Skip to content

Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nasa pulpito: "Ano po sa tingin mo ang salah sa gabi?" Nagsabi siya: "Dala-dalawahang [rak`ah];

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):

Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nasa pulpito: "Ano po sa tingin mo ang salah sa gabi?" Nagsabi siya: "Dala-dalawahang [rak`ah]; ngunit kapag natakot siya na umabot sa madaling-araw, magdarasal siya ng iisang rak`ah saka magiging witr para sa kanya ang dinasal niya." Tunay na siya noon ay nagsasabi: "Gawin ninyo ang kahuli-hulihan sa salah ninyo bilang witr. Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos nito.}

سَأَلَ رَجُلٌ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ وَهُوَ عَلَى المِنْبَرِ، مَا تَرَى فِي صَلاَةِ اللَّيْلِ، قَالَ: «مَثْنَى مَثْنَى، فَإِذَا خَشِيَ الصُّبْحَ صَلَّى وَاحِدَةً، فَأَوْتَرَتْ لَهُ مَا صَلَّى» وَإِنَّهُ كَانَ يَقُولُ: «اجْعَلُوا آخِرَ صَلاَتِكُمْ وِتْرًا» فَإِنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَمَرَ بِهِ.

Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nagtatalumpati sa ibabaw ng pulpito: "O Sugo ni Allāh, nagturo ka sa akin kung papaano akong magsasagawa ng kusang-loob na ṣalāh sa gabi?" Nagsabi naman siya: "Magsasagawa ka ng ṣalāh at magsasagawa ka ng taslīm sa bawat dalawang rak`ah; ngunit kapag nangamba ka na umabot sa pagsapit ng madaling-araw, magdasal ka ng isang rak`ah na magiging witr para sa iyo ang dinasal niya." Tunay na siya noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtatagubilin na gawin ang kahuli-hulihan sa ṣalāh sa gabi bilang witr.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang batayang panuntunan sa pagsasagawa ng kusang-loob na ṣalāh sa gabi ay na magsagawa ng taslīm sa bawat dalawang rak`ah sa hindi witr.

Ang kusang-loob na ṣalāh sa gabi ay hindi nalilimitahan ng bilang ng rak`ah dahil sa pagkawalang-pasubali ng pagkakasambit.

Nagsabi si An-Nawawīy: "ang ṣalāh sa gabi ... dala-dalawahang [rak`ah]" Ang ḥadīth na ito ay itinutukoy sa paglilinaw ng pinakamainam. Ito ay magsagawa ng taslīm sa bawat dalawang rak`ah. Maging sa mga kinukusang-loob sa gabi at maghapon, isinasakaibig-ibig na magsagawa siya ng taslīm sa bawat dalawang rak`ah.

Nagsabi si An-Nawawīy: Dito ay may patunay na ang Sunnah ay gumawa sa witr na kahuli-hulihan sa kusang-loob na ṣalāh sa gabi at na ang oras nito ay lumalabas sa pagsapit ng madaling-araw. Ito ang tumanyag sa doktrina natin at nagsabi nito ang mayoriya ng mga maalam.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (1/ 102) (472).

Ṣaḥīḥ Muslim (1/ 517) (751).

Ang Karagdagan (8)

إرشاد الساري لشرح صحيح البخاري.

لابن حجر(1/ 456).

توضيح الأحكام مِن بلوغ المرام.

لعبد الله البسام (2/ 394).

فتح ذي الجلال والإكرام شرح بلوغ المرام.

لابن عثيمين (2/ 233).

تيسير العلام شرح عمدة الأحكام.

لعبد الله البسام (ص217).