Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

4 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Ang tagapagpunyagi para sa balo at maralita ay gaya ng nakikibaka sa landas ni Allāh o nagdarasal sa gabi na nag-aayuno sa maghapon."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang mga gawain ay anim at ang mga tao ay apat. [Sa mga gawain] mayroong dalawang tagapag-obliga [ng Paraiso at Impiyerno], mayroong isang tulad katumbas ng isang tulad, mayroong isang maganda katumbas ng sampung tulad nito, at mayroong isang maganda katumbas ng pitong daan. Hinggil sa dalawang tagapag-obliga, ang sinumang namatay nang hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang namatay nang nagtatambal kay Allāh nang anuman ay papasok sa Impiyerno. Hinggil naman sa isang tulad katumbas ng isang tulad, ang sinumang nagbalak ng magandang gawa hanggang sa makaramdam nito ang puso niya at makaalam nito si Allāh mula sa kanya ay may itatala para sa kanya na isang maganda at ang sinumang gumawa ng masagwa ay may itatala laban sa kanya na masagwa. [Hinggil naman sa ikalima,] ang sinumang gumawa ng isang gawa ay tutumbasan ng sampung tulad nito. [Hinggil naman sa ikaanim,] ang sinumang gumugol ng isang paggugol sa landas ni Allāh ay may magandang gawa katumbas ng pitong daang maganda. Hinggil naman sa mga tao; may paluluwagan sa Mundo, na gigipitin sa Kabilang-buhay; may gigipitin sa Mundo, na paluluwagan sa Kabilang-buhay; may gigipitin sa Mundo at Kabilang-buhay; at may paluluwagan sa Mundo at Kabilang-buhay."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
"Ang pinakamainam na salaping ginugugol ng lalaki ay salaping ginugugol niya sa mag-anak niya, salaping ginugugol ng lalaki sa sasakyang hayop niya sa landas ni Allāh, at salaping ginugugol niya sa mga kasamahan niya sa landas ni Allāh." Nagsabi si Abū Qilābah: "Nagsimula siya sa mag-anak." Pagkatapos nagsabi pa si Abū Qilābah: "Aling lalaki ang higit na mabigat sa pabuya kaysa sa isang lalaking gumugugol sa mag-anak na mga bata, na pumipigil sa kanila [sa panghihingi], o nagpapakinabang sa kanila si Allāh sa pamamagitan nito at nagpapayaman Siya sa kanila."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Hindi kayo papasok sa Paraiso hanggang sa sumampalataya kayo at hindi kayo sumampalataya hanggang sa mag-ibigan kayo. Hindi ba ako magtuturo sa inyo ng isang bagay na kapag ginawa ninyo ito ay mag-iibigan kayo? Ipalaganap ninyo ang [pagbati ng] salām sa pagitan ninyo."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.