Nagsabi ang tagapag-akdang si Shaykh Al-Islām Muḥammad bin `Abdilwahhāb – kaawaan siya ni Allāh: Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain Kabilang sa pinakakahanga-hanga sa mga kahanga-hanga at pinakamalaki sa mga tanda na nagpapatunay sa kakayahan ni Allāh na Haring Paladaig ang Anim na Saligan na nilinaw Niya (napakataas Siya) sa isang maliwanag na paglilinaw para sa madla higit sa anumang ipinagpapalagay ng mga tagapagpalagay. Pagkatapos matapos nito, may nagkamali kaugnay sa mga ito na marami sa mga matalino ng Mundo at mga mapag-unawa ng mga anak ni Adan maliban sa…
Nagsabi ang tagapag-akdang si Shaykh Al-Islām Muḥammad bin `Abdilwahhāb – kaawaan siya ni Allāh:
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Kabilang sa pinakakahanga-hanga sa mga kahanga-hanga at pinakamalaki sa mga tanda na nagpapatunay sa kakayahan ni Allāh na Haring Paladaig ang Anim na Saligan na nilinaw Niya (napakataas Siya) sa isang maliwanag na paglilinaw para sa madla higit sa anumang ipinagpapalagay ng mga tagapagpalagay. Pagkatapos matapos nito, may nagkamali kaugnay sa mga ito na marami sa mga matalino ng Mundo at mga mapag-unawa ng mga anak ni Adan maliban sa kaunti.
Ang Unang Saligan
Ang pagpapakawagas sa relihiyon para kay Allāh (napakataas Siya) – tanging sa Kanya nang walang katambal para sa Kanya – ang paglilinaw sa salungat dito na siyang ang pagtatambal kay Allāh, at ang pagiging ang pinakamaraming bahagi ng Qur'ān ay kaugnay sa paglilinaw ng saligang ito sa sarisaring paraan sa pamamagitan ng pananalitang naiintindihan ng pinakatunggak sa madla. Pagkatapos yayamang nangyari sa pinakamarami sa Kalipunan [ng Islām] ang nangyari, pinalitaw sa kanila ng demonyo ang pagpapakawagas [kay Allāh] bilang nasa anyo ng pagmamaliit sa mga taong maayos at pagpapakulang sa mga karapatan ng mga ito at pinalitaw pa nito sa kanila ang pagtatambal kay Allāh bilang nasa anyo ng pag-ibig sa mga taong maayos at mga tagasunod ng mga ito.
Ang Ikalawang Saligan
Nag-utos si Allāh ng pagkakaisa sa Relihiyon at sumaway ng pagpapakahati-hati rito sapagkat naglilinaw si Allāh nito sa isang paglilinaw na nakasisiya, na maiintindihan ng mga madlang-tao. Sumaway Siya sa atin na tayo ay maging gaya ng mga nagpakahati-hati at nagkaiba-iba bago natin kaya napahamak sila. Bumanggit Siya na Siya ay nag-utos sa mga Muslim ng pagkakaisa sa Relihiyon at sumaway sa kanila laban sa pagpapakahati-hati rito. Nakadaragdag dito ng kaliwanagan ang sinambit ng mga dila mula sa kahanga-hangang hinahangaan.Pagkatapos ang usapin ay humantong sa [punto] na ang pagkahati-hati sa mga saligan ng Relihiyon at mga sangay nito ay ang kaalaman at ang pagkaunawa sa Relihiyon. Ang pagkakaisa sa Relihiyon ay naging walang nagsasabi nito maliban sa isang erehe at isang baliw!
Ang Ikatlong Saligan
Tunay na bahagi ito ng kalubusan ng pagkakaisa ang pagdinig at ang pagtalima sa sinumang namuno sa atin kahit pa man siya ay isang aliping Etyopiyo sapagkat naglinaw si Allāh nito sa isang paglilinaw na laganap at nakasasapat sa pamamagitan ng mga anyo ng mga uri ng paglilinaw sa batas at sa kahalagahan. Pagkataos ang saligang ito ay naging hindi nakikilala sa ganang higit na marami sa mga nag-aangkin ng kaalaman kaya papaano na ang pagsasagawa rito?
Ang Ikaapat na Saligan
Ang paglilinaw sa kaalaman at mga `ālim (maaalam) at sa pagkaunawa at mga faqīh (mapag-unawa ng batas) at ang paglilinaw sa mga nagpakawangis sa kanila gayong hindi naman kabilang sa kanila. Naglinaw nga si Allāh ng saligang ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah mula sa sabi Niya:{O mga anak ni Israel, alalahanin ninyo ang biyaya Ko na ibiniyaya Ko sa inyo at magpatupad kayo sa kasunduan sa Akin, magpapatupad Ako sa kasunduan sa inyo. Sa Akin ay mangilabot kayo.}(Qur'ān 2:40)hanggang sa sabi Niya:{O mga anak ni Israel, alalahanin ninyo ang biyaya Ko na ibiniyaya Ko sa inyo, at na Ako ay nagtangi sa inyo higit sa mga nilalang.}(Qur'ān 2:47)
Nakadaragdag dito ng kaliwanagan ang tahasang binanggit ng Sunnah kaugnay sa maraming malinaw na maliwanag na pananalitang ito para sa madlang tunggak. Pagkatapos ito ay naging ang pinakakataka-taka sa mga bagay-bagay at ang kaalaman at ang pagkaunawa ay naging ang mga bid`ah at ang mga kaligawan. Ang mga pinakamabuti sa nasa ganang kanila ay ang pagkamalan ang kabulaanan bilang ang katotohanan.Ang kaalaman na isinatungkulin ni Allāh (napakataas Siya) sa nilikha at ipinagbunyi Niya ay walang bumibigkas nito kundi isang erehe o isang baliw. Ang sinumang tumutol dito, umaway rito, at umakda kaugnay sa pagbibigay-babala laban dito at pagsaway rito ay naging ang mapag-unawang maalam.
at ang isang talata mula sa Kabanatang Yūnus, ang sabi Niya:{Pansinin, tunay na ang mga katangkilik ni Allāh ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.}(Qur'ān 10:62)Pagkatapos ang usapin sa ganang higit na marami sa mga nag-aangkin ng kaalaman, na kabilang daw sa mga tagapagpatnubay ng nilikha at mga tagapag-ingat ng Batas, ay umabot sa [punto] na ang mga katangkilik [ni Allāh] ay naging hindi raw maiiwasan sa kanila na mag-iwan ng pagsunod sa mga sugo at ang sinumang sumunod sa mga ito ay hindi raw kabilang sa kanila, naging hindi raw maiiwasan na mag-iwan ng pakikibaka saka ang sinumang nakibaka ay hindi raw kabilang sa kanila, at naging hindi raw maiiwasan na mag-iwan ng pananampalataya at pangingilag magkasala saka ang sinumang nangalaga sa pananampalataya at pangingilag magkasala ay hindi raw kabilang sa kanila. O Panginoon namin, humihingi kami sa Iyo ng paumanhin at pagkapangalaga; tunay na Ikaw ay ang Madinigin sa panalangin.
Ito ang wakas. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Basbasan ni Allāh ang Pinuno nating si Muḥammad, ang mag-anak nito, at ang mga Kasamahan nito, at pangalagaan Niya nang maraming pangangalaga hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.
Si Imām Muḥammad bin `Abdulwahhāb, ang Pag-anyaya Niya at Talambuhay Niya.
11 wika
Si Imām Muḥammad bin `Abdulwahhāb, ang Pag-anyaya Niya at Talambuhay Niya.
Pag-aakda ni `Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Basbasan ni Allāh, pangalagaan Niya, at biyayaan Niya ang Lingkod Niya, ang Sugo Niya, at ang pinili Niya mula sa nilikha Niya, ang Ginoo natin at ang Pinuno natin na si Muḥammad bin `Abdullāh, at gayon din ang mga Kasamahan niya at ang sinumang nakipagtangkilikan sa kanya. Hinggil sa matapos niyon, O mga mainam na kapatid, O mga mahal na anak, ang pinaikling panayam na ito ay inihahandog ko sa harapan ninyo bilang pagbibigay-liwanag sa mga isip, bilang pagpapaliwanag sa mga…
هذا الكتاب هو متن صغير أساسي يبين فيه التوحيد والدين والنبوة، يبين هذه المعاني الثلاثة الأساسية المهمة في فهم العقيدة، وفي دراستها دراسة سليمة وصحيحة.
وهو كتاب مختصر، لكنه كتاب مبارك؛ لأنه سهل العبارة ومركز وموجه، وليس فيه أي تعقيد أو إشكالات.
فالإنسان بمجرد أن يقرأ الكتاب يستطيع أن يفهمه، ويستطيع أن يعرف المعاني المتضمنة فيه.
هذا الكتاب قبل أن يبدأ الشيخ في الأصول الثلاثة قدم لذلك بأربعة مسائل، ثم بعد ذلك بثلاثة مسائل أخرى، ثم شرع في الأصول الثلاثة، وهي التي يجب على كل مسلم أن يتعلمها، وهي التي يسأل عنها العبد في قبره: من ربك؟ وما دينك؟ ومن نبيك؟
ألفها رحمه الله للمبتدئين واجتهد في تسهيلها واختصارها حتى خرجت بأحسن حلة وأعظم فائدة؛ يفهم بها الصغير، ولا يستغني عنها الكبير فعم نفعها، وكثر خيرها؛ لعظم قدر موضوعاتها وشرف محتواها.
Panimula ng Aklat Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan. Sa pagsisimula, Nasa harapan mo, mahal kong mag-aaral, ang Unang Aklat mula sa mga silabus ng Nibras, ang mga pampagtuturong silabus na iyon na naglalayon ng pagpapakilala sa Muslim ng mga pundasyon ng pananampalataya, mga kabuuan ng mga patakaran, at mga masaklaw sa mga etiketang pang-Sharī`ah; pagtatatag ng isang Islāmikong matatag na edukasyon; at pagbuo ng personalidad ng mag-aaral…
رسالة لطيفة تتناول أصول العقيدة الإسلامية بأسلوب مبسط وميسر. تبدأ بمقدمة حول أهمية علم التوحيد، كونه أشرف العلوم وأجلّها، ثم تتناول مفهوم الدين الإسلامي وأركانه الخمسة: الشهادتان، والصلاة، والزكاة، والصوم، والحج. كما يشرح الإيمان بالله، وملائكته، وكتبه، ورسله، واليوم الآخر، ويؤكد على أهمية التوحيد في بناء دين المسلم بشكل سليم.
الكتاب يهدف إلى تعزيز الفهم الصحيح للعقيدة الإسلامية وتطبيقها في حياة المسلم اليومية.