipagsulatan sa mga Hari
Matapos ng Kasunduang Pangkapayapaan ng Al-Ḥudaybīyah, nagsimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapadala ng mga liham sa mga hari ng mga estado sa paligid ng Arabya. Nag-aanyaya siya sa kanila sa pagwaksi ng Shirk at pagpasok sa Islām. Iyon ay bilang pagbibigay-diin sa pagkapangkalahatan ng mensahe ng Islām.
Kabilang sa pinakatanyag sa mga hari na nakipagsulatan sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay si Khosrow na hari ng Persiya, si Kaysar na hari ng Bizancio, ang Negus na hari ng Etyopya, at ang Muqawqis na Dakila ng Ehipto.
Tumugon nga ang Negus sa paanyaya ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagkasya ang Muqawqis na magpadala ng mga regalo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Lumitaw sa Kaysar ng Bizancio ang pagpapatotoo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) subalit siya ay nanatili sa relihiyon niya. HInggil naman kay Khosrow, pinagpunit-punit niya ang liham ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang Taon ng mga Delegasyon
Ang higit na marami sa mga Arabe ay naghihintay noon ng pagwawakas ng alitan sa pagitan ng mga Muslim at mga mamamayan ng Makkah. Nagsasabi sila tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hayaan niya siya at ang mga tao niya sapagkat tunay na kung nangibabaw siya sa kanila, siya ay isang propetang tapat." Noong nasakop ng mga Muslim ang Makkah, nagdali-dali ang bawat pangkat ng mga tao sa pag-aanib nila sa Islām. Dumating ang mga delegasyon ng mga Arabe, na nagpapahayag ng pag-anib ng mga ito sa Islām. Iyon ay sa ikasiyam na taon ng paglikas, na nakilala bilang Taon ng mga Delegasyon. Dumating ang ilan sa mga delegasyon bago niyon. Lumampas nga ang bilang ng mga delegasyon sa 100 delegasyon, na ang pinakatanyag sa kanila ay ang mga delegasyon ng Thaqīf, Najrān, mga Ash`arīy, Daws, angkan ng Fazārah, at angkan ng `Abdulqays.
Pinaganda ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagtanggap sa mga delegasyong iyon. Nagpakamagiliw siya sa pag-aanyaya sa kanila, at nagturo siya sa kanila ng mga nauukol sa Relihiyon nila, pagkatapos nag-atang siya sa kanila ng tungkulin ng pagtuturo sa mga tao nila at pagpaparating sa mga iyon ng mga patakaran ng Relihiyon.
Ang Ḥajj ng Pamamaalam
Isang larawan ng pagtigil sa `Arafah.
Sa ikasampung taon ng paglikas, nagpahintulot ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Muslim na magsagawa ng ḥajj. Lumisan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa Madīnah sa ika-5 na buwan ng Dhulqa`dah saka nagsagawa siya ng ḥajj. Nagturo siya sa mga tao ng mga gawaing-pagsamba nila. Nagbigay siya sa Araw ng `Arafah ng tanyag na talumpati ng pamamaalam, na winasak niya rito ang mga pundasyon ng Shirk at Kamangmangan. Naglinaw siya ng mga saligan ng Islām at mga batas nito. Nagbigay-babala siya laban sa mga sigalot (fitnah). Nag-anyaya rin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa pagbubuklod, hindi pagkakawatak-watak, at pagkapit sa Qur'ān at Sunnah.
Ang Pagpanaw ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Sa buwan ng Ṣafar ng ika-11 taon ng Hijrah, dumalaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga martir ng Uḥud at nagdasal siya para sa kanila gaya ng namamaalam sa mga buhay at mga patay. Nagsimula siyang nakararamdam ng karamdaman sapagkat lumalabas siya nang may kahirapan para sa ṣalāh. Noong tumindi sa kanya ang karamdaman, nag-utos siya kay Abū Bakr (malugod si Allāh dito) na magsagawa ng ṣalāh bilang imām sa mga Muslim. Sa araw ng Lunes ng ika-12 ng Rabī`ul'awwal ng ika-11 taon ng Hijrah, pinapanaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang mga Sandali ng Kamatayan
Nagsimula ang mga sandali ng kamatayan. Pinasandal ng ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah ang ulo ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa kanya. Nagpapahid ang Propeta sa mukha niya ng tubig at nagsasabi: "Walang Diyos kundi si Allāh. Tunay na ang kamatayan ay may mga hapdi." Pagkatapos dumalangin siya: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin, maawa Ka sa akin, at magpasama Ka sa akin sa pinakamataas na kasama." Nag-ulit-ulit siya nito nang tatlong ulit. Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 4440 at Imām Muslim: 2444. Humilig ang kamay niya at sumama siya sa pinakamataas na kasama.
Ang mga Saloobin ng mga Kasamahan ng Propeta (Malugod si Allāh sa Kanila)
Tumindi ang kalungkutan ng mga Kasamahan ng Propeta (malugod si Allāh sa kanila) dahil sa pagkamatay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): "Noong nangyari ang araw na pumasok dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah, nagtanglaw mula roon ang bawat bagay. Noong nangyari naman ang araw na namatay siya roon, nagdilim mula rito ang bawat bagay." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 3618 at Imām Ibnu Mājah 1631.
Nabagabag ang isang pangkat ng mga Kasamahan dahil sa hilakbot ng dagok hanggang sa nagkaila sila ng pagkamatay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) subalit dumating si Abū Bakr (malugod si Allāh dito) at bumigkas ito sa mga tao ng sabi ni Allāh: {Walang iba si Muḥammad kundi isang Sugo, na nakalipas na bago pa niya ang mga sugo. Kaya ba kung namatay siya o napatay siya ay uuwi kayo sa mga pinagdaanan ninyo? Ang sinumang babalik sa pinagdaanan niya ay hindi siya makapipinsala kay Allāh ng anuman. Gaganti si Allāh sa mga tagapagpasalamat.} (Qur'ān 3:144) Kaya kumalma ang mga tao, nakatiyak sila sa pagkamatay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), at sumuko sila sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghuhulo ako.
"Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain. Mula kay Muḥammad na anak ni `Abdullāh at Sugo Niya tungo kay Heraclius na Dakila ng Bizancio. Kapayapaan ay ukol sa sinumang sumunod sa patnubay. Sa pagsisimula, tunay na ako ay nag-aanyaya sa iyo sa pamamagitan ng paanyaya ng Islām. Umanib ka sa Islām, maliligtas ka: magbibigay si Allāh ng pabuya sa iyo nang dalawang ulit; ngunit kung tatalikod ka, tunay na sa iyo ang kasalanan ng mga tagabukid. {Sabihin mo: "O mga May Kasulatan, halikayo sa isang salitang magkatulad sa pagitan namin at ninyo: na hindi tayo sasamba kundi kay Allāh, hindi tayo magtatambal sa Kanya ng anuman, at hindi gagawa ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh." Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin ninyo: "Sumaksi kayo na kami ay mga Muslim."}" (Qur'ān 3:64) Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 7 at Imām Muslim: 1773.
1. Maghulo ka mula sa teksto ng nagpapahiwatig ng kagandahan ng pakikitungo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga hari.
Ang paglalarawan niya kay Heraclius bilang Dakila ng Bizancio ay may pagbibigay-halaga sa balor ng bawat tao at pagbibigay sa kanya ng karapatan niya.
2. Naglaman ang teksto ng pagpapaibig at pagpapangilabot sa pag-aanyaya tungo kay Allāh. Hanguin mo iyon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga kaklase mo.
Ipaliwanag mo ang pinakamahalaga sa mga katuturang pampag-aanyaya mula sa liham na ito
Ang Pinakamahalaga sa mga Katuturang Pampag-aanyaya
1. Ang kagandahan ng istilo at ang pagsasaalang-alang sa etiketa ng pakikipag-usap.
2. Ang pagbibigay halaga sa mga tao at ang pagpapadama sa kanila ng katayuan nila.
3. Ang paglilinaw sa katuturan ng ipinaaanyaya nang sa gayon makaibig ang mga tao rito.
4. Ang paglilinaw sa masamang kahihinatnan ng pagtanggi sa paanyaya o pagkontra dito nang sa gayon mag-ingat ang mga tao laban doon.
Aktibidad 2: Magbabasa ako, mag-aanalisa ako, at tutugon ako.
"Tunay na ang mga buhay ninyo at ang mga ari-arian ninyo ay banal sa inyo gaya ng kabanalan ng araw ninyong ito sa buwan ninyong ito sa bayan ninyong ito. Pansinin, ang bawat bagay na bahagi ng nauukol sa Panahon ng Kamangmangan ay sa ilalim ng mga paa ko pinawalang-saysay. Ang paghihiganti sa mga buhay na kinitil sa Panahon ng Kamangmangan ay pinawalang-saysay. Tunay na ang kauna-unahang buhay na kinitil, na magpapawalang-saysay ako sa paghihiganti sa mga buhay na kinitil sa atin ay ang buhay ng anak ni Rabī`ah bin Al-Ḥārith, na isang pinasususo noon sa lipi ng Sa`d ngunit pinatay ito ni Hudhayl. Ang patubo sa Panahon ng Kamangmangan ay pinawalang-saysay. Ang kauna-unahang patubo na magpapawalang-saysay ako sa patubo sa atin ay ang patubo ni `Abbās bin `Abdilmuṭṭalib. Tunay na ito ay pinawalang-saysay sa kabuuan nito. Mangilag kayong magkasala kaugnay sa mga babae. ... Nag-iwan nga ako sa inyo ng isang hindi kayo maliligaw matapos niyon kung nangunyapit kayo roon: ang Aklat ni Allāh. Kayo ay tatanungin tungkol sa akin kaya kayo ay magsasabi ng ano?" Nagsabi sila: "Sasaksi kami na ikaw ay nagpaabot nga, gumanap nga, at nagpayo nga." Sa pamamagitan ng daliri niyang hintuturo, habang nag-aangat nito sa langit at nagtuturo nito sa mga tao, nagsabi siya ng: "O Allāh, sumaksi Ka; O Allāh, sumaksi Ka!" nang tatlong ulit. Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1218. Hanguin mo mula sa talumpati ang sumusunod:
1. Ang pinakamahalaga sa mga karapatan ng tao na ipinag-utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kasama ng paglilinaw sa epekto ng pagpapatupad nito sa lipunan.
Ang mga karapatan ng mga tao: Ang kabanalan ng mga ari-arian nila at mga buhay nila, at pagpapanumbalik sa mga karapatang ipinagkait sa kanila.
Ang epekto: Mamumuhay ang mga tao sa katiwasayan, kapanatagan, at kapayapaan.
2. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang kauna-unahang gumagawa ng ipinaaanyaya niya sa mga tao.
Ang pagpapawalang-bisa ng Propeta sa paghihiganti sa kinitil na buhay ng anak ng tiyuhin niyang si Rabī`ah bin Al-Ḥārith at sa patubo ng tiyuhin niyang si `Abḅās sa Panahon ng Kamangmangan.
Aktibidad 3: Makikilahok ako at magmumungkahi ako.
Matapos ng pag-aaral mo ng pinakamahalaga sa mga pangyayari sa talambuhay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), makilahok ka sa mga kaklase mo sa grupo sa pagsasagawa ng sumusunod:
1. Pagpili ng lima mula sa pinakamahalaga sa mga punto ng pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nahinuha ninyo mula sa mga iyon.
2. Pagmungkahi ng limang liham para magpalaganap ng talambuhay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa lipunan mo.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Nagsimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pakikipagsulatan sa mga hari matapos ng Kasunduang Pangkapayapaan ng Al-Ḥudaybīyah. (✓)
2. Ang Taon ng mga Delegasyon ay ang ikasampung taon ng paglikas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). (X)
Ang pagtatama: Ang Taon ng mga Delegasyon ay ang ikasiyam na taon ng paglikas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
3. Ang ḥajj ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay iisang ḥajj, ang ḥajj ng pamamaalam. (✓)
4. Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mamuno sina Abū Bakr at `Umar sa ṣalāh sa mga tao. (X)
Ang pagtatama: na mamuno si Abū Bakr ṣalāh sa mga tao.
5. Pinapanaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa buwan ng Rabī`ul'awwal ng ika-10 taon ng Hijrah. (X)
Ang pagtatama: Pinapanaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa buwan ng Rabī`ul'awwal ng ika-11 taon ng Hijrah.
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Pinapanaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong ang edad niya ay:
(61 taon - 62 taon - 63 taon).
2. Naglaman ang mga liham ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga hari ng pag-anyaya sa kanila tungo sa:
(pagwaksi ng Shirk - pagbayad ng jizyah - pagtatag ng khilāfah).
PANUTO 2: Papaano mong ipakakahulugan:
1. Ang pagpapadala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga liham para sa pag-anyaya sa mga hari matapos ng Kasunduang Pangkapayapaan ng Al-Ḥudaybīyah?
2. Ang dami ng mga delegasyon ng mga lipi matapos ng pagsakop ng Makkah?
PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:
1. Magbuod ka ng patakaran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagsalubong sa mga delegasyon ng mga Arabe, kasama ng epekto ng patakarang ito.
2. Magsulat ka ng pinakamahalaga sa mga karapatan na binigyang-diin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa talumpati ng pamamaalam.
3. Maglarawan ka ng mga damdamin ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa pagpanaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
4. Magsulat ka ng isang pananalita sa limang linya tungkol sa pagpanaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
5. Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): "Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumulat kay Khosrow, kay Kaysar, at kay Negus." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1774. Magpaliwanag ka ng saloobin ng bawat isa sa mga haring ito sa liham ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang Ikatlong Yunit: Ang Pananampalataya at ang Pagbubusilak
1. Ang Pagsamba at ang mga Bahagi Nito
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagtakda ka ng konsepto ng pagsamba;
2. makakilala ka ng kaibahan sa pagitan ng mga bahagi ng pagsamba at mga anyo nito;
3. makapagpatotoo ka sa kahalagahan ng pagsamba;
4. makapaghulo ka ng bunga ng pagsamba;
5. makapagdakila sa pumapatungkol sa pagsamba;
6. makaganap ka sa karapatan ni Allāh sa iyo.
Nilikha ni Allāh ang tao, pinagsilbi Niya rito ang mga langit at ang anumang nasa lupa, at pinasagana Niya rito ang mga biyaya Niyang nakalantad at nakakubli upang sumamba ito sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal para sa Kanya. Nagsabi si Allāh: {Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.} (Qur'ān 51:56) Dahil dito, ginawa ni Allāh na ang pag-aanyaya para sa pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya – ay ang layon ng pagsusugo ng mga sugo sapagkat nagsabi Siya habang kumakausap sa Propeta (basbasan Niya at pangalagaan): {Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako kaya sumamba kayo sa Akin.} (Qur'ān 21:25)
Sa araling ito, mag-aaralan tayo ng pakahulugan ng pagsamba at mga anyo nitong nagkakaiba-iba.
Ang Pakahulugan sa Pagsamba
Ang pagsamba ay isang pangngalang tagapagbuklod ng bawat naiibigan ni Allāh at kinalulugdan Niya na mga sinasabi at mga ginagawang pakubli at lantaran.
Naglalaman ang pagsamba ng maraming bahagi.
Ang mga Bahagi ng Pagsamba
Ang Pagsamba:
Lantaran Pangsinasabi Pangginagawa Pampananalapi
Pakubli Pampuso
Nahahati ang pagsamba sa mga pagsambang lantaran at mga pagsambang pakubli.
Una. Ang mga Pagsambang Lantaran
Ang mga ito ay tatlong uri:
1. Mga pagsambang pangsinasabi na ginagampanan ng tao sa pamamagitan ng dila, tulad ng pagbigkas ng Dalawang Pagsaksi, pagsambit ng dhikr, pagbigkas ng Qur'ān, pag-aanyaya tungo kay Allāh, at iba pa sa mga ito.
2. Mga pagsambang pangginagawa na ginagampanan ng tao sa pamamagitan ng katawan niya, tulad ng pag-aayuno, pagdarasal, pagsasagawa ng ḥajj, pakikibaka, pag-alalay sa mahina sa pagpasan ng bagahe niya, at pagtaboy ng nang-aapi palayo sa inaapi.
3. Mga pagsambang pampananalapi, na nauugnay sa paggugol ng salapi, tulad ng zakāh, kawanggawa, sustento sa mga anak at maybahay, at pagkakatay ng mga hayop na alay.
Nagpapahiwatig sa tatlong uri ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang bawat kasukasuan ng mga tao ay tungkuling magbigay ng isang kawanggawa sa bawat araw na sumisikat ang araw. Ang magpakamakatarungan ka sa pagitan ng dalawang [tao] ay isang kawanggawa. Ang tumulong ka sa tao sa sasakyang hayop niya: ang buhatin mo siya sa ibabaw nito o ang iangat mo para sa kanya ang dala-dala niya ay isang kawanggawa. Ang salitang kaaya-aya ay isang kawanggawa. Sa bawat hakbang na nilalakad mo patungo sa pagdarasal ay may isang kawanggawa. Ang alisin mo sa daan ang nakapipinsala ay isang kawanggawa." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2989 at Imām Muslim: 1009.
Ikalawa. Ang mga Pagsambang Pakubli
Tinatawag ang mga ito na mga pagsambang pampuso dahil ang mga ito ay natatangi sa puso. Ang mga ito ay ang pinakadakila sa mga pagsamba at ang pinakamahalaga sa mga ito dahil ang puso ay kinalalagyan ng paniniwala, pagpapatotoo, at katiyakan.
Kabilang sa mga halimbawa nito ang pag-ibig kay Allāh, ang pag-aasam sa Kanya, ang pagkatakot sa Kanya, ang pangamba sa Kanya, ang pananalig sa Kanya, ang pagpapatulong sa Kanya, at ang nagsisising pagbabalik sa Kanya. Nagsabi si Allāh tungkol sa mag-anak ni Zacarias (sumakanya ang pangangalaga): {Tunay na sila noon ay nakikipagmabilisan sa mga kabutihan at dumadalangin sa Amin sa pagmimithi at sa pangingilabot. Sila noon sa Amin ay mga tagapagpakumbaba.} (Qur'ān 21:90)
Gayon din, ang pagpapakawagas ay kabilang sa mga pagsambang pakubli. Ito ay isang kundisyon sa pagkatanggap ng lahat ng mga gawaing pangsinasabi at pangginagawa, na tatalakayin din.
Ang Pagsasaniban ng mga Bahagi ng Pagsamba
Ang mga pagsambang lantaran ay hindi nahihiwalay sa mga pagsambang pakubli subalit ang mga maalam ay naghati sa pagsamba para sa pagpapadali ng pagtuturo sa mga estudyante. Tingnan mo, halimbawa, ang ḥajj, makatatagpo ka rito ng isang pagsambang pampuso dahil ito ay isang pagpapakay at isang paglalayon. Dito ay may pagsambang pangsinasabi, ang talbiyah. Dito ay may pagsambang panggawain, ang ṭawāf. Dito ay may pagsambang pampananalapi dahil ang tao ay gumugugol ng salapi niya upang makakaya sa pagsasagawa ng ḥajj.
Ang Bunga ng Pagsamba
Ginawa ni Allāh ang pagsamba na isang landas para sa kaligāyahan sa Mundo at pagtamo ng gantimpala at kaginhawahan sa Kabilang-buhay. Nagsabi si Allāh: {Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 16:97) Nagsabi pa Siya: {Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawa ay hindi gagantihan maliban ng tulad nito. Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na lalaki man o babae habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Hardin, na tutustusan doon nang walang pagtutuos.} (Qur'ān 40:40)
Mga Impormasyong Pampagpapayaman Para sa Gabay ng Tagapagturo
Ang pagkamananamba ay dalawang uri: pagkamananambang pangkalahatan na pansansinukob at pagkamananambang pangnatatangi na pambatas.
Ang pagkamananambang pangkalahatan ay ang pagkamananamba ng paggapi at paghahari. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng nasa Sansinukob. Nagsabi si Allāh: {Walang [magagawa] ang bawat sinumang nasa mga langit at lupa kundi pupunta sa Napakamaawain bilang alipin.} (Qur'ān 19:93)
Hinggil naman sa pagkamananambang pangnatatangi na pambatas, ito ay ang pagkamananamba ng pagtalima, pagpapasailalim, pagkaaba, at boluntaryong pag-ibig. Ito ay natatangi sa mga lingkod ni Allāh kabilang sa mga propeta, mga isinugo, at kalahatan ng mga mananampalataya. Kabilang sa mga āyah na nasasaad sa mga ito ang sabi ni Allāh: {O mga lingkod Ko, walang pangamba sa inyo sa Araw na iyon ni kayo ay malulungkot.} (Qur'ān 43:68) Ang sabi pa Niya: {Ang mga umiwas sa nagpapakadiyos na sumamba sila rito at nagsisising bumabalik kay Allāh, ukol sa kanila ang balitang nakagagalak. Kaya magbalita ka ng nakagagalak sa mga lingkod Ko,} (Qur'ān 39:17)
Tanggapin mo, kapatid kong tagapagturo, ang aklat na ito tungkol sa pagsamba at mga uri nito sa link na ito:
https://d1.Islāmhouse.com/data/ar/ih_books/single3/ar_alebadah.pdf
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghahango ako.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya): "O Mu`ādh, nakaaalam ka ba sa karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya at kung ano ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman. Ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magdulot ng pagdurusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2856 at Imām Muslim: 30. Hanguin mo sa ḥadīth na ito ang sumusunod:
1. Ang patunay sa pagkakinakailangan ng pagsamba.
Ang karapatan ni Allāh sa lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman.
2. Ang gantimpala sa pagsamba.
Ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman.
Aktibidad 2: Mag-uuri ako at makakikilala ako ng kaibahan.
Uriin mo ang mga sumusunod na pagsamba sa pamamagitan ng paglalagay ng tanda na (✓) sa harapan ng nakikita mong naaangkop alinsunod sa sumusunod na talahanayan:
Puna: maaaring pumasok ang pagsamba sa loob ng higit sa isang uri.
Ang Pagsamba: Pampuso Pangginagawa Pangsinasabi Pampananalapi
Ang Tawḥīd ni Allāh at ang Hindi Pagtatambal sa Kanya
Ang Paggugol sa mga Nangangailangan, mga Dukha, at mga Maralita
Ang Pagdalaw sa Maysakit at ang Pagdalo sa mga Libing
Ang Pagpapanatili ng mga Dhikr sa Umaga at Gabi
Ang Pag-ibig kay Allāh, sa Sugo Niya (Basbasan Niya Ito at Pangalagaaan), at sa mga Mananampalataya
Ang Pagpapanatili ng Ugnayan sa mga Kaanak
Ang Pagsasagawa ng mga Karapatan ng Kapatiran Alang-alang kay Allāh
Ang Pag-alis sa Daan ng Nakasasakit
Ang Pag-alalay sa Bulag sa Pagtawid sa Daan
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang pagsamba ay ang paggawa ng bawat __________ ni Allāh.
(iniibig - ninanais - isinasatungkulin)
2. Ang pangamba at ang pag-aasam ay kabilang sa mga pagsambang:
(pampananalapi - pampuso - panggawain).
3. Ang pagsamba ay sa pamamagitan ng paggawa ng:
(mga kinakailangan lamang - mga itinuturing na kaibig-ibig lamang - mga kinakailangan at mga itinuturing na kaibig-ibig).
4. Ang pagpasok sa Paraiso at ang kapanatagan ng puso ay kabilang sa __________ ng pagsamba.
(mga bahagi - mga bunga - mga kinakailangan)
5. Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman." ay nagpapatunay sa:
(kahatulan ng pagsamba -kadahilanan ng pagsamba - layon ng pagsamba).
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang kahalagahan ng pagsamba.
2. Ang pagkakinakailangan ng pagsamba.
3. Ang mga anyo ng pagsamba.
4. Ang mga bunga ng pagsamba.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magpaliwanag ka ng mga uri ng mga pagsambang lantaran kasamang pagbanggit ng isang halimbawa para sa bawat uri.
2. Magpatotoo ka sa pagsasaniban ng pagsambang lantaran sa pagsambang pakubli.
2. Ang mga Kundisyon ng Pagtanggap sa Pagsamba
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpaliwanag ka ng mga kundisyon ng pagsamba;
2. makahango ka ng patunay sa mga kundisyon ng pagsamba;
3. makapagtampok ng epekto ng pagkawala ng mga kundisyon ng pagsamba;
4. makapagsadamdamin ka sa pagkakailangan ng pagpapakawagas at pakikipagsunuran sa pagsamba;
5. makapagsakatotohanan ka ng kundisyon ng pagpapakawagas at pakikipagsunuran sa pagsamba mo.
Nagmungkahi ang ilan ng paghahati ng ḥajj sa dalawang yugto sa isang taon. Iyon ay bilang lunas sa suliranin ng pagsisiksikan sa panahon ng ḥajj.
Papaanong maaari kang tumugon doon at magpatunay sa pagsalungat niyon sa mga panuntunan ng pagsamba? Ito ang malalaman mo sa aralin ngayong araw.
Ang mga Kundisyon ng Pagsamba
Ang Pagpapakawagas
Ang Pakikipagsunuran
Nagmimithi ang bawat Muslim na tanggapin ni Allāh ang pagsamba niya. Ito ay hindi naisasakatuparan maliban na mabuklod sa bawat pagsamba ang dalawang pangunahing kundisyon: ang pagpapakawagas at ang pakikipagsunuran.
Ang Unang Kundisyon: Ang Pagpapakawagas
Ang kahulugan nito ay na maglayon ang tao ng kaluguran ni Allāh sa lahat ng mga sinasabi niya at mga gawain niya na lantaran at pakubli. Ito ay isang bagay na pampuso na nauugnay sa layunin ng tao, kaya walang nakababatid nito kundi si Allāh.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga *makatotoo,} (Qur'ān 98:5) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1 at Imām Muslim: 1907.
Ang Epekto ng Pagwaksi ng Pagpapakawagas
Ang pagpapabaya sa kundisyon ng pagpapakawagas ay nauuwi sa pagpapawalang-kabuluhan sa pagsamba at pagkakait ng gantimpala nito. Nagsabi si Allāh habang nakikipag-usap sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {talagang kung nagtambal ka [kay Allāh] ay talagang mawawalang-kabuluhan nga ang gawa mo at talagang magiging kabilang ka nga sa mga lugi.} (Qur'ān 39:65) Kaya ang sinumang gumawa ng pagsamba habang nagpapakay rito ng iba pa kay Allāh, ang pagsamba niya ay walang-kabuluhan at siya ay karapat-dapat sa pagkalugi at pagdurusa sa Araw ng Pagbangon.
Sa banal na ḥadīth, nagsasabi si Allāh: "Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa pagtatambal sa mga tinatambalan. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2985.
Ang sinumang gumanap ng isang pagsamba samantalang ang layunin niya ay para sa iba pa kay Allāh, siya ay hindi nagpapakawagas, hindi tatanggapin ang pagsamba niya, at hindi siya makakukuha dahil dito ng isang gantimpala kahit pa man ito ay ang pakikipaglaban at ang pag-aalay ng buhay. Tinanong nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa lalaking nakikipaglaban dahil sa pag-aadya sa lipi niya, nakikipaglaban dahil sa katapangan, at nakikipaglaban dahil sa pagpapakitang-tao, kung alin doon ang pakikipaglaban sa landas ni Allāh. Nagsabi siya: "Ang sinumang nakipaglaban upang ang salita ni Allāh ay maging pinakamataas, siya ay nasa landas ni Allāh." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 7458 at Imām Muslim:1904.
Kaya magsigasig ka, kapatid kong estudyante, sa pagpapakawagas kay Allāh. Kaingat ka sa pagpapakitang-tao o pagpapakay ng pagbubunyi ng mga tao o pagpapakay ng katanyagan sa pamamagitan ng paglathala ng mga maayos na gawa mo.
Ang Ikalawang Kundisyon: Ang Pakikipagsunuran
Ang ibig sabihin dito ay na sumamba ang Muslim sa Panginoon niya ayon sa isinabatas Nito sa Marangal na Qur'ān at Pampropetang Sunnah alinsunod sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi si Allāh: {Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo.} (Qur'ān 59:7)
Kaya hindi makaiiwas na ang pagsamba ay maging nakikisang-ayon sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kakanyahan nito, katangian nito, at pag-ooras nito. Dahil doon, gumabay sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagsunod sa kanya sa pamamaraan ng pagsasagawa ng ṣalāh sapagkat nagsabi siya: "Magdasal kayo gaya ng pagkakita ninyo na ako ay nagdarasal." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 631.
Ang Epekto ng Pagwaksi ng Pakikipagsunuran
Kapag sumalungat ang pagsamba sa kundisyon ng pakikipagsunuran, ito ay ibabalik sa tagapagsagawa nito at hindi siya magiging karapat-dapat sa pagtamo ng gantimpala nito. Ito ay may dalawang anyo:
Ang unang anyo ay na gumawa siya ng bid`ah na isang bagong pagsamba. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2697 at Imām Muslim: 1718. Halimbawa: ang pagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng pagwawaksi ng pag-aasawa.
Ang ikalawang anyo ay na magpaiba siya ng isang pamamaraan ng pagsamba sa pamamagitan ng pagdagdag o pagbawas o magpaiba siya ng porma nito. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi pinagbatayan ang utos Namin, ito ay tatanggihan." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1218.
Iyon ay tulad ng ṣalāh na ḍ̆uhr na dalawang rak`ah o pagsasagawa ng ḥajj sa buwan ng Ramaḍān. Ito ay tinatanggihang hindi tinatanggap.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbubulay-bulay ako at maglalarawan ako.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang una sa mga tao na huhusgahan sa Araw ng Pagkabuhay ay isang lalaking namartir saka ihahatid ito saka magpapakilala rito ng mga biyaya rito saka makakikilala ito sa mga iyon. Magsasabi si Allāh: Kaya ano ang ginawa mo sa mga iyon? Magsasabi ito: Nakipaglaban ako alang-alang sa Iyo hanggang sa namartir ako. Magsasabi Siya: Nagsinungaling ka; bagkus ikaw ay nakipaglaban upang masabing magiting! Kaya sinabi nga. Pagkatapos ipag-uutos kaya kakaladkarin ito sa mukha nito hanggang sa itinapon siya sa Apoy. May isang lalaking natuto ng kaalaman. Nagturo ito niyon at bumigkas ito ng Qur'ān saka ihahatid ito saka magpapakilala rito ng mga biyaya rito saka makakikilala ito sa mga iyon. Magsasabi si Allāh: Kaya ano ang ginawa mo sa mga iyon? Magsasabi ito: Natuto ako ng kaalaman, nagturo ako nito, at bumigkas ako ng Qur'ān alang-alang sa Iyo. Magsasabi Siya: Nagsinungaling ka; bagkus ikaw ay natuto ng kaalaman upang masabing nakaaalam, at bumigkas ng Qur'ān upang masabing siya ay tagabigkas! Kaya sinabi nga. Pagkatapos ipag-uutos kaya kakaladkarin ito sa mukha nito hanggang sa itinapon siya sa Apoy. May isang lalaking nagpasagana si Allāh rito at nagbigay rito ng mga uri ng yaman sa kabuuan niyon saka ihahatid ito saka magpapakilala rito ng mga biyaya rito saka makakikilala ito sa mga iyon. Magsasabi si Allāh: Kaya ano ang ginawa mo sa mga iyon? Magsasabi ito: Hindi ako nag-iwan ng anumang landas na umibig Ka na gugulan malibang gumugol ako roon para sa Iyo. Magsasabi Siya: Nagsinungaling ka; bagkus ikaw ay natuto ng kaalaman upang masabing siya ay mapagbigay! Kaya sinabi nga. Pagkatapos ipag-uutos kaya kakaladkarin ito sa mukha nito hanggang sa itinapon siya sa Apoy." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1905.
1. Magbulay-bulay sa ḥadīth na ito, pagkatapos humango ka mula rito ng kadahilanan ng pagpasok ng mga ito sa Impiyerno.
Ang mga ito sa kalahatan ay hindi nagsakatotohanan ng kundisyon ng pagpapakawagas sa pagsamba kaya hindi tinanggap ang mga pagsamba nila.
Ang una ay nakipaglaban upang sabihing magiting.
Ang ikalawa ay nag-aral at bumigkas ng Qur'ān upang sabihing maalam at tagabigkas.
Ang ikatlo ay gumugol upang sabihing galante.
2. Ilarawan mo ang damdamin mo habang ikaw ay nagbabasa ng ḥadīth na ito. Ano ang kinakailangang gawin natin nang sa gayon tayo ay hindi maging tulad nila?
Iniwan sa Estudyante
Aktibidad 2: Maghuhulo ako.
Maghulo ka mula sa mga sumusunod na teksto ng ipinahihiwatig na mga kundisyon ng pagsamba.
Ang mga Teksto Ang mga Kundisyon ng Pagsamba
Nagsabi si Allāh: {Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.} (Qur'ān 1:5) Ang pagpapakawagas
Nagsabi si Allāh: {Sabihin mo: "Kung kayo ay umiibig kay Allāh, sumunod kayo sa akin; iibig sa inyo si Allāh at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain."} (Qur'ān 3:31) Ang Pagsunod
Nagsabi si Allāh: {Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man.} (Qur'ān 18:110) Ang Pagpapakawagas at ang Pakikisunuran
Aktibidad 2: Magbabasa ako at tutugon ako.
Humalik si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) sa Batong Itim, pagkatapos nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang humahalik sa iyo at tunay na ako ay nakaaalam na ikaw ay isang bato at na ikaw ay hindi nakapipinsala at hindi nagpapakinabang. Kung hindi dahil ako ay nakakita sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na humalik sa iyo, hindi sana ako humalik sa iyo." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1597 at Imām Muslim: 1270.
Nagsabi si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): "Kung sakaling ang Relihiyon ay batay sa opinyon, talaga sanang ang ilalim ng khuff ay higit na marapat sa paghaplos kaysa sa ibabaw nito. Talaga ngang nakita ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na naghahaplos sa ibabaw ng khuff niya." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 162. Sa pamamagitan ng dalawang saloobing ito, tugunin mo ang sumusunod:
1. Ano ang patunay sa sinabi ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:?
Nagpapatunay ito sa sigasig ng mga Kasamahan sa pagdakila at pagsunod sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
2. Ano ang kundisyon ng pagsamba na nagpunyagi ang bawat isa sa kanilang dalawa para sa pagsasakatotohanan nito?
Ang Kundisyon ng Pakikipagsunuran
3. Ano ang matututuhan mo mula sa sigasig ng mga Kasamahan sa paggaya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?
Na magsumikap ako sa pagsunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at paggaya sa kanya sa bawat bagay.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagwaksi ng pagpapakawagas ay nauuwi sa pagkakulang ng gantimpala. (X)
Ang pagtatama: Ang pagwaksi ng pagpapakawagas ay nauuwi sa pagkakulang ng gantimpala.
2. Ang pakikipagsunuran ay humihiling ng pagsamba kay Allāh ayon sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). (✓)
3. Ang pagsasakatuparan ng mga kundisyon ng pagsamba ay nauuwi sa katumpakan nito at pagtanggap dito. (✓)
4. Natatangi ang paggawa ng bid`ah sa pagdagdag sa porma ng mga pagsamba. (X)
Ang pagtatama: Ang paggawa ng bid`ah ay sumasaklaw sa pagdagdag o pagbawas o pagpapaiba sa porma ng mga pagsamba.
5. Humalik si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) sa Batong Itim bilang pagsunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kabila ng kawalan ng pagkakaalam niya sa kasanhian niyon. (✓)
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang." ay isang patunay na:
(kinakailangan sa mananamba ang umiwas dito - kinakailangan para sa mananamba ang magsagawa nito - itinuturing na kaibig-ibig para sa mananamba ang magsagawa nito).
2. Ang sabi ni `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): "Kung sakaling ang Relihiyon ay batay sa opinyon, talaga sanang ang ilalim ng khuff ay higit na marapat sa paghaplos kaysa sa ibabaw nito." ay nagpapatibay sa pagkaintindi ng mga kasamahan sa:
(konsepto ng pagsamba - mga kundisyon ng pagsamba - mga bunga ng pagsamba).
3. Ang teksto na nagbubuklod sa mga kundisyon ng pagsamba ay:
A. Ang sabi ni Allāh: {Talaga ngang ikinasi sa iyo at sa mga bago mo pa na talagang kung nagtambal ka [kay Allāh] ay talagang mawawalang-kabuluhan nga ang gawa mo at talagang magiging kabilang ka nga sa mga lugi.} (Qur'ān 39:65)
B. Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magdasal kayo gaya ng pagkakita ninyo na ako ay nagdarasal."
C. Ang sabi ni Allāh: {Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man."} (Qur'ān 18:110)
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magsulat ka ng isang āyah ng Qur'ān na nagpapatunay sa pagkakinakailangan ng pagpapakawagas ng layunin para kay Allāh.
2. Magbigay-katwiran ka sa pagpasok sa Impiyerno ng mga uri ng mga Muslim sa kabila ng lumilitaw na kagandahan ng mga gawa nila.
3. Ang paggawa ng bid`ah sa Relihiyon ay may dalawang anyo. Ipaliwanag mo ang dalawang ito kasama ng pagbanggit sa isang patunay para sa bawat isa sa dalawang ito.
3. Ang mga Haligi ng Pagsamba
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagtampok ka sa kahalagahan ng mga haligi ng pagsamba;
2. makahango ka ng patunay sa mga haligi ng pagsamba;
3. makapaghulo ng mga bunga ng pagsasakatuparan ng mga haligi ng pagsamba;
4. makapagsadamdamin ka sa pag-ibig ni Allāh;
Ang Pagbabalansehan sa Pagitan ng Pangamba at Pag-aasam
Sumasalalay ang pagsamba sa tatlong haligi:
Ang mga Haligi ng Pagsamba
Ang Pag-ibig
Ang Pag-aasam
Ang Pangamba
Ang Unang Haligi: Ang Pag-ibig kay Allāh
Ang pag-ibig kay Allāh ay ang pinakadakila sa mga haligi ng pagsamba. Kinakailangan na ito ay maging tapat at namumutawi mula sa puso para magtulak ito sa umiibig tungo sa kaluguran ng Panginoon niya at pagtangi sa Panginoon niya higit sa bawat anumang iba sa Panginoon, para sumunod siya sa mga ipinag-uutos Nito at umiwas siya sa mga sinasaway Nito. Nagbigay-diin nga si Imām Ibnu Rajab sa kahulugang ito sa pamamagitan ng sabi niya: "Tunay na ang pag-ibig kay Allāh, kapag naging tapat, ay nag-oobliga ng pag-ibig sa pagtalima sa Kanya at pagsunod doon at ng pagkamuhi sa pagsuway sa Kanya at pag-iwas doon."
Ang pag-ibig ay nakikidikit sa pananampalataya. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang si Allāh at ang Sugo Niya ay maging higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa anumang iba pa sa kanilang dalawa." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 16 at Imām Muslim: 43.
Kinakailangan na ang pag-ibig ay maging kumpleto para kay Allāh: {May mga tao na gumagawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga kaagaw na umiibig sila sa mga ito gaya ng pag-ibig kay Allāh.} (Qur'ān 2:165) Ito ay pag-ibig ng pagsamba. Hinggil naman sa pag-ibig ng magulang sa anak niya at ng anak sa magulang nito at tulad nito, ito ay isang pag-ibig na pangnaturalesa. Ito ay kasunod sa pag-ibig kay Allāh.
Kabilang sa naisasama sa pag-ibig kay Allāh ang pag-ibig sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang pag-ibig sa Marangal na Qur'ān, ang pag-ibig sa mga Muslim, at ang pag-ibig sa bawat anumang may kabutihan at pag-aangat sa Islām at mga Muslim.
Ang Ikalawang Haligi: Ang Pag-aasam (Rajā')
Ang pagkapit sa awa ni Allāh, ang pagkagalak sa kagalantehan Niya at kabutihang-loob Niya, at ang paghahangad sa paggawa Niya ng maganda at pagbibigay Niya, kalakip ng paggawa ng pagsisikap at kagandahan ng pananalig sa Kanya.
Ang mananampalataya ay nag-aasam mula sa Panginoon niya na tanggapin ang gawa niya. Nagsabi si Allāh: {Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas. } (Qur'ān 33:21) Nag-aasam siya na magpatawad si Allāh sa pagkakasala niya, gaya ng sinabi ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga): {na nagmimithi ako na magpatawad Siya sa akin sa mga kamalian ko sa Araw ng Pagtutumbas.} (Qur'ān 26:82)
Ang tapat na pag-aasam ay nagtutulak sa tagapagtaglay nito tungo sa pagtalima kay Allāh. Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang mga sumampalataya at ang mga lumikas at nakibaka ayon sa landas ni Allāh, ang mga iyon ay nag-aasam ng awa ni Allāh. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.} (Qur'ān 2:218)
HInggil naman sa pagtatamad-tamaran sa pagtalima at paggawa ng mga masagwang gawa kasama ng pagmimithi ng pagpasok sa Paraiso, ito ay hindi pag-aasam; bagkus ito ay kahibangan at mga mithiing sinungaling. Nagsabi si Allāh: {O tao, ano ang luminlang sa iyo hinggil sa Panginoon mo, ang Mapagbigay?} (Qur'ān 82:6)
Ang Ikatlong Haligi: Ang Pangamba (Khawf)
Ang kahulugan nito ay ang takot kay Allāh at sa galit Niya at pagdurusang dulot Niya kasama ng pagdakila sa Kanya at pag-ibig sa Kanya kaya naman nakikipagmabilisan ang tao para sa pagpapatupad sa iniutos ni Allāh at pagwaksi sa sinaway Niya, gaya ng nasaad sa Marangal na Qur'ān: {Sabihin mo: "Tunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako sa Panginoon ko, sa pagdurusa sa isang Araw na sukdulan."} (Qur'ān 6:15) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {9. [Sinasabi nila sa mga sarili]: "Nagpapakain lamang kami sa inyo para sa [ikalulugod ng] mukha ni Allāh; hindi kami nagnanais mula sa inyo ng isang ganti ni isang pasasalamat. 10. Tunay na kami ay nangangamba sa Panginoon Namin sa isang araw na nakasimangot, na nakaismid."} (Qur'ān 6:9-10)
Ang pangamba kay Allāh ay naiiba sa likas na pangamba gaya ng pangamba sa mang-aapi o ilan sa mga hayop; bagkus ito ay isang pangamba ng pagpapakaaba, pagdakila, at pagpapasailalim kay Allāh. Ito ay hindi nagiging ukol kundi kay Allāh sapagkat kapag ibinaling ito sa iba pa kay Allāh, ito ay Shirk. Nagsabi si Allāh: {Iyon lamang ay ang demonyo; nagpapangamba siya sa mga katangkilik niya kaya huwag kayong mangamba sa kanila at mangamba kayo sa Akin kung kayo ay naging mga mananampalataya.} (Qur'ān 3:175)
Ang Pagbabalansehan sa Pagitan ng Pangamba at Pag-aasam
Ang pangamba at ang pag-aasam ay nagkakadikitan. Dahil doon, nailarawan ang mga propeta at ang mga maayos na tao sa dalawang ito nang magkasama.
Nagbuklod nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pangamba at pag-aasam sapagkat nagsabi siya: "Kung sakaling nakaaalam ang tagatangging sumampalataya ng bawat nasa kay Allāh na awa, hindi sana siya nawalan ng pag-asa sa [pagpasok sa] Paraiso. Kung sakaling nakaaalam ang mananampalataya sa bawat nasa kay Allāh na pagdurusa, hindi sana siya natiwasay laban sa [pagpasok sa] Paraiso." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6469 at Imām Muslim: 2755. Mahihinuha mula sa ḥadīth na ang pakikitunguhan kay Allāh batay sa pangamba lamang ay nauuwi sa kawalang-pag-asa sa awa ni Allāh at ang pakikitunguhan batay sa pag-aasam lamang ay nauuwi sa pagkahibang at pagkasadlak sa mga pagsuway.
Tumawag-pansin si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) sapagkat nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa inyo ng pangingilag magkasala kay Allāh, na magbunyi kayo sa Kanya sa anumang Siya ay marapat doon, at na maghalo kayo ng pagmimithi sa pangingilabot sapagkat tunay na si Allāh ay nagbunyi kay Zacarias at sambahayan nito sapagkat nagsabi Siya: {Tunay na sila noon ay nakikipagmabilisan sa mga kabutihan at dumadalangin sa Amin nang may pagmimithi at pangingilabot. Sila noon sa Amin ay mga nagtataimtim.}" (Qur'ān 21:90)
Ang Pagbubuklod sa mga Haligi ng Pagsamba:
Kinakailangan sa tao na magbuklod ng pag-ibig kay Allāh, pag-aasam ng paumanhin Niya, at pangamba sa Kanya. Nabuklod nga ang tatlong haligi sa sabi ni Allāh: {Yaong mga dinadalanginan nila ay naghahangad tungo sa Panginoon nila ng pampalapit, [na nagtatagisan] kung alin sa kanila ang [magiging] pinakamalapit, nag-aasam ng awa Niya, at nangangamba sa pagdurusang dulot Niya. Tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon mo ay laging pinangingilagan.} (Qur'ān 17:57) Kaya ang pag-ibig sa sabi ni Allāh: {alin sa kanila ang [magiging] pinakamalapit} at __________ sa sabi ni Allāh: {nag-aasam ng awa Niya} at __________ sa sabi ni Allāh: {nangangamba sa pagdurusang dulot Niya.}
Mga Impormasyong Pampagpapayaman:
Ang ilan sa mga gawain na nagsasakatotohanan ng pangamba kay Allāh:
1. Ang pagmumuni-muni sa mga pangalan ni Allāh, na nagpapatunay sa kadakilaan Niya at lakas Niya, na kabilang sa mga ito ang mga pangalan ni Allāh na ang Jabbār (Palasupil), ang Qāhir (Tagagapi), ang Muntaqim (Tagapaghiganti).
2. Ang pag-iisip-isip sa masamang kahihinatnan ng mga tagasuway kabilang sa mga naunang kalipunan at kung papaano nagpasawi sa kanila si Allāh.
3. Ang paggunita sa pagmamasid ni Allāh.
4. Ang pagsisiyasat sa kalagayan ng mga propeta, mga Kasamahan, mga Tagasunod, at saklaw ng pangamba nila kay Allāh.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 3: Magbubulay-bulay ako at maghuhulo ako.
Magbulay-bulay ka sa mga sumusunod na teksto at maghulo ka ng ipinahihiwatig na mga haligi ng pagsamba at mga bunga nito kung may natagpuan.
Ang Patunay Ang Haligi Ang Bunga
{Ukol sa sinumang nangamba sa katayuan sa Panginoon niya ay dalawang hardin.} (Qur'ān 55:46) Ang Pangamba Ukol sa kanya ay dalawang hardin.
{Sabihin mo: "Kung kayo ay umiibig kay Allāh, sumunod kayo sa akin; iibig sa inyo si Allāh at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain."} (Qur'ān 3:31) Ang Pag-ibig Ang Pagpapatawad sa mga Pagkakasala
{Naghihiwalayan ang mga tagiliran nila palayo sa mga hinihigaan habang dumadalangin sila sa Panginoon nila dala ng pangamba at paghahangad. Mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.} (Qur'ān 32:16) Ang Pangamba at ang Pag-aasam
{O ang sinumang siya ay masunurin sa mga sandali ng gabi habang nakapatirapa at nakatayo, na nangingilag sa Kabilang-buhay at nag-aasam awa ng Panginoon Niya} (Qur'ān 39:9) Ang Pangamba at ang Pag-aasam -
Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa anak niya, magulang niya, at mga tao sa kalahatan. Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 15 at Imām Muslim: 44. Ang Pag-ibig Ang Pagsasakatuparan ng Pananampalataya
Aktibidad 2: Makikilahok ako sa mga kaklase ko.
Nararapat para sa Muslim sa oras ng kalusugan na magpalakas ng aspeto ng pangamba higit kaysa sa pag-aasam nang sa gayon makalayo siya sa mga pagsuway. Sa sandali naman ng kamatayan, uunahin niya ang pag-aasam sa awa ni Allāh at paumanhin Nito. Sa pakikilahok sa kaklase mo, tugunin mo ang sumusunod:
1. Ano ang opinyon mo sa sabing ito? Nakatatagpo ka ba sa sarili mo na higit sa pagkamatuwid sa sandali ng paggunita ng pangamba?
2. Magsaliksik ka ng isang ḥadīth na nagpapahiwatig sa kahalagahan ng pag-aasam kay Allāh at ng kagandahan ng pagpapalagay sa Kanya.
Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ngang mamatay ang isa sa inyo malibang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh – napakataas Siya. Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2877.
Aktibidad 3: Magsasalaysay ako ng isang kuwento.
Ang pangamba kay Allāh ay isang kadahilanan ng pagbabalik-loob ng mga tagasuway at pagpapakatuwid nila sa daan ni Allāh. Makipagtulungan ka sa grupo mo sa pagtataka ng tatlong kuwento. Magsasakatotohanan ang unang kuwento sa epekto ng pagsasakatotohanan sa pag-ibig, magsasakatotohanan ang ikalawang kuwento sa epekto ng pagsasakatotohanan sa pangamba, at magsasakatotohanan ang ikatlong kuwento sa epekto ng pagsasakatotohanan sa pag-aasam.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang sabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung sakaling nakaaalam ang tagatangging sumampalataya ng bawat nasa kay Allāh na awa, hindi sana siya nawalan ng pag-asa sa [pagpasok sa] Paraiso. Kung sakaling nakaaalam ang mananampalataya sa bawat nasa kay Allāh na pagdurusa, hindi sana siya natiwasay laban sa [pagpasok sa] Impiyerno." ay naglalaman ng:
(pangamba at pag-aasam - pangamba at pag-ibig - pag-aasam at pag-ibig).
2. Ang sabi ni Ibnu Rajab: "Tunay na ang pag-ibig kay Allāh, kapag naging tapat, ay nag-oobliga ng pag-ibig sa pagtalima sa Kanya at pagsunod doon." ay naghahain sa atin ng isang paglilinaw sa:
(mga tagasira ng pag-ibig - konsepto ng pag-ibig - mga bunga ng pag-ibig).
3. Nararapat para sa Muslim ang magpauna sa pag-aasam kaysa sa pangamba sa sandali ng:
(tuwa - lungkot - kamatayan).
PANUTO 2: Baguhin ang pagkakabalangkas ng mga sumusunod na pag-uugali upang ang mga ito ay maging tumpak alinsunod sa napag-aralan mo sa mga haligi ng pagsamba.
1. Isang taong nagtatamad-tamaran sa pagsamba dala ng pagsandal sa lawak ng awa ni Allāh.
Isang taong nagsusumikap sa pagsamba, na nag-aasam ng awa ni Allāh.
3. Isang binatang nangangamba sa isang manunuba o isang manghuhula gaya ng pangamba niya kay Allāh.
Isang binatang nangangamba sa isang manunuba o isang manghuhula dala ng pagtitiwala kay Allāh.
3. Isang Muslim na umiibig kay Allāh gaya ng pag-ibig niya sa mga anak niya at mga kamag-anak niya.
Isang Muslim na nag-uuna ng pag-ibig kay Allāh higit sa pag-ibig niya sa mga anak niya at mga kamag-anak niya.
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay mula sa Qur'ān sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang pagkakinakailangan ng pag-ibig kay Allāh (napakataas Siya) at sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaaan).
2. Ang pagsunod sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapatunay sa pag-ibig kay Allāh.
3. Ang gantimpala sa mga nangangamba kay Allāh ay sa Araw ng Pagbangon.
4. Ang pag-aasam ng mga mananampalataya ng pagtanggap sa mga gawa nila.
5. Ang pagbubuklod sa pangamba at pag-aasam.
PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:
1. Magbigay-linaw ka sa tinutukoy ng bawat isa sa (pag-ibig - pag-aasam - pangamba).
2. Magpaliwanag ka ng tatlong bunga para sa bawat isa sa pag-ibig, pangamba, at pag-aasam.
4. Ang mga Gawain ng mga Puso
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapag-isa-isa ka sa pinakamahalaga sa mga gawain ng mga puso;
2. makahango ka ng patunay sa mga gawain ng puso;
3. makapaghulo sa pagdidikitan sa pagitan ng mga gawain ng mga puso at mga gawain ng mga bahagi ng katawan;
4. makapagsadamdamin ka sa kahalagahan ng mga gawain ng mga puso;
5. makapagmalasakit ka sa mga gawain ng mga puso. Isang larawan ng isang puso.
Nagkaloob ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa puso ng isang napakalaking kahalagahan sapagkat nagsabi siya: "Pansinin at tunay na sa katawan ay may isang laman na kapag umayos ay umaayos ang katawan sa kabuuan nito at kapag tumiwali ay tumitiwali ang katawan sa kabuuan nito. Pansinin at ito ay ang puso." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 52 at Imām Muslim: 1599. isang laman: isang piraso ng laman
Bakit gumawa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa puso ng katayuang ito?
Sagutin mo ang tanong, pagkatapos magsagawa ka ng pagtatasa sa sagot mo matapos ng aralin.
Kabilang sa mga gawain ng mga puso:
Ang Pag-ibig
Ang Nagsising Pagbabalik
Ang Kataimtiman
Ang Pag-aasam
Ang Pangamba
Ang Takot
Ang Layunin
Ang Pananalig
Ang puso ay pinakamahalagang bahagi sa tao. Ito ay kinalalagyan ng mga gawain ng mga puso. Sa sumusunod ang pinakamahalaga sa mga gawaing ito:
Ang layunin at ang pagpapakawagas dito:
Ang layunin ay ang pagpapakay ng pagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng lahat ng mga gawain. Ang kinalalagyan nito ay ang puso. Ito ay isang kundisyon ng katumpakan ng lahat ng mga pagsamba gaya ng ̣wuḍū', ̣ṣalāh, pag-aayuno, at iba pa sa mga ito. Kaya kinakailangan sa tao na magpakay ng pagpapakalapit-loob kay Allāh – tanging sa Kanya – sa lahat ng mga pagsamba niya.
Kaya kung ang layunin ay wagas para kay Allāh, aangkop ang gawa. Kung natiwali ang layunin, matitiwali ang gawa. Ayon sa sukat ng pagpapakawagas ng layunin pinadadakila ang halaga ng gawa. Nagsabi si `Abdullāh bin Al-Mubārak: "Kay raming maliit na gawa na nagpapadakila rito ang layunin at kay raming malaking gawa na nagpapaliit dito ang layunin." Dumaan na sa iyo ang paglilinaw ng pagkakinakailangan ng pagpapakawagas at kahalagahan nito sa aralin: "Ang mga Kundisyon ng Pagtanggap sa Pagsamba."
Ang Pag-ibig, ang Pangamba, at ang Pag-aasam
Dumaan na sa iyo ang tatlong ito sa nakaraang aralin, kaya isulat mo sa kuwaderno mo ang sumusunod:
1. Ang konsepto ng bawat isa rito.
2. Isang patunay na naglalaman ng tatlong ito.
3. Isang patunay na mahihinuha mula rito ang pagbabalansehan sa pagitan ng pangamba at pag-aasam.
Ang Takot
Ito ay isang pangambang sinasamahan ng pagdakila at pagpipitagan kay Allāh. Nagbalita nga ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nakagagalak sa sinumang nagtataglay ng katangian ng pagkatakot hinggil sa kaligtasan mula sa Impiyerno sapagkat nagsabi siya: "May dalawang matang hindi hihipuin ng Apoy: matang umiyak dahil sa takot kay Allāh at matang nagpamagdamag na nagtatanod alang-alang sa landas ni Allāh." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 1639. Naglarawan nga si Allāh sa mga lingkod Niyang nakikipagmabilisan tungo sa mga kabutihan sa pamamagitan ng pagkatakot sa Kanya saka nagsabi Siya: {Tunay na silang dahil sa takot sa Kanya ay mga nababagabag,} (Qur'ān 23:57) hanggang sa sabi Niya (napakataas Siya): {ang mga iyon ay nagmamabilis sa mga mabuting bagay, at sila sa mga ito ay nauuna [sa iba].} (Qur'ān 23:61)
Ang Pagmamasid
Ito ay ang pamamalagi ng kaalaman ng tao at pagpapakatiyak niya na si Allāh ay nakababatid sa panlabas niya at panloob niya at na si Allāh ay nakakikita sa kanya, nakaririnig sa kanya, at nagmamasid sa kanya kaya walang nakakukubli kay Allāh na isang nakakubli habang Siya ay nakaaalam sa kataksilan ng mga mata at anumang ikinukubli ng mga dibdib. Nagsabi si Allāh: {Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid.} (Qur'ān 4:1) Nagsabi rin Siya: {Laging si Allāh sa bawat bagay ay Mapagmasid.} (Qur'ān 33:52)
Ang Pananalig
Ang kahulugan nito ay ang pagsandal kay Allāh at ang pagtitiwala sa kanya at na sumampalataya ang puso ng tao na walang nagbibigay, walang nagkakait, walang nakapipinsala, at walang nagpapakinabang kundi si Allāh, at na ang sinumang nagtiwala kay Allāh ay sasapat Siya rito. Nagsabi si Allāh: {Ang sinumang nananalig kay Allāh, Siya ay kasapatan dito.} (Qur'ān 65:3)
Ang Nagsising Pagbabalik
Ito ay ang dalas ng pagbabalik-loob at pagbabalik kay Allāh at na gumawa ang tao ng mga magandang gawa matapos ng mga masagwang gawa sapagkat tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis ng mga masagwang gawa. Nagsabi si Allāh: {Nagsisising bumalik kayo sa Panginoon ninyo at magpasakop kayo sa Kanya bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa, pagkatapos hindi kayo maiaadya.} (Qur'ān 39:54)
Ang Pagdakila sa mga Sagisag ni Allāh
Ibig sabihin: ang pagsasadamdamin ng kadakilaan ng mga pagsamba, ang pag-angat sa pumapatungkol sa mga utos ni Allāh, at ang pagpapahalaga sa pagpapanatili sa mga ito. Nagsabi si Allāh: {Iyon nga. Ang sinumang dumadakila sa mga sagisag ni Allāh, tunay na ang mga ito ay bahagi ng pangingilag magkasala ng mga puso.} (Qur'ān 22:32)
Ang Pagtitiis at ang Pasasalamat
Ang dalawang ito ay dalawang katangiang nagkakadikitan para sa mananampalataya sa tuwing may bumababa sa kanya na kasamaan o kabutihan. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pagkamangha ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyon ay hindi ukol sa isa man maliban sa mananampalataya. Kapag may dumapo sa kanya na kariwasaan, ito ay kabutihan para sa kanya; at kapag may dumapo sa kanya na kariwaraan, ito ay kabutihan para sa kanya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2999.
Ang pagtitiis at ang pasasalamat ay kabilang sa mga gawain ng mga puso at mga bahagi ng katawan. Ang pagtitiis sa puso ay sa pamamagitan ng pagpapasakop sa pagtatadhana ni Allāh at pagwaksi sa pagkainis at na hindi magsabi o hindi gumawa ang tao ng anumang ipinagbabawal gaya ng pagdalangin laban sa sarili o pagsampal ng pisngi.
Ang pasasalamat sa puso ay sa pamamagitan ng pagkilala sa kabutihang-loob ni Allāh at mga biyaya Niya, na magpuri ang tao sa Panginoon nito at magbunyi sa Kanya sa pamamagitan ng dila nito, at na gumamit ito ng mga bahagi ng katawan nito sa anumang hindi nagpapagalit kay Allāh.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbubulay-bulay ako at maghuhulo ako.
Magbulay-bulay ka sa mga sumusunod na teksto, pagkatapos maghulo ka ng mga gawain ng mga puso na ipinahihiwatig nito:
Ang Teksto Ang mga Gawain ng mga Puso
{Magpatulong kayo sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal. Tunay na ito ay talagang mabigat maliban sa mga nagtataimtim,} (Qur'ān 2:45) Ang Pag-titiis
{Huwag kayong manggulo sa lupa matapos ng pagsasaayos nito. Dumalangin kayo sa Kanya nang may pangamba at pagmimithi.} (Qur'ān 7:56) Ang Pangamba at ang Pag-aasam
{Iyon ay bahagi ng kabutihang-loob ni Allāh sa amin at sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat.} (Qur'ān 12:38) Ang Pagpapasalamat
{na sinumang natakot sa Napakamaawain nang nakalingid at naghatid ng isang pusong nagsisising bumabalik.} (Qur'ān 50:33) Ang Takot at ang Nagsisising Pagbabalik
{Sabihin mo: "Tunay na ako ay inutusan na sumamba kay Allāh habang nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon} (Qur'ān 39:11) Ang Pagpapakawagas
{Nagsabi si Moises sa mga tao niya: "Magpatulong kayo kay Allāh at magtitiis kayo.} (Qur'ān 7:128) Ang Pagpapatulong kay Allāh at ang Pagtitiis
Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ngang mamatay ang isa sa inyo malibang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh – napakataas Siya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2877. Ang Pagpapaganda ng Palagay kay Allāh
Aktibidad 2: Maghuhulo ako.
Nailarawan si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) sa kataasan ng katayuan niya, dami ng mga pagsamba niya, at pagkasarisari ng mga ito. Nagtanong nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya isang araw: "Sino ang inumaga mula sa inyo ngayong araw na nag-aayuno?" Nagsabi si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako po." Nagsabi siya: "Saka sino ang dumalo mula sa inyo ngayong araw sa libing?" Nagsabi si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako po." Nagsabi siya: "Sino ang nagpakain mula sa inyo ngayong araw ng isang dukha?" Nagsabi si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako po." Nagsabi siya: ""Sino ang dumalaw mula sa inyo ngayong araw sa isang maysakit?" Nagsabi si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako po." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi nabuklod ang mga ito sa isang tao malibang papasok siya sa Paraiso." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1028. Nagsabi si `Umar bin `Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Kung sakaling tinimbang ang pananampalataya ni Abū Bakr sa pananampalataya ng mga naninirahan sa lupa, talagang magiging matimbang ito kaysa sa kanila."
Mag-ugnay ka sa pagitan ng ḥadīth at ng sabi ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya), pagkatapos maghulo ka ng pagkakadikitan ng mga gawain ng mga puso at mga gawain ng mga bahagi ng katawan.
Ang ḥadīth ay naglilinaw sa pagsusumikap ni Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya) sa mga pagsambang lantaran at mga gawain ng mga bahagi ng katawan, at na ang pananampalataya na namalagi sa puso niya ay nagbunga ng pag-ibig kay Allāh, na nagtulak sa kanya sa pagsusumikap sa pagsamba.
Aktibidad 3: Magmamasid ako sa puso ko.
Ibinibilang ang pagtataimtim sa ̣ṣalāh at ang pagdalo ng puso sa sandali ng pagbigkas ng Qur'ān na kabilang sa pinakamarami sa mga gawain ng mga puso sa pagkakaulit-ulit sa buhay ng Muslim. Sa pamamagitan niyon:
1. Magmasid ka sa puso mo sa sandali ng pagsasagawa ng ̣ṣalāh at pagbigkas ng Qur'ān at magsumikap ka sa pagtataimtim sa dalawang ito.
2. Magsaliksik ka ng mga kaparaanang tutulong sa iyo sa pagtamo ng kataimtiman sa ̣ṣalāh at sa sandali ng pagbigkas ng Qur'ān, pagkatapos magsulat ka ng lima mula sa mga ito sa kuwaderno mo.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Nauugnay ang pag-aasam kadalasan sa:
(pag-ibig - pangamba - pananalig).
2. Nagpapahiwatig ang sabi ni Allāh: {na sinumang natakot sa Napakamaawain nang nakalingid at naghatid ng isang pusong nagsisising bumabalik.} sa:
(pangamba at pag-aasam - takot at nagsisising pagbabalik - kataimtiman at pagpapatulong).
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang pagdakila sa mga binabanal ni Allāh.
2. Ang pagmamasid.
3. Ang pagpapakawagas ng layunin ukol kay Allāh.
4. Ang pagtitiis at ang pasasalamat.
PANUTO 3: Magbigay-linaw ka sa pinapakay ng bawat isa sa: (takot - nagsising pagbabalik - pananalig).
PANUTO 4: Magpaliwanag ka ng kahalagahan ng pagdidikitan sa pagitan ng mga gawain ng puso at mga gawain ng mga bahagi ng katawan.
5. Ang Kainaman ng Pagbubusilak sa Sarili
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-linaw ka sa pinapakay ng pagbubusilak sa sarili;
2. makapagpaliwanag ka sa kahalagahan ng pagbubusilak sa sarili;
3. makatalos ka sa pagkakaibahan ng pagbubusilak at pagbubunyi sa sarili, na sinasaway;
4. makapagsadamdamin ka sa pagkakailangan ng pagbubusilak sa sarili mo;
5. makapagsumikap ka sa pagbubusilak sa sarili/
Isang larawan ng isang lalaking nagsasaayos ng mga kasuutan niya sa harapan ng isang salamin.
Nagmamalasakit ang tao sa karikitan ng anyo niya. Ito ay isang magandang bagay subalit ang pinakamahalaga ay na magmalasakit siya sa pagbubusilak sa sarili niya. Sa araling ito, matututo tayo ng kainaman niyon at kahalagahan niyon.
Ang Konsepto ng Pagbubusilak
Pinapakay sa pagbubusilak ang pagdadalisay sa sarili mula sa mga gawi ng kasamaan at kasalanan at ang pagpapalago ng naturalesa ng kabutihan dito, na humahantong sa pagpapakatuwid nito at pag-abot nito sa antas ng Pagpapakahusay (Iḥsān).
Papaanong naisasakatuparan ang pagbubusilak?
Naisasakatuparan ang pagbubusilak sa sarili sa pamamagitan ng dalawang gawain:
Ang Unang Gawain. Ang pagdadalisay sa sarili mula sa mga sakit ng mga puso, tulad ng Shirk, pagpapakitang-tao, pagkamuhi, pagkainggit, pagmamalaki, kapalaluan, at iba pa sa mga ito. Gayon din ang pagdadalisay rito mula sa mga masagwang kaasalan, tulad ng pagsisinungaling, pagtataksil, pandaraya, at iba pa sa mga ito.
Ang Ikalawang Gawain. Ang pagsasakatuparan sa Tawḥīd para kay Allāh, ang paggawa ng nagpapalugod sa Kanya na mga pagtalima, at ang pagsasakatuparan sa mga gawain ng mga puso gaya ng pag-ibig, pananalig, takot, pangamba, nagsisising pagbabalik, at pasasalamat. Gayon din ang pakikitunguhan sa mga tao sa pamamagitan ng mga magandang kaasalan gaya ng pagpapakumbaba, katarungan, pag-ibig ng kabutihan para sa kanila, katapatan, pagkamapagkakatiwalaan, at iba pa sa mga ito.
Ang Kahalagahan ng Pagbubusilak sa Sarili
1. Ang pagbubusilak sa mga sarili ay isa sa mga misyon ng mga propeta.
Hindi nalimitahan ang misyon ng mga propeta (sumakanila ang pangangalaga) sa pag-aanyaya sa Tawḥīd at pagpapaabot ng mensahe; bagkus naglaman din ito ng edukasyon sa mga tao sa pagbubusilak sa mga sarili. Nagsabi si Allāh: {Kung paanong nagsugo Kami sa inyo ng isang Sugo kabilang sa inyo, na bumigkas sa inyo ng mga tanda Namin, nagbubusilak sa inyo, nagtuturo sa inyo ng Aklat at Karunungan, at nagtuturo sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman.} (Qur'ān 2:151)
Sumaklaw nga ang mensahe ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bawat anuman may kaayusan para sa tao. Nagsabi si Allāh: {Talaga ngang nagmagandang-loob si Allāh sa mga mananampalataya yayamang nagpadala Siya sa kanila ng isang Sugo kabilang sa mga sarili nila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya, nagbubusilak Siya sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat at Karunungan – bagamat sila dati bago pa niyan ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw.} (Qur'ān 3:164)
2. Ang pagbubusilak ay isang kadahilanan ng tagumpay.
Ginawa ni Allāh ang tagumpay ng tao sa Mundo at Kabilang-buhay na nakaugnay sa pagbubusilak sa sarili niya. Nagsabi si Allāh: {nagtagumpay nga ang sinumang nagbusilak nito} (Qur'ān 91:9) Nagsabi rin si Allāh: {Nagtagumpay nga ang sinumang nagpakabusilak [sa sarili]} (Qur'ān 87:14) Nagsabi sina Qatādah at Ibnu `Uyaynah sa pagpapakahulugan dito: "Nagtagumpay nga ang sinumang nagbusilak sa sarili sa pamamagitan ng pagtalima kay Allāh at maayos sa mga gawain."
Hinggil naman sa sinumang nagpabaya sa pagbubusilak at nag-iwan ng sarili sa mga sakit ng mga puso at kasagwaan ng mga kaasalan, nalugi nga siya sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagsabi si Allāh: {at nabigo nga ang sinumang nagparumi nito. } (Qur'ān 91:10)
3. Ang pagpapahalaga ng mga propeta at mga maayos na tao sa pagbubusilak.
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay palagian ang pagmamasid sa sarili niya at pagpapatulong kay Allāh sa pagbubusilak dito at pagdalangin kay Allāh niyon. Kabilang sa mga panalangin niya: "Allāhumma, āti nafsī taqwāhā, wa-zakkihā: anta khayru man zakkāhā, anta walīhuhā wa-mawlāhā. (O Allāh, magbigay Ka sa sarili ko ng pangingilag magkasala nito at magbusilak Ka rito: Ikaw ay ang pinakamabuti sa nagbusilak nito, Ikaw ay ang Katangkilik nito at ang Mapagtangkilik nito.)" Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2722. Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa paghingi ng pagkupkop laban sa kasamaan ng sarili sapagkat nagsabi siya: "Allāhumma, alhimnī rushdī wa a`idhnī min sharri nafsī (O Allāh, magsiwalat Ka sa akin ng kagabayan ko at magkupkop Ka sa akin laban sa kasamaan ng sarili ko)." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 3483.
Dahil doon, nagpahalaga ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) at ang mga maayos na tao sa pagbubusilak sa sarili at pagbibigay-babala laban sa mga sakit nito. Kabilang doon ang itinagubilin nina Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq kay `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa sabi niya: "Tunay na kauna-unahang ibibigay-babala ko sa iyo ay ang sarili mo na nasa pagitan ng dalawang tagiliran mo."
Ang Kainaman ng Pagbubusilak sa Sarili
Ang pagdalisay sa sarili ay isang kadahilanan ng pagtamo ng mga antas na napakatataas. Nagsabi si Allāh: {75. Ang sinumang pumunta sa Kanya bilang mananampalataya ay gumawa nga ng mga maayos na gawa. Kaya ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga antas na pinakamatataas: 76. ang mga hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ay ang ganti sa sinumang nagpakabusilak.} (Qur'ān 20:75-76)
Ang sinumang nangamba kay Allāh, sumaway sa sarili niya laban sa pithaya nito, at nag-iwan sa mga pagsuway, magiging karapat-dapat siya sa pagpasok sa Paraiso. Nagsabi si Allāh: {40. hinggil sa sinumang nangamba sa pagtayo sa [harap ng] Panginoon niya at sumaway sa sarili laban sa pithaya, 41. tunay na ang Paraiso ay ang kanlungan.} (Qur'ān 79:40-41)
Mga Impormasyong Pampagpapayaman na Ilalakip sa Gabay ng Tagapagturo
https://khutabaa.com/khutabaa-section/corncr-speeches/171902
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghahango ako.
Nalaman mo na ang pagbubusilak sa mga sarili ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga misyon ng mga sugo (sumakanila ang pangangalaga). Ayon sa liwanag niyon, tumugon ka sa sumusunod:
1. Bumalik ka sa kuwento ni Moises kasama kay Paraon sa Sūrah An-Nāzi`āt, pagkatapos hanguin mo ang mga āyah na nagpapatunay roon.
{17. "Pumunta ka kay Paraon – tunay na siya ay nagmalabis – 18. saka magsabi ka: Ukol kaya sa iyon na magpakabusilak ka 19. at magpatnubay ako sa iyo tungo sa Panginoon mo para matakot ka [sa Kanya]?"}
(Qur'ān 79:17-19) 2. Hanguin mo sa mga āyah na humango ka sa mga ito ng isang bunga mula sa mga bunga ng pagbubusilak sa sarili.
Ang Kapatnubayan at ang Takot kay Allāh
3. Ano ang kaparaanan na inilahad ni Moises (sumakanya ang pangangalaga) para sa pagbubusilak sa sarili ni Paraon? Ano ang kaugnayan niyon sa napag-aralan mo sa Tawḥīd?
Ang kaparaanan ay ang pananampalataya kay Allāh at ang pagdadalisay ng puso mula sa iba pa sa Kanya kabilang sa mga sinasamba. Ito ay ang kahulugan ng Tawḥīd na inihatid ng lahat ng mga propeta at ang kahulugan ng haligi ng Pagsaksi: Walang Diyos kundi si Allāh.
Aktibidad 2: Mag-aanalisa ako at maghuhulo ako.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Hindi ka ba tumingin sa mga *nagbubusilak ng mga sarili nila? Bagkus si Allāh ay *nagbubusilak ng sinumang *niloloob Niya. Hindi sila lalabagin sa katarungan nang gahibla.} (Qur'ān 4:49) Bilang pagtugon sa sabi ng mga Hudyo at mga Kristiyano: {"Kami ay mga anak ni Allāh at mga iniibig Niya."} (Qur'ān 5:18) Dahil sa tulad ng mga gawa-gawang ito, sumaway si Allāh laban sa pagbubusilak sa sarili sa sabi Niya: {kaya huwag kayong magbusilak ng mga sarili ninyo; Siya ay higit na maalam sa sinumang nangilag magkasala.} (Qur'ān 53:32) Sa pamamagitan ng pag-ugnay mo sa mga āyah at sa aralin ngayong araw, humango ka ng patunay sa katumpakan ng mga pararilang sumusunod:
1. Ang pagbubusilak na sinasaway sa mga āyah ay ang pagbubunyi sa sarili ng hindi narito at ng hindi ito naging karapat-dapat na kainaman.
Ang paghango ng patunay: Na ang mga Hudyo ay nagbunyi sa mga sarili nila nang pasinungaling na sila raw ay mga anak ni Allāh at mga iniibig Niya, kaya namintas si Allāh sa kanila roon.
2. Walang salungatan sa pagitan ng pagsaway laban sa pagbubusilak sa mga naunang āyah at sa pag-uutos ng mga ito sa aralin.
Ang paghango ng patunay: Ang aralin ay nag-uutos ng pagbubusilak na naaangkop dito ang sarili, at tumataas at umaangat ang antas nito sa ganang kay Allāh. Hinggil naman sa pagbubusilak sa mga āyah na ito, nangangahulugang ang pagbubusilak doon ay sa pamamagitan ng paglalarawan doon ng hindi naroon. Ito ay isang pagsisinungaling at isang pandaraya na nagtutulak doon sa pagkalinlang at hindi nagpapakinabang doon ng anuman.
3. Mayroong dalawang uri ng pagbubusilak: hinihiling at tinatanggihan.
Ang paghango ng patunay: Ang pagbubusilak na hinihiling ay ang nagdudulot sa sarili ng kaayusan at pangingilag magkasala. Ang iba naman ay nagsasanhi para rito ng pagmamalaki, pagkalinlang, at paglayo sa pagtalima kay Allāh. Ito ay tinatanggihan.
Aktibidad 3: Tutugon ako.
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa talumpati niya: "Nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin at laban sa mga masagwa sa mga gawain natin." Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah: 1892. Pagbulay-bulayan mo ang ḥadīth, pagkatapos tumugon ka.
1. Papaano mong ipakakahulugan ang pag-uulit-ulit ng paghiling pagkupkop ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa mga kasamaan ng mga sarili?
Nagpapahiwatig ito sa kahalagahan ng pagbubusilak sa sarili at pagpapatulong kay Allāh sa pagsasakatuparan niyon sa pamamagitan ng pagwaksi sa mga salot ng sarili at mga kasamaan nito.
2. Mag-isip-isip ka kaugnay sa kalagayan ng sarili mo. Takdaan mo ang mga kasamaan na nagsusumikap ka sa pagbubusilak sa sarili mo mula sa mga ito. Magpatulong ka kaugnay roon sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit ng mga panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagbubusilak ay nangangahulugan na magbunyi ang tao sa sarili niya sa harapan ng mga tao. (X)
Ang pagtatama: Ang pagbubusilak ay nangangahulugan ng pagpapahalaga ng tao sa pagsasaayos ng sarili niya at paghubog nito.
2. Ang pagbubusilak sa sarili ay naglalaman ng kagandahan ng kaasalan at katapatan ng pakikipag-usap. (✓)
3. Nagpapatunay ang sabi ni Allāh: {nagtagumpay nga ang sinumang nagbusilak nito} (Qur'ān 91:9) sa kahalagahan ng pagbubusilak. (✓)
4. Ang pagtatambal kay Allāh ay ang kauna-unahan sa kinakailangang madalisay ang sarili mula rito. (✓)
5. Ang mga sakit ng puso ay hindi nakaaapekto sa kadalisayan ng sarili. (X)
Ang pagtatama: Ang mga sakit ng mga puso ay nakasisira sa kadalisayan ng sarili.
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang pagbubusilak sa sarili ay kabilang sa mga misyon ng mga propeta.
2. Ang paghiling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkupkop laban sa kasamaan ng sarili.
3. Ang ganti sa pagbubusilak ng sarili ay sa Araw ng Pagbangon.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magpaliwanag ka sa konsepto ng pagbubusilak sa sarili.
2. Naisasakatuparan ang pagbubusilak sa sarili sa pamamagitan ng dalawang gawain. Magbigay-linaw ka niyon sa apat na linya.
6. Ang mga Paraan ng Pagbubusilak sa Sarili
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapag-isa-isa ka ng mga paraan ng pagsasaayos ng sarili;
2. makapaghulo ka ng ilan sa mga paraan ng pagsasaayos ng sarili;
3. makahango ka ng patunay sa mga paraan ng pagsasaayos ng sarili;
4. makapaghulo ka ng mga tagahadlang sa pagbubusilak sa sarili;
5. makapagsadamdamin ka sa kahalagahan ng pagsasaayos ng sarili;
6. makapagsaayos ka ng mga kapintasan ng sarili mo.
Nakaupo sina `Abdullāh at Muḥammad habang nag-iisip hinggil sa pagsasaayos ng lipunan nila saka natagpuan nilang dalawa ang lunas sa sabi ni Allāh: {"Tunay na si Allāh ay hindi magbabago sa anumang nasa mga tao hanggang sa magbago sila sa nasa mga sarili nila."} (Qur'ān 13:11) Kaya pinagpasyahan nilang dalawa ang magsimula sa pagsasaayos sa mga sarili nilang dalawa subalit silang dalawa ay nagtanung-tanong kung papaanong magpapaiba ang Muslim sa sarili niya. Ito ang ipaliliwanag sa iyo ng aralin ngayong araw.
Ang mga Paraan ng Pagsasaayos ng Sarili
Ang Tawḥīd ni Allāh
Ang Pagpapatulong at ang Pagdalangin
Ang Pag-iwas sa mga Pagsuway
Ang Qur'ān at ang Dhikr
Ang Pakikipagtuos sa Sarili
Ang Pagganap ng mga Tungkulin
Ang Pakikiisa sa mga Maayos na Tao
Ang pagbubusilak sa sarili at ang pagsasaayos nito ay kinakailangan sa bawat Muslim. Kabilang sa pinakamahalaga sa mga paraan na umaalalay roon:
1. Ang Tawḥīd ni Allāh
Ang kauna-unahan sa mga paraan ng pagdadalisay ng tao sa sarili niya ay ang Tawḥīd ni Allāh at ang pagkahumaling ng tao sa Panginoon niya dala ng pag-ibig, pangamba, at pag-aasam. Kaya naman ang sinumang pinatnubayan ni Allāh doon, luluwag ang dibdib niya at mamumuhay siya na kaaya-aya ang sarili. Nagsabi si Allāh: {Kaya sa sinumang ninanais ni Allāh na patnubayan ay magpapaluwag Siya ng dibdib nito para sa Islām.} (Qur'ān 6:125)
2. Ang Pagpapatulong kay Allāh at ang Pagdalangin sa Kanya
Ang pagbubusilak sa sarili at ang pagsasaayos nito ay nasa kamay ni Allāh. Nagsabi si Allāh: {Kung hindi dahil sa kagandahang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya, walang bumusilak kabilang sa inyo na isa man magpakailanman; subalit si Allāh ay nagbubusilak ng sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Madinigin, Maalam.} (Qur'ān 24:21) Kaya kailangan sa tao na dumulog kay Allāh upang magsasaayos para sa kanya ng sarili niya at magdalisay nito, bilang pagsunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat ito noon ay dumadalangin, na nagsasabi ng ganito: "Allāhumma, āti nafsī taqwāhā, wa-zakkihā: anta khayru man zakkāhā, anta walīhuhā wa-mawlāhā. (O Allāh, magbigay Ka sa sarili ko ng pangingilag magkasala nito at magbusilak Ka rito: Ikaw ay ang pinakamabuti sa nagbusilak nito, Ikaw ay ang Katangkilik nito at ang Mapagtangkilik nito.)" Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2722. Gayon din ang paghiling ng pagkupkop laban sa mga kasamaan ng sarili, gaya ng nagdaan sa naunang aralin.
3. Ang Pagganap ng mga Tungkulin
Kabilang sa kasanhian ng pagbabatas sa mga pagsamba ay ang pagbubusilak sa mga sarili. Nagsasabi si Allāh tungkol sa epekto ng dhikr (pag-alaala kay Allāh) at pagpapanatili ng ̣ṣalāh. {Bigkasin mo ang ikinasi sa iyo mula sa Aklat at panatilihin mo ang pagdarasal; tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama. Talagang ang pag-alaala kay Allāh ay higit na malaki. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo.} (Qur'ān 29:45) Nagsabi naman si Allāh tungkol sa zakāh: {Kumuha ka mula sa mga yaman nila ng isang kawanggawang magdadalisay sa kanila at magbubusilak sa kanila sa pamamagitan *nito at manalangin ka ng basbas sa kanila; tunay na ang panalangin mo ng basbas* ay isang katiwasayan para sa kanila. Si Allāh ay Madinigin, Maalam.} (Qur'ān 9:103) Ang zakāh ay nagdadalisay ng sarili mula sa paghahangad at karamutan, at pagkaibig sa kamunduhan at sigasig dito.
4. Ang Pagbigkas ng Qur'ān at ang Pag-alaala kay Allāh
Ang Marangal na Qur'ān ay may isang dakilang epekto sa sarili sapagkat nagpababa nito si Allāh bilang lunas para sa mga sakit ng sarili at bilang kapatnubayan para sa puso. Nagsabi si Allāh: {O mga tao, may dumating nga sa inyo na isang pangaral mula sa Panginoon ninyo, isang lunas para sa nasa mga dibdib, isang patnubay, at isang awa para sa mga mananampalataya.} (Qur'ān 10:57) Sa pag-alaala kay Allāh ay may kapanatagan para sa puso. Nagsabi si Allāh: {na mga sumampalataya at napapanatag ang mga puso nila sa pag-aalaala kay Allāh. Pansinin, sa pag-aalaala kay Allāh napapanatag ang mga puso."} (Qur'ān 13:28)
5. Ang Pag-iwas sa mga Pagsuway
Iyon sa pamamagitan ng pagwaksi sa anumang sinaway ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) na mga pagsuway ng mga puso gaya ng Shirk, pagpapaimbabaw, pagpapakitang-tao, kapalaluan, pagmamalaki, at iba pa sa mga ito; o mga pagsuway ng mga bahagi ng katawan gaya ng pagsisinungaling, pangangalunya, at pagtingin sa anumang ipinagbawal ni Allāh. Nagsasabi si Allāh tungkol sa epekto ng pag-iwas sa mga ipinagbabawal na ito. {Sabihin mo sa mga lalaking mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila at mag-ingat sila ng mga ari nila.} (Qur'ān 24:30)
6. Ang Pakikipagtuos sa Sarili at ang Pangangaral Dito
Iyon ay nang sa gayon magsumikap ito sa paggawa ng mga pagtalima at mapalayo sa paggawa ng mga pagsuway. Nagsabi si Allāh: {18. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh, at tumingin ang kaluluwa sa ipinauna niya para sa bukas. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo. 19. Huwag kayong maging gaya ng mga lumimot kay Allāh kaya nagpalimot Siya sa kanila ng mga sarili nila. Ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 59:18-19)
Nangyayari ang pangangaral sa sarili sa pamamagitan ng pagpapaalaala dito ng kamatayan, pagsaksi sa mga kalagayan ng mga naghihingalo, pagdalaw sa mga libingan alang-alang sa pagsasaalang-alang at pagkapangaral, pagsasaalaala sa Kabilang-buhay, at hindi pagkakaabala sa Mundong malilipol.
7. Ang Pakikiisa sa mga Maayos na Tao at ang Pakikisama sa Kanila
Nag-utos sa atin si Allāh niyon sa sabi Niya: {Magpatiis ka ng sarili mo kasama sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at gabi, na nagnanais [ng kaluguran] ng mukha Niya. Huwag lumampas ang dalawang mata mo palayo sa kanila, na nagnanais ng gayak ng buhay *na pangmundo. Huwag kang tumalima sa sinumang nagpalingat Kami sa puso niya palayo sa pag-aalaala sa Amin at sumunod sa pithaya niya habang ang nauukol sa kanya ay naging kapabayaan.} (Qur'ān 18:28)
Ang pakikipagsamahan sa taong maayos na nakaaalam sa Qur'ān at Sunnah, na nakakikita sa mga kapintasan ng sarili at mga kalagayan nito ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga landas ng pagbubusilak sa sarili at pagsusumikap sa pagsasaayos nito.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghahango ako.
Hanguin mo ang mga kaparaanan ng pagbubusilak mula sa mga sumusunod na teksto:
Ang Teksto Kaparaanan ng Pagbubusilak
Nagsabi si Allāh: {O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183) Ang Pagsambang Pag-aayuno
Nagsabi si Allāh: {17. Paiiwasin doon ang pinakatagapangilag magkasala, 18. na nagbibigay ng yaman niya habang nagpapakabusilak [sa kasalanan]} (Qur'ān 92:17-18) Ang Pagsambang Pagbibigay ng Zakāh
Nagsabi si Allāh: {14. Nagtagumpay nga ang sinumang nagpakabusilak [sa sarili] 15. at bumanggit sa ngalan ng Panginoon niya saka nagdasal.} (Qur'ān 87:14-15) Ang Pag-alaala kay Allāh sa Pagdarasal
Nagsabi si Allāh: {Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga kapag binanggit si Allāh ay nasisindak ang mga puso nila at kapag binigkas sa kanila ang mga tanda Niya ay nadaragdagan sila ng pananampalataya at sa Panginoon nila nananalig sila,} (Qur'ān 8:2) Ang Pag-alaala kay Allāh
Ang Pakikinig sa mga Āyah ng Qur'ān at ang Pagninilay-nilay sa mga Ito
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Allāhumma, āti nafsī taqwāhā, wa-zakkihā: anta khayru man zakkāhā, anta walīhuhā wa-mawlāhā. (O Allāh, magbigay Ka sa sarili ko ng pangingilag magkasala nito at magbusilak Ka rito: Ikaw ay ang pinakamabuti sa nagbusilak nito, Ikaw ay ang Katangkilik nito at ang Mapagtangkilik nito.)" (Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2722.) Ang Pagdalangin at ang Pagpapatulong kay Allāh
Nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Makipagtuos kayo sa mga sarili ninyo bago kayo tuusin at magtimbang kayo ng mga sarili ninyo bago kayo timbangin." Ang Pakikipagtuos sa Sarili at ang Hindi Pagpapabaya Rito
Aktibidad 2: Maghahango ako at makikipagtalakayan ako.
Ang pagbubusilak din ay may mga paraan at mga kaparaanan sapagkat ito rin ay mga tagabalakid at mga tagahadlang, na kabilang sa mga ito ay binanggit sa sabi ni Allāh: {Maglilihis Ako palayo sa mga tanda Ko sa mga nagpapakamalaki sa lupa nang walang karapatan. Kung makakikita sila ng bawat tanda ay hindi sila sasampalataya rito. Kung makakikita sila ng landas ng pagkagabay ay hindi sila gagawa rito bilang landas. Kung makakikita sila ng landas ng pagkalisya ay gagawa sila rito bilang landas. Iyon ay dahil sila ay nagpasinungaling sa mga tanda Namin, at sila noon sa mga ito ay mga nalilingat. } (Qur'ān 7:146) Sa pag-alalay ng tagapagturo mo,
1. Hanguin mo ang mga tagahadlang sa pagbubusilak mula sa marangal na āyah.
Ang pagmamalaki, ang paglabag, ang kawalang-katarungan, ang pagpapasinungaling sa mga tanda ni Allāh, at ang pagtanggi sa katotohanan at ang hindi pagtanggap dito.
2. Makipagtalakayan ka sa mga kaklase mo sa pagsasaliksik sa tatlong tagabalakid sa pagbubusilak. Imungkahi mo ang mga solusyon para sa pag-iwas sa mga iyon.
Aktibidad 3: Mag-aanalisa ako at magsasagawa ako ng pagtatasa.
Ayon sa liwanag ng pag-aaral mo ng pagbubusilak sa sarili, analisahin mo ang mga sumusunod na pag-uugali kasama ng isang pagtatasa sa hindi tumpak sa mga ito.
Ang Pag-uugali Isang binatang hindi nagsusumikap sa pagsamba bilang pagsimpatiya sa sarili niya. Isang Muslim na nakikipagtuos sa sarili niya sa mga gawain niya sa bawat araw. Isang Muslim na nagmamalasakit sa pagbubusilak sa sarili niya sa gabi at nagpapabaya rito sa maghapon. Isang binatang nakikipagsamahan sa mga kaklase niya at nakikipagsabayan sa kanila sa mga masagwang gawain nila. Isang Muslim, na kapag nakagawa ng masagwang gawa, ay nagpapasunod dito ng isang magandang gawa. Nagbubusilak siya sa sarili.
Oo Hindi Ang Pagtatasa (Assessment) Kailangan sa kanya na magsumikap nang hindi lumalampas sa hangganan ng pagkakatamtaman. Kailangan sa kanya na magpatuloy sa pagbubusilak sa gabi at sa maghapon. Kinakailangan sa kanya na makipagsamahan sa mga mabuti lamang at na hindi gumaya-gaya sa mga kaklase niya maliban sa anumang nagpapakinabang.
_________________________________
_________________________________
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagsunod sa Pampropetang Sunnah ay isang kaparaanan ng pagbubusilak sa sarili at kaayusan nito. (✓)
2. Ang pagsasaayos ng sarili ay nauuwi sa pagsasaayos ng lipunan. (✓)
3. Ang pagbubusilak ay isang bagay na panloob, na hindi naaapektuhan ng mga tagapagdahilang panlabas. (X)
Ang pagtatama: Ang pagbubusilak ay naaapektuhan ng mga tagapagdahilang panlabas at kapaligirang nakapaligid.
PANUTO 2: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Nagpapahiwatig ang sabi ni Allāh: {Sabihin mo sa mga lalaking mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila at mag-ingat sila ng mga ari nila.} (Qur'ān 24:30) sa kundisyon na bahagi ng pagbubusilak sa sarili:
(ang pananampalataya kay Allāh - ang pag-iingat sa ari - ang pag-uutos ng nakabubuti).
2. Nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Makipagtuos kayo sa mga sarili ninyo bago:"
(kayo matulog - bago mamatay - bago kayo tuusin).
3. Kabilang sa mga paraan ng pagsasaayos ng sarili ang pagsasaalaala sa kamatayan at ang pagdalaw sa:
(mga kamag-anak - mga kaibigan - mga libingan).
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa epekto ng bawat isa mula sa sumusunod kaugnay sa pagbubusilak sa sarili:
1. Ang pagpapanatili ng ṣalāh.
2. Ang Marangal na Qur'ān.
3. Ang pag-iwas sa mga pagsuway.
PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:
1. Magpaliwanag ka ng epekto ng bawat isa sa Pakikipagtuos sa sarili at Pakikiisa sa mga maayos na tao sa pagbubusilak sa sarili at pagsasaayos ng mga kapintasan nito.
2. Hanguin mo mula sa aralin ang patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagbubusilak sa sarili.
3. Huluhin mo ang bumabalakid sa pagsasaayos ng sarili mula sa pagkakasaad sa sabi ni Allāh: "Tunay na si Allāh ay hindi magbabago sa anumang nasa mga tao hanggang sa magbago sila sa nasa mga sarili nila." (Qur'ān 13:11)
Ang Ikaapat na Yunit: Ang Fiqh ng mga Patakaran
1. Ang Buwan ng Ramaḍān at ang mga Pagsamba Dito
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagsulat ka ng kahatulan ng pag-aayuno sa Ramaḍān;
2. makapagpaliwanag ka kung papaanong nagsisimula ang Ramaḍān at kung papaanong nagwawakas;
3. makapag-isa-isa ka pinakamahalaga sa mga pagsamba sa Ramaḍān;
4. makapaghulo ka sa kahalagahan ng pag-aayuno;
5. makahango ka ng patunay sa katayuan ng Ramaḍān;
6. makapagsadamdamin ka sa kadakilaan ng Ramaḍān at katayuan nito.
iginagapos: ikinukulong at ibinibigkis sa mga tanikala.
Isang larawan ng ilan sa mga nagsasagawa ng pagmamanman sa bagong buwan.
Sa sandali ng pagkalubog ng araw sa ika-29 araw ng buwan ng Sha`bān, magmamasid ang mga Muslim ng paglitaw ng bagong buwan. Kapag napagtibay ang pagkakita sa bagong buwan, magsisimula sila ng pag-aayuno sa Ramaḍān mula sa kasunod na araw. Kung hindi nila nakita ito, lulubusin nila ang Sha`bān sa 30 araw. Iyon ay batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-ayuno kayo batay sa pagkakita nito at magtigil-ayuno kayo batay sa pagkakita nito; ngunit kung nilambungan sa inyo ang [pagsapit ng] buwan, bilangan ninyo sa tatlumpung araw." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1909 at Imām Muslim: 1081. Nauulit-ulit ang tulad niyaong araw ng ikadalawampul't siyam ng Ramaḍān.
nilambungan sa inyo: hindi ninyo nakayang makita ito dahilan sa ulap o iba pa rito.
Ang Pag-aayuno sa Buwan ng Ramaḍān
Ang pag-aayuno ay ang paghinto sa lahat ng mga tagasira [ng ayuno] mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa pagkalubog ng araw, kalakip ng layunin.
Ang pag-aayuno ay isa sa mga haligi ng Islām at mga tungkulin dito. Nagsabi si Allāh: {O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183)
Kaya kinakailangan sa bawat Muslim ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān. Nagsabi si Allāh: {Kaya ang sinumang nakasaksi kabilang sa inyo sa buwan [ng Ramaḍān] ay mag-ayuno siya rito} (Qur'ān 2:185) Malibang kapag ang tao ay isang matandang hindi nakakaya ang pag-aayuno o isang maysakit o isang naglalakbay. Nagsabi si Allāh: {at ang sinumang maysakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang mga araw.} (Qur'ān 2:185)
Ang mga Kainaman ng Buwan ng Ramaḍān
Nagbiyaya si Allāh sa atin dahil sa pinagpalang buwang ito at gumawa Siya para sa atin dito ng maraming premyo, na kabilang sa mga ito:
1. Binubuksan dito ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid dito ang mga pinto ng Impiyerno, at ikinukulong dito ang mga mapaghimagsik ng mga demonyo. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag pumasok ang buwan ng Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1899 at Imām Muslim: 1079. iginagapos: ikinukulong at ibinibigkis sa mga tanikala.
2. Ang pag-aayuno niya ay isang kadahilanan ng kapatawaran ng mga pagkakasala at pagtatakip-sala sa mga masagwang gawa. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dahil sa pananampalataya at dahil sa pag-asang gagantimpalaan, magpapatawad sa kanya sa anumang nauna na pagkakasala niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 38 at Imām Muslim: 760. dahil sa pananampalataya: dahil sa paniniwala sa pangako ni Allāh; dahil sa pag-asang gagantimpalaan: dahil sa pag-aasam sa gantimpala mula kay Allāh.
3. Ang buwan ng kabutihan at pagpapala. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pumunta sa inyo ang Ramaḍān, isang buwang pinagpala..." Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'īy: 2106.
4. Ang pagpapalaya mula sa Impiyerno. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Ramaḍān: "Si Allāh ay may mga pinalalaya mula sa Impiyerno. Iyon ay bawat gabi." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 682.
5. Narito ang Gabi ng Pagtatakda. Ito ay ang pinakadakila sa mga gabi at ang pinakamarami sa mga ito sa pabuya sapagkat ito ay higit na mainam kaysa sa isang libong buwan. Ang sinumang nagdasal dito, patatawarin ang nauna na pagkakasala niya. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda dahil sa pananampalataya at dahil sa pag-asang gagantimpalaan, magpapatawad sa kanya sa anumang nauna na pagkakasala niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 35 at Imām Muslim: 760.
6. Ang pagkatuwa ng tagapag-ayuno sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa, na natutuwa siya sa dalawang ito: kapag tumigil-ayuno siya, matutuwa siya dahil sa pagtigil-ayuno niya; at kapag nakipagkita siya sa Panginoon niya, matutuwa siya dahil sa pag-aayuno niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1904 at Imām Muslim:1151.
Ang mga Pagsambang Isinasabatas sa Ramaḍān
Ang buwan ng Ramaḍān ay isang dakilang pagkakataon nang sa gayon magsumikap ang Muslim sa pagsamba at magtamo ng mga gantimpala ng mga maayos na gawain. Kabilang sa mga ito:
1. Ang pagbabasa ng Qur'ān, ang pagmumuni-muni rito, at ang pakikipag-aralan dito bilang paggaya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama kay Anghel Gabriel sapagkat: "Si Anghel Gabriel ay nakikipagkita sa kanya noon sa bawat gabi ng Ramaḍān saka nakikipag-aralan sa kanya ng Qur'ān." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6 at Imām Muslim: 2308.
2. Ang pagpaparami ng kawanggawa bilang paggaya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nasaad sa ḥadīth: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao at siya ay pinakagalante sa Ramaḍān kapag nakikipagkita sa kanya si Anghel Gabriel." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6 at Imām Muslim: 2308.
3. Ang pagdarasal sa gabi, lalo na sa Gabi ng Pagtatakda. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal sa gabi ng Ramaḍān dahil sa pananampalataya at dahil sa pag-asang gagantimpalaan, magpapatawad si Allāh sa kanya sa anumang nauna na pagkakasala niya. Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda dahil sa pananampalataya at dahil sa pag-asang gagantimpalaan, magpapatawad si Allāh sa kanya sa anumang nauna na pagkakasala niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 37 at Imām Muslim: 759.
4. Ang pananatili sa masjid sa sampung huling araw ng Ramaḍān at ang pagsusumikap sa pagsamba sa mga araw na ito bilang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ang ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nananatili sa masjid sa sampung huling araw ng Ramaḍān. Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1172.
5. Ang pagbibigay ng pagkain. Iyon ay sa pamamagitan ng pagpapakain sa pagtigil-ayuno ng mga tagapag-ayuno bilang pasasalamat kay Allāh sa biyaya ng pagtigil-ayuno matapos ng pag-aayuno.
6. Ang pagpaparami ng pagdalangin, lalo na sa sandali ng pagtigil-ayuno sapagkat ang tagapag-ayuno ay may panalangin sa sandali ng pagtigil-ayuno niya na hindi tinatanggihan.
7. Ang pagsasagawa ng `umrah sa Ramaḍān sapagkat tunay na ang pagsasagawa nito sa Ramaḍān ay nakapapantay ng pabuya sa isang ḥajj kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghahango ako.
Hanguin mo ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na teksto na mga pagsamba at kainaman ng mga ito sa Ramaḍān.
Ang Teksto Ang Ipinahihiwatig
Nagsabi si Allāh: {1. Tunay na Kami ay nagpababa nito sa Gabi ng Pagtatakda. 2. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Gabi ng Pagtatakda? 3. Ang Gabi ng Pagtatakda ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan.} (Qur'ān 97:1-3) Ang pagsamba sa Gabi ng Pagtatakda ang pagdarasal dito ay higit na mainam kaysa sa pagsamba nang isang libong buwan.
Ang sabi naman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang isang `umrah sa Ramaḍān ay tumutumbas sa isang ḥajj o isang ḥajj kasama ko." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1863 at Imām Muslim: 1256. Ang pagsasagawa ng `umrah sapagkat tunay na iyon ay nakapapantay ng isang ḥajj kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang sabi pa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May tatlong hindi tinatanggihan ang panalangin nila: ang pinunong makatarungan, ang tagapag-ayuno kapag tumitigil-ayuno siya, at ang panalangin ng naaapi." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 3598. Ang panalangin sapagkat tunay na ang tagapag-ayuno ay may panalanging hindi tinatanggihan.
Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagbigay ng pantigil-ayuno sa isang tagapag-ayuno, magkakaroon siya ng tulad ng pabuya rito, gayon pa man, ito ay hindi nagbabawas ng anuman mula sa pabuya sa tagapag-ayuno." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 807. Ang pagbibigay ng pantigil-ayuno sa mga tagapag-ayuno sapagkat tunay na ang sinumang nagbigay ng pantigil-ayuno sa isang tagapag-ayuno, kukuha siya ng tulad sa pabuya rito.
Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1923 at Imām Muslim: 1095. Ang saḥūr ay may dulot na pagpapakalakas sa pag-aayuno at mga gawain sa maghapon.
Aktibidad 2: Maghahango ako.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (pagpalain siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): "Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): 'Ang bawat gawain ng anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-aayuno; ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa Kanya.' Kaya sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1904 at Imām Muslim: 1151.
ang amoy: amoy nito na inireresulta ng pag-aayuno. Basahin mo ang ḥadīth at hanguin mo mula rito ang ilan sa mga kainaman ng pag-aayuno.
1. Ang pagpaparangal sa pag-aayuno dahil sa pag-uugnay nito kay Allāh.
2. Ang bigat ng pabuya sa pag-aayuno.
3. Ang bango ng amoy ng bibig ng tagapag-ayuno sa ganang kay Allāh.
Aktibidad 3: Maghahanda ako ng isang talahanayan.
Maghahanda ka ng isang talahanayan na may dalawang listahan.
1. Listahan ng mga maayos na gawain na ipapayo mo sa mga kaibigan mo na isagawa nila sa Ramaḍān.
2. Listahan ng mga masagwang kaugalian na nakikita mo ang Ramaḍān ay kumakatawan sa isang pagkakataon ng pagwaksi sa mga ito.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "... talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk." ay nagpapatunay sa:
(pag-ibig ni Allāh sa epekto ng pag-aayuno - pagpayag sa paglalagay ng mabango - sigasig sa pagmumumog).
2. Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagbigay ng pantigil-ayuno sa isang tagapag-ayuno, magkakaroon siya ng tulad ng pabuya rito," ay nagpapatunay sa gantimpala sa:
(pag-aayuno - pagpapakain - pagtigil-ayuno).
3. Ang buwan ng Ramaḍān ay isang pagkakataon ng pagtanggap sa panalangin, lalo na sa sandali ng:
(pagtigil-ayuno - saḥūr - pagtulog).
PANUTO 3: Magsulat ka ng isang patunay sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang pagkakinakailangan ng pag-aayuno sa Ramaḍān.
2. Ang kainaman ng kawanggawa sa Ramaḍān.
3. Ang kainaman ng pagsasagawa ng `umrah sa Ramaḍān.
4. Ang pagkatuwa ng tagapag-ayuno sa Mundo at Kabilang-buhay.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magpaliwanag ka kung papaanong mapag-aalaman ng mga Muslim ang simula ng buwan ng Ramaḍān at wakas nito.
2. Nagbalita sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng nakalulugod hinggil sa isang bilang ng mga kadahilanan ng kapatawaran sa buwan ng Ramaḍān. Magsulat ka ng dalawa mula sa mga ito.
3. Magsulat ka ng isang artikulo sa limang linya tungkol sa pagpapakamananamba sa sampung huling araw ng Ramaḍān, kasama ng paglilinaw sa kainaman ng Gabi ng Pagtatakda.
4. Nauugnay ang pag-aayuno at ang Qur'ān sa buwan ng Ramaḍān. Magpaliwanag ka niyon.
2. Ang mga Tagapagpawalang-saysay sa Pag-aayuno
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpaliwanag ka sa tinutukoy ng mga tagapagpawalang-saysay sa pag-aayuno;
2. makapag-isa-isa ka sa mga tagapagpawalang-saysay sa pag-aayuno;
3. makapaghalimbawa ka para sa ilan sa mga kontemporaryong tagapagpawalang-saysay sa pag-aayuno;
4. makahango ka ng patunay sa mga tagapagpawalang-saysay sa pag-aayuno;
5. makapagsadamdamin ka sa kahalagahan ng pag-aayuno;
6. makaiwas ka sa mga tagapagpawalang-saysay sa pag-aayuno.
Ang mga Tagapagpawalang-saysay sa Pag-aayuno
Mga Tagapagpawalang-saysay na Nag-oobliga ng Pag-uulit ng Ayuno Ang Layunin ng Pagtigil-ayuno _____ o _____ Ang Regla at ang Nifās Ang Pagsusuka Ang Sinasadyang Pagpapalabas ng Manīy
Mga Tagapagpawalang-saysay na Nag-oobliga ng Pag-uulit ng Ayuno at Panakip-sala Ang Pakikipagtalik
Ang tagapagpawalang-saysay sa pag-aayuno ay ang mga gawain na kapag gumawa ang tagapag-ayuno ng anuman mula sa mga ito ay mawawalang-saysay ang pag-aayuno niya.
Nahahati ang mga tagapagpawalang-saysay na ito sa dalawang bahagi:
Una. Mga tagapagpawalang-saysay na nag-oobliga ng pag-uulit ng ayuno nang walang panakip-sala.
Magkakasya ang tumigil-ayuno sa pag-uulit ng pag-aayuno ng araw na tumigil-ayuno siya. Ang mga tagapagpawalang-saysay ay:
1. Ang matibay na layunin sa pagtigil-ayuno sa sandali ng pag-aayuno:
sapagkat ang sinumang nagpatibay ng layunin niya na tumigil-ayuno sa sandali ng maghapon subalit siya ay hindi gumawa ng anuman mula sa mga tagapagpatigil-ayuno, nawalang-saysay nga ang pag-aayuno niya at kailangan sa kanya na kumumpleto ng araw [ng pag-aayuno] pagkatpos mag-uulit siya nito sa ibang araw kapalit nito.
2. _____ o _____ nang sadyaan sa buwan ng Ramaḍān:
Ito ay kinuha mula sa sabi ni Allāh: {Kumain kayo at uminom kayo hanggang sa luminaw para sa inyo ang puting sinulid sa itim na sinulid mula sa madaling-araw. Pagkatapos lubusin ninyo ang pag-aayuno hanggang sa gabi.} (Qur'ān 2:187) Ang puting sinulid ay nangangahulugang ang madaling-araw. Ang itim na sinulid ay nangangahulugang ang gabi.
3. Ang Regla at ang Nifās
Kapag nagregla ang babae o dinugo siya, mawawalang-saysay ang pag-aayuno niya at kailangan sa kanya na tumigil-ayuno batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "HIndi ba kapag nagregla siya ay hindi siya magdarasal at hindi siya mag-aayuno?" Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 304 at Imām Muslim: 179
2. Ang Pagsusuka Nang Sadyaan
Ang sinumang nagsuka – ibig sabihin: nagpalabas ng nasa sikmura niya nang sadyaan – ay nawalang-saysay ang pag-aayuno niya. Hinggil naman sa sinumang nanaig sa kanya ang pagsusuka, walang kailangan sa kanya na pag-uulit ng ayuno. Ang pag-aayuno niya ay tumpak batay sa sabi ng Propeta: "Ang sinumang nangibabaw sa kanya ang pagsusuka, walang kailangan sa kanya na pag-uulit; at ang sinumang nagsuka nang sadyaan, umulit siya nito." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 2380 at Imām At-Tirmidhīy: 720. nangibabaw sa kanya: nanaig sa kanya.
5. Ang Masturbesyon
Ito ay ang pananadya ng pagpapalabas ng manīy sa pamamagitan ng isang pagsasagawa ng tagapag-ayuno. Ang sinumang gumawa niyon ay mawawalang-saysay ang pag-aayuno niya at kailangan sa kanya ang pag-uulit ng ayuno.
Ikalawa. Ang mga Tagapagpawalang-saysay na Nag-oobliga ng Pag-uulit ng Ayuno at Panakip-sala
Ito ay nag-iisang tagapagpawalang-saysay, ang pakikipagtalik. Nawawalang-saysay ang pag-aayuno ng sinumang nagsagawa ng pakikipagtalik sa maghapon ng Ramaḍān at kinakailangan sa kanya ang pag-uulit ng ayuno at ang panakip-sala.
Ang panakip-sala ay na magtakip-sala siya para sa kamaliang ito sa pamamagitan ng pagpapalaya ng isang alipin; ngunit kung hindi siya nakatagpo nito, magsagawa ng pag-aayuno nang dalawang buwang magkakasunuran; ngunit kung hindi siya nakakaya, magsagawa ng pagpapakain sa 60 dukha. May nakipagtalik ngang isang lalaki sa maybahay nito sa maghapon ng Ramaḍān kaya nagsabi rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Makatatagpo ka kaya ng isang [mapalalayang] alipin?" Nagsabi ito: "Hindi po." Nagsabi siya: "Makakakaya ka kaya ng pag-aayuno nang dalawang buwan?" Nagsabi ito: "Hindi po." Nagsabi siya: "Kaya magpakain ka ng animnapung dukha." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6821 at Imām Muslim: 1111. Natatangi ang patakarang ito sa maghapon ng Ramaḍān ngunit ang sinumang gumawa niyon sa sandali ng pag-aayuno para sa pag-uulit ng ayuno [na nasira], walang panakip-sala na kailangan sa kanya at nasira ang pag-aayuno niya.
Ang mga Kontemporaryong Tagapagpatigil-ayuno
May lumitaw na bago sa marami sa mga usapin sa kasalukuyang panahon. Nagsaliksik ng mga ito ang mga kontemporaryong faqīh (dalubhasa sa batas). Nakapagbukod sila sa nagpapatigil-ayuno sa tagapag-ayuno at hindi nagpapatigil-ayuno sa kanya. At nagpalabas ng Fatwa ang Mujamma' Fiqhi sa OIC ng sumusunod:
Kabilang sa nagpapatigil-ayuno sa tagapag-ayuno:
1. Ang bawat pumapasok sa organong panunaw (digestive organ), na lumalampas sa bibig at lalamunan.
2. Ang bawat nagbibigay-sustansiya sa katawan ng tagapag-ayuno, na pumasok mula sa alinmang lagusang likas, na kabilang rito ang parenteral nutrition (pagbibigay-sustansiya na hindi dumadaan sa bibig).
3. Ang pagpapasalin ng dugo.
4. Ang peritoneal dialysis at ang hemodialysis. Isang larawan ng isang grupo ng mga instrumentong medikal: iniksiyon, pampatak, spray ng asma.
Kabilang sa hindi nagpapatigil-ayuno sa tagapag-ayuno ang sumusunod:
1. Ang pagpatak sa mata o tainga o ilong kapag naiwasan ang pagkalulon ng nanuot sa lalamunan.
2. Ang pumapasok sa mga organong reproduktibo ng bawat isa sa lalaki at babae na mga supositoryo o mga kasangkapan ng pagsusuring medikal.
3. Ang pagbabarena ng ngipin o ang paglilinis nito o ang pagbunot nito at ang paggamit ng siwāk at sipilyo kapag naiwasan ang pagkalulon ng nanuot sa lalamunan.
4. Ang mga iniksiyong panlunas sa balat o laman (muscle) o ugat maliban sa mga likido at mga iniksiyong tagapagbigay-sustansiya.
5. Ang pumapasok sa katawan nang pasipsip gaya ng mga sebo, mga ointment, at mga plaster na pambalat.
6 Ang spray ng asma.
7. Ang pagpapakuha ng dugo para sa mga pagsusuring panlaboratoryo o donasyon.
Nararapat ang pagpapaliban ng hindi nakapipinsala ang pagpapaliban hanggang sa matapos ng mga pagtigil-ayuno mula sa mga paglulunas na naunang nabanggit.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikipagtulungan ako sa kaklase ko.
Sa pakikipagtulungan sa kaklase mo, magsaliksik ka ng isang patunay o isang kasanhian ng mga sumusunod na patakaran, pagkatapos maglahad ka sa tagapagturo mo ng napag-alaman mo.
1. Ang sinumang nag-isip ng pagtigil-ayuno ng walang pagtitika, tumpak pa rin ang pag-ayuno niya.
2. Ang dami ng tulog sa maghapon ng Ramaḍān ay hindi nakapagpapawalang-saysay sa pag-aayuno.
3. Ang paglalagay ng patak sa mata ay hindi nagpapatigil-ayuno.
4. Ang sinumang lumabas mula sa kanya ang manīy habang siya ay natutulog sa maghapon ng Ramaḍān, ang pag-aayuno niya ay tumpak at walang kailangan sa kanya na anuman.
5. Ang sinumang nakipagtalik habang nakalilimot, ang pag-aayuno niya ay tumpak at walang kailangan sa kanya na anuman.
Aktibidad 2: Magpapaliwanag ako ng patakaran.
Maglinaw ka ng epekto ng mga sumusunod na gawa sa katumpakan ng pag-aayuno at kung ano ang kinakailangan sa tagapag-ayuno:
Ang Gawa Ang pag-inom ng juice habang nakalilimot na siya ay nag-aayuno. Umihip ang hangin saka pumasok ang alikabok sa bibig niya. Naninigarilyo sa sandali ng pag-aayuno. Nagpasailalim sa isang iniksiyon sa laman (muscle) sa maghapon ng Ramaḍān. Ang hatol sa pag-aayuno niya ay: tumpak. tumpak. hindi tumpak. tumpak. Ano ang kinakailangan sa kanya? Walang anumang kailangan sa kanya. Walang anumang kailangan sa kanya. Kailangan sa kanya ang pag-uulit ng ayuno.
Walang anumang kailangan sa kanya.
Aktibidad 3: Tutugon ako.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpasobra ka sa pagsinghot ng tubig maliban na ikaw ay nag-aayuno." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 142, Imām At-Tirmidhīy: 788, at Imām An-Nasā'īy: 87. Papaano maaaring humango ng patunay sa pamamagitan ng ḥadīth na ito sa pangingilag laban sa anumang maaaring magdadahilan ng pagtigil-ayuno ng tagapag-ayuno?
Mga Impormasyong Pampagpapayaman:
Mga Gawaing Hindi Nagpapawalang-saysay sa Pag-aayuno
1. Ang pakikipagtalik sa sandali ng pagkalimot.
Ang pakikipagtalik sa sandali ng pagkalimot ay hindi nagpapatigil-ayuno ayon sa pag-aanalohiya sa pagkain at pag-inom habang nakalilimot.
2. Ang pagpasok ng alikabok at tulad nito sa lalamunan ng tagapag-ayuno.
Kapag may pumasok sa lalamunan ng tagapag-ayuno na alabok o langaw o usok dahil sa paghinga niya nang walang pagkukusa niya at kung sakaling ang tagapag-ayuno ay nakaaalaala sa pag-aayuno niya, hindi nagpapatigil-ayuno ayon sa pagkakabuklod ng hatol.
3. Ang paglalangis
Kung sakaling naglangis ang tagapag-ayuno sa ulo niya o bigote niya, hindi nakapipinsala sa kanya iyon. Gayon din kung sakaling kung nagkulay siya ng buhok sa pamamagitan ng hena saka nakaramdam siya ng lasa sa lalamunan niya, hindi nasisira ang pag-aayuno niya at hindi kinakailangan sa kanya ang pag-uulit.
4. Ang Panaginip ng Pakikipagtalik
Kapag natulog ang tao saka nanaginip ng pakikipagtalik, hindi masisira ang pag-aayuno niya – bagkus maglulubos siya nito ayon sa pagkakabuklod ng hatol – kapag hindi siya gumawa ng anumang ipinagbabawal sa kanya at kakailanganin sa kanya ang magsagawa ng ghusl. Ang sinumang naging junub (kailangang-maligo) sa gabi, pagkatapos kinaumagahan ay nag-ayuno, ang pag-aayuno niya ay tumpak at walang pag-uulit sa kanya ayon sa ganang mayoriya.
6. Ang Pamamasa sa Bibig
Kabilang sa hindi nakasisira sa pag-aayuno ang pamamasa na natitira sa bibig matapos magmumog kapag lumulon nito ang tagapag-ayuno kasama ng laway, sa kundisyon na dumura siya matapos ng pagluwa ng tubig. Dahil sa pagkakahalo ng tubig sa dura, hindi ito lalabas dahil sa payak na pagluwa. Hindi isinasakundisyon ang pagpapasobra sa pagdura dahil ang natitira matapos nito ay payak na pamamasa at kahalumigmigan, na hindi maaari ang makaiwas dito.
6. Ang Paglulon ng Nasa Pagitan ng mga Ngipin
Ang paglulon ng nasa pagitan ng mga ngipin, kapag ito ay kaunti, ay hindi nakasisira at hindi nagpapatigil-ayuno.
7. Ang Pagsapit ng Madaling-araw Habang Nasa Sandali ng Pagkain
Nagkasang-ayon ang mga faqīh na kapag sumapit ang madaling-araw habang sa bibig ay may pagkain o inumin pa, ibubuga niya ito at tutumpak pa rin ang pag-aayuno niya; ngunit kung nilulon niya ito, matitigil siya sa ayuno.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang paggamot sa mga ngipin ay hindi nagpapawalang-saysay sa pag-aayuno. (✓)
2. Kapag nanganak ang babae, tunay na siya ay mag-ayuno sa kasunod na araw ng panganganak.
Ang pagtatama: Kapag nanganak ang babae, tunay na siya ay titigil-ayuno dahil siya ay pumasok sa oras ng nifās.
3. Nawawalang-saysay ang pag-aayuno ng sinumang nakipagtalik sa maybahay niya habang nakalilimot.
Ang pagtatama: Natutumpak ang pag-aayuno ng sinumang nakipagtalik sa maybahay niya habang nakalilimot.
4. Ang pagputol ng layunin ng pag-aayuno sa sandali ng maghapon ng Ramaḍān ay nagpapawalang-saysay sa pag-aayuno.
5. Nawawalang-saysay ang pag-aayuno dahil sa pagpapasailalim sa mga iniksiyong tagapagbigay-sustansiya.
6. Ang pakikipagtalik sa oras ng saḥūr ay nag-oobliga ng pag-uulit ng ayuno.
Ang pagtatama: Ang pakikipagtalik sa oras ng saḥūr ay pinapayagan na walang inireresulta rito na anuman.
PANUTO 2: Linawin mo ang patakaran ng pag-aayuno sa mga sumusunod na kalagayan:
1. Natulog ang tagapag-ayuno sa higit na malaking bahagi ng maghapon.
Ang pag-aayuno niya ay tumpak.
2. Nag-ayuno siya ngunit hindi siya kumain ng saḥūr.
Ang pag-aayuno niya ay tumpak.
3. Nagpasok siya ng kamay niya sa lalamunan niya saka lumabas ang pagkain mula sa bituka niya.
Nawalang-saysay ang pag-aayuno niya.
4. Naglagay siya ng patak sa mga mata niya.
Ang pag-aayuno niya ay tumpak.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Bakit isinasakundisyon ang pananadya sa pagkawalang-saysay ng pag-aayuno dahil sa pagkain at pag-inom?
Batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nakalimot siya saka nakakain siya at nakainom siya, lubusin niya ang pag-aayuno niya sapagkat nagpakain lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."
2. Pagsunud-sunurin mo ang panakip-sala sa pakikipagtalik sa [maghapon ng] Ramaḍān.
Pagpapalaya ng isang alipin; ngunit kung hindi siya nakatagpo nito, magsagawa ng pag-aayuno nang dalawang buwang magkakasunuran; ngunit kung hindi siya nakakaya, magsagawa ng pagpapakain sa 60 dukha.
3. Isulat mo ang patunay sa pagkawalang-kabulahan ng pag-aayuno dahil sa pagsusuka nang sadyaan at dahil sa pagreregla.
3. Ang mga Bunga ng Pag-aayuno
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapag-isa-isa ka ng mga katuturan ng pag-aayuno;
2. makapagpaliwanag ka ng kasanhian ng pag-aayuno;
3. makapaghulo ka ng isang epekto mula sa mga epekto ng pag-aayuno;
4. makapagbigay-linaw ka sa pagbubusilak sa sarili sa pamamagitan ng pag-aayuno;
5. makapagsadamdamin ka sa kahalagahan ng pag-aayuno sa pagbubusilak ng sarili.
Pagbulay-bulayan mo ang larawang nasa harapan mo at huluhin mo ang layon ng pagpapangibabaw ng liwanag sa sabi ni Allāh: {nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala} Isang larawan ng isang muṣḥaf na nakabukas sa Sūrah Al-Baqarah at ng isang sinag ng liwanag na nangingibabaw sa sabi ni Allāh: {nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala} Sa marangal na āyah: {O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183) Maaaring may mangibabaw na liwanag sa āyah, na nagbubukod dito sa nalalabi ng pahina.
Ang buwan ng Ramaḍān ay isang dakilang pagkakataon para sa pagpapaiba sa sarili at pagbubusilak dito at para sa pagtuon kay Allāh sapagkat sa pag-aayuno ay may pagbubusilak para sa sarili, may paghuhubog sa pag-uugali, at may pagtutuwid sa mga kaasalan dahil ito ay nagsasakatuparan para sa tagapag-ayuno ng sumusunod:
1- Ang Taqwā kay Allāh
Kabilang sa pinakadakila sa mga pinapakay ng pag-aayuno ang pagsasakatotohanan sa taqwā (pangingilag magkasala). Ito ay ang pangamba kay Allāh at pagkatakot sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa ng ipinag-utos Niya at pagwaksi ng sinaway Niya. Nagsabi si Allāh: {O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183)
2- Ang Edukasyon sa Pagmamasid kay Allāh
Ang tagapag-ayuno ay nagpipigil sa pagkain, pag-inom, at pagnanasa dahil sa udyok ng pananampalataya niya. Walang mapagmasid sa kanya kundi si Allāh. Nagpakahulugan nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Pagpapakahusay (Iḥsān) ng pagmamasid kay Allāh. "Na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita sa Kanya ngunit kung hindi ka man nakakikita sa Kanya, tunay na Siya ay nakakikita sa iyo." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 50 at Imām Muslim: 9.
3- Ang Edukasyon sa Pagtitiis at Pagbata
Ang pag-aayuno ay kabilang sa pinakamainam sa mga anyo ng pagtitiis dahil ito ay nagbubuklod sa pagitan ng tatlong uri ng pagtitiis sapagkat narito:
A. Ang pagtitiis sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng paghinto sa mga tagapagpatigil-ayuno, ng pagpapanatili ng ̣ṣalāh, at nalalabi sa mga pagsamba.
B. Ang pagtitiis sa pagsuway kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga ipinagbabawal.
C. Ang pagtitiis sa mga nakasasakit na itinakda ni Allāh yayamang nagbabata ang tagapag-ayuno ng pagkagutom, pagkauhaw, at panghihina.
4. Ang Pagkontrol sa Sarili at ang Kagandahan ng Kaasalan
Ang pag-aayuno ay nagtuturo sa tao ng mararangal sa mga kaasalan, pagwaksi ng paggawa ng masagwa sa mga ibang tao, at pagbata ng perhuwisyo nila. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag naging araw ng pag-aayuno ng isa sa inyo ay huwag siyang makipagtalik at huwag siyang mag-ingay. Kaya naman kung may umalipusta sa kanya na isa man o may nakipag-away sa kanya, magsabi siya: Tunay na ako ay isang taong nag-aayuno." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1904 at Imām Muslim: 1151.
5. Ang Pagpapakaunti ng Panlalansi ng Demonyo
Ito ay dahil ang pag-aayuno ay nagpapasikip ng mga daluyan ng demonyo batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Tunay na ang demonyo ay dumadaloy sa anak ni Adan sa daluyan ng dugo.} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2038 at Imām Muslim: 2174. Kaya naman ang pag-aayuno ay nanggigipit sa demonyo kaya kumakaunti ang epekto ng panunulsol niya. Sa Ramaḍān, iginagapos ang mga demonyo, lalo na ang mga mapaghimagsik sa kanila. (Bibigkisan ang mga demonyo ng mga kulyar.)
6- Ang Pagkaramdam ng Kalagayan ng mga Maralita
Yayamang nagdurusa ang tagapag-ayuno gaya ng mga kalagayan ng mga maralita dahil sa gutom, uhaw, at iba pa sa mga ito, kaya naman naaawa siya sa kanila, sumisampatiya sa kanila, at umaalalay sa kanila.
7- Ang Pagwaksi sa mga Ipinagbabawal
Ang tagapag-ayuno ay nagpipigil sa ipinahihintulot dala ng pagmimithi sa kaluguran ni Allāh at dala ng pangamba sa pagdurusang dulot Niya, kaya naman lalong higit na marapat ang pagwaksi ng bawal. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang hindi nag-iwan ng pagsasabi ng kabulaanan at paggawa nito, si Allāh ay walang pangangailangan na mag-iwan siya ng pagkain niya at pag-inom." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 1903.
8- Ang Pagpapatatag sa mga Kabataan Laban sa Pagkalihis
Ang pag-aayuno ay umaalalay sa mga kabataang hindi nakapag-asawa sa pakikipagharapan sa pagnanasa. Dahil doon, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O pulutong ng mga kabataan, ang sinumang nakakaya sa inyo ng pagpapamilya ay mag-asawa sapagkat tunay na ito ay higit na nagpapababa sa [bawal na] tingin at higit na nangangalaga sa ari. Ang sinumang hindi nakakaya ay kailangan sa kanya ang pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay may pampigil." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5065 at Imām Muslim: 1400. Ibig sabihin: ang pag-aayuno ay tagapagpahina ng pagnanasa.
ang pagpapamilya: ang mga gugulin sa pag-aasawa.
pampigil: pananggalang at pag-iingat.
9- Ang Edukasyon sa Pagwawalang-halaga sa Kamunduhan at mga Pagnanasa Rito at ang Pagpapamithi sa Nasa kay Allāh
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Mag-aanalisa ako at maghuhulo ako.
Nagsabi si Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Kapag nag-ayuno ka, mag-ayuno ang pandinig mo, ang paningin mo, at ang dila mo sa pagsisinungaling at mga ipinagbabawal. Tumigil ka sa pagperhuwisyo sa tagapaglingkod. Magkaroon sa iyo ng kahinahunan at katahimikan sa araw ng pag-aayuno mo. Huwag kang gumawa sa araw ng pagtigil-ayuno mo at pag-aayuno mo na magkapantay." Nagsalaysay nito si Imam Al-Bayhaqīy sa aklat na Ash-Sha`b: 3374. Sa pananalita ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya) ay may mga direktibang nakaaalalay sa tagapag-ayuno sa pagbubusilak sa sarili. Magpaliwanag ka niyon sa pamamagitan ng pagkumpleto sa sumusunod na porma:
Mga bagay-bagay na naoobliga sa mga ito ang tagapag-ayuno: ang pag-iingat sa mga bahagi ng katawan gaya ng pandinig, paningin, at dila at ang pagtataglay ng katahimikan at kahinahunan.
Mga bagay-bagay na umiiwas sa mga ito ang tagapag-ayuno: ang perhuwisyo sa mga ibang tao at ang hindi pagpapantay sa pagitan ng araw ng pag-aayuno at araw ng pagtigil-ayuno.
Ang epekto ng paggawa ng tagubilin sa pagbubusilak sa sarili: nauuwi iyon sa kapanatagan ng sarili ng tagapag-ayuno, katahimikan niya, pagkalma niya, pagtayog ng mga kaasalan niya, at pagkapangalaga ng mga bahagi ng katawan niya.
Aktibidad 2: Makikipagtalakayan ako sa mga kaklase ko.
Nagdurusa ang mga kabataan sa tukso ng mga babae at kasikipan ng mga landas ng pag-aasawa sa marami sa mga lipunan. Sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan sa grupo mo, magsaliksik ka ng mga kaparaanang makaaalalay sa mga kabataan sa paglunas sa mga suliraning iyon, habang nagpapatulong sa nasaad sa Marangal na Qur'ān, Pampropetang Sunnah, at mga tagubilin ng mga repormador at mga mangangaral sa lipunan mo.
Aktibidad 3: Magmumungkahi ako ng isang programa.
Magmungkahi ka ng isang programang pang-araw-araw para sa tagapag-ayuno na makaaalalay sa kanya sa pagbubusilak sa sarili niya sa Ramaḍān at makalulunas sa suliranin ng pagkagawa ng mga ipinagbabawal sa sandali ng pag-aayuno, tulad ng panlilibak, pagtingin sa mga `awrah, mga pagsasayang ng oras sa harapan ng mga tabing ng mga telebisyon at telepono.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Nagpapahiwatig ang sabi ni Jābir (malugod si Allāh sa kanya): "Kapag nag-ayuno ka, mag-ayuno ang pandinig mo, ang paningin mo, at ang dila mo ..." sa
(epekto ng pag-aayuno sa mga bahagi ng katawan - kakauntian ng pag-uusap sa sandali ng pag-aayuno - pagtuturing ng pagkakaibig-ibig ng pagbababa ng paningin).
2. Ang sabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga kabataan: "Ang sinumang hindi nakakaya ay kailangan sa kanya ang pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay may pampigil." ay mahihinuha mula rito:
{ang pagtatangi sa mga kabataan sa pag-aayuno - ang kasapatan ng pag-aayuno kapalit ng pag-aasawa - ang pagpapakaunti ng pag-aayuno sa mga pagnanasa).
PANUTO 2: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magsulat ka ng isang ḥadīth na nagbibigay-babala laban sa pagsabi ng kabulaanan at paggawa nito.
2. Hanguin mo ang kasanhian sa pagsasabatas sa pag-aayuno.
3. Ang Ramaḍān ay buwan ng pagtitiis. Magpaliwanag ka niyon.
4. Magsulat ka ng artikulo tungkol sa papel ng pag-aayuno sa pagsasanggalang sa mga kabataan, pagkatapos maglathala ka nito sa social media.
5. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag naging araw ng pag-aayuno ng isa sa inyo ay huwag siyang makipagtalik at huwag siyang mag-ingay. Kaya naman kung may umalipusta sa kanya na isa man o may nakipag-away sa kanya, magsabi siya: Tunay na ako ay isang taong nag-aayuno." Hanguin mo mula sa ḥadīth ang epekto ng pag-aayuno sa pagbubusilak sa sarili.
4. Ang Pag-aayuno ng Pagkukusang-loob
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpaliwanag ka ng mga kainaman ng pag-aayuno na pagkukusang-loob;
2. makapag-isa-isa ka sa mga araw ng itinuturing na kaibig-ibig ang pag-aayuno sa mga ito;
3. makahango ka ng patunay sa pag-aayuno na pagkukusang-loob;
4. makapagsadamdamin ka sa kahalagahan ng pag-aayuno na pagkukusang-loob;
5. makapagmalasakit ka sa pag-aayuno na pagkukusang-loob. Ang Pag-aayuno na Pagkukusang-loob
Anim mula sa Shawwāl
Tatlong Araw sa Bawat Buwan
Araw ng `Arafah
Araw ng `Āshūrā'
Lunes at Huwebes
Buwan ng Muḥarram
Pag-aayuno ni David (Sumakanya ang Pangangalaga) Ang pag-aayuno na pagkukusang-loob ay ang pag-aayuno na hindi isang tungkulin.
Ang Kainaman ng Pag-aayuno ng Pagkukusang-loob
Ang Muslim na umiibig kay Allāh ay hindi naglilimita sa kinakailangang pag-aayuno sa Ramaḍān; bagkus nagpapakalapit-loob siya kay Allāh sa pamamagitan ng pag-aayuno ng mga boluntaryong ayuno. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "tunay na si Allāh ay nagsabi: ... hindi tumitigil ang lingkod ko na nagpapakalapit-loob sa Akin sa pamamagitan ng mga boluntaryong pagsamba hanggang sa ibigin Ko siya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 6502.
Sa pag-aayuno ng pagkukusang-loob may pagtamo ng gantimpala at pagsanggalang mula sa pagdurusang dulot ni Allāh. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno alang-alang sa landas ni Allāh ay maglalayo si Allāh ng mukha niya mula sa Impiyerno ng pitumpung taon." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2840 at Imām Muslim: 1153.
Ang mga Araw na Itinuturing na Kaibig-ibig ang Pag-aayuno sa mga Ito
1. Ang Pag-aayuno ng Anim na Araw Mula sa Shawwāl
Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kainaman ng mga ito: "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān, pagkatapos pinasundan ito ng anim na araw mula sa Shawwāl, ito ay magiging gaya ng pag-ayuno ng isang taon." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1164. Kaya ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān at anim na araw mula sa Shawwāl, para bang siya ay nag-ayuno ng isang taon sa kabuuan nito dahil ang magandang gawa ay katumbas ng sampung tulad ng mga ito.
2. Ang Pag-aayuno sa Tatlong Araw sa Bawat Buwan
Batay sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng ḍuḥā, at na magsagawa ako ng witr bago ako matulog." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1981 at Imām Muslim: 721.
Pinapayagan na mag-ayuno ng mga ito ang Muslim nang magkakahiwalay o magkakasunuran. Ang pinakamainam ay na ito ay sa mga araw ng Bīḍ: ang ika-13, ika-14, at ika-15 ng bawat buwan, batay sa sabi ni Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya): "Nag-utos sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mag-ayuno kami mula sa isang buwan sa tatlong araw ng Bīḍ: sa labintatlo, labing-apat, at labinlima." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 761 at Imām An-Nasā'īy: 2422.
3. Ang Pag-aayuno sa Lunes at Huwebes
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapanatili nga noon sa pag-aayuno sa dalawang araw na ito. Noong tinanong siya tungkol sa kadahilanan niyon, nagsabi siya: "Inilalahad ang mga gawain sa araw ng Lunes at Huwebes saka iniibig ko na ilahad ang gawain ko habang ako ay nag-aayuno." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 747.
4. Ang Pag-aayuno sa Araw ng `Arafah Para sa Hindi Tagapagsagawa ng Ḥajj
Ang gantimpala ng pag-aayuno sa Araw ng `Arafah ay dakila. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pag-aayuno sa araw ng `Arafah ay inaasahan ko kay Allāh na magtakip-sala ito sa taon na bago nito at taon na matapos nito." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1162.
5. Ang Pag-aayuno sa Buwan ng Muḥarram
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (pagpalain siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): "Ang pinakamainam na pag-aayuno matapos ng sa Ramaḍān ay ang sa buwan ni Allāh na Muḥarram." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1163.
6. Ang Pag-aayuno sa Araw ng `Āshūrā'
Ito ay ang ikasampung araw sa buwan ng Muḥarram. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pag-aayuno sa araw ng `Āshūrā' ay inaasahan ko kay Allāh na magtakip-sala ito sa taon na bago nito." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1162. Itinuturing na kaibig-ibig na isama rito ang pag-aayuno sa ikasiyam na araw rin ng Muḥarram.
7. Pag-aayuno sa Isang Araw at Pagtigil-ayuno sa Isang Araw
Ito ay ang pinakakaibig-ibig sa mga uri ng pag-aayuno ng pagkukusang-loob sa kay Allāh. Nagsasabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakakaibig-ibig na pag-aayuno sa kay Allāh ay ang pag-aayuno ni David. Siya noon ay nag-aayuno ng isang araw at tumitigil-ayuno ng isang araw." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3420 at Imām Muslim: 1159.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magdidisenyo ako ng isang kard.
Magdisenyo ka ng isang kard na pampang-aanyaya sa porma ng isang poster na nagpapaliwanag dito ng mga araw ng pag-aayuno ng pagkukusang-loob, pagkatapos makipagtulungan ka kasama ng mga kaklase mo sa paglathala nito sa social media.
Aktibidad 2: Magsusulat ako ng kahatulan at magbibigay-katwiran ako.
Sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagturo mo, magsulat ka ng kahatulan sa pag-aayuno sa mga sumusunod na araw kasama ng pagsasaliksik ng katwiran ng kahatulan.
Ang Araw\ Ang Pag-aayuno sa Araw ng Tāsū`ā' Ang Pag-aayuno sa Araw ng `Īd Ang Pag-aayuno sa Araw ng Pagpapanata Ang Pag-aayuno sa Araw ng Biyernes na Namumukod Ang kahatulan sa pag-aayuno niya ay: Itinuturing na kaibig-ibig Ipinagbabawal Kinakailangan Kinasusuklaman Ang Katwiran ng Kahatulan Dahil sa pakikipagsalungat sa mga Hudyo. Dahil sa pagsaway ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aayuno niya. Dahil sa pagkakinakailangan ng pagtupad sa panata. Dahil sa pagsaway laban doon.
Aktibidad 3: Magsasagawa ako ng pagtatasa sa mga gawain ko.
Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng sumasang-ayon sa gawain mo sa sumusunod:
Ang Pag-aayuno ng Pagkukusang-loob Ang Pag-aayuno sa Anim na Araw mula sa Shawwāl Ang Pag-aayuno sa Araw ng `Āshūrā' Ang Pag-aayuno sa Araw ng Lunes Ang Pag-aayuno sa Araw ng Huwebes Ang Pag-aayuno sa Tatlong Araw sa Isang Buwan Ang Pag-aayuno sa Araw ng `Arafah Mag-aayuno ako nito palagi. Mag-aayuno ako nito paminsan-minsan. Magsisikap ako para sa pag-aayuno nito sa hinaharap.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagpaparami ng Muslim ng pag-aayuno ng pagkukusang-loob ay isang patunay sa pagtataglay niya ng pagtitiis. (✓)
2. Ang Linggo ay kabilang sa mga araw ng itinuturing na kaibig-ibig sa mga ito ang pag-aayuno ng pagkukusang-loob. (X)
3. Kabilang sa pag-aayuno ng pagkukusang-loob ang pag-aayuno sa araw ng `Āshūrā'. (✓)
4. Ang pag-aayuno ng pagkukusang-loob ay ang kinakailangan sa Muslim na ayunuhin. (X)
5. Ang pag-aayuno ng pagkukusang-loob ay isang kaparaanan ng pagkalapit kay Allāh at pagsasakatotohanan ng pag-ibig Niya. (✓)
6. Ang pag-aayuno ng pagkukusang-loob ay umaalalay sa paglutas ng mga suliranin ng mga kabataan. (✓)
7. Ang pinakamainam sa pag-aayuno ng pagkukusang-loob ay ang pag-aayuno ni Propeta Solomon (sumakanya ang pangangalaga).
PANUTO 2: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:
1. Ano ang araw ng `Āshūrā'? Ano ang kainaman ng pag-ayuno rito?
2. Ano ang pinakakaibig-ibig sa mga uri ng pag-aayuno ng pagkukusang-loob sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?
3. Papaano mong ipakakahulugan ang pag-aayuno ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa mga araw ng Lunes at Huwebes?
4. Ano ang mga araw ng Bīḍ? Ano ang patunay sa pag-aayuno sa mga ito?
5. ano ang pinakamainam sa mga buwan para sa pag-aayuno ng pagkukusang-loob?
6. Magpaliwanag ka ng kainaman ng pag-aayuno sa anim na araw ng Shawwā'l.
7. Magsulat ka ng artikulo tungkol sa kainaman ng pag-aayuno ng pagkukusang-loob kasama ng paglilinaw sa mga patunay nito.
9. Magsulat ka ng isang listahan ng mga araw ng pag-aayuno ng pagkukusang-loob sa buong taon.
5. Ang mga Kundisyon ng Ḥajj at `Umrah
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makahango ka ng patunay sa kainaman ng ḥajj at `umrah;
2. makapagpaliwanag ka ng mga kundisyon ng pagkakinakailangan ng ḥajj at `umrah;
3. makapagtampok ng epekto ng pagkawala ng mga kundisyon ng ḥajj at `umrah;
4. makapagbigay-halaga ka sa pagpapagaan ni Allāh sa pag-aatang ng tungkulin ng pagsamba;
5. makapagsadamdamin ka sa kaluwagan ng Islām at awa ni Allāh sa mga lingkod Niya.
Nakita ni Sa`īd ang ama niya na umiiyak dahil ito ay naging matanda na at hindi pa nakapagsagawa ng ḥajj, kaya nagsabi siya: "Huwag kang malungkot, ama ko, sapagkat ang mga kundisyon ng ḥajj ay hindi naisakatuparan sa iyo." Kaya nagsabi ang ama: "At ano naman ang mga kundisyon ng ḥajj?"
Mahal kong tagapagturo, ang aralin ngayon araw ay tutugon sa tanong na ito at magpapaliwanag sa atin ng mga kundisyon ng ḥajj.
Ang Katayuan ng Ḥajj sa Islām
Ang ḥajj ay isang pagsambang kapita-pitagan ang halaga sapagkat ito ay isa sa mga haligi ng Islām at mga dakilang tungkulin dito. Nagsabi si Allāh: {Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang magsagawa ng ḥajj sa *Bahay [na Pinakababanal] ng sinumang nakayang [magkaroon] *patungo roon ng isang landas.} (Qur'ān 3:97) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O mga tao, nagsatungkulin nga si Allāh sa inyo ng ḥajj kaya magsagawa kayo ng ḥajj." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1337.
Ang Kainaman ng Ḥajj at `Umrah
Ang pagsasagawa ng ḥajj ay may mga dakilang pabuya at mga kapita-pitagang kalamangan, na kabilang sa mga ito ang pagpapatawad ng pagkakasala. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh saka hindi humalay at hindi nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1521 at Imām Muslim: 1350.
saka hindi humalay at hindi nagpakasuwail: hindi gumawa ng sumasalungat sa mga etiketa ng ḥajj.
Gayon din ang pagsasagawa ng `umrah, nagtatakip-sala ito sa mga pagkakasala. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang `umrah hanggang sa kasunod na `umrah ay panakip-sala sa pagitan ng dalawang ito. Ang ḥajj na isinamabuting-loob ay walang ganti rito kundi ang Paraiso." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1773 at Imām Muslim: 1349.
Ang ḥajj na isinamabuting-loob ay ang isinagawa mula sa isang salaping pinahihintulutan kasama ng pagpapakawagas para kay Allāh at pagsasagawa ng mga haligi nito, mga pagkalarawan dito, mga etiketa nito, at kagandahan ng kaasalan ng tagapagsagawa ng ḥajj sa iba sa kanya.
Ang mga Kundisyon ng Pagkakinakailangan ng Ḥajj at `Umrah
Kinakailangan sa Muslim ang magsagawa ng ḥajj kung natipon sa kanya ang limang kundisyon. Kung nawala ang isa sa mga ito, hindi kinakailangan sa kanya ang magsagawa ng ḥajj. Ang mga ito ay:
Ang mga Kundisyon ng Pagkakinakailangan ng Ḥajj at `Umrah
Ang `Aql (Isip).
Ang Bulūgh (Kasapatan ng Gulang).
Ang Istiṭā`ah (Kakāyahan). Ang kakāyahang pampananalapi, ang kakāyahang pangkatawan, at ang katiwasayan ng daan.
Ang Maḥram Para sa Babae.
1. Ang Bulūgh (Kasapatan ng Gulang)
Kaya naman hindi kinakailangan ang ḥajj sa paslit, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagsagawa ng ḥajj ang paslit, ito ay isang ḥajj ukol sa kanya hanggang sa magkaisip siya; sapagkat kapag nagkaisip na siya, may kailangan sa kanya na iba pang ḥajj. Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Khuzaymah: 3050.
2. Ang `Aql (Isip)
Kaya naman ang baliw ay walang kailangang ḥajj, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa bata hanggang sa magbinata siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4403 at Imām At-Tirmidhīy: 1423.
3. Ang Kakāyahan
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang magsagawa ng ḥajj sa Bahay [na Pinakababanal] ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas.} (Qur'ān 3:97) Naisasakatuparan ang istiṭā`ah (kakāyahan) sa pamamagitan ng sumusunod:
A. Ang kakāyahang pampananalapi: sa pamamagitan ng pagmamay-ari ng Muslim ng makasasapat sa kanya sa paglalakbay niya sa yugto ng pagpunta niya, pananatili nya, at pagbabalik niya, at pagiging ito ay kalabisan sa orihinal na pangangailangan niya, tulad ng pagbabayad ng mga utang, paggugol sa pamilya, at tulad niyon.
B. Ang kakāyahang pangkatawan: sa pamamagitan ng pagiging siya ay malusog ang katawan, na ligtas sa mga sakit na sasagabal sa kanya sa mga gawain ng ḥajj sapagkat kapag dinapuan ang isa ng sakit na hahadlang dito sa pagsasagawa ng ḥajj at walang lunas mula roon, kailangan sa kanya na magpadala ng tagahalili na magsasagawa ng ḥajj para sa kanya sa kundisyon na ang tagahalili na ito ay nakapagsagawa na ng ḥajj ng Islām sapagkat may nagsabi ngang isang babae: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang tungkulin [na iniatang] ni Allāh sa mga lingkod Niya sa ḥajj ay umabot sa ama ko nang isang lubhang matanda na siya, na hindi nakakakaya na lumuklok sa sasakyan, kaya sasapat kaya na magsagawa ako ng ḥajj para sa kanya?" Nagsabi siya: "Oo." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1513 at Imām Muslim: 1334.
C. Ang katiwasayan ng daan at sumasaklaw ang katiwasayan sa tao at ari-arian sa daan ng pagpunta at pagbalik mula sa ḥajj.
4. Ang Pagkakaroon ng Maḥram
Ito ay natatangi sa babae, na samahan siya ng asawa niya o ng isang lalaking ipinagbabawal dito ang makapag-asawa sa kanya, tulad ng kapatid niya o tiyuhin niya, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ipinahihintulot sa isang babaing sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na maglakbay ng layo ng paglalakbay na isang araw at isang gabi malibang kasama ng isang maḥram sa kanya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1088 at Imām Muslim: 1339.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magsusulat ako ng isang liham.
Magsulat ka ng isang liham para sa sinumang nagtatamad-tamaran sa pagsasagawa ng ḥajj at `umrah sa kabila ng lahat na siya ay nakakakaya. Magpapatulong ka sa pamamagitan ng mga sumusunod na ḥadīth:
1. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang delegasyon ni Allāh ay tatlo: ang mandirigma, ang tagapagsagawa ng ḥajj, at ang tagapagsagawa ng `umrah." Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'īy: 2625.
2. Nagsabi pa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang araw na higit na marami ang pagpapalaya ni Allāh ng tao doon mula sa Impiyerno kaysa sa araw ng `Arafah." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1348.
3. Nagsabi pa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pagsunurin ninyo ang pagsasagawa ng ḥajj at `umrah sapagkat tunay na ang dalawang ito ay nag-aalis ng karalitaan at mga pagkakasala gaya ng pag-aalis ng bubulusan ng latak ng bakal." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy: 810 at Imām An-Nasā'īy: 2631.
Aktibidad 2: Maghahango ako.
May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Binanggit nito sa kanya na ito ay papunta sa pakikibaka at na ang maybahay nito ay lumisan para sa ḥajj, kaya nagsabi siya rito (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pumunta ka saka magsagawa ka ng ḥajj kasama ng maybahay mo." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3006 at Imām Muslim: 1341. Pagbulay-bulayan mo ang ḥadīth, pagkatapos tumugon ka.
1. Hanguin mo ang kainaman ng ḥajj mula sa ḥadīth na ito.
Maaaring uunahin ang ḥajj kaysa sa pakikibaka.
2. Ano ang ipinag-utos ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kasamahan? Ano ang kaugnayan nito sa mga kundisyon ng ḥajj?
Na iwan niya ang pakikibaka at na pumunta siya kasama ng maybahay niya sa ḥajj. Ang ḥadīth ay naglilinaw sa pagsasakundisyon ng maḥram para sa babae na nagnanais magsagawa ng ḥajj.
Aktibidad 3: Magsasaliksik ako.
Nagsabatas si Allāh para sa atin ng isang bilang ng mga gawaing may gantimpala, tulad ng gantimpala ng ḥajj. Kabilang sa mga ito ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "... isang `umrah sa Ramaḍān ay tumutumbas sa isang ḥajj o isang ḥajj kasama ko." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1863 at Imām Muslim: 1256. Ibig sabihin: nakapapantay sa gantimpala ng isang ḥajj. Magsaliksik ng dalawang iba pang gawain na ang gantimpala ng dalawang ito ay nakatutumbas sa gantimpala ng ḥajj at `umrah.
https://www.saaid.net/mktarat/ḥajj/308.htm
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Nagpapahiwatig ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa tagapagsagawa ng ḥajj: "... uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya." sa
(pagkabata ng edad niya - pagsasamabuting-loob niya sa ina niya - kapatawaran ng mga pagkakasala niya).
2. Ang kahatulan ng ḥajj ng paslit ay:
(tumpak at nakasasapat - tumpak ngunit hindi nakasasapat - hindi tumpak).
3. Ang kundisyong natatangi sa mga babae sa ḥajj ay ang pagkakaroon ng:
(maḥram - kasamahan - kakāyahan).
4. Isinasakundisyon ang pagkakaroon ng panggugol ng tagapagsagawa ng ḥajj hanggang sa:
(pagdating sa Makkah - pagkakumpleto ng mga gawaing-pagsamba ng ḥajj - pagbabalik sa bayan niya).
5. Nagpapahiwatig ang sabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O mga tao, nagsatungkulin nga si Allāh sa inyo ng ḥajj kaya magsagawa kayo ng ḥajj." sa:
(pagkakinakailangan ng ḥajj - mga kundisyon ng ḥajj - kainaman ng ḥajj).
PANUTO 2: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Mag-isa-isa ka ng mga kundisyon ng pagkakinakailangan ng ḥajj at `umrah.
2. Magbuod ka ng mga uri ng kakāyahan sa ḥajj.
3. Magbigay-linaw ka sa kundisyon ng maḥram para sa babae, kasama ng paglilinaw sa kapalit kung hindi nagkaroon.
4. Magsulat ng tatlong linya tungkol sa ḥajj na isinamabuting-loob at kainaman nito sa Islām.
5. Kailan kinakailangan sa Muslim ang magpadala ng kahaliling magsasagawa ng ḥajj para sa kanya?
6. Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Ḥajj at `Umrah:
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpaliwanag ka ng fiqh ng iḥrām;
2. makapagbigay-linaw ka sa pamamaraan ng ḥajj at `umrah;
3. makahango ka ng mga haligi ng ḥajj at `umrah;
4. makapagsadamdamin ka sa epekto ng mga gawaing-pagsamba ng ḥajj sa pagbubusilak sa sarili;
5. makapagsagawa ng ḥajj at `umrah ayon sa tumpak na anyo.
Nang nagsagawa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ḥajj ng pamamaalam, nag-utos siya sa mga Kasamahan na matuto ng pamamaraan ng pagsasagawa ng ḥajj sapagkat nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kunin ninyo ang mga gawaing-pagsamba ninyo sapagkat tunay na ako ay hindi nakaaalam na marahil ako ay hindi makapagsasagawa ng ḥajj matapos ng ḥajj kong ito." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1297.
Una. Ang Iḥrām
Ito ay ang una sa mga haligi ng ḥajj o `umrah kaya hindi pumapasok ang Muslim sa isa sa dalawa malibang sa pamamagitan nito.
Kaunting sandali bago magsagawa ng iḥrām kaagad-agad, itinuturing na kaibig-ibig para sa Muslim ang magsagawa ng ghusl, ang magpabango, at ang magsagawa ng ṣalāh na dalawang rak`ah. Kinakailangan sa lalaki ang maghubad ng tinahian at ang magsuot ng izār (tapis) at ridā' (balabal).
Sa sandali ng pagsisimula ng paglalayon ng iḥrām, hindi makaiiwas sa tatlong bagay:
1. Na ang iḥrām sa ḥajj ay maging nasa mga buwan ng ḥajj: ang Shawwāl, ang Dhulqa`dah, at ang unang sampung araw ng Dhulḥijjah, kaya naman hindi pinapayagan ang magsagawa ng iḥrām sa ḥajj bago ng Shawwāl. Hinggil naman sa `umrah, pinapayagan ang magsagawa ng iḥrām rito sa alinmang oras.
2. Na ang iḥrām sa ḥajj o `umrah ay maging bago ng paglampas sa mga mīqāt na panlugar. Ang mga ito ay ang mga pook na tinakdaan sa labas ng mga hangganan ng Makkah Mukarramah.
3. Maglalayon ang tagapagsagawa ng `umrah ng `umrah lamang. Hinggil naman sa tagapasagawa ng ḥajj, hindi makaiiwas na magtakda siya ng uri ng rituwal na isasagawa niya sa pamamagitan nito ang ḥajj yayamang pinapayagan para sa kanya ang isa sa tatlong uri:
1. Ang ifrād: sa pamamagitan ng paglalayon ng ḥajj lamang, na nagsasabi: "Labbayka –llāhumma ḥajjā. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng ḥajj.)"
2. Ang Qirrān: sa pamamagitan ng paglalayon ng ḥajj at `umrah, na nagsasabi: "Labbayka –llāhumma ḥajjan wa-`umrah. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng ḥajj at `umrah.)"
3. Ang Tamattu`: sa pamamagitan ng paglalayon ng `umrah sa mga buwan ng ḥajj, na nagsasabi: "Labbayka –llāhumma `umrah. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, sa pagsasagawa ng `umrah.)" Pagkatapos kakalas siya sa iḥrām, pagkatapos magsasagawa siya ng iḥrām sa ikalawang pagkakataon para sa ḥajj.
Kasabay ng pagsisimula ng iḥrām, ipinagbabawal sa tagapagsagawa ng ḥajj at tagapagsagawa ng `umrah ang isang bilang ng gawain (mga pinipigilan sa iḥrām), tulad ng pagpapabango, pagdaos ng kasal, pagromansa, pakikipagtalik, pagpatay ng ligaw na hayop, at pagsusuot ng tinahian para sa mga lalaki.
Ikalawa. Ang Pagdako sa Makkah Mukarramah
Dadako ang tagapagsagawa ng ḥajj sa Makkah upang magsagawa ng mga sumusunod na gawain:
1. Magsasagawa ng ṭawāf (pag-ikot) sa paligid ng Ka`bah nang pitong ikot. Tinatawag ito na ṭawāf ng pagdating.
2. Magsasagawa ng sa`y (pagpunta) sa pagitan ng Ṣafā at Marwah nang pitong ulit. Magsisimula sa burol ng Ṣafā sapagkat aakyat dito at mananalangin kay Allāh, pagkatapos pupunta sa burol ng Marwah at titigil doon at mananalangin kay Allāh. Ito ay ang ikalawang haligi mula sa mga haligi ng ḥajj.
3. Hindi kakalas sa iḥrām kapag mufrid (tagapagsagawa ng ifrād) o qārin (tagapagsagawa ng qirān). Hinggil naman sa kapag mutamatti` (tagapagsagawa ng tamattu`), tunay na siya ay kakalas sa iḥrām niya, pagkatapos magsasagawa ng iḥrām sa ḥajj sa ikawalong araw ng Dhulḥijjah
Ikatlo. Ang mga Gawain sa Ikawalong Araw ng Dhulḥijjah (Ang Araw ng Tarwiyah)
Pupunta ang tagapagsagawa ng ḥajj sa Minā saka magsasagawa doon ng ṣalāh na ḍ̆uhr, `aṣr, maghrib, `ishā', at fajr. Ang bawat ṣalāh ay isasagawa sa oras nito.
Ikaapat. Ang mga Gawain sa Ikasiyam na Araw ng Dhulḥijjah (Ang Araw ng `Arafah)
Lalabas ang tagapagsagawa ng ḥajj mula sa Minā sa ikasiyam na araw matapos ng pagsikat ng araw papunta sa `Arafah, pagkatapos gagawa siya ng mga sumusunod:
1. Magsasagawa ng ṣalāh na ḍ̆uhr at `aṣr na pinaikli at pinagsamang pinauna sa isang lugar na tinawag na Namirah.
2. Magsusumikap sa pagsambit ng dhikr, pagdalangin, at pagsusumamo kay Allāh.
3. Titigil sa `Arafah hanggang sa paglubog ng araw. Ito ay ang pinakamahalaga sa mga haligi ng ḥajj.
4. Pupunta sa Muzdalifah matapos ng paglubog ng araw, pagkatapos magsasagawa ng ṣalāh na maghrib at `ishā' na pinagsamang pinahuli.
5. Magmamagdamag sa gabing ito sa Muzdalifah hanggang sa madaling-araw.
Ikalima. Ang mga Gawain sa Ikasampung Araw ng Dhulḥijjah (Ang Araw ng Pag-aalay)
Ito ay ang una sa mga araw ng `Īdul'aḍḥā. Dito ay nagsasagawa ang tagapagsagawa ng ḥajj ng paggawa ng sumusunod ayon sa pagkakasunud-sunod:
1. Magsasagawa ng ṣalāh na fajr sa simula ng oras nito, pagkatapos titigil sa Palatandaang Pinakababanal (Al-Mash`ar Al-Ḥarām) habang nag-aalaala kay Allāh.
2. Lalakad papuntang Minā kaunting sandali bago ng pagsikat ng araw. Habang nasa daan papuntang Minā, mamumulot ng pitong munting bato.
3. Magpupukol sa Jamrah Al-`Aqabah ng pitong munting bato habang nagsasabi ng Allāhu akbar sa bawat pagpukol.
4. Mag-aalay siya ng alay, magpapaahit o magpapaikli ng buhok ng ulo.
5. Papunta sa Masjid na Pinakababanal para magsagawa ng ṭawāf ng ifāḍāh o ng pagdalaw. Ito ay isa sa mga haligi ng ḥajj.
6. Magsasagawa ng sa`y (pagpunta) sa pagitan ng Ṣafā at Marwah nang pitong ulit, kapag hindi nakapagsagawa ng sa`y bago nito.
7, Magsasadya sa Minā para magpamagdamag ng mga gabi sa mga araw ng tashrīq doon.
Ikaanim. Ang mga Gawain sa mga Araw ng Tashrīq sa Ika-11, 12, at 13 ng Dhulḥijjah.
Sa sandali ng pananatili ng tagapagsagawa ng ḥajj sa Minā, aalis bawat araw mula sa mga araw na ito upang pumukol sa Jamrah Al-`Aqabah Aṣ-Ṣughrā, pagkatatapos sa Jamrah Al-`Aqabah Al-Wusṭā, pagkatapos sa Jamrah Al-`Aqabah Al-Kubrā. Sa bawat isa ay magpupukol ng pitong munting bato. Sa pamamagitan niyon, nalulubos ang ḥajj. Ang oras ng pagpukol ay nagsisimula sa pagpasok ng oras ng ṣalāh na ḍ̆uhr at nagwawakas sa pagsapit ng madaling-araw ng araw matapos nito, maliban sa ika-13 sapagkat nagtatapos ito sa paglubog ng araw.
2. Kapag nagnais ang tagapagsagawa ng ḥajj na lumabas mula sa Makkah, tunay na siya ay magsasagawa ng ṭawāf ng pamamaalam, pagkatapos iinom siya ng tubig mula sa Zamzam, pagkatapos hahalik siya sa Batong Itim nang hindi namemerhuwisyo ng isa man, pagkatapos lilisan siya.
Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng `Umrah
Binubuo ang `umrah ng tatlong bagay: ang iḥrām, ang ṭawāf, at ang sa`y. Kapag nakatapos ang tagapagsagawa ng `umrah ng pagsasagawa ng sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah, tunay na siya ay magpapaahit ng buhok ng ulo niya o magpapaiksi nito. Sa pamamagitan nito nagwawakas ang `umrah.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikilahok ako sa kaklase ko.
Lumilitaw ang mga kahulugan ng Tawḥīd at Ulūhīyah (Pagkadiyos) sa mga gawaing-pagsamba ng ḥajj at mga dhikr nito, na kabilang sa mga ito: "Labbayka –llāhumma labbayk, labbayka lā sharīka laka labbayk, inna –lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulk, lā sharīka lak. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo; bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal para sa Iyo; bilang pagtugon sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal para sa Iyo.)" Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1549 at Imām Muslim: 1184. Sa pakikilahok sa kaklase mo, magsulat ka ng mga tampok na katangian ng Tawḥīd na ikinikintal ng ḥajj sa pamamagitan ng mga gawaing-pagsamba nito at mga dhikr nito.
Aktibidad 2: Makikipagtalakayan ako sa grupo ko.
Ang pagbabatas ng ḥajj at mga gawaing-pagsamba nito ay may mga kasanhiang dakila, na ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Ang pagdakila sa utos ni Allāh at ang pagsuko sa Kanya.
2. Ang pagbubusilak sa sarili at ang pag-aalaga rito sa pagwawalang-halaga sa kamunduhan at pagsasaalaala sa Kabilang-buhay.
3. Ang pagpapatatag sa katarungan sa pagitan ng mga Muslim at na ang bigkis ng Relihiyon ay ang pundasyon sa pagitan nila.
Makipagtalakayan ka sa grupo mo hinggil sa pagkakaugnay sa pagitan ng mga kasanhiang ito at ng mga gawaing-pagsamba ng ḥajj at mga pinipigilan sa iḥrām, kasama ng paghahango ng mga iba pang epekto.
1. Ang paglalakbay ng tao papunta sa ḥajj para gampanan ang mga gawaing-pagsamba nito ay nagpapaalaala sa kanya ng paglalakbay niya papunta kay Allāh sa tahanang pangkabilang-buhay.
2. Kapag nagsuot ang tagapagsagawa ng iḥrām ng dalawang tela ng iḥrām niya, nagpapaalaala iyon ng kafn niya.
3. Sa pagpasok sa Bahay ni Allāh na Pinakababanal na ginawa ni Allāh na matiwasay para sa mga tao, nagsasaalaala sa pamamagitan nito ang tao ng katiwasayan ng Araw ng Pagbangon. Ang pinakasukdulan na nagbibigay-katiwasayan sa tao sa Araw ng Pagbangon ay ang Tawḥīd ni Allāh.
4. Ang paghalik niya sa Batong Itim ay nagpapalago sa kanya sa pagdakila sa Sunnah at pagsuko at pagpapaakay kay Allāh.
5. Sa pagsasagawa ng ṭawāf niya, nagsasaalaala siya sa ama niyang si Abraham (sumakanya ang pangangalaga), na nagtayo ng Bahay na Pinakababanal, na ginawa ni Allāh para sa mga tao bilang balikan, na pinupuntahan nila mula sa bawat bayan at rehiyon, at bilang katiwasayang natitiwasay ang sinumang dumulog dito.
6. Nagpapaalaala sa kanya ang sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah ng dinanas ni Hājar na pagtitiis at pakikipagpunyagi sa landas ng kaligtasan, kaya naman nagsusumikap ang tagapagsagawa ng ḥajj sa pagtamo ng mga kadahilanan ng kaligtasan niya sa kay Allāh.
7. Ang pagtigil sa `Arafah ay nagpapaalaala sa tagapagsagawa ng ḥajj hinggil sa Araw ng Pagkalap at Pagbangon ng mga patay.
8. Ang pagpukol sa mga jamrah ay nagpapahirati sa Muslim sa pagtalima at pagpapaakay kay Allāh, kahit pa man hindi niya nalalaman ang katuturan ng pagpukol.
9. Ang pagkatay ng alay ay nagpapaalaala sa kanya ng kuwento ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga) kasama ng anak nitong si Ismael at kung papaanong silang dalawa ay tumalima kay Allāh at nagpauna sa utos Niya kaysa sa mga sarili nila.
10. Ipinagbawal ang mga pinipigilan sa ḥajj dahil sa mga kasanhian, na kabilang sa mga ito: na magpahirati ang Muslim sa sarili nila sa pagtitiis sa pag-iwan sa mga natatamasang pangkatawan na nakahiratian niya, sa pag-aalaga sa mga sarili sa pagwawalang-halaga sa kamunduhan at pagpapakahigpit sa sarili, sa pagpapatatag sa katarungan at pagkakapantayan sa pagitan ng mga tao, at sa pagpapakaaba at pangangailangan kay Allāh.
11. Ang paghuhubad ng tinahian ay may mga kasanhian, na kabilang sa mga ito: ang paglayo sa luho, ang pagtataglay ng katangian ng taimtim na kaaba-aba, ang pagsasaalaala sa kamatayan at pagsusuot ng mga kafn, at ang pagsasaalaala sa pagbubuhay sa Araw ng Pagbangon habang ang mga tao ay mga nakayapak na mga hubad.
Aktibidad 3: Magsasaliksik ako at manonood ako.
Nang sa gayon makumpleto ang pagkakaalam mo sa pamamaraan ng pagsasagawa ng ḥajj,
pumasok ka sa sumusunod na link, pagkatapos magsulat ka ng makikita mo na mga puna:
https://www.youtube.com/watch?v=gHGbbxHXisk
Maaari kang makinabang sa higit na malaking anyo sa pamamagitan ng isang aplikasyon na tinatawag na muṭawwif, na nagbibigay-linaw sa mga gawaing-pagsamba ng ḥajj, gaya na pakikinabang dito ng nakikilahok sa ḥajj at `umrah.
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.madar&hl=ar
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin mo ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Ang ḥajj ay [nasa] mga buwang nalalaman.} (Qur'ān 2:187) ay nagpapahiwatig na ang ḥajj ay:
(nagtatagal ng ilang buwan - may mga tinakdaan mīqāt - pagsambang tinutuos na nabibilang ng buwan).
2. Nagsagawa ng iḥrām ang Muslim sa `umrah sa mga buwan ng ḥajj, pagkatapos kumalas, pagkatapos nagsagawa ng iḥrām sa ḥajj, siya ay:
(mufrid (nagsasagawa ng ifrād) - qārin (nagsasagawa ng qirān) - mutamatti` (nagsasagawa ng tamattu`)).
3. Kabilang sa pinakamahalaga sa mga gawain sa ḥajj sa araw ng tawiyah:
(ang pagtigil sa `Arafah - ang pagpapamagdamag sa Minā - ang pagpapamagdamag sa Muzdalifah).
4. Ang pinakamarami sa gawain sa mga araw ng ḥajj ay ang araw ng:
(pag-aalay - `Arafah - tarwiyah).
5. Nagpapagabi ang tagapagsagawa ng ḥajj sa mga araw ng tashrīq sa:
(`Arafah - Muzdalifah - Minā).
6. Nagsisimula ang pagpukol sa tatlong jamrah sa sandali ng oras ng:
(fajr - ḍ̆uhr - `aṣr).
PANUTO 2: Pagsunud-sunurin ang mga sumusunod na gawaing-pagsamba ng ḥajj:
(ang pagpapaahit ng buhok - ang pag-aalay - ang pagpukol sa mga jamrah - ang pagtigil sa `Arafah - ang ṭawāf ng pagdating - ang pagpapagabi sa Muzdalifah).
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Bigyang-linaw mo ang kahulugan ng iḥrām at ang pamamaraan nito.
2. Hanguin mo mula sa aralin ang mga haligi ng ḥajj kasama ng pagkakasunud-sunod ng mga ito alinsunod sa oras ng pagganap ng mga ito.
3. Buudin mo ang mga gawain sa araw ng pag-aalay.
4. Maghambing ka sa pagitan ng ḥajj at umrah sa punto ng oras at katangian.
5. Ipaliwanag mo ang epekto ng mga gawaing-pagsamba ng ḥajj sa pagbubusilak sa sarili.
7. Ang mga Pagkain at mga Inuming Ipinagbabawal
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagbigay-linaw ka sa saligan sa mga pagkain at mga inumin;
2. makapag-isa-isa ka sa mga pagkaing ipinagbabawal;
3. makahango ka ng patunay sa mga pagkaing ipinagbabawal;
4. makapagpaliwanag ka ng panuntunan ng mga pagkaing ipinagbabawal;
5. makaiwas ka sa mga pagkain at mga inuming ipinagbabawal;
6. makapagsadamdamin ka sa awa ni Allāh sa mga lingkod Niya.
Lumisan si `Abdurraḥmān kasama ng mga kaibigan niya para mangaso. Nakatagpo sila ng isang kuneho kaya pinukol ito ni `Abdurraḥmān ng bato. Namatay ito bago niya nakatay. Pinapayagan ba ang pagkain ng kunehong ito? Ito ang liliwanagin ng araling ito.
Ang Saligan sa mga Pagkain
Kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa atin na ang pagpayag ay ang saligan sa mga pagkain at mga inumin. Nagsabi si Allāh: {O mga tao, kumain kayo mula sa nasa lupa bilang ipinahihintulot na kaaya-aya} (Qur'ān 2:168) Kaya naman pinapayagang kainin ang lahat ng mga pagkain maliban ang anumang ipinagbawal ng Sharī`ah.
Gayon din, ang lahat ng mga inumin ay pinapayagan maliban sa tatlong uri: ang bawat inuming tagapagpalasing o tagapatamlay o tagapinsala. Ang tagapagpalasing ay gaya ng alak, ang tagapatamlay ay ang bawat anumang nagdudulot sa tao ng pananamlay at panghihina tulad ng mga bawal na gamot, at ang tagapinsala ay tulad ng paninigarilyo. Ang patunay roon ay ang ḥadīth ni Ummu Salamah (malugod si Allāh sa kanya): "Sumaway ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa bawat tagapagpalasing at tagapatamlay." Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad: 26634 at Imām Abū Dāwud: 3686.
Ang mga Pagkaing Ipinagbabawal
Ipinagbabawal mula sa mga pagkain ang bawat napagtibay ang pinsala nito sa tao. Idinadagdag doon ang ilan sa mga pagkaing nasaad ang pagbabawal sa mga ito sa Qur'ān at Sunnah. Ang karamihan sa mga ito ay nauugnay sa mga hayop, mga ibon, at tulad ng mga ito. Nagsabi si Allāh: {Ipinagbawal sa inyo ang namatay [bago nakatay], ang dugo, ang laman ng baboy, ang anumang inihandog sa iba pa kay Allāh, ang nasakal, ang hinambalos, ang nalaglag, ang nasuwag, ang anumang kinainan ng mabangis na hayop maliban sa nakatay ninyo [bago namatay], ang inialay sa mga dambana,} (Qur'ān 5:3) Heto ang detalye ng mga uring ipinagbabawal na ito at iba pa sa mga ito: Isang Larawang Nakalitaw Rito ang Leeg ng Kinatay
1. Ang patay (maytah) ay ang hayop o ang ibon na namatay nang walang pagkakatay ayon sa Sharī`ah. Kabilang dito:
A. Ang anumang napatay nang walang pagkakatay, ibig sabihin hindi kinatay sa paraang Islāmiko. Ang kinakailangan sa tagapagkatay ay ang pagputol ng lalamunan, esopago, at dalawang panleeg na bena (ang dalawang malaking ugat na nakapaligid sa leeg). Dahil doon, hindi pinapayagan ang pagkain ng anumang pinatay sa pamamagitan ng pagkuryente o pinutol ang katawan nito sa kabuuan nito nang iisang ulit o sa pamamagitan ng paglunod sa tubig.
B. Ang anumang namatay nang biglaan nang walang pagkakatay ayon sa Sharī`ah.
C. Ang nasakal ay ang anumang namatay dahil sa pagkasakal.
D. Ang hinambalos ay ang anumang namatay dahil sa pamamalo sa pamamagitan ng patpat o bato o tulad ng mga ito saka namatay.
E. Ang nalaglag ay ang anumang bumagsak mula sa isang mataas na lugar saka namatay.
F. Ang nasuwag ay ang sinuwag ng iba pang hayop o binangga ng sasakyan saka namatay.
G. Ang anumang kinainan ng mabangis na hayop, na ang hayop na pumatay rito ay isang naninilang hayop.
Kapag kinatay ang mga uring ito bago mamatay, ang mga ito ay pinahihintulutan.
2. Ang dugong binubo ay ang dugo na lumabas mula sa hayop nang malakas sa sandali ng pagkakatay.
3. Ang baboy. Ang lahat ng mga bahagi ng baboy ay ipinagbabawal subalit si Allāh ay bumanggit ng laman sa āyah dahil ito ay ang tinutukoy at ang nalalabing bahagi ay kasunod dito gaya ng mantika nito at taba nito.
4. Ang binanggit dito ang hindi pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkakatay nito kabilang sa mga diyos o mga anito o mga taong binabanal, at iba pa roon na mga nilikha sapagkat ito ay shirk at hindi pinapayagan ang pagkain nito.
5. Ang alagang asno sapagkat nagbawal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkain ng alagang asno: "Tunay na si Allāh at ang Sugo Niya ay sumasaway sa inyo laban sa mga laman ng mga alagang asno." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 4199 at Imām Muslim: 1940.
6. Ang bawat may pangil kabilang sa mga mabangis na hayop. Ito ay ang hayop na may pangil, na ipinaninila nito, maging ito man ay hayop na ligaw gaya ng leyon, lobo, tigre, leopardo, at tulad nito, o alagang hayop gaya ng aso at pusa. Hindi pinahihintulutan ang pagkain ng anuman mula sa mga ito.
7. Ang bawat may kukong pandagit kabilang sa mga ibon. Ang mga ito ay ang mga ibong nananagpang na may mga kukong pandagit na ipinanghuhuli ng mga ito, gaya ng lawin, milano, kuwago, at tulad ng mga ito, batay sa ḥadīth ni Ibnu `Abbās: "... na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway laban sa [pagkain ng] bawat may pangil mula sa mga mabangis na hayop at bawat may kukong pandagit mula sa mga ibon." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1934.
8. Ang jallālah. Ito ay ang mga hayop o ang mga ibon na nanginain sa mga marumi (najis) o ang karamihan sa kumpay nito ay mula sa marumi "Sumaway ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagkain ng jallālah at gatas nito." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 3785 at Imām At-Tirmidhīy: 1824. Hindi kinakain ang jallālah malibang matapos na hayaan ito ng ilang araw na kumakain ng malinis na pagkain nang sa gayon bumuti ang karne nito, pagkatapos makakain na ito.
9. Ang ipinag-utos sa Muslim na patayin niya gaya ng daga, alakdan, uwak, milano, asong ulol, tuko, ahas, at tulad nito.
10. Ang hayop na sinaway ang Muslim laban sa pagpatay nito sapagkat nasaad sa ḥadīth: "Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway laban sa pagpatay ng apat na hayop: ang langgam, ang bubuyog, ang abubilya, at ang ṣurad." [Ang ṣurad ay isang uri ng ibon na shrike ang tawag sa Ingles.] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 5267. Ang mga bagay na ito ay ipinagbabawal kainin.
Isang larawan ng bubuyog, abubilya, ṣurad, at langgam.
Ang Kahatulan sa Pagkain ng mga Katay ng Hindi mga Muslim
Ipinagbabawal ang pagkain ng katay ng hindi mga Muslim maliban sa mga Hudyo at mga Kristiyano sapagkat pinapayagan ang pagkain mula sa mga katay ng mga ito subalit batay sa dalawang kundisyon: na maisagawa ang pagkakatay ayon sa paraang Islāmiko at na banggitin dito ang pangalan ni Allāh. Ang patunay sa pagpayag ay ang sabi ni Allāh: {Sa araw na ito, ipinahintulot para sa inyo ang mga kaaya-aya. Ang pagkain ng mga nabigyan ng Kasulatan ay ipinahihintulot para sa inyo. Ang pagkain ninyo ay ipinahihintulot para sa kanila.} (Qur'ān 5:5)
Ang Pagpayag sa Pagkain ng mga Ipinagbabawal sa Sandali ng Pagkakailangan
Pinapayagan ang pagkain ng mga pagkain at mga inuming ipinagbabawal na ito sa sandali ng pagkakailangan, tulad ng kung kinatakutan ng isang tao para sa sarili niya ang mamatay sa gutom o sa uhaw. Nagsabi si Allāh: {Ipinagbawal lamang sa inyo ang namatay, ang dugo, ang laman ng baboy, at ang anumang inialay sa iba pa kay Allāh; ngunit ang sinumang napilitan nang hindi *lumalabag ni *lumalampas ay walang kasalanan sa kanya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.} (Qur'ān 2:173)
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Magbabasa ako at magpapaiba ako.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Sabihin mo: "Hindi ako nakatatagpo sa anumang ikinasi sa akin ng isang ipinagbabawal sa isang tagakain na kakain niyon maliban na ito ay maging isang patay, o dugong ibinubo,} (Qur'ān 6:145) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagpahintulot para sa inyo ng dalawang patay at dalawang dugo: Ang balang at ang balyena; ang dalawang dugo naman ay ang atay at ang lapay." Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah: 3314 at Imām Aḥmad: 5723. Ayon sa liwanag ng napag-aralan mo, mag-ugnay ka sa pagitan ng āyah at ḥadīth at magpaiba ka sa pagitan ng dugo na ipinagbabawal at ng dugo na hindi ipinagbabawal.
Ang dugong ipinagbabawal ay ang dugong ibinubo. Hinggil naman sa dugong pinapayagan, ito ay ang atay at ang lapay."
Aktibidad 2: Magsasaliksik ako ng kahatulan.
Sa pamamagitan ng pag-aaral mo ng mga pagkaing ipinagbabawal, magsaliksik ka ng kahatulan sa sumusunod, pagkatapos maglahad ka nito sa tagapagturo mo/
1. Ang pinutol mula sa hayop habang ito ay buhay pa.
2. Ang pagkain ng asnong ligaw (zebra).
3. Bumagsak ang isang tupa mula sa isang mataas na lugar saka namatay ito, pagkatapos kinatay ito ng may-ari nito.
4. Ang pagkain ng mga pagkaing halaman mula sa hindi Muslim.
5. Ang pagkain ng mga produktong gatas ng mga hindi Muslim.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Pinapayagan ang pagkain ng bawat anumang sinaway ang Muslim laban sa pagpatay nito.
Ang pagtatama: Hindi pinapayagan ang pagkain ng bawat anumang sinaway ang Muslim laban sa pagpatay nito.
2. Ang nasakal ay ang patay na hayop na namatay resulta ng pamamalo.
Ang pagtatama: Ang nasakal ay ang patay na hayop na namatay dahil sa pagkasakal. Ang hinambalos ay ang namatay resulta ng pamamalo.
3. Pinapayagan ang pagkain ng mga balyena at mga asnong ligaw.
4. Hindi pinapayagan ang pagkain ng bawat anumang pinutol mula sa hayop habang ito ay buhay pa.
5. Ang nalaglag ay ang namatay dahilan sa pagkalaglag nito mula sa isang mataas na lugar.
PANUTO 2: Magpaliwanag ka ng kahatulan ng pagkain ng mga sumusunod na pagkain, kasama ng pagbanggit ng patunay:
1. Ang balang at ang atay.
2. Ang jallālah.
3. Ang mga hayop na naninila.
4. Ang langgam at ang bubuyog.
5. Ang keso na niyari mula sa gatas ng baboy.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magpaliwanag ka kung kailan pinapayagan ang pagkain o ang pag-inom ng mga ipinagbabawal, kasama ng pagbanggit ng patunay.
2. Magsulat ka ng isang artikulo sa limang linya tungkol sa mga kundisyon sa pagkain ng mga katay ng mga May Kasulatan at sa paglilinaw sa pagkain ng kinuryente.
8. Ang mga Etiketa ng Kasuutan at Gayak
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapag-isa-isa ka sa mga etiketa ng kasuutan at gayak.
2. makatulad ka sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kasuutan mo;
3. makahango ka ng patunay sa mga etiketa ng kasuutan at gayak;
4. makapagbuod ka sa mga patakaran ng plastic surgery;
5. makapagsaetiketa ka ng mga etiketa ng kasuutan at gayak;
6. makapagsadamdamin ka sa pagpapahalaga ng Islām sa mga pinahahalagahang pangkarikitan (aesthetic values).
Tumingin ka sa sumusunod na larawan, pagkatapos sabihin mo ang opinyon mo kaugnay sa kahatulan ng pagsusuot ng salawal na ito? Ito ba ay sumasang-ayon sa Sharī`ah?
Isang larawan ng pantalon na pinutulan sa ibabaw ng hita.
Ang Islām ay Relihiyon ng karikitan at kalinisan yayamang nag-utos ito sa Muslim ng kalinisan sa katawan niya, isinusuot niya, at tinitirahan niya. Nagsabatas ito para sa atin ng mga etiketa para sa gayak at kasuutan. Kabilang sa mga ito ang sumusunod:
1. Ang Pagpapakakagitna
Kailangan sa Muslim na lumayo sa pagpapakalabis sa pagdadamit, niya, paggagayak niya, pagkain niya, at lahat ng nauukol sa kanya, gaya ng paglayo niya sa karamutan at kasibaan. Nagsabi si Allāh: {O mga anak ni Adan, magsuot kayo ng gayak ninyo sa bawat masjid. Kumain kayo at uminom kayo at huwag kayong magpakalabis; tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagpapakalabis.} (Qur'ān 7:31) Ang Islām ay Relihiyon ng pagkagitna at pagkakatamtaman.
2. Ang Pagpapakarikit
Kailangan sa Muslim na magpahalaga sa karikitan ng panlaban niya kung paanong nagpapahalaga siya sa karikitan ng panloob niya. Kaya naman nagsisigasig siya na ang damit niya ay maganda, at ang sandalyas niya ay maganda, ang amoy niya ay mabango. Sinabi nga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang lalaki ay nakaiibig na ang damit niya ay maganda at ang sandalyas niya ay maganda." "Tunay na si Allāh ay Marikit na nakaiibig sa karikitan." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 91.
Pinapayagan sa babae ang magpaganda at ang maggayak ng bawat gayak na pinayagan ng Batas ng Islām, tulad ng sutla at alahas, at gayon din ang mga makabagong kaparaanan ng pagpapaganda hanggat hindi nakapipinsala, kasabay ng pag-iwas sa pagtatanghal ng kagandahan at paglalantad niya ng gayak sa harapan ng mga lalaking estranghero.
3. Ang Pagpapabango
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsisigasig noon sa pagpapabango at humihimok nito. Kabilang doon ang sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang inalok ng pabango ay huwag tanggihan ito sapagkat ito ay magaan dalahin, mabango ang amoy." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4172 at Imām An-Nasā'īy: 5259. Isinasakundisyon sa pagpapabango ng babae na hindi makaamoy sa kanya ang mga lalaking estranghero/
4. Ang Pagsisimula sa Kanan
Ibig sabihin: na magsimula ang Muslim sa kanan niya sa pagdadamit niya, sa pagsusuklay ng buhok niya, at pagsusuot ng sapatos niya. Nagsasabi si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaiibig noon ng pagsisimula sa kanan sa pagsasandalyas, pagsusuklay, pagdadalisay niya, at sa pumapatungkol sa kanya sa kabuuan nito." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 168 at Imām Muslim: 268. Sa paghuhubad ng sandalyas [o sapatos] ay magsisimula sa kaliwa.
5. Ang Pag-alaala kay Allāh (Napakataas Siya):
Ibinibilang na kaibig-ibig ang pag-alaala kay Allāh sa sandali ng pagsusuot ng damit sa pamamagitan ng pagsabi ng bismi –lillāh, pagkatapos magpupuri kay Allāh, sapagkat ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noon, kapag nagsusuot siya ng damit, ay nagsasabi: "Alḥamdu lillāhi –lladhī kasānī hādha –ththawba wa-razaqanīhi min ghayri ḥawlim minnī wa-lā qūwah. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpadamit sa akin nito at nagtustos sa akin nito nang walang kapangyarihan ni lakas mula sa akin.) Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4023 at Imām At-Tirmidhīy: 1767.
Sa pagsusuot ng bagong damit, dadalangin tayo ng panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Allāhumma laka –lḥamdu anta kasawtanīhi, as'aluka min khayrihi wa-khayri mā ṣuni`a lahu, wa a`ūdhu bika min sharrihi wa sharri mā ṣuni`a lahu. (O Allāh, ukol sa Iyo ang papuri; Ikaw ay nagpadamit sa akin nito. Humihingi ako sa Iyo ng kabutihan nito at kabutihan ng pagkayari nito, at nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kasamaan nito at kasamaan ng pagkakayari nito.)" Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 4020.
6. Ang Pagsusuot ng Puti
Minamainam ang pagsusuot ng kulay puti batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magsuot kayo mula sa mga puting kasuutan ninyo sapagkat ang mga ito ay kabilang sa pinakamabuti sa mga kasuutan ninyo. Magbalot kayo sa mga ito ng mga patay ninyo." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4061 at Imām At-Tirmidhīy: 994.
7. Ang Pagpapakumbaba
Ang pagpapakumbaba ay katangian ng Muslim sa lahat ng mga nauukol sa kanya at mga pakikitungo niya. Ipinagbabawal sa kanya na magyabang sa pananamit niya o sasakyan niya o paglalakad niya. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Samantalang may isang lalaking naghahambog na naglalakad habang nasa mga kapa niya, na nagpahanga nga sa kanya ang sarili niya. Nagpalamon si Allāh sa kanya sa lupa kaya naman siya ay lumulubog doon hanggang sa Araw ng Pagbangon." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5789 at Imām Muslim: 2088).
8. Ang Pagsasaayos ng Buhok
Nag-anyaya sa atin ang Islām tungo sa pagpapahalaga sa panlabas na anyo at na huwag maglakad ang Muslim na magulo ang buhok dahil iyon ay naglalayo ng loob ng mga tao sa kanya. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang may buhok ay magparangal siya nito." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud: 4163. Pinapayagan ang pag-ahit ng buhok ng ulo para sa mga lalaki at hindi pinapayagan ang pag-ahit ng balbas.
Kailangan sa mga lalaki at mga babae ang bumunot ng buhok sa kilikili at ang mag-ahit ng buhok sa paligid ng maselang bahagi karagdagan sa pagputol ng mga kuko.
9. Ang Pag-iwas sa Ipinagbabawal sa Damit at Gayak
Ang mga ipinagbabawal mula sa damit at gayak ay ang sumusunod:
A. Ang mga Kasuutang Naglalantad ng `Awrah at Naglalarawan Nito
Kinakailangan sa lalaki at babae ang magsuot ng nakatatakip sa `awrah at hindi naglalarawan nito. Kaya naman hindi pinapayagan ang pagsusuot ng mga kasuutang manipis na naglalantad ng nasa loob nito ni ng masisikip na dumidikit sa katawan at nagbibigay-anyo sa `awrah.
B. Ang Pagwangis ng Kalalakihan sa Kababaihan o ng Kababaihan sa Kalalakihan
Ipinagbabawal sa mga lalaki na magsuot ng mga kasuutang natatangi sa mga babae o maglagay ng gayak na pambabae, kung paanong ipinagbabawal sa mga babae na magsuot ng mga kasuutang natatangi sa mga lalaki o magpaikli ng buhok nila tulad ng sa mga lalaki.
C. Ang Pagsusuot ng Sutla at Ginto ng Kalalakihan: Isang larawan ng isang singsing na ginto.
Ipinagbabawal sa mga lalaki ang magsuot ng mga kasuutang sutla at ang mag-alahas ng ginto, na pinapayagan naman sa mga babae.
D. Ang Pagpapalampas sa Bukungbukong ng Lalaki
Ipinagbabawal sa lalaki na magsuot ng mga kasuutang mahaba, na umaabot sa lampas sa mga bukungbukong bilang pagmamalaki at pagyayabang. Hinggil naman sa babae, kinakailangan sa kanya na magtakip ng mga paa niya nang sa gayon hindi makita ng mga lalaki.
E. Ang Pagtatato, ang Namṣ, at ang Waṣl
Ang pagtatato ay ang pagtutusok sa balak ng karayom pagkatapos ang paglalagay rito ng tinta o iba pa. Ito ay ipinagbabawal.
Ang namṣ ay ang pagbubunot ng kilay. Ito ay ipinagbabawal
Ang waṣl ay ang pagdurugtong ng babae sa buhok niya ng iba pang buhok. Ito ay ipinagbabawal.
Ang tatlong ito ay nagsaad nga ang mga tumpak na ḥadīth hinggil sa pagsumpa sa tagagawa nito o sinumang gumagawa nito sa iba pa.
Isang larawan ng kamay na may kapintasan sa mga daliri. Ang Kahatulan sa Plastic Surgery Isang larawan ng kamay na may kapintasan sa mga daliri.
Pinapayagan ang plastic surgery sa mga sumusunod na kalagayan:
1. Ang operasyong pampagpapaganda na naglalayon ng pagpapanumbalik sa pagkakaporma ng mga bahagi ng katawan ayon sa kalagayan ng pagkakalikha sa tao at ang pagsasaayos sa mga kapintasang pampisikal gaya ng mga sobrang daliri at kabaluktutan ng ilong.
2. Ang pagsasaayos sa mga kapintasang namutawi buhat sa mga aksidente gaya ng pagkasunog, mga sakit, at tulad ng mga ito.
3. Ang pag-aalis ng kapangitan na nagdadahilan para sa tao ng isang perhuwisyong sikolohikal at pisikal.
4. Ang pagpapakaunti ng timbang, gaya ng pagsupsop ng taba (liposuction), kapag ito ay nagiging isang kalagayang pangkaramdaman.
Hindi pinapayagan ang plastic surgery sa mga sumusunod na kalagayan:
1. Ang reconstructive surgery (operasyong pampagpapaganda) na hindi napaloloob sa panggagamot na medikal at naglalayon mula rito ng pagpapaiba sa katutubong pagkakalikha sa tao, gaya ng pagpapaiba sa porma ng mukha at pagpapaiba sa porma ng ilong o ng bibig sa pamamagitan ng pagpapaliit o pagpapalaki.
2. Ang pagpapaiba sa pagkakalikha na may pakay ng panghuhuwad at pagliligaw ng katarungan.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Tutugon ako.
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakakita ng isang singsing na yari sa ginto sa kamay ng isang lalaki. Kinuha niya ito saka itinapon niya at sinabi: "Nagsasadya ang isa sa inyo sa isang baga mula sa isang impiyerno saka naglalagay nito sa kamay niya!" Kaya sinabi sa lalaki matapos na umalis ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kunin mo ang singsing mo, pakinabangan mo ito." Nagsabi ito: "Hindi; sumpa man kay Allāh, hindi ko kukunin iyan magpakailanman samantalang itinapon na iyan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2090. Ipaliwanag mo ang pahiwatig ng ḥadīth sa sumusunod:
1. Ang matinding banta sa sinumang nagsusuot ng ginto kabilang sa mga lalaki.
Ang sinumang nagsuot ng singsing na ginto kabilang sa mga lalaki ay para bang siya ay naglagay ng isang baga mula sa Impiyerno upang sumunog ito sa kamay niya.
2. Ang pagsunod ng mga Kasamahang mararangal at ang pagtugon nila sa mga utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang pagkalugod ng mga Kasamahan sa ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang kinuha nito ang singsing mula sa kamay niya at ang hindi pagkagalit niya dahil doon, pagkatapos ang pagtanggi niya na kunin ang singsing niya upang ipagbili at pakinabangan ang presyo nito bilang pagpaparusa sa sarili niya dahil sa gawang ito.
3. Magtuon ka ng isang pananalita para sa mga nakagagawa ng mga ipinagbabawal sa kasuutan at gayak at nag-aangkin na ang mga ito ay mga bagay-bagay na hindi bahagi ng Relihiyon.
Aktibidad 2: Maghahango ako.
Sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagturo mo, humango ka mula sa mga sumusunod na ḥadīth ng ipinagbabawal isuot o ipanggayak, pagkatapos takdaan mo kung alin sa mga ito ang ipinagbabawal sa mga lalaki, kung alin sa mga ito ang ipinagbabawal sa mga babae, at kung alin sa mga ito ang ipinagbabawal sa kapwa mga lalaki at mga babae.
Ang Ḥadīth Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Sumaway sa amin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsusuot ng manipis na sutla makapal na sutla at pag-upo sa ibabaw nito" Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5837 at Imām Muslim: 2067. Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Sumaway sa amin ang Sugo ni Allāh laban sa pagsisingsing ng ginto at laban sa pagsusuot ng qassīy." (Ang qassīy ay damit na yari sa linen na hinaluan ng sutla.)
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: "Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ang mga nagpapakawangis na mga lalaki sa mga babae at ang mga nagpapakawangis na mga babae sa mga lalaki." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 5885.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang kumaladkad sa kasuutan niya dala ng pagmamayabang, hindi titingin si Allāh sa kanya sa Araw ng Pagbangon." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3665 at Imām Muslim: 2085.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isinumpa ni Allāh ang tagapagdugtong ng buhok at ang nagpaparugtong ng buhok, at ang tagapagtato at ang nagpapatato." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 5933 at Imām Muslim: 2124. Ang Ipinagbabawal Isuot Ang Manipis na Sutla - Ang Makapal na Sutla Ang Ginto - Ang Qassīy Ang Pagwangis ng Kalalakihan sa Kababaihan o ng Kababaihan sa Kalalakihan Ang Pagpapalampas sa Bukungbukong ng Kasuutan Dahil sa Pagmamayabang Ang Pagdurugtong ng Buhok - Ang Pagtatato Sino ang pinagbabawalan Ang mga lalaki Ang mga lalaki Ang mga lalaki at ang mga babae Ang mga lalaki Ang mga lalaki at ang mga babae
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Ang kahatulan ng pagdadamit para sa pagtakip ng `awrah ay:
(ang pagkakinakailangan, ang pagtuturing na kaibig-ibig - ang pagpapahintulot).
2. Humimok ang Islām sa pagkagitna at nagbawal ng
(pagpapaganda - paggagayak - pagwawaldas).
3. Ang kahatulan sa pagpapalampas ng kasuutan sa bukungbukong kasama ng pagyayabang ay:
(ang pagbabawal - ang pagkasuklam - ang pagpapahintulot).
4. Ang kahatulan sa pag-aalis ng sobrang daliri ay:
(ang pagpayag - ang pagkasuklam - ang pagbabawal).
PANUTO 3: Banggitin mo ang patunay sa mga etiketa ng mga sumusunod na pagdadamit:
1. Ang pagpapakakatamtaman sa pagdadamit.
2. Ang pagdadamit ng puti.
3. Ang pag-alaala kay Allāh sa sandali ng pagdadamit.
4. Ang pagsisimula sa kanan sa pagdadamit.
PANUTO 3: Takdaan mo ang ipinagbabawal na damit at gayak sa:
1. mga lalaki lamang.
2. mga babae lamang.
3. kapwa mga lalaki at mga babae.
PANUTO 4: Hanguin mo mula sa aralin ang sumusunod:
1. limang bagay na itinuturing na kaibig-ibig sa damit at gayak.
2. tatlong bagay na kinakailangan sa damit at gayak.
Ang Ikalimang Yunit: Ang mga Kaasalan at ang mga Etiketa
1. Ang mga Karapatan ng Kapatirang Islāmiko
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapag-isa-isa ka sa mga karapatan ng kapatirang Islāmiko;
2. makahango ka ng patunay sa mga karapatan ng kapatirang Islāmiko;
3. makapagpaliwanag ka sa kahalagahan ng kapatirang Islāmiko;
4. makaganap sa mga karapatan ng kapatirang Islāmiko;
5. makapagsadamdamin ka sa kahalagahan ng kapatirang Islāmiko.
Ano ang nararamdaman mo sa mga batang natatagpuan sa larawang ito?
Kabilang sa mga kagandahan ng Batas ng Islām ay na ito ay nagsigasig sa pagpapatayo ng isang lipunang maayos na nagkakapitan at nagpalaganap ng kapatiran at pagmamahalan sa pagitan ng mga individuwal nito. Dahil doon, nagsabatas ito para sa mga Muslim ng mga karapatan ng kapatid niyang Muslim, na ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Ang Pakikipagtangkilik sa Muslim at ang Pag-ibig sa Kanya
Ibinibilang ang Islām na pinakamalakas sa mga bigkis na nagbubuklod sa mga Muslim sapagkat tunay na ito ay gumagawa sa kanila bilang magkakapatid gaya ng kapatiran ng kaangkanan. Nagsabi si Allāh: {Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang} (Qur'ān 49:10) Ito ay nag-oobliga sa Muslim ng pakikipagtangkilik sa kapatid niyang Muslim at pag-ibig dito. Nagsabi si Allāh: {Ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya ay mga katangkilik ng isa't isa sa kanila.} (Qur'ān 9:17) Ito ay nagdaragdag ng lakas ng mga Muslim. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang mananampalataya para sa mananampalataya ay gaya ng gusali, na nagpapalakas ang isa sa isa." Nagpasalit-salit siya ng mga daliri niya. Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2446 at Imām Muslim: 2585.
2. Ang Pag-ibig ng Kabutihan sa Muslim
Ito ay kabilang sa mga kinakakailangan ng pag-ibig at pakikipagtangkilik kaya kailangan sa Muslim na umibig para sa kapatid niya ng kabutihan na iniibig niya para sa sarili niya. Ginawa nga ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) iyon na bahagi ng kakumpletuhan ng pananampalataya sapagkat nagsabi siya: "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa umibig siya para sa kapatid niya ng iniibig niya para sa sarili niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 13 at Imām Muslim: 45. Gayon din, kailangan sa Muslim na masuklam sa kasamaan at pamemerhuwisyo sa kapatid niya kung paanong nasusuklam siya rito para sa sarili niya.
3. Ang Pag-aadya sa Muslim at ang Pagsasanggalang sa Kanya
Ito rin ay bahagi ng mga kinakailangan ng pakikipagtangkilik at kapatiran kaya kinakailangan ang pag-aadya sa Muslim at ang pagtulak ng kawalang-katarungan palayo sa kanya. Ipinagbabawal din ang pangangaway sa kanya at ang pagkakanulo sa kanya sa pamamagitan ng pag-iwan sa kanya sa mga kaaway saka mamiminsala sila sa kanya at babalakid sila sa kanya sa Relihiyon niya. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Muslim ay kapatid ng Muslim; hindi siya lumalabag sa katarungan dito, hindi siya nagkakanulo rito, at hindi siya nanghahamak dito." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2564. Sa iba pang ḥadīth: "... hindi siya lumalabag sa katarungan dito at hindi siya nagsusuko nito." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2442 at Imām Muslim: 2580.
4. Ang Pagpipigil ng Perhuwisyo sa Kanya
Ito ay ang pinakakaunti na kinakailangang ipagkaloob sa kapwa Muslim; sapagkat kung hindi ka makapagpakinabang sa kapatid mong Muslim, huwag kang maminsala sa kanya yayamang ipinagbabawal ang pamemerhuwisyo sa Muslim sa alinmang gawaing lantad gaya ng panlalait at pananakit. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Muslim ay ang sinumang naligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 6484. Gayon din, hindi pinapayagan ang pamemerhuwisyo sa Muslim sa alinmang gawaing pampuso gaya ng inggit, pagkamuhi, pang-aaba, at iba sa mga ito.
6. Ang Anim na Karapatan ng Muslim
Nagtipon ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng anim na karapatan ng Muslim sa iisang ḥadīth sapagkat nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {"Ang karapatan ng Muslim sa kapwa Muslim ay anim." Sinabi: "Ano po ang mga ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Kapag nakasalubong ka sa kanya, bumati ka sa kanya; kapag nag-anyaya siya sa iyo, tumugon ka sa kanya; kapag humingi siya ng payo sa iyo, magpayo ka sa kanya; kapag bumahin siya saka nagpuri siya kay Allāh, magsabi ka sa kanya ng: Kaawaan ka ni Allāh; kapag nagkasakit siya, dumalaw ka sa kanya; at kapag namatay siya, makipaglibing ka sa kanya."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2162.
6. Ang Pag-alalay sa Muslim at ang Pagtugon sa Pangangailangan Niya
Ito ay tungkuling ang kainaman nito ay dakila sa ganang kay Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Ito ay may malaking epekto sa pagpapalaganap ng pag-ibig sa pagitan ng mga Muslim. Nagsabi ang Sugo ni Allāh: "Ang sinumang tumutugon sa pangangailangan ng kapatid niya, si Allāh ay tutugon sa pangangailangan niya. Ang sinumang pumawi sa isang Muslim ng isang pighati, papawi si Allāh sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati ng Araw ng Pagbangon." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2442 at Imām Muslim: 2580. Nagsabi rin Siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpaginhawa sa nahihirapan magpapaginhawa si Allāh sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2699.
7. Ang Paggalang sa Muslim at ang Pagpapasok ng Galak sa Kanya
Iyon ay sa pamamagitan ng pagngiti sa harap niya, pagtawag sa kanya sa pinakakaibig-ibig sa mga pangalan sa kanya, pagpapakabanayad sa kanya sa pananalita, pagbibigay-puwang sa kanya sa pagtitipon, kabutihang-asal sa kanya sa sandali ng pagtatalo, at iba pa roon na mga aspeto ng etiketa at kagandahan ng kaasalan. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagngiti mo sa harap ng kapatid mo, para sa iyo ay isang kawanggawa." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 1956. Nagsasabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "May tatlong magdadalisay para sa iyo ng pagmamahal ng kapatid mo: na bumati ka sa kanya kapag nasalubong mo siya, magpaluwang ka para sa kanya sa pagtitipon, at tumawag ka sa kanya sa pinakakaibig-ibig sa mga pangalan sa kanya." Nagsalaysay nito si Imam Al-Bayhaqīy sa aklat na Ash-Sha`b: 8398.
Ang mga Karapatan ng Muslim
Ang Pagpapalaganap ng Pagbati
Ang Pagdalangin ng Kaawaan sa Bumahin
Ang Pagdalo sa Libing
Ang Pagdalaw sa Maysakit
Ang Pakikipagtangkilik at ang Pag-ibig
Ang Pagtugon sa Paanyaya
Ang Pagpawi sa mga Pighati
Ang Pagpapayo
Ang Pagpigil ng Perhuwisyo
Ang Paggalang sa Muslim
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Makikilahok ako sa kaklase ko.
Nagsabi si Allāh: {11. O mga sumampalataya, huwag manuya ang ilang lalaki sa ilang lalaki; baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti kaysa sa kanila [na nanunuya]. Huwag [manuya] ang ilang babae sa ilang babae; baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti sa kanila [na nanunuya]. Huwag kayong manuligsa sa isa't isa sa inyo at huwag kayong magtawagan ng mga [masamang] taguri. Kay saklap bilang pangalan ang kasuwailan matapos ng pananampalataya. Ang sinumang hindi nagbalik-loob, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.} 12. O mga sumampalataya, umiwas kayo sa maraming pagpapalagay; tunay na ang ilan sa pagpapalagay ay kasalanan. Huwag kayong maniktik. Huwag manlibak ang ilan sa inyo ang iba pa. Iibigin ba ng isa sa inyo na kumain ng laman ng kapatid niya kapag patay na? Masusuklam kayo rito. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Palatanggap ng pagbabalik-loob, Maawain} (Qur'ān 49:11-12) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mag-inggitan, huwag kayong magpataasan ng presyo, huwag kayong magmuhian, huwag kayong magtalikuran ... Ang lahat sa Muslim ay banal: ang buhay niya, ang ari-arian niya, at ang dangal niya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2564.
Nauna nang nabanggit sa aralin na ang pinakakaunti na kinakailangang ipagkaloob sa kapwa Muslim ay ang pagpipigil ng perhuwisyo sa kanya sa panlabas at sa panloob. Sa pag-alalay ng kaklase mo, magsulat ka ng isang listahan ng mga gawain na nakapeperhuwisyo sa Muslim, habang nagpapatulong sa pamamagitan ng nasaad sa naunang āyah at naunang ḥadīth.
Aktibidad 2: Makikipagtalakayan ako sa grupo ko.
Nagdurusa ang ilan sa mga lipunang Islāmiko ng pagkakawatak-watak at pagkakaiba-iba at nagdurusa ang ilan sa mga ito ng karalitaan at pangangailangan. Ayon sa liwanag niyon, makipagtalakayan sa grupo mo kaugnay sa sumusunod:
1. Ang epekto ng pagpapalakas ng kapatirang Islāmiko at ang pagpapatupad ng mga karapatan nito sa paglulunas sa mga suliranin habang nagpapatulong sa pamamagitan ng nasaad sa Qur'ān at Sunnah at sa pamamagitan ng saloobin ng mga tagaadya nang sumalubong sila sa mga kapatid nilang mga tagalikas matapos ng paglikas sa Madīnah.
2. Ang paggawa ng mga praktikal na hakbang para makapigil sa mga suliraning ito, tulad ng pagbuo ng isang lupon para mamagitan sa mga personal na alitan o magbigay ng mga gamot sa mga maralitang maysakit o mangalap ng mga buwanang donasyon at mamahagi ng mga ito sa mga nangangailangan at iba pa roon kabilang sa naaangkop ipatupad sa lipunan mo.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Kabilang sa mga karapatan ng kapatiran ang panghihimasok sa mga pumapatungkol sa mga ibang tao. (X)
Ang pagtatama: Kabilang sa mga karapatan ng kapatiran ang pagpapahalaga sa mga pumapatungkol sa mga ibang tao nang walang panghihimasok sa mga pribadong nauukol sa kanila.
2. Hindi pinapayagan ang pagpapauna sa pag-ibig sa mga tagatangging sumampalataya higit sa pag-ibig sa mga Muslim. (✓)
3. Ang pag-aarugaang panlipunan (social solidarity) ay isa sa mga aspeto ng kapatirang Islāmiko. (✓)
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay sa kainaman ng bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang Kapatirang Islāmiko.
2. Ang Pagngiti sa Harap ng Muslim.
3. Pagpawi ng Dalamhati ng Muslim.
4. Ang Pagpapaginhawa sa Nahihirapan.
PANUTO 3: Magsagawa ka ng pagtatasa sa mga personal na pag-uugali mo ayon sa liwanag ng natutuhan mo mula sa mga karapatan ng mga Muslim.
Ang Pag-uugali
Nagdarasal ako para sa patay at naghahatid ako nito hanggang sa paglibing dito.
Nagbibigay ako ng pagbati sa mga nakikilala ko bukod sa iba sa kanila.
Nalulungkot ako kapag nakaalam ako hinggil sa isang kasawian ng isa sa mga kapitbahay ko.
Nagsisikap ako sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga maralita at mga ulila.
Nakikilahok ako sa mga kaklase ko sa mga tuwa nila at mga lungkot nila.
Nag-aayos ako ng gusot sa pagitan ng mga nag-aalitan kabilang sa mga kamag-anak ko at mga kapitbahay ko.
Nahihiya ako na magpayo sa isang hindi ko nakikilala.
Dumadalangin ako kay Allāh na magpawi Siya ng mga dalamhati ng mga Muslim sa bawat lugar. Gagawin ko ito palagi. Gagawin ko ito minsan. Hindi ko gagawin ito.
PANUTO 4: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:
1. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {"Ang karapatan ng Muslim sa kapwa Muslim ay anim." ...} Kumpletuhin mo ang ḥadīth.
2. Ipaliwanag mo ang kahalagahan ng mga karapatang Islāmiko sa pagpapalaganap ng pag-ibig sa gitna ng mga Muslim.
3. Takdaan mo ang sampung ipinagbabawal na hindi pinapayagan ang pamemerhuwisyo sa Muslim dahil sa mga ito.\" d784619c-e7cc-4e51-a0c4-9cc96a6f3eda,(2) منزلة النصيحة"
(2) Ang Katayuang ng Pagpapayo
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpaliwanag ka ng konsepto ng pagpapayo;
2. makahango ka ng patunay sa katayuan ng pagpapayo;
3. makapaghulo ka ng epekto ng pagpapayo sa lipunan;
4. makapagdakila ka sa katayuan ng pagpapayo;
5. makapagsadamdamin ka sa pagkakailangan ng pagpapayo.
Ang pagpapayo ay isa sa mga karapatan ng Muslim sa kapatid niyang Muslim. Ito ay patunay ng pag-ibig sa kanya at pagmimithi ng kabutihan para sa kanya. Mayroon itong dakilang katayuan sa Relihiyon at malaking epekto sa pagpapalaganap ng pag-ibig sa lipunan at pagkikintal ng espiritu ng pagtutulungan sa pagitan ng mga individuwal nito. Dahil doon, naglaan tayo ng araling ito para sa kahalagahan ng pagpapayo at katayuan nito sa Islām.
Ang Katayuang ng Pagpapayo
Ang Katungkulan ng mga Propeta
Ilan sa mga Kaibig-ibig sa mga Gawain kay Allāh
Ilan sa mga Katangian ng Mananampalataya
Kadahilanan sa Pagsasaayos ng Lipunan
Uri Mula sa mga Uri ng Pakikibaka
Ang Pagsasanggalang Laban sa Kasawian at Pagdurusa
Ang Konsepto ng Pagpapayo
Ang pagpapayo ay ang pagnanais ng kabutihan sa pinapayuhan, ang pag-aanyaya sa kanya tungo sa anumang dulot ang kaayusan, at ang pagsaway laban sa anumang dulot ang katiwalian. Sa sumusunod, maglilinaw tayo ng katayuan ng pagpapayo at kahalagahan nito.
Una. Ang Relihiyon ay ang pagpapayo.
Inangat ng Islām ang pumapatungkol sa pagpapayo sapagkat ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pag-iral ng Relihiyon, pananatili nito, at paglaganap nito hanggang sa nagturing ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ito ay ang Relihiyon sapagkat nagsabi siya: "Ang Relihiyon ay ang pagpapayo." Nagsabi kami: "Alang-alang kanino po?" Nagsabi siya: "Alang-alang kay Allāh, alang-alang sa Aklat Niya, alang-alang sa Sugo Niya, at alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim at madla nila." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 55. Nasa sumusunod ang paglilinaw niyon:
1. Ang pagpapayo alang-alang kay Allāh ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya, pagkakaila ng shirk sa Kanya, at ang pagpapakawagas ng gawain para sa Kanya.
2. Ang pagpapayo alang-alang sa Aklat ni Allāh ay sa pamamagitan ng pagsampalataya na ito ay salita ni Allāh, paggawa ayon dito, pag-aaral nito, pagtuturo nito, at pagninilay-nilay rito.
3. Ang pagpapayo alang-alang sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sa pamamagitan ng pagsampalataya sa anumang inihatid niya, pag-ibig sa kanya, at pagsagawa ng Sunnah niya at pagpapalaganap nito sa gitna ng mga tao.
4. Ang pagpapayo alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim ay sa pakikipagtulungan sa kanila sa katotohanan at pagtalima sa kanila rito at sa utos nila.
5. Ang pagpapayo alang-alang sa madla ng mga Muslim ay sa pamamagitan ng pag-ibig sa kanila at pagganap sa mga karapatan nila at payo nila.
Ikalawa. Ang Pagpapayo ay Katungkulan ng mga Propeta
Ang mga propeta ay ang pinakamaawain sa nilikha at ang pinakamadalas sa kanila sa pagkalunos sa mga tao. Dahil doon, hindi sila nag-iwan ng isang bagay na may kabutihan at kaayusan malibang gumabay sila sa mga tao nila tungo roon at hindi sila nag-iwan ng isang bagay na may kasamaan at kasawian malibang nagbigay-babala sila sa mga tao nila laban doon.
Kabilang sa mga halimbawa niyon ang nasaad sa Qur'ān tungkol kay Noe nang nagsabi siya sa mga tao niya: {nagpapayo ako sa inyo, at nakaaalam ako mula kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman.} (Qur'ān 7:62) Dahil siya ay nakaaalam ng hindi nila nalalaman na mga masagwang kahihinatnan ng mga pagkakasala nila at pagtatambal nila, siya ay nangangamba para sa kanila. {Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan."} (Qur'ān 7:59)
Nagsasabi naman si Hūd sa mga tao niya: {Nagpapaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko, at ako para sa inyo ay isang tagapagpayong pinagkakatiwalaan.} (Qur'ān 7:68) Gayon din, ang lahat ng mga propeta (sumakanila ang pangangalaga) ay nagpayo sa mga tao nila ng anumang dulot ang kabutihan at ang kaayusan.
Nagsasabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na walang anumang bagay na naglalapit sa inyo mula sa Paraiso at nagpapalayo sa inyo mula sa Impiyerno malibang nag-utos na ako sa inyo nito at walang anumang bagay na naglalapit sa inyo mula sa Impiyerno at nagpapalayo sa inyo mula sa Paraiso malibang nag-utos na ako sa inyo nito." Nagsalaysay nito si `Abdurrazzāq: 34332.
Ikatlo. Ang Pagpapayo ay Daan ng Pagsasaayos sa Individuwal at Lipunan.
Ang layon sa pagpapayo ay maliwanag sa sabi ni Shu`ayb (sumakanya ang pangangalaga): {Hindi ako nagnanais kundi ng pagsasaayos sa abot ng nakaya ko.} (Qur'ān 11:88) Kaya naman ito ay landas ng pagpapalaganap ng kainaman at mga kaasalan at ng pagpigil sa katiwalian sa pagitan ng mga anak ng lipunan.
Dahil doon, ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasakundisyon sa mga Kasamahan niya sa sandali ng pangangako ng katapatan nila na magsagawa sila ng pagpapayo. Nagsabi si Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya): "Nangako ako ng katapatan sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, at pagpapayo sa bawat Muslim." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 57 at Imām Muslim: 56.
Ikaapat. Ang Pagpapayo ay Daan ng Kaligāyahan sa Dalawang Tahanan
Ang kaligtasan ng tao mula sa pagkalugi ay hindi naisasakatotohanan nang walang pagpapayo at pagtatagubilanan sa katotohanan. Nagsabi si Allāh: {1. Sumpa man sa panahon, 2. tunay na ang tao ay talagang nasa isang pagkalugi, 3. maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nagtagubilinan ng katotohanan, at nagtagubilinan ng pagtitiis.} (Qur'ān 103:1-3)
Ikalima. Ang Pagpapayo ay Kabilang sa mga Uri ng Pakikibaka sa Landas ni Allāh.
Nagsabi si Allāh: {Hindi pagkaasiwa sa mga mahina, ni sa mga may-sakit, ni sa mga hindi nakatatagpo ng igugugol nila kapag nagpayo sila alang-alang kay Allāh at sa Sugo Niya.} (Qur'ān 9:91) Ibig sabihin: Walang paninisi at walang pagbibigay-sala sa mga mahina, mga maysakit, at mga maralita kapag hindi sila nakibaka kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag nagpayo sila alang-alang kay Allāh at sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagpakatapat sila sa pananampalataya nila at pag-ibig nila.
Ikaanim. Ang Pagpapayo ay Pagsasanggalang Laban sa Pagdurusa.
Ang pagkakaloob ng payo ay kabilang sa mga uri ng pagsasaayos na naiibigan ni Allāh at ipinampapawi niya sa kasawian at parusa. Nagsabi si Allāh: {Hindi nangyaring ang Panginoon mo ay ukol na magpahamak ng mga pamayanan dahil sa kawalang-katarungan samantalang ang mga mamamayan ng mga ito ay mga nagsasaayos.} (Qur'ān 11:117)
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghahango ako.
Hanguin mo ang mga pagpapayo na nilalaman ng mga sumusunod na āyah kasama ng pagtatakda sa nagpapayo at pinapayuhan.
Ang Āyah
{May dumating na isang lalaki mula sa pinakamalayo ng lungsod, na tumatakbo. Nagsabi ito: "O Moises, tunay ang pamunuan ay nagpupulong hinggil sa iyo upang patayin ka nila kaya lumisan ka. Tunay na ako para sa iyo ay kabilang sa mga *tagapagpayo."} (Qur'ān 28:20)
{Nagtagubilin niyon si Abraham sa mga anak niya, at si Jacob: "O mga anak ko, tunay na si Allāh ay humirang para sa inyo ng relihiyon kaya huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga tagapagpasakop [sa Kanya]."} (Qur'ān 2:132)
{O anak ko, magpanatili ka ng pagdarasal, mag-utos ka ng nakabubuti, sumaway ka ng nakasasama, at magtiis ka sa anumang tumatama sa iyo; tunay na iyon ay kabilang sa pinagpapasyahan sa mga usapin.} (Qur'ān 31:17) Ang Nagpapayo Lalaki Sina Abraham at Jacob (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) Si Luqmān na Marunong Ang mga Pagpapayo Ang paglabas mula sa Ehipto para sa pag-iwas sa perhuwisyo ni Paraon at mga tao niya. Ang pagkapit sa Relihiyong Islām at ang pagpapakatatag dito hanggang sa kamatayan. Ang pagdarasal, ang pag-uutos ng nakabubuti, ang pagsaway sa nakasasama, at ang pagtitiis.
Aktibidad 2: Mag-aanalisa ako at maghuhulo ako.
Nasaad sa Qur'ān ang pagpapayo ni Noe sa anak niya. Nagsabi si Allāh: {42. Ito ay naglayag lulan sila sa mga alon na gaya ng mga bundok. Nanawagan si Noe sa anak niya habang ito ay nasa pinaglayuan [nito]: "O anak ko, sumakay ka kasama sa amin at huwag kang maging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya." 43. Nagsabi ito: "Kakanlong ako sa isang bundok na magsasanggalang sa akin laban sa tubig." Nagsabi siya: "Walang tagapagsanggalang sa araw na ito laban sa pasya ni Allāh maliban sa kinaawaan Niya." Humarang sa pagitan nilang dalawa ang mga alon, kaya ito ay naging kabilang sa mga nalunod.} (Qur'ān 11:42-43) Sa pamamagitan ng pag-aanalisa sa saloobin na inilahad ng mga āyah at pag-uugnay niyon sa aralin, tugunin mo ang sumusunod:
1. Ipaliwanag mo ang kahalagahan ng pagpapayo at ang pagkakailangan nito.
Nagpunyagi si Noe (sumakanya ang pangangalaga) para sa kaligtasan ng anak niya. Kaya naman nagpayo siya rito na iwan nito ang mga tagatangging sumampalataya at sumakay sa daong. Kung sakaling tumugon ang anak, talaga sanang naligtas ito. Subalit ito ay sumalungat sa ama nito at hindi tumanggap ng payo niya kaya nalunod ito at nasawi kasama ng mga tagatangging sumampalataya.
2. Ano ang mga araling mapakikinabangan mula sa kuwento?
Ang pagpapayo sa mga tao at ang sigasig sa kaligtasan nila - Ang pagtanggap ng payo at ang hindi pagpapabaya rito.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1. Ang pagpapayo ay kabilang sa mga pundasyon ng Relihiyon at pinakadiwa ng pananampalataya. (✓)
2. Tinanggap ng anak ni Propeta Noe ang payo at sumakay siya sa daong. (X)
Ang pagtatama: Tinanggihan ng anak ni Propeta Noe ang payo at hindi siya sumakay sa daong.
3. Ang pagpapayo ay hindi isinasagawa malibang sa mga nauukol sa Relihiyon. (X)
Ang pagtatama: Ang pagpapayo ay isinasagawa sa mga nauukol sa Mundo at Relihiyon.
4. Nagtagubilin si Luqmān sa anak niya ng pagtitiis at pagdarasal. (✓)
5. Ang pagpapayo ay isang paglabag sa mga karapatan ng mga ibang tao. (X)
Ang pagtatama: Ang pagpapayo ay isang pagmamalasakit sa mga kapakanan ng mga ibang tao.
PANUTO 2: Magsulat ka ng isang patunay mula sa Marangal na Qur'ān sa bawat isa mula sa sumusunod:
1. Ang pagpapayo ay nagliligtas sa tao laban sa pagkalugi.
2. Ang pagpapahalaga ng mga propeta sa pagpapayo.
3. Ang pagkakaloob ng payo ay nagsasanggalang sa lipunan laban sa pagdurusa.
4. Ang tagubilin sa mga magulang.
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Bigyang-pakahulugan mo ang pagpapayo.
2. Papaano naisasakatuparan ang pagpapayo sa mga pinuno ng mga Muslim at madla nila?
3. Maghulo ka ng epekto ng pagpapayo sa kaayusan ng lipunan.
4. Magsulat ka ng isang artikulo na limang linya tungkol sa kahalagahan ng pagpapayo sa Islām.
3. Ang mga Etiketa ng Pagpapayo
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapag-isa-isa ka sa mga etiketa ng pagpapayo;
2. makahango ka ng patunay sa mga etiketa ng pagpapayo;
3. makapag-ugnay ka sa pagitan ng mga etiketa ng pagpapayo at ng pagtanggap nito;
4. makapagsadamdamin ka sa pagkakailangan ng mga etiketa ng pagpapayo;
5. makapanatili ka sa mga etiketa ng pagpapayo;
6. makaalalay ka sa pagtutuon sa lipunan mo at pagsasaayos nito.
Minsan hindi tinatanggap ang payo dahilan sa kasagwaan ng pagtutuon nito o dahil sa pagpili ng oras na hindi naaangkop. Sa araling ito, matututuhan natin ang mga etiketa ng pagpapayo nang sa gayon maisakatuparan ang mga layon nito at makinabang ang individuwal at ang lipunan mula rito.
Nahahati ang mga etiketa ng pagpapayo sa dalawang bahagi: mga etiketa ng tagapagpayo at mga etiketa ng pinapayuhan.
Ang mga Etiketa ng Tagapagpayo
Ang Pagpapakawagas
Ang Pagtitiis
Ang Pagkamapagkakatiwalaan
Ang Kabaitan
Ang Pagkalihim
Ang Pagkaawa
Ang Pagsasagawa
Ang Kaalaman
Ang Pagkaunawa
Una. Ang mga Etiketang Natatangi sa Tagapagpayo
1. Ang Pagpapakawagas sapagkat kinakailangan sa tagapagpayo na magpakay sa pagpapayo niya ng ikalulugod ng mukha ni Allāh, pagkatapos ay pagbibigay kapakinabangan sa mga tao, at hindi magpakay ng katanyagan o pagpapakitang-tao nang sa gayon matagpuan niya ang pagtutuon sa tama mula kay Allāh, tanggapin ang pagpapayo niya, at mapabuyaan siya dahil dito.
2. Ang pagtitiis dahil siya ay marahil maharap sa perhuwisyo o mangailangan ng pag-uulit-ulit ng payo at pagsubaybay sa pinapayuhan. Nagsabi si Allāh: {maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nagtagubilinan ng katotohanan, at nagtagubilinan ng pagtitiis.} (Qur'ān 103:3)
3. Ang pagkamapagkakatiwalaan at ang pag-uukol ng pagsisikap sa pagpapaabot ng payo sa pinakamagandang paraan gaya ng sinabi ni Hūd (sumakanya ang pangangalaga) sa mga tao niya: {Nagpapaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko, at ako para sa inyo ay isang tagapagpayong pinagkakatiwalaan.} (Qur'ān 7:68)
4. Ang kabaitan sa pinapayuhan at ang pagwaksi ng karahasan at kagaspangan batay sa sabi ni Allāh: {Kaya dahil nga sa awa mula kay Allāh ay nagbanayad ka sa kanila. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nagkahiwa-hiwalay sila mula sa paligid mo.} (Qur'ān 3:159)
5. Ang pagkalihim sa paghahain ng payo nang sa gayon hindi ito magdahilan para sa pinapayuhan ng pagkaasiwa o pagkapahiya. Nagsabi si Imām Ash-Shāfi`īy: "Ang sinumang nangaral sa kapatid niya nang palihim ay nagpayo nga sa kanya at gumayak nga sa kanya at ang sinumang nangaral sa kanya nang hayagan ay nagpahiya nga sa kanya at dumungis nga sa kanya."
6. Ang pagkaawa sa pinapayuhan, ibig sabihin: na ang pagkaawa sa pinapayuhan at ang pagsisigasig sa kapakanan niya ay ang tagapagtulak sa pagpapayo sa kanya gaya ng sinabi ni Allāh: {May dumating na isang lalaki mula sa pinakamalayo ng lungsod, na tumatakbo. Nagsabi ito: "O Moises, tunay na ang pamunuan ay nagpupulong hinggil sa iyo upang patayin ka nila kaya lumisan ka. Tunay na ako para sa iyo ay kabilang sa mga tagapagpayo."} (Qur'ān 28:20)
7. Ang pagsasagawa ng tagapagpayo ng ipinapayo niya sa iba pa sa kanya nang sa gayon siya ay maging praktikal na tinutularan ng pinapayuhan. Nagsabi si Allāh: {Nag-uutos ba kayo sa mga tao ng pagsasamabuting-loob samantalang nakalilimot kayo sa mga sarili ninyo habang kayo ay bumibigkas ng Kasulatan? Saka hindi ba kayo nakapag-uunawa?} (Qur'ān 2:44) Nagsabi pa Siya: {2. O mga sumampalataya, bakit kayo nagsasabi ng hindi ninyo ginagawa? 3. Lumaki sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh na magsabi kayo ng hindi ninyo ginagawa.} (Qur'ān 61:2-3)
8. Ang kaalaman at ang pagkakilala sa ipinapayo nang sa gayon hindi magsadahilan ito ng kaguluhan o kapinsalaan sa pinapayuhan batay sa sabi ni Allāh: {Sabihin mo: "Ito ay landas ko. Nag-aanyaya ako tungo kay Allāh batay sa isang pagkatalos, ako at ang sinumang sumunod sa akin. Kaluwalhatian kay Allāh! Hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal."} (Qur'ān 12:108)
9. Ang pagsasaalang-alang sa kalagayan ng pinapayuhan at lumilitaw iyan sa pagpili ng oras na naaangkop sa pagtanggap niya ng payo at hindi siya tatanggi roon kaya naman hindi maghahain ng payo sa pinapayuhan habang siya ay nasa katindihan ng galit o lungkot o karamdaman.
Ikalawa. Ang mga Etiketang Natatangi sa Pinapayuhan
1.Ang pagtanggap ng payo at ang hindi pagpapakamalaki sapagkat ang Muslim ay nagsisigasig sa nagpapakinabang sa kanya at ang pagtanggi sa payo ay sumasalungat doon, bagkus ito ay kabilang sa mga palatandaan ng pagmamalaki. Nagsabi si Allāh: {Kapag sinabi sa kanya: "Mangilag kang magkasala kay Allāh," tumatangay sa kanya ang kapalaluan dahil sa kasalanan.} (Qur'ān 2:206) May kumaing isang lalaki sa pamamagitan ng kaliwang kamay nito sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo." Kaya nagsabi ang lalaki: "Hindi ko po nakakaya." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ka nawa makakaya." Walang pumigil dito kundi ang pagmamalaki kaya hindi ito nakapag-angat niyon sa bibig nito. Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2021. Ibig sabihin: Naparalisa ang kamay nito kaya hindi ito nakakaya na mag-angat niyon sa bibig nito sa muli.
2. Ang pagsasagawa ng payo. Matapos ng pagtanggap ng payo, nararapat sa pinapayuhan na magpatupad nito sa isang praktikal na reyalidad upang makinabang siya rito sa buhay niya at Kabilang-buhay niya.
3. Ang pagpapakatiyak sa katumpakan ng pananalita ng tagapagpayo. Ito ay kapag ang payo ay hindi nililitawan ng kabutihan o naglalaman ng isang bagay na kataka-taka o namutawi mula sa isang taong marami ang kasamaan, tulad ng ginawa ni Satanas kay Adan at sa maybahay niya (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) yayamang pasinungaling na sumumpa si Satanas na siya ay nagpapayo sa kanilang dalawa. {Nakipagsumpaan siya sa kanilang dalawa: "Tunay na ako para sa inyong dalawa ay kabilang sa mga tagapagpayo."} (Qur'ān 7:21)
Kabilang doon ay ang tagapagpayo ay maging tagapagnais ng kabutihan subalit ang pananalita niya ay sumasalungat sa katotohanan kaya naman hindi nararapat sa pinapayuhan na tumanggap nito ngunit kailangan sa kanya na magpaganda ng pakikitungo sa sinumang nagpayo sa kanya.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghuhulo ako.
Huluhin mo mula sa mga sumusunod na teksto ang mga etiketa ng pagpapayo na ipinahihiwatig nito.
Ang Teksto Ang mga Etiketa ng Pagpapayo
Nagsabi si Luqmān na marunong sa anak niya: {O anak ko, magpanatili ka ng pagdarasal, mag-utos ka ng nakabubuti, sumaway ka ng nakasasama, at magtiis ka sa anumang tumatama sa iyo; tunay na iyon ay kabilang sa pinagpapasyahan sa mga usapin.} (Qur'ān 31:17) Ang Kabaitan at ang Kabanayaran
Nagsabi ang mananampalataya ng mga kampon ni Paraon: {O mga kababayan ko, ano ang mayroon ako na nag-aanyaya ako sa inyo tungo sa kaligtasan samantalang nag-aanyaya kayo sa akin tungo sa Apoy?} (Qur'ān 40:41) Ang Pag-aanyaya Tungo sa Kabutihan at Kaayusan
Ang Pagkalunos, ang Pagkaawa, at Pagsisigasig sa Pagpapakinabang sa Pinapayuhan
Nagsabi si Noe (sumakanya ang pangangalaga) sa mga tao niya: {}O mga tao ko, hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng isang yaman; walang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh.} (Qur'ān 11:29) Ang Pagpapakawagas
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Tunay na si Allāh ay mabait na nakaiibig sa kabaitan at nagbibigay dahil sa kabaitan ng hindi Niya ibinibigay dahil sa karahasan at ng hindi Niya ibinibigay dahil sa iba rito." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6927 at Imām Muslim: 2593. Ang Kabaitan at ang Kabanayaran
Nagsabi si Al-Fuḍayl bin `Iyāḍ: "Ang mananampalataya ay nagtatakip at nagpapayo at ang masamang-loob ay nagbubuko at nagmumura." Ang Pagtatakip at ang Pagkalihim
Aktibidad 2: Tutugon ako.
Sa pamamagitan ng pagmumuni-muni mo sa sabi ni Allāh kina Moises at Aaron (sumakanilang dalawa ang pangangalaga): {43. Pumunta kayong dalawa kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis. 44. Saka magsabi kayong dalawa sa kanya ng isang pagsasabing banayad nang sa gayon siya ay magsasaalaala o matatakot.} (Qur'ān 20:43-44) Tugunin mo ang sumusunod:
1. Bakit nag-utos si Allāh kina Moises at Aaron (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) na magsabi kay Paraon ng isang banayad na salita gayon siya ay isang maniniil?
Dahil sa gayon ay may pagsunod sa mga etiketa ng pagpapayo sapagkat ang kabaitan sa pananalita ay higit na malapit sa pagtanggap ng payo.
2. Ano ang kaugnayan ng utos na iyon sa mga etiketa ng pagpapayo?
Ang kabaitan sa pinapayuhan at ang pagpapakabanayad sa kanya sa pananalita ay kabilang sa mga etiketa ng tagapagpayo.
3. Naisakatotohanan ni Moises (sumakanya ang pangangalaga) ang etiketang natatangi sa tagapagpayo, kaya naisakatotohanan ba naman ni Paraon ang etiketa ng pinapayuhan? Ano ang kinalabasan na inireresulta niyon?
Hindi nagsakatotohanan si Paraon sa etiketa ng pinapayuhan dahil sa pagpapakamalaki niya, pagtanggi niya sa payo, at hindi pagtanggap nito.
Ang resulta ay kasawian ni Paraon, na resulta ng pagpapatuloy niya sa kawalang-pananampalataya.
Aktibidad 3: Magsasalyasay ako ng isang pangyayari.
Makilahok ka sa tatlo sa mga kaklase mo sa pagtatala ng tatlong pangyayaring naglalaman ng pagpapayo alinsunod sa mga sumusunod na hakbangin:
1. Magsasalaysay ang bawat isa sa inyo ng isang pangyayari ng pagpapayo at makikinig doon ang dalawang iba pa.
2. Magbubuod ang dalawang iba pa sa pangyayari kasama ng pagtatala ng mga puna nilang dalawa sa pagkakasakatuparan ng mga etiketa ng pagpapayo sa pangyayaring isinalaysay ng kaklase nilang dalawa.
3. Isasagawa ang pagtipon ng mga puna, ang pagtatalakay sa mga ito, at ang pagtatala sa mga resulta sa sumusunod na talahanayan:
Ang Buod ng Pangyayari ng Pagpapayo 1 2 3 Ang mga Puna: 1 2 3 Porsiyento ng pagkakasakatuparan ng mga etiketa % 1 2 3 Ang Iminumungkahing Panggagamot
1
2
3
Puna: Ang saloobing nagtamo ng higit na mababa sa 70% ay nangangailangan ng isang panggagamot/ Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Nagpapahiwatig sa sabi ni Shu`ayb (sumakanya ang pangangalaga): {Hindi ako nagnanais kundi ng pagsasaayos sa abot ng nakaya ko.} (Qur'ān 11:88) sa:
(layon ng pagpapayo - oras ng pagpapayo - paraan ng pagpapayo).
2. Mahahangong katuturan mula sa sabi ni Al-Fuḍayl (kaawaan siya ni Allāh): "Ang mananampalataya ay nagtatakip at nagpapayo at ang masamang-loob ay nagbubuko at nagmumura."
(ang pananahimik sa mga nakasasama - ang paghahain ng payo sa masamang-loob - ang paglilihim sa pagpapayo).
3. Ang Sabi ni Allāh: {Kapag sinabi sa kanya: "Mangilag kang magkasala kay Allāh," tumatangay sa kanya ang kapalaluan dahil sa kasalanan.} ay isang pagpapahiwatig sa:
(pagmamarangal sa pagpapayo - pagpapakamalaki sa pagpapayo - pagtanggap ng pagpapayo).
Asahan mo ang resulta ng mga sumusunod na payo kasama ng pagbanggit ng kadahilanan ng pag-asa mo.
Ang Pagpapayo Isang binatang nagpapayo sa kaklase niya na iwan nito ang mga droga sa isang mataas na tinig sa harap ng mga tao. Isang gurong nagpapayo sa mag-aaral niya na magsumikap sa pagrerepaso. Isang manggagamot na naninigarilyo na nagpapayo sa isang pasyente na iwan ang paninigarilyo. Isang binatang tumatalima sa mga magulang niya, na nagpapayo sa kapatid niya ng pagsasamabuting-loob sa mga magulang. Isang empleyado na nagpapayo sa hepe niya sa trabaho sa harap ng mga manggagawa. Ang Inaasahang Resulta Tatanggapin. Hindi tatanggapin. Ang Kadahilanan
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Ipaliwanag mo ang kahalagahan ng paglilihim at kabaitan sa paghahain ng payo at ang epekto ng dalawang ito sa pagtanggap ng payo.
2. Humango ka ng patunay sa kahalagahan ng kaalaman at pagsasagawa ng tagapagpayo sa ipinapayo niya.
3. Magbuod ka ng mga etiketa ng pinapayuhan habang naglilinaw sa mga kadahilanan ng pagdududa sa payo at ng kahalagahan ng pagpapakatiyak dito.
4. Ang Katayuan ng Pag-uutos ng Nakabubuti at ang Pagsaway sa Nakasasama
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpaliwanag ka sa kahalagahan ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama;
2. makapaghulo ka sa kahalagahan ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama;
3. makahango ka ng patunay sa kahalagahan ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama;
4. makapaghulo ka sa kahatulan ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama;
5. makapagsadamdamin ka sa panganib ng pagwawaksi sa pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama;
6. makapag-uutos ka ng nakabubuti at makapagsaway ka sa nakasasama.
{Kayo ay pinakamabuting kalipunang pinalabas para sa mga tao. Nag-uutos kayo ng nakabubuti, sumasaway kayo ng nakasasama, at sumasampalataya kayo kay Allāh.}
(Qur'ān 3:110) Pagbulay-bulayan mo ang poster na nasa harapan mo, pagkatapos kumpletuhin mo:
Inangat ni Allāh ang pumapatungkol sa Kalipunan ng Islām at ginawa Niya ito na pinakamabuti sa mga kalipunan dahil ito ay namukod sa iba pa rito na mga kalipunan sa dalawang dakilang bagay na:
1. ____________________
2. ____________________
Ang Kahalagahan ng Pag-uutos ng Nakabubuti at Pagsaway sa Nakasasama
Ang kaayusan ng mga individuwal at mga lipunan ay isang pakay mula sa mga pakay ng Islām. Dahil dito, nagsabatas ang Islām ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama para sa pagsasakatotohanan sa pakay na ito at gumawa ito roon bilang isang saligan mula sa mga saligan nito at bilang isa sa mga kinakailangan sa Muslim. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay ibahin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso – at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 49.
Ang mga Kainaman ng Pag-uutos ng Nakabubuti at Pagsaway sa Nakasasama
Ang Katungkulan ng mga Propeta at mga Sugo
Ang Bigat ng Pabuya
Ilan sa mga Katangian ng Mananampalataya
Kadahilanan Para sa Pagkakaadya at Pagbibigay-kapangyarihan
Pakikibaka sa Landas ni Allāh
Ang Landas ng Kaligtasan at ang Pagpawi sa Pagdurusa
1. Ang Katungkulan ng mga Propeta at mga Sugo
Isinugo ni Allāh ang mga sugo para sa kapatnubayan ng mga tao, pag-aanyaya sa kanila tungo sa mga landas ng katinuan at kabutihan, at pagpapalayo sa kanila buhat sa bawat katiwalian at kasamaan. Ito ay ang pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama. Nagsasabi si Allāh tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {na mga sumusunod sa Sugo na Propetang iliterato, na nakatatagpo sila sa kanya na nakasulat sa ganang kanila sa Torah at Ebanghelyo, na nag-uutos sa kanila sa nakabubuti, sumasaway sa kanila sa nakasasama,} (Qur'ān 7:157)
2. Ang Bigat ng Pabuyang Inireresulta
Nangako si Allāh sa mga tagapag-utos ng nakabubuti at mga tagasaway sa nakasasama ng isang mabigat na pabuya sapagkat nagsabi Siya: {Walang mabuti sa madalas na lihim na pag-uusap nila, maliban sa sinumang nag-utos ng isang kawanggawa o isang nakabubuti o isang pagsasaayos sa pagitan ng mga tao. Ang sinumang gumagawa niyon dala ng paghahangad sa kaluguran ni Allāh ay magbibigay Siya rito ng isang pabuyang sukdulan.} (Qur'ān 4:114)
Ang gantimpala sa pag-uutos ng nakabubuti ay nag-iibayo. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-anyaya tungo sa patnubay ay ukol sa kanya mula sa pabuya ang tulad ng mga pabuya ng mga sumunod sa kanya nang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa mga pabuya nila." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2674.
3. Ilan sa mga Katangian ng Mananampalataya
Naglarawan si Allāh sa mga karapat-dapat sa Paraiso sa pamamagitan ng sabi Niya: {[Sila] ang mga nagbabalik-loob, na mga sumasamba, na mga nagpupuri, na mga nag-aayuno, na mga yumuyukod, na mga nagpapatirapa, na mga nag-uutos sa nakabubuti, na mga sumasaway sa nakasasama, at mga nag-iingat sa mga hangganan ni Allāh. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya.} (Qur'ān 9:112) mga nag-aayuno: mga tagapag-ayuno.
4. Kabilang sa mga Kadahilanan ng Pagbibigay-kapangyarihan sa Kalipunang Islām
Nagsabi si Allāh: {[Sila] ang mga kung nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupa ay magpapanatili ng pagdarasal, magbibigay ng zakāh, mag-uutos ng nakabubuti, at sasaway sa nakasasama. Sa kay Allāh ang [mabuting] kahihinatnan ng mga bagay.} (Qur'ān 22:41)
5. Ang Pinakamainam sa mga Uri ng Pakikibaka sa Landas ni Allāh
May nagtanong ngang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Aling pakikibaka ang pinakamainam?" Nagsabi siya: "Isang salita ng katotohanan sa harap ng isang tagapamahalang nang-aapi." Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'īy: 4209.
6. Ang Landas ng Kaligtasan at ang Pagpawi sa Pagdurusa
Nagsabi si Allāh: {Hindi nangyaring ang Panginoon mo ay ukol magpahamak ng mga pamayanan dahil sa kawalang-katarungan samantalang ang mga mamamayan ng mga ito ay mga tagapagsaayos.} (Qur'ān 11:117) Iyon ay dahil ang mga tagapagsaayos ay ang nagsasagawa ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama. Nagsabi si Allāh: {Kaya noong lumimot sila sa ipinaalaala sa kanila, nagligtas Kami sa mga sumasaway sa kasagwaan} (Qur'ān 7:165)
Ang mga Epektong Inireresulta ng Pagwaksi sa Pag-uutos ng Nakabubuti at Pagsaway sa Nakasasama.
1. Ang Pagbaba ng Pagdurusa at ang Pagtanggi sa Panalangin
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang mag-uutos nga kayo ng nakabubuti at talagang sasaway nga kayo sa nakasasama o talagang magpapalapit nga si Allāh na magpadala sa inyo ng isang parusa mula sa Kanya, pagkatapos dadalangin kayo ngunit hindi tutugon sa inyo." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 2169.
2. Ang Pagtataboy Mula sa Awa ni Allāh
Nagsabi si Allāh: {Isinumpa ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga anak ni Israel} (Qur'ān 5:78) Ang sumpa (curse) ay ang pagtataboy mula sa awa ni Allāh. Ang kadahilanan sa kaparusahang ito: {Iyon ay dahil sumuway sila at sila noon ay lumalabag.} (Qur'ān 5:78) Ang pagsuway nito ay na sila ay: {Sila noon ay hindi nagsasawayan laban sa isang nakasasamang ginawa nila.} (Qur'ān 5:79)
3. Ang Paglaganap ng Kaguluhan at ang Pagkadagdag ng Kasamaan
Ang pagwaksi sa pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga hunghang at mga tagagulo para mamalagi sa kaguluhan nila at nagtutulak sa iba pa sa kanila sa paggaya-gaya sa kanila, kaya naman nadaragdagan dahil doon ang kasamaan at lumalaganap ang mga gawaing pangit sa lipunan. Nagsabi si Allāh: {Kaya bakit kasi hindi nagkaroon mula sa mga salinlahi bago pa ninyo ng mga may tirang [kabutihang] sumasaway sa kaguluhan sa lupa,} (Qur'ān 11:116)
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Maghahambing ako at maghuhulo ako:
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya ay mga katangkilik ng isa't isa sa kanila. Nag-uutos sila ng nakabubuti, sumasaway sila sa nakasasama, nagpapanatili sila ng pagdarasal, nagbibigay sila ng zakāh, at tumatalima sila kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang mga iyon ay kaaawaan sila ni Allāh. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.} (Qur'ān 9:71) Nagsabi pa Siya: {Ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw ay bahagi sila ng isa't-isa. Nag-uutos sila ng nakasasama, sumasaway sila sa nakabubuti, at nagkukuyom sila ng mga kamay nila. Lumimot sila kay Allāh kaya lumimot Siya sa kanila. Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay ang mga suwail.} (Qur'ān 9:67) Bumanggit si Allāh sa mga āyah na ito ng dalawang pangkat, ng saloobin ng bawat pangkat sa pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama, at ng ganti sa bawat pangkat o kaparusahan nito. Linawin mo iyon sa pamamagitan ng kung ano ang hinihiling sa sumusunod na talahanayan:
Ang mga Punto ng Paghahambing Ang mga katangian nila na nasaad sa mga āyah. Ang saloobin nila sa pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama. Ang gantimpala o ang kaparusahan. Ang bunga ng pag-uutos ng nakabubuti. Ang kaparusahan sa pagwaksi sa pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama. Ang Unang Pangkat Nag-uutos sila ng nakabubuti - Sumasaway sila sa nakasasama - Nagpapanatili sila ng ṣalāh at nagbibigay sila ng zakāh - Tumatalima sila kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) Nag-uutos sila ng nakabubuti. Magsasanggalang sa kanila si Allāh. Ang pagtamo ng awa ni Allāh. ___________ Ang Ikalawang Pangkat Nag-uutos sila ng nakasasama at sumasaway sila sa nakabubuti - Nalingat sila sa pag-alaala kay Allāh at lumimot sila sa Relihiyon Niya at Batas Niya Nag-uutos sila ng nakasasama. Kinakalimutan sila ni Allāh at pinababayaan Niya sila bilang paghamak sa kanila. Ang pag-iwan ni Allāh sa tao at ang hindi pagtutuon dito sa tama.
Aktibidad 2: Mag-aanalisa ako at tutugon ako.
Nagsabi si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya): "O mga tao, tunay na kayo ay bumibigkas ng āyah na ito: {O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kapag napatnubayan kayo.} (Qur'ān 5:105) Tunay na kayo ay naglalagay nito sa hindi kinalalagyan nito. Tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Tunay na ang mga tao, kapag nakakita sila ng nakasasama saka hindi sila nagmasama nito, ay nalalapit na maglahat sa kanila si Allāh ng parusa Niya." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud: 4338 at Imām At-Tirmidhīy: 2168. Sa pag-alalay ng kaklase mo, magsagawa ka ng pag-aanalisa sa sabi ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya), pagkatapos tugunin mo ang sumusunod:
1. Ipaliwanag mo ang kasiraan na bumagsak sa ilan sa mga tao sa pagkaintindi sa tinutukoy mula sa marangal na āyah.
Ang kasiraan: Kapag ang tao ay napapatnubayan at nanatiling matuwid sa mga pagtalima, wala sa kanyang kapinsalaan na mag-iwan sa mga ibang tao sa kaguluhan kaya naman hindi siya sumasaway sa kanila sa nakasasama.
2. Papaanong ginamot ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) ang kasiraang ito?
Nilinaw niya sa kanila ang kamalian sa pagkaintindi, pagkatapos nagpaalaala siya sa kanila ng isang patunay sa kaparusahan sa pagwaksi sa pagsaway sa nakasasama.
3. Magmungkahi ka ng mga kaparaanan sa pagpapalaganap ng kultura ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama sa lipunan mo.
Mga Impormasyong Pampagpapayaman:
Ipinapayo ang pagsangguni sa link na ito: https://khaledalsabt.com/explanations/1370/
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Piliin ang tumpak na sagot mula sa nasa pagitan ng mga panaklong:
1. Nagpapahiwatig ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na: "Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay baguhin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya" na ang pagmamasama sa nakasasama ay:
(itinuturing na kaibig-ibig - kinakailangan - pinapayagan).
2. Ang āyah na tumawag-pansin si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) sa kamalian ng ilan sa pagkaintindi rito ay ang sabi ni Allāh:
{mangalaga kayo sa mga sarili ninyo. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kapag napatnubayan kayo.} (Qur'ān 5:105)
{Kaya noong lumimot sila sa ipinaalaala sa kanila, nagligtas Kami sa mga sumasaway sa kasagwaan} (Qur'ān 7:165)
{Walang mabuti sa madalas na lihim na pag-uusap nila, maliban sa sinumang nag-utos ng isang kawanggawa o isang nakabubuti} (Qur'ān 4:114)
3. Kabilang sa pinakamainam sa mga anyo ng pag-uutos ng nakabubuti ay isang salita ng katotohanan sa harap ng:
(pagtitipon ng mga tao - khuṭbah sa Biyernes - tagapamahalang tagalabag ng katarungan).
PANUTO 2: Papaano mong ipakakahulugan:
1. ang pagsumpa ni Allāh sa mga anak ng Israel?
2. ang paggawa ni Allāh sa Kalipunang Islāmiko bilang pinakamabuti sa mga kalipunan?
PANUTO 3: Tugunin ang mga sumusunod na panuto:
1. Magpaliwanag ka ng tatlo sa mga kainaman ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama, kasama ng paglilinaw sa mga patunay ng mga ito.
2. Magbigay-katwiran ka: Ang pagpapabaya sa pagsaway sa nakasasama ay nauuwi sa pagkadagdag ng mga nakasasama.
3. Magsulat ka ng isang artikulo sa limang linya tungkol sa epekto ng pag-uutos ng nakabubuti sa pagsasaayos ng mga lipunan.
5. Ang Fiqh ng Pag-uutos ng Nakabubuti at ang Pagsaway sa Nakasasama
Ang mga Layong Pampamamalakad:
Inaasahan mula sa iyo, mahal kong estudyante, matapos ng araling ito na:
1. makapagpaliwanag ka ng mga etiketa at mga panuntunan ng tagapag-utos ng nakabubuti;
2. makapagpatotoo ka sa kahalagahan ng pagsasaalang-alang sa mga kapakanan at mga katiwalian;
3. makapaglinaw ka sa mga panuntunan ng pagmamasama sa nakasasama;
4. makapagbigay-linaw ka sa mga antas ng pagpapaiba sa nakasasama;
5. makapagsadamdamin ka sa pagkakailangan ng fiqh ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama;
6. makapag-utos ka ng nakabubuti at makasaway ka ng nakasasama alinsunod sa mga panuntunang pambatas.
Hindi naisasakatotohanan ang bunga ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama sa pagsasaayos sa lipunan malibang sa pamamagitan ng pagpapatupad sa mga panuntunan na inilagay ng Sharī`ah. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang sumusunod:
Ang mga Panuntunan ng Pag-uutos ng Nakabubuti at Pagsaway sa Nakasasama.
Ang Pagpapakawagas
Ang Kaalaman
Ang Gawa
Ang Kabaitan
Ang Pagsasaalang-alang sa mga Kapakanan
Una. Ang mga Panuntunan ng Pag-uutos ng Nakabubuti at Pagsaway sa Nakasasama.
Nararapat na mailarawan ang tagapag-utos ng nakasasama at ang tagasaway sa nakasasama ayon sa sumusunod:
1. Ang pagpapakawagas sa layunin para kay Allāh nang sa gayon makatagpo ng pagtutuon sa tama mula kay Allāh at pagtanggap at magtamo ng pabuya/
2. Ang kaalaman sa reyalidad ng ipinag-uutos o sinasaway bilang pagsunod sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang naglarawan sa kanya ang Marangal na Qur'ān sa pagsabi niya: {Sabihin mo: "Ito ay landas ko. Nag-aanyaya ako tungo kay Allāh batay sa isang pagkatalos, ako at ang sinumang sumunod sa akin.} (Qur'ān 12:108)
3. Ang paggawa ng ipinag-uutos at ang pag-iwas sa sinasaway. Nagsabi si Allāh: {Nag-uutos ba kayo sa mga tao ng pagsasamabuting-loob samantalang nakalilimot kayo sa mga sarili ninyo habang kayo ay bumibigkas ng Kasulatan? Saka hindi ba kayo nakapag-uunawa?} (Qur'ān 2:44)
4. Ang kabaitan, ang kabanayaran, at ang pagwaksi sa kagaspangan nang sa gayon hindi lumayo sa kanya ang loob ng mga tao. Nagsabi si Allāh: {Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nagkahiwa-hiwalay sila mula sa paligid mo.} (Qur'ān 3:159)
5. Ang pagsasaalang-alang sa mga kapakanan at mga katiwalian sapagkat kapag ang pag-uutos ng nakabubuti o ang pagsaway sa nakasasama ay magreresulta ng pag-iral ng isang nakasasamang higit na matindi kaysa sa unang nakasasama, hindi pinapayagan sa sandaling iyon ang pag-uutos ng nakabubuti o ang pagsaway sa nakasasama. Ang halimbawa niyon ay na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ay nagnais na patayin ang ulo ng mga mapagpaimbabaw na si `Abdullāh bin Ubayy bin Salūl ngunit pinigilan siya ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi ito sa kanya: "Hayaan mo siya. Hindi magsasalita ang mga tao na si Muḥammad ay pumapatay ng mga Kasamahan niya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 4905 at Imām Muslim: 2584. Kaya pinigilan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagpatay niya nang sa gayon hindi mangamba ang nalalabi sa mga Arabe sa pagpasok sa Islām.
Ang mga Panuntunan ng Paksa ng Pag-uutos at Pagsaway
Ang kapahayagan ay ang nagtatakda ng nakabubuti at nakasasama.
Ang hindi pagmamasama sa mga usapin ng ijtihād.
Ang paglitaw ng nakasasama.
Ang pagpapakatiyak sa pagkaganap ng nakasasama.
Ikalawa. Ang mga panuntunan ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama
Kabilang sa pinakamahalaga sa mga panuntunan sa ipinag-uutos natin sa mga tao at sinasaway natin sa kanila ang sumusunod:
1. Ang kapahayagan ay ang nagtatakda ng nakabubuti at nakasasama kaya naman hindi nagtatakda nito ang mga tradisyon at ang kaugalian.
2. Ang hindi pagmamasama sa mga usapin ng ijtihād. Ang mga ito ay ang hindi naglaman ng isang tekstong hayag mula sa Qur'ān o Sunnah. Hinggil naman sa anumang nagkaiba-iba rito ang mga maalam sa isang pagkakaiba-ibang maisasaalang-alang, pinapayagan dito ang pagpapayo ng pagtanggap sa pahayag na matimbang.
3. Ang paglitaw ng nakasasama, kaya naman walang pagmamasama sa isang bagay na kubli o natatakpan.
4. Ang pagpapakatiyak sa pagkaganap ng nakasasama mula sa tagagawa nito bago magmasama sa kanya.
Ikalawa. Ang mga Antas ng Pagsaway sa Nakasasama
Ang pagmamasama sa nakasasama ay may tatlong antas, na tinakdaan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sabi niya: "Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay ibahin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 49. Sa sumusunod ay ang paglilinaw sa mga antas na ito:
Ang Unang Antas. Ang pagpapaiba sa nakasasama sa pamamagitan ng kamay. Ito ay natatangi sa sinumang may pamamahala o kapamahalaan yayamang nagbigay sa kanya si Allāh ng lakas na magsasailalim para sa kanya ng lahat ng mga nasa ilalim ng kapamahalaan niya. Iyon ay sumasaklaw sa tagapamahala ng estado, hukom sa hukuman nito, komandante sa hukbo nito, tagapangasiwa sa kapakanan nito, at ama sa tahanan nito.
Ang Ikalawang Antas. Ang pagpapaiba sa nakasasama sa pamamagitan ng dila. Iyon ay kapag hindi nagtataglay ang tao ng lakas at kapamahalaan na nagbibigay-kapangyarihan sa kanya sa pagpapaiba sa pamamagitan ng kamay. Ito ay sa pamamagitan ng kaaya-ayang pananalita at magandang pangaral.
Ang Ikatlong Antas. Ang pagpapaiba sa nakasasama sa pamamagitan ng puso. Ito ay ang pinakamahina sa mga antas subalit ito ay lubhang mahalaga sapagkat ito ay kinakailangan sa bawat lalaking Muslim at babaing Muslim at hindi naaalis bilang tungkulin sa alinmang kalagayan. Ito ay dahil sa pagkasuklam niya sa pagsuway sa nakita niya at narinig niya.
Dalawang Katuturan:
Ang Unang Katuturan. Kailangan sa sinumang nakakita ng nakasasama na magsama nito, kahit pa nanaig sa palagay niya na siya ay hindi tutugunin. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: "Nagsabi ang mga maalam (kaawaan sila ni Allāh): Hindi naaalis bilang tungkulin sa naaatangan ng tungkulin ang pag-uutos ng nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama dahil sa pagiging ito ay hindi nagdudulot ng katuturan sa palagay niya, bagkus kinakailangan sa kanya ang magsagawa nito sapagkat tunay na ang paalaala ay nagpapakinabang sa mga mananampalataya."
Ang Ikalawang Katuturan. Hindi isinasakundisyon sa tagapag-utos at tagasaway na siya ay maging kumpleto ang kalagayan, na sumusunod sa ipinag-uutos niya at umiiwas sa sinasaway niya; bagkus na siya ay maging tapat sa pagmamasama niya [sa nakasasama], na nagnanais ng ikalulugod ng mukha ni Allāh.
Ang mga Aktibidad
Aktibidad 1: Mag-aanalisa ako at maghuhulo ako.
Analisahin mo ang mga sumusunod na saloobin, pagkatapos takdaan mo ang antas na kinakailangan na mapabilang sa ilalim nito ang pagmamasama sa nakasasama at linawin mo ang saklaw ng pagkakasang-ayon ng tagasaway o ng pagkakasalungat niya sa antas na ito.
Dalawang Puna:
1. Kinakailangan ang pagtalos sa kaibahan sa pagitan ng pagpapaiba ng nakasasama at ng pagpaparusa sa tagagawa nito sapagkat ang pagpaparusa ay hindi pinapayagan kundi para sa may kapamahalaan.
2. Ang saloobin ay maaaring mapaloloob sa higit sa isang antas.
Ang Saloobin
Nakita ng isang tao ang kapitbahay niya na gumagawa ng isang nakasasama kaya pinalo niya ito ng bakal.
Isang ama na pumalo sa anak niyang umaabot sa edad na sampung taon dahil sa pagtigil nito sa pagsasagawa ng ṣalāh.
Isang imām ng masjid, na nakakita ng isang nagsasagawa ng ṣalāh, na nakaharap sa hindi dako ng qiblah, saka pinakilos niya ito hanggang sa tumapat ito sa qiblah.
Nag-akda ang isang maalam na Muslim ng isang aklat sa pagtugon sa mga nagpaparatang sa Islām ng karahasan at terorismo.
Nakakita ang isang tagapagturo ng ilan sa mga estudyante na humihithit ng mga sigarilyo sa paaralan kaya nagpayo siya sa kanila at kinuha ang mga ito sa kanila.
Nakakita ang mga alagad ng pulisya ng ilan sa mga kriminal habang humaharang ang mga ito sa daan ngunit iniwan nila ang mga ito at lumisan sila.
Ang pagwasak ni Propeta Abraham (sumakanya ang pangangalaga) ng mga anito ng mga tao niya gaya ng isinaysay ng Qur'ān. {Kaya gumawa siya sa mga ito na mga pira-piraso maliban sa isang malaki para sa mga ito nang sa gayon sila tungo rito ay babalik.} (Qur'ān 21:58) Ang antas na kinakailangan na mapabilang sa ilalim nito. Ang kamay. Ang dila. Ang puso. Ang saloobin ng tagasaway sa nakasasama sa antas. Sumang-ayon siya rito. Sumalungat siya rito.
Aktibidad 2: Magbabasa ako at tutugon ako.
Nagsabi si An-Nawawīy: "Kung ito ay naging kabilang sa mga kinakailangang hayag at mga ipinagbabawal na tumanyag gaya ng ṣalāh, ayuno, pangangalunya, alak, at tulad ng mga ito, ang lahat ng mga Muslim ay mga maalam sa mga ito. Kung ito ay naging kabilang sa mga kaliit-liitang detalye ng mga ginagawa at mga sinasabi at kabilang sa nauugnay sa ijtihād, ang madla ay hindi nagkaroon ng mapapasukan dito at hindi ukol sa kanila ang tumanggi rito; bagkus iyon ay ukol sa mga maalam." Sharḥ Ṣaḥīḥ Muslim (Pagbibigay-linaw sa Ṣaḥīḥ Muslim) 2/23. Analisahin mo ang pananalita ni Imām An-Nawawīy alinsunod sa sumusunod na talahanayan:
Ang Kalagayan Kinakailangan mula sa mga kaliit-liitang detalye ng mga usapin. Hayag na bawal. Bawal mula sa mga kaliit-liitang detalye ng mga usapin. Ang Halimbawa ang ṣalāh - ang ayuno - ang ḥajj Ang pagkakarapat-dapat ng babaing anak ng lalaking anak sa ikaanim na bahagi ng mana kasama ng babaing anak - Ang pagmamana ng lolo ng ikaanim na bahagi ng mana sa kalagayan ng kawalan ng ina ang pagpatay - ang pangangalunya - ang pag-inom ng alak Ang pagpapakasal ng babae sa lalaking asawa ng tiyahin sa ama niya o tiyahin sa ina niya - Ang pagpapamana sa pumatay nang sadyaan sa pagmamanahan - Ang pagkain ng jallālah Ang Kahatulan Kinakailangan ang pag-uutos nito sa bawat isa. Ang pag-uutos nito ay nalilimitahan sa mga may kaalaman sa usaping ito. Kinakailangan ang pagsaway rito sa bawat isa. Ang pagsaway rito ay nalilimitahan sa mga may kaalaman sa usaping ito.
Mga Impormasyong Pampagpapayaman ng Gabay ng Tagapagturo
Ang nakasasamang umiiral sa kasalukuyan ay may tatlong kalagayan:
Ang Unang Kalagayan. Na siya ay umaasa gaya ng binata na bumabalik-balik nang makailang ulit sa mga palengke ng mga babae at nagtutuon ng paningin sa isang babae mismo, o gaya ng isang binatang tumatayo sa bawat araw sa tabi ng pinto ng paaralan ng mga babae at nagtutuon ng paningin sa kanila, o gaya ng nakikipag-usap sa telepono sa kalye sa isang mataas na tinig sa isang babae at nagtatangka na makaugnay sa babae sa isang tipanan, o nagtatanong nang madalas tungkol sa pamamaraan ng paggawa ng alak. Kailangan sa tagapag-utos ng nakabubuti at tagasaway sa nakasasama sa mga kalagayang ito ang pangangaral, ang pagpapayo, ang paggabay, at ang pagpapangamba sa pamamagitan ni Allāh sa pagdurusang dulot Niya at hagupit Niya.
Ang Ikalawang Kalagayan. Na ang tagagawa ng nakasasama ay nasasangkot dito, gaya ng nakaupo habang sa harapan niya ay may kopa ng alak na iniinuman niya, o gaya ng nagpapasok ng isang babaing estranghera sa tahanan niya at isinara niya ang pinto para sa kanilang dalawa, at tulad niyon. Sa kalagayang ito, kinakailangan sa tagapag-utos ng nakabubuti at tagasaway sa nakasasama ang pagmamasama sa kanya at ang pagsaway sa kanya roon hanggat siya ay nakakakaya sa pag-aalis ng nakasasama at hindi siya nangamba para sa sarili niya ng isang pinsala o isang perhuwisyo.
Ang Ikatlong Kalagayan. Na ang tagagawa ng nakasasama ay nakagawa na nito at tumigil na rito. Walang natira kundi ang mga bakas nito, gaya ng uminom ng alak at nanatili ang mga bakas nito sa kanya, o gaya ng nakilala na siya ay walang asawa at may lumabas sa bahay niya na isang babaing estranghera para sa kanya, at tulad niyon. Sa kalagayang ito, hindi na nagkaroon ng oras para sa pagsaway o pagpapaiba. Tanging ang naririyan ay ang pangangaral at ang pagsaway at isang puwang para sa pagparusa at pagganti sa paggawa ng pagsuway. Ang bagay na ito ay hindi kabilang sa pumapatungkol sa tagapag-utos ng nakabubuti at tagasaway sa nakasasama: ang mutaṭawwi`. Ito lamang ay kabilang sa pumapatungkol sa nakatalaga sa pamamahala o kahalili niya. Kaya isasampa ang usapin niya sa tagapamahala upang magpalabas kaugnay rito ng kahatulang sumasang-ayon sa Batas, kalakip ng pagtawag-pansin sa pagtatakip sa hindi naglalantad ng kasalanan o sa sinumang hindi nakilala sa kasuwailan, kalakip ng pangangaral at pagpapangamba.
Ang Pagtatasa (Assessment)
PANUTO 1: Maglagay ng tanda na (✓) sa harapan ng tumpak na parirala at ng tanda na (X) sa harapan ng maling pararila sa sumusunod:
1.Itinuturing na kaibig-ibig para sa tagapag-utos ng nakabubuti na magpakawagas sa layunin para kay Allāh. (X)
Ang pagpapakawagas ay kinakailangan.
2. Ang pagmamasama sa nakasasama sa pamamagitan ng puso ay isang tungkulin ng individuwal para sa lahat ng mga Muslim. (✓)
3. Kinakailangan ang pagmamasama sa nakasasama sa tagasalungat ng madhhab ng tagapag-utos ng nakabubuti. (X)
Hindi kinakailangan ang pagmamasama sa tagasalungat ng madhhab ng tagapag-utos ng nakabubuti.
4. Ang pagpapaiba sa pamamagitan ng kamay ay pinakadakila sa mga antas ng pagpapaiba sa nakasasama. (✓)
5.Isinasakundisyon ang paglitaw ng nakasasama at ang pagkaganap nito sa oras ng pagmamasama. (✓)
6. Ipinagbabawal ang pagmamasama sa nakasasama kapag magreresulta rito ang pagkaganap ng isang nakasasamang higit na matindi. (✓)
7. Kinakailangan ang pagmamasama sa mga sumasalungat sa mga tradisyon ng lipunang sibilisado. (X)
Hindi kinakailangan ang pagmamasama sa mga sumasalungat sa mga tradisyon ng lipunang sibilisado.
PANUTO 2: Tugunin mo ang mga sumusunod na panuto:
1. Ayon sa liwanag ng napag-aralan mo, magpaliwanag ka ng tatlo sa mga etiketa ng tagapag-utos ng nakabubuti, kasama ng paglilinaw sa mga patunay ng mga ito.
2. Magpatotoo ka sa kahalagahan ng pagsasaalang-alang sa mga kapakanan at mga katiwalian sa pagpapaiba sa nakasasama, kasama ng pagbanggit sa isang halimbawa roon.
3. Sa tatlong linya, linawin mo ang mga negatibong epekto sa kawalan ng pagkaintindi sa pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama.
4. Bigyang-linaw mo ang mga antas ng pagmamasama sa nakasasama, kasama ng paglilinaw sa mga mayroong kapamahalaan sa pagmamasama sa pamamagitan ng kamay.