Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

4 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Ang mga orasyon, ang mga agimat, at ang gayuma ay Shirk."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Maglagay ka ng kamay mo sa nananakit na bahagi ng katawan mo. Magsabi ka ng: Bismi -llāh (sa ngalan ni Allāh) nang makatatlo. Magsabi ka nang pitong ulit ng: A`ūdhu bi-­llāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu wa-uḥādhir (Nagpapakupkop ako kay Allāh at sa kapangyarihan Niya laban sa kasamaan ng nararamdaman ko at pinangingilagan ko)."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Ang sinumang dumalaw sa isang maysakit na hindi pa dumating dito ang taning nito, saka nagsabi sa piling nito ng pitong ulit: "As’alu -llāha ­-l`aḍ̆īma rabba ­-l`arshi -­l`aḍ̆īmi an yashfiyak. (Hinihiling ko kay Allāh, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan, na pagalingin ka nawa Niya)"}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
"Talagang ibibigay ko nga ang watawat na ito bukas sa isang lalaking mananaig si Allāh sa pamamagitan ng mga kamay niya. Umiibig siya kay Allāh at sa Sugo Nito at umiibig sa kanya si Allāh at ang Sugo Nito." Kaya minagdamag ang mga tao na nag-iisip-isip sa gabi nila kung alin sa kanila ang bibigyan niyon. Noong inumaga ang mga tao, pumunta sila sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Ang bawat isa sa kanila ay umaasa na bigyan niyon. Nagsabi ito: "Nasaan si `Alīy bin Abī Ṭālib?" Sinabi: "Siya, O Sugo ni Allāh, ay naghihinaing ng mga mata niya." Nagsabi ito: "Magsugo kayo papunta sa kanya." Kaya dinala siya saka dumura ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga mata niya at dumalangin ito para sa kanya saka gumaling siya hanggang sa para bang hindi siya nagkaroon ng isang hapdi. Ibinigay nito sa kanya ang watawat. Kaya nagsabi si `Alīy: "O Sugo ni Allāh, makikipaglaban ako sa kanila hanggang sa sila ay maging tulad natin?" Kaya nagsabi ito: "Humayo ka ayon sa paghihinay-hinay mo hanggang sa makababa ka sa larangan nila. Pagkatapos mag-anyaya ka sa kanila tungo sa Islām at magpabatid ka sa kanila ng kinakailangan sa kanila mula sa karapatan ni Allāh dito; sapagkat sumpa man kay Allāh, ang magpatnubay si Allāh sa pamamagitan mo ng iisang tao ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa magkaroon ka ng mga pulang kamelyo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.